Share

Chapter 4

Author: CuteLazyPig
last update Last Updated: 2021-10-17 23:37:50

Arrival

Mira's POV

Naglalakad na kami ngayon sa private airport ng Organization. Dala ko ang bag ko at iilang gamit. Tinitigan ko lamang si Nate na mahirapan sa dala n'ya dahil sa may benda n'yang braso.

Napansin n'ya ang titig ko kaya napabaling s'ya saakin. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay dahilan para mag-iwas s'ya ng tingin. Napangisi ako dahil doon.

Naglakad ako papalapit sa pwesto n'ya. Nang madaanan ko s'ya ay kinuha ko ang isa n'yang bag bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa plane na sasakyan namin. Tinignan ko s'ya mula sa likudan ko at nakita na nakatulala lamang s'ya.

Tss.

Pumasok ako sa loob ng plane at binigay ang gamit namin sa flight attendant na kasama namin. Dumiretso na ako sa upuan ko at umupo.

Nakapikit lamang ako at pinakikiramdaman ang paligid. Naramdaman kong gumalaw ang katabi kong seat dahilan para mapadilat ako at tignan iyon. Pinag-taasan ko s'ya ng isang kilay nang makita na uupo s'ya sa tabi ko.

"What?" tanong n'ya habang nakakunot ang noo.

Nginuso ko ang ibang upuan dahilan para tignan n'ya iyon. "Sit somewhere else. There's so much vacant seat, Nate" sabi ko bago pumikit ulit at sinandal ang ulo sa upuan.

Narinig ko ang reklamo n'ya ngunit hindi ko na iyon pinansin. Nag seat belt na ako at nag handa para sa pag take off.

Oh gosh! This is why I hate travelling by plane. Nahihilo nanaman ako! Hindi talaga saakin ang pag travel.

Sinandal ko ang ulo ko at iniwasan ang masyadong maalog dahil nahihilo na ako. Ilang minuto palang ang nakalipas ng mag take off ngunit bumabaliktad na ang sikmura ko. Shit!

Dumilat ako at hindi mapakali. Tinanggal ko ang seatbelt ko at hindi mapakali saaking upuan. Sinilip ko si Nate na nakaupo sa kabilang row. Nakatingin lamang s'ya sa labas ng bintana.

Tumayo ako dahilan para lalo akong mahilo. Dali-dali akong tumakbo sa cr ng plane at doon dumuwal. What the fuck!

"Do you want something, Ma'am?" tanong ng flight attendant.

Iniling ko lamang ang aking ulo bilang sagot. Inabutan n'ya ako ng towel at kinuha ko naman iyon bago s'ya sinabihan na umalis. Ang sakit ng t'yan ko! Ugh!

Tumayo ako at tumingin sa salamin. Naghugas ako ng kamay at mukha bago tinignan ang sarili kong repleksyon doon. Namumutla ako dahil sa hilo!

Nang medyo kinaya ko na ay lumabas na ako ng cr. Naglakad ako na parang walang nangyari. Nadaanan ko pa ang flight attendant na tinignan ako na nag-aalala. Huminto ako sa tapat ng upuan ko at sinuyod ang paligid. Nahinto ang paningin ko sa pwesto ni Nate kung saan nakatitig saakin, tila tinatantya ako.

Bumalik ako sa pwesto ko at umupo. Huminga ako ng malalim bago pumikit ulit. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang isang presensya saaking tabi. Binuksan ko ang aking mata at nakita ko na may inaabot s'ya saaking kung ano.

Kinuha ko iyon at tinignan. Nuts?

"Why? It can help" sabi n'ya.

Unti-unti akong tumango at sinubukang kumain. Tinignan ko ulit s'ya at nakita na tatayo na s'ya para bumalik sa pwesto n'ya kanina kaya agad ko s'yang pinigilan. Napatingin s'ya saakin at hinihintay ang sasabihin ko.

"Thank you" I said before letting him go.

Tumango s'ya at bahagyang ngumiti bago pumunta sa pwesto n'ya kanina.

One hour ang byahe namin at nakaidlip din ako kahit paano. Naramdaman ko nalang na may kamay na natapik saakin kaya ako dumilat. Bumugad saakin ang mukha ni Nate dahilan para magulat ako at matapik ko ang braso n'ya.

"Ouch! It hurts. Bakit lagi nalang?" sabi n'ya at agad inilayo ang braso n'ya saakin.

