Nakangiti ako habang naglalakad papuntang room nila Josh – dala ang naiisip kong plano para makuha ang number niya.
Alam ko naman kasi sa sarili na hindi niya ibibigay iyon dahil masyado talaga siyang sweet pagdating sa akin. Ayoko rin namang basta-bastang kunin iyon sa kanya. I want to make an effort because he deserves it. So that if we will become a couple in the future, he will remember that I try to make an effort for him. Ang nasa isip siguro ng iba ay masyado akong assuming at advance mag-isip ngunit sadyang malakas lang talaga ang fighting spirit ko. Pasimple akong sumilip sa room nila at mabuti na lang ay wala pa silang prof. Basta na lang ako pumasok na mukhang kinagulat ng lahat. Ang kaninang maingay na paligid ay biglang tumahimik. Marahil nagulat silang may bumisitang anghel na tulad ko sa room nila. But of course they should'nt be surprise if I'm visiting their room because my future architect is in their section. I noticed they were all looking at me, even snake named Tamara. Except for Josh. Sa aming dalawa ay tila siya ang babae na sobrang pabebe. But I take it as a challenge. Mas magandang makuha mo ang taong gusto mo dahil pinaghirapan mo. Kesa maging kayo dahil lang sa simpleng gusto niyo ang isa't isa. Where is the challenge? Where is the thrill, right? Kaagad akong lumapit sa puwesto ni Josh kahit na nakalingkis nanaman ang braso ni Tamara sa braso niya. Sarap naman lumambit sa braso mo, Mr. Architect ko, kung hindi lang may ahas na nakakapit sa 'yo. Bigla ay naisip ko na si Tamara talaga ang living proof na ang ahas ay hindi lang nasa gubat dahil nasa room na rin sila. Pinagtaasan ko lang ng kilay si Tamara saka sinalubong ang magagandang pares ng mata ni Josh. Tingin niya pa lang, nakakabuntis na. Kung ganito siguro siya tumingin sa akin kapag mag-asawa na kami ay baka taon-taon may anak kami. "Good morning, honeybunch sweetypie – oops. Josh pala." Peke pa akong tumawa. "What's good in the morning?" si Tamara na siyang sumingit na naging dahilan kung bakit nawala ang ngiti ko. Bitch mode activate. "Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na hindi ka pwedeng sumisingit kapag hindi ikaw ang binabati? O sige, tutal attention seeker ka naman na gustong-gusto atang kinukuha ang atensyon ko. Then, good morning snake named Tamara. Oh iyan ha? Binati na kita. Kawawa ka naman kasi baka walang bumabati sayo sa tuwing umaga." Kita ko ang pagrehistro ng galit sa mukha niya pero agad din iyong naglaho nang bumaling ang atensiyon sa kanya ni Josh. May pag-aalala ang tingin niya para sa ahas na ito. Bakit sa kanya pa siya nag-aalala? Ah right, after all they were friends. But she must learn her place. Kaibigan lang siya. Ako ang future asawa. "Enough, Miss Avery. Ano ba ang kailangan mo at naparito ka?" "Hindi ako naparito para makipag-away," pagbibiro ko. Ngunit nang makitang nagsalubong na ang kilay niya ay nagseryoso na ako. "Hindi ako si Ed Caluag para maging ganyan ang linyahan ko. Nandito lang naman