Habang natutuwa si Sophia na nanonood sa mga art display sa exhibition ay napansin niyang mukhang hindi maganda ang timpla ng araw ni Raphael. Seryoso ito kanina pa at parang nagpipigil lang ng galit.Paano ba namang hindi magagalit si Raphael? Sa kada painting na naka-display ay wala siyang ibang nakikita kung hindi ang pagtalikod sa kanya ni Aleisha at ang sinabi pa nitong mag-enjoy daw siya sa date nila ni Sophia.Wala talaga siyang pakialam— at iyon ang ikinagagalit ngayon ni Raphael."Raphael..."Nabalik naman sa hwisyo si Raphael nang hawakan ni Sophia ang kamay niya. Nilingon niya ito at nakitang mukhang hindi na natutuwa sa kanya."Iniisip mo pa rin ba ang naiwan mong trabaho? O baka naman sumasakit ang sugat mo?" malumanay na tanong ni Sophia."Hindi naman sa ganoon," sagot naman ni Raphael at lihim na napahinga nang malalim.Ano ba itong ipanag-aalala niya? Na walang pakialam si Aleisha na may date siya kasama si Sophia? Tama lang naman ang ginawa ni Aleihsa. Mag-asawa lang
"Nakailang salita lang ako. Pero ikaw, ang dami mong sinabi," malamig na sabi ni Raphael. Pero ang totoo niyan ay kinakabahan lang siya na baka tanggihan na naman siya ni Aleisha. "Sabihin mo nga sa akin. Gusto mo bang kumain o hindi?""Syempre naman, oo! Sino bang ayaw kumain?" kaswal na sabi ni Aliesha. Pero ang totoo ay kinakabahan din siya dahil sa seryosong pagkakatingin sa kanya ni Raphael. Baka masigawan pa siya. Isa pang dahilan ay gusto niyang malaman kung bakit bigla-bigla na lang itong nag-aya na kumain sa labas.Baka naman kakausapin siya nito tungkol sa perang nakuha niya? Baka singilin na siya nito? Napamura na lamang sa isipan niya si Aleisha. Kung ano-ano na tuloy ang naiisip niya.Hindi naman mapigilang matuwa ni Raphael. "Mukhang ayaw mong kumain sa labas dahil sabi mo ay bawal na akong lumabas kaya magkita na lang tayo mamaya sa hospital room ko."Ang hospital room kasi ni Raphael ay parang presidential room na rin. Kumpleto sa gamit at may kusina rin. Nag-order na
Bago pa man may masabi si Raphael ay napansin na ni Sophia ang hapag-kainan. May nakahandang dalawang set ng plato roon. "May iba ka bang kasama rito?"Hindi naman pwedeng sabihin ni Raphael na para kay Sophia iyon dahil hindi naman ito nagsabing pupunta siya rito. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng inis si Raphael kay Sophia. "Sabay sana kaming kakain ni Joaquin pero hindi siya makakapunta dahil may inaasikaso pa siyang mahalagang bagay.""Ah, ganoon pala," sagot naman ni Sophia at nakaramdam siya nang kaluwagan sa dibdib niya. Kanina pa kasi hindi mapakali ang isip niya nang nasa Art Exhibition pa sila tapos ganito pa ang madadatnan niya.Akala niya talaga ay may ibang babae na si Raphael. Iyon naman pala ay si Joaquin lang. Umupo si Sophia sa inuupuan ni Aleisha kanina. "Nakakalungkot kayang kumain mag-isa. Pwede ba kitang samahan sa pagkain?"Hindi naman kaagad kumilos si Raphael at nakaramdam ng inis si Sophia. "Bilis na at umupo ka na.""Sige..." Natauhan naman si Raphae
Ginalaw-galaw ni Aleisha ang kanyang kamay para bigyan ng hudyat si Raphael na bitiwan na siya nito. "Pwede na ba akong umalis?""Saan ka pupunta?" balik na tanong ni Raphael na halatang galit pa rin base sa kanyang pananalita.Hindi pa rin binibitiwan ni Raphael si Aleisha kaya naman ay ito na naman ang naiinis. "Bakit ka ba nagagalit sa akin? Inaya-aya mo ako ng hapunan pero kinulong mo ako sa banyo ng mahigit isang oras! Ako dapat ang nagagalit, eh!"Natigilan naman si Raphael. May punto naman si Aleisha kaya hindi niya alam kung anong irarason pa. Hindi niya nga alam kung bakit siya nagagalit at nawalan na lang ng pasensya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit kinulong niya si Aleisha sa banyo. Hindi niya alam kung bakit nataranta siya kanina na baka makita ni Sophia si Aleisha.Para bang may sariling isipan ang katawan niya at kusa na lamang itong gumalaw. Pagsisisi, galit, at pagkalito— hindi niya alam kung alin sa mga emosyon na iyon ang dapat niyang unahin."Oy,"
Pakiramdam ni Aleisha ay binuhusan siya nang malamig na tubig sa mukha. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa mga sinabi ni Raphael. Tahimik lang siyang nakatingin kay Raphael.Mukhang natauhan naman si Raphael dahil sa nakitang reaksyon sa mukha ni Aleisha. Parang gusto niya tuloy sampalin ang sarili dahil sa kanyang mga nasabi. Bakit kasi kapag sa twing nagagalit siya ay kung ano-ano na lang ang nasasabi niya? Isa pa ay bakit nga ba siya nagagalit kung may ibang kasama si Aleisha?"A-Aleisha..." Tumikhim si Raphael at nag-isip ng dapat na sasabihin. Pero hindi niya alam kung paano ba humingi ng tawad. "H-Hindi iyon ang ibig kong s-sabihin. Ang sa akin lang naman—""Tama ka. Bastardo nga ang batang dinadala ko sa aking sinapupunan. Ang mga babaeng katulad ko ay hindi nararapat na bigyan ng pansin at pag-alala ng mga taong tulad mo. Kaya sa susunod huwag ka nang makialam pa sa buhay ko. Hayaan mo na lang ako sa mga mangyayari man sa akin," mahabang paliwanag ni Aleisha na wala man lang kab
