Zi Shien’s POV
Mag-isa lang si Qhuizhia nang madatnan ko sa classroom namin. Abala siya sa kung anong ginagawa niya kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Umupo ako sa upuang katabi niya, hindi niya pa 4in ako napapansin dahil sa nakatuon ang buong atensyon nito sa ginagawa niya. Tahimik ko siyang pinagmamasdan. Malambot ang bawat galaw ng kanyang mga kamay, bawat pagkumpas ng kanyang lapis na siyang nagdudulot ng hugis at linyang naimprinta sa papel ay unti-unti ring naibubunyag ang mukhang kanyang iginuhit. Nasa mga 40-years old na ito, batay sa bawat detalye ng guhit nito. Maganda ang babeng ginuhit niya at may kahawig din niya ito.
Habang abala siya sa kanyang ginagawa, hindi ko rin mapigilan ang mapatitig sa mukha nito. Hindi ko alam pero kahit hindi kami nag-uusap sa sandaling ito ay hindi pa rin ako dinadalaw ng boredom ko gayong madali lang akong ma-bored dahil sa sobrang kadaldalan ko, nage-enjoy akong pagmasdan siyang gumuguhit.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita ako.
“Maganda siya. Sino ba ‘yan?” usal ko. Napahinto siya sa kanyang ginagawa pero hindi siya nagsalita.
“Sorry. Nagulat ba kita?” tanong ko. Hindi siya nagsalita at umiling lamang. Pinagpatuloy niya ang kanyang pag-sketch sa babae.
Nakita ko sa cellphone niya ang babaeng ginuguhit niya. Morena ito, bilogan ang mga matang nabagay naman sa kanyang mga makakapal at maiitim na kilay. Matangos ang ilong at mapupula ang labi. Kulot ang buhok na hanggang bewang. Matangkad ito, balingkinitan ang katawan. Maganda kahit may katandaan na ito, kaya lang ay kulang ito sa emosyon. Katulad na katulad sila ni Qhuizhia.
“Ang galing mo namang mag sketch, ” usal ko. Kahit alam kong hindi rin naman ito magsasalita.
Hindi niya pa rin ako pinansin, kaya kinuha ko ang isang piraso ng earphone niya at ikinabit sa tenga ko. Nasiyahan ako dahil sa wakas ay napansin din niya ang presensya ko. Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko pero hindi siya pumalag, blanko ang nakita ko sa mga mata niya. Kahit katiting na emosyon hindi ko mahanap-hanap sa kanya, sobrang hirap niyang basahin.
“Ang lungkot naman ng music mo, wala ka bang ibang music diyan? ” maktol ko. Tumingin siya sa akin, nagtagal ‘yon ng ilang segundo at ibinalik din ang atensyon sa ginagawa niya.
“Shien, ” tawag pansin niya sa akin. Habang nakatuon pa rin ang buong atensyon niya sa ginuguhit.
“Yes, ” malambing na sagot ko.
“Ano bang mararamdaman mo pag malungkot ang isang tao?” tanong niya.
Nagulat ako sa tanong niya. Like, seryoso siya? Kailangan pa bang itanong ‘yon?
“Alam mo ang weirdo mo,” sagot ko. Isang tingin na naman ang nakuha ko. Pang-ilang tingin na ‘yan.
Hindi siya nagsalita. “E kasi, ‘nong isang linggo tinanong mo ako, kung ano bang nararamdaman pag masaya ngayon naman, tinanong mo ako kung anong mararamdaman ng isang tao pag malungkot, ”
Hindi siya umimik sa sinabi ko. “Seryoso ka ba sa tanong na 'yan?” tanong ko.
“Never mind,” mahinang sagot niya. Ibinalik niya ang kanyang buong atensyon sa sketch niya.
“Sino ba yan?” paulit kong tanong sa ginuguhit niya.
“My mother, ” tipid niyang sagot.
Mama niya pala, kaya kahawig sila. Pareho silang maganda at walang emotion.
“Mana ka pala sa mama mo—,” usal ko. “Pareho kayong maganda, ” dugtong ko.
“Salamat, ” sagot niya.
Hays, dapat na siguro akong masanay na makipag-usap sa isang taong kontrolado ang mga salita.
