Home / Romance / Chasing You / Kabanata 3

Share

Kabanata 3

Author: Black_Angel20
last update Last Updated: 2023-01-30 11:50:04

NADATNAN ni Xander si Zeus sa lounge na kausap ang isang crew sa pagitan ng isang estante. Mukhang naulinigan nitong kanina niya pa pinagmamasdan ang lalaki kung kaya't bumaling ito sa kanya.

"Dumating na daw si Cognac?"

"Oo. Kasama ang...pinsan niya."

"The woman who was with you in the infirmary?" Inikot nito ang inuupuang high stool para harapin siya. "Any luck? Mukhang may nasapol ang kamandag mo, Leeyung. Why don't you give her a try? Hindi lang sa babaeng iyon sa bar ang pagsasayangan mo ng oras. Mukhang wala kasing balak magpakita ulit ang babaeng iyon sa'yo at magpakilala."

But he only stared at Zeus flatly.

"I won't. I don't wanna eat my own word. May responsibilidad ako sa babaeng iyon." That's him. Ayaw niyang may atraso sa kahit na sino. As long as walang lalapit sa kanya para magpakilalang ito ang naikama niya. Hindi siya titigil hangga't wala silang closure na dalawa.

Iyon ang palaging pinapaalala sa kanya ng mga magulang niya. Particularly sa daddy niya. Wala siyang dignidad na tatapakan at dala-dala niya iyon sa isip, puso at... balun-balunan niya. Or maybe, it was his guilt too. Sa sobrang kalasingan. Nagpadala siya sa agos ng kanyang libido. Dahilan kung bakit nagawa niya iyon.

That's it. He was guilty.

"Nasaan na sila ngayon?"

"Nasa villa pa ni Cognac siguro." Sagot niya rito. Bago inabot ni Zeus sa kanya ang isang Margarita. Walang pagdadalawang-isip na inisang lagok niya iyon.

"Frustrated ka ba?"

"Do I look like one?"

Nanliit ang mga mata ni Zeus na ginamitan na naman siya sa katalinuhan nito. Pormado pa ang mga daliri nito into triangular one para sukatin ang kanyang kabuuan. "Yes you are!"

Natawa nalang siya. Wala siyang takas ngayong ito ang kaharap niya. Zeus has an incredible set of mind. Ito rin ang logical thinkers sa kanilang lahat.

"Whatever you say. Mas kilala ko naman ang sarili ko,"

"Yeah. But you are good in hiding your feelings. Well, men does. Kumusta na pala ang mga bulaklak mo? Hindi pa ba nalanta sa kakahanap mo sa babaeng iyon na eksperto sa pagtatago?"

He likes to raised flowers. Halos mapuno na nga ang bakuran niya dito sa FVC dahil gustong-gusto niya ang iba't-ibang klase ng bulaklak.

"Hindi ko sasabihin sa'yo. Unless bibili ka."

Ginawa niya na ring negosyo iyon. Katunayan, may maliit na establisyemento nga siyang pinatayo dito sa FVC with Zeus approval ofcourse. Dahil paboritong bilhin rin iyon ng mga kalalakihan na gustong regaluhan ang mga girlfriends nito ng mga bouquet.

"Bibigyan kita ng pera..."

"Marami na ako niyan."

"Bilhan mo ng paninda mong bulaklak ang pinsan ni Cognac."

"Why would I do that?"

"Dahil kaibigan siya sa asawa ni captain."

Pero hindi niya maintindihan kung bakit gusto siya nitong bigyan ng bulaklak iyong pinsan ni Cognac. Sa halip, sumama ang timpla ng mukha niya.

"You're weird."

"Always naman...hi, people." Sulpot ni Henjie mula sa kung saan kaya't natampal niya ang noo. Isa pa ito sa sakit ng ulo sa lahat ng mga miyembro dahil sa natural na pagkatsismoso.

Then Henjie's stare dropped at him.

"Pinapatanong pala ni Cognac kung narito na ba daw sa lounge ang pinsan niya."

Si Zeus ang sumagot. "Wala pa. Di'ba ay kasama niya?"

"Hindi e. Naghiwalay daw sila ng daan dahil gusto 'raw mamasyal niyong si Beverly." Sagot naman nito.

"Baka nandoon sa bar, o di kaya ay sa court?" Singit naman niya.

Pero naalarma silang mga naroon nang dumating si Cognac na puno ng pag-aalala ang mukha.

"Wala pa ba dito si Bev?" Tumayo si Zeus sa kinauupuan. "Wala. Bakit mo naman kasi iniwanan ang pinsan mo sa kung saan?"

"Gusto niya raw kasing mamasyal. Damn it!" Saka nito binunot ang cellphone sa bulsa. "Ayaw pa makontak! Litse naman oh!"

