Share

CHAPTER 6

last update Huling Na-update: 2021-11-29 08:42:11

Mabuti na lang at abala ang mga istudyante sa loob ng kani-kanilang classroom kaya walang nakatambay ni isa man sa corridor. Kung hindi ay mapag-uusapan akong nababaliw na dahil sa pagkausap ko sa aking sarili.

Napabuntong-hininga na lang ako at wala sa sariling bumalik sa room namin. Nagulat pa ako nang maabutang naroon pa rin si Khryzia – ang presidente ng klase namin. Ngunit mukhang paalis naman na siya.

"Uy pres, saan punta mo?"

Bigla akong napaisip. Medyo obvious ata ang sagot sa tanong ko. Natural pauwi na siya dahil uwian na. Ang gaga mo talaga, Euphrasia Lexus!

"Tamang-tama ang tanong mo, Lex. Pwede bang pakihatid itong handouts sa bahay nila Josh? Nagmamadali kasi ako at may lakad pa kami ni boyfie."

Napapalakpak naman sa tuwa ang tenga ko. Isa itong magandang balita.

Ang bait mo naman ata ngayon sa akin papa G!

"Don't worry, nandiyan na ang address ng bahay nila. Thank you, Lex! Isa kang dakilang anghel na hulog ng langit," tatawa-tawa niya pang dugtong sa sinabi saka na siya lumabas ng room.

Sumalubong kaagad sa kanya ang jowa niya at ito na ang nagdala sa bag niya. Bago pa sila tuluyang mawala sa paningin ko ay lumingon pa ulit sa akin si Khryzia. "Pakisigurado na lock lahat ng pinto, Lex. Pati bintana, ha? Paki-check na lang din ang dalawang aircon. Salamat and good luck!"

Ang daming bilin, ha? Pasalamat siya at mabait ako dahil maganda ang araw na ito sa akin ngayon.

Napatalon-talon pa ako dahil sa tuwa saka na nagmamadaling kinuha ang bag ko. Pagkatapos kong magawa lahat ng ibinilin sa akin ni Khryzia ay lumabas na ako nang tuluyan sa room at naglakad na papalabas ng university. Hinawakan kong mabuti ang papel kung saan nakasulat ang address ni honeybunch sweetypie. Mahirap na at baka tangayin ng hangin. Sayang iyon kapag nagkataon.

Napangiti ako nang malapad nang makarating na ako sa bahay nila Josh. Ngayon lang ako nakatapak dito. Nang minsan kasing sundan ko siya para alamin kung saan ang bahay niya ay inilihis niya ako ng daan. Hinayaan ko na lang kasi baka kailangan niya rin ng privacy. Ngunit ngayon ay may dahilan na talaga ang pagpunta ko.

Huminga muna ako nang malalim saka na nag-doorbell. Napanganga pa ako nang tila may isang anghel na ibinaba sa langit para makilala ko ang siyang bumungad sa akin. Ayos na sana ang lahat kung hindi lang siya sumimangot bigla.

"Good afternoon, honeybunch sweetypie. My ultimate crush."

Napahalukipkip siya saka sumandal sa gate nila. "Anong kailangan mo?"

"Ikaw. Ikaw ang siyang kailangan ko sa buhay ko."

Akmang pagsasarhan na sana niya ako ng gate kung hindi ko lang naharang ang katawan ko.

"Masyado ka namang seryoso. Sige ka at maaga kang tatanda niyan. Okay lang naman sa akin, kung ako ang kasama mong tatanda."

Nang walang makuhang sagot sa kanya ay sinabi ko na ang totoo kong pakay. "May pinapahatid kasi sayo si pres. Huwag kang mag-assume, hindi ko siya pinilit. Pero syempre pipilitin ko siya kapag ayaw niya. Malakas ka sa akin eh!" ani ko pa sabay abot ko sa kanya ng mga handouts na hawak ko.

