"MISS SECRETARY, DO YOUR JOB PROPERLY!"
Napapiksi ako sa sigaw saakin ng boss kong halatang palaging galit.
"Jazlyn, ano na naman to!?"
"What the hell is this, Jazlyn!?"
1 week palang ako rito pero mukang susuko na ang katawan at utak ko. Maya't maya ba naman e tinatawag ako para paggawain ng kung anu-ano. Halos kalalabas ko lang sa opisina nya ay pipindutin na naman ang intercom para pabalikin ako dahil may iuutos daw sya.
Parang favorite nya rin ang pangalan ko ah? Bukambibig e.
"I-Im so sorry, sir!" Agad kong hingi ng paumanhin kahit pa medyo nanggagalaiti ako. Nakayuko ako sa harapan nya, hindi lang dahil sa takot kundi dahil ayokong salubungin ang berde nyang mga mata.
Hindi ako pwedeng maging marupok. Dapat unahin ang trabaho. Dapat mainis ako sa mga pagpapahirap nya sakin mula nakaraan. Pero kapag tumingin ako sa perpekto nyang mukha e parang napakahirap namang magalit o kahit mainis man lang.
Pano ko sinabing pinapahirapan ako? Obvious naman e. Tsaka nung hi-nire nya ako, remember? Sinabi nyang pagsisisihan ko yung sinabi ko.
Ano bang sinabi ko non? Hindi ko na rin matandaan.
"Yeah, sorry. Ilang beses ko nang narinig sa'yo yan.."
"Oo, at ilan na rin ba ang tinanggal mo dahil sa kaabnu-an mo." Mahina kong bulong. Hindi ko mapigil kasi ugali ko na rin talaga ang sumagot-sagot at mamilosopo kahit sino pa yan.
Paano ba naman, dahil nga secretary nya ako ay gusto nyang pumasok ako bago mag 7 am pero hindi pa dapat ako umakyat kasi hihintayin ko pa raw sya mula sa labas ng building. Gusto nya kasi, pagbungad ko palang sakanya, sasabihin ko na lahat ng mga schedule nya habang naglalakad kami papuntang opisina nya.
Lahat ng babati sakanya ay dapat lang na yumuko. Naaalala ko yung guard kahapon na tinanggal nya sa trabaho. Bago lang ata yung guard, binati nya si Mr. CEO ng goodmorning habang nakangiti at alam nyo ba kung anong sinabi at ginawa nya?
"Why are you smiling?"
"Because I-Im... greeting you, sir?" Kinakabahang sagot ni manong guard.
"If you're going to greet me, bow your head. And I hate it when I see someone smiling." Napanganga ako. Ang OA naman yata nya? Pati pagngiti, bawal? Dapat ba lahat ng tao rito e maging katulad nyang mukang bato?
"I'm so sorry p-po—"
"I think you're new." Si Mr. CEO ulit.
Oo nga, hindi pamilyar si Kuyang Guard. Isang linggo na ako rito pero ngayon ko lang sya nakita.
"O-Opo, kakahire lang po saakin kahapo—"
"Then maghanap kana ulit ng ibang trabaho, you're fired," saka naglakad na sya ulit.
Napanganga naman ako at si Kuyang guard e tulala sa entrance.
Oo, isang linggo palang ako rito pero mala-impyerno na ang ganap sa buhay ko. Medyo pampalubag ng loob makita ang gwapong muka ng boss ko pero habang tumatagal e hindi na isang anghel ang nakikita ko sa muka nya. Sayang naman. Kasi masahol pa sya sa tae ng kambing.
Teka, ano naman konek ng tae ng kambing? Ah, ewan.
"What did you just say?" Nanlaki ang mata ko at agad napatingin sakanya. Narinig nya pala na bumulong ako. Sobrang hina na nga e.
"S-Sabi ko sir..." Tumingin ulit ako sa sahig. "P-Pwede naman siguro ako mag-j-janitress? Tutal hindi naman po ako qualified na maging secreta—"
Hinampas nya nang malakas ang mesa kaya bahagya akong napatalon. Sunod sunod ang naging paglunok ko.
Pakiramdam ko, konti nalang uupakan nako nito.