"Come on Xander. Hanapin mo si Beverly Hernandez!"

"T-teka, bakit ako?" Kunot ang noo niyang tiningnan si Zeus. "Wala akong responsibilidad sa kanya."

"Ngayon mayroon na. Alam mo naman na gusto ka no'n—"

"T-teka! Alam mo rin 'yan Zeus?" Tanong ni Cognac kay Zeus.

"Matagal na."

"Sinabi niya ba sa'yo?"

"Just by observing." Bumaling sa kanya muli si Zeus. "Be a man now. Hanapin mo ang pinsan ni Cogn—"

"Cognac!" Lahat sila nabaling ang tingin kay Barkley. Saka ito lumapit sa grupo nila. "Iyong pinsan mo n-nasa, nasa..."

"Saan? Putang-ina naman Bark oh! Nasaan si Beverly?"

May kung ano itong dinukot sa bulsa only to find that he was trying to give them a finger hearts. Tangina!

"Gago ka ba?" Nagawa niyang kwelyuhan si Bark dahil sa pagkapikon. "Nag-aalala na si Cognac sa pinsan niya tapos ikaw ay nagawa pang magbiro ng ganyan?"

"Kalma ka lang, Xander. Bakit mukhang ikaw pa ang mas nag-aalala kay Beverly ngayon? Nandoon lang naman siya sa..."

"Cognac? May food na ba ako na pinareserved mo?" Lahat sila nabaling ang tingin sa babaeng laman ng kaguluhan sa mga oras na 'yon.

Clueless pa ito sa nangyari at mukhang wala man lang itong kaamor-amor na muntikan na siyang makasapak ng kaibigan.

"Damn it Bev! Saan ka nagpunta?" Nilapitan ito ni Cognac at parang kapatid na sinuri ang kabuuan nito. Ang pisngi, ang mga braso pati ang binti.

"Pinag-aalala mo ako! Saan ka ba nagsususuot ha?"

"I was trying to jump in the cliff..."

"Are you joking me? Papatayin mo ba ang sarili mo?" Goodness! This woman is insane.

"Cognac naman eh. Sorry na nga!" They are all staring at the two. Bagay na ikinaigting ng panga niya.

"Bakit hindi kita makontak ha?" Tumaas na talaga ang boses niyong huli. Maging siya man ay talagang tataas rin talaga ang presyon.

Ipinakita nito ang cellphone at inangat sa ere. Sa puntong iyon. Ay mukhang ang magpinsan lang ang tao sa lounge. He understand Cognac dahil mahal na mahal nito ang pinsan na parang tunay na kapatid. Pero hindi niya alam sa sarili kung bakit naiinis siya ngayon sa babae.

"Nalowbat eh. Sorry na hmm? Pa-charge nalang sa villa mo. Let's go." Ikinawit nito ang mga braso sa braso ni Cognac. At doon lang siya sinulyapan nito. Nagulat pa itong makita siya roon. Maybe because she can see that he was mad for unknown reason too.

"Hi Xander," masigla pa itong nag-wave sa kanya pero inismiran niya lang ang babae.

"Balik na ako sa staycation ko." Then he left the lounge leaving everyone drop a jaw.

—————

"ANONG nangyari doon?"

Wala siyang ideya kung bakit bad mood na naman ang love of her life niya. Balak niya naman sana talagang tumalon kanina sa bangin pero hindi niya pala kaya kasi...siguradong gutay-gutay na ang katawan niya kung pupulutin sa mabatong ibaba kung kaya't umurong siya.

Saka nalang siya magpapakamatay kung hindi ganoon ka brutal ang kamatayan niya.

"Nag-aalala iyon sa'yo,"

"Bakit?"

"I don't know. Cognac, huwag mo na ulit iwanang mag-isa iyang pinsan mo. Baka kasi lalong ma-depress iyong si Xander. Alis na ako." Zeus waved a hand.

"Aalis na rin ako." Si Barkley iyon na sinigundahan ni Henjie kaya ang nangyari ay magkasabay na umalis ang dalawa.

Naiwan siya kasama si Cognac.

"Tara sa villa Beverly. Magpapaorder nalang tayo ng pagkain. You need to explain to me everything kung bakit muntikan na akong magpa-public service mahanap ka lang sa buong lugar dito sa FVC."

Hindi na siya nakipagtalo pa dahil may kasalanan naman siya.

She was sitting in the couch nang makarating na and Cognac really give her a speech.

"...pwede kakain na muna? Gutom na ako eh,"

"Hindi ka kakain hangga't makuntento ako sa eksplenasyon mo."

