Share

CHAPTER 4: Drunk

last update Last Updated: 2021-07-28 10:38:32

PARANG ANG WEIRD TALAGA TODAY.

Matapos ang ginagawa ko, eksaktong 3:30 pm ay inayos ko na ang mga gamit ko. First time yatang gantong oras ng uwi to kaya naman sobrang nakakaexcite ano!

Papalabas na ako nang bumukas ang pintuan sa office ni Boss. Nagulat pa ako nang saktong magtama ang mata namin pero parang wala lang sakanya. Napatingin sya saakin nang walang emosyon.

"Boss, uwi na po ako. Babush!" Tumango sya at nauna na akong maglakad pero dahil mahahaba ang biyas nya at mabilis humakbang ay mas nauna sya.

Aba, mukang uuwi na rin sya ah? Kaya naman pala maaga akong pinauwi, maaga ring uuwi. Magkikita kaya sila ng... ex bestfriend nyang si Bernard?

Teka, ano bang pake ko!?

"Sasakay ka ba o tatalon kana lang para maka-baba?" Aniya nang makitang nakatingin lang ako habang nasa loob na sya ng elevator.

Teka, teka, anong meron? Bakit parang ang pagiging 666 nya e, 66 nalang ngayon? Ang weird ngayon ni Boss. Talagang hinawakan ang pintuan ng elevator para hindi agad sumara.

Pumasok na ako agad. Baka lalong magalit pa. Iritang irita na nga itsura e. So dahil napatunayan kong wala naman silang relasyon ni Bernard e napaisip nga ako. Tama, wala namna talaga yatang nakakatagal sakanya. Attitude e.

"Pumasok ka bukas, 4 am." Nanlaki ang mata ko nang sabihin nya iyon kasabay ng pagpindot nya sa button ng elevator.

"4 am!? Ako ba magbubukas ng building, boss?" Sagot ko. Baka hindi nyo naitatanong, palagi kong sinisimplehan ng pagsopla to. Ito nalang ang pinaka magiging reward ko sa pagtitiis sa ugali nya.

"Oo." Nangunot nang sobra ang noo ko.

"Anong kalokoha—"

"Baka akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo? Sa nakalipas na dalawang linggo na naging secretary kita, lahat ng tinatanggal ko sa trabaho ay palihim mong ibinabalik." Ngumiwi ako, buking na pala ako ni Boss.

Totoo ang sinabi nya. Lahat ng tinanggal nya sa trabaho dahil lang sa hindi pag-bow kapag binati sya o yung mga nakangiti e binabalik ko sa trabaho. Kinakausap ko sila at inaayos ulit ang lahat, karamihan ay nililipat ko lang sa ibang department na hindi magkukrus ang landas nila ni Boss.

"Alam nyo na po pala, hehe." Nakapeace ako habang tumatawa nang mahina. "Yun lang naman pong tinanggal nyo dahil sa hindi makatarungang dahilan ang—"

"And who do you think you are to decide?" Malamig lalo ang boses nya. Bakit ba ang tagal bumukas ng elevator?

Nang sa wakas ay tumunog na ang elevator at nakarating kami sa ground floor ay nagtatakbo ako palabas para takasan sya.

"Jazlyn Bautista!" Dumagundong ang boses ni Boss. Nakita ko kung paanong nagsialisan ang ibang mga empleyado na kakakita ko lang naglalakad s paligid.

Napahinto ako at pumikit bago pumihit paharap. "Sorry na boss!"

"You really like pissing me off huh?" Naglakad na naman sya papalapit saakin. Maaga nga akong pinauwi, minalas naman. Kelan ba ako dadapuan ng swerte rito sa mundo? "Anong gusto mo? Pahirapan pa kita para sumunod ka sa mga gusto ko?"

E ano pa ba yung mga ginagawa mo?

Napairap ako sa hangin. Sa pagkakataong to ay napuno na ako. Pahirapan? E ano pa pala lahat ng pinagdaanan ko sa kamay nya? Ano yong mga sobrang oras na pagtatrabaho ko, mga sugat na napala ko sa pagbabasag nya ng tasa at kung anu-ano pa?

Anong tawag nya sa pagtatambak nya saakin ng trabaho sa araw-araw at inutusan nya akong magsuot ng 3 inch high heels kahit yung iba namang empleyado ay pwedeng naka flat shoes?

Kalokohan! Wala, kalokohan nalang lahat ng to!

Wala na akong pakelam kung tanggalin nya ako. E ano? Hahanap ako ng trabaho na kahit mahirap e maka-tao naman ang amo. Yung hindi kasing bossy at istrikto nya. Yung trabaho na pwede akong ngumiti at hindi mag-high heels! Ano ngayon kung malaki ang sahod ko dito?