Don't beat me, choke me, dadeh! Ay, harot!
"Who told you you can disobey me? If I want you to be my secretary, then you'll be my secretary. Wala akong pakelam kahit hindi ka pa marunong magbasa." Walang emosyon na naman ang boses nya. "If I want you to do anything, you should do that because may I remind you, I am the boss here." Napakuyom ang kamao ko.
Siraulo, sinabi ko bang ako ang boss?
Isa pa, hindi secretary lang ang hanap nya kundi someone na mapagbabalingan nya ng kung anumang ka-bitteran nya sa buhay.
Isang linggo, parang sapat na saakin para makilala sya. Pakiramdam ko nga ilang taon na kaming magkasama dahil halos alam ko na ang maraming bagay sakanya.
Nung nagpatimpla sya ng kape, hindi nya sinabi na wala dapat asukal. Ang ginawa nya, inihagis nya ang mainit na kape sa sahig at tumalsik pa ang iba saakin. Saakin nya ipinalinis yung kinalat nya at ilang beses rin syang nagbasag bago ko na-perfect ang timpla na gusto nya.
Napakakumplikado nyang tao. Parang laging galit pero at the same time e parang wala ring pakelam sa kahit na kanino. Walang kasundong empleyado ayon sa obserbasyon ko. Hindi ngumingiti. Hindi nakikipag-usap ng tungkol sa private life nya kahit kanino.
Sabi nga sa isang kanta, Stone cold.
Mukang laging may dalaw, nakasigaw mag utos. Kaya rin pala palaging hiring e ang bilis nyang magtanggal ng mga empleyado. Konting mali o kahit pagngiti ay bawal.
Higit sa lahat... mapang-api. At hello, based on my own experiences yan sa nakalipas na linggo.
"At tungkol sa pagtatanggal ko ng mga empleyado ko, I believe you have nothing to do with it." Napangiwi ako. Narinig nya pala ang bulong ko kanina. "Get out."
Nang marinig yon ay halos patakbo akong lumabas. Buti nalang na may binigay sya saaking isang silid, bale pinaka office ko at tapat lang iyon ng opisina nya.
Kaso, papaupo palang ako, tumunog ulit ang intercom. Lakad takbo akong bumalik sa harap nya.
"Give me a coffee." Utos nya na nakaharap sa bundok ng papeles sa mesa nya.
"Yes sir."
Nakasibangot akong nagtimpla ng kape. Natuto na ako. Kapag inutos, sunod kaagad.
"Mapait gaya mo, bitter. Walang asukal, tulad mong walang sweetness kahit tungkol saan." Bulong ko habang nagtitimpla. "Mainit na kape, kasing init ng ulo mo araw-araw at kabaligtaran naman ng cold mong personality."
Tiningnan ko ang wristwatch ko. 3:46 pm, 4 ang uwi ko. Mabuti naman at makakapahinga na ako sa bato na yon. Ang sarap pa naman tingnan ng mukha pero hindi naman pala masarap kasama.
Pinilit kong ngumiti nang ilapag ko ang kape sa harap nya. Inisin lang ba.
Kaso, hindi ako pinansin. Yung iba tinatanggal kapag ngumiti tapos ako hindi? Hindi naman sa ayaw kong magtrabaho, gusto ko. Ayoko lang talaga na bilang secretary.
Lagi ko syang nginingitian para tanggalin nya na ako as secretary tapos mag-apply ako bilang janitress. Ang kaaya-aya lang sa lalaking to ay amg pagmumuka nya, wala nang iba.
Ang kaso, gustong-gusto nga talaga ako nitong pahirapan. Ang ginaganti nya kasi saakin ay utusan ako nang utusan.
"By the way," patalikod ako nang magsalita sya ulit. "Fix my schedule for tomorrow."
"Yes sir."
"Ayokong mali na naman ang schedule na ibibigay mo."
"Opo."
"Contact Mr. Fawatie, sabihin mo kung kailan sya available."
"Okay."
"Call Mr. Rosales too, itanong mo kung ayos na ang ipinapagawa ko sakanya."
"Yes, sir."
