"SHOT! SHOT! SHOT!"Dumadagundong ang hiyawan ng mga manunuod nang tagumpay na mabawi ni Xander ang bola at ngayon ay nag-iinitiate na ng three points shot.Nagkaroon kasi ng Liga ang Blue Warrior kalaban sa pumapangalawang kasikatan ng mga ito na kilala ring mga basketbolistang grupo.But Beverly was confident na mananalo ang manok niya. Always naman. Hindi ng mga ito pinapalagpas ang expectations ng mga fans nito. At isa na siya sa mga fans na may lihim na paghanga sa isang miyembro."Shot! Shot! Shot!"Muling sigawan ng mga manonood. Particularly ay ang boses ng mga kababaihan kung kaya't narindi siya.Hindi niya lang ipinahalata dahil nasa tabi niya ngayon sina Cris, Devon at Zephanie para makinuod.Nang biglang makarinig siya nang malalakas na pagsinghap. Only to see that Xander was now in the floor limping and...searing the pain na tiyak ay dinaramdam ang labis na sakit.No!"Hoy babae, saan ka pupunta?"Pero hindi niya pinakinggan si Zephanie at basta lang siyang nakisabay sa a
NAKANGUSO si Beverly ngayong biglaan ang pagdating ng pinsan niya sa bahay nila sa araw na iyon. Ni hindi man lang ito nagbigay ng palatandaan o kahit indikasyon na makikita niya si Cognac ngayong araw. But she was even horrified when he drop the bomb at kung bakit ora-oratang idiniposito nito ang sarili sa couch kahit hindi niya inalok. Hindi pa rin nawala ang pagkapikon ni Beverly sa pinsan niyang kalahi yata ni Lucifer."...eh bakit mo nga kasi ipinadala sa kanya ang mensaheng iyon? Ayan at magtatatlong araw ng hindi ko siya nakita sa school."But her satanic cousin shrug na tila ba ay balewala lang dito ang pagda-drama niya."I am telling you to stop fantasizing him. May ibang gusto na iyong tao. Don't you feel pity for yourself, Bev?"Heto na naman sila sa pagiging concern cousin nito. Pero binabahiran naman ng bad record ang pangalan niya kay Xander."Wala akong pakialam kung may gusto na siyang iba, okay?""Gusto mo bang malaman kung bakit ko ipinasa sa kanya ang mensahe mong i
NADATNAN ni Xander si Zeus sa lounge na kausap ang isang crew sa pagitan ng isang estante. Mukhang naulinigan nitong kanina niya pa pinagmamasdan ang lalaki kung kaya't bumaling ito sa kanya."Dumating na daw si Cognac?""Oo. Kasama ang...pinsan niya.""The woman who was with you in the infirmary?" Inikot nito ang inuupuang high stool para harapin siya. "Any luck? Mukhang may nasapol ang kamandag mo, Leeyung. Why don't you give her a try? Hindi lang sa babaeng iyon sa bar ang pagsasayangan mo ng oras. Mukhang wala kasing balak magpakita ulit ang babaeng iyon sa'yo at magpakilala."But he only stared at Zeus flatly."I won't. I don't wanna eat my own word. May responsibilidad ako sa babaeng iyon." That's him. Ayaw niyang may atraso sa kahit na sino. As long as walang lalapit sa kanya para magpakilalang ito ang naikama niya. Hindi siya titigil hangga't wala silang closure na dalawa.Iyon ang palaging pinapaalala sa kanya ng mga magulang niya. Particularly sa daddy niya. Wala siyang dign