Uminat ako at bahagyang natawa sakaniya. "I'm sorry" sabi ko bago tumayo at kuhanin ang gamit ko.

Nilagpasan ko si Nate ngunit kinuha ko ulit ang isang bag n'ya. Nakakaawa naman dahil hirap na hirap s'ya magdala dahil sa braso na may benda na kagagawan ko. Tsk.

Bumaba ako ng plane at naglakad papunta sa sasakyan na naghihintay saamin. Nasa isang probinsya kami somewhere in Visayas. Gabi pa dahil alas dos palang ng madaling araw. Gantong oras talaga madalas ang byahe para wala gaanong maghinala saamin. Kahit na probinsya ay maunlad parin naman kaya nandito kami dahil ang target namin ay nandito ngayon.

Papasok na dapat ako ng sasakyan nang biglang mag ring ang phone ko. Nakita ko na si Tom ang tumatawag dahilan para mapangiti ako. He already know, Huh? Akala ko pa naman mamaya n'ya pa malalaman.

Nakita ko ang kakaibang tingin ni Nate saakin dahilan para tumalikod ako sakaniya at bahagyang maglakad palayo. Sinagot ko ang tawag at natawa sa bungad ni Tom saakin.

"What the hell, Agent Carper! Really? My car? Wala ka ngang sinira sa Head Quarters but you fucking destroyed my car!?" sigaw n'ya sa tawag.

Napabuntong hininga naman ako habang pinapakinggan ang rant n'ya. Galit na galit s'ya sa ginawa ko. Dahil sa inis ko kanina ay pinag buntungan ko ng inis ang sasakyan n'ya.

Sorry s'ya dahil iyon ang nadaanan ko sa parking lot. Tsk.

"I'll get you a brand new car, okay? Wag kana mag dabog" sabi ko.

Biglang natahimik sa kabilang linya dahilan para lalo akong mapangiti. "Really, Agent C-"

Hindi n'ya na natuloy ang sasabihin n'ya ng babaan ko s'ya ng tawag. Nag tipa ako ng sagot bago naglakad papunta sa sasakyan na kanina pa ako hinihintay.

Tumabi ako kay Nate na diretso ang tingin saakin nang makasakay ako. "Tom" sabi ko dahilan para tumango s'ya at tumingin na sa labas.

Halos 30 minutes din kaming bumiyahe bago makarating sa hotel na pag check in-an namin. Tinulungan kami ng mga tao doon sa gamit namin bago kami umakyat sa sarili naming kwarto.

Magkaharap ang kwarto namin ni Nate. Kita na ang pagod at antok sa mukha namin habang nasa elevator. Humarap ako sakaniya na kanina pa humihikab.

"Bukas nalang tayo mag-usap para sa plano." sabi ko.

Nakapikit na ang mga mata n'ya habang naka krus ang braso at nakasandal sa ding-ding. Tumango s'ya ng marahan bilang sagot.

Hindi ko maiwasan na pagmasdan s'ya ng sandali. Simula ng dumating s'ya hanggang ngayon ay ngayon ko palang s'ya tinignan na intention ko talaga ay tignan ang kabuuan n'ya.

He's tall and medyo katamtaman ang katawan. Magulo na ang buhok n'ya at kita ang puyat dahil sa eyebags pero ang kutis n'ya ay makinis at maputi. Katamtaman ang haba ng pilik mata at masungit na kilay. Kita din ang magandang hugis ng kaniyang panga at unting ugat sa leeg.

"Let's go. I'm sleepy" sabi n'ya dahilan para mabalik ako sa wisyo.

Lumabas kami sa elevator at nag tungo sa kaniya-kaniya naming room. Pagpasok ko ay humiga agad ako sa kama. Napakabigat ng katawan ko lalo na ang aking mga talukap. Guso na nilang magpahinga.

Tinanggal ko ang sapatos ko at tumayo para icheck ang lock ng pintuan. Nang masiguro na naka lock iyon ay dumiretso na ako sa bathroom para magpalit ng pantulog at mag hilamos.

Pagod na pagod akong lumakad sa kama at tuluyan ng nakatulog.

Nagising ako ng alas syete ng umaga. Nakakasilaw na liwanag galing sa bintana ang bumungad saakin. Nag stretch ako ng katawan bago nag-ayos ng sarili. Tinignan ko ang phone ko at nakita na wala namang text doon.