"Don't forget to edit the emails again. Ulitin mo ang ginawa mo, mali-mali."
"Okay, sir."
"Resend the emails again. Mali ang mga pinag-send-an mo. How stupid you are? Nakaindicate na nga roon e, hindi mo pa alam?"
"Opo."
Kaya nga sabi ko maghanap ka ng ibang secretary.
"Puro ka yes sir at opo sir, tapos mamaya, mali-mali na naman!" Sigaw nya ulit. Anong gusto nyang isagot ko? No, sir?
Hindi nalang ako umimik dahil tinambakan nya na naman ako ng gawain.
"Arrange a meeting with Mrs. Manabat next week."
"Call attorney Johnson, sabihin mo may ipapagawa ako sakanya this weekend."
"Papuntahin mo bukas ng 10 am dito ang manager ng finance department."
Matagal syang walang imik kaya naman doon palang ako sumagot.
"Yun po ba LAHAT?" Pinagkadiinan ko pa ang huling word para marealize nya naman ang pinagagawa nya.
"Oo, iyon lang. Get out."
"Muka mo, get out." Bulong ko.
Nagngingitngit ako habang papalabas. Iyon lang? Lang?
Pero hindi ko na gaanong dinamdam yon, sinimulan ko nalang lahat ng mga inuutos nya saakin.
Gaya ng mga nakaraan, 10 pm na naman akong nakauwi. Good thing dahil malapit lapit lang ang pinagtatrabahuhan ko dito sa tinutuluyan ko. Isang sakayan lang. Pero kahit na, ubos pa rin energy ko. Imagine, from 7 am to 10 pm?
Bat pa nga ba ako umaasang uuwi ako sa tamang oras?
Kung hindi lang ako nagagandahan sa green eyes nya ay baka nung nakaraan ko pa sya sinumbong sa DOLE.
Tangina naman kasi, inaalipin na ako at lahat, ang harot ko pa rin.
Sa sobrang drain ng utak ko at panghihina na ay kaagad akong nakatulog. Akala ko hindi na ako magigising kinabukasan e pero hindi ganon.
Mukang masaya na naman ang araw ng boss ko nito dahil umagang umaga, eksaktong 7 am ay nakita nya na naman akong naghihintay sa labas ng building, nakatayo habang suot ang uniform ko, mataas na heels, longsleeves na black na ipinatong sa white t-shirt at yung slacks ko.
Oo, masaya na naman sya deep inside, alam ko. Lalo na at nakikita nya akong nakangiwi na. Yon naman kasiyahan nya e, ang paghihirap ng iba. Napairap ako sa hangin. Totoo nga ang sabi nya noong regret-regret. Pinagsisisihan ko talagang dito ako sa company nya napadpad. Minsa nga iniisip ko nalang ang magagandang bagay para i-motivate ang sarili kong pumasok dito.
Kung hindi ako na-hire, baka hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho. Malamang mararanasan ko ang mahabang pila sa pinag-aapply-an ko pero kapag ako na ang iiinterview, cut off na. Yon nalang pakunswelo ko sa sarili ko. Atleast ngayon naka-one week nako. Okay rin ang sweldo para sa tulad kong hindi naman college graduate na madalas hanapin sa resume.
Yun ang hirap saaming mahihirap na hindi nakapagtapos at naghahanap ng trabaho. Kahit anong trabaho, ultimo pagiging janitress, naaalala ko hinihingian ako non ng college diploma. Isasabit ba namin sa mga leeg namin ang diploma habang naglilinis kami ng CR? I-aannounce ba yon sa buong kumpanya na: ANG JANITRESS DITO AY COLLEGE GRADUATE tapos ay tataas na ang sales nila?
Hindi naman nag-aaral para lang sa papel na yon. Oo, importante yon kaso mas importante ang may natutunan. Sabi nga sa nabasa ko: DON'T COMPARE EDUCATION TO LEARNING. Tama. Dahil may mga tao ngang kayang makagraduate ng may PhD pa pero nananatili pa rin namang tanga.
Hindi dapat resume ang batayan sa pagkuha ng employee. Ang nakakainis pa, hindi naman pwedeng ilagay sa resume gaano tayo kasipag, katyaga at paano tayo nagpapakahirap para lang magtrabaho, nasa atin na yon kung maipapasok natin sa interview.
