Zi Shien’s POV
“Quizhiah, any suggestions for our project?” tanong ko habang nakatitig sa kanya.
Nandito kami ngayon sa gym ng school, Physical Education time namin ngayon at kasalukuyan kaming nagpapahinga galing sa basketball. Lahat ng mata ng mga tao na nakapaloob sa gym nakuha ni Qhuizhia kanina habang naglalaro kami ng basketball. Siya kasi ang napili ng instructor namin na mag-represent sa girls at ako naman sa boys. One on one ang labanan at nakakahiya man na aminin pero natalo ako ng babae. Halos hindi ako makasabay sa mga galaw niya kanina habang nag lalaro kami. Lahat ng lalaki napanganga sa mga galawan niya sa court, at kahit ako na katunggali niya ay hindi rin mapigilan ang paghanga sa kanya.
“Ano nga ba ‘yong topic natin?” tanong niya. Kinuha niya ang cellphone niya galing sa bag niya at tila may kinakalkal sa cellphone niya.
Ito na naman ang mga kilos niyang parang nagpapahiwatig na ayaw niyang makipag-usap sa akin o kahit kaninong tao.
“It’s about psychology facts, ” sagot ko. Nginitian ko siya ng matamis, kahit hindi naman ito nakatingin sa akin.
Tumango-tango lang siya at hindi na umimik, tila nag iisip.
“Ganito na lang ang gagawin natin, let’s present it in a way like a business proposal,” usal niya, nakatingin pa rin ito sa cellphone niya.
Nag isip pa ako ng isang linggo kung anong magandang gagawin sa presentation namin, e mas maganda naman pala yung idea niya. Matalino siya.
“Nice idea sige, ikaw ang mag present at ako ang gagawa ng presentation, ” ani ko at patango-tango pa.
“Hindi. Tayong dalawa ang mag-present, ” mahina at walang emosyon na tugon niya.
At mukhang magkakasundo kami dito sa gagawin namin. Maybe this is the start na magkaka-close kami.
“Okay, got it. ” usal ko. Nakatitig pa rin ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang na-mamagnet ang mga mata ko sa kanya.
Wala siyang emotions. Ang mga matang kulay brown niya ay waring mga talang walang kinang. Ang magandang mukha nito ay tila isang blankong papel.
Ang project lang ang pinag-usapan naming dalawa at pagkatapos ay hindi na siya nagsalita. Kahit tikhim ay wala na akong narinig mula sa kanya. Iyong parang isa siyang robot na limitado ang mga ibinibigkas na salita. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, parang ang daming kulang na piyesa sa kanya.
“Bro, uy Quizhiah nandiyan ka rin pala, ang galing mo palang mag laro ng basketball, ” masayang ani ni Rhein.
“Salamat, ” tugon ni Qhuizhia. Patuloy pa rin ito sa pagkakalkal ng cellphone niya.
“Nga pala hinahanap ka ni Mari, ” usal ni Rhein at umupo sa aking tabi.
“Ah sige, ” tugon ni Qhuizhia. Tumayo siya at lumakad patungo sa gawi ni Mari na ngayon ay naka upo sa bleacher ng gym.
Kusang sumonod ng tingin ang aking mga mata sa pag-alis ni Qhuizhia papunta kay Mari.
Tumikhim si Rhein, “Ano bro, naka pag diskarte ka na ba sa kanya?” pang-aasar na ani Rhein.
“Bro, nag-usap lang kami para sa project, ni hindi nga niya ako kinakausap e, ” sagot ko. Tumawa siya na parang inaasar pa ako.
“Alam mo bro, time will come makikipag-usap din ‘yan sa’yo. Hintayin mo lang na darating ang oras na ‘yon.” ani Rhein. Sinuntok niya ng mahina ang aking balikat.
“E, may sa pagka mailap sa tao ang babaeng ‘yan. Paano ko makakasundo? ” pailing-iling kong tugon.
“Napansin ko nga rin yan e, ” si Rhein habang nakatingin kay Quizhiah na nag di-dribble ng bola sabay...
