Share

1- Kidnapped

Author: Duchess GN
last update Huling Na-update: 2022-07-21 15:40:55

RENATA

“ANG ganda mo naman sa suot mong iyan, Renata. Para kang anghel.”

 Ito ang naging komento ni Aling Josefina nang bumili ako ng tinapay mula sa kanyang bakery. Ito na lang ang magsisilbing almusal ko sapagkat hindi ko na magawang magluto pa, mahuhuli na ako sa pupuntahan kong kasal.

 Kailangan kong dumalo sa kasal ng kaibigan kong si Aurelia, matalik at matagal ko na siyan kaibigan simula pa nang kami ay nasa kolehiyo kaya’t hindi maaaring wala ako sa isa sa pinakamahalagang okasyon ng kanyang buhay.

 “Binobola mo na naman po ako, Aling Sofing,” naiilang kong sabad sa komento ni Aling Josefina.

 “Hindi hija. Maganda ka talaga. Ewan ko nga ba sa anak ko at ayaw kang ligawan, baka raw ma-busted mo lang siya.” Saka niya inabot sa akin ang supot ng pandesal.

 Wala naman akong alam na maari kong isagot sa kanya kaya’t ang simpleng ngiti ko lang ang nagtapos sa aming pag-uusap bago ako umalis.

 Halos nasa tatlumpung metro ang layo ng kanto sa tinitirhan kong bahay. Pag-aari ito ng aking tiyuhin, puo ng mamahaling mga kagamitan at mga alahas na hindi ko kailanman binigyan ng interes, at ako ang ginawa niyang tagapagbantay nito simula pa noong ako ay nasa koleiyo. Mababait naman ang mga tao dito sa lugar kung saan ako tumira ng halos sampung taon, madalas din naman akong bisitahin ni Uncle Oscar na ayon sa kanya ay abala sa kanyang business.

 Puno ng CCTV ang bahay, may guards ngunit walang kasambahay. Kung tutuusin ay parang abandunado iyon, kaya’t napakatahimik.

 Malapit na ako sa gate ng bahay nang makita ko ang dalawang nakaparadang van sa tapat nito. Kulay itim at tinted ang bintana.

 “Iba na naman ang sasakyan ni Uncle? At sino ang mga kasama niya?” Nagtataka akong pumasok sa gate na bukas, wala ang guard. Baka nasa loob.

 Pumasok ako sa loob at isinara ang gate. Nakapagtataka na wala man lang kahit na anong ingay ng boses sa oob kaya’t dahan-dahan kong binuksan ang main door.

 Pagkakita ko sa loob ay naroon ang sampung lalaki na paikot-ikot sa loob, parang may hinahanap.

 “Sino kayo? Anong ginagawa ninyo rito?” bulalas ko nang tuluyan na akong nakapasok.

 Isang lalaki ang humarap sa akin, nakasuot siya ng longsleeves na puti, naka-tuck iyon sa suot niyang itim na pantalon, hapit sa kanya ang size ng damit kaya’t kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Semi-kalbo siya at balbas sarado. Gwapo siya, ngunit nakakatakot dahil kunot ang kanyang noo.

 “Where is he?” tanong niya sa akin.

 “Sinong hinahanap ninyo?” Naglakad ako patungo sa kaniya upang kumpirmahin kung sino ang kanilang hinahanap.

 “Boss, wala siya sa lahat ng kwarto.” Saad ng isang lalaki na nanggaling sa taas.

 Ibig sabihin ay pinasok na nila ang lahat ng parte ng bahay ni Uncle Oscar.

 Nakatingin pa ako sa lalaking bumababa ng hagdan nang biglang hablutin ng lalaki ang kamay ko dahilan upang mabitawan ko ang hawak kong supot ng pandesal.

 “Aray, nasasaktan ako!” Pilit kong ikinakawala ang kamay ko sa kanya ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

 “Where is your unce?” nanlilisik ang mga mata niyang tumitig sa akin.

 Magkahalong takot at sakit ang nararamdaman ko dahil sa kanyang ginagawa.

 “Wala, hindi ko alam. Matagal na siyang hindi nagpunta dito,” naiiyak kong sagot.

 “Liar!” Bulyaw niya sa akin saka malakas ang pwersang binitawan niya ang kanan kong kamay, napaatras ako.

 “Search every corner of this f*cking house, siguraduhin ninyong walang nagtatago,” utos niya sa kanyang mga alipores.

