Share

CHAPTER 4

last update Last Updated: 2021-11-27 15:15:23

Pakiramdam ko ay na-drain ang utak ko sa araw na ito. Kung sine-swerte nga naman, matapos naming gumawa ng financial statements kanina ay math naman ang next class namin.

I really don't hate math kasi alam kong parte na iyan ng everyday lives natin. Ngunit sadyang nakakadugo lang talaga ng utak. Kaya nang hinila ako ni Jam papuntang comfort room ay nagpatianod na lang ako. Tila ako isang papel na hila-hila niya ngayon.

"Bebs, mag-clubbing tayo ngayon."

Tila naman nagising ang diwa ko sa sinabi ni Jam. Abala na siya ngayon sa pagreretouch sa mukha niya.

"What? Nagtitipid tayo, Jam. Kailangan pa nga nating maghanap ng part-time job para matustusan ang mga pangangailangan natin. Ano ka ba!"

Medyo tumaas ang tono ng boses ko na siyang ikinairap niya.

"Bigay naman ni tito itong perang gagastusin natin. Promise, this will be the last time," katwiran niya pa.

Mas lalo lang ata akong nakaramdam ng inis dahil sa isinagot niya. "At talagang tinanggap mo ang perang binigay ni dad?" saka ako nameywang sa harapan niya.

Hinarap naman niya ako saka tinapik sa balikat. "Huwag kang magalit. Promise, first and last na ito. Saka pareho naman tayong magtatrabaho."

Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng aking d****b. "Hindi ako sasama. Wala akong dalang extra'ng damit."

"Okay lang naman ang suot mo."

Humarap ako sa salamin at sinipat ko ang suot kong spaghetti strap na pinatungan ko ng kulay pink na long sleeve. Pinaresan ko ito ng isang fitted jeans at saktong naka stilletos ako. Sinuklay-suklay ko lang ang mahaba kong kulot na buhok gamit ang kamay ko saka pinagmasdan ang earrings na regalo sa akin ni mommy noong debut ko. Ngayon ko na lang ulit ito nasuot.

Hinanap ko sa bag ko ang hair clip ko saka ko iyon inilagay sa buhok ko at isinuot ko na rin ang salamin na wala namang grado — for style lang.

Matapos kong makapag-ayos ay saka ko binalingan ng tingin si Jam. Literal na nalaglag ang panga ko dahil ngayon ko lang siya nakitang nakalugay ang buhok. Bata pa lang kasi kaming dalawa ay sanay na siyang palaging nakatali ang buhok niya. Ngunit mukhang nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon.

Ang buong akala ng mga taong nakapaligid sa amin ay magkapatid kami ni Jam. Hindi rin kasi nagkakalayo ang height naming dalawa. Sa unang tingin ay aakalain mo talagang iisang tao lang kami kung hindi lang dahil magkaiba ang buhok namin ay aakalain na talaga ng iba na ganoon nga ang kaso.

Kulot kasi ang buhok ko na namana ko kay mommy, habang tuwid na tuwid naman ang mahabang buhok ni Jam na ngayon nga ay sa wakas, nakita ko na ring nakabagsak na at hindi na nakatali. Mayroon din akong nunal sa ibaba ng labi ko na nakatulong sa iba para makitang may pagkakaiba talaga kami ni Jam.

Pumasok lang sandali si Jam sa isa sa mga cubicle at lumabas siyang nakaayos na. Nakasuot siya ng white sando na pinatungan niya lang ng isang itim na blazer. Pati curve at shape ng katawan ay halos parehas din talaga kaming dalawa.

Pagkalabas namin ng university ay may nag-aabang na sa amin na van. Kulay pula iyon at halatang kagagaling lang ng car wash.

May isang babaeng maganda ang kumaway kay Jam kaya ko nakumpira na kasama namin sila sa lakad. May tatlong babae at tatlong lalaki ang sakay ng van kasama na pati ang driver. Mukhang mga kaklase ni Jam kasi hindi pa man umiinit ang pagkakaupo namin ay nagdaldalan na sila. Akala ko maiilang ako sa kanila ngunit laking pasasalamat ko na lang at madadaldal silang lahat.

Sa bawat pagtawa ko ay napapansin kong panay ang tingin sa akin ng isang lalaki na siyang nagmamaneho. Kapag napapansin niyang napapatingin ako sa kanya ay kaagad siyang umiiwas ng tingin. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin lalo na nang nakarating na kami sa isang bar. Mukhang puntahan talaga ito ng mga kabataang gustong makalimutan lahat ng stress na nangyayari sa buhay nila.

Malakas na tugtog ang sumalubong sa aming lahat pagkapasok. Kaagad dumapo ang tingin ko sa dancefloor dahil mukhang nagkakasiyahan na ang mga tao roon. Nakakaindak naman kasi talaga ang tugtog na pumapailanlang ngayon.

Malapit lang ang napili naming table sa DJ na siyang nagbibigay ng good vibes sa buong bar. Niloko pa nga namin si Charity – isa sa mga kaklase ni Jam na kasama namin ngayon dahil boyfriend niya pala ang DJ na iyon. Hinayaan namin siyang sandaling pumunta sa boyfriend niya at naghiyawan kami nang m********n silang dalawa. Matapos no'n ay bumalik na ulit siya.

