Share

2-Escape

Author: Duchess GN
last update Huling Na-update: 2022-07-21 15:42:01

RENATA

 NAGISING ako sa isang malamig na kwarto kung saan ako dinala ng mga lalaki kanina. Hindi ko alam kung anong lugar ito, basta’t ang alam ko lang ay nasa mansion ako ng lalakung dumukot sa akin, si Quinton James Vera.

 Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tumingin ako sa orasan at pasado alas dos na ng hapon. Kumakalam na ang aking sikmura dahil wala pa akong kinakain simula pa kaninang umaga. Nanghihina na ako.

 Malinis ang buong kwarto. Malawak ang lob, mayroong sofa at lamesita sa tapat ng malaking bintana. Nasa malambot na kama pa rin ako na sa palagay ko ay queen size bed.

 Tumayo ako at hinanap ang aking saplot sa paa. Wala na iyon. Naglakad ako patungo sa pintuan at sinubukang buksan ngunit nakasarado sa labas.

 “Dios ko, paano ako makakatakas nito?” Nasapo ko ang aking noo nang sabihin ko ang bagay na ito.

 Pumipitik-pitik na naman ang aking sentido, masakit ang ulo ko. Kaya’t hindi ako kaagad maka-isip ng maayos kung paano ako makakatakas sa lugar na ito.

 Saglit akong nag-isip, pilit na pinagagana ang ulo ko kahit masakit na ito. Nahagip ng mga mata ko ang bintana, doon ay kumintal sa isipan ko ang isang bagay.

 Mabilis akong nagtungo doon at saka ko binuksan ang isang bahagi nito. Sliding window iyon at sa tingin ko ay tinted iyon mula sa labas.

 “Dios ko,” nalula ako nang makita kung gaano katas ang babagsakan ko kung sakaling tatalon ako mula dito. Sa aking palagay ay nasa 5th floor ako ng lugar na ito at hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng katawan ko kapag bumagsak ako sa ibaba.

 Ngunit kailangan ko ng lakas ng loob. Kung hindi ako gagawa ng paraan ay mabubulok lang ako sa kwarto na ito. Lumingon ako sa kama at nakita ko ang kumot at ang comforter. Napatingin din ako sa kurtinang nakasabit sa bintana kaya’t umiral agad ang aking pag-iisip.

 Mabilis pa sa alas kwatro ay hinila ko ang kurtina, tinanggal iyon sa pagkakasabit at dinala ko sa kama Ibinuhol ko ang dulo nito sa dulo rin ng kumot. Saka ko isinunod ang comforter. Ibinuhol ko ang bawat bahagi ng mahigpit nang sa gano’n ay hindi makalas at ako’y bumagsak.

 Kahit na takot ako sa matataas na lugar ay kailangan ko pa ring gawin ito upang sa gano’n ay makawala na ako sa impyernong kinalalagyan ko.

 Hinila ko ang mahabang sofa na yari sa mahogany at dinala iyon sa tabi ng bintana. Itinali ko ng mabuti ang dulo ng comforter sa sofa at saka sinubukang hilahin kung kakalas ba ito o hindi. At nang masiguro ko na mahigpit na ay huminga ako ng malalim.

 Muli akong dumungaw sa bintana at tiningnan kung mayroong nagbabantay sa paligid. Nang masiguro kong wala na ay ihinagis ko ang pinagbuhol-buhol na kumot, kurtina at comforter saka ako nagsimulang humawak at lumabas sa bintana.

 “Bahala na,” ang tangi kong nasabi.

 Inabot lang sa kalahating bahagi ang pinagbuhol-buhol kong mga gamit. Pwede na siguro akong tumalon kapag nakarating ako sa dulo, medyo mababa na iyon kumpara dito sa panggagalingan ko.

 Pumikit muna ako hanggang sa magsimula na akong bumaba. Matindi ang ginawa kong pagkapit at hindi ko hinahayaan na mapatingin ako sa ibaba upang sa hindi ako pangunahan ng takot na baka mahulog ako mula rito.

