Zi Shien’s POV
Alas otso pa lang ng umaga pero laman na kaming dalawa ni Qhuizhia sa E-library. Dalawa kasi ang library ng school, isang electronic library at iyong may mga physical books na library. Pinilit ko talaga siya na sumama kahit ayaw niya.
Agad akong nagtipa sa keyboard ng computer. ‘Alexithymia’ then I clicked the search button. Nang maipakita na ang mga impormasyong nilalaman patungkol sa salitang tinipa ko ng isang site na klinick ko, hindi ko alam pero para bang may sariling buhay ang aking mga mata at agad akong napatingin kay Qhuizhia na ngayon ay nakatitig lang sa harap ng computer monitor. Para talagang may iba sa kanya. Ang hirap niyang basahin.
‘Alexithymia (literally ‘no words for feelings’) refers to a person’s inability to identify or verbally describe his or her feelings. The psychiatric syndrome is prevalent in patients with psychosomatic problems, substance abuse, and anxiety disorders, but alexithymic symptoms occur along a continuum. ’
As I read this, I instantly looked back at her, did I just read it right?
‘Many people with Asperger’s also have a seeming lack of feelings, or inability to express their feelings, which is called alexithymia. ... Alexithymics can feel emotions, although not a wide range, but they do not know how to to verbalize them. Usually, they are unaware that certain sensations are actually emotions. ’
Hindi ko pa man alam ang katotohanan tungkol kay Zhiah pero nanalangin ako na sana hindi totoo ang mga bagay na laman ng isip ko. Hindi lang sana.
‘The core characteristics of alexithymia are marked dysfunction in emotional awareness, social attachment, and interpersonal relating. Furthermore, alexithymics have difficulty in distinguishing and appreciating the emotions of others, which is thought to lead to unempathetic and ineffective emotional responding.’
Muli akong nag-scroll para maghanap ng isa pang site tungkol sa alexithymia. `Alexithymia is a subclinical phenomenon involving a lack of emotional awareness or, more specifically, difficulty in identifying and describing feelings and in distinguishing feelings from the bodily sensations of emotional arousal.’
‘Researchers describe alexithymia as a construct relating to a difficulty experiencing, identifying, and expressing emotions. But it is not a clinical diagnosis, and mental health professionals do not consider it a disorder, although it may occur alongside some mental health conditions.’
‘Peter Sifneos, a psychiatrist and professor emeritus of psychiatry at Harvard Medical School, first described alexithymia in the early 1970s. The word comes from Greek: ‘a’ meaning lack, ‘lexis’ meaning word, and ‘thymos’ meaning emotion — overall, it means having a lack of words for emotions.’
‘People with alexithymia have: problems with introspection, or observing their own mental and emotional processes, experience confusion around bodily sensations connected to emotions, struggle to communicate their emotions to others. Alexithymia also makes it difficult for people to identify and respond to emotions in others. These issues can lead to difficulties in social settings and interpersonal relationships.’
‘Signs and symptoms of alexithymia include: difficulties identifying feelings and emotions, problems distinguishing between emotions and bodily sensations that relate to those emotions, limited ability to communicate feelings to others, difficulties recognizing and responding to emotions in others, including tone of voice and facial expressions, lack of fantasies and imagination, logical and rigid thinking style, that does not account for emotions, poor coping skills when it comes to dealing with stress, behaving less altruistically than others, appearing distant, rigid, and humorless and poor life satisfaction.’
Nagulantang ako sa bawat impormasyong nababasa ko sa computer, halos lahat ng simtomas ay nakikita ko kay Qhuizhia. I want to help her, but how? Paano ko siya matutulongan kung sakali man na totoo ang hinala ko?
Muli akong nag scroll upang maghanap pa ng ibang impormasyon. ‘A person may be more at risk of alexithymia if they have a close relative with the condition. Experts do not understand the exact cause of alexithymia. Some studies suggest that it may result from one or more of the following:
■Genetics. Research on twins indicates that there is a genetic component to alexithymia. People are more likely to have alexithymia if a close relative also has it.
■Environmental factors. The same twin study also indicates that environmental factors play a role in alexithymia. Examples of environmental factors include a history of childhood trauma, the presence of a physical or mental health condition, or socioeconomic factors.
■Brain injury. ResearchTrusted Source reports that people with injury to a part of the brain known as the anterior insula experience increased levels of alexithymia.’