ako para tanungin kong magpapa-load ka ba?" Dahil sa tanong ko ay mas lalo lang nagsalubong ang kilay niya. This is my plan. I will take now my action on one of the three things that I need to do – to get his number. And for me to do that ay kailangan niyang magpa-load sa akin. Hindi ko nga rin alam kung bakit ito ang naging plano ko. It makes no sense, but hopefully it will work. "Hindi ako magpapa-load, Miss Avery. Iyan lang ba ang ipinunta mo rito?" "Sure? Final answer? Do you want to call a friend?" pagbibiro ko pa. Ngunit hindi na niya ako pinagtuunan pa ng pansin, ni maski pagkaabahalang sagutin ang tanong ko lalo na nang kinuha ni Mr. Nerdy ang atensiyon niya. Mukhang may hinahabilin kasi ang prof nila kay Josh. I just shrugged my shoulder. I don't want to disturb him more because he really looks busy right now. Then I realized we already have memories on his house, anyway. Suddenly I remember his room and things that painted by a colored pink. Kahit gustuhin ko mang magpaalam sa kanya kasi aalis na ako pero hindi niya na talaga ako tinapunan ng tingin. Bago pa ako tuluyang makalabas ng room nila ay may lalaking umagaw pa ng atensiyon ko. "Miss pa-load," wika niya. "Hindi ako loader." Pagtataray ko.Bumakas naman ang gitla sa noo niya dahil sa pagsasalubong ng kanyang kilay. "But you asked Gonzales awhile ago if magpapaload siya." "Bakit? Si Josh ka ba? My load is only for him. Lumabas ka kung gusto mong magpa-load." Dire-diretso na akong lumabas at iniwan siyang nakanganga do'n. Naabutan kong nasa katabing upuan ko na si Jam pagkapasok ko sa room namin. Mukhang kanina niya pa ako hinihintay. Gusto ko pa sanang tanungin kung bakit nandito si Ethan kasi hindi naman namin siya kaklase sa subject na ito ngunit hindi ko na lang siya pinansin. Kailangan ko pa kasing mag-execute ng ibang plano para makuha ang numero ni Josh. "Saan ka nanaman galing na babae ka?" Kahit tamad na tamad akong magsalita ay nag-kuwento pa rin ako kay Jam sa kung anong nangyari kanina. Matapos no'n ay nauna pang natawa ang nakiki-usyoso lang na si Ethan. "Grabe ka, Ela. Ikaw na talaga. I never expected that you will do that, huh? Euphrasia Lexus lang ang malakas!" pagbibiro sa akin ni Ethan. "Sige, cheer kita, bebs. More landi to come." gatong pa ni Jam. Talagang pinagkaisahan pa ako ng dalawa. "Bakit kasi hindi mo na lang kunin mismo sa kanya ang number niya? Tutal at wala ka namang hiya." May tunog pang-aasar na sabi ni Jam. "No thanks. I want to make an effort for him." "Effort? At ang effort na naisip mo ay ang kunin ang pera ko sa wallet at mag-load para lang pumunta sa room nila at tanungin siya kung gusto niya magpaload?" dire-diretso niyang tanong na tila walang hingahan. "Iyon na ang effort para sayo? Gaga ka talaga." eksahaderang dagdag niya pa. "Atleast nag-effort."After class ay dumiretso kami ni Jam sa dean's office. Gusto niya kasing mag-apply as a dean lister. Makakatulong kasi ang perang makukuha niya sa scholarship para panggastos namin.
