Minabuting ipinaliwanag ni Aleisha ang lahat kay Don Raul ang tungkol kay Raphael nang sa gayon ay hindi na ito mag-alala pa at kumalma ang kalooban nito. "Lolo, nasa mabuti na pong kalagayan si Raphael. Alam ko po ang kondisyon ng sugat niya dahil ako po ang doktor niya at ako mismo ang nag-opera sa kanya. Isa pa ay lagi ko siyang mino-monitor. Nag-aalala ka pa rin ba kahit ako ang nag-aalaga sa kanya?"Napangiti naman ang don sa narinig at kaagad na napalitan ng katiwasayan ang kanyang mukha na kanina lang ay puno ng paghihirap at pag-aalala. Sa ganoong sitwasyon sila nalapitan ni Raphael. Hinawakan niya kaagad ang kamay ng abuelo. "Lolo, narito na ako. Kita mo naman na nasa mabuting kalagayan ako. Magaling na po ang sugat ko, 'Lo. Huwag ninyo akong alalahanin at ikaw dapat itong magpagaling."Tumikhim naman si Don Raul— pinipilit na magsalita."Anong gusto mong sabihin, 'Lo?" tanong pa ni Raphael at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng kanyang lolo.Ang kaso lang ay hindi pa ma
Nanlalaki naman ang mga mata ni Aleisha habang nagpalipat-lipat ang tingin kay Raphael at sa kamay nito. Umiling-iling siya at iwinagayway pa ang kamay niya bilang pagtanggi sa gustong mangyari ni Raphael. Sino siya para sumuka sa kamay nito?"Bilis na!" pagpupumilit pa rin ni Raphael.At dahil hindi na kayang pigilan ni Aleisha ay napasuka na nga siya sa kamay ni Raphael. May mga tumalsik pa sa damit nito. Pinagpawisan naman si Aleisha matapos niyang sumuka."P-Pasensya ka na..." hinihingal na saad ni Aleisha."Ayos lang," walang arteng sagot naman ni Raphael at saka nilapitan ang coat niyang nasa upuan— nilagay doon ang isinuka ni Aleisha at binitbit iyon. "Punta lang akong comfort room.""S-Sige..." nahihiyang sagot ni Aleisha habang pinupunasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang tissue.Kaagad namang lumabas si Raphael at naghanap ng basurahan saka tinapon ang coat niyang may suka ni Aleisha. Pagkatapos ay pumunta siya ng comfort room at naghugas ng kamay. Nilinis niya rin ang mg
"Anong klaseng tao ba ang tatay ng batang dinadala mo?" walang ano-ano ay biglang natanong ni Raphael.Natigilan naman si Aleisha. Naisip niyang baka nagsisimula na naman sa pang-aaway si Raphael at kung ano-ano na naman ang sabihin nito sa kanya. Isa pa ay natataranta rin siya sa kung anong dapat niyang isagot. "Ahmm, ano...""Alam niya bang nabuntis ka niya? O baka naman ay alam niya pero ayaw ka niyang panagutan?" dagdag pa na tanong ni Raphael.Kinakabahan man ay nagsalita pa rin si Aleisha kahit hindi niya naman talaga alam kung anong isasagot. "Hindi ko alam. Baka oo, alam niya. Baka naman alam niya pero ayaw niya lang. O baka wala naman talaga sa dalawang tanong mo."Hindi niya nga kilala ang tatay ng anak niya, paano niya naman masasagot ang mga tanong ni Raphael sa kung anong klaseng tao ba ang lalakeng iyon?Pero dahil sa naging sagot ni Aleisha ay nagpanting ang mga tainga ni Raphael. Naisip niya na sinong gago ba ang nakilala nito? Ang kaninang payapang mukha ni Raphael ay
"Masaya naman talaga sa pakiramdam kapag may taong nagkakagusto sa iyo," dagdag na saad ni Aleisha. "Pero, Vincent. huwag mong sayangin ang oras mo sa akin."Marahil ay walang preno ang pagkakasabi ni Aleisha pero mas mabuti na iyong ganoon. Isa pa ay nagpakita pa rin naman siya ng kabutihan sa pamamagitan ng pag-aayang magkape.Ang kaninang masayang mukha ni Vincent ay bigla na lang nalungkot. "B-Bakit?"Hindi naman masabi ni Aleisha na wala siyang gusto kay Vincent. Sapat na ang bastedin niya ito at huwag nang saktan ang damdamin nito. Hindi na nararapat pang sabihin na wala siyang gusto rito.Habang napahinga naman nang maluwag si Raphael na nasa malayo pa rin ang tingin pero ang pandinig ay nasa dalawa. Hindi niya naman mapigilang hindi mapangiti dahil alam niyang wala naman palang gusto si Aleisha sa lalakeng ito.Sa halip na sabihing wala siyang gusto kay Vincent ay nagbigay na lamang siya ng isang rason para matanggap nito na inayawan niya ito. "Kasi... may iba akong gusto.""A
Dalawang araw nang nasa Dela Merced Hotel si Aleisha. Rito kasi ginanap ang isang surgical seminar at ang kanyang gurong si Doctor Rivera ang siyang pangunahing tagapagsalita sa nasabing event. Bilang estudyante ni Doctor Rivera ay narito siya para maging assistant nito.Ngayon ang huling araw para sa seminar at katatapos lang kaninang umaga. Nagmamadali na sa pag-aayos ng mga gamit niya si Doctor Rivera dahil may gagawin pa siyang heart and lung transplant sa hospital.Ang kaso nga lang ay hiniram ng isa sa mga organizer ang ilang notes ni Doctor Rivera at hindi pa nasasauli sa kanya. Kaya maiiwan si Aleisha para hintayin iyon."Huwag kang mag-alala, Dok Redobles," saad ni Doctor Rivera at binigay kay Aleisha ang card na magagamit lang sa loob Dela Merced Hotel. "Huwag kang magmadali at kapag marami ka pang oras ay pwede ka munang mag-enjoy rito."Medyo malayo-layo rin ang Dela Merced Hotel at masasabing nasa liblib itong lugar pero maganda ang ambience rito na talaga namang nakakama