Magsasalita pa sana siya nang may biglang tumabi sa kanya na isang matangkad na lalaki. Ang bata ng hitsura niya. Sa hinuha ko ay nakakatandang kapatid siya ni Josh. Ang kaibahan lang, hindi sila pareho ng kulay ng mga mata. Kunsabay, natural na iyon sa magkakapatid.

"H-hello po. Kuya ka po ba ni honeybunch sweetypie my ultimate crush ko po? Sorry po kung madaldal po ako. Kaklase ko po pala siya," saglit kong binitin ang sinasabi.  "sa iilang subject nga lang."

Kunwaring nahihiya pa ako sa harap niya. Kasi kung kuya talaga siya ni crush, aba at kailangan kong maging dalagang pilipina. Chance ko na ito para makuha ko sa kanila ang kamay ni Josh.

"Nag-alala po kami kasi hindi siya pumasok, lalong-lalo na po ako," patawa-tawang dugtong ko pa.

Naiiling naman niyang inabot ang kamay ko nang ilahad ko iyon sa harapan niya. "Mukha lang talaga sigurong bata ako, hija. But I'm his father."

Nagulat naman ako sa rebelasyon na iyon. Literal na nalaglag ang panga ko. Pupulutin ko na sana iyon sa semento pero na-realize ko na mukhang nakakabit pa naman ito sa mukha ko.

Biglang bumilis ang pintig ng aking puso nang ma-realize kong kaharap ko na ngayon ang magiging soon to be father-in-law ko. Agad akong napatalikod saka inamoy kung mabaho ba ang hininga ko. Nang mapagtanto na mukhang mabango pa naman iyon ay pinunasan ko na lang ang nagpapawis kong mukha. Baka kasi ma-turn off si father-in-law kapag oily face ang magiging manugang niya. Nang makuntento ay doon ko pa lang ulit siya hinarap.

"Nice to meet you, father-in-law!"

Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang biglang pamumula ng mukha ni Josh habang nanlaki naman ang mga mata ni father-in-law pero maya-maya lang ay tumawa na rin siya.

"You're cute. What's your name?"

"Euphrasia Lexus Avery po, your future-daughter-in-law."

Tila napaisip naman siya pero ang pagtatangka niya ulit na pagsasalita sana ay naudlot nang biglang sumingit sa usapan namin si honeybunch sweetypie, my ultimate crush.

"It's almost late na rin pala, dad. Ihahatid ko na po siya."

Bigla na lang niya akong hinila kaya hindi na tuloy ako nakapagpaalam pa kay father-in-law.

Wrong timing ka, crush. It's my time to shine na sana.

Ngunit kaagad na umakyat ang kilig sa sistema ko nang mapansing magka-holding hands pala kami ni crush kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya. Chance ko na ito, ka-HHWW ko na siya.

"Ikaw crush ha, duma-damoves ka na. Hindi mo na lang kasi sabihin sa akin na gusto mo kong ka-holding hands at pagbibigyan naman kita eh."

Napanguso na lang ako nang bigla niyang bitawan ang kamay ko saka dumistansiya sa akin.

"Ingat sa pag-uwi," malamig niyang pagpapaalam pero kinilig pa rin ako.

Syempre mag-iingat ako.. para sa future nating dalawa.

Pakiramdam ko ay tila ang bilis ng oras. Kung alam ko lang ay sana binagalan ko ang paglalakad. Nakasimangot na pinagmasdan ko ang nakahilerang mga tricycle. Ngunit masaya na rin ako na inihatid niya ako mula rito.

"Kuya pakiingatan na lang po ang babaeng iyan. Kapag may nangyaring masama sa kanya ay alam ko na kaagad kung sino ang magiging prime suspect."

Nasapo ko na lang ang pisngi nang makita ang takot sa mukha ni manong driver. Tuluyan na rin akong sumakay sa loob ng tricycle nang si Josh na mismo ang nagpumilit sa akin na pumasok na. Napangiti pa ako nang nakaharang ang isang kamay niya sa bubong ng tricycle – marahil ay iniingatan niyang huwag mauntog ang ulo ko roon.