Nag blower ako ng buhok nang may mag doorbell. Nag lakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. Pumasok si Nate na medyo b**a ang buhok at naka khaki shorts and plain white shirt. Dumiretso s'ya sa higaan ko at humiga doon.

"What are you doing here?" tanong ko habang naka krus ang braso.

"We'll make a plan, right? sabi mo ay ngayon tayo mag paplano, Partner" sabi n'ya.

Agad nabuhay ang inis ko dahil doon. Nakalimutan ko na ayaw ko nga pala ng may partner dahil sagabal lang sila sa missions ko. I can do it myself. Iniisip ko ngayon kung paano nga ulit ako napapayag na maging partner 'tong lalaking ito.

"You shot my arm" sabi n'ya na parang nabasa n'ya ang isip ko.

"Yeah, yeah! Anyways, we need to gather more infos about the event" sabi ko bago pumunta sa maleta ko.

Umupo s'ya at tinignan ako bago tumango tango. "Saan tayo mag sisimula?" tanong n'ya.

"Ranked 1, Huh?" pang-aasar ko sakaniya. Natawa naman s'ya dahil sa sinabi ko bago napailing at tinuro ang benda n'ya.

"I don't want another injury, Agent Carper. So let's not talk about the ranking, okay?" sabi n'ya na sinagot ko lang ng kibit balikat.

Binuksan ko ang maleta ko at tumambad doon ang iba't-ibang klaseng weapon na ginagamit ko sa mga misyon ko. Kinuha ko ang maliit na baril at sinuksok sa pocket na nasa binti ko.

Nagulat ako ng biglang pumunta si Nate sa tabi ko at suriin ang mga armas ko. Tinignan n'ya ako na hindi makapaniwala. "Lahat ng dala mong gamit ay weapon lang? What about your clothes?" tanong n'ya at kinuha ang isang pistol sa maleta ko.

Sinuri n'ya iyon at hindi maiwasan na humanga dahil bagong modelo iyon ngbaril galing sa Head Quarters. "Mayroon naman akong dalang damit. Nasa isang bag ko" sabi ko at nagpatuloy sa pag hahanda.

Binaba n'ya ang baril na hawak at tinignan ako ng diretso. "Dalawang maleta ang dala mo pero sa bag lang ang damit mo? really, Agent Carper?" natatawa n'yang sabi.

Sinara ko ang maleta bago tumayo at tignan s'ya. Sinuot ko ang hairpin sa buhok ko na nagiging isang kutsilyo. "Maganda na ang handa" sabi ko bago lumakad paalis.

Nakasunod lang saakin si Nate nang sumakay ako ng elevator. Tahimik lang kaming dalawa dahil may kasabay kaming mga foreigner na naka black suit. Nasa likudan nila kami kaya nakita agad namin ang mukha nila pagkapasok palang nila ng elevator.

Our room is in 15th floor habang ang sa foreigner naman ay 6th floor.

Bumaba kami sa ground floor. Huminto ako sa isang tabi at pinagmasdan ang dalawang foreigner na naglalakad na palabas ng hotel. Nakita ko ang isa na may hawak na card ngunit hindi ko gaano nakita kung anong card iyon.

Dapat pala ay dinala ko ang salamin ko na kaya mag zoom in!

"Bar" bulong ni Nate dahilan para mapatingin ako sakaniya. Tinaas n'ya ang salamin n'ya bago ako kinindatan at naglakad paalis.

Nakita? Suot n'ya yung salamin. Psh. May pakinabang naman pala ang isang 'to.

Nag tungo kami sa restaurant para kumain. Umorder ako ng light meals dahil hindi ako sanay na madami ang kinakain dahil nakakapag pabagal saakin pag galaw.

Kumain kami ni Nate ng tahimik. Habang nakain ay pinagmamasdan namin ang paligid namin at tinitignan ang kakaiba. May napansin akong kakadating lang na lalaki na naka gray suit. Nagtungo s'ya sa isang table kung saan may foreigner na naka upo.

Sinipa ko si Nate sa ilalim ng lamesa dahilan para hindi n'ya matuloy ang binabalak n'yang pag subo ng pagkain. Nilingon ko ang pwesto ng lalaking naka gray suit at ng foreigner dahilan para tumingin din s'ya doon.

Agad n'yang naintindihan ang gusto kong sabihin. Umubo-ubo pa s'ya bago pasimpleng sinuot ang salamin. Tumingin s'ya sa direksyon ng naka gray suit at foreigner. Kinuha n'ya ang cellphone n'ya para kunwari ay may katawagan s'ya.