"Nasabi ko na sa'yo diba? Doon pa lang sa lounge. I was about to jumped off the cliff—"

"Naman Beverly Oo!" Natampal nito ang noo. "Hindi ka naman bata para umaktong ganito? Bakit pinag-aalala mo ako ng husto? Even, Zeus was worried—"

"Eh, totoo naman bang nag-alala iyong si Xander sa'kin kagaya nang sinabi ni Zeus?"

"Hindi. Kaya tigilan mo na iyang kahibangan mo! Kumain ka na doon." Nagpupuyos ito sa galit nang iwanan niya ito sa sala.

She enjoyed the food kaya nang matapos na siya ay agad siyang nagpaalam kay Cognac na aalis na muna.

"Saan ka na naman pupunta?"

The truth is. Papanhik lang naman siya sa kabilang bahay para silayan ang love of her life niya. Katabi lang kasi ang villa ni Xander sa villa ng pinsan niya. At iyon ang labis niyang ikinatuwa.

"I'm telling you. Kung may plano ka nang ituloy ang pagtalon mo roon sa malalim na bangin. Tawagan mo ng maaga iyong si Tita Betty para hindi ako ang kunsensyahin niyon kung—"

"Diyan lang naman ako sa..."

"Bahay ni Xander?" Korek! Pero sa isip niya lang sinabi iyon. "Malala ka na talaga Beverly. Hoy! Bumalik ka dito!"

Hindi niya na pinakinggan pa ang binata dahil basta nalang siyang tumakbo palabas sa villa at mabilis na tumipas ng daan papunta sa bahay ni Xander sa kabila.

Nang makita ang matayog na bakod ay hindi siya nagpatinag.

"Ako ang pupunta sa'yo kung ayaw mong puntahan ako bebe myloves! I'm coming!" And just like that...she climbed the fencewall with all her might at nang tagumpay na maakyat ang pinakatuktok. Beverly was smiling the biggest nang makarinig siya ng tikhim.

"What are you doing up there?" Seryoso ang boses ni Xander na nakatingala sa kanya. Nakakrus ang magkabilang braso nito at nagpang-abot ang mga kilay na tinitigan siya.

"You are a treespasser. Tatawagan ko na agad si Zeus para i-blocklist ka dito."

"N-no!"

Dahil sa takot na hindi na siya makabalik sa FVC at hindi niya na masilayan ang gwapong mukha ng love of her life niya. Napaigik si Bev nang maramdaman ang pagbagsak ng katawan niya sa lupa.

"The fuck! Damn it woman!" Gusto niyang maiyak. Naramdaman niya ang panandaliang pag-ikot ng paningin niya when she felt her body carried by whom in the air at ang malalakas na pagmumura nito calling every saints in hell.

Doon niya lang napansin ang leeg ni Xander nang bumalik na sa natural na tyempo ang paningin niya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang inilapag siya nito sa mahabang sofa.

"Huwag mong subukang bumangon. Kukutusan talaga kita."

"P-pero baka isumbong mo ako kay Zeus at iba-blocklist niya talaga ako kapag nagkataon."

"Stay still. Masama ang naging bagsak mo kanina." She can sense his uneasiness at mabilis na kumuha ng plangganita na may lamang tubig at tuwalya para ipahid sa...dumudugong noo niya?

Napaigik pa siya nang ilapat ng binata iyon at bahagya pang umurong dahil noon niya lang naramdaman ang sakit.

"Sinabing huwag kang gagalaw eh." Matigas na pagkakasambit nito.

"M-masakit kasi..." Ramdam niya ang panginginig ng kamay nito pero ang puso niya ay parang aalwan na sa sobrang lakas ng pagtibok.

He's treating her now. Bakit parang espesyal siya?

"You had probably got hurt with the thorns of red roses sa Hardin. You already know that I hated agressive woman, bakit nagpupumilit ka pa? May history na ako at alam mo 'yon. Kaya ngayon pa lang ay sasabihin ko ito muli sa'yo. Hindi kita gusto."

Ouch ha! Pangalawang beses na iyon.

"Pero bakit ginagamot mo ako ngayon?"

"Sa mismong bahay ko ikaw naaksidente kaya malinaw na malinaw na responsibilidad kita. Wala bang ibang masakit sa'yo bukod dito sa noo mo?"

Nag-aalala nga ito sa kanya. Halata kasi sa gwapong mukha nito when he raised her arm.

"A-aray!" Napapikit pa siya.

"Kita mo na. Hindi kasi swimming pool ang Hardin ko Miss. Kailangan ko pa tuloy asikasuhin ang Hardin ko na 'yon dahil nadaganan mo."

Pero wala siyang nalasahan na pait na tonada nito concerning na mga bulaklak nito ang involved. He was more likely concerned about her bagay na ikinatuwa ng puso niya.