Mabuti na lang at matataas ang mga grades niya at maganda ang naging performance niya sa dating school namin kahit na transferee kami. Kaso sa kasamaang palad ay hindi ako pasok. Hindi ko nga alam kung paano ba ang maging masipag na istudyante. Tamang kopya lang naman ako kay bebs dati. Ni hindi ko nga maintindihan kung paano nagagawa ng mga matatalino na i-maintain ang grades nila. Ilang minuto nga lang akong nakababad sa pagrereview ay halos sumabog na ang utak ko. How come that they survive and maintain their grades on how many years. Buti pa sila nag-aaral nang mabuti, ako mabuti lang. "Ayoko na mag-apply sa scholarship, bebs. Masakit sa ulo." Kinurot naman niya ako sa tagiliran dahil sa sinabi ko. "Magtigil ka nga. Ikaw ang may gusto neto kaya magdusa ka." "Basta ikaw ang bahala sa akin, ha? Pakopyahin mo ako." "Mag-aral ka. Hindi na tayo magkaklase, bebs." "Edi pakopyahin mo na lang ako sa mga subjects na magkaklase tayo." Tumaas pa ang sulok ng labi ko.Sunod na pinuntahan namin ang capitol. Good thing na wala kaming next class. Ayoko nga sanang masyadong lumayo sa school kasi baka ma-miss ako ni Josh. But then I realized, it's for our future. So, he must also suffer waiting for me to come back. "Dala niyo ba ang mga requirements?" tanong ng staff sa capitol na pinagtanungan namin. Kaagad ko namang ibinigay ang report card ko at good moral. Kahit ganito ako ay may good moral naman ako. Matapos niyang suriin ang card ko ay may iniabot siya sa aming mga kailangan pang ipasa. "Pass the requirements then kapag nakumpleto niyo na tatawagan na lang namin kayo for the interview." "Thank you po," magalang kong sagot. Matapos naming makapagpasa ay bumaba na rin kami mula pa sa third floor netong capitol. "Ang gastos naman maging scholar, bebs. Magastos na nga, kailangan ko pang mag-aral." "Nag-aaral ka naman talaga. Ano sa tingin mo ginagawa mo sa school, ha? Ang landiin lang si Josh?" "Ang harsh mo sa akin, bebs." "Totoo naman." Saktong pagkabalik namin sa school ay next class ko na. Hindi ko kaklase si bebs kaya nagpaalam siyang sa library muna raw siya. Mabuti na lang at wala pa ang prof namin pero nandiyan na si Josh. Kaya hindi ko nanaman tuloy maalis ang tingin ko sa kanya. Pinili ko ang puwesto kung saan sa likurang bahagi niya ako naupo. His scent filled my nostrils. Ang bango niya! Ang sarap niyang amuyin at magpakulong sa braso niya. Ayoko pa sanang alisin ang tingin ko sa napakaputi niyang batok pero wala akong choice kasi nandiyan na si Ma'am. Kailangan ko mag-focus sa pag-aaral dahil mukhang focus na focus si crush sa pakikinig nang magsimula na ang discussion. Ngunit sadyang wala talagang pumasok sa utak ko sa lahat ng tinuturo ni Ma'am. Labas lang sa kabilang tenga pero hindi nag-stay kasi lumabas din ito sa kabila kong tenga. Pakiramdam ko ay panig sa akin ang tadhana dahil tila naging mabilis lang ang oras namin nang matapos na magturo si Ma'am at iwanan kami ng magiging assignment namin na kailangang ipasa kinabukasan. Hindi bale at magpapaturo na lang ako kay Jam mamaya pagkauwi. Bago pa umalis si Ma'am ay may hinabilin pa siya na naging daan para mapapalakpak ang tenga ko dahil sa huling sinambit niya. "Who is your class president?" "Ma'am!" Pagtaas ng kamay ni Khryza. "I want to get your classmates' information. Their address, contact numbers. Anyway, here. Nandiyan na lahat ng kailangang ipa-fill-up sa mga kaklase mo." Sa lahat ng sinabi ni Ma'am ay ang pagkuha lang ata sa numero ang nakakuha ng atensiyon ko. "Thank you, papa G! Ang bait mo nanaman sa akin sa araw na ito," mahina kong usal saka ko pa pinagsalikop ang dalawa kong palad. Pagkaalis ni Ma'am ay nag-unahan ang mga kaklase ko sa pagkuha sa form na hawak ni Khryza dahil gusto na nilang makauwi. Samantalang ako ay gusto kong kunin ang form para makuha ang number ni Josh. Kaya nakipagsingitan din ako sa kanila. Tinulak ko pa nga sila saka kinuha ang papel kay Khryza. "Leave it to me, Miss President." Lumawak ang ngising nakapaskil sa labi ni Khryza. May pakiramdam akong alam na niya ang binabalak ko. Ganoon na ba ako kadaling basahin? Ah basta. Dito naka-depende ang pagkuha ko sa numero ng honeybunch ko. Hinintay ko munang matapos ang tatlo kong kaklase bago ko kinuha iyon at nilampasan silang lahat. Halos umangal sila dahil sa ginawa ko. But I don't care. Hinintay ko lang talagang matapos ang tatlo para makadiretso na ako kay Josh. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka huminga nang malalim. Huminto ako sa harap ni Josh saka inilapag sa desk niya ang hawak kong papel. Isang beses niya lang akong sinulyapan saka na nagsulat sa papel. Pagkatapos niya ay muli niyang ibinalik sa akin ang papel saka na niya isinukbit ang kanyang bag. "Good bye, honeybunch. Ingat sa pag-uwi ha. Huwag mo akong pag-alalahanin, ha? Say hi to my father-in-law for me," malawak ang ngiting sabi ko sa kanya na hindi naman niya inabalang sagutin. Ni hindi na nga niya ako nagawang lingunin. Kaagad kong kinuha sa bulsa ng palda ang phone ko saka ko kinuhanan ng litrato ang number na nakalagay sa information niya. Pagkatapos ay hinayaan ko na ang mga kaklase kong agawin sa akin ang papel. I completed first thing on my list – to get his number.It's already 10pm when I checked my phone. Ngunit hindi ko pa rin magawang makatulog. Titig na titig pa rin ako sa number ni Josh. I'm contemplating if I'll message him or not. Bigla ay napaisip ako."Paano kaya kung loadan ko na lang siya?" tanong ko sa sarili saka napangiti. "Yeah right! Iyon na lang."Saglit ko lang sinilip kung mahimbing na talaga ang tulog ni bebs. Mabuti na lang likod niya ang nakaharap sa akin at mukhang malalim na talaga ang paghinga niya. Para makasiguro ay sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya kung saan may kiliti siya. Ngunit ni hindi man lang siya gumalaw kahit bahagya.When I make sure that I wouldn't wake up Jam, I turned my gaze back to my cellphone then dial * 143#. I followed the instructions on how to share my load through gcash kay crush. When I received a confimation text then without thinking twice, I immediately hit the send 'YES.'Napangiti ako saka ibinaba na ang
Nagmamadali na akong matapos ang resume na tinitipa ko sa laptop dahil kanina pa ako napi-pressure kay Jam. Ngayon kasi namin balak maghanap ng part time job tutal naman at half day kami. Kanina pa natapos ang klase. Mas nauna nga lang siya sa akin na umuwi kaya tapos na ang resume niya."Aalis na talaga ako."Pinaikot ko naman ang dalawa kong mata. Wala na akong oras para makipag-asaran pa sa kanya. Kanina pa ako nahihirapan magtipa sa laptop na ito at hindi ako sanay. Wala naman kasi kaming dinalang mamahaling bagay bukod sa phone namin. Iniwan namin lahat ng mga luho namin sa dating bahay. Kaya heto, second hand lang na laptop ang gamit ko na ibinigay sa amin ni Kuya Al. Hindi naman na raw niya kasi ginagamit kaya ibinigay niya na lang sa amin.Naiunat ko na lang ang braso ko nang sa wakas ay natapos ko na rin. I reread my resume then when I feel contented, tinanggal ko na ang OTJ ko sa laptop. Ipapa-print ko na lang ito kay Kuya A
Halos malalaglag naman ang mga panga nila dahil sa sinabi ko."Oh mga panga niyo, pakipulot," pagdugtong ko pa saka sila pinagtaasan ng kilay."A-ate, pasensiya na. Akala po kasi namin single pa si kuya," sabi ni chinita girl na may maikling buhok sa kanilang apat."Kaya maraming namamatay sa maling akala eh. Kahit single or taken man ang isang tao ay hindi niyo sila pwedeng kunan ng litrato lalo na kung wala namang permiso na galing sa kanila. Makakasuhan kayo."Pilit kong inisip kung anong republic act iyon pero hindi ko talaga maalala. Hindi pa nakakatulong na naghihintay sila sa sasabihin ko. Sabi na nga ba at maganda lang ako at hindi matalino, e."Ah basta. Bawal siyang kuhanan ng litrato."Mabilis naman silang nagsipagtanguan sa sinabi ko. Good girls!"Sige na at burahin niyo na ang mga pictures ng boyfriend ko riyan sa cellphone n