Ang kaninang kasiyahan sa table namin ay unti-unting tumahimik dahil medyo nabawasan na rin kami dahil ang iba ay nasa gitna na ng dance floor. Hanggang sa sumapit pa ang ilang oras na kaming dalawa na lang ni Jam ang naiwan dito sa table. Mukha kasing gaya ko ay wala rin siya sa mood na sumayaw.

Inaya pa nga ako no'ng lalaking nagmamaneho kanina ng van na napag-alaman kong Dwight pala ang pangalan. Ngunit hindi ko pinaunlakan ang imbitasyon niya kaya napilitan tuloy siyang maghanap ng ibang kasayaw.

"Gwapo si Dwight," bigla ay komento ni Jam habang pinagmamasdan si Dwight na ngayon ay nagsasayaw ngunit ang mga mata ay nanatiling nakapako sa table namin.

I choose to remain silent and just drink the cocktail drink that Dwight ordered for me. Naipikit ko na lang ang mata ko nang humagod ang mapait na lasa no'n sa lalamunan ko.

"Bebs..."

I turned my gaze to Jam, who is now look drunk.

"Bakit?"

"Ayaw mo ba kay Dwight?"

My forehead furrowed because of what she asked.

"Papayag ka ba kung liligawan ka niya?" dugtong niya pa sa tanong niya.

"Alam mo na ang sagot sa tanong mo, bebs. May iba akong gusto."

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Laking pasasalamat ko na lang at mukhang wala na sa dance floor si Dwight at ang babaeng kasayaw niya. Nabalik lang ako sa ulirat nang may tumabi sa akin. Nakangiting si Ethan ang siyang bumungad sa akin paglingon ko.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya nang malapitan. Singkit pala ang mga mata niya. Dahil sa patuloy kong pagmasid sa kanya ay napansin ko na may nakalagay na panyo sa kanyang noo. Kung hindi ko lang talaga siya kilala ay aakalain kong palagi siyang naghahamon ng gulo, dahil na rin may pagka-bad boy ang datingan ng hitsura niya.

"Ang gwapo ko, noh?"

Alam kong nagbibiro lang si Ethan kaya inirapan ko na lang siya.

"Bakit ka nandito?" si Jam na mukhang may tama na talaga.

Hindi ko maiwasang tingnan ang reaksyon ni Ethan. Gaya ko ay mukhang nagulat siya nang pasadahan niya ng tingin ang nakalugay na buhok ni Jam.

"Binabantayan ko ang kapatid ko." Turo niya sa isang babaeng may kayakap na lalaki sa dance floor.

Kinailangan ko pang paliitin ang mga mata ko para makumpira ko kung siya nga talaga iyon. At halos malaglag ang panga ko nang makumpira ko ngang si Mara ang tinutukoy na kapatid ni Ethan. Si Mara na tahimik lang sa klase namin.

"S-sino ang kasama niya?" Alam kong obvious naman na ang sagot pero hindi ko pa rin maiwasang maitanong.

"Boyfriend," simpleng sagot ni Ethan.

Hindi na ako nagulat pa nang lumipat siya sa tabi ni Jam at nag-uumpisa nang magtalo ang dalawa dahil pinagbabawalan na niya itong uminom pa.

Mula sa pagtingin kila Jam ay muli kong ibinalik ang tingin sa gawi ni Mara. Hindi ko maiwasang mamangha. Tinalo pa ako ng isang mahinhin at tahimik kung kaklase. Single ako samantalang siya ay taken na.

Magiging taken din pala ako kapag sinagot na ako ni Josh. Napahagikgik na lang ako sa naisip.

Maya-maya pa ay may narinig akong isang pamilyar na tinig. Matinis iyon at pakiramdam ko ay galing sa isang malanding babae. Kaya lumagpas ang tingin ko kila Ethan at Jam na ngayon ay para nanamang aso't-pusa na nagbabangayan.

Hindi ko naiwasang mapasinghap nang makita ang isang pamilyar na tao, ilang table lang ang layo mula sa amin.

"Josh," tila bulong lang iyong lumabas sa aking labi.

Kanina pa kaya sila naroroon?

Bigla ay uminit ang ulo ko nang makitang katabi niya si Tamara. Kung makalingkis siya sa Joshua ko ay para siyang isang ahas na nakapulupot sa kanyang biktima. Paminsan-minsan pa ay humihilig siya sa d****b ni Josh at kunwaring may ibubulong sa tenga neto na nagpapatawa naman sa huli.

Dahil sa senaryong nakita ko ay sunod-sunod kong nainom ang iba pang cocktail drinks na nasa table namin. Pati nga ang in-order na hard drinks ni Ethan ay ininom ko na rin. Ngayon tuloy ay dalawa na kaming sinusuway niya.

Kaysa sa magmukmok dito sa table namin ay napagpasyahan kong magpunta sa gitna ng dance floor. Umaalon-alon na ang paligid ko ngunit nakayanan ko pa ring makapaglakad hanggang sa gitna ng dancefloor.