‘Alexithymia is not a mental health disorder, so doctors and mental health professionals cannot formally diagnose the phenomenon. However, there are questionnaires and scales that professionals can use to check for signs of alexithymia. These include: The Twenty-Item Toronto Alexithymia Scale (TAS-20) that assesses: A person’s ability to identify feelings and to separate these from physical sensations, their ability to communicate feelings to other people, their inclination to show externally oriented thinking (rather than an introspective thinking style)’
‘For people who experience alexithymia, it may be helpful to: Learn to connect your emotions with the physical feelings that can come with them, like an accelerated heartbeat, sweating, or sluggishness, try cognitive behavioral therapy (CBT) to focus on identifying and understanding the connection between thoughts and emotions, practice mindfulness and other exercises to increase your emotional awareness, enter group therapy programs, Moore suggests, which will give you the opportunity to see how others talk about their emotions, reflect on your personal beliefs about emotion and what you think will happen if you display your emotions.’
Lahat ng impormasyon ay inilagay ko sa assignment na kailangan naming ipasa. Assignment na maaring makatulong sa akin para ma-discover ko ang buong katotohan tungkol kay Qhuizhia at matulongan siya.
Mahimbing na natutulog si Qhuizhia. Nakapatong ang ulo niya sa ibabaw ng desk. Blanko ang maamong mukha nito.
“Zhiah, wake up, ” pag-gising ko sa kanya. Hindi ko man gusto na maputol ang himbing ng pagtulog niya pero kailangan ko siyang gisingan para hindi kami ma-late sa klase.
Iminulat nito ang kanyang mga mata at inilibot ang kanyang paningin sa buong room ng library. “Sorry kanina ka pa ba?” tanong niya. Tumayo ito at inayos ang kanyang suot na damit.
“Nope, ngayon pa lang ako natapos, ” sagot ko. Tumingin siya sa akin at isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
“Okay, ” walang kaemo-emosyong sagot niya. Una itong lumabas sa library, kasunod naman ako.
Bigla akong nagutom kaya naisipan kong pumunta muna ng cafeteria. “Tara cafeteria, ” yaya ko sa kanya. Tumango lang siya, at saka mabilis itong lumakad patungo sa cafeteria.
“Zhiah, wait for me.” Mabilis akong lumakad para mahabol siya.
Huminto ito at nilingon ako. “Akala ko ba gusto mong pumuntang cafeteria, ” usal niya.
“Oo nga, pero hintay-hintay naman, ” sagot ko nang maabutan ko siya.
Nagpatuloy na ito sa paglakad at naiwan na naman ako ng mga ilang hakbang. “Sige ka pag ‘di mo’ko hihintayin, hindi kita e-lilibre, ”banta ko sa kanya. Muli ko siyang hinabol sa paglakad.
Pagdating namin sa cafeteria , agad siyang nag-order ng doughnut at ako naman ng isang combo snacks. Paborito talaga niya ang pagkain na doughnut.
Naghanap kami ng bakanteng upuan at doon kinain ang mga oreder namin.
“Zhiah, ba’t ba hindi ka nakikipag kaibigan sa iba? Tulad namin, ” tanong ko habang ina-analize ang assignment namin.
Tumingin ito ng diretso sa mga mata ko. “Do you think, merong makikipagkaibigan sa’kin?” sagot niya. Ibinalik nito ang mga tingin sa kanyang kinakain.
“Ano ba ang tingin mo sa amin? Kay Mari?”
“Maliban sa inyo, meron pa bang makikipagkaibigan sa katulad ko?” makahulugang sagot nito. Hindi ko mapigilang isipin na ang ibig sabihin niya ay ang bagay na kanina ko pa iniisip.
“What do you mean?” kunot-noong tanong ko.
Tumigil ito sa pagnguya. “Nevermind, ” sagot niya.
Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na mali lahat ng hinala ko.
‘Sana mali ako,’ sa isip-sip ko.
—
Louise’ POV
Maaga ako ngayong naka-abot sa classroom. Wala pa ang professor namin pagdating ko dito. Ilang segundo lang ang nakalipas mula ng pagdating ko, magkasabay naman na dumating sina Zi at Qhuizhia. Magkatabi silang umupo pero hindi sila nag-uusap.
‘Close na kaya silang dalawa?’ Hindi ko mapigilang mapa-isip.
Ilang minuto pa ang nasayang nang dumating ang professor namin sa psychology.
“Good morning ma’am, ” bati naming lahat maliban kay Qhuizhia.
“Good morning, ” sagot niya, habang pini-prepare ang projector.