"Haha," peke akong tumawa. "Ang funny mo naman. Bakit hindi ka pa kunin ni satanas para may clown sya sa impyerno?" Kita ko ang bahagya nyang pagkagulat. "Wala kang kwenta! Bukod sa napakagwapo mong muka, wala kanang ibang maipagmamalaki saakin. Akala mo kagalang-galang at kahanga-hanga kana porket kaya mong alisan ng trabaho kahit sino dito o kaya ay pahirapan ako? Huh! Muka mo!"

Sumabog na ako. Bahala na, kahit pa ipa-assassinate nya ako pagtapos neto, wala akong pake.

"Una sa lahat, hindi ko naman matandaan anong kasalanan ko sayo no! Adik ka ba o may sapak ka talaga? Hindi na ako magtataka kung bakit single ka dahil walang makakatagal sa'yo." Nagdilim ang mukha nya pero hindi ko pinansin. Mas galit ako at ako ang unang nagalit wag syang gaya-gaya!

"Okay lang kung cold ka at hindi ka ngumingiti, naiintindihan kong sadyang may mga ganong tao. Ayos lang kahit marami kang utos dahil I believe, trabaho ko naman talaga na sundin ang utos mo. Pero hindi ka sa bato. Higit ka sa yelo. Alam mo kung ano ka? Wala kang puso!" Humihingal ako nang maisigaw ko yon sakanya. "At wala na rin akong pake kahit tanggalin moko. Now na. I'm so done with you. Pakyu!"

Ngayon ko sinalubong ang green nyang mata na kasing kulay ng mga dahon at damo. Kaso, napaatras ako. Naubos ata ang tapang ko sa kakasigaw dahil takot na naman ang naramdaman ko. His eyes are fixed on me. He became hotter in his emotionless face.

Wtf, sinabi ko bang hot sya? No!!!

Ang kaso, yon na yon. Nakakatakot sya kapag galit pero ewan ko ba, mas kinakabahan talaga ako kapag ganito ang itsura nya. Parang mas may dahilan akong kabahan kapag wala syang emosyon lalo at hindi ko alam ang nasa isip nya.

"Are you done?" Seryoso pa rin ang muka nya.

"O-Oo..."

"Ok." Anito at naglakad na papaalis na parang walang nangyari.

Huminga ako nang malalim at muntik pang bumigay ang tuhod ko, buti at napahawak ako sa mesa sa tabi ko.

Nagsilabasan na rin ang mga empleyado. Yung iba pala ay mga nasa ilalim lang ng mesa nila o nakatago sa pader.

Lumindol lang?

"Nako, Ms. Jaz. Bilib na talaga ako sa'yo. Iba ang tapang mo." Agad na sabi saakin ng isa sa mga empleyado, isa sa mga tinanggal noon ni CEO Adam at ibinalik ko.

Maraming nagtatrabaho dito ang nakilala na ako sa maikling panahon na pagtatrabaho ko. Syempre, ako ba naman maging secretary ng CEO nilang bato, instant famous talaga ako!

"Bakit naman?" E hanggang ngayon nga ang lakas pa rin ng kalabog ng puso ko sa kaba.

"Bukod kasi sa ikaw ang una nyang secretary na babae, ikaw lang ang secretary nya na nakatagal sakanya ng 2 weeks ay nasagot mo pa sya ng ganon. Iba ka." Tila proud pa sya saakin at ganon din sya saakin at nagngitian naman ang iba, yung iba e halata sa mukha ang awa.

Awa dahil... "Kaso wala na akong trabaho." Pero napaisip ako ulit. Mabuti na to, malaya na ako! "By the way, it's better. Maghahanap ako ng iba!" Mariing sabi ko.

Pero teka, ano raw? Aware akong ako lang ang naging secretary nyang babae, sabi saakin ni Bernard. Pero, ako lang ang nakatagal sakanya ng 2 weeks?

Talent talaga!

///

11 pm, andito na ako sa tinutuluyan ko.  Maliit na apartment lang ito, pag-aari to ng tita ko pero dahil paupahan nga ito, business is business. Nagbabayad pa rin ako. Sabi nya nga lang, kapag wala akong pambayad, hayaan ko na muna.

Kanina pa ako nakatulala. Nagbabasa ako actually ng isang romance pocketbook pero hindi ko naman naiintindihan dahil lumilipad ang utak ko.

Napaisip ulit ako. Makuluha ko kaya yung 2 weeks na itinrabaho ko ron sa kumpanya ng lintik na lalaking berde ang mga mata na yon? Hmm, hindi kasi ako nakapag-isip agad e, sana siguro kinuha ko muna sahod ko in advance bago ko sagut-sagutin.

Kaso, gago e. Hindi na ako nakatiis. Ayoko talaga sa lahat e yung nang-aagrabyado nang wala sa katwiran. Kung may kasalanan ako, maiintindihan ko pa. Pero wala. Haler? Isa ba syang lamok na pinatay ko dati dahil kinagat ako? Ngayong na-reincarnate na sya ay binabalak nyang maghiganti saakin? O sadyang ganito lang ang trip ng mayayaman?