Minabuting ipinaliwanag ni Aleisha ang lahat kay Don Raul ang tungkol kay Raphael nang sa gayon ay hindi na ito mag-alala pa at kumalma ang kalooban nito. "Lolo, nasa mabuti na pong kalagayan si Raphael. Alam ko po ang kondisyon ng sugat niya dahil ako po ang doktor niya at ako mismo ang nag-opera sa kanya. Isa pa ay lagi ko siyang mino-monitor. Nag-aalala ka pa rin ba kahit ako ang nag-aalaga sa kanya?"Napangiti naman ang don sa narinig at kaagad na napalitan ng katiwasayan ang kanyang mukha na kanina lang ay puno ng paghihirap at pag-aalala. Sa ganoong sitwasyon sila nalapitan ni Raphael. Hinawakan niya kaagad ang kamay ng abuelo. "Lolo, narito na ako. Kita mo naman na nasa mabuting kalagayan ako. Magaling na po ang sugat ko, 'Lo. Huwag ninyo akong alalahanin at ikaw dapat itong magpagaling."Tumikhim naman si Don Raul— pinipilit na magsalita."Anong gusto mong sabihin, 'Lo?" tanong pa ni Raphael at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng kanyang lolo.Ang kaso lang ay hindi pa ma
Nanlalaki naman ang mga mata ni Aleisha habang nagpalipat-lipat ang tingin kay Raphael at sa kamay nito. Umiling-iling siya at iwinagayway pa ang kamay niya bilang pagtanggi sa gustong mangyari ni Raphael. Sino siya para sumuka sa kamay nito?"Bilis na!" pagpupumilit pa rin ni Raphael.At dahil hindi na kayang pigilan ni Aleisha ay napasuka na nga siya sa kamay ni Raphael. May mga tumalsik pa sa damit nito. Pinagpawisan naman si Aleisha matapos niyang sumuka."P-Pasensya ka na..." hinihingal na saad ni Aleisha."Ayos lang," walang arteng sagot naman ni Raphael at saka nilapitan ang coat niyang nasa upuan— nilagay doon ang isinuka ni Aleisha at binitbit iyon. "Punta lang akong comfort room.""S-Sige..." nahihiyang sagot ni Aleisha habang pinupunasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang tissue.Kaagad namang lumabas si Raphael at naghanap ng basurahan saka tinapon ang coat niyang may suka ni Aleisha. Pagkatapos ay pumunta siya ng comfort room at naghugas ng kamay. Nilinis niya rin ang mg
"Anong klaseng tao ba ang tatay ng batang dinadala mo?" walang ano-ano ay biglang natanong ni Raphael.Natigilan naman si Aleisha. Naisip niyang baka nagsisimula na naman sa pang-aaway si Raphael at kung ano-ano na naman ang sabihin nito sa kanya. Isa pa ay natataranta rin siya sa kung anong dapat niyang isagot. "Ahmm, ano...""Alam niya bang nabuntis ka niya? O baka naman ay alam niya pero ayaw ka niyang panagutan?" dagdag pa na tanong ni Raphael.Kinakabahan man ay nagsalita pa rin si Aleisha kahit hindi niya naman talaga alam kung anong isasagot. "Hindi ko alam. Baka oo, alam niya. Baka naman alam niya pero ayaw niya lang. O baka wala naman talaga sa dalawang tanong mo."Hindi niya nga kilala ang tatay ng anak niya, paano niya naman masasagot ang mga tanong ni Raphael sa kung anong klaseng tao ba ang lalakeng iyon?Pero dahil sa naging sagot ni Aleisha ay nagpanting ang mga tainga ni Raphael. Naisip niya na sinong gago ba ang nakilala nito? Ang kaninang payapang mukha ni Raphael ay
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."
Pakiramdam ni Aleisha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at para bang sinabuyan siya nang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.Nakatalikod ang dalawa sa kanya kaya hindi nila siya napansin."Raphael..." nang-aakit na saad ni Sophia habang nakayakap ang mga kamay sa palibot ng beywang ni Raphael. "Napag-isipan ko na nang mabuti at hindi ko kayang mawala ka sa akin.""S-Sophia..." saad naman ni Raphael habang nakatingin dito sa nakakunot niyang noo.Matapos marinig ang mga iyon ay pinilit ni Aleisha na makahakbang palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang mga nakikita at naririnig. Walang ingay siyang nakalabas at nakitang nakabantay pa rin doon si Jacob.Gulat namang napatingin si Jacob kay Aleisha lalo pa at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit, Miss Aleisha?"Pigil na pigil ni Aleisha ang mga mata sa pagluha. Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon. Ni hindi umabot sa kanyang mga mata ang pa