Share

Closer: Harder, Deeper
Closer: Harder, Deeper
Author: Pseudo_Drained

PROLOGUE

last update Huling Na-update: 2021-07-28 10:26:02

"ARE YOU SURE ABOUT THIS, LUCK?" Tumango ako kay Vien. She's my 2 years girlfriend. We're both 18.

My name is Lucky but I'm not lucky just like my name. Bata palang ay minamahal ko na sya pero kailangan naming itago ang pagkakaibigan namin noong mga paslit palang kami. Magkaaway na mortal ang mga pamilya namin. Damn politics.

Matagal nang may alitan ang mga Purzuelo, angkan nya, at Lacuezo na siya namang angkan ko. Noon pa man ay magkalaban na sa pagiging Governador ang mga kalolo-lolohan namin.

Pero hindi non napigilan ang pagkakaibigan namin. At relasyon na ngayon nga ay dalawang taon na.

Sinubukan ko nang sabihin ito sa pamilya ko pero wala silang pakelam. Ang tanging ginawa nila ay tumutol.

"Lucky, stop seeing her! Ilang beses na kitang pinagsabihan at kapag hindi ka pa sumunod saakin, sinasabi ko sa'yo, ipapadala kita sa dad mo sa US!" Naalala ko pa ang banta saakin ni mom last week.

Matagal na silang hiwalay ni dad pero okay naman sila. Nasa US si dad kasama ang bago nyang pamilya kaya hinding-hindi ko gugustuhin na pumunta roon, bukod syempre sa kadahilanan na ayokong malayo kay Vien.

For other people's eyes, maybe we're both too young. Maaaring mapusok din kami para sa iba pero ito lang ang tanging bagay na nakikita kong sagot para hindi kami magkahiwalay ng girlfriend ko. Ngayong gabi, magtatanan kami.

"Luck?" Doon ako muling bumalik sa kasalukuyan. Tiningnan ko sya nang matiim at mahigpit na hinawakan ang kamay nya.

In-start ko na rin ang makina ng sasakyan. Tonight, we'll run away. I don't care about anything anymore. Hindi naman ako ang tipo na padalus-dalos sa mga desisyon. Lahat ng mga ginagawa ko ay hindi ko lamang sasampung beses munang iniisip bago gawin, isa sa mga nakuha ko sa pamilya kong mga politiko.

Alam kong sa desisyon kong ito ay masasaktan ko ang pamilya ko. Hindi ako bast lamang isang kabataan na atat nang mag-asawa. Ako ang kabataan na hindi nabigyang laya noon pa man at ngayon lamang ako maglalakas loob na ipaglaban ang bagay na ipinagbabawal din saakin.

"Yes, Vien. Kung ganon lang rin naman na paghihiwalayin tayo, hindi ako papayag. Ikaw ba, makakaya mo bang malayo saakin at papayag kang ipakasal sa iba?"

"No, ofcourse not!" Nakita ko ang determinasyon sa mga mata niya. Gaya ng determinasyon ko sa mga oras na ito. "Yeah, you're right. Let's run away, love."

Hiniram ko ang kotseng ito sa bestfriend kong si Bernard dahil kapag ginamit ko ang kotse ko o kotse ni Vien ay baka mabilis kaming mahanap ng mga angkan namin. Pupunta rin kami sa private resort na pagmamay-ari nila Bernard. Hindi pa ito bukas at sinabi niyang pwedeng kami na muna ang tumuloy roon habang inaayos nya ang mga papeles at iba pang kakailanganin para makalabas kami ng bansa.

I'm lucky to have a friend like him. Maimpluwensya din ang pamilya nila but it is not the thing that made me— us lucky. It's because he's the kind of friend whom I know that'll do everything just to keep and protect the people he loves the most. At nakatutuwang kasama kami ni Vien sa mga taong iyon.

Nang sabihin ko pa lamang sakanya ang plano ko ay nakitaan ko na siya nang pag-aalala. Pinayuhan nya rin akong mag-isip pa kaya naman dalawang buwan ang pinalipas ko, naisip ko rin na baka nabibigla lamang ako pero hindi, ito ang pinakamagandang gawin sa oras na ito. Masyado nang lalong gumugulo ang lahat sa pagitan ng mga pamilya namin.