Tsk, wala sa lugar ampucha.

Bukas na bukas, hahanap ako ng trabaho at sisiguraduhin kong hindi tulad nya ang magiging amo ko.

Ipagpaatuloy ko na ang pagbabasa nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko sana sasagutin kasi unknown pero naisip kong baka emergency kaya naman pinindot ko iyon at agad nagtanong.

"Hello? This is Jaz, who's this?"

Ang tanging naririnig ko ay sobrang lakas na tugtog. Ang sakit sa tenga kaya inilayo ko nang kaunti. Sino ba to?

Pilit kong inintindi ang nagsasalita sa kabilang linya. "Hello!?" Ulit ko.

"Ms. Jazlyn Bautista? Kayo po ba ang secretary ni Mr. Adam Lacuezo?"

Agad gumana ang lahat ng sense ko sa tana at kinabahan.

"B-Bakit?" Nangungunot pa ang noo ko. "Nasa hospital kayo? Isa ka bang nurse? Sabihin mo, naaksidente ba sya? Sugatan? Bali ang katawan? Malala ang lagay? O baka naman... p-patay na sya? Sabin mo—"

"I'm from strive bar. Andito po si Mr. Lacuezo at hindi na kaya pang magdrive

Cellphone number nyo lang po ang tanging nakaphone book sakanya. Lahat po ay naka-blocked kaya nagdesisyon akong kayo ang tawagan."

Nawala ang pag-aalala ko. Bumalik ang tono ko sa pagiging maldita. "Oh, anong gagawin ko dyan?"

Kaya naman pala unknown number, hindi ko sinave number nya sakin no. Hmp.

"Sunduin nyo na po sya rito, ma'am."

Nagpantig ang tenga ko.

No way!

No damn way!!!

///

Agad kong natanaw si Boss— si Mr. CEO na nakatungo sa isang mesa na itinuro saakin ng lalaking syang tumawag saakin kanina sa cellphone ko.

Hindi sya mukhang waiter, sya yata ang manager dito, feel ko lang. Iba kasi ang dating nya eh.

Alas dose na ng hating gabi at gising na gising lalo ang mga tao dito sa loob ng bar. Kaya pala ang ingay kanina sa kabilang linya, sayawan ang mga tao sa musika dito.

Isang simpleng red dress na medyo hapit sa katawan ang suot ko. Sa totoo lang, ito lang ang nag-iisang dress na dala ko. Hindi naman kasi ako mahilig dito. Hindi ko rin alam anong dapat get up sa bar so napili kong ito ang isuot.

Nakaheels din ako, pamatay nga e, parang semi-boots na color black. Bagay na bagay sa dress na suot ko.

Nangasim ang mukha ko. Tutal hindi na ako sakanya nagtatrabaho, bukas na bukas din ay ibabalik ko sakanya ang mga high heels na ginagamit ko, kasama to. Nung pumayag kasi akong maging secretary nya ay agad nya akong pinapunta sa storage room ng 7th floor at pumili raw ako ng gusto kong high heels. Pumili, pumili. Pare-pareho naman na nakakakalyo dahil pare-pareho ng sukat ang takong. Punyemas.

Umupo agad ako sa harap ng kinauupuan nya. Ang lalaking tumawag saakin ay nanatiling nakatayo sa gilid ng mesa.

Ngumisi sya saakin at nagpeke ako ng ngiti. "May LQ kayo neto?" Turo nya kay Mr. CEO na para bang katropa nya lang.

"LQ? Utot mo. Ang sama sama ng ugali nyan. At never. As in never— akong magkakagusto dyan no."

Tumawa sya nang mahina, hindi ko naman itinago ang pagkapikon sa mukha ko. "Alam mo, nakakatawa kayo talaga." Sumimangot lang ako. Mukha syang timang. "Bagay kang isama sa mga kaibigan ko, laht sila dumaan sa ganyan. Nung una kuno, galit na galit, nakikipagpustahan pa. Pero sa huli naman e hindi rin napipigilan ang damdamin."

Ang weird din ng isang to. Close ba kami?

Umupo pa sya sa upuan malapit saakin. "Totoo siguro talaga yung 'the more you hate, the more you love' no? Tapos, kadalasan pa, dahil nakatutok tayo sa galit natin sa isang tao, hindi na natin namamalayan na may kakaiba na."

"Normal ka pa?" Walang ganang tanong ko.

"Hindi normal ang kagwapuhan ko pero normal naman ang pag-iisip." Yabang ng— "Ako nga pala si—"

"Heider! Tangina, kaya pala nawala bigla, nangchichix ka pre?" Biglang may sumulpot na panibagong lalaki. Gaya netong kausap ko, pansin ko rin ang brown na brown nyang mga mata nang lumapit sya. Messy ang hair nya pero bagay naman. Actually, silang dalawa, halos pareho rin ng hairstyle.