 Tumingin ako sa paligid at ngayon ay abala na ang mga lalaki sa paghahanap. Naiwan akong nakatayo sa harapan ng lalaking galit nag alit pa rin.

 “It’s impossible for you to live here, alone, woman.” Lumapit siya sa akin at kahit kalmado na ang boses niya ay nakakatakot pa rin ang kanyang ipinapakitang presensya.

 Lumapit siya ng lumapit hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng kanyang katawan sa akin. Hindi ko mapiglang hindi hangaan ang pabango niyang amoy mamahalin at ang kanyang nakahahalinang hininga. He must be rich.

 Napaatras ako bigla nang mas lalo niyang ilapit ang mukha niya sa akin.

 “Do you think, you can fool me?” Tanong niya saka hinaplos ng kanyang daliri ang balikat ko pababa sa aking braso.

 “Huwag mo akong hahawakan.” Tinabig ko ang kanyang kamay at saka ako nagtangkang tumakbo ngunit mabilis siyang gumalaw na dahilan para mahagip niya ang aking kaliwang braso.

 “Saan ka pupunta ha?” Hinila niya ako at saka niya ako biglang itinulak sa pader.

 Tumama ang likuran ko doon at hindi ko na ininda ang sakit dahil mas gusto ko na lang talagang makatakas kaysa magpakita ng kahinaan.

 Nang mapasandal ako sa pader ay lumapit siya sa akin. His gaze and angry eyes are piercing me. His arrogance and dominance are making me feel weak, kaya’t nanginginig na ang tuhod ko sa takot.

 Inilapat niya ang kanyang mga palad sa pader sa magkabilang sides ng katawan ko dahilan para makulong ako sa kanya. Pilit kong iniiwas ang tingin ko lalo pa nang ilapit niya sa akin ng husto ang kanyang mukha.

 Tumahip ng mabilis ang aking dibdib, pinaghalong emosyon ng kaba at takot ang nadarama ko sa tuwing malapit siya. Nakayuko siya ngayon upang magtapat ang mga mukha naming dalawa.

 “Look at me, honey,” pabulong niyang wika.

 Lumuluha na ako nang unti-unti akong tumingin sa kanyang mga mata. I saw a naughty smile in his eyes nang magtama ang aming mga paningin.

 “I have a lot of resources para maipahanap ang uncle mo. So, when that day comes at malalaman kong alam mo pala kung nasaan siya, you know what will happen to you, woman,” bumubulong pa rin siya.

 Nananaig ang takot sa aking dibdib ngunit ang senswal at husky niyang boses ay naghahatid sa akin ng kakaibang kiliti, tuloy ay tumatayo ang balahibo sa aking katawan na nagmumula sa aking tenga kung saan nakatapat ang kanyang mga labi.

 Hindi na akko makahinga, hirap akong huminga dahil sa labis na kaba, ngunit heto siya, kalmado ngunit alam kong nagpipigil lang ng galit.

 “Wala akong alam sa kung ano ang pakay niyo sa kanya. Hindi ko rin alam kung nasaan siya,” mangiyak-ngiyak kong wika.

 “You can’t fool me with your crying words, lady. Kung naloko ako ng uncle mo, ikaw, hindi mo ako maloloko, naiintindihan mo ba?”

 “Wala nga akong alam, wala kayong makukuha sa akin!” Bulyaw ko sa kanya at halatang nagulat siya sa aking inasta.

 Akma niya akong sasampalin dahil itinaas niya ang kanan niyang kamay ngunit sumigaw ako at bigla na lang dumausdos ang katawan ko paibaba. Natagpuan ko ang sarili kong umiiyak habang nakasalampak sa sahig.

 “Damn!” Napamura siya saka pinagtatadyakan niya sa galit ang mga gamit sa sala.

 Nahagip niya ang vase at saka itinapon iyon sa kung saan. Sunud-sunod na pagbabasag ang ginawa niya at sunud-sunod rin ang pagkakagulat ko nang dahil doon. Umiiyak pa rin ako sa sobrang takot kaya naman sinasabayan ng pagtangis ko ang galit niya.

 “Stop crying, woman! Stop! You are making me annoyed with your crying voice!” Bulyaw niya sa akin saka siya naglakad muli ng palapit.

 Isiniksik ko ang sarili ko sa pader at itinago ang mukha ko sa kanya.

