Share

Chapter 53 - Mga Sugat Ni Daniel

Author: Alshin07
last update Huling Na-update: 2024-11-18 21:02:01

Dalawang araw nang nasa Dela Merced Hotel si Aleisha. Rito kasi ginanap ang isang surgical seminar at ang kanyang gurong si Doctor Rivera ang siyang pangunahing tagapagsalita sa nasabing event. Bilang estudyante ni Doctor Rivera ay narito siya para maging assistant nito.

Ngayon ang huling araw para sa seminar at katatapos lang kaninang umaga. Nagmamadali na sa pag-aayos ng mga gamit niya si Doctor Rivera dahil may gagawin pa siyang heart and lung transplant sa hospital.

Ang kaso nga lang ay hiniram ng isa sa mga organizer ang ilang notes ni Doctor Rivera at hindi pa nasasauli sa kanya. Kaya maiiwan si Aleisha para hintayin iyon.

"Huwag kang mag-alala, Dok Redobles," saad ni Doctor Rivera at binigay kay Aleisha ang card na magagamit lang sa loob Dela Merced Hotel. "Huwag kang magmadali at kapag marami ka pang oras ay pwede ka munang mag-enjoy rito."

Medyo malayo-layo rin ang Dela Merced Hotel at masasabing nasa liblib itong lugar pero maganda ang ambience rito na talaga namang nakakama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 54 - Duda Ni Sophia

    Umupo naman si Daniel sa sofa na nasa sala ng kanilang bahay. Dinukot ang telepono na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Tumambad kaagad sa kanyang mga mata ang litratong in-upload ni Aleisha sa isang social media na tinatawag na FriendyApp.Noong unang beses niyang in-add si Aleisha sa FriendyApp ay hindi kaagad siya nito pinaunalakan. Pero noong minsang hinatid niya ito sa Mabini Cemetery at tinulungan na makuha ang labi ng nanay nitong si Helen ay mukhang lumambot ang puso nito at tinanggap ang kanyang friend request.At ito ang unang beses na nag-upload si Aleisha ng litrato pagkatapos nitong tanggapin ang kanyang friend request. Unang nakatuon ang kanyang pansin sa bintana. Nakikita niyang umuulan sa labas niyon. Nabalitaan niyang may bagyong papasok ngayong gabi sa syudad nila. Sumunod niyang binasa ang nilagay na caption ni Aleisha— mag-isa lang daw ito sa Dela Merced Hotel.Hindi na nagdalawang-isip pa si Daniel at kaagad na inayos ang mga manggas ng kanyang polo saka sinuot muli

    Huling Na-update : 2024-11-19
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 55 - Sinadya

    Hindi nagtagal ay nakahanda na ang mga in-order nilang pagkain sa hapag-kainan. Habang si Aleisha ay hawak na ang tinidor at kutsara at takam na takam sa paghihintay sa special lomi na in-order niya.Nakatuon ang mga mata ni Aleisha sa isang katamtamang laki ng mangkok na nilapag ng waiter. Medyo malayo ito sa kanya pero nalalanghap niya ang amoy niyon na mas lalong nagpakalam sa kanyang sikmura. Tatayo na sana siya para kunin iyon nang matigilan siya sa ginawa ni Sophia. Huminga nang malalim si Sophia at walang sabi-sabing kinuha ang mangkok ng special lomi saka nilapag mismo sa harapan niya. "Nakakaganang tingnan ang lomi na ito. Mukhang masarap."Hindi alam ni Aleisha kung nakalimutan lang ba ni Sophia na siya ang nag-order ng lomi na iyon o talagang nanadya lang ito. Sa dami ng pagkaing nasa hapag ay itong lomi lang ang in-order ni Aleisha. Hindi niya inaasahang dadalhin nito ang ganoong ugali mismo pa sa harapan ni Raphael.Pero mukhang wala lang iyon kay Sophia dahil nagpatuloy

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 56 - Nakakatawa!