 Dahan-dahan at paunti-unti ay bumababa na ako. Hindi ko pa magawang magalak dahil sa totoo lang ay hindi pa ako nakakakalahati ngunit malakas ang kutob ko na makaaalis ako ngayon.

 Pilit ko pang pinalalakas ang loob ko hanggang sa marating ko na ang dulo ng pinagbuhol-buhol na gamit. Nakalambitin lang ako doon.

 “Paano na ito?” Tumingin ako sa ibaba at nakita ko doon ang limang malalaking jaguar na nag-aabang sa akin.

 Nakalabas na ang kanilang mga ngipin at tila ba nais na akong makababa upang lapain ako ng buhay.

 “Nnngggggrrrrrr.”

 “Arf. Arf. Arf.”

 Galit na galit sila at para bang isa akong buto na nais nilang pag-agawan.

 “Dios ko, anong gagawin ko?” Umiiyak na akong nakalambitin doon habang nawawalan na ako ng pag-asa na mabubuhay pa kung mahuhulog ako sa mga asong galit sa akin.

 Wala na akong alam na maaari kong gawn. Ako na nga yata ang pinakamalas na tao sa balat ng lupa.

 “Nay, tay, kunin niyo na lang ako,” umiiyak kong wika habang nanghihina na ang aking mga kamay.

 “Arf. Arf. Nnnngggrrrrr.”

 Patuloy lang sa pagtahol at pag-aabang ang mga aso sa ibaba at hinihintay na lang akong mahulog mula rito.

 Tumingin ako sa itaas at kitang kita ko ang nalalapit nang pagkalagot ng pagkakatali ng kurtina sa kumot.

 “Naaaayyyy!” Sigaw ko dahil nalalapit na nga yata ang katapusan ko.

 Napakalakas na ng aking pag-iyak dahil sa takot. Ito na nga siguro ang katapusan ko, wala na akong chance pa, walang wala na talaga.

 “What do you think is this?”

 Wika ng isang boses nang biglang bumukas ang bintana sa tapat ko. Abot ng kamay ko ang bintana dahil nasa dulo na ako ng makapal na kurtina.

 “Quinton…iligtas mo ako,” pagmamakaawa ko.

 Nag-ekis ang mga kamay niya habang nakadungaw sa bintana. Natutuwa pa nga yata siyang nasa ganito akong kalagayan kaya’t parang wala siyang pakialam sa akin.

 “Please…gagawin ko ang lahat ng nais mo, just save my life,” patuloy ko.

 “Really? Lahat ng gusto ko?”

 “Y-yes, sir,” desperada kong wika.

 “Arf! Arf!” naka-abang pa rin talaga ang mga aso sa ibaba.

 “What if I will not help you at hayaan na lang kitang mahulog diyan at lapain ng mga jaguar sa ibaba?”

 Hindi na ako nagsalita pa dahil tila mas nadagdagan pa ang aking takot. Malalagot na ang pagkakabuhol ng kurtina at mahuhulog na ako. Wala nang iba pang magaganap kundi ang tuluyan kong pagkahulog at malalasap ko ang matinding sakit ng pagkagat ng mga asong tila mga leon kung magalit.

 “Just let me die then, at nang matapos na ang lahat n ito,” ang sabi ko pa, ngunit sa totoo lang ay takot na takot ako.

 Tumingin siya sa itaas na bahagi at alam kong nakikita rin niya ang pagkakabuhol ko sa mga tela.

 “Hindi lahat ng sa tingin mo ay mahigpit ay kaya kang suportahan. Iyong iba ay kapag nasa gitna ka na, saka ka bibitawan,” matalinghaga niyang wika.

 Ngunit wala nang panahon pa upang hangaan ko ang kanyang ideya. This is already between life and death kaya’t sana ay malaman niya iyon.

 “Will you help me or hindi? Just tell me para alam ko kung tatalon na lang ba ako o hihintayin kong malagot ang tali,” desperada kong wika.