KANINA niya pa napapansin ang pagnanakaw ng sulyap ni Cognac sa kanya. They are in the bar at this point kaya hindi niya napigilan ang sariling tanungin ito."Anong mayroon Cognac?"Ikinurus nito ang mga braso pagkatapos maibaba ang hawak na shotglass. "Alam ko na hindi mo gusto ang pinsan ko Xander. Pero ibang usapan na ang saktan mo siya.""That was an accident." Depensa niya. "She trespassed in my house kaya nalaglag siya sa Hardin dahilan kung bakit nagkaroon ng sugat ang noo niya."But Cognac only smirk."At least be friendly to her. Lalaki rin ako. Alam ko rin ang mga paniniwala mo and never did I done things to hurt a woman. Pinsan ko pa naman din 'yon. Ayon! Nagmukmok iyon sa Villa ko. Ni ayaw akong kausapin at gusto na daw umuwi."Nagbaba siya nang tingin. He, too was guilty too. Naman. Always naman siyang nagi-guilty eh. Lalo at mga babae pa ang involved."Usapang closure ba 'yan? Ikaw Cognac ay sa part ni Beverly since nagmukmok iyon sa bahay mo?""This is a serious matter
NANGANGAPA siyang amoy-amoyin ang kumot na bangong Xander Leeyung na nunuot sa kanyang ilong. She must be dreaming. Kaya kung sinoman ang herodes na puputulin ang magandang panaginip niya. Malilintikan talaga nya—"Aray!"Nahulog na pala sya sa sofa. Namaligno pa siya ng makitang hindi ito ang bahay ng pinsan niyang si Cognac.Syet! Nasaan siya? Only to find that she was now on her love of her life's house. Nasulyapan kasi niya ang bulaklak na basta nalang nitong inilagay sa vase dahil ang rason ay ayaw na ilampaso ang mga ari-arian nito.Masyado pang in-denial ang kumag. Mukhang nililikom na nga nito ang mga ibinigay nya eh."Gising ka na pala."When Xander with his new showered look that added his magnificent effect on her even the hair was disheveled. Nagmukha lalong Greek mythological creatures ang binata sa paningin niya. Given the fact that he's only wearing a white shirt with a lossy jogging pants. Kagat ni Beverly ang labi para hindi purihin ang gwapong lalaki.Pero traydor ta
SHE was flying in the air pagkatapos mag-shower. Naglagay ng lipgloss then she's off to go. When Cognac stood perfectly fine in the door jamb. Sa mismong pintuan ng kwarto nya."Saan ka na naman balak pupunta?""Kay Xander. Saan pa nga ba?" Umingos lang ang pinsan niya bago ikinurus ang mga braso. "Sarili mo lang talaga ang sinasaktan mo riyan sa ginagawa mo.""And I am more willing to be in pain kung makakasama ko naman siya. Kaya tsupi na. Naghihintay na panigurado iyong love of my life ko sa bahay niya.""I can't believe you really was that desperate to get him!" Sinundan talaga siya nito sa baba pero sarado na ang tainga niya para atupagin ito. "Dalawang beses ka ng muntikang mamatay riyan sa ginagawa mo. For sure Xander was really mad at you. Pinagbibigyan ka lang niya dahil may deal kayo."Hindi na lingid sa kaalaman nito ang naging deal nilang dalawa ng love of her life niya."Cognac, cousin. Kung mahal mo talaga ang isang tao. Matututo kang magta-tiyaga. Kumilos ka na rin para
NAKADUTDOT ang ulo ni Beverly sa lamesa ngayong nandito siya sa Cafeteria. Devon and Cris were having their third class. Si Zephanie naman ay may sariling mundo kapiling ang asawa nito. Siya naman, dahil magaling siyang estudyante. Nag-ditch siya ng klase from first, second and third period para lang magkaroon ng pahinga. Kaya heto ang moment niya. Solo flight.When someone sits on her front. She never minding who the person was."Hi, Bev. Mag-isa ka yata!" Uhh! Kilalang-kilala nya ang boses na iyon. It was Jefferson to be exact. One of her suitors."Binilhan kita ng tinapay at Iced tea. May regalo rin ako sa'yo na tobleron galing Japan. Come on! Bumangon ka riyan. Natutulog ka pa ba?"All she wanted to do right now is to rest. Napili nga niyang puntahan ang cafeteria sa mga oras na ito. Dahil alam niyang tahimik at walang istorbo. Pero may asungot pala ang nakapansin sa kanya. Na kahit makailang beses niya nang ipagtulakan palayo. Mas lalo namang dumidikit ito sa kanya.Parang siya l