She was smiling at Xander kahit na hindi niya alam kung bakit may masakit sa bandang dibdib niya. Biglaan iyon. Or maybe it was the impact of her sudden fall.

"Timang."

"Ha, bakit?" Napanguso siya. "W-wala naman akong ginagawa."

"You're smiling like an idiot. Tigilan mo 'yan. Hindi bagay." Gano'n? Ang sakit naman sa heart magsalita nito. Pero okay na rin iyon atleast sa katangahan niya. Ganito ang naging resulta at nasilayan niya ang love of her life niya ng ganito kalapit.

"Kukuha lang ako ng gauze."

"S-sige." Inipit niya ang boses kaya nagmukha tuloy siyang guinea pig and Xander only shook a head. Na parang hindi ito makapaniwala na may bisita itong hindi inaasahan dahil sa likas na katigasan ng ulo niya.

Nang makabalik ay hindi na talaga mapigilan ni Beverly na haplusin ang magaspang na kamay nito. He was really a workaholic guy...

"Look miss. I know that you are fascinated of me. Pero hindi ko talaga gusto ang mga babaeng first mover para magpapansin sa isang lalaki dahil first and foremost, the only assurance why I did these, because you, met an accident in my own. Hindi ibig sabihin no'n ay may special treatment kana sa'kin because, you really was not." Marahas nitong binawi ang kamay.

Ouch ulit.

"After this. Pwede ka ng umuwi."

"Can I stay here any longer?"

"No. Baka hinahanap ka na ni Cognac. Alam mo na masyadong maalalahanin iyon pagdating sa'yo."

Pero ikaw ang gusto ko na mag-aalala sa'kin ng lubos Xander mylabs!

"Tapos na. Go now!"

Bagsak ang balikat niya na dahan-dahang bumangon. Ni hindi man lang siya tinulungan nito at hayagan pang umatras.

Napansin kaagad niya iyon.

"Wala naman akong sakit na nakakahawa para dumistansya ka sa'kin ng ganyan kalayo. Oo nga at hindi mo ako gusto. Pero gugustohin pa rin kita kahit alam ko na hindi mo iyon tatapatan. It suddenly happened and as long as I don't. My heart keeps on beating only for you. Hindi naman siguro masama iyon dahil gustong-gusto talaga kita Xander. You should never throw me away or say harsh words... naiintindihan ko naman. Ang hindi ko lang nagustuhan talaga ay ang paglayo mo sa'kin ng ganyan. Nakaka-offend."

Pero sa lahat ng sinabi niya na tagos sa kanyang puso. Xander stared at her unemotionally.

"Out."

Doon pa lang, parang nawalan ng gana si Beverly na manatili pa sa bahay nito. Napanguso nalang siyang sinulyapan ang nakasarado na nitong pintuan.

Heartless.

Related chapters

  • Chasing You   Kabanata 4

    KANINA niya pa napapansin ang pagnanakaw ng sulyap ni Cognac sa kanya. They are in the bar at this point kaya hindi niya napigilan ang sariling tanungin ito."Anong mayroon Cognac?"Ikinurus nito ang mga braso pagkatapos maibaba ang hawak na shotglass. "Alam ko na hindi mo gusto ang pinsan ko Xander. Pero ibang usapan na ang saktan mo siya.""That was an accident." Depensa niya. "She trespassed in my house kaya nalaglag siya sa Hardin dahilan kung bakit nagkaroon ng sugat ang noo niya."But Cognac only smirk."At least be friendly to her. Lalaki rin ako. Alam ko rin ang mga paniniwala mo and never did I done things to hurt a woman. Pinsan ko pa naman din 'yon. Ayon! Nagmukmok iyon sa Villa ko. Ni ayaw akong kausapin at gusto na daw umuwi."Nagbaba siya nang tingin. He, too was guilty too. Naman. Always naman siyang nagi-guilty eh. Lalo at mga babae pa ang involved."Usapang closure ba 'yan? Ikaw Cognac ay sa part ni Beverly since nagmukmok iyon sa bahay mo?""This is a serious matter

    Last Updated : 2023-02-02
  • Chasing You   Kabanata 5

    NANGANGAPA siyang amoy-amoyin ang kumot na bangong Xander Leeyung na nunuot sa kanyang ilong. She must be dreaming. Kaya kung sinoman ang herodes na puputulin ang magandang panaginip niya. Malilintikan talaga nya—"Aray!"Nahulog na pala sya sa sofa. Namaligno pa siya ng makitang hindi ito ang bahay ng pinsan niyang si Cognac.Syet! Nasaan siya? Only to find that she was now on her love of her life's house. Nasulyapan kasi niya ang bulaklak na basta nalang nitong inilagay sa vase dahil ang rason ay ayaw na ilampaso ang mga ari-arian nito.Masyado pang in-denial ang kumag. Mukhang nililikom na nga nito ang mga ibinigay nya eh."Gising ka na pala."When Xander with his new showered look that added his magnificent effect on her even the hair was disheveled. Nagmukha lalong Greek mythological creatures ang binata sa paningin niya. Given the fact that he's only wearing a white shirt with a lossy jogging pants. Kagat ni Beverly ang labi para hindi purihin ang gwapong lalaki.Pero traydor ta