 “Are you demanding me to do something for you?” Kumunot ang noo niya saka ipinatong ang mga palad sa hamba ng bintana.

 “You made me do this. Wala sana ako dito kung hindi dahil say---Dios ko!” Bigla na lang nalagot ang kurtina dahilan para mahulog ako.

 Ang akala ko ay katapusan ko na ngunit nang makita kong isang palapag na lang ay babagsak na ako ay nakita ko siyang pilit akong inaangat, hawak niya ang kurtina.

 “Damn, anong kinain mo at napakabigat mo?” reklamo niya habang hirap na hirap siyang hilahin ako pabalik.

 “Arf! Arf! Nnngggggrrr!”

 “Hey, Lucifer, stop barking. She’s not your food, she’s my viand for tonight!” Sigaw niya sa kanyang aso na patuloy lang sa pagtahol.

 Hindi ko na inisip kung ano ang sinasabi niya ngayon, ang mahalaga sa akin ay mailigtas niya ako.

‘ “Uuuhhmmmm.” Inangat niya ako ng buong lakas hanggang sa marating ko ang bintana.

 Kumapita ko sa kamay niya hanggang sa makasampa ako sa bintana at nang hawakan niya ako sa bewang ay sabay pa kaming natumba sa sahig.

 May silbi pala ang laki ng katawan niya dahil napakalakas niya. But then, I found myself on his top. He’s not wearing anything on top, he’s soaking wet with sweat.

 Nakahawak pa rin siya sa aking bewang at ngayon ay nagtama ang aming mga paningin. I found comfort sa kanyang mga mata at hindi ko maipaliwanag kung bakit ko ito nararamdaman.

 He kidnapped me, he hurt my emotions and tried to slap me earlier pero heto ako, nakakadama ng kakaibang comfort sa kanya. Dinig na dinig at ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng kanyang puso habang nasa ibabaw niya ako.

 “Look what you made us do, woman,” seryoso niyang wika.

 Babangon na sana ako ngunit mabilis niyang binaliktd ang mundo naming dalawa. Kung kanina ay nasa ibabaw niya ako, ngayon naman ay nasa ibabaw ko na siya.

 Mabigat siya at kontrolado niya pa ang sarili niya sa lagay na ito. Haawak niya ang magkabilang pupulsuhan ko habang nakatitig siya sa akin. Para akong nakaposas lang sa kanyang mga kamay habang ipinpako niya ako sa kanyang paningin.

 “You are starting to make me crazy woman, hindi mo magugustuhan ang mga pwedeng mangyari kapag pilit kang nagkakaganito,” mahina niyang wika.

 Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa kanyang mga mata. Doon ko nakita ang kakaibang pagnanasa niya sa akin. Napaka-senswal ng kanyang pagtingin, mabigat ang talukap ng kanyang mga mata kaya’t tila ba nangungusap ang mga iyon.

 Napalunok siya at tumikhim, kitang kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang Adam’s apple nang dahil doon. And then lumipat ang kanyang paningin sa aking mga labi. I saw him licked his lower lip at naghatid pa iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin.

 Nang bigla niyang ilapit ang mukha niya ay umiwas ako at ibinaling ang ulo ko sa kanan. Nakita ko na nasa semi-gym roon kami at naroon ang mga equipment na siguro ay ginagamit niya upang magpahubog at magpaganda ng katawan na kitang kita naman sa kanya.

 “Don’t ever make me bothered again, woman, don’t.” Pailing-iling niyang wika.

 Am I making him bothered? Sa paanong paraan? Hindi ko aam kung saang parte o kailan sa buong maghapon ko siya inabala o binigyan ng pakiramdam na ganito.

 “Let me go, then, sir.”

 “No, gusto kong ganito lang tayo,” aniya.

 “Until when?”

 “Hangga’t gusto ko, Renata.”

 “Nagugutom na ako. You should feed your captive,” ang wika ko.

 He smiled and then looked at my eyes again.