Nabalot na naman ng katahimikan ang bawat sulok ng classroom. Pinagmamasdan ko lang si Qhuizhia, humahanga sa bawat stroke ng kanyang lapis. Hanggang sa nakatulog ako.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakatulog. Nagising lang ako dahil sa ingay at sa pamilyar na mga baritonong boses.
“Uy bro, nag-iisa ka lang yata, ” ani Louise habang papalapit sila sa kinaroroonan ko.
“Huh, anong nag-iisa?” naguguluhang tanong ko.
“Bakit? May kasama ka bang hindi namin nakikita?” si Joshua at inilibot pa ang tingin sa kabuohan ng classroom.
Ako na lang pala ang nandito sa classroom, kung hindi pa dumating ang mga loko hindi ko malamang umalis si Qhuizhia.
“Kasama ko kasi si Quizhiah kanina e, ” sagot ko. I stretched my arms upwards na para bang bagong gising lang ako sa umaga.
Malakas na tawanan ang umukopa sa buong classroom.
“Obvious naman, nasaiyo nga ‘yang cellphone niya oh, ” Si Rhein. Tinuro pa nito ang cellphone na hawak-hawak ko.
Kinuha ni Louise ang cellphone kahit ayaw kong ibigay ito sa kanya. “At may note pang kasama, ” usal niya.
“Babasahin ko, ” si Joshua. “Shien, iiwan ko muna sa’yo ‘tong cellphone, sa canteen lang ako. ” Ginaya pa nito ang boses ni Qhuizhia.
“Hanep bro, close na ba kayo? Akalain mong pinagkatiwala niya cellphone niya sa’yo,” tawag-tawa usal ni Rhein.
“At tinawag pa siyang SHIEN, ” si Louise na pinagdiinan pa ang second name ko.
Alam na alam nila ang ayaw at gusto ko. Syempre sa ilang taon na naming pagbabarkada, imposibleng hindi na namin kilala ang isa’t-isa.
“Tumahimik nga kayo, ” I said in a bossy tone just to make sure they would stop from what they are talking.
“Akala ko ba ayaw mong tawagin ka sa second name mo?” si Rhein.
“Hindi naman niya alam yun e,” pagdadahilan ko.
“Sus, nag-iipon ka lang naman ng points e, ” si Joshua.
“Tss,” tanging nasagot ko.
Ano namang mali kung totoong nag-iipon ako ng points?
—
Louise’s POV
Nagsimula na ang klase nang dumating si Qhuizhia sa classroom. Timing pa talaga at music class namin, terror pa naman ‘to.
“Ms. Sleman, why are you late?” bungad ng music instructor namin kay Qhuizhia.
Tumingin lang si Quizhiah sa professor namin. Blanko ang mukha na para bang hindi ito natatakot mapagalitan ng instructor namin.
Nauna nang makapagsalita si Zi kay Qhuizhia, “Sir, kanina pa ho si Quizhiah dito, pumunta lang siya sa canteen, ” pangiti-ngiting usal niya.
Aba’t, night and shining armor na pala ngayon ni Quizhiah si Zi. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Mabuti na lang at nakumbinsi si sir, “Okay, go to your sit, ” usal ni sir.
Si Stephanie naman ang sama-sama ng tingin halos patayin na niya si Quizhiah.
“Okay class, our topic for today is all about pinoy composers. It’s about their life and works. ” discuss ni sir.
I’m just listening to the discussions, but Qhuizhia caught my attention. She’s taking down notes. Walang pakialam sa paligid niya. Kanina pa kasi siya pinagtitinginan nina Stephanie at mga barkada niya at halos umusok na ang ilong sa galit. Meron kasi kaming activity mamaya na by pair, kakanta kami bilang isa sa requirement namin ngayong araw, at hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana ang ipaglapit si Zi at Qhuizhia. Sa lahat-lahat ng babae si Qhuizhia pa ang laging napa-partner ni Zi, well hindi ko naman sinasabing hindi sila bagay pero mas maganda sana kung iba ang partner ni Qhuizhia sa activity na ‘to.
“Class time is up for the preparation, let’s begin with your presentation. ” Nag bunot ng pair si sir para maunang mag-present. Naunang nabunot ang pair namin ni Stephanie.
Nag-duet kaming dalawa sa kantang ‘Ikaw’ ni Yeng Constantino. Nasunod naman sila Zi at Qhuizhia. Kinanata nila ang ‘Tuwing umuulan at kapiling ka’ ni Ryan Cayabyab.