Habang hawak ang cellphone sa tenga ay pasimple n'yang pinipindot ang button ng salamin. Nagpatuloy ako sa pagkain na parang walang nangyayaring kung ano. Ilang sandali pa ay napansin ko na may card na binigay ang lalaking naka gray suit sa foreigner bago s'ya tumayo at maglakad paalis.

Tinanggal ni Nate ang salamin at tumingin saakin. Tumango tango s'ya ng ilang sandali bago nagsalita.

"Black card. There's a name written on it" sabi n'ya.

Hniwa ko ang egg na kinakain ko bago nakangiti iyong sinubo. Napainom naman si Nate ng tubig bago sumandal sa kaniyang upuan at nagmamalaking tumingin saakin.

"Philmon"

"Philmon"

Related chapters

  • City lights   Chapter 5

    Black Card Mira's POV "Want some?" Nate asked while holding some chips. Umiling ako dahilan para mabalik s'ya sa kaniyang pwesto. Nahilot ko ang aking paa dahil sa sakit nito. Kanina pa kami naghihintay dito sa tapat ng isang bar. Ito ang bar na pinakamalapit sa hotel at ang pinakamalaking bar dito sa lugar na ito. "Bakit ka kasi nag heels? saan ka ba sa tingin mo pupunta?" singit ni Nate dahilan para samaan ko s'ya ng tingin. Hindi ko din alam kung bakit ko ba naisipan na mag heels. Ang alam ko kasi ay pupunta kami sa isang bar at ang akala ko ay sa loob mismo pero mali ako dahil hindi pala kami papasok! Ang sasakyan na gamit namin kanina ay umalis na din. Walang malapit na shops sa bar kaya heto kami ngayon at nakatayo habang nagtatago. "It's been 3 hours, Nate! wala ka bang balak gawin?" inis kong sabi.

    Last Updated : 2021-11-04
  • City lights   Chapter 6

    Cover up Mira's POV We're now watching the footages from the four cameras we left around the bar. Nakaupo si Nate sa higaan ko habang pinapanood sa laptop ang nangyayari, habang ako ay nakaupo sa isang upuan at nahigop ng kape. Kanina pa kami nanonood sa nangyayari sa Bar ngunit wala talaga kaming mahanap na kakaiba. Naibaba ko ang mug ko nang mangunot ang noo ni Nate habang nanonood. Tumayo ako at pumunta sa tabi n'ya para tignan ang nangyayari sa Bar. Pag silip ko ay nakita ko ang isang Gray na sasakyan na huminto sa entrance ng parking lot. Napatingin ako kay Nate na tutok na tutok sa panonood nang nangyayari. Tinitigan ko ang kuha ng Camera hanggang sa may mapansin kaming kakaiba. "I knew it!" usal ni Nate. Tinignan ko s'ya ng seryoso dahilan para tignan n'ya din ako. Ilang segundo kaming nagtitigan ha

    Last Updated : 2021-11-19
  • City lights   Chapter 7

    Mr. and Mrs. Mira's POV "Hurry up!" I shouted infront of his room. Kanina ko pa s'ya hinihintay. Bihis na bihis na ako habang nag hihintay sakaniya. Seriously? S'ya pa ang hihintayin ko, ah. Nakakahiya naman talaga, Nate! Nag-hihintay na ang sasakyan namin sa lobby. It's almost 6 pm! Tumataas talaga ang dugo ko sakaniya. Nang sa wakas ay bumukas ang pinto ay agad ko s'yang binatukan. Napa-lakas iyon dahilan para makuha namin ang atensyon ng dumaan na tao. Ngumiti ako sakanila at hinimas kunwari si Nate sa braso. "Bakit ba ang tagal mo? It's almost 6!" pagrereklamo ko sakaniya. Napa kamot s'ya sa kaniyang leeg dahil doon. Inayos ko ang damit ko bago nauna sa paglalakad. Pumasok ako sa elevator at sumunod naman s'ya. Inayos ko ang mga gamit ko na dala ko. Bukod sa purse ay may mga gami