Tinanaw ko pa ang pigura ni Josh hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa paningin ko.

Kaugnay na kabanata

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 7

    Excited akong pumasok kinabukasan dahil nakita ko sa schedule ni Josh na magkaklase kami sa first period. Ngunit naglaho rin ang sayang nararamdaman ko nang bumungad sa akin ang hindi okupadong pwesto niya."Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya pumapasok. Hindi kaya may sakit pa rin siya? Ganoon ba talaga kalala ang naging halikan namin noong Friday? Ano siya, Matteo Do lang ang peg? Bawal mahaluan ng laway ng iba, genern?" nakasimangot kong bulong sa aking sarili."Wala nanaman si Josh? Kaya pala nakabusangot ka," si Jam na tumabi sa akin habang ako ay nakatingin pa rin sa pwesto dapat ni Josh.Ibinaling ko sa kanya ang tingin saka ko siya kinurot sa kanyang tagiliran nang pagtawanan niya ako. "Hindi ka nakakatulong."Natahimik lang kaming dalawa nang dumating na ang prof naming mala-balyena ang katawan. Kaagad kaming naupo ni Jam sa proper seat namin which is magkatabi lang kami. Bigla ay nagkatinginan kaming dalaw

    Huling Na-update : 2021-11-29
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 8

    "Bakit bigla kang natahimik?"Nagkibit-balikat ako saka na tumayo. Pati siya ay hinila ko na rin patayo. "Saan ang kuwarto mo?"Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka nagpatiuna sa paglalakad. Habang ako ay nakasunod lang sa likuran niya. Hanggang sa huminto siya sa kulay pink na pinto. Bigla ay napakunot-noo ako.Hindi kaya may kapatid siyang babae at kuwarto niya itong pinuntahan namin? Kung gano'n man, agad kong kukunin ang loob ng kapatid niyang babae para siya ang maging tulay sa pagmamahalan namin ng honeybunch ko. Napahagikgik ako sa naisip.Binuksan niya ang pinto at nang akmang papasok ako ay bigla siyang pumihit paharap sa akin saka niya iniharang ang kanyang kamay sa hamba ng pintuan."Umuwi ka na.""Ayoko. I'll stay here with you. Aalagaan kita para sigurado akong makakapasok ka na."Bumallik nanaman ang pagkakakunot ng

    Huling Na-update : 2021-11-29
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 9

    Nakangiti ako habang naglalakad papuntang room nila Josh – dala ang naiisip kong plano para makuha ang number niya.Alam ko naman kasi sa sarili na hindi niya ibibigay iyon dahil masyado talaga siyang sweet pagdating sa akin. Ayoko rin namang basta-bastang kunin iyon sa kanya. I want to make an effort because he deserves it. So that if we will become a couple in the future, he will remember that I try to make an effort for him.Ang nasa isip siguro ng iba ay masyado akong assuming at advance mag-isip ngunit sadyang malakas lang talaga ang fighting spirit ko.Pasimple akong sumilip sa room nila at mabuti na lang ay wala pa silang prof. Basta na lang ako pumasok na mukhang kinagulat ng lahat. Ang kaninang maingay na paligid ay biglang tumahimik. Marahil nagulat silang may bumisitang anghel na tulad ko sa room nila. But of course they should'nt be surprise if I'm visiting their room because my future architect is in their section.&nb

    Huling Na-update : 2021-11-30
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 10