Tinanghali na ako ng gising at kung hindi pa ako magmamadali ay paniguradong mala-late na talaga ako.Mas maaga ang pasok sa akin ni bebs at ang bruha hindi man lang ako ginising o kahit man lang lutuan ako ng umagahan. Kaya ang ending, heto at nagtatakbo na ako papalabas ng apartment habang may tangay-tangay na tinapay sa bibig ko.Nang padaan na ako sa printing shop nila Kuya Al ay sandali akong tumigil. Napansin ko kasing nakatayo sa labas si Kuya Jay habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Saka ko lang napansin na mainit pala ngayon ang panahon. Kaya naman pala medyo tagaktak ang pawis ko sa noo kahit na kaliligo ko lang naman."Good morning, Kuya Jay."Mukha siyang nagulat sa presensiya ko. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha, dala marahil ng init talaga ng panahon. Mestiso kasi si Kuya Jay. Habang si Kuya Al naman ay moreno."Good morning, Lexus. Late ka na ata."Naging que ko iyon
After class ay nakatambay nanaman kami ni Jam dito sa corridor na madalas daananan ni Josh. Mula kasi no'ng encounter namin kanina ay hindi niya man lang ako sinulyapan kahit na lantaran na ang pagtingin ko sa kanya.Ilang beses din akong dumaan kanina sa labas ng room nila ngunit tila wala talaga siyang pakialam sa akin. Tulad na lang nang wala akong pakialam kay Tamara kahit na binabato niya ako ng masamang tingin."Nandiyan na si Josh," bulong sa akin ni bebs.Hinigit ko talaga siya kanina papunta rito. May balak sana siyang mag-stay sa library after class pero syempre wala siyang magagawa dahil hinila, I mean hinatak ko talaga siya.Kaagad kong ibinaling ang atensiyon ko sa grupo ng mga architects na padaan na rito sa puwesto namin ni Jam. Masasabi kong walang maitatapon sa kanilang lima. Ngunit nakatutok talaga ang atensiyon ko sa lalaking nagmamay-ari ng kulay green na mga mata."Ang
Kaagad namutla ang mukha ko nang bumaba sa slacks niyang napunit ko ang tingin ko. Kaagad kong tinanggal ang kamay ko saka do'n ko pa lang nakitang nakasuot siya ng pink na boxer. Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang tawanan at bulungan ng mga istudyante. Halos lahat sila inaasar si Josh kasi pink ang suot niyang boxer. Nakagat ko na lang ang labi ko nang maalalang pink nga pala ang favorite color niya. Ngunit bigla ay nakaramdam ako ng inis sa lalaking nasa gilid lang namin nang sabihin niya ang salitang 'bakla.' Mukhang senior namin siya pero wala na akong pakialam. "It doesn't make him less a guy just because he is wearing a pink boxer. Kaya huwag mo siyang tatawaging bakla. That's not the basis for a person to be called a real man. At hindi mo kina-cool ang pagtawa mo, kuya." Bawat salita ko ay may diin at halos isigaw ko iyon sa harapan niya. Natigilan naman lahat ng tawanan at bulungan na naririnig ko kanina. Wala na akong ibang marinig kung hind
Wala sa sariling sinipa-sipa ko ang bottled mineral water na pinag-inuman ko kanina.Katatapos lang ng part time job ko sa coffee shop ni Miss Chloe, pero magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa tamang huwisyo – kahit no'ng nagtatrabaho ako kanina. Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari. Umuwi akong bagsak ang balikat kahapon dahil ni hindi ko man lang nakausap si Josh."Aray!"Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses na iyon. Halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto na mukhang napalakas ata ang pagsipa ko sa bottled mineral water. Dali dali kong dinaluhan si Dwight na ngayon ay sapo sapo ang noo."Look! Mukhang nagkapasa ata ako," aniya na yumuko pa para mapantay sa mga mata ko ang noo niya.Nakagat ko na lang ang labi ko nang makitang namumula ang parteng tinamaan ko."Sorry. Hindi ko naman kasi alam na may matatamaan.""Paano pala kung ba