 “You are making me crazy, Renata. You don’t know why, woman. You don’t know,” dagdag pa niya.

 Nagkatitigan lang kami hanggang sa muli na naman siyang magsalita. There is something in him na tila ba nagpapalambot sa tuhod ko. His charisma and sex appeal make me become the woman na hindi ko alam na magiging ako.

 Sa isang iglap ay hindi ko na kilala ang sarili ko. Why am I feeling this towards this bastard? Why?

 Gulong gulo ang isipan ko kaya’t napapikit na lang ako. Ang kaninang nanlalaban na kamay ko ay nanlambot na sa kanyang pagkakahawak.

 Bumuntong hininga ako at nagpakita ng pag-surrender sa kanya. Wala na rin naman kasi akong magagawa pa.

 “What did you say, earlier?” he asked.

 “What about?” nakapikit kong tanong.

 “You said, you’ll do everything for me,” he replied.

 I opened my eyes at nagulat sa sinabi niya. Oo, sinabi ko ang bagay na iyon sa kagustuhan kong makaligtas. Pero hindi ko naisip na gagamitin niya iyon sa akin ngayon.

 “Forget it. Hindi ko na nais maalala ang bagay na iyon ngayon,” I replied.

 “That’s a promise from you woman. You begged me to save your life, at mayroong kapalit ang lahat sa akin. So, do and prove it to me now, woman.”

 “What do you want from me?” mahina kong wika na senyales ng pagsuko.

 “I want to be inside you now, Renata.”

Kaugnay na kabanata

  • Collateral for the Billionaire    Prologue

    "SA SUSUNOD na tangkain mo ulit na tumakas, hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka dahil pangalawang beses mo nang ginawa ito. You are making me mad, again, Renata. Damn.” Ito ang mga salitang narinig ko mula sa kanya nang sandaling kumalma siya at naupo sa kanyang malaking upuan sa sala ng kanyang mansion. Matapos niya akong iphabol sa kaniyang mga tauhan sa labas ay kinaladkad nila ako papasok hanggang sa muli ko na namang makaharap ang lalaking dumukot sa akin. Hinang-hina na ako at wala na akong natitira pang pag-asa. Ang nais ko na lang ay mamatay na katulad ng aking mga magulang. Hindi ko na gustong mabuhay pa kung pahihirapan lang ako ng lalaking ito. “Look at me when I am talking to you.” Binigla niyang hinawakan ang aking pisngi upang sa gano’n ay makita ko ang mukha niya. Galit na galit ang kanyang mga mata sa akin, wala akong mahanap na kahit katiting man lang na konsensya mula sa kanya sa kanyang ginagawa ngayon sa akin. “Bakit mo ito ginagawa sa akin? Wala ako

    Huling Na-update : 2022-07-20
  • Collateral for the Billionaire    1- Kidnapped

    RENATA “ANG ganda mo naman sa suot mong iyan, Renata. Para kang anghel.” Ito ang naging komento ni Aling Josefina nang bumili ako ng tinapay mula sa kanyang bakery. Ito na lang ang magsisilbing almusal ko sapagkat hindi ko na magawang magluto pa, mahuhuli na ako sa pupuntahan kong kasal. Kailangan kong dumalo sa kasal ng kaibigan kong si Aurelia, matalik at matagal ko na siyan kaibigan simula pa nang kami ay nasa kolehiyo kaya’t hindi maaaring wala ako sa isa sa pinakamahalagang okasyon ng kanyang buhay. “Binobola mo na naman po ako, Aling Sofing,” naiilang kong sabad sa komento ni Aling Josefina. “Hindi hija. Maganda ka talaga. Ewan ko nga ba sa anak ko at ayaw kang ligawan, baka raw ma-busted mo lang siya.” Saka niya inabot sa akin ang supot ng pandesal. Wala naman akong alam na maari kong isagot sa kanya kaya’t ang simpleng ngiti ko lang ang nagtapos sa aming pag-uusap bago ako umalis. Halos nasa tatlumpung metro ang layo ng kanto sa tinitirhan kong bahay. Pag-aari ito ng ak