Nang sabihin ko kay Bermard lahat-lahat ay siya na ang nagkusang tumulong saakin na magplano ng lahat.

That night, all I— we only wanted was to run away and to be happy. Pero hindi ko alam na ang simpleng hiling at kagustuhan ng bata kong puso noon ang siyang dudurog saakin nang napakahabang panahon.

Vien, hindi ka na maibabalik pa.

Vien, hindi na maibabalik pa ang lahat.

Pumikit ako nang mariin at nakita ko ang mukha niyang nakangiti, nagflashback saakin ang nangyari sa buong araw na ito mula pa lamang kaninang umaga jnaway ako ng parents ko paggising ko pa lang. Ang usapan namin ni Bernard, ang usapan namin ni Vien, ako na nagmamaneho habang iniisip na sa wakas ay makakalaya na kami, at ang mala-impyernong aking kinalalagyan sa ngayon.

Wala na akong lakas pa upang magpumilit tumayo at umalis. Napangiti ako nang bahagya nang lalo akong naghabol ng hininga. Nanikip ang dibdib ko at tuloy-tuloy na umagos ang aking mga luha sa mata.

Nakaharang na ang lupa sa aking bukng katawan maging sa mukha. Nakain ko na ang iba kanina, nalagyan na ang aking mata at ang iba ay pumasok sa ilong pero napangiti pa rin ako. Dahil alam kong magkakasama na kami ngayon ng taong mahal ko.

Magkakasama na tayo, Vien...

***

The story will start after 10 years...

Kaugnay na kabanata

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 1: Cold

    WOAH! ETO NA BA YON? Nakanganga ako habang pinagmamasdan ang napakataas na building sa harap ko ngayon. Sobrang laki. Pinagpawisan ata ako nang malapot ah. Wew. Naramdaman ko ang labis na kaba kaya sinilip ko ang oras. Exactly 8:00 am. Nakahinga ako nang maluwang. 8:30 ang simula ng interview at akala ko ay late na ako. Nagmamadali akong pumasok sa loob at nagawa ko pang ngitian ang security guards. This is it. Magtatrabaho na talaga ako! Chineck ko kung may naiwan ako. Binulatlat ko ang hawak kong envelop. Resume, NBI clearance, Barangay clearance, bio-data at kung anu-ano pa. First time kong mag-aapply ng trabaho at hindi ko talaga alam ang kailangan. Sinabi lang ng kaibigan kong nag

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 2: Hell

    "MISS SECRETARY, DO YOUR JOB PROPERLY!"Napapiksi ako sa sigaw saakin ng boss kong halatang palaging galit."Jazlyn, ano na naman to!?""What the hell is this, Jazlyn!?"1 week palang ako rito pero mukang susuko na ang katawan at utak ko. Maya't maya ba naman e tinatawag ako para paggawain ng kung anu-ano. Halos kalalabas ko lang sa opisina nya ay pipindutin na naman ang intercom para pabalikin ako dahil may iuutos daw sya.Parang favorite nya rin ang pangalan ko ah? Bukambibig e."I-Im so sorry, sir!" Agad kon

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 3: Ex

    "HI, GOODMORNIG! NANDYAN BA SI ADAM SA LOOB?" Napaangat ako nang tingin nang marinig ang baritonong tinig na iyon. Ang nakita ko ay isang napakagwapong lalaki na kulay karagatan naman ang mga mata. Parnag kasing edad lang sya ni Mr. CEO pero yung aura nila ay magkasalungat. Kung ang aura ni CEO Adam ay matapang, nakakatakot, malamig at tipong isang tingin palang ay papatay na, ang aura naman ng lalaki na kaharap ko ngayon ay friendly, palaging nakangiti at napakabait. Omg, napapalibutan ako ng mga gwapo! Pag tumingin ka, akin ka— ugh! Akin kana! Take note, ang gwapong ito ay hindi mukang sup