    Last Updated : 2023-02-02
  • Chasing You   Kabanata 6

    SHE was flying in the air pagkatapos mag-shower. Naglagay ng lipgloss then she's off to go. When Cognac stood perfectly fine in the door jamb. Sa mismong pintuan ng kwarto nya."Saan ka na naman balak pupunta?""Kay Xander. Saan pa nga ba?" Umingos lang ang pinsan niya bago ikinurus ang mga braso. "Sarili mo lang talaga ang sinasaktan mo riyan sa ginagawa mo.""And I am more willing to be in pain kung makakasama ko naman siya. Kaya tsupi na. Naghihintay na panigurado iyong love of my life ko sa bahay niya.""I can't believe you really was that desperate to get him!" Sinundan talaga siya nito sa baba pero sarado na ang tainga niya para atupagin ito. "Dalawang beses ka ng muntikang mamatay riyan sa ginagawa mo. For sure Xander was really mad at you. Pinagbibigyan ka lang niya dahil may deal kayo."Hindi na lingid sa kaalaman nito ang naging deal nilang dalawa ng love of her life niya."Cognac, cousin. Kung mahal mo talaga ang isang tao. Matututo kang magta-tiyaga. Kumilos ka na rin para

    Last Updated : 2023-02-02
  • Chasing You   Kabanata 7

    NAKADUTDOT ang ulo ni Beverly sa lamesa ngayong nandito siya sa Cafeteria. Devon and Cris were having their third class. Si Zephanie naman ay may sariling mundo kapiling ang asawa nito. Siya naman, dahil magaling siyang estudyante. Nag-ditch siya ng klase from first, second and third period para lang magkaroon ng pahinga. Kaya heto ang moment niya. Solo flight.When someone sits on her front. She never minding who the person was."Hi, Bev. Mag-isa ka yata!" Uhh! Kilalang-kilala nya ang boses na iyon. It was Jefferson to be exact. One of her suitors."Binilhan kita ng tinapay at Iced tea. May regalo rin ako sa'yo na tobleron galing Japan. Come on! Bumangon ka riyan. Natutulog ka pa ba?"All she wanted to do right now is to rest. Napili nga niyang puntahan ang cafeteria sa mga oras na ito. Dahil alam niyang tahimik at walang istorbo. Pero may asungot pala ang nakapansin sa kanya. Na kahit makailang beses niya nang ipagtulakan palayo. Mas lalo namang dumidikit ito sa kanya.Parang siya l

    Last Updated : 2023-02-02
  • Chasing You   Kabanata 8

    "BAKIT NGAYON mo lang uli sinagot ang tawag ko 'ma?..."Tinubuan na yata siya ng sungay dahil mahigit sampong beses yata niyang dinial ang number ng mommy niya at ngayon lang nito sinagot iyon.Hindi naman talaga problema kung mag-isa lang siya sa bahay ngayong gabi. Isa pa iyong pinsan niya. Kesyo si Xander lang daw ang available dahil may importanteng gagawin daw iyong huli. Nagawa pa nitong i-convoy ang sasakyan niya kasama si Owen. At balik ulit nang mapasok na ang sasakyan niya sa garahe sa siguro'y night outs ng mga ito.Nag-uungot ang sistema niya ngayong kasama ang lalaking ex-crush niya.Weh?! Ex-crush ba talaga?Kanina pa nga siya nakalublob dito sa loob ng kanyang tub not minding Xander kung nasaan na iyon ngayon. Maybe nandoon pa rin sa sala para manood ng paborito nitong Hollywood movie na Vampire Diaries. She was extremely in her deep thoughts. May potensyal naman siyang palayasin ang binata dahil wala namang mangyayari kung mag-isa lang siya."Bakit, anong mayroon? Alam