Malamyos sa pandinig ang boses ni Qhuizhia, soft at malamig sa tenga pero nakukulangan ako ng emosyon sa pagkanta niya. Si Zi naman mababa ang boses pero malambing sa tenga at punong-puno ng emosyon.
Nang matapos ang lahat ng pairs sa pag-perform, nag discuss pa si sir Gelo ng iilang mga topics about pinoy music and composers. Inisa-isa niya ang bawat buhay ng composers. At pagkatapos dinismiss din niya kami.
Ilang oras pa ang sasayangin namin para sa next subject. 7 pm kasi ang start ng next class namin. Kaya naman naisipin na naman ni Zi ang magyayang magtambay sa canteen. Nakaugalian na kasi naming magbabarkada ang tumambay sa cafeteria tuwing vacant time namin.
“Guys, tambay tayo sa cafeteria, ” pagyaya ni Zi.
“Game!” masayang usal naming tatlo.
Ilang sandali pa ay lumapit sa amin sina Qhuizhia at Mari upang kunin ang naiwang cellphone ni Qhuizhia.
“Zi nasaan ang cellphone ko?” si Quizhiah. Tumingin ito ng diretso kay Zi.
Kinapa-kapa ni Zi ang bulsa ng bag niya, upang mahanap ang cellphone. Nang makita na niya ito ay iniabot ito kay Qhuizhia.
“Ah ito,” si Zi sabay abot ng cellphone kay Quizhiah. Agad namang kinuha ni Qhuizhia ang cellphone niya sa kamay ni Zi. Hinawakan pa niya ang mga kamay ni Qhuizhia at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
“Sorry, I fall asleep, ” usal ni Zi. Nagpapa-cute pa ito sa harap ni Qhuizhia.Pero si Qhuizhia blanko lang ang mukhang tumingin kay Zi at agad binawi ang kanyang kamay na hinawakan ni Zi. Alam nating lahat na hindi tinatablan ng mga ganitong galawan si Qhuizhia.
‘Mabuti nga sa’yo, ’ sa isip-isip ko.
“Never mind, ” sagot ni Quizhiah. Agad itong nag scroll sa cellphone niya at walang paki-alam sa taong nagpapa-cute sa harapan niya ngayon.
Lumapit ako sa kanila upang yayain si Qhuizhia na sumabay nalang sa amin na tumambay sa cafeteria.
“Quizhiah sumama nalang kaya kayo sa amin, tatambay kami sa cafeteria, ” yaya ko kay Qhuizhia. Isang blankong tingin lang ang nakuha ko bilang sagot. Mabuti na lang at game na game si Mari na sumama kung hindi, baka napahiya pa ako sa harap nila Zi.
“Sure!” usal ni Mari. Tumingin pa ito kay Qhuizhia bilang pagkumbinsi na sumama sa amin. Napasama naman ito ni Mari sa amin.
Laging nagpapahuli si Qhuizhia sa paglakad habang papunta kami sa cafeteria. Kaya lumapit ako sa kanya upang masabayan siya sa paglakad.
“Qhuizhia are you okay? Do you mind if sasabayan kita?” tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik, nagpatuloy lang ito sa paglakad. Naka earphone kasi ito kaya marahil hindi niya narinig ang sinabi ko.
Lumingon naman si Mari at nagpaiwan din kina Zi sa paglakad.
“Uy Quizhiah ba’t ka ba nag papahuli?” usal ni Mari. Sumabay ito sa paglakad namin. Katulad ko ay wala ring nakuhang sagot si Mari kay Qhuizhia.
Wala namang imik si Quizhiah habang naglalakad kami, napaka introvert talaga ng babaeng ‘to. I wonder why she enrolled in psychology. Napaka-interesting ng attitude niya para sa akin.
Agad kaming pumwesto sa pinakagilid ng cafeteria pagdating namin dito. Matatanaw kasi mula sa pwestong ‘to ang paglubog ng araw. Si Quizhiah ang pumili ng pwesto na ito and I think she likes sunsets.