"Ay, tanga. Hindi ako nangchichix. Nakikipag heart-to-heart talk ako. Tong kaibigan mo kasi, ngayon lang ulit nagpakita tapos lasing pa." Si Mr. CEO? Kaibigan nung bagong dating? Tapos ay tumingin sila saakin. "By the way, Gerame, eto nga pala si Jazlyn, secretary neto." Aniya at inginuso si Mr. CEO. "Jaz, eto nga pala si Gerame, kapatid ko. At ako naman si Heider. Pwede mokong tawaging pogi at etong kapatid ko, pwedeng pwede mong tawaging germs, bacteria, o kahit anong maisipan mo." Anito at tumawa na para bang kinikiliti sa pwet.

"Hi, Jaz! Nice to meet you!" Ani nung Gerame at sinuntok ang kapatid nya sa braso pero tumawa lang ito. "Wait, alis muna ko, ah? Meron kasi akong inasikaso. Di tulad ng iba dyan, chismis lang ang ambag." Pagpaparinig nito sa kapatid saka na umalis.

Kami ulit ang naiwan tatlo, ako, si Mr. CEO at yung Heider nga. "Nasaan na nga kasi tayo?" Nagkibit balikat ako sakanya. "Basta wag kang sobrang magalit sa isang tao. There's only a thin line between hate and love." Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi n'ya. Nanatili akong nakikinig kahit ang totoo ay parang gusto ko nalang tumakbo paalis. "Hinay-hinay. Wag mong idahilan na kailan palang kayo nagkakilala. Wala kasing oras yan at panahon, biglaan nalang." Bakit parang ang daming alam ng isang to? "Sobrang galit mo, baka magising ka isang araw na galit ka pala dahil... hindi mo magawang aminin ang totoo mong nararamdaman. Wag masyadong magalit. Lalo dito kay Adam. Magulo pa ang lahat sakanya at hindi ko alam... kung handa na sya."

Handang ano?

Gusto kong magtanong sa unang pagkakataon sakanya pero nagpaalam agad na may aasikasuhin pa.

Sa totoo lang, wala akong na-gets gaano sa mga sinabi nya. Hindi ko talaga maintindihan. At bakit sinasabi nya saakin lahat yon? Totoo naman na naiinis ako kay Mr. CEO. Sino bang hindi? Ibig sabihin ba non ay halos lahat ng empleyado sa kumpanya nya ay inlove sakanya? The more you hate, the more you love daw e. Ang dami pa namang galit sa lalaki na to!

Tsaka pala, naloko ako non ah! May pa-Mr. Adam, Mr. Adam sya kanina sa phone tapos magkakakilala naman pala sila.

Nauhaw ako bigla. Dinampot ko ang mga nakakalat na beer sa mesa at umaasang merong may laman pa. Ang daming bote neto, kaya naman pala taob tong isa.

E ano naman kayang iniinom-inom neto? Broken hearted? Kanino? Alangan namang si Bernard. Ex bestfriend nga daw. Ano pang pinoproblemw ng tulad nya e nasa kanya na naman ang lahat. Perfect lahat liban sa ugali.

Hindi naman siguro yung mga sinabi ko kanina ang dahilan ng pag-iinom nya, ano? Hindi, imposible, mukhang wala nga syang pakelam kanina. Psh.

Nang may madampot akong isang bote na bukas pero mukang wala pang bawas ay dagli ko itong ininom na para bang nauuhaw. Kaso, nagdire-diretso yon sa lalamunan ko at pati sa ilong ko.

Ang ending, naibuga ko yon sa harapan ko. Tulog naman si Boss kaya—

Nanlaki ang mata ko. Kung kanina ay nakatungo sya sa mesa, ngayon ay nakatingin sya saakin habang pinupunasan ang mukha nya na mukhang nabugahan ko.

"N-Nako, hindi ko kasalanan yan ah? Umiinom ako dito—" tumigil yata ang ikot ng mundo pati ang paghinga ko nang dahan-dahan syang ngumiti saakin.

Kinusot ko ang mata ko nang ilang beses at pinagsasampal ang sarili ko. Baka panaginip o namamalikmata ako. Kaso, hindi. Andon pa rin. Nakatuon ang berde nyang mata saakin habang may naglalarong maliit na ngiti sa mga labi nya.

Hindi ko na marinig ang malakas na tugtog sa bar na ito. Tila mas malakas pa ang tibok ng puso ko sa kahit ano pang ingay sa paligid. Akala mo nakasuot ako ng headset at nakikinig lang sa malakas na pintig ng puso. At ang pintig na yon ay galing sa puso ko.