    Last Updated : 2023-02-02
  • Chasing You   Kabanata 9

    NAGISING SIYA na wala na ang pinsan ni Cognac sa tabi niya. After what happened to them last night. Lalayasan lang siya nito? Parang nanumbalik sa alaala niya ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng estrangherang babae sa loob ng disco bar na iyon. But here sa halfwaygig. He took advantage of Cognac's cousin. For the second time, nagpadala siya sa kanyang libido. And for the second time again. Another set of his responsibility...and it was his friend's cousin."...where are you?" Nakuha niya ang numero nito kay Cognac. Kausap niya na ngayon ang dalaga sa cellphone. "Why did you left me here—""Wrong number ka yata sir," Saka niya narinig ang dialtone sa kabilang linya. Natampal ni Xander ang noo. Sigurado naman siya na boses ng dalaga iyon, pero bakit nagrarason pa itong wrong number daw siya?Humingi siya nang dispensa kay Cognac kung bakit hindi sila nakauwi kagabi sa bahay ng pinsan nito.They are talking through phone call while he was driving on his way to her house. Naitanong

    Last Updated : 2023-02-02
  • Chasing You   Kabanata 10

    SHE DOESN'T understand kung bakit nandito si Xander sa pamamahay nila. Hindi pa naman siya nagkaroon nang amnesia para alalahanin ito. Pero sa puntong iyon, Beverly wanted to lost her memory lalo at pakiramdam niya ay under na naman ito sa utos ng pinsan niya.Kanina pa mainit ang ulo niya. Kanina pa siya nakatitig sa kisame at iniisip kung ano ang mabisang paraan para patalsikin ang bagong housemate niya.When she heard a knock."Beverly?" And now he started calling her by her name? Himala yata sa lahat ng mga himala."Natutulog na ako.""May nakapagsalita pa bang tulog?" Oo nga naman."May tawag ka," sinulyapan niya ang hindi namang umiilaw niyang cellphone sa sidetable kaya hayagan siyang umirap. "Ako ba ay pinagloloko mo? Always open itong cellphone ko at wala namang incoming call...""Buksan mo muna itong pinto para maintindihan mo.""At bakit ko naman gagawin iyon?""Dahil utos ko."Ayaw niya talaga nang istorbo kaya para matapos na...nagpapadyak siyang nilapitan ang pintuan par

    Last Updated : 2023-02-02
  • Chasing You   Kabanata 11

    PABILING-BILING si Xander sa kama dahil akala niya ay umaandar pa ang aircon sa kwarto na napili niya. Halos hubarin niya na lahat ng saplot dahil likas na talagang naiinitan siya.This really is the life he could get to remember kahit ikakamatay niya pa. Magkakaroon pa yata siya ng hika dahil mainit na hangin talaga ang pumapasok sa ilong niya."Xander...g-gising ka pa?" And he could utterly said a word at basta nalang bumangon revealing Beverly in his front. Doon niya lang naalala na tanging boxer shorts nalang pala ang kanyang suot.Pero he never dared to walk back."Yes?""Uhh..." Detoriated pa itong iniwas ang tingin. "N-nakalimutan kong sabihin na sira na pala ang aircon diyan. Well, uhmm...you can use the second room next to mine. Wala naman ang mga parents ko and since kilala ka naman yata ng parents ko. Panatag na ako roon." Saka ito nawala sa harapan niya.Oh thanks God! I'm safe. Akala kasi niya ay magkakaroon na siya ng sakit sa kwartong impyerno yata ang tingin niya doon.

    Last Updated : 2023-02-08

Latest chapter

  • Chasing You   WAKAS

    "YOU CAN'T have me Xander..."Paulit-ulit na naglalaro sa utak ni Xander ang hayagang sinabi sa kanya ni Beverly kanina sa lounge. He can't have her because he has Cherry beside him. Oo nga naman. Tama si Beverly roon. Pero bakit hindi pa rin niya mapigilang mapangiti ngayong kumpirmado niya ng siya parin talaga ang iniibig ni Beverly sa mahigit tatlong taon na paghihiwalay nila ng landas?"Ang ugok na ngumingiti ng mag-isa.""Malala na iyan kaya...tudasin na!""Quite everyone." Sita ni Zhared kaya bumaling si Xander kay Captain. "How was the feeling when Zephanie confessed to you captain?""Agay!""Sapol ka na naman captain.""First runner up sa pagiging mabuting asawa.""Your cousin was really hard as fuck Cognac!" Natupok ang kaguluhang namayani ng pumasok si Zeus kasunod si Cognac na madilim ang mukhang pilit na kinakausap si Zeus. "Even me felt the same way too Zeus. I'm sorry. Matigas na talaga ang ulo ni Beverly noon pa.""Damn you! Bakit hindi mo pinigilan?""Hindi ko kasi ala