Tama na nga, nabibitter na rin ako.
Magkasabay na naman kami paakyat sa opisina nya at may tinaggal na naman syang dalawang empleyado dahil nakita nyang nakangiti.
Normal pa ba tong tao na to? Ano ba talagang problema nya?
Sinasabi ko sakanya ang schedule nya ngayong araw. As usual, ang dami nyang comment.
"7:30 po, meeting with Mr. Leonardo. Kakausapin nya raw po kayo dahil balak nyang mag-invest—"
"Cancel that one."
"S-sir?" Naguguluhang tanong ko pero nang tingnan nya ako nang masama ay natahimik ako saka nagpatuloy. "8 am, breakfast meeting with Mrs. Esquivel, handa na raw po syang makipag-usap at makipag-ayos about sa mga reklamo nya sa products na dumating sa kanila last week. Tsaka yung mga gusto nya ring hilinging kapalit—"
"Cancel that one too. It's too obvious that she wants something big. Damn, I'll make her pay." Napamaang ako. Iba rin, alam na ang mga takbo ng utak? Advance mag-isip?
Alam nya na ba talaga ang takbo o kalakaran sa negosyo or sadyang judgemental lang sya?
Napatingin ulit ako sa cellphone ko kung saan ako nag-note ng lahat ng tungkol dito sa trabaho ko.
"M-May meeting din po kayo with Mr. Rosendo ngayong 10 am para sa kumakalat na issue—"
"Balak mo bang sirain ang araw ko, Ms. Secretary?"
At kailan naman nabuo ang araw ng isang 'to?
"Si Mr. Rosendo po kasi ay balak magback out sa—"
Naglalakad pa rin kami at hindi sya tumitingin saakin pero alam ko na base sa tono nya na naiirita sya kanina pa. "If he wants to pull out his investment, then let him be."
Sumakay kami sa elevator. Kakasarado palang at pinindot ko na iyon papuntang 7th floor. Walang ibang sakay dahil nang mahsimula akong magtrabaho ay saka ko lang na-gets na walang sinumang employee ang pwedeng sumakay dito maliban sa secretary nya at sya. Yun pala ang dahilan bat pinaaalis nya ko non.
Bahagyang kakaandar palang niyon nang bigla nalang iyong tumigil.
"Damn." Mura nya saka tumingin sa orasang nakakabit sa pulsuhan nya at ako naman ay nagpanic.
"Hoy! Tulong! Ayokong makulong dito, palabasin nyo ko ngayon na!" Pinagsisipa ko ang pinto. I hate being stuck in a small room for a very long time. Okay lang saakin na mga hanggang dalawang minuto lalo kung may kasama ako. Pero itong nag-stop bigla at mukang nasira ang elevator, nagbutil butil ang pawis ko. "Waahhh! Tulong!" Sigaw ako nang sigaw.
"Can you just shut up?" Ang kasama ko naman ay nagtatangis ang bagang, nakikita ko rin na gumagalaw na ang panga nya sa inis. "I will fire them all!" Pagkausap nya pa sa sarili nya. Sinasabi ko na nga ba, pagtatangal pa rin ng trabahador ang nasa isip ng isang to.
Pero hindi ko na sya pinansin pa. Naramdaman kong unti unti akong nawawalan ng hangin. Halos dalawang minuto na kami rito at isipin palang na baka magtagal pa kami ay lalong hindi na ako makahinga.
"Stop it." Mariing saway nya kasi kinakalabog ko yung pinto.
Naiiyak na ako, parang nawala ako sa sarili bigla.
"Anong stop! Anong stop ka dyan! Manahimik ka dahil paano kapag hindi ako nakalabas dito agad? Oh no hindi ko kaya! Hindi! Paalisin nyo ako! Ano ba!" Naghisterikal ako. Humagulgol, nagwala, nagsisigaw. "Ahh! Na-stuck ako sa elevator kasama ang evil boss ko! Huhuhu." Wala sa sariling sabi ko. "Magliliyab kami rito malamang dahil bukod sa hot sya ay evil nga sya! Ayoko pang matusta! Tulong!"
