Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya.
Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleisha roon habang nakamasid sa nakaparadang kotse. "Bakit hindi pa bumaba ang kung sino mang nasa loob?" naiinip na tanong ni Aleisha sa kawalan. Nalipat ang tingin niya sa may bukana ng bahay nila dahil nakita niya mula sa loob si Sophia. Nakapostura ito at inayos ang buhok bago naglakad papalabas. At ganoon na lamang ang pagkagulat ni Aleisha nang makita ang lalakeng bumaba mula sa loob ng sasakyan. Walang iba kung hindi si Raphael Arizcon! May hawak pa itong isang pumpon ng pulang mga rosas at inilahad sa harapan ni Sophia. Tinanggap naman iyon ni Sophia habang kiming ngumiti. "Ang ganda naman nito." Kaagad namang inilingkis ni Sophia ang kamay sa braso ni Raphael. Iginiya siya nito sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto at umikot para sumakay na rin. Ilang saglit pa ay umaandar na ang sasakyan. Isiniksik pa lalo ni Aleisha ang sarili sa may halamanan nang dumaan sa harapan niya ang sasakyan. Magkahalong kaba at pagtataka ang nararamdaman niya ngayon. Ibig sabihin ay nagsasabi ng totoo si Raphael na may nais siyang pakasalan. At iyon ay si Sophia! Ibig sabihin din ay may relasyon ang dalawa. Kung ganoon ay hindi na naghihirap ang pamilya niya. Pero bakit binenta pa rin siya ni Amanda? Ang daming pumapasok na mga tanong sa isipan ni Aleisha. Nalilito na siya sa mga pangyayari. Kung totoo ngang may relasyon ang dalawa ay hindi totoong nalulugi na ang negosyo nila. Kung ganoon ay nasa mabuting kalagayan naman pala sila. Pero bakit naging kaawa-awa ang buhay nila ng kapatid niya? Naikuyom niya ang kanyang palad. "Hindi. Hindi ko hahayaang maging maayos ang buhay ninyo!" ----- Isang romantikong restaurant ang pinasukan nina Raphael at Sophia. Bukod sa may mga kandila at mamahaling mga kagamitan sa pagkain sa mesa ay may live band pa na tumutugtog. Magkaharap na nakaupo ang dalawa. Personal na nilagyan ni Raphael ang kopita ni Sophia ng mamahaling red wine. "Magiging maayos din ang lahat. Sa loob ng ilang araw ay mapapawalang bisa na rin ang kasal na iyon. Kaunting hintay pa." Napakagat-labi si Sophia at hindi mapigilang mapaluha. "B-Bakit?" nagtatakang tanong ni Raphael sa dalaga. "Hindi ka ba masaya?" "Hindi sa ganoon," malumanay na saad ni Sophia pero sa kaloob-looban nito ay nagdidiwang na ang kanyang puso. "Naiiyak ako sa tuwa." Inilahad ni Sophia ang palad sa harap ni Raphael. "Sumayaw tayo at magdiwang." Pinalaking maginoo si Raphael kaya hindi niya ugali ang tumanggi sa mga ganoong bagay. Isa pa, babae na mismo ang nagkusa. Tumango si Raphael. "Okay." Nasa gitna na sila ng dance floor at malumanay na sinabayan ang mahinahong musika. Napaangat ng tingin si Sophia dahil matangkad si Raphael. "Pwede bang magpakasal na tayo kaagad kapag napawalang bisa na ang kasal mo na iyon?" Kumunot ang noo ni Raphael at bahagyang napaisip. Hindi pa lubusang magaling ang kanyang abuelo. Kapag nalaman nitong nagpakasal siyang muli ay mas lalo nitong ikasasama ng loob iyon. Gayong si Aleisha ang gusto nitong pakasalan niya. Napansin naman ni Sophia na natigilan saglit si Raphael kaya naman ay nagsalita siyang muli. "Sabi kasi ni Mama, masyadong maraming gagawin kapag magpapakasal..." "Okay lang iyan," wala sa sariling sagot ni Raphael. "Sabihin mo sa mama mo na si Joaquin na ang bahala sa lahat kaya huwag na siyang mamroblema." Si Joaquin naman ang umaayos sa lahat. Ang gusto ni Raphael ay maging masaya si Sophia kaya niya iyon nasabi. Natuwa naman si Sophia kaya ang mga kamay nitong nasa dibdib lang ni Raphael ay napunta sa leeg nito. Tumingkayad pa siya para maabot nito ang labi ni Raphael. Naintindihan naman ni Raphael ang gustong mangyari ng dalaga kaya pinagbigyan niya ito. Gamit ang hintuturo ay inangat niya ang baba ni Sophia. Naramdaman niya kaagad ang makapal na foundation na gamit nito. Nang malapit nang maglapat ang kanilang mga labi ay na amoy naman kaagad ni Raphael ang gamit nitong lipstick pati na rin ang matapang nitong pabango. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naging kakaiba ang nararamdaman ni Raphael. Naalala niyang hindi naman ganito ang pakiramdam niya nang gabing iyon. Maaaring isang buwan na ang nakalipas pero presko pa sa isipan niya ang mga nangyari nang gabing iyon. Naalala niya rin na wala namang gamit na make up ang babaeng nakaniig niya nang gabing iyon. Wala ring gamit na pabango pero ang natural na bango ng balat nito ay tumatak na sa kanyang pang-amoy. Hindi nagtagal ay nahinto ang tugtog. Kaagad na kumalas si Raphael at bahagyang lumayo kay Sophia. "Tayo na at baka lumamig na ang pagkain." Napamulat naman kaagad si Sophia ng mga mata. At tanging likod na lang ni Raphael ang naabutan niya. Lihim siyang napamura. "Bakit kasi biglang tumigil ang tugtog? Malapit na sana kaming maghalikan!" Wala nang nagawa pa ang dalaga at bumalik sa mesa nila. ---- Ilang araw na rin ang nakalipas at oras na para magharap muli sina Aleisha at Raphael para sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal. Ilang araw na ring hindi umuuwi si Aleisha sa kanyang apartment at dito nakikitulog kay Michelle. Maagang naghanda para sa trabaho si Michelle samantalang nakatihaya pa si Aleisha sa kama. Tinaasan ni Michelle ng kilay si Aleisha. "Hindi ba at may asikasuhin ka ngayon kaya nagpaiba ka ng shift?" "Oo..." matamlay na sagot ni Aleisha sa kaibigan."Mauna ka na at aalis din ako maya-maya." "Sige, mauna na ako. Tumayo ka na riyan at kumilos," sabi pa ni Michelle at iniwan na siya nito. Nang makaalis na si Michelle ay hindi pa rin kumilos si Aleisha. Wala naman talaga siyang aasikasuhin na mahalagang bagay para maghanda siya nang maaga. Nakapagdesisyon na siya. Ilang oras ang nakalipas ay tumunog ang kanyang telepono. Wala siyang ibang tawag na inaasahan ngayon maliban sa tawag ni Joaquin. Sa kabilang banda ay nakatayo sa labas ng city hall si Raphael. Hawak ang isang envelope na naglalaman ng mga papeles para sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal ni Aleisha at ang isang sobre naman na naglalaman ng malaking halaga. Kahit pa sabihing ayaw ni Raphael kay Alesiha ay alam niya namang niligtas ng nanay nito ang buhay ng kanyang abuelo. Isa pa ay wala lang sa kanya ang perang ibibigay. Ilang ring lang ay sumagot naman kaagad si Aleisha sa kanyang tawag. "Nasaan ka na? Bakit wala ka pa rito? Na-traffic ka ba? Ipapasundo na lang kita riyan." Bahagyang nagulat naman si Aleisha dahil mismong si Raphael pala ang kausap niya mula sa kabilang linya. Ganoon pa man ay nilakasan niya ang loob. Ngayon pa lang ay nakokonsensya na siya sa sasabihin. Pero kailangan niyang gawin ito. Huminga nang malalim si Aleisha bago nagsalita. "Hindi ako makikipag-divorce." "Anong sabi mo?" naguguluhang tanong ni Raphael. Akala niya pa ay guni-guni niya lang ang narinig dahil sa wala siyang maayos na tulog kagabi. "Hindi ako makikipag-divorce." Kinakabahan man ay inulit niya pa rin ang sinabi. Nararamdaman niyang sisigawan na siya ni Raphael. Nahilot ni Raphael ang sentido. Dinig na dinig na ang sinabi ni Aleisha. Klarong-klaro ang bawat salitang binitawan nito. Kalmado siyang nagsalita. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Nakipagkasundo ka na sa akin, baka nakakalimutan mo iyon?" Walang narinig na sagot si Raphael kaya hindi niya napigilang mapasigaw. "Saan ka nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyan! Pumunta ka ngayon dito kung ayaw mong may pagsisihan sa huli!" Inaasahan naman ni Aleisha na ganito ang magiging reaksyon ni Raphael. Gusto niya sanang sabihin dito na ang Sophia na nakilala niya ay hindi ang tunay na Sophia. Base sa pagkakaalam ni Aleisha, hindi ang uri ni Sophia ang basta na lamang magugustuhan ng isang Raphael Arizcon. Pero ayaw niyang manghimasok sa bagay na iyon. Ang sa kanya lang ay hindi matuloy ang pagpapakasal nina Raphael at Sophia. Iyon ang ganting pinaplano niya. Tuluyan nang naputol ang pisi ng pasensya ni Raphael. Binibigyan niya na nang malaking pabor si Alesiha, tapos ngayon ay hahadlang pa ito na pakasalan ang babaeng gusto niya? "Pasensya na—" "Hindi ko kailangan ang pagpasensya mo! Pumunta ka rito o baka gusto mo pang ipakaladkad kita—" Hindi na makapagsalita si Raphael dahil pinatayan na siya ng tawag ni Aleisha. "Hindi mo ako mahahanap, Raphael." Walang may nakakaalam sa apartment na ito ni Michelle kaya rito siya naglagi sa nagdaang mga araw. Kaagad namang tinawagan ni Raphael si Joaquin para ipahanap si Aleisha. Pero malapit nang gumabi ay hindi pa rin nila ito mahanap-hanap. Ni hindi niya tiningnan ang id or birth certificate ni Aleisha kaya hindi niya alam kung saan o sino ang tatawagan para malaman ang kinaroroonan nito. "Ang galing mo talaga!" napasigaw na lang sa galit si Raphael.Sa loob ng Hermosa Hotel, bandang alas diyes ng gabi— nakatayo sa harap ng pintong may mga numerong 3027 si Aleisha."Wala nang atrasan ito!" saad ni Aleisha sa sarili habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay tatalon na ito mula sa kinalalagyan nito. Hindi niya nga alam kung nasa hwisyo pa ba siya o nananagip lang."Sana nga ay panaginip na lang ang lahat..." naibulong niya sa sarili. Sa oras na pumasok siya sa loob ay masisira ang dignidad niya bilang babae. Naikuyom niya ang kanyang mga palad dahil sa magkahalong takot at galit. Nanunuyo na ang lalamunan niya at pinagpapawisan na rin nang malamig.Naagaw ang atensyon niya dahil sa pagtunog ng kanyang telepono. Kaagad niya iyong tiningnan. Mas lalong binalot ng galit at takot ang kanyang puso nang makitang may mensahe galing sa kanyang madrasta."Kapag ginalingan mo ang pag-asikaso kay Mr. Sandoval, pinangako niyang siya ang magbabayad sa pagpapagamot kay Alexander."Para kay Aleisha ay parang iba an
Nagmamadaling umuwi si Aleisha dala-dala pa rin ang tanong kung sino ang nakasama niya kagabi. Malayo pa lang ay nakikita na niya kung sino-sino ang nasa loob ng kanilang bahay.Isang mataba at panot na matanda ang nakaupo sa sala habang galit na nakatingin kay Sophia— anak ni Amanda. "Anak ka talaga ng nanay mo! Nangako ka na magpapakasal sa akin pero pinaghintay mo lang ako buong gabi!"Napayuko na lamang si Sophia dahil sa kahihiyan. Ganito talaga si Mr. Sandoval. Kapag may natitipuhan itong babae ay aalukin niya ng kasal. Paglalaruan niya lang ang mga babae. At sino namang tanga ang gugustuhing makasal sa isang tulad niya?Malas niya lang at siya ang nakita ng matandang panot. Hindi na sila nito tinantanan.Pero dahil mahal siya ng mga magulang nila ay hinayaan nilang si Aleisha ang makasal dito. Ipapakilala na sana nila ito kay Mr. Sandoval pero buong gabi itong wala at hindi sumipot sa usapan nila."Nakahanap ng tyempo ang gaga para tumakas," nanggagalaiting saad ni Sophia sa sa