  • Chasing You   Kabanata 22

    "AALIS AKO ngayong tanghali Cognac, Pauleen.""No you can't,""That sudden?" Siya man ay nabaling ang atensyon sa pinsan na si Cognac as well as Pauleen. Nakaharap ito sa kanya habang humihigop ng kape. They are in the round table and having a breakfast. Pauleen insisted she can't leave the place that fast. Wala pa sa kalahating araw ang pag-eenjoy nito ng bakasyon sa FVC. "I don't think you can leave without commotion. Kilala mo si Zeus at alam mo ang batas dito.""But I can't stay here a little longer." Giit niya pa."Why? Dahil ba ay nariyan lang si Xander at si Cherry, not to mention na nasa tapat lang ng villa ko ang villa niya?" Hindi siya nakapagsalita. Pauleen secretly steal glances at her at naghihintay ng sagot niya.Bumabagabag sa kanya ang naganap nilang usapan ni Zeus kahapon. There's something inside her to tell Xander the truth pero ang puso niya na mismo ang nagsabing hindi na. Dahil wala na namang patutunguhan iyon lalo at may girlfriend na ang binatilyo.Ayaw niyang

  • Chasing You   Kabanata 21

    [THE LONGEST FLASHBACK]BAKAS ANG tuwa sa mukha ni Beverly nang malamang nanalo na naman ang basketbolistang grupo na kinabibilangan ng pinsan niya at ang mga kaibigan nito.Kaya dahil nanalo. Napagpasyahan ng mga ito na i-celebrate ang naturang kapanalunan sa KTV Bar. Ang Bar na kakabukas pa lang sa lugar nila.Kanina pa siya sumusulyap sa lamesa ng mga kalalakihan habang lihim na tinutungga ang alak na nasa kamay niya. Particularly sa lalaking nagbigay ng confident sa kanya kung paano magka-crush at mabaliw ng ganito kaaga.Ang lalaking kanyang sinisinta na si Xander Leeyung.She has an idea in mind na basta nalang ring sinang-ayunan ng mga kaibigan niya. Si Zephanie ang napagdiskitahan ni Beverly as she announced the bet. Sinabi niya rito na lapitan si Clayton James Balderama. Ang kakambal ng team Captain ng Blue Warrior na si Clyden Spencer Balderama. But everything she said, hindi niya alam kung dala ba iyon sa kalasingan kaya si Captain mismo ang nahalikan ni Zephanie. O nagkama

  • Chasing You   Kabanata 20

    "THIS IS really the vacation I wanted to feel..."Ikinampay ni Pauleen ang mga kamay sa ere na parang tumatakbong pulitiko at kinakawayan ang imahinasyong mga botante nito kung kaya't ibinaba ni Beverly ang mga kamay ng kaibigan.Her parents wanted her to leave for work. One at a time lang kung kaya't pinaunlakan ni Beverly ang alok ng mga magulang, lalo at hinikayat siya ng husto ni Pauleen na umuwi sa Pilipinas para masilayan ang pinapangarap nitong lugar na ang Ferrer's Villages of Courts.Ayaw niya naman talaga kung siya ang masusunod. Ayaw niyang iwanan sa mga empleyado ang tambak-tambak niyang office works dahil unfortunately, ayaw niyang dagdagan ang trabaho ng mga ito. Isa na rin si Lyn. Isa sa masugid niyang taga-tulak para magbakasyon dahil marami na 'raw siyang naipon na lakas upang isalba ang buhay ng empleyadong nagtatrabaho sa Prestonsubway.Siguro for once, deserve niya rin ang mag-unwind. Kagaya nga ng sinabi ng kaibigan niyang si Pauleen. And she's enjoying her vacati

  • Chasing You   Kabanata 19

    TUMATAGINTING ANG malalakas na papuri at palakpakan ng mga empleyado sa modelling agency na kinabibilangan niya nang successful na naidinaraos ang fashion week na kung saan ay spotted ang mga gawa niya."Pupwede rin kitang kunin bilang talent Beverly Hernandez dahil maganda ka naman, pang-model ang dating. You should expose yourself more in the elite industry—""No thanks, Eerah. I'm contented with my job."Ngumuso lang ang babae na noon pa siya inaalok sa trabaho na iyon. Si Eerah ang organizer at instant Manager sa modeling agency na pinagta-trabahuan rin niya. Kakatapos pa lang ng trabaho niya sa Prestonsubway kung kaya't dumiretso na siya sa venue kung saan idinaraos ang fashion week.Pauleen was with her at maging ito man ay dismayado rin sa desisyon niyang sa pagiging shareholder at fashion designing lang umiikot ang mundo niya."Sayang ka talaga teh. Ikaw lang yata ang hayagang tumatanggi sa minsanan kong pag-aalok ng trabaho sa mga exotic and rare beauties na kagaya mo.""Ayaw