Nang matapos niya ang pagprepare sa kanyang slides na gagamitin, humarap ito sa amin ng nakangiti. “Class, may I have your assignments,” usal niya. Tig isa-isa kaming nagpasa, pero may isang student na hindi nakapasa.
“Ms. Quizhiah where’s your assignment?” kunot-noong tanong ni Prof.
Walang naisagot si Qhuizhia. Diretso lang itong nakatingin sa prof namin.
Mabuti nalang at nagsalita si Zi kaya naputol ang awkward na scene sa pagitan ni Qhuizhia at ni Prof. “Ah ma’am, nasa akin po ang assignment niya, naiwan niya kasi kanina sa cafeteria, ” sagot ni Zi. Tumayo ito upang ipasa ang assignment ni Qhuizhia.
Medyo makahulugan ang mga tingin ng prof namin kay Zi at Qhuizhia. Palipat-lipat kasi ang tingin nito kina Zi at Qhuizhia.
Medyo nainis akong isipin na ilang oras na magkasama si Zi at Qhuizhia. Alam kong hindi ito dapat dahil unang-una sa lahat matalik kong kaibigan si Zi at alam kong may gusto siya kay Qhuizhia simula pa lang. Alam kong selos itong nararamdaman ko at wala akong karapatan pero may magagawa ba ako kung ito dikta ng isip ko?
“Ok class, may I have any representative to explain what’s all about with your assignment?” ani Prof.
“Ma’am pwede si Quizhiah?” si Mari. Lumingon pa ito kay Qhuizhia at ngumiti.
Nasiyahan ako sa suggestion ni Mari dahil makikita ko siya sa harapan. Nasalikoran kasi sila naka-upo ni Zi.
“Ms. Sleman, can you tell us all about your assignment?” pangiti-ngiting usal ni Prof.
Walang imik si Qhuizhia. Hindi ito tumayo, nararamdaman kong hesitant siya. Gusto ko sanang mag-volunteer na ako nalang ang mag-present para ma-save ko si Qhuizhia sa sitwasyon na ito. Akma na akong tatayo pero naunahan ako ni Zi.
“Ma’am ako nalang po, ” usal ni Zi. Pumunta ito sa harap at nag-explain tungkol sa topic ng assignment.
Naninibago ako kay Zi. Hindi kasi siya ganyan, lalo na sababae. Kung babae lang naman kasi ang pag - uusapan, aba’y alam naman nating lahat kung ano lang yung turing niya dito. At higit sa lahat nanibago din ako sa sarili ko, kahit kailan hindi ako nakakaramdam ng selos ngayin lang at kay Zi pa.
—
Pagka tapos ng klase ay tumambay muna kami sa cafeteria, hindi na sumama sila Quizhiah at Mari dahil nagmamadali si Mari at si Quizhiah naman gusto na niya raw na umuwi.
“Naka points ka ngayong araw ah, ” pang-aasar ni Joshua kay Zi. Ang ibig sabihin kasi nito ay ang pagtulong ni Zi kay Qhuizhia kanina. Hinampas ni Zi ng mahina ang balikat ni Joshua. “Umayos ka nga,” usal ni Zi.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
“Dude, are you serious with her? Baka isa na naman siya sa listahan mo, ” si Rhien. Alam namin na matinik si Zi sa mga babae. Sa aming apat siya ang pinakahabulin ng mga babae, kaya naman kapag nagbabanggit o nagpapakita ito ng magandang kilos sa babae ay tinatawanan lang namin siya. Naawa naman kami sa mga babaeng nabibiktima niya pero wala kaming magagawa dahil gusto din naman iyon ng mga babaeng nakasiping niya. Lahat ng babaeng dumaan sa buhay niya at nakasiping niya ay hindi nagtatagal ng buwan, kadalasan kasing isang araw lang silang papansinin ni Zi. Pang one night stand lang talaga.
“Gusto kong tulungan si Zhiah, ” sagot niya. Naglabas pa ito ng malalim na hininga.
“What? Seriously? Ikaw, tutulungan siya? Baka ikaw pa ang tulungan niya e, ” tawang-tawang ani Joshua.
Tinapunan ni Zi ng matalim na tingin si Joshua. “Seryoso ako, ”usal niya. Binuksan nito ang bote ng Gin at nagtagay sa baso niya.
Gusto ko sanang sabihin na ang babaeng balak niyang tulungan ay gusto ko, pero naduduwag ako. Natatakot ako sa mangyayari kapag nalaman niya ang nararamdaman ko kay Qhuizhia. Natatakot akong isipin niyang ‘tinalo’ ko siya.
