Nagkamali si Aleisha nang inakala. Alam niyang imposible pero sa dulong parte ng kanyang puso, inakala niyang bukal sa loob ni Raphael ang pagbigay sa kanya ng pulseras. Mapait siyang ngumiti. "Akala ko para sa akin talaga iyan. Sana sinabi mo na lang ang totoo. Hindi iyong ganito na pinaniwala mo akong binili mo iyan para lang talaga sa akin."Nalilito si Raphael sa kung anong ibig sabihin ni Aleisha. Pero nanatili siyang tahimik at nakikinig lang sa mga sasabihin nito."Sa susunod, huwag mong basta na lang ibigay ang gamit na para sa girlfriend mo sa iba. Binigay mo sa akin ang pulseras na iyan dahil lang sa sinabi kong maganda at gusto ko iyon. Pagkatapos ano? Bumili ka ulit para sa girlfriend mo. Sa una pa lang pala ay para na sa kanya iyon," dagdag na pagpapaliwanag ni Aleisha.Pagkatapos ay tinalikuran niya na si Raphael at kaagad na naglakad papunta sa may pintuan. Habang napatulala naman si Raphael na nakasunod lang ang mga mata sa kanya."Nagkita ba sila ni Sophia?" tanong
"Hoy, bruha!" tawag ni Michelle kay Aleisha na kanina pa malalim ang iniisip.Nilingon naman ni Aleisha si Michelle na may tinuturo gamit ang nguso nito. Sinundan niya ng tingin kung anong tinuturo nito. "Ano bang tinitingnan mo?"Samantala ay hindi naman maalis ang tingin ni Raphael kay Aleisha habang papalapit sila sa kinaroroonan nito. Nang makalapit ay hininto ni Joaquin ang sasakyan at kaagad na bumaba. "Saan ka ba pupunta, Aleisha, at may bitbit kang maleta? Sumakay na kayo at ihahatid namin kayo. Utos ni Sir Raphael."Nilapitan ni Joaquin si Aleisha at hinawakan ang maleta. Handa na niyang buhatin iyon nang pigilan siya ni Aleisha."Hindi na kailangan. Kaya na namin ang mga sarili namin," pagmamatigas na saad ni Aleisha at inagaw sa kamay ni Joaquin ang maleta. "May mga paa at kamay naman kami."Tila napahiya naman si Joaquin kaya nilingon niya ang sasakyan. Kahit tinted iyon ay alam niyang alam ni Raphael kung anong reaksyon ang mayroon siya ngayon.Habang napapailing naman si
Hindi na mapakali si Raphael. Gusto niyang tingnan ang nilalaman ng photo album na iyon. Para kasing nakita niya na ang batang lalakeng nasa larawan."Hindi maaari!" umiiling na pagtanggi ni Aleisha habang mahigpit na niyakap ang photo album. "Hindi ako papayag."Nawala ang pagiging kalmado sa mukha ni Raphael. Sinusubukan talaga ni Aleisha ang kanyang pasensya. Pero hindi naman siya nagalit. Alam niya kasing galit pa hanggang ngayon si Aleisha tungkol sa pulseras na iyon. Ayaw niyang madagdagan pa ang galit nito. Isa pa alam niya ring siya ang may kasalanan. Hindi niya kaagad naipaliwanag ang totoong nangyari.Kaya naman ay kalmadong nagpaliwanag si Raphael. "Alam kong mali ko ang tungkol sa pulseras. Pero nagkakamali ka ng pag-intindi. Dahil para naman talaga sa iyo iyon. Aksidenteng nakita ni Sophia ang pulseras. Wala na akong nagawa pa dahil nagustuhan niya iyon. Kaya bumili na lang ako ulit. Sana pala ibang design na lang ang binili ko."Saglit namang natigilan si Aleisha. Nanini
Napagkasunduan na nina Daniel at Pia ang tungkol sa magiging libingan ng nanay ni Aleisha. Hindi lang iyon ang ginawa ni Daniel. Kumuha rin siya ng pari para pamisahan muna ang bangkay bago ilibing muli.Kinabukasan ay kaagad nilang inaksyunan ang lahat. Dalawang araw na ring nasa bakuran ng bahay ni Daniel ang kabaong na naglalaman ng bangkay ng nana ni Aleisha.Maaliwalas ang kalangitan ng mga oras na iyon at hindi masakit sa balat ang hangin kahit na tirik na tirik ang araw. Sinamahan nina Michelle at Pia si Aleisha na pumunta ng sementeryo. Nang makababa sila ng sasakyan ay kaagad na napansin ni Aleisha si Daniel mula sa hindi kalayuan.Nilingon ni Aleisha si Pia at sinamaan ng tingin. "Akala ko ba kinuha mo sa kanya si Mama?""Oo nga!" sagot naman ni Pia."Anong ginagawa niya rito?" tanong naman ni Michelle na ang tinutukoy ay si Daniel."Aba malay ko!" patay-malisyang sagot ni Pia na hindi tumitingin nang diretso kay Aleisha at Michelle. May sa imbestigador pa naman ang dalawang