“Quizhiah ano ang o-orderin mo?” tanong ni Zi. Lumapit pa ito sa upuan ni Qhuizhia, pero hindi ito nakinig. Nakapukos ang buong atensyon nito sa kagandahan ng paglubog ng araw na tila ba manghang-mangha ito sa kulay golden yellow ng araw. Hindi man naiipakita nito sa mukha niya pero alam kong gandang-ganda ito sa araw na papalubog pa lamang. Katulad kong gandang-ganda sa pagtitig sa kabuohan ng kanyang maganda ngunit blankong mukha.
Walang sagot na nakuha si Zi kay Qhuizhia, kaya naman si Mari ang sumagot dito. “As usual, doughnut, ” usal ni Mari. Kinilabit pa nito si Qhuizhia upang makuha ang atensyon nito, agad namang napatingin si Qhuizhia kay Mari. Binigyan ni Mari ng isang tingin si Zi na ngayon ay nakatitig pa rin kay Qhuizhia. Tinanggal nito ang dalawang pares ng earphones na nakakabit sa dalawang tenga niya.
“I’m sorry,” usal ni Qhuizhia. Sa wakas ay nagsalita rin ito. Sa bawat pagsasama kasi namin, bihira lang itong magsalita at kadalasan pa ay tango at oo o hindi lang ang sagot nito sa amin.
Ngumiti si Zi at inulit ang tanong nito kanina. “Ano ang gusto mong kainin?” tanong ni Zi.
“Bavarian doughnut lang,” sagot ni Qhuizhia. Ito na siguro ang pinakamahabang salita ang naisagot niya sa ilang buwan naming pagsasama. Sa bawat pagsasama naming magbabarkada, doughnut ang lagi nitong kinakain. And I assume na ito ang paborito nitong pagkain.
“Sige libre ko kayo, ako mag babayad ng orders natin,” usal ni Zi. Agad itong pumunta sa counter ng cafeteria upang mag-order ng pagkain namin.
And here comes our savior.
Halos maubos na naming apat ang mga salita sa kakadaldal namin, pero si Qhuizhia nanatiling tahimik pa rin gilid ng aming pwesto sa cafeteria. Walang imik at nakatuon ang atensyon sa halos palubog na araw.
‘Gusto kitang makilala, ’ sa isip-sip ko.
Mari’s POVNagmukhang stalker si Zi dahil sa kakasunod niya sa aming dalawa ni Qhuizhia.“Mari, Quizhiah hintay naman,” si Zi. Paika-ika pa itong lumakad-takbo papunta sa gawi namin ni Qhuizhia. Natapilok kasi ito kanina dahil nga sa kakasunod niya sa amin.“Bakit ka ba kasi sunod nang sunod?” tanong ko. Natatawa akong pagmasdan siyang paika-ikang lumalakad papunta sa kinatatyuan namin.“E, sa gusto ko,” sagot niya. Inirapan pa ako nito sabay ngiwi dahil sigiro sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga paa.‘E sa gusto ko’ if I know si Quizhiah ang sinusundan nito. Alam ko karakas mo Zi, hindi naman kasi maitatangi na maganda ‘tong kasama ko.Naghanap muna kami ng bakanteng waiting area para makapagpahinga itong si Zi, sakto namang may isang bakante. Ilang oras pa lamang kaming naka-upo nang magyaya si Zi. “Uy Zhiah, gutom ka na ba? Tara sa cafeteria, libre ko
Zi Shien’s POVAlas otso pa lang ng umaga pero laman na kaming dalawa ni Qhuizhia sa E-library. Dalawa kasi ang library ng school, isang electronic library at iyong may mga physical books na library. Pinilit ko talaga siya na sumama kahit ayaw niya.Agad akong nagtipa sa keyboard ng computer. ‘Alexithymia’ then I clicked the search button. Nang maipakita na ang mga impormasyong nilalaman patungkol sa salitang tinipa ko ng isang site na klinick ko, hindi ko alam pero para bang may sariling buhay ang aking mga mata at agad akong napatingin kay Qhuizhia na ngayon ay nakatitig lang sa harap ng computer monitor. Para talagang may iba sa kanya. Ang hirap niyang basahin.‘Alexithymia (literally ‘no words for feelings’) refers to a person’s inability to identify or verbally describe his or her feelings. The psychiatric syndrome is prevalent in patients with psychosomatic problems, substance abuse, and anxiety disor