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 4: Drunk

    PARANG ANG WEIRD TALAGA TODAY.Matapos ang ginagawa ko, eksaktong 3:30 pm ay inayos ko na ang mga gamit ko. First time yatang gantong oras ng uwi to kaya naman sobrang nakakaexcite ano!Papalabas na ako nang bumukas ang pintuan sa office ni Boss. Nagulat pa ako nang saktong magtama ang mata namin pero parang wala lang sakanya. Napatingin sya saakin nang walang emosyon."Boss, uwi na po ako. Babush!" Tumango sya at nauna na akong maglakad pero dahil mahahaba ang biyas nya at mabilis humakbang ay mas nauna sya.Aba, mukang uuwi na rin sya ah? Kaya naman pala maaga akong pinauwi, maaga

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 5: Fired

    "WHERE ARE YOU?" Si Boss!Sa sobrang taranta ko pagkagising ay dali-dali akong naligo at nagbihis. Nakasakay na ako sa taxi at papunta na sa building nang maalala kong tanggal na nga pala ako sa trabaho. Well, hindi naman talaga ako tinaggal pero ganon na rin.Ginising ako kanina ng tunog ng cellphone ko. May 10 missed calls ako at may isang text galing kay Mr. CEO, tinatanong kung nasaan na ako samantalang 5 am palang. Ang masakit, ang missed call nya ay since 4 am pa. Paninindigan nya talagang papasukin ako ng alas cuatro!? Aba— gago talaga sya!Isang gwagago. Gwapong

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 6: Truth Behind

    "SAMAHAN MOKO." Sabi ko sakanya nang makita ko syang prenteng nakaupo sa mesa ng office ko talaga bilang secretary. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero gumagamit sya ng computer na nakapatong sa mesa.Kasabay ng pagpapalit namin ng posisyon ngayong araw e nagpalit din syempre kami ng office.Well, nga pala, talagang hindi ko napaalis tong gwapong green eyes na to sa kumpanya kanina. Kahit sinabi ko nang fired na sya ay nanatili pa rin talaga sya dito. Makulit. Pero okay na rin to dahil may makakasama ako sa pupuntahan ko ngayon.Mukhang tamad na tamad syang nag-angat saakin ng tingin. Para bang sinasabi na... "Kanina tinanggal-tangg

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 7: Sorry

    HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA. PAANO MAG MOVE ON!?Hindi ko na namalayan. Nawala ata ako sandali sa sarili ko dahil bigla nalang nang matauhan ako ay nandito na ako sa napakagarbong mansyon na to na tinutuluyan ni Bernard.Nag-aano ba ako dito? Bakit ako nandito?Pinakiusapan nya ako na samahan sya. Nilinaw nyang wala syang ibang kasama kundi ang mga katulong.Dapat di ba matakot ako dahil lang sa ipinagtapat nya saakin na pamilya nya ang may pakana ng nangyari kina boss at girlfriend nya noon? Pero wala e, ni hindi ko sya magawang pagdudahan. Hindi naman sa pagigi

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 8: I like you

    UWIAN.Nagulat ako nang saktong paglabas ko sa building ng kumpanya ay may humintong napakagarang puting kotse sa harap ko. Bumukas ang pinto at lumabas si Bernard. Sobrang aliwalas na ng itsura nya ulit, di gaya kaninang madaling araw.Akala mo ibang tao na sya at hindi ang nakausap ko kanina about sa problema nya. Kung engot lang ako, baka isipin kong ibang tao talaga sya ngayon.Binuksan nya ang kabilang pinto ng kotse nya at pinasakay ako. "Come here, hatid na kita." Sino ba naman ako para tumanggi, duh, sasakay ako sa magarang kotse, gora na.

    Huling Na-update : 2021-07-28

Pinakabagong kabanata

  • Closer: Harder, Deeper   SPECIAL CHAPTER (3)