Umupo naman si Daniel sa sofa na nasa sala ng kanilang bahay. Dinukot ang telepono na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Tumambad kaagad sa kanyang mga mata ang litratong in-upload ni Aleisha sa isang social media na tinatawag na FriendyApp.Noong unang beses niyang in-add si Aleisha sa FriendyApp ay hindi kaagad siya nito pinaunalakan. Pero noong minsang hinatid niya ito sa Mabini Cemetery at tinulungan na makuha ang labi ng nanay nitong si Helen ay mukhang lumambot ang puso nito at tinanggap ang kanyang friend request.At ito ang unang beses na nag-upload si Aleisha ng litrato pagkatapos nitong tanggapin ang kanyang friend request. Unang nakatuon ang kanyang pansin sa bintana. Nakikita niyang umuulan sa labas niyon. Nabalitaan niyang may bagyong papasok ngayong gabi sa syudad nila. Sumunod niyang binasa ang nilagay na caption ni Aleisha— mag-isa lang daw ito sa Dela Merced Hotel.Hindi na nagdalawang-isip pa si Daniel at kaagad na inayos ang mga manggas ng kanyang polo saka sinuot muli
Hindi nagtagal ay nakahanda na ang mga in-order nilang pagkain sa hapag-kainan. Habang si Aleisha ay hawak na ang tinidor at kutsara at takam na takam sa paghihintay sa special lomi na in-order niya.Nakatuon ang mga mata ni Aleisha sa isang katamtamang laki ng mangkok na nilapag ng waiter. Medyo malayo ito sa kanya pero nalalanghap niya ang amoy niyon na mas lalong nagpakalam sa kanyang sikmura. Tatayo na sana siya para kunin iyon nang matigilan siya sa ginawa ni Sophia. Huminga nang malalim si Sophia at walang sabi-sabing kinuha ang mangkok ng special lomi saka nilapag mismo sa harapan niya. "Nakakaganang tingnan ang lomi na ito. Mukhang masarap."Hindi alam ni Aleisha kung nakalimutan lang ba ni Sophia na siya ang nag-order ng lomi na iyon o talagang nanadya lang ito. Sa dami ng pagkaing nasa hapag ay itong lomi lang ang in-order ni Aleisha. Hindi niya inaasahang dadalhin nito ang ganoong ugali mismo pa sa harapan ni Raphael.Pero mukhang wala lang iyon kay Sophia dahil nagpatuloy
Umiling-iling si Aleisha habang nakatingin pa rin kay Sophia. "Alam kong sinadya mo iyon!" Hindi na makapagsalita pa si Sophia dahil una at higit sa lahat ay ayaw niyang malaman ni Raphael ang tunay na ugaling mayroon siya. Kanina niya pa kagat-kagat ang kanyang ibabang labi para mapigilan ang sarili na sigawan si Aleisha gaya nang lagi niyang ginagawa. Hinila niya ang kamay ni Raphael at mahinhin na nagsalita. "Raphael..." Inismiran naman ni Aleisha ang dalawa at kaagad silang tinalikuran. Hindi siya interesadong manood sa paglalambingan nilang dalawa. Dumiretso siya sa lobby at umupo sa sofa. Kumuha ng isang tsokolate sa bitbit na bag. Ilang saglit pa siyang nakatitig lang sa tsokolate— naalala niya kasing galing pa ito sa binigay ni Daniel sa kanila ni Michelle. Iyong gabi kung saan una silang nagkita matapos ang napakahabang panahon. Nang gabi ring iyon ay nakita niyang kasama ni Daniel ang girlfriend nito. Hindi man nakabubusog ang tsokolate, pero mabibigyan ka pa rin nito n
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."
Pakiramdam ni Aleisha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at para bang sinabuyan siya nang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.Nakatalikod ang dalawa sa kanya kaya hindi nila siya napansin."Raphael..." nang-aakit na saad ni Sophia habang nakayakap ang mga kamay sa palibot ng beywang ni Raphael. "Napag-isipan ko na nang mabuti at hindi ko kayang mawala ka sa akin.""S-Sophia..." saad naman ni Raphael habang nakatingin dito sa nakakunot niyang noo.Matapos marinig ang mga iyon ay pinilit ni Aleisha na makahakbang palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang mga nakikita at naririnig. Walang ingay siyang nakalabas at nakitang nakabantay pa rin doon si Jacob.Gulat namang napatingin si Jacob kay Aleisha lalo pa at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit, Miss Aleisha?"Pigil na pigil ni Aleisha ang mga mata sa pagluha. Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon. Ni hindi umabot sa kanyang mga mata ang pa