“Nag-iipon ka lang naman ng points e,” patawa-tawang usal ko.
Quizhiah’s POV Araw ng Lunes ngayon, unang araw sa week na ‘to pero naka-upo lang ako sa sofa at nagbabasa ng literature book. “Ma’am, ‘di ka po ba papasok sa school?” tanong ni Yaya Emily habang papalapit sa akin dala-dala ang isang baso ng gatas. Inilapag nito ang baso ng gatas sa ibabaw ng round glass table na katabi ng sofa na kinauupuan ko. “Papasok.” sagot ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasang libro. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang mukha niya na parang naghihintay sa susunod kong sasabihin. Balak ko sanang hindi pumasok kaso wala naman akong gagawin dito sa bahay. Tinapos ko muna ang binabasa kong literature book bago ako naligo at nagbihis. Nagpaluto na rin ako ulam kay Yaya para sa breakfast. Tatlong cheesy chicken hotdog at sunny side-up egg ang pinaluto ko sa kanya. Nag fried rice din siya at nagtimpla ng grape juice. “Ma’am, si daddy mo tumatawag sa akin, ba’t daw off ang cell p
Mari’s POVHalos hilahin ko na ang kamay ng orasan at ang pagsikat ng araw para mapadali ang araw sa birthday ni Quizhiah. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya at excitement sa parating na birthday ni Quizhiah. Sino ba naman ang hindi mae-excite e, ang pinakasikat at pinagkakagulohan sa buong campus ang tumulong sa pagplano sa surprise birthday niya. Hindi ko lubos maisip na makakuntsaba ko sila dahil nga sa sikat sila at sino lang naman ba ako para matulongan nila para sa kaibigan ko.Nandito kami ngayon sa paborito naming spot, sa canteen. Halos dalawang oras na kaming nandito, nagplano kami sa mga dapat gagawin para maisakatuparan ang birthday surprise ni Quizhiah sa paparating na Sabado.“Louise, are you sure na gagana ang plano natin?” tanong ni Rhein. Bahagya itong lumingon kay Zi na ngayon ay tahimik lang sa gilid. Si Louise kasi ang nagplano sa surprise birthday para kay Quizhiah pero nag-alinlangan si Rh
Zi Shien’s POV I was preparing for school when a book caught my eyes, agad kong naisip si Quizhiah. Isa itong libro na tiyak makakatulong sa kanyang sitwasyon. Alam kong paunti-unti ay makaka-recover din siya sa Alexithymia. Sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya at lalong – lalo na sa kanyang sarili. Iniisip ko pa lang na magiging okay na si Quizhiah ay napapangiti na ako. Naisip kong tawagan si Quizhiah para sunduin sa kanyang bahay. “Zhiah, are you still in your house?” tanong ko kay Quizhiah. Hindi ito kaagad sumagot at mukhang bagong gising lang ito. Naghintay ako ng isang minuto bago ito sumagot ng matipid. “Yes.” “Good! Wait for me, I’ll pick you up.” Napapangiti pa ako habang sinasabi ang mga linyang ito. Para akong lumulipad sa kalawakan habang iniisip ang idea na isang araw ko na namang makikita at makakasama siya kahit na hindi ito nagsasalita. “No need,” matipid na sagot nito. Napasimangot ako nang marinig ko ang sagot niya. S
Zi Shien’s POV Nandito kami ngayon sa campus, sa nakasanayang tambayan naming magbarkada, nagpapahinga dahil sa stress na dulot ng surprise quiz ng aming professor at unang subject pa namin. Maliban kay Zhiah na halos lahat ng nasagutan lahat ng sagot, lahat kami napanganga at natutulala na lang sa bawat binibitaw na tanong ng professor namin, kaya heto kami’t parang mga lantang gulay na naka-display sa merkado. Nakahilata sa sofa na parang nasa bahay lang. Sino ba naman kasi ang hindi ma-brain drain sa surprise quiz at take not one of our major subject pa ‘yon kaya mapapatulala ka na lang at mapapasabi sa sarili na ‘bawi na lang next semester ‘. Napapiyak pa nga ‘yong iba kasi maaanghang na mga salita ang natatanggap nila kapalit sa pagiging tulala nila during quiz. Surprise oral quiz kasi ‘yon kaya mapapahiya ka talaga pag wala kang maisagot sa bawat tanong, good for us kasi kahit hindi lahat nasagutan namin at least nakasagot kami pero brain drain pa