Quizhiah’s POV Araw ng Lunes ngayon, unang araw sa week na ‘to pero naka-upo lang ako sa sofa at nagbabasa ng literature book. “Ma’am, ‘di ka po ba papasok sa school?” tanong ni Yaya Emily habang papalapit sa akin dala-dala ang isang baso ng gatas. Inilapag nito ang baso ng gatas sa ibabaw ng round glass table na katabi ng sofa na kinauupuan ko. “Papasok.” sagot ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasang libro. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang mukha niya na parang naghihintay sa susunod kong sasabihin. Balak ko sanang hindi pumasok kaso wala naman akong gagawin dito sa bahay. Tinapos ko muna ang binabasa kong literature book bago ako naligo at nagbihis. Nagpaluto na rin ako ulam kay Yaya para sa breakfast. Tatlong cheesy chicken hotdog at sunny side-up egg ang pinaluto ko sa kanya. Nag fried rice din siya at nagtimpla ng grape juice. “Ma’am, si daddy mo tumatawag sa akin, ba’t daw off ang cell p
Mari’s POVHalos hilahin ko na ang kamay ng orasan at ang pagsikat ng araw para mapadali ang araw sa birthday ni Quizhiah. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya at excitement sa parating na birthday ni Quizhiah. Sino ba naman ang hindi mae-excite e, ang pinakasikat at pinagkakagulohan sa buong campus ang tumulong sa pagplano sa surprise birthday niya. Hindi ko lubos maisip na makakuntsaba ko sila dahil nga sa sikat sila at sino lang naman ba ako para matulongan nila para sa kaibigan ko.Nandito kami ngayon sa paborito naming spot, sa canteen. Halos dalawang oras na kaming nandito, nagplano kami sa mga dapat gagawin para maisakatuparan ang birthday surprise ni Quizhiah sa paparating na Sabado.“Louise, are you sure na gagana ang plano natin?” tanong ni Rhein. Bahagya itong lumingon kay Zi na ngayon ay tahimik lang sa gilid. Si Louise kasi ang nagplano sa surprise birthday para kay Quizhiah pero nag-alinlangan si Rh
Zi Shien’s POV I was preparing for school when a book caught my eyes, agad kong naisip si Quizhiah. Isa itong libro na tiyak makakatulong sa kanyang sitwasyon. Alam kong paunti-unti ay makaka-recover din siya sa Alexithymia. Sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya at lalong – lalo na sa kanyang sarili. Iniisip ko pa lang na magiging okay na si Quizhiah ay napapangiti na ako. Naisip kong tawagan si Quizhiah para sunduin sa kanyang bahay. “Zhiah, are you still in your house?” tanong ko kay Quizhiah. Hindi ito kaagad sumagot at mukhang bagong gising lang ito. Naghintay ako ng isang minuto bago ito sumagot ng matipid. “Yes.” “Good! Wait for me, I’ll pick you up.” Napapangiti pa ako habang sinasabi ang mga linyang ito. Para akong lumulipad sa kalawakan habang iniisip ang idea na isang araw ko na namang makikita at makakasama siya kahit na hindi ito nagsasalita. “No need,” matipid na sagot nito. Napasimangot ako nang marinig ko ang sagot niya. S
Zi Shien’s POV Nandito kami ngayon sa campus, sa nakasanayang tambayan naming magbarkada, nagpapahinga dahil sa stress na dulot ng surprise quiz ng aming professor at unang subject pa namin. Maliban kay Zhiah na halos lahat ng nasagutan lahat ng sagot, lahat kami napanganga at natutulala na lang sa bawat binibitaw na tanong ng professor namin, kaya heto kami’t parang mga lantang gulay na naka-display sa merkado. Nakahilata sa sofa na parang nasa bahay lang. Sino ba naman kasi ang hindi ma-brain drain sa surprise quiz at take not one of our major subject pa ‘yon kaya mapapatulala ka na lang at mapapasabi sa sarili na ‘bawi na lang next semester ‘. Napapiyak pa nga ‘yong iba kasi maaanghang na mga salita ang natatanggap nila kapalit sa pagiging tulala nila during quiz. Surprise oral quiz kasi ‘yon kaya mapapahiya ka talaga pag wala kang maisagot sa bawat tanong, good for us kasi kahit hindi lahat nasagutan namin at least nakasagot kami pero brain drain pa