“Three points!” usal ni Rhein.
‘Kakaiba! ’ sa isip-isip ko.
—
Ilang araw na akong nag iisip ng magandang presentation, pero wala pa ring pumapasok sa isip ko. Naiinis na talaga ako!
“Quizhiah, wala pa rin akong maisip na magandang presentation e, ” sabi ko sabay kamot sa ulo ko.
Tumingin lang siya sa’kin at kinuha ‘yong laptop niya. Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig niya.
“Okay lang ba?” tanong ko sa kanya, habang siya ay abalang-abala sa laptop niya. I was worried kasi baka magalit o hindi kaya ay maisip niya na pabaya ako, pero wala akong sagot na natanggap. Tahimik siyang nag ta-type sa laptop niya.
“Tingnan mo, ” tipid niyang sabi. Iniabot niya ang laptop sa akin.
I checked her presentation. It was a professional one, maganda ito pero nakukulangan ako ng emosyon.
“Maganda ang presentation, pero may kulang, ” usal ko habang paulit-ulit na tinitingnan ang bawat presentation sa laptop niya.
Walang emotion niya akong tiningnan. Her eyes were cold.
“Emotions, kulang siya ng emotion. ” Nag-isip ako sandali habang siya ay tahimik lang.
‘At ‘yon ang hindi ko makita sa’yo. ‘ Sa isip-isip ko.
“Ikaw na bahala sa kulang, ” mahinang usal niya.
“Ano kayang magandang emotions ang ilagay natin dito?” tanong ko.
Wala akong nakuhang sagot galing sa kanya. Tahimik pa rin ito na parang hindi nakikinig sa akin.
“Siguro dapat masaya, di’ba?” dugtong ko.
Tanging ang tunog lang ng lapis sa papel ang nakuha kong sagot, abala kasi siya sa pag-sketch. Magaling siya, may talent pero nakukulangan pa rin ako sa pagkatao niya. Nahihiwagaan ako sa kanya.
Abala ako sa pagmamasid sa bawat galaw ng kamay niya sa obra niya nang magsalita ito.
“Shien, ano bang nararamdaman pag masaya ka?” tanong niya habang patuloy pa rin sa pag-sketch at hindi man ito nag-abalang tingnan ako.
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko naisip na ang taong katulad niya katalino ay hindi alam ang mga basic at simpling bagay na dapat alam ng isang tao.
‘Bakit ba niya tinatanong yan? Siguro ay nagbibiro lang ito, ‘ gusto kong makumbinsi ang utak ko gamit ng mga katagang ito, pero batid kong seryoso siya sa tanong na iyan.
Nawe-weirdohan ako sa kanya marahil ay ngayon lang ako nakatagpo ng ganitong klase ng tao.
—
Mari’s POV
May presentation ngayon sina Quizhiah at Zi Shien para sa project namin sa psychology. Kanina ko pa pinagmamasdan si Qhuizhia na ngayon ay tahimik lang nakikinig ng music sa earphones niya. Nasanay na akong ganyan siya, walang kausap at tahimik na umuupo sa kanyang upuan. Wala siyang kaibigan maliban sa akin, siguro kung hindi ko pa ipinilit ang sarili ko na makipagkaibigan sa kanya ay hindi rin ito mag atubiling makipagkaibigan kahit kanino. Hindi din ito nakikipag-usap kahit kanino, kahit sa akin na araw-araw niyang kasama sa campus. Malimit lang itong magsalita, bubuka lang mga labi nito kapag sasagot ito sa mga tanong ko at hanggang doon lang.
Nag-umpisa na ang klase at nag-umpisa na ring mag-present sina Qhuizhia at Zi.
“TRANSABLED. Some people cut off their own limbs to become disabled. It makes them comfortable in their own body, ” si Quizhiah na nage-explain sa presentation nila.
“This is one of our psychology facts, that we will be presenting today, ” dugtong niya
Fluent siya sa pagsasalita ng English. Masarap pakinggan ang bawat bigkas nito sa mga salitang english, maganda ang accent nito pero walang pagbabago sa tuno ng boses niya. Matagal ko na siyang napapansin, wala akong nararamdamang emosyon sa kanya at sa bawat pag-uusap namin ay unti-unti na din akong nasasanay.