"Raphael Arizcon..."Natigilan si Mr. Sandoval habang nakatingin kay Raphael. Kapag isa kang negosyante ay imposibleng hindi mo kilala ang isang Raphael Arizcon."B-Bakit ka narito?" Hindi man lang pinansin ni Raphael si Mr. Sandoval. Nasa kay Sophia ang buo niyang atensyon na ngayon ay hilam na sa luha ang mukha— ang babaeng umiyak sa sakit dahil siya ang nakauna rito habang nasa ilalim ng kanyang mga bisig.Mabilis na dumapo ang palad ni Raphael sa mukha ni Mr. Sandoval. Malakas iyon na naging dahilan ng pagkatumba nito sa sahig.Kaagad namang naibuga ni Mr. Sandoval ang isang ngipin nito at napaluwa na rin siya ng dugo.Habang gulat naman sila Amanda at wala nang masabi pa sa mga biglaang pangyayari.Ngumisi si Raphael. Iyong tipo ng ngisi na hindi mo alam kung may maganda ba o masamang gagawin. "Nangahas kang saktan ang pagmamay-ari ko?"Nakasalampak pa rin si Mr. Sandoval sa malamig na semento habang binabalot ng kahihiyan. Sa nanginginig na mga kamay ay itinabon niya iyon sa ka
Naintindihan naman ni Aleisha ang ibig sabihin ni Raphael. Pero para sa kanya ay hindi biro ang pagpapakasal. Naniniwala pa rin siya na sagrado ito at hindi ito basta laro lamang.Umiling si Aleisha at mariing tiningnan si Raphael, "Hindi naman siguro kailangan pa iyon. Bakit hindi mo pilitin si Don Raul para—""Bilang kapalit ay bibigyan kita ng pera bilang kabayaran sa pagpayag mo," mahinahong saad ni Raphael na hindi na pinatapos pa ang sanang sasabihin ni Aleisha. Hindi nagbabago ang malamig na eskspresyon ng kanyang mukha.Natigilan naman si Aleisha nang marinig ang mga sinabi ng binata. Para bang hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na tumanggi. Lalo pa at buhay ng kapatid niya ang nakasalalay rito. Isa pa ay iyon naman talaga ang pakay niya kung bakit siya pumunta sa mga Arizcon— ang humiram ng pera. Ang kaibahan nga lang ngayon ay kusa iyong ibibigay sa kanya, pagpapakasal nga lang ang magiging kapalit.Nang mapansin ni Raphael na tila nagdadalawang-isip ang kaharap na da
Muntik nang matumba si Aleisha sa sahig. Abala si Don Raul sa pakikinig sa doktor kaya hindi nito napansin ang ginawa ni Raphael kay Aleisha.Ilang saglit pa ay natapos na rin ang pag-uusap ng doktor at ng don. Palabas na ang doktor kaya naman napansin na nito ang dalawa sa may pintuan."Mabuti at naabutan kita, Mr. Raphael Arizcon. Maayos na ang kalagayan ng iyong lolo pero mahina pa rin ang katawan niya at kailangan niya pang magpahinga. Kailangan mo ring tutukan ang kanyang diet at bigyan siya ng wastong pahinga. Higit sa lahat ay pasayahin mo siya at pagaanin ang kanyang loob." Lumabas naman kaagad ang doktor pagkatapos ng mga habilin nito.Napaisip naman si Raphael. Kapag nalaman ng lolo nito ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Aleisha ay baka mas lalo lamang lumala ang sakit nito. Kanina lang ay masaya ito dahil ibinalita niya ang kanilang pagpapakasal. Pagkaalis nila kanina sa city hall, bago pa man siya tumuloy sa kanyang opisina ay kaagad niyang binisita ang abuelo at pinakita
Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon."Kumain ka! Wala ka talagang kwenta!" sigaw ng nurse habang marahas na isinubo ang kutsara sa walang kamuwang-muwang na si Alexander.Nagulat na lang ang nurse nang may biglang humila sa buhok niya at napasigaw siya sa sakit. "Sino ka ba! Bitiwan mo ako!"Galit na galit si Aleisha at walang planong bitiwan ang buhok ng matandang nurse. "At sino ka naman sa inaakala mo! Anong karapatan mo para maltratuhin ang kapatid ko! Kulang pa ito dahil sa pang-aalipusta mo sa batang wala na nga sa tamang pag-iisip ay may malubha pang sakit!""Bitiwan mo ako!" sigaw pa ng nurse na mangiyak-ngiyak na sa sakit. Pakiramdam niya ay matatanggalan na siya ng anit. Dahil mas matangkad si Aleisha sa kanya ay wala siyang magawa kung hindi ang magm