    Last Updated : 2021-12-05
  • City lights   Chapter 8

    Memory Mira's POV Tinanggal ko ang suot kong heels. Hinilot ko ang paa ko bago tumalon sa kama.Nakakapagod! Kakauwi lang namin ni Nate galing sa Bar na iyon. Grabe ang pagod ko at tinatamad na akong tumayo! Kinuha ko ang Laptop ko at sinaksak doon ang flashdrive na naglalaman ng mga kuha kanina sa Bar. Pinasa ko ito sa Laptop para ma review ko bukas. Tinatamad na talaga ako ngayon kaya bukas nalang. Pagkatapos kong ipasa lahat ng kuha ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag linis ng sarili. Inabot ako ng ilang oras dahil naka-idlip na pala ako sa tub, buti at nagising ako dahil nilalamig na ang katawan ko. Nag-bihis ako ng aking damit at lumabas na nang bathroom. Pagkalabas ay naabutan ko si Nate na nasa kama ko at may kinakalikot saaking Laptop. "Why are you here, Agent Velasquez?" I said with irr

    Last Updated : 2021-12-07
  • City lights   Chapter 9

    Great Night Mira's POV Sinuot ko ang aking jacket dahil sa lamig. Lumabas ako ng kwarto ko at nag-lakad na papunta sa elevator. It's 9:00 pm. Maaga pa kaya lalabas muna ako. Mayroong malapit na store sa labas ng hotel. It's a 24/7 convinience store. Tinignan ako ng guard nang makita na lalabas ako. Ngumiti s'ya saakin at tumango bago ako pagbuksan ng pintuan. Nagpasalamat ako bago tumuloy sa pag-lalakad. Wala na gaanong tao sa labas. Gabi na din kasi. Ang tao nalang na nakikita ko ay ang mga taong galing sa trabaho at nag-titinda na pauwi na. Tumawid ako sa kalsada. Kaunti nalang din ang sasakyan kaya hindi ako ganon kahirap na nakatawid. Naglakad ako papasok sa store. Pagpasok ay wala gaanong tao. Ang cashier at dalawang lalaki lamang ang nandoon. Sinimulan ko ang paghahanap nang ma

    Last Updated : 2021-12-10
  • City lights   Chapter 10

    Something's not right Mira's POV "I told you, Mira. We can go there tomorrow and not right now! May sugat ka pa." he calmly said. Tinignan ko s'ya nang masama. Nakabihis na ako kaya kailangan namin matuloy! And we only have 3 days to finish this mission bago bumalik sa manila kaya hindi na dapat kami nag-aaksaya ng oras. Inaayos ko ang damit ko sa salamin, medyo nasikipan ko ang sa bandang tagiliran ko kaya medyo napadaing ako sa sakit, Dinoble ko naman ang benda doon para hindi mahalata. "We need to go, Agent Velasquez! We don't have time to rest. Kailangan na natin malaman ang time and location ng deliveries para mapigilan natin sila bago tayo umuwi sa manila." Lumakad ako papunta sa higaan para mag-suot ng sapatos. Napasapo s'ya sa noo dahil sa katigasan ng ulo ko. Tinignan n'ya ang ng diretso bago ngumiwi at nag-lakad palaba

    Last Updated : 2022-01-10
  • City lights   Chapter 11

    How? Mira's POV "Drop the gun!" I shouted while pointing my gun to them. Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa sinabi ko na para bang biro lamang iyon para sa kanila. Tumingin ako kay Nate na ngayon ay nakatingin na din saakin at sa baril na hawak ko. Umiling s'ya, sinasabi na ibaba ko ang baril. Nangunot ang noo ko at pinagtaasan s'ya ng kilay. What!? Bakit parang wala s'yang ginagawa? Hindi magaganda ang sinabi saamin ni Mr Zalua! Dinala n'ya kami sa bahay nila para pagtawanan? Sinusubukan pa nila alamin kung sino kami talaga! "You're not real Lopez, Am I right?" si Mr Zalua. Isang higop ang ginawa n'ya sa kaniyang inumin bago tinignan si Mrs Zalua na ngayon ay mataray na ang tingin saakin. Bakas sa mukha n'ya ang pagka-aliw saamin ni Nate. Nakapalibot ang guards nila saakn dahil sa