"I-I'm happy to see you here." Mahina pero malinaw ang pagkakasabi nya. Namumungay pa ang berde nyang mga mata, halos hindi na maumulat, siguro sa kalasingan.

Aba, dapat pala araw-araw ko tong nilalasing kung gantong ngumingiti pala sya kapag wasted. Shit. Akala ko ay sobrang gwapo nya, may igagwapo pa pala sya!

"U-Umuwi kana, Mr. CEO." Pinilit kong tigasan ang boses ko. Tumayo ako at inalalayan syang tumayo.

Amusement is dancing in his eyes while looking— no, he's staring at me. Parang tuwang-tuwa at hindi makapaniwala syang hindi ako nilulubayan ng tingin. Inilagay ko ang kaliwang braso nya sa balikat ko at nagsimula kaming maglakad.

Natanaw ko kasi si Heider na nag thumbs up pa saka kumaway. Parang sinasabi na, sige na, umalis na kami. Aba, kung hindi pa man bayad si Mr. CEO, bahala na sila. Tutal magkakilala naman pala sila.

Buti nalang at nakalabas kami ng bar na walang aberya at hindi sya nagpapabigat. Ang kaso, saan ko to dadalhin? Hindi ko alam ang bahay nya at lalong hindi ako marunong magdrive ng kotse.

Pikit mata akong naghintay ng taxi. Medyo tuwid naman ang pagkakatayo nya pero nakakailang kasi saakin pa rin sya nakatitig.

Naiinis na hinarap ko na sya. "Pwede ba, wag mo nga akong tingnan. Tsaka may konsensya lang ako kaya naman eto ang huling bagay na gagawin ko para sa'yo—"

"Thank you for coming here." Bulong nya at dahil sobrang lapit namin, tumatama sa mukha ko ang mainit nyang hininga. Infairness din sakanya ah, amoy alak pero mabango pa rin ang hininga. Sakin kaya?

Pero tangina lang, kanina ngumiti sya, tinitigan ako. Ngayon, natuto nang magpasalamat? Dapat talaga palagi tong nilalasing.

Nalulunod ako sa tingin nya kaya nag-iwas ako ng mata. Tumingin ako sa kalsada.

Nasaan na ba yung mga taxi na yon?

"Thank youm..." Ulit nya. Napatingin ako sakanya kaya naman huling-huli ng mata ko ang biglang pagbalot ng lungkot sa muka nya. "And sorry for everything. Please bumalik kana."

Aba talaga, end of the world na yata. Pero mukhang sincere naman sya.

"Sige na nga, bukas papasok na rin ako ulit. Kawawa ka naman. Mawawalan ka ng secretary na mabait at maging. Duh."

Sa wakas, may huminto na ring taxi. Inalalayan ko si Boss na sumakay. Mabait din naman pala ang isang to e. Nagthank you at nag sorry na saakin so sino ba naman ako para tumanggi?

Nang nakaupo na kami ay sinabi ko sa driver ang address ng apartment ko.

Halos mapatalon ako nang hawakan ni Boss ang kamay ko. Inihilig nya ang ulo nya sa balikat ako at bahagya akong niyakap. Eto na naman ang mga maliit na insekto sa loob ng tyan ko na parang gustong kumawala. Hindi na naman ako makahinga.

"I'm sorry for everything. Kung hindi dahil saakin..." Nangunot ang noo ko. "Please, please bumalik kana—"

"Hindi mo na kailangan magmakaawa, Boss. Babalik ako, bukas." Ngumisi pa ako kahit sobrang kaba sa pagkakalapit namin.

"I miss you... I miss you, bumalik kana, Vien. Baby, please..."

Nangunot lalo ang noo ko. Ano daw?

Sinapak ko si Boss sa inis. Nakatulog naman sya.

Hoy, hindi dahil sa sapak ko kaya sya nakatulog ah? Nakstulog sya dahil lasing.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nissa
Sabi po free kaso my bayad nmn pag binasa. .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 5: Fired

    "WHERE ARE YOU?" Si Boss!Sa sobrang taranta ko pagkagising ay dali-dali akong naligo at nagbihis. Nakasakay na ako sa taxi at papunta na sa building nang maalala kong tanggal na nga pala ako sa trabaho. Well, hindi naman talaga ako tinaggal pero ganon na rin.Ginising ako kanina ng tunog ng cellphone ko. May 10 missed calls ako at may isang text galing kay Mr. CEO, tinatanong kung nasaan na ako samantalang 5 am palang. Ang masakit, ang missed call nya ay since 4 am pa. Paninindigan nya talagang papasukin ako ng alas cuatro!? Aba— gago talaga sya!Isang gwagago. Gwapong

    Last Updated : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 6: Truth Behind