    Her Deadly Love"ATE TRINA, I WON'T TELL IT TO MOM." Napahinto ako nang makitang lumabas mula sa pader ang nakababata kong kapatid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita nang makita ang ngisi nya. Alam ko na naman to. "What do you need, Arden?" Hindi ako nagpahalatang kinabahan, malamang sa malamang ay nalaman n'ya na ngayon na pineke ko ang sakit ko para makaligtas sa pinaka-hate kong subject, ang Practical research.Actually, naiinis ako sa lahat ng subject dahil karamihan sa itinuturo ay alam ko na lahat. Lalo na kapag science. Hate ko lang talaga ang practical research dahil madalas ko nang gawin ang pagreresearch mula noon, hanggang dito ba naman? Isa pa, hindi ko trip ang magsalita sa harap ng mga tao, gusto pa naman nila ay magde-defense kaming lahat. Mommy and dad knew that I am advance but dad still enrolled me in a regular school at hindi sa para sa mga tulad kong gifted. Gusto ko naman iyon dahil dito ko nakilala si Ivan. Sa school, minamali ko madalas ang mga sagot ko sa

  • Closer: Harder, Deeper   SPECIAL CHAPTER (2)

    "BABY, LET'S DATE, HUH?" Inirapan ko si Adam na kung makapaglambing e parang hindi namin kasama si Trina sa kotse. "Dad! Sasama ako." Tila pinal na desisyon nito. Umiling-iling si Adam at tumingin na tila nagpapasaklolo saakin.Grabe talaga, it's been months nang maging mag-asawa kami at halos matawa pa rin ako palagi sa pagpapa-cute n'ya. Pero ang totoo, cute namang talaga."No, we can't date outside. Merong dinner sa bahay.""Darating sila mama?" Kaagad niyang tanong kasi sa pagkakaalam n'ya ay nagpunta sila mama sa Japan last month para magbakasyon at para na rin samahan si Jester doon dahil ipinadala s'ya ng kumpanya nila roon dahil meron syang kailangang asikasuhin."Yes." Also, I have a surprise for him kaya hindi talaga kami pwedeng

  • Closer: Harder, Deeper   SPECIAL CHAPTER (1)

    "BALITA KO BABALIK NA RAW SI MR. CEO." "Hindi ko la nakikita yon dahil si Sir Bernard ang naabutan ko." "Ako rin tapos naghanap ako ng pictures non kahit sa business magazines man or internet kasi sabi ng mga matagal nang empleyado e gwapo raw. Ang nakakapagtaka, wala akong makitang kahit isa." "Sinasabi ko sainyo, isang naaaaa-pakalaking bangungot non si Mr. CEO." "True! Alam na alam namin, danas na danas. Sobrang gwapo pa naman at daig pa ang artista, pero 'wag ka, walang gustong kausapin, walang kasundo at higit sa lahat, tinatanggal ang empleyado makita lang ngumiti!" "Naku ha, ang OA na ng kwento n'yo! Natatakot na tuloy ako wala pa man. Tsaka paano yon bawas sa inspiration kapag nawala si Sir Bernard." "Seryoso kami!" Busy at patuloy nag-uusap ang mga empleyado n

  • Closer: Harder, Deeper   EPILOGUE

    I AM BUSY TYPING ON THE LAPTOP in front of me when I suddenly remember what happened. I just kissed her. Pinipilit kong libangin ang sarili ko sa mga trabahong nakatambak sa harap ko ngayon. Binasa ko ang folders na nakapatong sa mesa pero walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang ginawa ko kanina at ang reaksyon n'ya. I wanted to kiss her since the day I found her after 2 years of searching. But I didn't imagine that I'll really do that. Siguro ay nagtataka na s'ya ngayon sa mga sinasabi at ginagawa ko lalo na ang halik na ginawa ko kanina. Pero hindi naman siguro ako nananaginip lang at sigurado akong tumugon s'ya sa halik ko na siyang ikinagulat ko kaya naman napalayo ako nang bahagya sakanya kanina. Tiningnan ko ang office n'ya na nasa harap ko lang din. Mukhang nakalimutan

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 35: Harder, Deeper

    After 5 months... "SIR, PORMANG-PORMA KAYO AH?" Nginitian ko si Mang Ben. "Ngayon nga ho pala iyong balik nila, ano?" "Yeah." Hindi n'ya na ulit ako muli pang kinausap, ngumiti palang s'ya na parang nahahawa sa kung gaano ako mukang kasaya ngayong araw. "Dad!" Irit ni Trina at paglingon ko ay nakaayos din s'ya. "Where do you think you're going without me?" Umirap s'ya sa hangin. "If not because of tito Bernard, I wouldn't know you're going somewhere." Napapikit ako. Si Bernard talaga. Kaya nga tinawagan ko s'ya at pinapunta sa bahay ay dahil na rin para libangin su Trina dahil may lakad ako. Bandang huli, si