"BAKIT NGAYON mo lang uli sinagot ang tawag ko 'ma?..."Tinubuan na yata siya ng sungay dahil mahigit sampong beses yata niyang dinial ang number ng mommy niya at ngayon lang nito sinagot iyon.Hindi naman talaga problema kung mag-isa lang siya sa bahay ngayong gabi. Isa pa iyong pinsan niya. Kesyo si Xander lang daw ang available dahil may importanteng gagawin daw iyong huli. Nagawa pa nitong i-convoy ang sasakyan niya kasama si Owen. At balik ulit nang mapasok na ang sasakyan niya sa garahe sa siguro'y night outs ng mga ito.Nag-uungot ang sistema niya ngayong kasama ang lalaking ex-crush niya.Weh?! Ex-crush ba talaga?Kanina pa nga siya nakalublob dito sa loob ng kanyang tub not minding Xander kung nasaan na iyon ngayon. Maybe nandoon pa rin sa sala para manood ng paborito nitong Hollywood movie na Vampire Diaries. She was extremely in her deep thoughts. May potensyal naman siyang palayasin ang binata dahil wala namang mangyayari kung mag-isa lang siya."Bakit, anong mayroon? Alam
"YOU CAN'T have me Xander..."Paulit-ulit na naglalaro sa utak ni Xander ang hayagang sinabi sa kanya ni Beverly kanina sa lounge. He can't have her because he has Cherry beside him. Oo nga naman. Tama si Beverly roon. Pero bakit hindi pa rin niya mapigilang mapangiti ngayong kumpirmado niya ng siya parin talaga ang iniibig ni Beverly sa mahigit tatlong taon na paghihiwalay nila ng landas?"Ang ugok na ngumingiti ng mag-isa.""Malala na iyan kaya...tudasin na!""Quite everyone." Sita ni Zhared kaya bumaling si Xander kay Captain. "How was the feeling when Zephanie confessed to you captain?""Agay!""Sapol ka na naman captain.""First runner up sa pagiging mabuting asawa.""Your cousin was really hard as fuck Cognac!" Natupok ang kaguluhang namayani ng pumasok si Zeus kasunod si Cognac na madilim ang mukhang pilit na kinakausap si Zeus. "Even me felt the same way too Zeus. I'm sorry. Matigas na talaga ang ulo ni Beverly noon pa.""Damn you! Bakit hindi mo pinigilan?""Hindi ko kasi ala
"AALIS AKO ngayong tanghali Cognac, Pauleen.""No you can't,""That sudden?" Siya man ay nabaling ang atensyon sa pinsan na si Cognac as well as Pauleen. Nakaharap ito sa kanya habang humihigop ng kape. They are in the round table and having a breakfast. Pauleen insisted she can't leave the place that fast. Wala pa sa kalahating araw ang pag-eenjoy nito ng bakasyon sa FVC. "I don't think you can leave without commotion. Kilala mo si Zeus at alam mo ang batas dito.""But I can't stay here a little longer." Giit niya pa."Why? Dahil ba ay nariyan lang si Xander at si Cherry, not to mention na nasa tapat lang ng villa ko ang villa niya?" Hindi siya nakapagsalita. Pauleen secretly steal glances at her at naghihintay ng sagot niya.Bumabagabag sa kanya ang naganap nilang usapan ni Zeus kahapon. There's something inside her to tell Xander the truth pero ang puso niya na mismo ang nagsabing hindi na. Dahil wala na namang patutunguhan iyon lalo at may girlfriend na ang binatilyo.Ayaw niyang