 Kahit na sumigaw ako ng sumigaw ngayon ay walang makakarinig sa akin. Sampung metro ang layo ng kapit-bahay at nakasarado pa ang buong kabahayan kaya’t wala na akong pag-asa na mayroon pang makakarinig sa akin mula dito.

 Tinakpan ko ang aking bibig upang sa gano’n ay pigilan ang sarili kong lumikha ng ingay sa aking pag-iyak, ngunit hindi ko mapigilang suminok ng suminok.

 “Hik. Hik.” Sumasabay pa ang aking ulo at mga balikat sa aking pagsinok at para akong malalagutan ng hininga sa bagay na iyon.

 Ngayon ko lang ulit ito naranasan, ang huli ay noong iwan ako ng itinuring kong ama at kailanman ay hindi ko na siya nakita pa.

 “I said stop!” Lumuhod siya at saka humawak sa kamay ko.

 “Hik. Hik.” Hindi ko talaga kayang pigilan pa kaya naman nang tumingin ako sa kanya ay nakita ko ang kakaibang pagkunot ng kanyang mga mata, hindi galit kundi takot sa kanyang nakikita mula sa akin.

 Para na akong malalagutan ng hininga.

 “Troy!” Sigaw niya saka tingin sa paligid.

 Biglang lumapit ang isang lalaki na galing sa likuran saka nagtanong, “Ano iyon boss?”

 “Get a glass of water, now!” utos niya.

 Mabilis na nagtungo ang lalaking nagngangalang Troy sa kusina at kumuha ng tubig. Agad niya itong inabot sa boss niya saka inabot naman sa akin.

 “Drink.” Pagkaabot niya niyon sa akin ay halos matapon pa dahil sa pagmamadali.

 Mabilis kong inabot ang baso at uminom niyon dahil hindi ko na talaga kaya. Kapag nagtagal pa ay baka mawalan na lang ako bigla ng malay sa aking pwesto.

 Pagkainom ko ay inilapag ko na ang baso at muling umiwas ng tingin sa kaniya. I know and I’ve seen his concern for me, at alam kong nakonsensya siya sa kanyang inasta at ginawang pananakot sa akin. Pero itinatago niya iyon sa kanyang pagiging dominante.

 Tumayo siya at saka namulsa ng kanyang mga kamay habang nakatingin sa akin.

 “Hey. What’s your name?” tanong niya.

 “Kung kilala moa ng uncle ko, baka kilala mo na rin kung sino ako,” barado na ang ilong ko sa aking ginawang pag-iyak.

 “Just f*cking answer my question. What’s your name?” galit na naman siya.

 Tumingin ako sa kanya at saka kinilatis ang buo niyang mukha.

 “What for you? Ano lang sa’yo kung malalaman moa ng pangalan ko?” mahina kong wika.

 “Damn, answer me. What’s your name?” Pagkasabi niya nito ay tinabig ng paa niya ang babasaging baso sa gilid dahilan para mabasag iyon at maglawa ng tubig sa harapan ko.

 Napayuko ako nang dahil sa pagkabigla. Hindi niya ako sasantuhin sa bagay na ito. Alam kong kaya niya akong saktan pa lalo kaya’t pinili kong huwag na lamang magmatigas pa.

 “Renata, Renata ang pangalan ko,” nakayuko kong sagot.

 “How old are you?”

 Nanahimik ako sa kanyang sumunod na tanong. Bakit ba kailangan pa niyang malaman ang tungkol sa akin kung si Uncle Oscar naman ang hinahanap niya?

 “You don’t need to know about it, sir,” sagot ko.

 “Huh. You’re one tough woman, huh?”

 He bent his left knee making himself leveled to me bago niya ako hinawakan sa aking baba at pilit na ihinarap ang mukha ko sa kanya.

 “If I ask question, you should answer me back. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay iyong nagmamatigas at hindi sumusunod sa gusto ko, naiintindihan mo ba?”

 “Hindi kita boss at mas lalong hindi ako dapat sumunod sa’yo dahil wala kang kinalaman sa buhay ko,” saad ko ng buong tapang sa kanya.

 Umarko ang mga labi niya at umangat ang kanang bahagi niyon sa inis sa akin.

 “You sill have the guts to answer me back with those unkind words, Renata.” Patangu-tango niyang wika.

 Umirap lang ako sa kanya saka ako nag-iwas ng tingin.

 Hindi pa rin bumababa ang mga tauhan niya, ang ilan ay pabalik-balik na sa iba’t ibang lugar ng bahay na parang hindi kami nakikita.