Zi Shien’s POV“Zi, seryoso ka ba talaga sa pinaplano mo?” tanong ni Rhein sa akin habang nag-aalmusal kami.“Wala ka bang tiwala sa akin?” pabirong sagot ko sa kanya.“Hindi sa wala akong tiwala, pero bro baka mapano ka diyan sa ginagawa mo,” pag-alalang sagot nito.“Don’t worry Rhein, kaya ko ang sarili ko. Gustong-gusto ko lang talagang tulongan si Zhiah,”usal ko habang ipinapahid ang strawberry jam sa slice bread bago ko ito isinubo.Tumigil ito sa pag-nguya ng kinakaing niyang fried rice, may pagtutol sa kanyang mukha pero siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa akin.“Well, buhay mo naman ‘yan saka sino ba naman ako ‘no para tumutol sa pusong nagmamahal,” usal nito na may halong panunudyo. Ngumiti pa ito ng nakakaloko bago muling sumubo ng fried rice.“Loko ka talaga!” pailing-iling kong usal. “Magpatuloy na nga
Mari’s POV Araw ng linggo ngayon, at napakahalaga ng araw na ito,lalong-lalo na para kay Qhuizhia. Nakahanda na ang lahat para sa birthday surprise para sa kanya. Handang-handa na rin ang mga boys sa gagawin nilang pakulo maliban na lang kay Zi na kanina pa balisang-balisa at nag-aalala sa gagawin nila Rhein at Joshua. Ang siste kasi, pupunta sila Rhein, Louise at Joshua sa bahay ni Qhuizhia na naka bonnet mask para hindi makilala ni Qhuizhia at magkunwaring kidnappers, lalagyan ng piring ang mga mata niya habang nasa biyahe at pag-dating sa venue, mag-papaputok ng fireworks para sa kanya. Ang venue ay ang garden namin na may mga mayayabong na bulaklak at mga nagbi-birdehang halaman. Gusto sana ni Zi na sa bahay nila gaganapin ang surprise para kay Qhuizhia kaso nagpumilit akong dito sa garden namin dahil alam kong magugustohan ni Qhuizhia ang view dito. Sa tuwing hapon kasi ay matatanaw mo ang paglubog ng gintong araw na sinasabayan ng mga maliliit na huni ng mga ibon
Zi Shien’s POV Kinausap ko si Zhiah, nangamba kasi ako nang makita kong may luha ang mga mata niya kanina. Ito ang unanbg pagkakataong nakakita ako ng pagkatakot sa mga mata ni Quizhiah. I’ve known her as a strong, independent person kaya nangamba talaga ako nang makita siyang umiiyak kanina. Sa isip-isip ko’y baka may malalim na dahilan sa nakikita kong takot kanina, baka tulad ko ay may trauma rin siya sa blindfolds. Pero iwinaksi ko na lamang ang mga ito dahil okay naman daw siya, hindi niya lang daw alam bakit siya umiiyak.Naging panatag ako sa sinabi niya kaya nawala ang pangamba ko. Enjoy na enjoy kami habang kumakain, habang si Qhuizhia ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Nag-ku-kwento kasi si Mari about sa buhay niya, mga kalokohang nagagawa niya noong bata pa siya, kaya naman aliw na aliw kaming nakikinig sa kanya. Hanggang sa umabot kami sa singing contest na sinalihan niya na hindi raw siya makapaniwalang nanalo siya, kami namang nakikinig tawa lang tawa. “Loko-loko ka
Qhuizhiah’s POV Ilang linggo na rin ang nakalipas pero heto pa rin ako’t pilit iniintindi ang estrangherong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kailan ‘to nagsimula, nagmistula itong isa magandang bulaklak na misteryosong tumubo na lang bigla sa isang hardin at dahan-dahang namumukadkad, sa kabila ng kagandahan nito isa pa rin itong misteryoso para sa hardinero, maraming tanong ang naglalaro sa isispan niya, anong klaseng bulaklak ito? Saan ito nanggaling, ano ang pangalan nito at kung paano ito alagaan? At sa kadahilanang bago ito para sa kanya walang siyang kaalam-alam kung ano ang dapat na gawin at hindi dapat gawin upang ma-protektahan niya ito o kung ito ba’y nakakalasong halaman na delikadong patuloy na tumubo sa kanyang hardin at maging sanhi pa upang hindi niya mapapanatili ang pag-alaga sa iba pa niyang mga bulaklak. Ngunit kahit misteryoso ito para sa hardinero itinago niya pa rin ito at inalagaan, alam naman niyang posibleng magiging isa itong banta para sa kanyang hardin