    "SAMAHAN MOKO." Sabi ko sakanya nang makita ko syang prenteng nakaupo sa mesa ng office ko talaga bilang secretary. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero gumagamit sya ng computer na nakapatong sa mesa.Kasabay ng pagpapalit namin ng posisyon ngayong araw e nagpalit din syempre kami ng office.Well, nga pala, talagang hindi ko napaalis tong gwapong green eyes na to sa kumpanya kanina. Kahit sinabi ko nang fired na sya ay nanatili pa rin talaga sya dito. Makulit. Pero okay na rin to dahil may makakasama ako sa pupuntahan ko ngayon.Mukhang tamad na tamad syang nag-angat saakin ng tingin. Para bang sinasabi na... "Kanina tinanggal-tangg

    Last Updated : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 7: Sorry

    HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA. PAANO MAG MOVE ON!?Hindi ko na namalayan. Nawala ata ako sandali sa sarili ko dahil bigla nalang nang matauhan ako ay nandito na ako sa napakagarbong mansyon na to na tinutuluyan ni Bernard.Nag-aano ba ako dito? Bakit ako nandito?Pinakiusapan nya ako na samahan sya. Nilinaw nyang wala syang ibang kasama kundi ang mga katulong.Dapat di ba matakot ako dahil lang sa ipinagtapat nya saakin na pamilya nya ang may pakana ng nangyari kina boss at girlfriend nya noon? Pero wala e, ni hindi ko sya magawang pagdudahan. Hindi naman sa pagigi

    Last Updated : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 8: I like you

    UWIAN.Nagulat ako nang saktong paglabas ko sa building ng kumpanya ay may humintong napakagarang puting kotse sa harap ko. Bumukas ang pinto at lumabas si Bernard. Sobrang aliwalas na ng itsura nya ulit, di gaya kaninang madaling araw.Akala mo ibang tao na sya at hindi ang nakausap ko kanina about sa problema nya. Kung engot lang ako, baka isipin kong ibang tao talaga sya ngayon.Binuksan nya ang kabilang pinto ng kotse nya at pinasakay ako. "Come here, hatid na kita." Sino ba naman ako para tumanggi, duh, sasakay ako sa magarang kotse, gora na.

    Last Updated : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 9: Feelings

    Tahimik na ako buong byahe matapos nang nangyari kanina. Matapos nyang magsalita sy pumikit uli sya kanina kaya naman siguro ay naalimupungatan lang sya non. Nung una ay magtutulog-tulugan lang sana ako pero nagising ako paglipas ng ilang oras at saktong papasok na kami sa may nakalagay na "WELCOME TO HERMOSA BATAAN."Umayos ako nang upo at tiningnan ang katabi ko. Tulog. Hindi pa ba sya nagigising mula kaninang umaga?Inalala ko ang sinabi ng nurse sa hospital. Binantayan raw ako ng asawa ko magdamag at hindi man lang ito nagpahinga kaya siguro puyat sya. But that doesn't make sense at all. Kasi sabi ni Boss, nang dalhin nya a

    Last Updated : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 10: Goodnight

    ARGH! ANG SAKIT NG ULO KO! Medyo nagulat ako nang pagtingin ay maaga pa, akala ko naman e tatanghaliin ako dahil naglasing ako kagabi. Oh yes, sabagay natulog pala agad ako matapos ng pag-uusap namin kagabi ni Boss tungkol sa acting skills ko— este sa ginawa naming 'drama' kagabi. 6 am palang pero alam kong gising na si Boss kaya naman naligo kaagad ako saka nagbihis bago lumabas. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko syang nakaupo sa harap ng isang pool na 7ft sa harap lang ng cottage ko. Nakasuot sya ng simpleng polo na kulay black at short na white. Medyo malayo sya sa kinatatayuan ko pero pansin kong nakasinelas sya. Ayos to ah, ngayon ko lang sya nakitang nakagantong ayos. Pero ano nga bang gagawin nya? Ang aga-aga, maliligo ba agad sya sa poo

    Last Updated : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 11: Goodbye

    WHAT THE HECK! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Kakaisip ng sinabi ni Boss kaninang madaling araw ay napanaginipan ko nga. Pero wait kasi, baka mali lang ang rinig ko. Baka naman ang sinabi nya e... "Pangit mo." O kaya naman ay "lakong pake" at hindi DREAM OF ME. Imagine-in ko nalang, si Boss, magsasabi ng ganon? Si Boss? Seriously, Jaz? Baka antok lang ako kanina. Speaking of panaginip, yon nga. Sa panaginip ko ay naglalakad kami ni Boss tapos nakatitig lang kami sa isa't-isa. Walang nagsasalita saamin, basta deretso lang kami. Ngiting ngiti pa nga raw ako. Sya naman ay hindi nakangiti pero maaliwalas naman ang mukha. Kaso nagising agad ako ka

    Last Updated : 2021-07-28
  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 12: Epilogue