 So, this is the time to know about this man, baka sakaling makatakas ako ay siya at least may alam ako tungkol sa kanya.

 “May I ask your name, too?” matapang kong tanong.

 “Huh. You are asking my name? Are you serious?”

 “Obviously, sir.”

 Bigla na lang sumeryoso ang kanyang tingin sa akin at biglang nagdilim ang kanyang paningin. Tila ba pinagsisihan ko na ang aking pagtatanong niyon dahil parang papatay ang talim ng kanyang mga mata.

 “Remember my name until you die, woman. Remember this name that will make your life miserable because of your uncle’s debt. I know this is unfair on your part but I can’t trust your beauty, Renata. So, take note of this, knowing my name is sealed with your blood. There’s death that awaits in the end. I am Quinton James Vera, and knowing me will ruin your life,” nakakatakot ang boses at tono niya nang sabihin niya ito.

 “Boss, hinalughog na naming ang lahat. Wala talaga,” maya maya ay wika ng isang lalaki.

 Mula sa kanyang pagkakaluhod ay tumayo siya at inayos ang kanyang sarili. Naiwan akong nakasalmpak lang sa sahig, basa na ang ibabang bahagi ng dress ko dahil sa tubig at ngayon ay hinihintay ko na lang silang umalis. Mayroon nang namumuong plano sa aking isipan sa oras na umalis sila, at hinding hindi ko mapapatawad ang lalaki na ito.

 Quinton James Vera. He is an evil.

 “Kunin niyo lahat ng gamit na pwedeng kunin. Huwag mag-iiwan ng kahit na ano mang alahas at pera at dalhin sa sasakyan.” Saka siya nagsimulang maglakad paalis.

 “Hindi, hindi pwede,” sabad ko.

 “And I forgot one thing. Unahin niyo nang isakay sa van ang babaeng iyan, makes ure na hindi siya makakatakas, or else alam niyo na ang mangyayari.” Tumingin siya sa akin at nakita ko ang matalim na plano niya bago siya tuluyang nawala sa aking paningin.

 “Huwag, maawa kayo sa akin, don’t do this to me! No!”

 Wala na akong magagawa pa dahil dalawang lalaki na ang humawak sa akin at buong pwersa na nila akong inilabas ng bahay at walang awang isinakay sa isang van kung saan naroon si Quinton James, nakasuot na ng shades at prenteng nakaupo sa kanyang pwesto.

 “The moment you disturb my little nap, you’ll be on your knees to suck your pacifier, remember that, Renata.”

Kaugnay na kabanata

  • Collateral for the Billionaire    2-Escape

    RENATA NAGISING ako sa isang malamig na kwarto kung saan ako dinala ng mga lalaki kanina. Hindi ko alam kung anong lugar ito, basta’t ang alam ko lang ay nasa mansion ako ng lalakung dumukot sa akin, si Quinton James Vera. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tumingin ako sa orasan at pasado alas dos na ng hapon. Kumakalam na ang aking sikmura dahil wala pa akong kinakain simula pa kaninang umaga. Nanghihina na ako. Malinis ang buong kwarto. Malawak ang lob, mayroong sofa at lamesita sa tapat ng malaking bintana. Nasa malambot na kama pa rin ako na sa palagay ko ay queen size bed. Tumayo ako at hinanap ang aking saplot sa paa. Wala na iyon. Naglakad ako patungo sa pintuan at sinubukang buksan ngunit nakasarado sa labas. “Dios ko, paano ako makakatakas nito?” Nasapo ko ang aking noo nang sabihin ko ang bagay na ito. Pumipitik-pitik na naman ang aking sentido, masakit ang ulo ko. Kaya’t hindi ako kaagad maka-isip ng maayos kung paano ako makakatakas sa lugar na ito. Saglit akong nag

    Huling Na-update : 2022-07-21
  • Collateral for the Billionaire    Prologue

    "SA SUSUNOD na tangkain mo ulit na tumakas, hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka dahil pangalawang beses mo nang ginawa ito. You are making me mad, again, Renata. Damn.” Ito ang mga salitang narinig ko mula sa kanya nang sandaling kumalma siya at naupo sa kanyang malaking upuan sa sala ng kanyang mansion. Matapos niya akong iphabol sa kaniyang mga tauhan sa labas ay kinaladkad nila ako papasok hanggang sa muli ko na namang makaharap ang lalaking dumukot sa akin. Hinang-hina na ako at wala na akong natitira pang pag-asa. Ang nais ko na lang ay mamatay na katulad ng aking mga magulang. Hindi ko na gustong mabuhay pa kung pahihirapan lang ako ng lalaking ito. “Look at me when I am talking to you.” Binigla niyang hinawakan ang aking pisngi upang sa gano’n ay makita ko ang mukha niya. Galit na galit ang kanyang mga mata sa akin, wala akong mahanap na kahit katiting man lang na konsensya mula sa kanya sa kanyang ginagawa ngayon sa akin. “Bakit mo ito ginagawa sa akin? Wala ako