    Huling Na-update : 2022-07-21

Pinakabagong kabanata

  • Collateral for the Billionaire    2-Escape

    RENATA NAGISING ako sa isang malamig na kwarto kung saan ako dinala ng mga lalaki kanina. Hindi ko alam kung anong lugar ito, basta’t ang alam ko lang ay nasa mansion ako ng lalakung dumukot sa akin, si Quinton James Vera. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tumingin ako sa orasan at pasado alas dos na ng hapon. Kumakalam na ang aking sikmura dahil wala pa akong kinakain simula pa kaninang umaga. Nanghihina na ako. Malinis ang buong kwarto. Malawak ang lob, mayroong sofa at lamesita sa tapat ng malaking bintana. Nasa malambot na kama pa rin ako na sa palagay ko ay queen size bed. Tumayo ako at hinanap ang aking saplot sa paa. Wala na iyon. Naglakad ako patungo sa pintuan at sinubukang buksan ngunit nakasarado sa labas. “Dios ko, paano ako makakatakas nito?” Nasapo ko ang aking noo nang sabihin ko ang bagay na ito. Pumipitik-pitik na naman ang aking sentido, masakit ang ulo ko. Kaya’t hindi ako kaagad maka-isip ng maayos kung paano ako makakatakas sa lugar na ito. Saglit akong nag

  • Collateral for the Billionaire    1- Kidnapped

    RENATA “ANG ganda mo naman sa suot mong iyan, Renata. Para kang anghel.” Ito ang naging komento ni Aling Josefina nang bumili ako ng tinapay mula sa kanyang bakery. Ito na lang ang magsisilbing almusal ko sapagkat hindi ko na magawang magluto pa, mahuhuli na ako sa pupuntahan kong kasal. Kailangan kong dumalo sa kasal ng kaibigan kong si Aurelia, matalik at matagal ko na siyan kaibigan simula pa nang kami ay nasa kolehiyo kaya’t hindi maaaring wala ako sa isa sa pinakamahalagang okasyon ng kanyang buhay. “Binobola mo na naman po ako, Aling Sofing,” naiilang kong sabad sa komento ni Aling Josefina. “Hindi hija. Maganda ka talaga. Ewan ko nga ba sa anak ko at ayaw kang ligawan, baka raw ma-busted mo lang siya.” Saka niya inabot sa akin ang supot ng pandesal. Wala naman akong alam na maari kong isagot sa kanya kaya’t ang simpleng ngiti ko lang ang nagtapos sa aming pag-uusap bago ako umalis. Halos nasa tatlumpung metro ang layo ng kanto sa tinitirhan kong bahay. Pag-aari ito ng ak

  • Collateral for the Billionaire    Prologue

    "SA SUSUNOD na tangkain mo ulit na tumakas, hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka dahil pangalawang beses mo nang ginawa ito. You are making me mad, again, Renata. Damn.” Ito ang mga salitang narinig ko mula sa kanya nang sandaling kumalma siya at naupo sa kanyang malaking upuan sa sala ng kanyang mansion. Matapos niya akong iphabol sa kaniyang mga tauhan sa labas ay kinaladkad nila ako papasok hanggang sa muli ko na namang makaharap ang lalaking dumukot sa akin. Hinang-hina na ako at wala na akong natitira pang pag-asa. Ang nais ko na lang ay mamatay na katulad ng aking mga magulang. Hindi ko na gustong mabuhay pa kung pahihirapan lang ako ng lalaking ito. “Look at me when I am talking to you.” Binigla niyang hinawakan ang aking pisngi upang sa gano’n ay makita ko ang mukha niya. Galit na galit ang kanyang mga mata sa akin, wala akong mahanap na kahit katiting man lang na konsensya mula sa kanya sa kanyang ginagawa ngayon sa akin. “Bakit mo ito ginagawa sa akin? Wala ako

DMCA.com Protection Status