    Last Updated : 2022-01-11
  • City lights   Chapter 12

    Transactions Mira's POV Naestatwa ako saaking kinatatayuan nang makita ang napakaraming kahon na drugs. Tama nga ang hinala namin. Tama kami ng napuntahan na lugar! Mahigpit ang hawak ko sa aking baril upang maging handa sa ano mang pwedeng mangyari. Tinignan ko si Nate na nasa kabilang dulo ng warehouse. Chine-check n'ya ang mga kahon na nakatambak dito. "They're here!" Pagbibigay alam ko kay Nate. Dali-dali s'yang tumakbo upang mag tago at ganon din ako. Binaba ko ang aking sarili upang hindi nila ako makita na mag-lakad papunta sa isang malaking kahon sa likod. Rinig ko ang mga yapak ng mga lalaki na may dalang malalaking baril. May kausap ang isa sa telepono at ang isa ay sinasabihan ang isa pang lalaki na kasama nila. "Hindi daw tayo tuloy ngayong gabi sa pakikipagkita sa bibili

    Last Updated : 2022-01-12

Latest chapter

  • City lights   Chapter 47

    CornerMira's POVHinigpitan ko ang tali sa bibig n'ya. Rinig ko ang daing mula sakaniya. Umirap ako sa hangin bago s'ya iniwan sa loob.Hinagisan ako ni Denver ng bottled water na agad kong sinalo. Tinignan ko naman si Nate na mag-isa sa sulok habang naka-tingin sa laptop.Hindi n'ya pa rin ako kinakausap. I tried to say sorry but he just ignored me. Bahala s'ya d'yan.Hindi ba s'ya natutuwa? Dahil sa pag-aaway namin ay may nakuha kaming tao. Hindi lamang basta makakatulong sa misyon namin kun'di makakapagpabago ng larong ito.That jerk think that he can easily fool me. Those sweet words and stuff? I'm not that stupid to not know who he is.

  • City lights   Chapter 46

    NumberMira's POVPagkatapos ng pag-uusap namin ni Nate ay hindi ko na s'ya mulin kinibo pa. Bahala s'ya diyan!Hindi dapat ako ang kumausap sakaniya! I can handle this all even without him. I'm used to it, anyway.Padabog akong humiga sa kama ko. Iniisip ko kung bakit ba kami humantong sa ganitong sitwasyon. He's being too bossy these past few days. He didn't even give me a choice and I fucking hate it.He used to obey my rules. He used to always say yes whenever I want to go to somewhere. He knows that I just want the best way to finish this mission.Was I being too selfish?Kasalanan ko ba na sanay akong namumuno? Kasalanan ko ba kung sanay ako na ako lagi ang nasusunod? Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko para sa misyon na ito.Sumobra ba ang pagiging leader ko? O pag act as if ako lang ang nasa misyon?Ngay

  • City lights   Chapter 45

    SweetMira's POVI was so angry that I walked out the room and head towards the elevator. No one was there so I took the chance to burst my anger inside.Nakakainis si Nate! Anong akala n'ya ay wala akong plano? Alam ko naman ang kailangan naming gawin dito, eh!Mali din naman kasi ang gusto n'ya! We need to find Philip but to trigger them this early? Kapag ginawa namin iyon ay mawawalan kami agad ng galaw! Katulad nalang nang nangyari kay Sebastian at Montero!Padabog akong bumaba sa elevator. Nahihiya pa ako dahil sa mga taong nakakita sa pagdadabog ko. Pinilit kong huminahon at nag-tawag ng taxi."Au bar le plus proche, s'il vous plaît" sabi ko. (At the nearest bar, please)"Sur notre chemin" sagot n'ya naman. (On our way)Dahil sa sinabi ko ay ilang minuto pa lang ay binaba n'ya na ako sa tapat ng isang bar. Nag-bayad ako sakaniy

  • City lights   Chapter 44

    ParisMira's POV"We're going to france!?" gulat kong sigaw sa loob ng opisina ni Tom.Tumango s'ya at tinignan si Nate. "He knows what to do" sabi n'ya pa.Tinignan ko naman si Nate bago ngumiwi. Whatever!"So, kailan tayo aalis?" tanong ko bago umupo sa upuan na nasa harap ng table ni Tom."Tomorrow along with Agent Denver and the others" sagot n'ya.Napa-palakpak naman ako dahil sa tuwa. Halata naman ang kabadong mukha ng dalawa. Tumingin ako kay Tom para sana mag-paalam na ngunit inunahan na n'ya ako."Okay, you may go shopping" sabi n'ya.Masaya naman akong tumayo at kumaway pa kay Nate bago mabilis na lumakad papunta sa office ni Kia. Kumatok ako at binuksan ang pinto.Nasa loob s'ya at tila nag-type. Tumingin s'ya sa direksyon ko at nang makita ako ay napangiti agad s'ya. "Shopping?"