Nagulat nalang ako nang hilahin ako ni Mr. CEO sa braso at pilit iniharap sakanya. Sobrang lapit nya at napasandal naman ako sa pinaka pinto ng elevator. Hinampas nya ang magkabila nyang kamay sa pagitan ko gaya ng ginawa nya noong una.
"I said, shut the fuck up—" nataranta ako dahil sobrang lapit talaga, kitang kita ko ang sobrang berdeng kulay ng mata nya at lahat ng physical features nya na talaga namang nakakapaglaway at nakakalaglag panty.
Wala, sige, papatawarin kita sa lahat ng ginawa mo sakin, nakakarupok ka.
Pabigla nyang pinadapo ang isang kamay sa ulo nya, akala ko ay sasapukin nya na ako kaya naman sa sobrang gulat ay medyo napaiwas ako at hindi ko namalayan na natuhod ko ang harapan nya.
Namalipit na sya bigla dahil sa sakit. Nakapoker face pa rin ang mukha nya pero nakapikit sya nang mariin, halatang nasasaktan. Nakanganga ako habang nagmumura sya sa iba't-ibang lenggwahe. Takot na takot ako sa nagawa ko. Yun ngang nakangiti ay tinaggal nya sa trabaho, ako pa kayang natuhod ang 'kinabukasan' nya?
"M****a! Shit, fuck, damn! Ugh, yawa!"
Y-Yawa? Sya?
Hindi sa takot akong mawalan ng trabaho, mas takot ako sa pwede nyang gawin.
Hahawakan ko sana sya para alalayang tumayo, medyo malapit na nga ako nang mag isa syang tumayo, huminga nang malalim at sobrang sama nang tingin saakin nung magsalita.
"Sorry Mr. CEO, hindi ko—"
Nangapos ang hininga ko nang magsalita sya.
"Putangina. Kapag ako, nahirapang magkaanak, ikaw gagamitin ko at hindi kita titigilan hanggat hindi ka nabubuntis." Aniya kasabay ng pagandar ulit ng elevator.
"HI, GOODMORNIG! NANDYAN BA SI ADAM SA LOOB?" Napaangat ako nang tingin nang marinig ang baritonong tinig na iyon. Ang nakita ko ay isang napakagwapong lalaki na kulay karagatan naman ang mga mata. Parnag kasing edad lang sya ni Mr. CEO pero yung aura nila ay magkasalungat. Kung ang aura ni CEO Adam ay matapang, nakakatakot, malamig at tipong isang tingin palang ay papatay na, ang aura naman ng lalaki na kaharap ko ngayon ay friendly, palaging nakangiti at napakabait. Omg, napapalibutan ako ng mga gwapo! Pag tumingin ka, akin ka— ugh! Akin kana! Take note, ang gwapong ito ay hindi mukang sup
PARANG ANG WEIRD TALAGA TODAY.Matapos ang ginagawa ko, eksaktong 3:30 pm ay inayos ko na ang mga gamit ko. First time yatang gantong oras ng uwi to kaya naman sobrang nakakaexcite ano!Papalabas na ako nang bumukas ang pintuan sa office ni Boss. Nagulat pa ako nang saktong magtama ang mata namin pero parang wala lang sakanya. Napatingin sya saakin nang walang emosyon."Boss, uwi na po ako. Babush!" Tumango sya at nauna na akong maglakad pero dahil mahahaba ang biyas nya at mabilis humakbang ay mas nauna sya.Aba, mukang uuwi na rin sya ah? Kaya naman pala maaga akong pinauwi, maaga
"WHERE ARE YOU?" Si Boss!Sa sobrang taranta ko pagkagising ay dali-dali akong naligo at nagbihis. Nakasakay na ako sa taxi at papunta na sa building nang maalala kong tanggal na nga pala ako sa trabaho. Well, hindi naman talaga ako tinaggal pero ganon na rin.Ginising ako kanina ng tunog ng cellphone ko. May 10 missed calls ako at may isang text galing kay Mr. CEO, tinatanong kung nasaan na ako samantalang 5 am palang. Ang masakit, ang missed call nya ay since 4 am pa. Paninindigan nya talagang papasukin ako ng alas cuatro!? Aba— gago talaga sya!Isang gwagago. Gwapong