    It's already 10pm when I checked my phone. Ngunit hindi ko pa rin magawang makatulog. Titig na titig pa rin ako sa number ni Josh. I'm contemplating if I'll message him or not. Bigla ay napaisip ako."Paano kaya kung loadan ko na lang siya?" tanong ko sa sarili saka napangiti. "Yeah right! Iyon na lang."Saglit ko lang sinilip kung mahimbing na talaga ang tulog ni bebs. Mabuti na lang likod niya ang nakaharap sa akin at mukhang malalim na talaga ang paghinga niya. Para makasiguro ay sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya kung saan may kiliti siya. Ngunit ni hindi man lang siya gumalaw kahit bahagya.When I make sure that I wouldn't wake up Jam, I turned my gaze back to my cellphone then dial * 143#. I followed the instructions on how to share my load through gcash kay crush. When I received a confimation text then without thinking twice, I immediately hit the send 'YES.'Napangiti ako saka ibinaba na ang

    Huling Na-update : 2021-11-30
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 11

    Nagmamadali na akong matapos ang resume na tinitipa ko sa laptop dahil kanina pa ako napi-pressure kay Jam. Ngayon kasi namin balak maghanap ng part time job tutal naman at half day kami. Kanina pa natapos ang klase. Mas nauna nga lang siya sa akin na umuwi kaya tapos na ang resume niya."Aalis na talaga ako."Pinaikot ko naman ang dalawa kong mata. Wala na akong oras para makipag-asaran pa sa kanya. Kanina pa ako nahihirapan magtipa sa laptop na ito at hindi ako sanay. Wala naman kasi kaming dinalang mamahaling bagay bukod sa phone namin. Iniwan namin lahat ng mga luho namin sa dating bahay. Kaya heto, second hand lang na laptop ang gamit ko na ibinigay sa amin ni Kuya Al. Hindi naman na raw niya kasi ginagamit kaya ibinigay niya na lang sa amin.Naiunat ko na lang ang braso ko nang sa wakas ay natapos ko na rin. I reread my resume then when I feel contented, tinanggal ko na ang OTJ ko sa laptop. Ipapa-print ko na lang ito kay Kuya A

    Huling Na-update : 2021-11-30
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 12

    Halos malalaglag naman ang mga panga nila dahil sa sinabi ko."Oh mga panga niyo, pakipulot," pagdugtong ko pa saka sila pinagtaasan ng kilay."A-ate, pasensiya na. Akala po kasi namin single pa si kuya," sabi ni chinita girl na may maikling buhok sa kanilang apat."Kaya maraming namamatay sa maling akala eh. Kahit single or taken man ang isang tao ay hindi niyo sila pwedeng kunan ng litrato lalo na kung wala namang permiso na galing sa kanila. Makakasuhan kayo."Pilit kong inisip kung anong republic act iyon pero hindi ko talaga maalala. Hindi pa nakakatulong na naghihintay sila sa sasabihin ko. Sabi na nga ba at maganda lang ako at hindi matalino, e."Ah basta. Bawal siyang kuhanan ng litrato."Mabilis naman silang nagsipagtanguan sa sinabi ko. Good girls!"Sige na at burahin niyo na ang mga pictures ng boyfriend ko riyan sa cellphone n

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 13

    Tinanghali na ako ng gising at kung hindi pa ako magmamadali ay paniguradong mala-late na talaga ako.Mas maaga ang pasok sa akin ni bebs at ang bruha hindi man lang ako ginising o kahit man lang lutuan ako ng umagahan. Kaya ang ending, heto at nagtatakbo na ako papalabas ng apartment habang may tangay-tangay na tinapay sa bibig ko.Nang padaan na ako sa printing shop nila Kuya Al ay sandali akong tumigil. Napansin ko kasing nakatayo sa labas si Kuya Jay habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Saka ko lang napansin na mainit pala ngayon ang panahon. Kaya naman pala medyo tagaktak ang pawis ko sa noo kahit na kaliligo ko lang naman."Good morning, Kuya Jay."Mukha siyang nagulat sa presensiya ko. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha, dala marahil ng init talaga ng panahon. Mestiso kasi si Kuya Jay. Habang si Kuya Al naman ay moreno."Good morning, Lexus. Late ka na ata."Naging que ko iyon