  • City lights   Chapter 43

    Never expectMira's POVHindi lang sila Montero! Ayun ang siguradong sagot sa mga katanungan naming lahat. Hindi lamang si Montero, Philip at Sebastian ang sangkot dito."Agent Denver, Check the background of the elite people here in manila. We'll check the other data. Baka may nakatago sa data center na file tungkol sa ilan pang kilalang tao na nalagpasan natin" sabi ko.Agent Denver nodded as a response. He looked at me at Nate before walking out the room. Maybe calling the others.I turned my gaze to Nate who was sitting in the table. Lumapit ako sa tabi n'ya para tignan ang nakuha naming data sa flash drive na nakuha namin kay Sofia.

  • City lights   Chapter 42

    The protectorMira's POVNgayon na kaharap ko na si Sofia ay hindi ako makapaniwala. I used to look up to her but right now, I can't even look at her straight in the eyes!Now, I feel sorry for myself. Ngayon ay alam ko na kung bakit gan'on ang nangyari dati."What does it feel, Agent?" she suddenly said.Tinignan ko lamang s'ya at hindi inabala ang sarili na sumagot. Natawa s'ya ng harahan bago lumapit. Umatras naman ako dahilan para lumaki ang ngiti n'ya.Laugh, bitch. 'Cause you can't even move after this. Enjoy the moment where I can control myself."What does it feel to be the top agent? Na tinitingala pero hindi sigurado na nirerespeto?" sabi n'ya.Hindi pa rin ako sumasagot. "You think it's cool? No, right? Alam ko na alam mo na ang pakiramdam na madaming nakatingin"Binunot n'ya ang baril n'ya dahilan p

  • City lights   Chapter 41

    Unbreakable duoMIRA'S POVI was too happy that I didn't even realize that Nate was staring at me for how many minutes now."What!? Do you have a problem, agent?" I said, giving him a death glare.I saw the others hiding their laughs. Tinarayan ko sila at tinignan ang scene sa office ni Montero.Ngayon na may nawawalang pera sakanila ay alam kong mag-kakagulo. We carry out our plans today.We can't let this opportunity go to waste. Marami kaming ginawa para ma trap dilang dalawa ni Philip."Called the back up once you hear them shoot" I said.Ang balak namin ay pabagsakin si Philip. We need Montero kaya hindi namin s'ya hahayaan na makawala.

  • City lights   Chapter 40

    SeenMira's POVI was too stunned to move. Namamalik-mata lang ba ako? Totoo ba ang nakita kong babae kanina?Hindi ako makagalaw dahil sa pinagsamang gulat at kaunting takot. Bakit s'ya nandito? H-hindi kaya totoo ang mga sinabi nila sa HQ?"What are you doing? They are on the 4th floor" Nate whispered behind me dahilan para magkaroon ako ng lakas na gumalaw at lingunin s'ya.Nang makita ang itsura ko ay nangunot ang kaniyang noo. "Are you okay? What's wrong?" tanong n'ya pa.Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa nararamdaman ngunit nang maisip ang pakay namin sa lugar na ito ay doon lamang ako tuluyang natauhan."I'm sorry. I was about- I-am..Sorry"Hindi ako makatingin dahil hindi ko matanggap na nagkakaganito ako ngayon! On our mission!Huminga ako nang malalim. Pinanood n'ya akong gawin iyon. Tinignan

  • City lights   Chapter 39

    Making move Mira's POV Hindi ako maka-ayos ng tayo dahil sa kalasingan kagabi. Naramdaman ko na si Nate ang nag buhat saakin pabalik sa kwarto ko. Masakit ang ulo kong bbumangon kinaumagahan. Binalot ko ang sarili ko sa kumot habang kinukundesyon ang sarili. Ilang minuto ang lumipas bago ko naisipan na buksan na ang mga bintana kahit na ilaw lamang halos ng HQ ang napasok sa kwarto. Pumasok ako sa bathroom na pikit pa ang isang mata. Nag-hilamos ako at inalala ang mga nangyari kagabi. I knew it! Hindi dapat ako nagpakalasing nang ganon! Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang white towel bago pumunta sa device na naka-dikit sa pader malapit sa pintuan palabas. Lumabas doon ang mukha nila Nate na nag-aayos. "Are you guys ready?" I asked. I saw how Nate looked at me and my back

DMCA.com Protection Status