    I'm in a hurry. It's already 8 in the morning. Everyone greeted me while bowing their heads but I noticed someone who's smiling from ear to ear."You!" I shouted at her. She looks shocked. "You're fired."Damn. I hurriedly walked in the elevator and clicked the button 7. I'm going to my office. The damn traffic is really pain in the ass.Pero bago tuluyang sumarado ang pinto ng elevator ay may sumigaw. "Wait po!" A girl shouted but I didn't even use a single muscle to stop the elevator but she's fast. Napigilan nya bago pa iyon tuluyang sumarado. Hindi ako nag aksaya ng pamahong tingnan sya pero kumukulo ang dugo ko dahil sa katangahan nya. Hindi na sya marunong magbasa? May nakapaskil sa labas.Sino naman a

    Last Updated : 2022-01-03

Latest chapter

  • Closer: Harder, Deeper   SPECIAL CHAPTER (3)

    Her Deadly Love"ATE TRINA, I WON'T TELL IT TO MOM." Napahinto ako nang makitang lumabas mula sa pader ang nakababata kong kapatid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita nang makita ang ngisi nya. Alam ko na naman to. "What do you need, Arden?" Hindi ako nagpahalatang kinabahan, malamang sa malamang ay nalaman n'ya na ngayon na pineke ko ang sakit ko para makaligtas sa pinaka-hate kong subject, ang Practical research.Actually, naiinis ako sa lahat ng subject dahil karamihan sa itinuturo ay alam ko na lahat. Lalo na kapag science. Hate ko lang talaga ang practical research dahil madalas ko nang gawin ang pagreresearch mula noon, hanggang dito ba naman? Isa pa, hindi ko trip ang magsalita sa harap ng mga tao, gusto pa naman nila ay magde-defense kaming lahat. Mommy and dad knew that I am advance but dad still enrolled me in a regular school at hindi sa para sa mga tulad kong gifted. Gusto ko naman iyon dahil dito ko nakilala si Ivan. Sa school, minamali ko madalas ang mga sagot ko sa

  • Closer: Harder, Deeper   SPECIAL CHAPTER (2)

    "BABY, LET'S DATE, HUH?" Inirapan ko si Adam na kung makapaglambing e parang hindi namin kasama si Trina sa kotse. "Dad! Sasama ako." Tila pinal na desisyon nito. Umiling-iling si Adam at tumingin na tila nagpapasaklolo saakin.Grabe talaga, it's been months nang maging mag-asawa kami at halos matawa pa rin ako palagi sa pagpapa-cute n'ya. Pero ang totoo, cute namang talaga."No, we can't date outside. Merong dinner sa bahay.""Darating sila mama?" Kaagad niyang tanong kasi sa pagkakaalam n'ya ay nagpunta sila mama sa Japan last month para magbakasyon at para na rin samahan si Jester doon dahil ipinadala s'ya ng kumpanya nila roon dahil meron syang kailangang asikasuhin."Yes." Also, I have a surprise for him kaya hindi talaga kami pwedeng

  • Closer: Harder, Deeper   SPECIAL CHAPTER (1)

    "BALITA KO BABALIK NA RAW SI MR. CEO." "Hindi ko la nakikita yon dahil si Sir Bernard ang naabutan ko." "Ako rin tapos naghanap ako ng pictures non kahit sa business magazines man or internet kasi sabi ng mga matagal nang empleyado e gwapo raw. Ang nakakapagtaka, wala akong makitang kahit isa." "Sinasabi ko sainyo, isang naaaaa-pakalaking bangungot non si Mr. CEO." "True! Alam na alam namin, danas na danas. Sobrang gwapo pa naman at daig pa ang artista, pero 'wag ka, walang gustong kausapin, walang kasundo at higit sa lahat, tinatanggal ang empleyado makita lang ngumiti!" "Naku ha, ang OA na ng kwento n'yo! Natatakot na tuloy ako wala pa man. Tsaka paano yon bawas sa inspiration kapag nawala si Sir Bernard." "Seryoso kami!" Busy at patuloy nag-uusap ang mga empleyado n

  • Closer: Harder, Deeper   EPILOGUE

    I AM BUSY TYPING ON THE LAPTOP in front of me when I suddenly remember what happened. I just kissed her. Pinipilit kong libangin ang sarili ko sa mga trabahong nakatambak sa harap ko ngayon. Binasa ko ang folders na nakapatong sa mesa pero walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang ginawa ko kanina at ang reaksyon n'ya. I wanted to kiss her since the day I found her after 2 years of searching. But I didn't imagine that I'll really do that. Siguro ay nagtataka na s'ya ngayon sa mga sinasabi at ginagawa ko lalo na ang halik na ginawa ko kanina. Pero hindi naman siguro ako nananaginip lang at sigurado akong tumugon s'ya sa halik ko na siyang ikinagulat ko kaya naman napalayo ako nang bahagya sakanya kanina. Tiningnan ko ang office n'ya na nasa harap ko lang din. Mukhang nakalimutan