“Mr. Shein, will you please show some of psychology facts to the class,” si Quizhiah. Nagpalit sila ng pwesto ni Zi. Naka-upo na ngayon si Qhuizhia habang si Zi naman ang nagp-present.
“How you move your body can be an indication of your personality. It is suggested that people have a signature way they move the same way and others that move the same way demonstrates similar behaviour, ” si Zi. Ang ganda ng tandem nilang dalawa. Pareho silang magaling.
Nakikinig ako sa presentation nilang dalawa nang lumapit si Rhein sa kinauupuan ko.
“Mari, ” pabulong na tawag niya sa akin.
“Oh, ano?”
“May napapansin ka ba kay Quizhiah?” tanong niya.
“Bakit?” pabulong ko ring tanong.
“E kasi, parang wala kasi siyang emotions pag nakikipag-usap. Tingnan mo, kahit presentation nila blanko pa rin ang mukha,” paliwanag ni Rhein.
“Siguro ganyan lang talaga siya. Napapansin ko kasing introvert type siya. Dapat na tayong masanay.” Umupo ako ng maayos at ibinaling ang atensyon sa harap.
“Sabi mo, ”kibit-balikat niyang sagot.
Ilang oras ang lumipas at natapos na ang bawat presentations. Lumapit si Rhein sa pwesto namin ni Qhuizhia. “Quizhiah, saan kayo kakain?” tanong ni Rhein.
Hindi sumagot si Qhuizhia kaya ako ang sumagot, “Cafeteria.”
“Sumama nalang kayo sa’min, ” si Zi habang papalapit sa aming tatlo.
Paminsan-minsan kasi kaming sinasama nila upang makasabay kumain. Ito ang dahilan kung bakit medyo close ko silang apat.
Tumingin kaming tatlo kay Qhuizhia. At tanging tango lang ang isinagot nito sa amin bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Zi.
—
Tahimik lang si Qhuizhia na kumakain ng doughnut. Ito kasi ang madalas niyang niyang bilhin kapag pumunta kami dito sa cafeteria. Madami na kaming pinag-usapan pero kahit isang salita ay wala kaming narinig mula sa kanya.Ilang buwan na kaming nagkakasama dalawa pero wala pa rin itong naiku-kwento sa akin tungkol sa kanya o sa pamilya niya. Ako kasi ang nagku-kwento madalas tungkol sa buhay ko. Kaya sinasali namin siya sa usapan nagbabakasakali na magkwento siya pero tango at iling lang ang nakukuha namin sa kanya. Kahit ang pag-ngiti ay hindi nito maibigay sa amin.
Abala kami sa pag-uusap at kanina ko pa namamalayan ang mga titig ni Zi kay Qhuizhia. Mga titig na parang inaakin si Qhuizhia.
“Ahem! ” tikhim ko na siyang nagpahinto sa pag-uusap namin, pero hindi sa pagtitig ni Zi kay Qhuizhia m
Baka kasi bigla-bigla na lang malulusaw ‘tong katabi ko.
“Zi, maganda ba ang view?” mapanghulugang tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay para mapahiwatig sa kanya na tigilan niya ang pagtitig sa babaeng katabi ko.
Isang pilyong ngiti ang nakita ko sa mga barkada ni Zi.