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 34: I found you

    SHIVERING, I STILL TRIED TO GET UP.Masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong bumangon dahil may pasok pa ako ngayon. She's new to business that's why many greed people are trying to turn her down.Napansin ko ang maliit na kamay na nakayakap saakin. Nilingon ko si Trina. She's sleeping peacefully like an angel in the morning. Well, she's really my angel. Sa mga taon na dilim ang nararamdaman ko ay nandyan s'ya. Aaminin ko na medyo masungit s'ya pero mabait, hindi ko rin alam pero ang pagsusungit siguro ay natutunan n'ya kay Bernard. That man, kung anu-ano ang tinuturo sa anak ko.Tinanggal ko ang kamay nya para makatayo na ako pero humigpit ang yakap n'ya saka nagmulat ng mata. Nagtama ang berde naming mga mata, kaagad kaming ngumiti sa isa't-isa."Goodmorning, beautiful!""Morn

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 33: The Reality

    NAGISING AKO SA TUNOG NG DOORBELL. Tunog din nang tunog ang cellphone ko pero imbes na pansinin iyon ay umupo ako nang maayos sa sofa kung san ako nakatulog nang nakaupo. Paulit-ulit sinaksak ang puso ko sa lahat ng mga narinig ko. Pero kahit masakit, hindi pwedeng hanggang doon lang iyon. Kailangan kong alamim ang lahat. Ang kaso, hindi ko kayang mag-isa. Mamamatay ako sa sakit. Masyadong mabigat. Tumayo ako at parang zombie na kinuha ang phone ko sa tabi ko lang, napakaraming texts at missed calls. Galing kay Kuya Sandro, kay Luck, kay Dad— hindi, hindi ko s'ya ama. Sa lahat ng narinig ako, hindi ko pinakamatatanggap ay ang maging ama s'ya. Narinig kong kinuha n'ya ako sa tunay kong pamilya, hindi ko sya ama kung ganon, hindi ba? Tinungangaan ko lang iyon. Wala pa ring tigil ang tunog

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 32: Adopted

    "WALA NA PO BANG NAKALIMUTAN?" Tanong ko sa driver habang chinecheck ang mga dala kong bag."Naisakay ko naman ho ang mga nakabag, ma'am."This is it! Wednesday na ng hapon at outing namin bukas kaya naman pupunta na ako sa venue para maicheck kung handa na nga ba ang lahat doon. Magpapahatid ako tutal medyo malapit lang rin naman ang beach na pagdarausan. Tho babyahe pa ng 2 hours papunta roon.Nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang text galing kay Luck. Kanina pa to nagtatanong kung hindi ba ako sasabay sakanya, sinabi ko na ngang doon nalang kami magkita. Ngayon din sya pupunta roon gaya ng ibang mga empleyado. Ang iba naman ay nagsabing bukas na ng umaga pupunta.Parang team building ang mangyayari bukas kaya naman magkakaroon k

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 31: Collections

    "THESE ARE THE COLLECTIONS I AM TALKING ABOUT."It's only 8 in the morning. Naiwan ko ang isang mahalagang papel na kailangang-kailangan namin for today kaya naman binalikan ko nalang ito dahil dito ko iyon iniwan sa study room at ayokong may ibang pumupunta rito. Nagprisinta si Luck na sumama saakin papunta.Nakangiti kong tiningnan ang collections ko ng paintings dito sa loob ng study room ko. Sa kanya ko palang pinakita ang lahat ng ito. Dad saw some of them and even kuya Sandro. Nakita na rin ni Dr. Philly ang iba rito pero yung lahat-lahat na to ay si Luck palang ang nakakakita. Pagbalik ko palang ay i-din-isplay ko na ang mga ito dito nang mag-isa."Magaling ka rin palang mag-painting?" Si Luck, nilibot nya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto na punung-puno ng mga

DMCA.com Protection Status