    Huling Na-update : 2022-07-20

Pinakabagong kabanata

  • Collateral for the Billionaire    2-Escape

    RENATA NAGISING ako sa isang malamig na kwarto kung saan ako dinala ng mga lalaki kanina. Hindi ko alam kung anong lugar ito, basta’t ang alam ko lang ay nasa mansion ako ng lalakung dumukot sa akin, si Quinton James Vera. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tumingin ako sa orasan at pasado alas dos na ng hapon. Kumakalam na ang aking sikmura dahil wala pa akong kinakain simula pa kaninang umaga. Nanghihina na ako. Malinis ang buong kwarto. Malawak ang lob, mayroong sofa at lamesita sa tapat ng malaking bintana. Nasa malambot na kama pa rin ako na sa palagay ko ay queen size bed. Tumayo ako at hinanap ang aking saplot sa paa. Wala na iyon. Naglakad ako patungo sa pintuan at sinubukang buksan ngunit nakasarado sa labas. “Dios ko, paano ako makakatakas nito?” Nasapo ko ang aking noo nang sabihin ko ang bagay na ito. Pumipitik-pitik na naman ang aking sentido, masakit ang ulo ko. Kaya’t hindi ako kaagad maka-isip ng maayos kung paano ako makakatakas sa lugar na ito. Saglit akong nag

  • Collateral for the Billionaire    1- Kidnapped

    RENATA “ANG ganda mo naman sa suot mong iyan, Renata. Para kang anghel.” Ito ang naging komento ni Aling Josefina nang bumili ako ng tinapay mula sa kanyang bakery. Ito na lang ang magsisilbing almusal ko sapagkat hindi ko na magawang magluto pa, mahuhuli na ako sa pupuntahan kong kasal. Kailangan kong dumalo sa kasal ng kaibigan kong si Aurelia, matalik at matagal ko na siyan kaibigan simula pa nang kami ay nasa kolehiyo kaya’t hindi maaaring wala ako sa isa sa pinakamahalagang okasyon ng kanyang buhay. “Binobola mo na naman po ako, Aling Sofing,” naiilang kong sabad sa komento ni Aling Josefina. “Hindi hija. Maganda ka talaga. Ewan ko nga ba sa anak ko at ayaw kang ligawan, baka raw ma-busted mo lang siya.” Saka niya inabot sa akin ang supot ng pandesal. Wala naman akong alam na maari kong isagot sa kanya kaya’t ang simpleng ngiti ko lang ang nagtapos sa aming pag-uusap bago ako umalis. Halos nasa tatlumpung metro ang layo ng kanto sa tinitirhan kong bahay. Pag-aari ito ng ak

  • Collateral for the Billionaire    Prologue

    "SA SUSUNOD na tangkain mo ulit na tumakas, hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka dahil pangalawang beses mo nang ginawa ito. You are making me mad, again, Renata. Damn.” Ito ang mga salitang narinig ko mula sa kanya nang sandaling kumalma siya at naupo sa kanyang malaking upuan sa sala ng kanyang mansion. Matapos niya akong iphabol sa kaniyang mga tauhan sa labas ay kinaladkad nila ako papasok hanggang sa muli ko na namang makaharap ang lalaking dumukot sa akin. Hinang-hina na ako at wala na akong natitira pang pag-asa. Ang nais ko na lang ay mamatay na katulad ng aking mga magulang. Hindi ko na gustong mabuhay pa kung pahihirapan lang ako ng lalaking ito. “Look at me when I am talking to you.” Binigla niyang hinawakan ang aking pisngi upang sa gano’n ay makita ko ang mukha niya. Galit na galit ang kanyang mga mata sa akin, wala akong mahanap na kahit katiting man lang na konsensya mula sa kanya sa kanyang ginagawa ngayon sa akin. “Bakit mo ito ginagawa sa akin? Wala ako

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status