[THE LONGEST FLASHBACK]BAKAS ANG tuwa sa mukha ni Beverly nang malamang nanalo na naman ang basketbolistang grupo na kinabibilangan ng pinsan niya at ang mga kaibigan nito.Kaya dahil nanalo. Napagpasyahan ng mga ito na i-celebrate ang naturang kapanalunan sa KTV Bar. Ang Bar na kakabukas pa lang sa lugar nila.Kanina pa siya sumusulyap sa lamesa ng mga kalalakihan habang lihim na tinutungga ang alak na nasa kamay niya. Particularly sa lalaking nagbigay ng confident sa kanya kung paano magka-crush at mabaliw ng ganito kaaga.Ang lalaking kanyang sinisinta na si Xander Leeyung.She has an idea in mind na basta nalang ring sinang-ayunan ng mga kaibigan niya. Si Zephanie ang napagdiskitahan ni Beverly as she announced the bet. Sinabi niya rito na lapitan si Clayton James Balderama. Ang kakambal ng team Captain ng Blue Warrior na si Clyden Spencer Balderama. But everything she said, hindi niya alam kung dala ba iyon sa kalasingan kaya si Captain mismo ang nahalikan ni Zephanie. O nagkama
"THIS IS really the vacation I wanted to feel..."Ikinampay ni Pauleen ang mga kamay sa ere na parang tumatakbong pulitiko at kinakawayan ang imahinasyong mga botante nito kung kaya't ibinaba ni Beverly ang mga kamay ng kaibigan.Her parents wanted her to leave for work. One at a time lang kung kaya't pinaunlakan ni Beverly ang alok ng mga magulang, lalo at hinikayat siya ng husto ni Pauleen na umuwi sa Pilipinas para masilayan ang pinapangarap nitong lugar na ang Ferrer's Villages of Courts.Ayaw niya naman talaga kung siya ang masusunod. Ayaw niyang iwanan sa mga empleyado ang tambak-tambak niyang office works dahil unfortunately, ayaw niyang dagdagan ang trabaho ng mga ito. Isa na rin si Lyn. Isa sa masugid niyang taga-tulak para magbakasyon dahil marami na 'raw siyang naipon na lakas upang isalba ang buhay ng empleyadong nagtatrabaho sa Prestonsubway.Siguro for once, deserve niya rin ang mag-unwind. Kagaya nga ng sinabi ng kaibigan niyang si Pauleen. And she's enjoying her vacati
TUMATAGINTING ANG malalakas na papuri at palakpakan ng mga empleyado sa modelling agency na kinabibilangan niya nang successful na naidinaraos ang fashion week na kung saan ay spotted ang mga gawa niya."Pupwede rin kitang kunin bilang talent Beverly Hernandez dahil maganda ka naman, pang-model ang dating. You should expose yourself more in the elite industry—""No thanks, Eerah. I'm contented with my job."Ngumuso lang ang babae na noon pa siya inaalok sa trabaho na iyon. Si Eerah ang organizer at instant Manager sa modeling agency na pinagta-trabahuan rin niya. Kakatapos pa lang ng trabaho niya sa Prestonsubway kung kaya't dumiretso na siya sa venue kung saan idinaraos ang fashion week.Pauleen was with her at maging ito man ay dismayado rin sa desisyon niyang sa pagiging shareholder at fashion designing lang umiikot ang mundo niya."Sayang ka talaga teh. Ikaw lang yata ang hayagang tumatanggi sa minsanan kong pag-aalok ng trabaho sa mga exotic and rare beauties na kagaya mo.""Ayaw
"MA'AM...Kape nyo ho.""Ilapag mo nalang iyan riyan Lyn. Busy pa ako." She was flipping the pages of her unsigned documents nang pakiramdam niya ay may nakamasid pa rin sa kanya. It's Lyn again. "Hindi ka pa ba lalabas?""Pasensya na po ma'am Beverly. Gusto ko lang po kasing pagmasdan ang lifesaver namin. Tatlong taon na ang lumipas pero nandito ka pa rin sa Prestonsubway nakikipagbakbakan sa hudas na kompanyang iyon.""What are you trying to imply Lyn?""Magpapasalamat lang po ako. Atsaka ma'am. Birthday ho ninyo ngayon. Don't you want to rest and celebrate your birthday?"Kumunot ang noo niya. Doon lang niya naalala na sa labis na pag-aatupag niya sa trabaho. Nakalimutan niya na ang kumain sa tamang oras or worst... nakalimutan pa ang araw ng kapanganakan niya. Sandali niyang sinulyapan ang mga unsigned documents pagkatapos ay si Lyn."Mamaya na siguro. Tatapusin ko lang 'to." She too needs to take a break pero ang trabaho niya na mismo ang nag-udyok sa kanya na hindi uso ang salita