    Umiling-iling si Aleisha habang nakatingin pa rin kay Sophia. "Alam kong sinadya mo iyon!" Hindi na makapagsalita pa si Sophia dahil una at higit sa lahat ay ayaw niyang malaman ni Raphael ang tunay na ugaling mayroon siya. Kanina niya pa kagat-kagat ang kanyang ibabang labi para mapigilan ang sarili na sigawan si Aleisha gaya nang lagi niyang ginagawa. Hinila niya ang kamay ni Raphael at mahinhin na nagsalita. "Raphael..." Inismiran naman ni Aleisha ang dalawa at kaagad silang tinalikuran. Hindi siya interesadong manood sa paglalambingan nilang dalawa. Dumiretso siya sa lobby at umupo sa sofa. Kumuha ng isang tsokolate sa bitbit na bag. Ilang saglit pa siyang nakatitig lang sa tsokolate— naalala niya kasing galing pa ito sa binigay ni Daniel sa kanila ni Michelle. Iyong gabi kung saan una silang nagkita matapos ang napakahabang panahon. Nang gabi ring iyon ay nakita niyang kasama ni Daniel ang girlfriend nito. Hindi man nakabubusog ang tsokolate, pero mabibigyan ka pa rin nito n

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 57 - Propesyonal Na Kabit

    "Sandali lang..." biglang singit ni Sophia. Napahiya siya kaya gusto niyang makaganti. Hinila niya ang kamay ni Aleisha. "Bakit hindi na lang tayong dalawa ang matulog sa iisang hotel room? May trabaho pang gagawin si Raphael at isa pa ay masyado nang masikip ang tatlong tao sa iisang hotel room." Para kay Raphael ay may punto naman si Sophia. Nilingon niya si Aleisha. "Okay lang ba sa iyo?" Ayaw sanang pumayag ni Aleisha pero naging makulit si Sophia. "Ayan at settled na!" Napansin naman ni Raphael na nagdadalawang-isip si Aleisha. "Ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo." Para bang sinasabi nitong makakasama sa batang dinadala niya ang matulog sa lobby. Ayaw niyang makasama si Sophia pero sobrang lamig dito sa lobby at siguradong magkakasakit siya. Alam niyang sinabi lang iyon ni Sophia para makaganti— kilala niya na ito. Ayaw niyang makasama si Sophia pero ayaw niya ring magkasakit at baka kung mapano pa ang batang nasa kanyang sinapupunan. "Tara na!" dagdag pa ni Sophia at

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 58 - Bae

    Ilang minuto ring nakatingin lang siya kay Aleisha habang natutulog. Halos nakayakap na ito sa armrest ng sofa at nakakunot pa ang noo— marahil ay nilalamig na ito.Dahan-dahang lumuhod si Daniel sa harapan ni Aleisha— takot na baka magising niya ito. Isa pa ay nagdadalawang-isip din siya kung gigisingin ba ito o hayaan na lang itong matulog dito.Kung hahayaan niya na lang itong tulog ay wala siyang pagpipilian kung hindi ang buhatin ito papunta sa hotel room. Nang makita niya ang post nito sa FriendyApp ay kaagad siyang nagpa-reserved ng hotel room.Dahan-dahan niyang pinangko si Aleisha sa kanyang mga braso— nagmistula silang bagong kasal. Nang matagumpay niyang nabuhat si Aleisha ay siya namang pagmulat nito ng mga mata.Hindi muna sinubukang gumalaw ni Daniel at nanatiling nakatayo lang habang buhat-buhat pa rin si Aleisha. Napapalunok-laway na rin siya at makikita mismo sa kanyang adams apple ang pabalik-balik na paggalaw niyon. Napapatanong na siya sa kanyang sarili na magagali

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 59 - Special Lomi

    Kasalukuyang nasa kusina ng hotel si Daniel."Ito na lahat ng mga ingredients na ni-request ninyo, sir," sabi ng isa sa mga kitchen staff. "May kailangan pa ba kayo, sir, o may maitutulong ba ako?"Kalmado namang nagsalita si Daniel. "Pakitulungan naman akong hiwain lahat ng sangkap at pati na rin ang pasta ay pakihanda na rin."Kaagad niya namang nilabas ang kanyang telepono at nilahad iyon sa kitchen staff na tumulong sa kanya. Nagsilapitan na rin ang iba pang nasa kusina na tumulong din sa kanya kanina. Napag-alaman niyang magpapalit na pala ng shift ang mga kitchen staff at papunta pa lang dito sa hotel ang chef. Pero dahil na rin sa bagyo ay medyo natatagalan na ito sa daan."Paki-type na lang ang mga account ninyo. Bibigyan ko kayo ng kaunting bonus bilang pasasalamat sa pagpayag ninyong magluto ako rito at tulungan na rin ako," magalang na saad ni Daniel. "Pasensya na talaga dahil nagugutom na ang misis ko kaya hindi ko na mahintay pa ang chef ninyo."Ilang saglit pa ay nakatan