Ilang segundo muling napatulala si Raphael kay Aleisha. Ano raw? Ito raw mismo ang nagtahi nito? Gulat man ay tiningnan niyang muli ang hawak na damit. Hindi man mamahalin pero maganda naman iyon tingnan."Ang ibig mo bang sabihin ay ikaw mismo nagtahi nito? As in iyong tahi talaga?" paniniguradong tanong ni Raphael kay Aleisha."Ako nga..." nakayukong sagot naman ni Aleisha. Nakagat niya pa ang labi dahil sa nararamdamang hiya.Isang kilalang fashion designer ang nanay ni Aleisha na si Helen noong nabubuhay pa ito. May sarili pa itong boutique shop noon. Hindi pa nakakapaglakad noon si Aleisha ay gumagapang naman siya para pulutin ang mga nagkalat na sinulid ng ina.Kahit pa maagang namatay ang kanyang ina ay masasabi niyang kahit papaano ay natuto siyang magtahi mula rito. O baka naman nasa dugo na talaga nila ang pagtatahi. Kaya maliit na bagay lamang para sa kanya ang magtahi ng t-shirt.Kung titingnang maagi si Raphael ay mukha itong kalmado. Pero sa loob-loob niya ay magkahalong
Habang natutuwa si Sophia na nanonood sa mga art display sa exhibition ay napansin niyang mukhang hindi maganda ang timpla ng araw ni Raphael. Seryoso ito kanina pa at parang nagpipigil lang ng galit.Paano ba namang hindi magagalit si Raphael? Sa kada painting na naka-display ay wala siyang ibang nakikita kung hindi ang pagtalikod sa kanya ni Aleisha at ang sinabi pa nitong mag-enjoy daw siya sa date nila ni Sophia.Wala talaga siyang pakialam— at iyon ang ikinagagalit ngayon ni Raphael."Raphael..."Nabalik naman sa hwisyo si Raphael nang hawakan ni Sophia ang kamay niya. Nilingon niya ito at nakitang mukhang hindi na natutuwa sa kanya."Iniisip mo pa rin ba ang naiwan mong trabaho? O baka naman sumasakit ang sugat mo?" malumanay na tanong ni Sophia."Hindi naman sa ganoon," sagot naman ni Raphael at lihim na napahinga nang malalim.Ano ba itong ipanag-aalala niya? Na walang pakialam si Aleisha na may date siya kasama si Sophia? Tama lang naman ang ginawa ni Aleihsa. Mag-asawa lang
"Nakailang salita lang ako. Pero ikaw, ang dami mong sinabi," malamig na sabi ni Raphael. Pero ang totoo niyan ay kinakabahan lang siya na baka tanggihan na naman siya ni Aleisha. "Sabihin mo nga sa akin. Gusto mo bang kumain o hindi?""Syempre naman, oo! Sino bang ayaw kumain?" kaswal na sabi ni Aliesha. Pero ang totoo ay kinakabahan din siya dahil sa seryosong pagkakatingin sa kanya ni Raphael. Baka masigawan pa siya. Isa pang dahilan ay gusto niyang malaman kung bakit bigla-bigla na lang itong nag-aya na kumain sa labas.Baka naman kakausapin siya nito tungkol sa perang nakuha niya? Baka singilin na siya nito? Napamura na lamang sa isipan niya si Aleisha. Kung ano-ano na tuloy ang naiisip niya.Hindi naman mapigilang matuwa ni Raphael. "Mukhang ayaw mong kumain sa labas dahil sabi mo ay bawal na akong lumabas kaya magkita na lang tayo mamaya sa hospital room ko."Ang hospital room kasi ni Raphael ay parang presidential room na rin. Kumpleto sa gamit at may kusina rin. Nag-order na
Bago pa man may masabi si Raphael ay napansin na ni Sophia ang hapag-kainan. May nakahandang dalawang set ng plato roon. "May iba ka bang kasama rito?"Hindi naman pwedeng sabihin ni Raphael na para kay Sophia iyon dahil hindi naman ito nagsabing pupunta siya rito. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng inis si Raphael kay Sophia. "Sabay sana kaming kakain ni Joaquin pero hindi siya makakapunta dahil may inaasikaso pa siyang mahalagang bagay.""Ah, ganoon pala," sagot naman ni Sophia at nakaramdam siya nang kaluwagan sa dibdib niya. Kanina pa kasi hindi mapakali ang isip niya nang nasa Art Exhibition pa sila tapos ganito pa ang madadatnan niya.Akala niya talaga ay may ibang babae na si Raphael. Iyon naman pala ay si Joaquin lang. Umupo si Sophia sa inuupuan ni Aleisha kanina. "Nakakalungkot kayang kumain mag-isa. Pwede ba kitang samahan sa pagkain?"Hindi naman kaagad kumilos si Raphael at nakaramdam ng inis si Sophia. "Bilis na at umupo ka na.""Sige..." Natauhan naman si Raphae
Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ.Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito para magbakasyon at mag-horseback riding. Iyon pala ay narito ang asawa ng isa riyan."Walang panahon si Raphael para patulan ang panunukso ni Marco. Kaya naman ay humakbang na siya para umalis. Nakakadalawang hakbang pa lang siya pero kaagad ding natigilan.Nagtataka namang nilingon ni Marco si Raphael. "Oh? Anong problema? Walang hotel room iyong asawa mo. Wala ka man lang bang pakialam?"Walang pakialam?Mapait na napangiti si Raphael. Mukhang hindi naman iyon kailangan ni Aleisha."Oh, Aleisha?" nagtatakang tanong ni Daniel nang makalapit siya rito. Nag-park pa kasi siya ng kotse niya at nauna nang pumasok sa lobby si Aleisha. "Anong nangyari?"Nakasimangot na hinarap ni Aleisha si Daniel.
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."