"MASYADO na namang overpolluted iyang isip mo sa Xander mo eh, o matanong nga pala kita para hindi ka papitiks-pitiks lang riyan.""Ano iyon?" Tanong ni Beverly kay Devon when she had the time visiting her friend's house. Hanggang ngayon ay nakalutang pa rin siya sa ere thinking how Xander confessed to her. Kung may kakayahan lang siyang isapubliko ang pag-amin ng binata sa kanya. Kinontak niya na ang taga-National Television upang maraming tao ang makasaksi.OMG! She's so in love. With Xander Leeyung na love of her life niya."Maayos naman ba iyong si Athena?""Oo nga. E di'ba ay siya ang babaeng napagselosan mo noong araw sa villa ni Xander mismo?" Sang-ayon ni Cris sa patutyabang tanong ni Devon."She's good. And guess what, siya mismo ay sinabi sa'kin...personal iyon ha? Sinabi niya sa'kin na gusto niya ako sa older brother niya."Sumimangot si Cris. "And yet she told you that kissing Xander was natural for her, ano iyon? Incest sila? Si Xander ba ay hinayaan rin ang pinsan niya?"
WALA NA siyang mukhang ihaharap sa lahat ng miyembro ng FVC. She would likely drown herself in the seawater to death pero naisip niyang sayang rin ang genes niya kung wala pa siyang maibigay na apo sa mga magulang niya.Hindi niya alam kung paano siya napunta sa villa ni Xander sa mga oras na iyon. Doon lang siya nagmukmok sa isang sulok—particularly sa likuran ng villa ni Xander na punong-puno ng mga bulaklak. Gusto niyang ingudngod ang sarili sa kahihiyan. How dare herself smitten in that difficult situation na talagang kahiya—"Hey Beverly."Nang marinig ang boses ni Athena ay basta nalang siyang nanliit sa sarili. Ito kasi ang naging route cause kung bakit lumalabas ang katarayan niya."What are you doing here? Kanina ka pa hinahanap ni Xander doon. Come on!""Sorry pala kanina—""Ahh that? Kaya ka ba basta nalang nagmukmok rito dahil nahihiya ka?"Tumango siya. Ngayon lang niya na-realized na mabait pala si Athena. Hindi katulad sa unang impresyon niya rito na maldita at gahaman.
"I WOULDN'T THOUGHT na magtatagal ka rito kay Beverly.""I am enjoying myself being with her. Ikaw. Kailan mo pa iwawaglit iyang galit mo sa'kin?""Depende sa mood ko.""Come on Cognac...""Tara sa labas. Let's do one on one.""Hindi ako tatanggi sa imbitasyon na 'yan. Tara!" Napangiti si Beverly nang makita si Xander na pabirong inipit ang ulo ng pinsan niyang si Cognac habang pareho ang dalawa na palabas sa main door."Damn it Xander! Bitiwan mo ako, putang-ina ka!"That's exactly what men does after many days not talking each other. Kumbaga parte iyon ng bonding ng mga ito. Nakangisi siyang bumaba ng tuluyan sa sala. At pasimpleng sinilip ang dalawang lalaki sa labas.Nagsusukatan na nang lakas ang mga ito at pareho pang maangas na itinupi ang magkabilang manggas ng suot na t-shirt hanggang braso kung kaya't hindi mapigilan ni Beverly ang mapangiti."Psst, anong ginagawa mo riyan? Mukha kang may masamang binabalak kung makasilip ah!""Ahh, tinitingnan ko lang si Xander at Cognac 'm