Zi Shien’s POVMag-isa lang si Qhuizhia nang madatnan ko sa classroom namin. Abala siya sa kung anong ginagawa niya kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Umupo ako sa upuang katabi niya, hindi niya pa 4in ako napapansin dahil sa nakatuon ang buong atensyon nito sa ginagawa niya. Tahimik ko siyang pinagmamasdan. Malambot ang bawat galaw ng kanyang mga kamay, bawat pagkumpas ng kanyang lapis na siyang nagdudulot ng hugis at linyang naimprinta sa papel ay unti-unti ring naibubunyag ang mukhang kanyang iginuhit. Nasa mga 40-years old na ito, batay sa bawat detalye ng guhit nito. Maganda ang babeng ginuhit niya at may kahawig din niya ito.Habang abala siya sa kanyang ginagawa, hindi ko rin mapigilan ang mapatitig sa mukha nito. Hindi ko alam pero kahit hindi kami nag-uusap sa sandaling ito ay hindi pa rin ako dinadalaw ng boredom ko gayong madali lang akong ma-bored dahil sa sobrang kadaldalan ko, nage-enjoy akong pagmasdan siyang gumuguhit.Hindi ko na n
Mari’s POVNagmukhang stalker si Zi dahil sa kakasunod niya sa aming dalawa ni Qhuizhia.“Mari, Quizhiah hintay naman,” si Zi. Paika-ika pa itong lumakad-takbo papunta sa gawi namin ni Qhuizhia. Natapilok kasi ito kanina dahil nga sa kakasunod niya sa amin.“Bakit ka ba kasi sunod nang sunod?” tanong ko. Natatawa akong pagmasdan siyang paika-ikang lumalakad papunta sa kinatatyuan namin.“E, sa gusto ko,” sagot niya. Inirapan pa ako nito sabay ngiwi dahil sigiro sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga paa.‘E sa gusto ko’ if I know si Quizhiah ang sinusundan nito. Alam ko karakas mo Zi, hindi naman kasi maitatangi na maganda ‘tong kasama ko.Naghanap muna kami ng bakanteng waiting area para makapagpahinga itong si Zi, sakto namang may isang bakante. Ilang oras pa lamang kaming naka-upo nang magyaya si Zi. “Uy Zhiah, gutom ka na ba? Tara sa cafeteria, libre ko
Zi Shien’s POVAlas otso pa lang ng umaga pero laman na kaming dalawa ni Qhuizhia sa E-library. Dalawa kasi ang library ng school, isang electronic library at iyong may mga physical books na library. Pinilit ko talaga siya na sumama kahit ayaw niya.Agad akong nagtipa sa keyboard ng computer. ‘Alexithymia’ then I clicked the search button. Nang maipakita na ang mga impormasyong nilalaman patungkol sa salitang tinipa ko ng isang site na klinick ko, hindi ko alam pero para bang may sariling buhay ang aking mga mata at agad akong napatingin kay Qhuizhia na ngayon ay nakatitig lang sa harap ng computer monitor. Para talagang may iba sa kanya. Ang hirap niyang basahin.‘Alexithymia (literally ‘no words for feelings’) refers to a person’s inability to identify or verbally describe his or her feelings. The psychiatric syndrome is prevalent in patients with psychosomatic problems, substance abuse, and anxiety disor
Quizhiah’s POV Araw ng Lunes ngayon, unang araw sa week na ‘to pero naka-upo lang ako sa sofa at nagbabasa ng literature book. “Ma’am, ‘di ka po ba papasok sa school?” tanong ni Yaya Emily habang papalapit sa akin dala-dala ang isang baso ng gatas. Inilapag nito ang baso ng gatas sa ibabaw ng round glass table na katabi ng sofa na kinauupuan ko. “Papasok.” sagot ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasang libro. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang mukha niya na parang naghihintay sa susunod kong sasabihin. Balak ko sanang hindi pumasok kaso wala naman akong gagawin dito sa bahay. Tinapos ko muna ang binabasa kong literature book bago ako naligo at nagbihis. Nagpaluto na rin ako ulam kay Yaya para sa breakfast. Tatlong cheesy chicken hotdog at sunny side-up egg ang pinaluto ko sa kanya. Nag fried rice din siya at nagtimpla ng grape juice. “Ma’am, si daddy mo tumatawag sa akin, ba’t daw off ang cell p