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 35: Harder, Deeper

    After 5 months... "SIR, PORMANG-PORMA KAYO AH?" Nginitian ko si Mang Ben. "Ngayon nga ho pala iyong balik nila, ano?" "Yeah." Hindi n'ya na ulit ako muli pang kinausap, ngumiti palang s'ya na parang nahahawa sa kung gaano ako mukang kasaya ngayong araw. "Dad!" Irit ni Trina at paglingon ko ay nakaayos din s'ya. "Where do you think you're going without me?" Umirap s'ya sa hangin. "If not because of tito Bernard, I wouldn't know you're going somewhere." Napapikit ako. Si Bernard talaga. Kaya nga tinawagan ko s'ya at pinapunta sa bahay ay dahil na rin para libangin su Trina dahil may lakad ako. Bandang huli, si

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 34: I found you

    SHIVERING, I STILL TRIED TO GET UP.Masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong bumangon dahil may pasok pa ako ngayon. She's new to business that's why many greed people are trying to turn her down.Napansin ko ang maliit na kamay na nakayakap saakin. Nilingon ko si Trina. She's sleeping peacefully like an angel in the morning. Well, she's really my angel. Sa mga taon na dilim ang nararamdaman ko ay nandyan s'ya. Aaminin ko na medyo masungit s'ya pero mabait, hindi ko rin alam pero ang pagsusungit siguro ay natutunan n'ya kay Bernard. That man, kung anu-ano ang tinuturo sa anak ko.Tinanggal ko ang kamay nya para makatayo na ako pero humigpit ang yakap n'ya saka nagmulat ng mata. Nagtama ang berde naming mga mata, kaagad kaming ngumiti sa isa't-isa."Goodmorning, beautiful!""Morn

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 33: The Reality

    NAGISING AKO SA TUNOG NG DOORBELL. Tunog din nang tunog ang cellphone ko pero imbes na pansinin iyon ay umupo ako nang maayos sa sofa kung san ako nakatulog nang nakaupo. Paulit-ulit sinaksak ang puso ko sa lahat ng mga narinig ko. Pero kahit masakit, hindi pwedeng hanggang doon lang iyon. Kailangan kong alamim ang lahat. Ang kaso, hindi ko kayang mag-isa. Mamamatay ako sa sakit. Masyadong mabigat. Tumayo ako at parang zombie na kinuha ang phone ko sa tabi ko lang, napakaraming texts at missed calls. Galing kay Kuya Sandro, kay Luck, kay Dad— hindi, hindi ko s'ya ama. Sa lahat ng narinig ako, hindi ko pinakamatatanggap ay ang maging ama s'ya. Narinig kong kinuha n'ya ako sa tunay kong pamilya, hindi ko sya ama kung ganon, hindi ba? Tinungangaan ko lang iyon. Wala pa ring tigil ang tunog

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 32: Adopted

    "WALA NA PO BANG NAKALIMUTAN?" Tanong ko sa driver habang chinecheck ang mga dala kong bag."Naisakay ko naman ho ang mga nakabag, ma'am."This is it! Wednesday na ng hapon at outing namin bukas kaya naman pupunta na ako sa venue para maicheck kung handa na nga ba ang lahat doon. Magpapahatid ako tutal medyo malapit lang rin naman ang beach na pagdarausan. Tho babyahe pa ng 2 hours papunta roon.Nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang text galing kay Luck. Kanina pa to nagtatanong kung hindi ba ako sasabay sakanya, sinabi ko na ngang doon nalang kami magkita. Ngayon din sya pupunta roon gaya ng ibang mga empleyado. Ang iba naman ay nagsabing bukas na ng umaga pupunta.Parang team building ang mangyayari bukas kaya naman magkakaroon k

  • Closer: Harder, Deeper   CHAPTER 31: Collections

    "THESE ARE THE COLLECTIONS I AM TALKING ABOUT."It's only 8 in the morning. Naiwan ko ang isang mahalagang papel na kailangang-kailangan namin for today kaya naman binalikan ko nalang ito dahil dito ko iyon iniwan sa study room at ayokong may ibang pumupunta rito. Nagprisinta si Luck na sumama saakin papunta.Nakangiti kong tiningnan ang collections ko ng paintings dito sa loob ng study room ko. Sa kanya ko palang pinakita ang lahat ng ito. Dad saw some of them and even kuya Sandro. Nakita na rin ni Dr. Philly ang iba rito pero yung lahat-lahat na to ay si Luck palang ang nakakakita. Pagbalik ko palang ay i-din-isplay ko na ang mga ito dito nang mag-isa."Magaling ka rin palang mag-painting?" Si Luck, nilibot nya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto na punung-puno ng mga

DMCA.com Protection Status