Sa loob ng Hermosa Hotel, bandang alas diyes ng gabi— nakatayo sa harap ng pintong may mga numerong 3027 si Aleisha."Wala nang atrasan ito!" saad ni Aleisha sa sarili habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay tatalon na ito mula sa kinalalagyan nito. Hindi niya nga alam kung nasa hwisyo pa ba siya o nananagip lang."Sana nga ay panaginip na lang ang lahat..." naibulong niya sa sarili. Sa oras na pumasok siya sa loob ay masisira ang dignidad niya bilang babae. Naikuyom niya ang kanyang mga palad dahil sa magkahalong takot at galit. Nanunuyo na ang lalamunan niya at pinagpapawisan na rin nang malamig.Naagaw ang atensyon niya dahil sa pagtunog ng kanyang telepono. Kaagad niya iyong tiningnan. Mas lalong binalot ng galit at takot ang kanyang puso nang makitang may mensahe galing sa kanyang madrasta."Kapag ginalingan mo ang pag-asikaso kay Mr. Sandoval, pinangako niyang siya ang magbabayad sa pagpapagamot kay Alexander."Para kay Aleisha ay parang iba an
Nagmamadaling umuwi si Aleisha dala-dala pa rin ang tanong kung sino ang nakasama niya kagabi. Malayo pa lang ay nakikita na niya kung sino-sino ang nasa loob ng kanilang bahay.Isang mataba at panot na matanda ang nakaupo sa sala habang galit na nakatingin kay Sophia— anak ni Amanda. "Anak ka talaga ng nanay mo! Nangako ka na magpapakasal sa akin pero pinaghintay mo lang ako buong gabi!"Napayuko na lamang si Sophia dahil sa kahihiyan. Ganito talaga si Mr. Sandoval. Kapag may natitipuhan itong babae ay aalukin niya ng kasal. Paglalaruan niya lang ang mga babae. At sino namang tanga ang gugustuhing makasal sa isang tulad niya?Malas niya lang at siya ang nakita ng matandang panot. Hindi na sila nito tinantanan.Pero dahil mahal siya ng mga magulang nila ay hinayaan nilang si Aleisha ang makasal dito. Ipapakilala na sana nila ito kay Mr. Sandoval pero buong gabi itong wala at hindi sumipot sa usapan nila."Nakahanap ng tyempo ang gaga para tumakas," nanggagalaiting saad ni Sophia sa sa
"Raphael Arizcon..."Natigilan si Mr. Sandoval habang nakatingin kay Raphael. Kapag isa kang negosyante ay imposibleng hindi mo kilala ang isang Raphael Arizcon."B-Bakit ka narito?" Hindi man lang pinansin ni Raphael si Mr. Sandoval. Nasa kay Sophia ang buo niyang atensyon na ngayon ay hilam na sa luha ang mukha— ang babaeng umiyak sa sakit dahil siya ang nakauna rito habang nasa ilalim ng kanyang mga bisig.Mabilis na dumapo ang palad ni Raphael sa mukha ni Mr. Sandoval. Malakas iyon na naging dahilan ng pagkatumba nito sa sahig.Kaagad namang naibuga ni Mr. Sandoval ang isang ngipin nito at napaluwa na rin siya ng dugo.Habang gulat naman sila Amanda at wala nang masabi pa sa mga biglaang pangyayari.Ngumisi si Raphael. Iyong tipo ng ngisi na hindi mo alam kung may maganda ba o masamang gagawin. "Nangahas kang saktan ang pagmamay-ari ko?"Nakasalampak pa rin si Mr. Sandoval sa malamig na semento habang binabalot ng kahihiyan. Sa nanginginig na mga kamay ay itinabon niya iyon sa ka
Naintindihan naman ni Aleisha ang ibig sabihin ni Raphael. Pero para sa kanya ay hindi biro ang pagpapakasal. Naniniwala pa rin siya na sagrado ito at hindi ito basta laro lamang.Umiling si Aleisha at mariing tiningnan si Raphael, "Hindi naman siguro kailangan pa iyon. Bakit hindi mo pilitin si Don Raul para—""Bilang kapalit ay bibigyan kita ng pera bilang kabayaran sa pagpayag mo," mahinahong saad ni Raphael na hindi na pinatapos pa ang sanang sasabihin ni Aleisha. Hindi nagbabago ang malamig na eskspresyon ng kanyang mukha.Natigilan naman si Aleisha nang marinig ang mga sinabi ng binata. Para bang hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na tumanggi. Lalo pa at buhay ng kapatid niya ang nakasalalay rito. Isa pa ay iyon naman talaga ang pakay niya kung bakit siya pumunta sa mga Arizcon— ang humiram ng pera. Ang kaibahan nga lang ngayon ay kusa iyong ibibigay sa kanya, pagpapakasal nga lang ang magiging kapalit.Nang mapansin ni Raphael na tila nagdadalawang-isip ang kaharap na da