Mari’s POVHalos hilahin ko na ang kamay ng orasan at ang pagsikat ng araw para mapadali ang araw sa birthday ni Quizhiah. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya at excitement sa parating na birthday ni Quizhiah. Sino ba naman ang hindi mae-excite e, ang pinakasikat at pinagkakagulohan sa buong campus ang tumulong sa pagplano sa surprise birthday niya. Hindi ko lubos maisip na makakuntsaba ko sila dahil nga sa sikat sila at sino lang naman ba ako para matulongan nila para sa kaibigan ko.Nandito kami ngayon sa paborito naming spot, sa canteen. Halos dalawang oras na kaming nandito, nagplano kami sa mga dapat gagawin para maisakatuparan ang birthday surprise ni Quizhiah sa paparating na Sabado.“Louise, are you sure na gagana ang plano natin?” tanong ni Rhein. Bahagya itong lumingon kay Zi na ngayon ay tahimik lang sa gilid. Si Louise kasi ang nagplano sa surprise birthday para kay Quizhiah pero nag-alinlangan si Rh
Zi Shien’s POV I was preparing for school when a book caught my eyes, agad kong naisip si Quizhiah. Isa itong libro na tiyak makakatulong sa kanyang sitwasyon. Alam kong paunti-unti ay makaka-recover din siya sa Alexithymia. Sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya at lalong – lalo na sa kanyang sarili. Iniisip ko pa lang na magiging okay na si Quizhiah ay napapangiti na ako. Naisip kong tawagan si Quizhiah para sunduin sa kanyang bahay. “Zhiah, are you still in your house?” tanong ko kay Quizhiah. Hindi ito kaagad sumagot at mukhang bagong gising lang ito. Naghintay ako ng isang minuto bago ito sumagot ng matipid. “Yes.” “Good! Wait for me, I’ll pick you up.” Napapangiti pa ako habang sinasabi ang mga linyang ito. Para akong lumulipad sa kalawakan habang iniisip ang idea na isang araw ko na namang makikita at makakasama siya kahit na hindi ito nagsasalita. “No need,” matipid na sagot nito. Napasimangot ako nang marinig ko ang sagot niya. S
Zi Shien’s POV Nandito kami ngayon sa campus, sa nakasanayang tambayan naming magbarkada, nagpapahinga dahil sa stress na dulot ng surprise quiz ng aming professor at unang subject pa namin. Maliban kay Zhiah na halos lahat ng nasagutan lahat ng sagot, lahat kami napanganga at natutulala na lang sa bawat binibitaw na tanong ng professor namin, kaya heto kami’t parang mga lantang gulay na naka-display sa merkado. Nakahilata sa sofa na parang nasa bahay lang. Sino ba naman kasi ang hindi ma-brain drain sa surprise quiz at take not one of our major subject pa ‘yon kaya mapapatulala ka na lang at mapapasabi sa sarili na ‘bawi na lang next semester ‘. Napapiyak pa nga ‘yong iba kasi maaanghang na mga salita ang natatanggap nila kapalit sa pagiging tulala nila during quiz. Surprise oral quiz kasi ‘yon kaya mapapahiya ka talaga pag wala kang maisagot sa bawat tanong, good for us kasi kahit hindi lahat nasagutan namin at least nakasagot kami pero brain drain pa
Zi Shien’s POV“Zi, seryoso ka ba talaga sa pinaplano mo?” tanong ni Rhein sa akin habang nag-aalmusal kami.“Wala ka bang tiwala sa akin?” pabirong sagot ko sa kanya.“Hindi sa wala akong tiwala, pero bro baka mapano ka diyan sa ginagawa mo,” pag-alalang sagot nito.“Don’t worry Rhein, kaya ko ang sarili ko. Gustong-gusto ko lang talagang tulongan si Zhiah,”usal ko habang ipinapahid ang strawberry jam sa slice bread bago ko ito isinubo.Tumigil ito sa pag-nguya ng kinakaing niyang fried rice, may pagtutol sa kanyang mukha pero siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa akin.“Well, buhay mo naman ‘yan saka sino ba naman ako ‘no para tumutol sa pusong nagmamahal,” usal nito na may halong panunudyo. Ngumiti pa ito ng nakakaloko bago muling sumubo ng fried rice.“Loko ka talaga!” pailing-iling kong usal. “Magpatuloy na nga