Zi Shien’s POV“Zi, seryoso ka ba talaga sa pinaplano mo?” tanong ni Rhein sa akin habang nag-aalmusal kami.“Wala ka bang tiwala sa akin?” pabirong sagot ko sa kanya.“Hindi sa wala akong tiwala, pero bro baka mapano ka diyan sa ginagawa mo,” pag-alalang sagot nito.“Don’t worry Rhein, kaya ko ang sarili ko. Gustong-gusto ko lang talagang tulongan si Zhiah,”usal ko habang ipinapahid ang strawberry jam sa slice bread bago ko ito isinubo.Tumigil ito sa pag-nguya ng kinakaing niyang fried rice, may pagtutol sa kanyang mukha pero siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa akin.“Well, buhay mo naman ‘yan saka sino ba naman ako ‘no para tumutol sa pusong nagmamahal,” usal nito na may halong panunudyo. Ngumiti pa ito ng nakakaloko bago muling sumubo ng fried rice.“Loko ka talaga!” pailing-iling kong usal. “Magpatuloy na nga
Mari’s POV Araw ng linggo ngayon, at napakahalaga ng araw na ito,lalong-lalo na para kay Qhuizhia. Nakahanda na ang lahat para sa birthday surprise para sa kanya. Handang-handa na rin ang mga boys sa gagawin nilang pakulo maliban na lang kay Zi na kanina pa balisang-balisa at nag-aalala sa gagawin nila Rhein at Joshua. Ang siste kasi, pupunta sila Rhein, Louise at Joshua sa bahay ni Qhuizhia na naka bonnet mask para hindi makilala ni Qhuizhia at magkunwaring kidnappers, lalagyan ng piring ang mga mata niya habang nasa biyahe at pag-dating sa venue, mag-papaputok ng fireworks para sa kanya. Ang venue ay ang garden namin na may mga mayayabong na bulaklak at mga nagbi-birdehang halaman. Gusto sana ni Zi na sa bahay nila gaganapin ang surprise para kay Qhuizhia kaso nagpumilit akong dito sa garden namin dahil alam kong magugustohan ni Qhuizhia ang view dito. Sa tuwing hapon kasi ay matatanaw mo ang paglubog ng gintong araw na sinasabayan ng mga maliliit na huni ng mga ibon
Third Person's POV Umalingawngaw sa loob ng bahay ang sigaw ni Qhuizhiah bandang alas tres ng madaling araw. Hindi naman mapakali ang asawa niyang si Zi nang makitang nasasaktan ang kanyang asawa. “Baby, w-what’s happening?” tarantang tanong ni Zi habang hapo-hapo ang tiyan ng asawa. “Shein, manganganak na ‘ata ako,” sambit ni Qhuizhiah habang nagpipigil umiyak. Napayakap na lang si Zi sa kanyang asawa dahil sa kanyang taranta. “Just wait for me here. I’ll prepare the car,’ sambit ni Zi at nagmamadaling pumunta sa kanilang garahe. Tinawagan na rin niya ang kapatid niyang si Rhein. “Rhein, h-help me. Zhiah’s into labor,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Zi. “Okay, pupunta na kami ni Mari d’yan. Kuya relax, okay. We’ll be there in a minute,” usal ni Rhein. Thirty minutes pa lang ang nakalipas mula no’ng tumawag siya sa kanyang kapatid ay dumating na ito kasama ang asawang si Mari. “Nasaan si Qhuizhiah?” bungad ng kanyang kapatid. “Nasa couch,” sagot nito habang papalapit sa kapatid. “Shein
Third Person’s POVTatlong araw na lang ang natitira at ikakasal na si Zi. Buong pag-aakala ni Qhuizhiah ay maging complete na siya dahil kay Zi, pero nagkakamali siya, pakiramdam niya ay unti-unting nawawala ang bawat parte ng puzzle na malapit na sana niyang mabuo. Pakiramdam niya binagsakan siya ng buong mundo nang mabalitaan niya mula sa mga barkada nila na ikakasal na si Zi. Mabigat ang kanyang pakiramdam niya dahil naniwala siya sa pangako nilang dalawa ni Zi na maghihintay sila sa isa’t-isa noong bago siya umuwi sa Italy.Nagkukulong lang si Qhuizhiah sa kwarto niya at napapabayaan na niya si Rhaivhien. “Mama, are you sad?” inosenting tanong ng anak niya nang mapansin nitong may luha sa mata ng mama niya. Nginitian ni Qhuizhiah ang anak. “Come here baby,” usal nito at opening her arms to hug her son. Dahan-dahang lumapit sa kanya si Rhaivhien. “Mama is not sad baby, I’m just not feeling weel,” sambit nito habang yakap-yakap ang anak. Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niy