Muntik nang matumba si Aleisha sa sahig. Abala si Don Raul sa pakikinig sa doktor kaya hindi nito napansin ang ginawa ni Raphael kay Aleisha.Ilang saglit pa ay natapos na rin ang pag-uusap ng doktor at ng don. Palabas na ang doktor kaya naman napansin na nito ang dalawa sa may pintuan."Mabuti at naabutan kita, Mr. Raphael Arizcon. Maayos na ang kalagayan ng iyong lolo pero mahina pa rin ang katawan niya at kailangan niya pang magpahinga. Kailangan mo ring tutukan ang kanyang diet at bigyan siya ng wastong pahinga. Higit sa lahat ay pasayahin mo siya at pagaanin ang kanyang loob." Lumabas naman kaagad ang doktor pagkatapos ng mga habilin nito.Napaisip naman si Raphael. Kapag nalaman ng lolo nito ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Aleisha ay baka mas lalo lamang lumala ang sakit nito. Kanina lang ay masaya ito dahil ibinalita niya ang kanilang pagpapakasal. Pagkaalis nila kanina sa city hall, bago pa man siya tumuloy sa kanyang opisina ay kaagad niyang binisita ang abuelo at pinakita
Nakaupo si Alexander sa bangko, suot ang hospital gown na ngayon ay basang-basa na dahil sa sabaw na galing sa sopas. Hindi lang iyon, dahil basang-basa rin ang buhok nito. Kahit ang mukha niya ay hindi na nakikita nang maayos dahil sa mga gulay na nakadikit doon."Kumain ka! Wala ka talagang kwenta!" sigaw ng nurse habang marahas na isinubo ang kutsara sa walang kamuwang-muwang na si Alexander.Nagulat na lang ang nurse nang may biglang humila sa buhok niya at napasigaw siya sa sakit. "Sino ka ba! Bitiwan mo ako!"Galit na galit si Aleisha at walang planong bitiwan ang buhok ng matandang nurse. "At sino ka naman sa inaakala mo! Anong karapatan mo para maltratuhin ang kapatid ko! Kulang pa ito dahil sa pang-aalipusta mo sa batang wala na nga sa tamang pag-iisip ay may malubha pang sakit!""Bitiwan mo ako!" sigaw pa ng nurse na mangiyak-ngiyak na sa sakit. Pakiramdam niya ay matatanggalan na siya ng anit. Dahil mas matangkad si Aleisha sa kanya ay wala siyang magawa kung hindi ang magm
Dahil iba ang kutob ni Aleisha ay bumalik siya sa bahay nila. May kung ano ring nagtulak sa kanya na alamin kung sino ang may-ari ng sasakyan dahil nga sa pamilyar iyon sa kanya.Mabuti na lamang ay napupuno ng mga bulaklak at matataas na halaman ang harapan ng balkonahe nila. Kaya nagtago si Aleisha roon habang nakamasid sa nakaparadang kotse."Bakit hindi pa bumaba ang kung sino mang nasa loob?" naiinip na tanong ni Aleisha sa kawalan.Nalipat ang tingin niya sa may bukana ng bahay nila dahil nakita niya mula sa loob si Sophia. Nakapostura ito at inayos ang buhok bago naglakad papalabas.At ganoon na lamang ang pagkagulat ni Aleisha nang makita ang lalakeng bumaba mula sa loob ng sasakyan. Walang iba kung hindi si Raphael Arizcon! May hawak pa itong isang pumpon ng pulang mga rosas at inilahad sa harapan ni Sophia.Tinanggap naman iyon ni Sophia habang kiming ngumiti. "Ang ganda naman nito."Kaagad namang inilingkis ni Sophia ang kamay sa braso ni Raphael. Iginiya siya nito sa sasak
Buong araw lang nasa apartment ni Michelle si Aleisha. Nang sumapit naman ang gabi ay naghanda si Aleisha para pumasok sa kanyang part-time job. Hindi na siya nakakatanggap ng pera mula sa tatay niya kaya simula pa man noon. Kaya ginawa niya ang lahat para masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Kahit pa iskolar siya ay namasukan pa rin siya ng iba't ibang part-time job. Lalo pa at tumutulong din siyang magpagamot sa kapatid niya.Kamakailan lang din namang natigil sa pagsuporta si Arnold sa pagpapagamot kay Alexander. Kaya nga napilitan si Aleisha sa gustong mangyari ni Amanda kahit pa katawan niya ang kapalit.Iyong credit card naman na binigay ni Raphael sa kanya ay wala siyang planong gamitin muli iyon. Sapat na at nabayaran niya ang pagpapagamot ng kapatid niya.Papunta na si Aleisha sa Moonlight Massage and Spa— sikat ito dahil na rin sa mga bigatin ang mga kliyente nila. Isang masahista si Aleisha roon at may kakayahan din siyang magsagawa ng modern acupuncture. Noong nag-aaral
Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ.Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito para magbakasyon at mag-horseback riding. Iyon pala ay narito ang asawa ng isa riyan."Walang panahon si Raphael para patulan ang panunukso ni Marco. Kaya naman ay humakbang na siya para umalis. Nakakadalawang hakbang pa lang siya pero kaagad ding natigilan.Nagtataka namang nilingon ni Marco si Raphael. "Oh? Anong problema? Walang hotel room iyong asawa mo. Wala ka man lang bang pakialam?"Walang pakialam?Mapait na napangiti si Raphael. Mukhang hindi naman iyon kailangan ni Aleisha."Oh, Aleisha?" nagtatakang tanong ni Daniel nang makalapit siya rito. Nag-park pa kasi siya ng kotse niya at nauna nang pumasok sa lobby si Aleisha. "Anong nangyari?"Nakasimangot na hinarap ni Aleisha si Daniel.
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."