"SAMAHAN MOKO." Sabi ko sakanya nang makita ko syang prenteng nakaupo sa mesa ng office ko talaga bilang secretary. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero gumagamit sya ng computer na nakapatong sa mesa.Kasabay ng pagpapalit namin ng posisyon ngayong araw e nagpalit din syempre kami ng office.Well, nga pala, talagang hindi ko napaalis tong gwapong green eyes na to sa kumpanya kanina. Kahit sinabi ko nang fired na sya ay nanatili pa rin talaga sya dito. Makulit. Pero okay na rin to dahil may makakasama ako sa pupuntahan ko ngayon.Mukhang tamad na tamad syang nag-angat saakin ng tingin. Para bang sinasabi na... "Kanina tinanggal-tangg
HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA. PAANO MAG MOVE ON!?Hindi ko na namalayan. Nawala ata ako sandali sa sarili ko dahil bigla nalang nang matauhan ako ay nandito na ako sa napakagarbong mansyon na to na tinutuluyan ni Bernard.Nag-aano ba ako dito? Bakit ako nandito?Pinakiusapan nya ako na samahan sya. Nilinaw nyang wala syang ibang kasama kundi ang mga katulong.Dapat di ba matakot ako dahil lang sa ipinagtapat nya saakin na pamilya nya ang may pakana ng nangyari kina boss at girlfriend nya noon? Pero wala e, ni hindi ko sya magawang pagdudahan. Hindi naman sa pagigi
UWIAN.Nagulat ako nang saktong paglabas ko sa building ng kumpanya ay may humintong napakagarang puting kotse sa harap ko. Bumukas ang pinto at lumabas si Bernard. Sobrang aliwalas na ng itsura nya ulit, di gaya kaninang madaling araw.Akala mo ibang tao na sya at hindi ang nakausap ko kanina about sa problema nya. Kung engot lang ako, baka isipin kong ibang tao talaga sya ngayon.Binuksan nya ang kabilang pinto ng kotse nya at pinasakay ako. "Come here, hatid na kita." Sino ba naman ako para tumanggi, duh, sasakay ako sa magarang kotse, gora na.
Tahimik na ako buong byahe matapos nang nangyari kanina. Matapos nyang magsalita sy pumikit uli sya kanina kaya naman siguro ay naalimupungatan lang sya non. Nung una ay magtutulog-tulugan lang sana ako pero nagising ako paglipas ng ilang oras at saktong papasok na kami sa may nakalagay na "WELCOME TO HERMOSA BATAAN."Umayos ako nang upo at tiningnan ang katabi ko. Tulog. Hindi pa ba sya nagigising mula kaninang umaga?Inalala ko ang sinabi ng nurse sa hospital. Binantayan raw ako ng asawa ko magdamag at hindi man lang ito nagpahinga kaya siguro puyat sya. But that doesn't make sense at all. Kasi sabi ni Boss, nang dalhin nya a
ARGH! ANG SAKIT NG ULO KO! Medyo nagulat ako nang pagtingin ay maaga pa, akala ko naman e tatanghaliin ako dahil naglasing ako kagabi. Oh yes, sabagay natulog pala agad ako matapos ng pag-uusap namin kagabi ni Boss tungkol sa acting skills ko— este sa ginawa naming 'drama' kagabi. 6 am palang pero alam kong gising na si Boss kaya naman naligo kaagad ako saka nagbihis bago lumabas. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko syang nakaupo sa harap ng isang pool na 7ft sa harap lang ng cottage ko. Nakasuot sya ng simpleng polo na kulay black at short na white. Medyo malayo sya sa kinatatayuan ko pero pansin kong nakasinelas sya. Ayos to ah, ngayon ko lang sya nakitang nakagantong ayos. Pero ano nga bang gagawin nya? Ang aga-aga, maliligo ba agad sya sa poo