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 60 - Maling Akala Na Naman Ni Raphael

    Nakatayo lang si Raphael sa gitna ng lobby habang hawak niya ang kanyang telepono. Ilang saglit pa ay tinawagan niya si Aleisha.Natigil naman sa pagsubo ng lomi si Aleisha nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Tiningnan niya lang iyon at nagpatuloy sa pagkain ng lomi."Ayaw mo bang sagutin muna ang tawag?" tanong ni Daniel at kuryosong makaman kung sino ang tumatawag."Hindi. Tawag lang mula sa promo ng kung ano-ano," pagrarason ni Aleisha at kaagad na pinatay ang kanyang telepono.Inis namang napasuntok sa hangin si Raphael. Hindi niya na makontak ang numero ni Aleisha. Halata sa mukha niya ang galit. Naisip niyang wala bang pakialam ito? Hindi ba nito alam na kanina pa siya nag-aalala?"Hindi ko po siya nakita," sabi ni Jerome na kararating lang sa harapan ni Raphael."Hindi ko rin po siya mahanap," hinihingal namang saad ni Jacob.Kapwa nila nilibot ang buong hotel pero hindi nila nakita si Aleisha."Bakit hindi po ninyo siya subukang tawagan, Sir Raphael?" tanong ni Jacob ha

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 61 - Palda

    May shooting sa malapit si Sophia at dumaan naman si Raphael para bisitahin siya. Kaya naman nang magkaoras ay niyaya ni Sophia si Raphael sa shop na ito."Matagal na akong hindi nakapag-shopping kaya hindi ko rin alam kung may mga bago bang trending ngayon," sabi ni Sophia habang nililibot na ng tingin ang kabuuan ng shop.Dahil wala namang hilig si Raphael sa mga ganito ay bihira lang niyang samahan si Sophia sa mga ganitong lakad.Tinanggal naman ni Sophia ang kamay niyang nakalingkis sa braso ni Raphael at tinuro ang maliit na couch sa may gilid. "Maupo ka na muna roon at hintayin mo na lang ako.""Sige." Halatang walang interes si Raphael kaya tumango na lamang siya at kaagad na pinuntahan ang couch saka umupo rooon.Habang nasa may tabi naman si Michelle na kanina pa pala nakikinig sa dalawa. Kagat niya ang labi dahil sa pag-aakalang may gusto si Raphael kay Aleisha. Iyon naman pala ay may kasintahan na ito at nagkataong si Sophia pa iyon!"Bulag ba si Raphael?" natanong ni Mich

    Huling Na-update : 2024-11-23

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 101 - La Esperanza Resort

    Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 100 - Napapaisip Na Naman Ang Leon

    "Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 99 - Napangiti Na Ang Leon

    Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 98 - Walang Pansinan

    Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 97 - Konektado Kaya?

    Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 96 - Sawi

    Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 95 - Ibang Lalake

    Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 94 - Habol Pa Raphael!

    Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 93 - Selos?

    Pakiramdam ni Aleisha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at para bang sinabuyan siya nang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.Nakatalikod ang dalawa sa kanya kaya hindi nila siya napansin."Raphael..." nang-aakit na saad ni Sophia habang nakayakap ang mga kamay sa palibot ng beywang ni Raphael. "Napag-isipan ko na nang mabuti at hindi ko kayang mawala ka sa akin.""S-Sophia..." saad naman ni Raphael habang nakatingin dito sa nakakunot niyang noo.Matapos marinig ang mga iyon ay pinilit ni Aleisha na makahakbang palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang mga nakikita at naririnig. Walang ingay siyang nakalabas at nakitang nakabantay pa rin doon si Jacob.Gulat namang napatingin si Jacob kay Aleisha lalo pa at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit, Miss Aleisha?"Pigil na pigil ni Aleisha ang mga mata sa pagluha. Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon. Ni hindi umabot sa kanyang mga mata ang pa

DMCA.com Protection Status