Quizhiah's POVTatlong taon na ang nakalipas simula no’ng umalis ako sa Pilipinas. I missed them, specially si Shein. Kahit noong graduation nila hindi ako nakadalo kahit na una akong nag-graduate kaysa kanila. Nabalitaan ko rin ang nangyari sa Uncle ni Zi, nakakulong na pala ito dalawang taon na ang nakalipas. I feel relived nang marinig ko ang balita. Sa wakas ay nakamtan na rin naming ang hustisyang hinahangad namin. May sarili na ring firm sina Zi, Rhein, Louise at Joshua, naging tanyag din ang mga pangalan nila sa buong Pilipinas. I am so happy for them. Nakikibalita lang ako sa kanila dahil sa sobrang busy ko at wala rin kaming communication ni Zi.Dalawang taon na ring kasal sina Mari at Rhein. Hindi ako naka-uwi sa kasal nilang dalawa dahil sa pag-aasikaso ko sa sarili ko ring firm na tinayo rito sa Italy. Naging full-time mom din ako kay Rhaivhien., lumaki siyang isang masayahing bata, manang-mana ang pagkabibo niya sa kanyang ama. May iilang traits din siyang nakuha sa akin,
Quizhiah's POV Kasalukuyan akong naghahanda ng mga gamit na dadalhin ko papuntang Italy. I have decided na doon na magtapos ng pag-aaral ko, total fourth year na rin naman ako. Gusto ko na ring makita siyang muli. Pero nalilito ako sa kung ano nga ba ang dapat kong gawin, tama kayang ipakilala ko na siya sa taong matagal na niyang hinahanap sa akin? Paano kung hindi siya tanggapin ng taong ‘yon, anong alibi na naman kaya ang ibibigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung nakita ba niya ang photo album na iniwan ko sa library noong huling pag-uuap naming. Mag-iisang linggo na kasi n’ong huli kaming nag-usap at hindi na rin pa ako bumalik sa library simula noon, natatakot akong baka makita kong nandoon pa rin ang bagay na ‘yon sa kung saan ko iniwan. I was also stuck between ipapakulong ko ba siya o hindi kasi sa totoo lang, hindi naman niya deserve na mapakulong pero paano na ang hinahangad ko na hustisya? Ano nga ba ang dapat kong sundin? Ang isip ko bang matagal ng naghahangad ng hustisya
Qhuizhiah's POVDalawang buwan ng hindi ako nagpaparamdam kay Zi. I blocked him from social media at maging ang number niya. Honestly I missed him, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito kahit na nalaman ko na ang totoo. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan sa likod ng mga pangyayaring ‘yon. I want to know if he was an accomplice sa taong nagpa-kidnapped sa akin at sa mga taong pumatay sa Mama ko. Kasi wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit niya ginawa ‘yon, nagugulohan ako, gustong-gusto ko siyang maintindihan pero paano?Dalawang buwan din akong naging mailap sa mga kaibigan ko, kahit si Mari hindi ko kinakausap. Nagpupunta rin siya dito sa bahay para alagaan ako, nagkukulong lang ako sa kwarto, kahit ang mga tao dito sa bahay hindi ko kinakausap. Kahit ang mga tawag ni Papa at ni Tita hindi ko sinasagot, alam kong nag-aalala sila sa akin at nagpapasalamat ako ‘don. Sa loob ng dalawang buwan rin ‘yon nagmistula akong isang mailap na hayop sa mundo ng dilikadong kagubat