Her Deadly Love"ATE TRINA, I WON'T TELL IT TO MOM." Napahinto ako nang makitang lumabas mula sa pader ang nakababata kong kapatid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita nang makita ang ngisi nya. Alam ko na naman to. "What do you need, Arden?" Hindi ako nagpahalatang kinabahan, malamang sa malamang ay nalaman n'ya na ngayon na pineke ko ang sakit ko para makaligtas sa pinaka-hate kong subject, ang Practical research.Actually, naiinis ako sa lahat ng subject dahil karamihan sa itinuturo ay alam ko na lahat. Lalo na kapag science. Hate ko lang talaga ang practical research dahil madalas ko nang gawin ang pagreresearch mula noon, hanggang dito ba naman? Isa pa, hindi ko trip ang magsalita sa harap ng mga tao, gusto pa naman nila ay magde-defense kaming lahat. Mommy and dad knew that I am advance but dad still enrolled me in a regular school at hindi sa para sa mga tulad kong gifted. Gusto ko naman iyon dahil dito ko nakilala si Ivan. Sa school, minamali ko madalas ang mga sagot ko sa
"BABY, LET'S DATE, HUH?" Inirapan ko si Adam na kung makapaglambing e parang hindi namin kasama si Trina sa kotse. "Dad! Sasama ako." Tila pinal na desisyon nito. Umiling-iling si Adam at tumingin na tila nagpapasaklolo saakin.Grabe talaga, it's been months nang maging mag-asawa kami at halos matawa pa rin ako palagi sa pagpapa-cute n'ya. Pero ang totoo, cute namang talaga."No, we can't date outside. Merong dinner sa bahay.""Darating sila mama?" Kaagad niyang tanong kasi sa pagkakaalam n'ya ay nagpunta sila mama sa Japan last month para magbakasyon at para na rin samahan si Jester doon dahil ipinadala s'ya ng kumpanya nila roon dahil meron syang kailangang asikasuhin."Yes." Also, I have a surprise for him kaya hindi talaga kami pwedeng
"BALITA KO BABALIK NA RAW SI MR. CEO." "Hindi ko la nakikita yon dahil si Sir Bernard ang naabutan ko." "Ako rin tapos naghanap ako ng pictures non kahit sa business magazines man or internet kasi sabi ng mga matagal nang empleyado e gwapo raw. Ang nakakapagtaka, wala akong makitang kahit isa." "Sinasabi ko sainyo, isang naaaaa-pakalaking bangungot non si Mr. CEO." "True! Alam na alam namin, danas na danas. Sobrang gwapo pa naman at daig pa ang artista, pero 'wag ka, walang gustong kausapin, walang kasundo at higit sa lahat, tinatanggal ang empleyado makita lang ngumiti!" "Naku ha, ang OA na ng kwento n'yo! Natatakot na tuloy ako wala pa man. Tsaka paano yon bawas sa inspiration kapag nawala si Sir Bernard." "Seryoso kami!" Busy at patuloy nag-uusap ang mga empleyado n
I AM BUSY TYPING ON THE LAPTOP in front of me when I suddenly remember what happened. I just kissed her. Pinipilit kong libangin ang sarili ko sa mga trabahong nakatambak sa harap ko ngayon. Binasa ko ang folders na nakapatong sa mesa pero walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang ginawa ko kanina at ang reaksyon n'ya. I wanted to kiss her since the day I found her after 2 years of searching. But I didn't imagine that I'll really do that. Siguro ay nagtataka na s'ya ngayon sa mga sinasabi at ginagawa ko lalo na ang halik na ginawa ko kanina. Pero hindi naman siguro ako nananaginip lang at sigurado akong tumugon s'ya sa halik ko na siyang ikinagulat ko kaya naman napalayo ako nang bahagya sakanya kanina. Tiningnan ko ang office n'ya na nasa harap ko lang din. Mukhang nakalimutan
After 5 months... "SIR, PORMANG-PORMA KAYO AH?" Nginitian ko si Mang Ben. "Ngayon nga ho pala iyong balik nila, ano?" "Yeah." Hindi n'ya na ulit ako muli pang kinausap, ngumiti palang s'ya na parang nahahawa sa kung gaano ako mukang kasaya ngayong araw. "Dad!" Irit ni Trina at paglingon ko ay nakaayos din s'ya. "Where do you think you're going without me?" Umirap s'ya sa hangin. "If not because of tito Bernard, I wouldn't know you're going somewhere." Napapikit ako. Si Bernard talaga. Kaya nga tinawagan ko s'ya at pinapunta sa bahay ay dahil na rin para libangin su Trina dahil may lakad ako. Bandang huli, si
