Pero mukhang nauna naman si Aleisha kaya walang nagawa si Sophia— talo siya sa pagkakataon na ito. Ayaw niya namang makipagtalo pa rito dahil kasama niya si Raphael.Hindi iyon lingid sa kaalaman ni Raphael. Ngayon niya lang din napagtanto na parehas ang disenyo ng paldang suot nina Aleisha at Sophia.Naiilang na napangiti si Sophia. Hindi pa man nakakapagbigay ng komento si Raphael ay nagsalita na siya. "Naisip ko na wala naman palang maganda sa palda na ito. Ayaw ko na pala rito."Pagkatapos niyang masabi ang mga iyon ay babalik na sana siya dressing room para mag palit. Nang biglang magsalita si Raphael."Sandali lang..." Kaagad na pinigilan ni Raphael si Sophia."H-Ha? Bakit, Raphael?" tanong ni Sophia na naguguluhan.Nakasimangot na nakatingin si Raphael kay Sophia, pero ang mga mata nito ay kalmado na parang buwan sa madilim sa kalangitan. "Sobrang ganda nga niyan at bagay pa sa iyo. Bibilhin ko iyan para sa iyo.""Pero..." pilit na pagtanggi ni Sophia at tila nagmamakaawa na r
Nang gabing iyon ay pumunta ng Bad Haven si Raphael— ito ang lugar kung saan sila minsang tumatambay ng mga kaibigan niya na mga bigatin din.Naroon na sina Marco Rumualdez at Apollo Cinco. Kasama rin nila si Rayver John 'RJ' Soriano na hindi nila mahagilap ng ilang buwan.Nakaupo silang nakapalibot sa sala na napapagitnaan ng bilog na coffee table. Kasalukuyang nagtitimpla ng tsaa si RJ. Nang makita niya ang bagong dating na si Raphael ay kaagad niyang inalok iyon dito. "Oh, ang magiting na si Raphael ay naririto na. Tikman mo itong tinimpla kong tsaa."Kinuha naman iyon ni Raphael nang makaupo na siya at humigop mula roon. Pagkatapos ay tinuro niya sina Marco at Apollo. "Hinayaan lang ninyong magtimpla ang isang iyan?""Hindi mo siya mapipigilan," sagot naman ni Marco na tinangunan lang din ni Apollo."Oyy," singit ni RJ at kaagad na tumabi ng upo kay Raphael. Pagkatapos ay malisyosong ngumiti. "Nabuburyo lang talaga ako kaya ganoon. Pero may narinig akong chismis habang nawala ako
Kinabukasan ay sabay na nagtanghalian sina Aleisha at Michelle. Pagkaupong-pagkaupo ni Aleisha ay kaagad siyang napahikab. Napatitig naman sa kanya si Michelle— partikular na sa kanyang mga mata na nangingitim na ang bandang ibaba niyon."Anong nangyari?" hindi na napigilan ni Michelle ang magtanong. "Anong oras ka ba natulog kagabi?""Hindi ko alam. Siguro gabing-gabi na," walang ganang sagot ni Aleisha."Huwag mo nga laging iniisip ang trabaho mo riyan sa part-time job mo," panenermon pa ni Michelle kay Aleisha. "Mahalaga pa rin ang kalusugan mo.""Oo, alam ko..."Nakaramdam naman ng konsensya si Aleisha dahil sa hindi pagsasabi ng totoo. Hindi niya na sinubukan pang sabihin na hindi naman dahil sa pagta-translate kung bakit siya hindi nakatulog kaagad kagabi. Kung hindi dahil sa bawat pagpikit niya ay ang gwapong mukha kaagad ni Raphael ang nakikita niya.Kagabi niya natatanong sa sarili kung balak ba talaga nitong halikan siya kagabi?Oo o hindi?Pero bakit nga ba hindi nito kaaga
Nakalayo na ang sasakyan ni Raphael at tanging usok na lang niyon ang naiwan. Napatulala na lang si Aleisha sa bilis ng mga nangyari. Nang mapagtanto niya ang ginawa ni Raphael ay mapakla siyang napatawa. "Ang lalakeng iyon talaga! Ang kitid ng utak!"Napatingin siya bigla sa suot niyang damit. Mukhang galit pa rin ito sa nangyari sa shop. Nagalit siya dahil parehas sila ng palda ni Sophia! Ang babaw! Sa hinaba ng oras ay sa wakas narating din ni Aleisha ang Bad Haven. Sa pangatlong palapag daw gaganapin ang sponsorship program. Ayon pa sa nabalitaan ni Aleisha ay pag-aari ng ilang bigating mga tao ang buong building ng Bad Haven— partikular na ang underground.Nagmamadaling pumasok si Aleisha sa lobby at nakitang pasara na ang nag-iisang elevator. "Sandali lang!"Hindi na alintana ni Aleisha na naka-dress siya at tinakbo ang distansya niya sa elevator. Pero kaagad din siyang natigilan nang nasa harap na siya mismo ng elevator.Dahil si Raphael ang nasa loob niyon. Nandito rin ito. N
"Pasensya ka na, Mr. Arizcon kung nadistorbo ka namin. May kaunting problema lang rito at matatapos din ito," paliwanag ni Mr. Diaz saka binalik ang atensyon kay Aleisha at nakitang hindi pa nito iniinom ang wine. "Oh? Ang tagal mo namang mainom iyan?""Ahm..." mahinang nasambit ni Aleisha at naging mas mabagal pa ang pagtaas ng kanyang kamay na may hawak sa kopitang may lamang wine, dahil sa narinig niya lang ang pangalang binanggit ni Mr. Diaz.Naisip naman ni Aleisha na kasali pala si Raphael sa event na ito. Pagkakataon nga naman, lagi na lang silang pinagtatagpo. Nilingon niya ang direksyon kung saan nakatingin pa rin ang iba at naroroon nga— prenteng nakaupo sa may sulok. Bago pa man tuluyang maitaas ni Aleisha ang kanyang kamay ay nakita niyang tumaas ang kamay ni Raphael at tinuro siya. "Halika ka rito."Saglit namang natigilan si Aleisha at biglang nakaramdam ng kaba sa kanyang puso. Siya ba ang tinuturo ni Raphael? Kaya napalingon siya sa kanan at sa kaliwa niya dahil baka