Taas ang noong lumabas ako ng comfort room at dumiretso sa gitna ng dance floor. Hanggang ngayon ay nagsasayaw pa rin silang dalawa. Napangisi ako at nagkunwaring naghi-head bang.Hindi pa siguro nila matukoy na ako ito dahil medyo naging dim ang ilaw ng bar. Napangisi ako nang tuluyan kong mapalayas si Tamara at ngayon nga ay ako na ang nakayakap kay Josh.Nagulat na lang kaming dalawa nang tutukan kami ng spotlight. Pero hindi na iyon mahalaga sa akin ngayon. Balak niya pa sana akong bitawan pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakakunyapit ko sa leeg niya.Ano 'yon? Pwede niyang isayaw si Tamara tapos ako hindi?"What do you need this time, Miss Avery?""Nothing. I just want to dance with you. And..." itinigil ko sa ere ang sinasabi ko saka inilapit ko ang labi ko sa tenga niya. Mabuti na lang at nakasuot ako ng heels kaya abot ko siya hangga
JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.
Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong
Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.
I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam
I'm busy looking on the couple outside. I can see their smiling faces. It feels like they are both excited for their wedding preparations. While I'm here, the last day of my pretending. I suddenly raised my hand and look at my engagement ring.Alam kong napagkasunduan na namin ito kahapon ni Sean na tanggalin. Ngunit sa huling pagkakataon ay pareho namin iyong isinuot para sa plano kong gagawin mamaya. "Miss Calderon." Kaagad akong napalingon sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan sa akin. Sa tantiya ko ay siya ang babaeng wedding organizer na binabanggit sa akin ni Sean. "Do you want to consult about your wedding plans?" Kaagad akong napatayo saka nginitian siya at tumango. "I'm Cindy," pagpapakilala niya. I reached for her hand, then we both gave each other a handshake. "Let's talk about your wedding plans there. Come and I'll gu
Natulala naman siya sa mga sinabi ko. Ngunit bigla ay napaisip ako.. mahal pa nga kaya ako ni Josh gayong sinikreto ko mula sa kanya ang aking pagkatao? "By looking at you it seems that you are not really sure about his feelings for you. Hija, Sean is always there for you. He is your childhood friend, right? Even he does not tell us, I know that he is hurting. It pains him knowing that you love someone else, hija. Sean is a good guy. You two are suited for each other." Umiling-iling lang naman ako saka sumandal sa balikat niya. "Hindi ko kontrolado ang puso ko, dad. Hindi ko kayang diktahan ito sa kung sino ang dapat kong mahalin." Napangiti ako nang maalala ang childhood memories namin ni Sean. Ngunit nang maalala ko ang mga panahon na nakasama ko si Josh ay mas lalo akong napangiti at alam kong mas masaya ako sa mga panahon na nakasama ko siya. "At sa sitwasyon namin ni Sean, he is just my friend. Pl
Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko nga alam kung mahimbing na nga ba iyon. Baka nga ilang oras lang akong nakatulog dahil ramdam ko ang bigat ng aking ulo.Ilang araw na nga ba akong ganito?"Young lady, pinapasabi po ng inyong Lolo na kung ayaw niyo raw pong lumabas ng inyong silid ay mas mainam na kumain kayo kahit kaunti lang."Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay mas pinili kong maupo saka sumandal sa headboard ng kama."Then tell him that I don't want to. Pakisabi na rin sa kanya na mas mainam na rin kamong mamatay ako kaysa sundin kung anong gusto niya," naghihinagpis kong sagot."B-but ma'am–""Just go! Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong ikaw mismo ang mapagbuntungan ko ng galit."Nayakap ko na lang aking tuhod nang marinig ang yabag niyang papaalis na. Napabuntong-h