  • Chasing You   Kabanata 18

    "MA'AM...Kape nyo ho.""Ilapag mo nalang iyan riyan Lyn. Busy pa ako." She was flipping the pages of her unsigned documents nang pakiramdam niya ay may nakamasid pa rin sa kanya. It's Lyn again. "Hindi ka pa ba lalabas?""Pasensya na po ma'am Beverly. Gusto ko lang po kasing pagmasdan ang lifesaver namin. Tatlong taon na ang lumipas pero nandito ka pa rin sa Prestonsubway nakikipagbakbakan sa hudas na kompanyang iyon.""What are you trying to imply Lyn?""Magpapasalamat lang po ako. Atsaka ma'am. Birthday ho ninyo ngayon. Don't you want to rest and celebrate your birthday?"Kumunot ang noo niya. Doon lang niya naalala na sa labis na pag-aatupag niya sa trabaho. Nakalimutan niya na ang kumain sa tamang oras or worst... nakalimutan pa ang araw ng kapanganakan niya. Sandali niyang sinulyapan ang mga unsigned documents pagkatapos ay si Lyn."Mamaya na siguro. Tatapusin ko lang 'to." She too needs to take a break pero ang trabaho niya na mismo ang nag-udyok sa kanya na hindi uso ang salita

  • Chasing You   Kabanata 17

    "MASYADO na namang overpolluted iyang isip mo sa Xander mo eh, o matanong nga pala kita para hindi ka papitiks-pitiks lang riyan.""Ano iyon?" Tanong ni Beverly kay Devon when she had the time visiting her friend's house. Hanggang ngayon ay nakalutang pa rin siya sa ere thinking how Xander confessed to her. Kung may kakayahan lang siyang isapubliko ang pag-amin ng binata sa kanya. Kinontak niya na ang taga-National Television upang maraming tao ang makasaksi.OMG! She's so in love. With Xander Leeyung na love of her life niya."Maayos naman ba iyong si Athena?""Oo nga. E di'ba ay siya ang babaeng napagselosan mo noong araw sa villa ni Xander mismo?" Sang-ayon ni Cris sa patutyabang tanong ni Devon."She's good. And guess what, siya mismo ay sinabi sa'kin...personal iyon ha? Sinabi niya sa'kin na gusto niya ako sa older brother niya."Sumimangot si Cris. "And yet she told you that kissing Xander was natural for her, ano iyon? Incest sila? Si Xander ba ay hinayaan rin ang pinsan niya?"

  • Chasing You   Kabanata 16

    WALA NA siyang mukhang ihaharap sa lahat ng miyembro ng FVC. She would likely drown herself in the seawater to death pero naisip niyang sayang rin ang genes niya kung wala pa siyang maibigay na apo sa mga magulang niya.Hindi niya alam kung paano siya napunta sa villa ni Xander sa mga oras na iyon. Doon lang siya nagmukmok sa isang sulok—particularly sa likuran ng villa ni Xander na punong-puno ng mga bulaklak. Gusto niyang ingudngod ang sarili sa kahihiyan. How dare herself smitten in that difficult situation na talagang kahiya—"Hey Beverly."Nang marinig ang boses ni Athena ay basta nalang siyang nanliit sa sarili. Ito kasi ang naging route cause kung bakit lumalabas ang katarayan niya."What are you doing here? Kanina ka pa hinahanap ni Xander doon. Come on!""Sorry pala kanina—""Ahh that? Kaya ka ba basta nalang nagmukmok rito dahil nahihiya ka?"Tumango siya. Ngayon lang niya na-realized na mabait pala si Athena. Hindi katulad sa unang impresyon niya rito na maldita at gahaman.

  • Chasing You   Kabanata 15

    "I WOULDN'T THOUGHT na magtatagal ka rito kay Beverly.""I am enjoying myself being with her. Ikaw. Kailan mo pa iwawaglit iyang galit mo sa'kin?""Depende sa mood ko.""Come on Cognac...""Tara sa labas. Let's do one on one.""Hindi ako tatanggi sa imbitasyon na 'yan. Tara!" Napangiti si Beverly nang makita si Xander na pabirong inipit ang ulo ng pinsan niyang si Cognac habang pareho ang dalawa na palabas sa main door."Damn it Xander! Bitiwan mo ako, putang-ina ka!"That's exactly what men does after many days not talking each other. Kumbaga parte iyon ng bonding ng mga ito. Nakangisi siyang bumaba ng tuluyan sa sala. At pasimpleng sinilip ang dalawang lalaki sa labas.Nagsusukatan na nang lakas ang mga ito at pareho pang maangas na itinupi ang magkabilang manggas ng suot na t-shirt hanggang braso kung kaya't hindi mapigilan ni Beverly ang mapangiti."Psst, anong ginagawa mo riyan? Mukha kang may masamang binabalak kung makasilip ah!""Ahh, tinitingnan ko lang si Xander at Cognac 'm

DMCA.com Protection Status