Rhein's POVKasalukuyan ako ngayong nakakulong sa bahay, pinagbabawalan kasi ako ng boss ko na lumabas, kaya n’ong nag-aya si Louise at si Josh sa akin na mag-clubbing hindi ako nakasama. Sayang at madami pa naman akong time ngayon kasi unang linggo ngayon ng summer namin.“Babe, pwede ba—” I was cut off. “Hindi pwede,” diing saad ni Mari. Isang linggo na kasing nandito si Mari sa bahay ko. Nanpapatulong kasi siya about sa naisipan niyang small business na gusto niyang simulan ngayong summer. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako pinapalabas ng bahay, I was told kasi na tulongan siya, malakas ang kapit ni Mari kina Daddy at Mommy e, kaya talong-talo ako.“Joke lang, ito naman ‘di mabiro. Sige, ano po ‘yon?” usal niya ahabng ngiting-ngiti.“Gusto ko sanang magpaalam na sumama kina Louise at Josh na mag-clubbing kahit ngayong gabi lang, gusto kasi naming samahan si Zi, mukhang na-busted kasi ng bestfriend mo. Promise uuwi rin ako before 12. Can I?” sagot ko.Lumapit siya sa akin at hina
Quizhiah's POV Limang buwan na ang nakalipas, sa limang buwan na ‘yon si Zi ang lagi kong kasama, mapa-school or mapagala man. Halos hindi na nga kami nagkikita ni Mari, well busy din naman kasi siya sa relasyon nilang dalawa ni Rhein. At sa limang buwan din na ‘yon ay unti-unti ko ng nalalagpasan ang Alxithymia. Si Zi ang dahilan kung natututo na akong e- express ang sarili kong emosyon. Kahit paunti-unti ay nakakaintindi na rin ako ng emosyon ng iba. May isa din akong natututonan sa tuwing magkasama kami ni Zi. I am slowly falling. Never in my life I imagine myself falling for a person, especially with my condition, kaya hindi ko napaghandaang maranasan ito. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang ma-handle ang emosyon na ito, and if I can’t, magsasabahala na lang ako kay batman. Abala ako sa pag-a-arange ng mga gamit ko sa school, nag re-arange kasi ako sa buong kwarto ko. Gusto ko kasing kahit papano ay maiba ang ambiance sa kwarto ko. Saturday kasi ngayon kaya wala kaming paok, mab
Mari's POV Mag-tatatlong linggo ng hindi pumapasok si Zi, simula noong ma-topic namin ang rape. Naka-ilang tawag na rin ako sa kanya pero ‘cannot be reached’ palagi. Nag-text at chat din ako pero walang reply kahit like or emoji man lang, kahit sina Rhein wala ding nakuhang reply galing sa kanya. Nagtataka at nag-aalala na kaming mga kaibigan niya, hindi naman kasi niya ugaling mag-absent sa klase. I’ve asked Qhuizhiah many times kung anong nangyari kay Zi, pero maging siya ay wala ring alam. “Babe, hindi mo pa rin ba ma-contact si Zi?” tanong ko kay Rhein. Nasa isang bakanteng classroom kaming dalawa ngayon naghihintay sa susunod na subject naming dalawa. He shrugged, “Kahit isang like nga lang wala akong natanggap e,” usal niya. “Ano na kaya ang nagyari sa taong ‘yon?” usal ko habang pabalil-balik ang pag-refresh sa messenger ko. Habang abala ako sa cellphone ko nagulat ako nang biglang humarap sa akin si Rhein na nak-pout. “Nagseselos ako,” usal niya. Nagtataka ako sa sinabi niya
Zi Shien's POV Hatinggabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok ang buong pagkatao ko, iniisip ko hanggang ngayong ang mga sinabi sa akin ni Tita Nicole tungkol kay Qhuizhiah. Sa hindi ko malamang dahilan kung bakit tugmang-tugma ang mga pangyayari sa insidenting ‘yon? Same date, same place at parehong pangayayari. Pakiramdaman ko tuloy kinakain ako ng sarili kong konsyensya, gustong-gusto ko tuloy puntahan agad si Zhiah at yakapin siya. Gustong-gusto ko ng lumipad papuntang bahay niya at sa harap niya magmakaawa, mas lalo akong kinabahan isiping siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap. It’s not impossible na siya nga ‘yon, pero ano naman ang gagawin ko kung sakaling siya nga babaeng nasa insidenting nangyari anim na taon na ang nakalipas, maiintindihan kaya niya kung sakaling malalaman niya? Pilit kong pinipikit ang mga mata ko, gustong-gusto ko ng matulog, gusto kong pananadaliang makalimutan ang mga pangyayaring ‘yon, pero hindi nakikipag-cooperate ang isipan ko’t gusto pan