Nasa ganoong posisyon pa rin sina Raphael at Aleisha pero walang pagdadalawang-isip na inangat ni Raphael ang kanyang mga tingin kay Mr. Diaz— sa nanlalamig nitong mga tingin.Kanina pa kinakabahan si Mr. Diaz pero mas dumoble iyon nang makita ang nakakatusok na mga tingin sa kanya ni Raphael. Pinagpapawisan na rin nang malamig ang kanyang noo. Para siyang bibitayin ng wala sa oras.Kung sa pagkakataong ito ay hindi pa rin napagtanto ni Mr. Diaz na kinagigiliwan din pala ni Raphael si Aleisha at pinilit pa ang sarili na siya ang unang nakapansin sa dalaga— malamang ay masasayang lahat ng kanyang pinaghirapan sa loob ng napakahabang panahon. Sino bang may gustong makalaban ang isang Raphael Arizcon?Kahit pa sabihing siya naman ang unang nakakita sa pagpasok ni Aleisha pero gusto naman ni Raphael na mapasakanya ito— sino siya para makipagtalo pa? Para lang niyang nilagay ang sarili sa kapahamakan."M-Mr. Arizcon—"Nilipat naman kaagad ni Raphael ang kanyang mga tingin kay Doktor Rivera
Lalo pa at nalalapit na ang paglabas ng Lolo ni Raphael sa hospital kaya oras na para pag-usapan nila ni Aleisha ang tungkol sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal. Kaya nasisi ni Raphael ang sarili sa ginawang paghalik na iyon. Kung kailan nalalapit nang maghiwalay ang kanilang mga landas ay saka mangyayari ito.Habang si Aleisha naman ay walang lingon-lingong nagmamadali sa paglalakad. Ni hindi man lang huminto kahit saglit. Nang marating niya ang apartment ay kaagad siyang pumasok at isinara ang pinto saka napahawak sa kanyang pisngi. Nag-iinit na nga iyon kanina pa. "Oh my gosh!"Nananaginip lang ba siya o talagang nangyari iyon? Baka guni-guni niya lang?Hinalikan siya ni Raphael!Pero bakit? Mahal niya si Sophia, hindi ba? Alam niya iyon dahil lagi niya itong tinutulungan sa lahat ng pagkakataon! O baka naman nag-away sila o may problema sila? Pero hindi naman iyon rason para halikan siya nito.Nang maalimpungatan siya kanina ay nalanghap niya ang amoy ng wine mula sa bibig nit
Lalong dumoble ang kabang naramdaman ni Aleisha nang marinig ang kanyang pangalan— walang duda at sasabihin na ni Raphael ang pagpapawalang bisa ng kanilang kasal. Halata na sa mukha niya ang pagiging kabado at tila namumutla na rin siya. Ito na ang katapusan ng pagpapanggap nila sa harapan ng don.Napansin naman ni Raphael na kabado si Aleisha at bahagya siyang napasimangot dahil sa nakikitang reaksyon nito. Natatakot ba ito dahil ayaw nitong mapawalang bisa ang kanilang kasal? Gusto ba talaga nitong manatiling kasal sa kanya? Ano nga ba talaga ang rason nito?"Ikaw at si Aleisha ay ano?" tanong ni Don Raul nang hindi kaagad marinig ang kadugtong ng sasabihin ni Raphael. Mataman siyang nakatingin kay Raphael. "Sabihin mo na, apo."Bigla namang nagbago ang isip ni Raphael at kaagad na nakaisip ng irarason. "Ang gusto ko lang namang sabihin ay gusto pa sana naming manatili ka sa hospital. Bakit naman kaagad kang nagpa-discharge, 'Lo?""Akala ko ay kung ano na," nakasimangot na saad ng
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."
Pakiramdam ni Aleisha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at para bang sinabuyan siya nang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.Nakatalikod ang dalawa sa kanya kaya hindi nila siya napansin."Raphael..." nang-aakit na saad ni Sophia habang nakayakap ang mga kamay sa palibot ng beywang ni Raphael. "Napag-isipan ko na nang mabuti at hindi ko kayang mawala ka sa akin.""S-Sophia..." saad naman ni Raphael habang nakatingin dito sa nakakunot niyang noo.Matapos marinig ang mga iyon ay pinilit ni Aleisha na makahakbang palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang mga nakikita at naririnig. Walang ingay siyang nakalabas at nakitang nakabantay pa rin doon si Jacob.Gulat namang napatingin si Jacob kay Aleisha lalo pa at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit, Miss Aleisha?"Pigil na pigil ni Aleisha ang mga mata sa pagluha. Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon. Ni hindi umabot sa kanyang mga mata ang pa