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 14

    After class ay nakatambay nanaman kami ni Jam dito sa corridor na madalas daananan ni Josh. Mula kasi no'ng encounter namin kanina ay hindi niya man lang ako sinulyapan kahit na lantaran na ang pagtingin ko sa kanya.Ilang beses din akong dumaan kanina sa labas ng room nila ngunit tila wala talaga siyang pakialam sa akin. Tulad na lang nang wala akong pakialam kay Tamara kahit na binabato niya ako ng masamang tingin."Nandiyan na si Josh," bulong sa akin ni bebs.Hinigit ko talaga siya kanina papunta rito. May balak sana siyang mag-stay sa library after class pero syempre wala siyang magagawa dahil hinila, I mean hinatak ko talaga siya.Kaagad kong ibinaling ang atensiyon ko sa grupo ng mga architects na padaan na rito sa puwesto namin ni Jam. Masasabi kong walang maitatapon sa kanilang lima. Ngunit nakatutok talaga ang atensiyon ko sa lalaking nagmamay-ari ng kulay green na mga mata."Ang

    Huling Na-update : 2021-12-01

Pinakabagong kabanata

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 60 (FINALE)

    JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 59

    Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 58

    Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 57

    Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 56

    Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 55

    I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 54

    I'm busy looking on the couple outside. I can see their smiling faces. It feels like they are both excited for their wedding preparations. While I'm here, the last day of my pretending. I suddenly raised my hand and look at my engagement ring.Alam kong napagkasunduan na namin ito kahapon ni Sean na tanggalin. Ngunit sa huling pagkakataon ay pareho namin iyong isinuot para sa plano kong gagawin mamaya. "Miss Calderon." Kaagad akong napalingon sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan sa akin. Sa tantiya ko ay siya ang babaeng wedding organizer na binabanggit sa akin ni Sean. "Do you want to consult about your wedding plans?" Kaagad akong napatayo saka nginitian siya at tumango. "I'm Cindy," pagpapakilala niya. I reached for her hand, then we both gave each other a handshake. "Let's talk about your wedding plans there. Come and I'll gu

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 53

    Natulala naman siya sa mga sinabi ko. Ngunit bigla ay napaisip ako.. mahal pa nga kaya ako ni Josh gayong sinikreto ko mula sa kanya ang aking pagkatao? "By looking at you it seems that you are not really sure about his feelings for you. Hija, Sean is always there for you. He is your childhood friend, right? Even he does not tell us, I know that he is hurting. It pains him knowing that you love someone else, hija. Sean is a good guy. You two are suited for each other." Umiling-iling lang naman ako saka sumandal sa balikat niya. "Hindi ko kontrolado ang puso ko, dad. Hindi ko kayang diktahan ito sa kung sino ang dapat kong mahalin." Napangiti ako nang maalala ang childhood memories namin ni Sean. Ngunit nang maalala ko ang mga panahon na nakasama ko si Josh ay mas lalo akong napangiti at alam kong mas masaya ako sa mga panahon na nakasama ko siya. "At sa sitwasyon namin ni Sean, he is just my friend. Pl

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 52

    Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko nga alam kung mahimbing na nga ba iyon. Baka nga ilang oras lang akong nakatulog dahil ramdam ko ang bigat ng aking ulo.Ilang araw na nga ba akong ganito?"Young lady, pinapasabi po ng inyong Lolo na kung ayaw niyo raw pong lumabas ng inyong silid ay mas mainam na kumain kayo kahit kaunti lang."Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay mas pinili kong maupo saka sumandal sa headboard ng kama."Then tell him that I don't want to. Pakisabi na rin sa kanya na mas mainam na rin kamong mamatay ako kaysa sundin kung anong gusto niya," naghihinagpis kong sagot."B-but ma'am–""Just go! Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong ikaw mismo ang mapagbuntungan ko ng galit."Nayakap ko na lang aking tuhod nang marinig ang yabag niyang papaalis na. Napabuntong-h

DMCA.com Protection Status