SHIVERING, I STILL TRIED TO GET UP.Masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong bumangon dahil may pasok pa ako ngayon. She's new to business that's why many greed people are trying to turn her down.Napansin ko ang maliit na kamay na nakayakap saakin. Nilingon ko si Trina. She's sleeping peacefully like an angel in the morning. Well, she's really my angel. Sa mga taon na dilim ang nararamdaman ko ay nandyan s'ya. Aaminin ko na medyo masungit s'ya pero mabait, hindi ko rin alam pero ang pagsusungit siguro ay natutunan n'ya kay Bernard. That man, kung anu-ano ang tinuturo sa anak ko.Tinanggal ko ang kamay nya para makatayo na ako pero humigpit ang yakap n'ya saka nagmulat ng mata. Nagtama ang berde naming mga mata, kaagad kaming ngumiti sa isa't-isa."Goodmorning, beautiful!""Morn
NAGISING AKO SA TUNOG NG DOORBELL. Tunog din nang tunog ang cellphone ko pero imbes na pansinin iyon ay umupo ako nang maayos sa sofa kung san ako nakatulog nang nakaupo. Paulit-ulit sinaksak ang puso ko sa lahat ng mga narinig ko. Pero kahit masakit, hindi pwedeng hanggang doon lang iyon. Kailangan kong alamim ang lahat. Ang kaso, hindi ko kayang mag-isa. Mamamatay ako sa sakit. Masyadong mabigat. Tumayo ako at parang zombie na kinuha ang phone ko sa tabi ko lang, napakaraming texts at missed calls. Galing kay Kuya Sandro, kay Luck, kay Dad— hindi, hindi ko s'ya ama. Sa lahat ng narinig ako, hindi ko pinakamatatanggap ay ang maging ama s'ya. Narinig kong kinuha n'ya ako sa tunay kong pamilya, hindi ko sya ama kung ganon, hindi ba? Tinungangaan ko lang iyon. Wala pa ring tigil ang tunog
"WALA NA PO BANG NAKALIMUTAN?" Tanong ko sa driver habang chinecheck ang mga dala kong bag."Naisakay ko naman ho ang mga nakabag, ma'am."This is it! Wednesday na ng hapon at outing namin bukas kaya naman pupunta na ako sa venue para maicheck kung handa na nga ba ang lahat doon. Magpapahatid ako tutal medyo malapit lang rin naman ang beach na pagdarausan. Tho babyahe pa ng 2 hours papunta roon.Nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang text galing kay Luck. Kanina pa to nagtatanong kung hindi ba ako sasabay sakanya, sinabi ko na ngang doon nalang kami magkita. Ngayon din sya pupunta roon gaya ng ibang mga empleyado. Ang iba naman ay nagsabing bukas na ng umaga pupunta.Parang team building ang mangyayari bukas kaya naman magkakaroon k
"THESE ARE THE COLLECTIONS I AM TALKING ABOUT."It's only 8 in the morning. Naiwan ko ang isang mahalagang papel na kailangang-kailangan namin for today kaya naman binalikan ko nalang ito dahil dito ko iyon iniwan sa study room at ayokong may ibang pumupunta rito. Nagprisinta si Luck na sumama saakin papunta.Nakangiti kong tiningnan ang collections ko ng paintings dito sa loob ng study room ko. Sa kanya ko palang pinakita ang lahat ng ito. Dad saw some of them and even kuya Sandro. Nakita na rin ni Dr. Philly ang iba rito pero yung lahat-lahat na to ay si Luck palang ang nakakakita. Pagbalik ko palang ay i-din-isplay ko na ang mga ito dito nang mag-isa."Magaling ka rin palang mag-painting?" Si Luck, nilibot nya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto na punung-puno ng mga