Doon ay inilabas ko ang pagseselos at frustration na nararamdaman. May mga iilang binata na rin ang lumalapit sa akin. Nag-aagawan pa nga sila para lang makasayaw ako. Hanggang sa may maramdaman akong yumakap sa may bandang tiyan ko na siyang hinayaan ko lang. Ngunit nang maramdaman kong medyo tumataas na ang paghaplos niya ay bahagya akong natigilan.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang mawala na ang tao sa likurang bahagi ko. Ngunit maya-maya lang ay may pumalit sa puwesto niya. Pamilyar sa akin ang amoy ng kanyang pabango. Hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin dahil pumailanlang na ang isang mabagal na musika. It was hot and sexy music. Kaya nag-iba rin ang naging galaw ko. Bigla ay naging responsive ang katawan ko.

Naramdaman ko na lang na inikot ako ng kung sino at ipinaharap sa kanya. Napasinghap ako nang sumalubong sa akin ang parehong berdeng mga mata na nagpapatibok ng puso ko. It was owned by the man who saved me... three years ago.

My body seems to have a mind of it's own. I tiptoed and kiss him. His lips parted slightly, probably because it shocked him. But after a minute, he answered my kisses. I smiled when I pulled my lips away from him and he chased it, but I blocked my finger between our lips so that he would never kiss me again. Napangisi ako nang mapagmasdang nakasuot siya ng hood ngayon – just like when we first met.

Unti-unti akong lumayo sa kanya at naglakad paalis sa gitna ng maraming taong nagsasayawan. Bumalik ako sa table namin.

"Lex, mabuti at nandito ka na. Ipapaalam ko sanang iuuwi ko na itong pinsan mo. Tingnan mo at knock-out na."

Kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo saka kinuha ang bag ni Jam. Mula roon ay inilabas ko ang susi ng apartment saka ibigay iyon kay Ethan. Sinabi ko rin sa kanya ang daan papuntang apartment naming dalawa.

Nang muling maramdaman ang pagkahilo ay naupo akong muli.

"Ikaw ba? Gusto mo bang sumabay na sa amin?"

Mabilis akong umiling saka ikinumpas ang aking kamay. "Naku! Hindi na, Ethan. Kaya ko pa naman. Mag-commute na lang ako."

"Are you sure? Balikan na lang kaya kita. Umalis na rin kasi sila Dwight kaya wala na sa labas ang van."

"I'm fine, Ethan. Take her home. Mag-iingat, ha?"

Tumango lang naman siya saka na binuhat si Jam. Hanggang sa tuluyan ko na silang hindi nakita. I was about to close my eyes when I felt someone sat beside me. He was still catching his breath when I looked at him. Binalewala ko lang siya saka isinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest ng couch.

Naramdaman ko na lang na hinila niya nang bahagya ang ulo ko at ipinatong iyon sa kanyang balikat. Napangiti ako nang maamoy ang pamilyar niyang pabango.

"Josh," ang huling nasambit ko bago ako mawalan ng ulirat.

Related chapters

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 5

    Sobrang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko kinabukasan. Parang pinupukpok ang ulo ko. Mukhang nasobrahan yata ako ng inom kagabi.Sapo-sapo ang aking noo nang maupo ako sa kama. Gano'n na lang ang pagngiti ko nang maalala kung anong nangyari kagabi. Mula sa aking noo ay bumaba ang kamay ko sa aking labi nang maalala ang halikang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Josh. Naghatid iyon ng bolta-boltaheng kiliti sa aking tiyan, sabayan pa nang biglang pag-iinit ng aking pisngi. Kinuha ko ang isang unan saka doon nagtitili. Tila nawala bigla ang sakit ng ulo ko dahil sa alaala kagabi.Na-realize ko na ipinaparamdam sa akin ni Josh na tila wala lang ako sa kanya. Ngunit dahil sa nangyari kagabi ay tila nagkaroon muli ako ng pag-asa.Nagambala ng tunog na nagmumula sa cellphone ko ang malalim kong iniisip. When I checked who texted me, I received messages from my dad and mom asking me how am I. Nakangiti akong nagtipa ng men

    Last Updated : 2021-11-28
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 6

    Mabuti na lang at abala ang mga istudyante sa loob ng kani-kanilang classroom kaya walang nakatambay ni isa man sa corridor. Kung hindi ay mapag-uusapan akong nababaliw na dahil sa pagkausap ko sa aking sarili. Napabuntong-hininga na lang ako at wala sa sariling bumalik sa room namin. Nagulat pa ako nang maabutang naroon pa rin si Khryzia – ang presidente ng klase namin. Ngunit mukhang paalis naman na siya. "Uy pres, saan punta mo?" Bigla akong napaisip. Medyo obvious ata ang sagot sa tanong ko. Natural pauwi na siya dahil uwian na. Ang gaga mo talaga, Euphrasia Lexus! "Tamang-tama ang tanong mo, Lex. Pwede bang pakihatid itong handouts sa bahay nila Josh? Nagmamadali kasi ako at may lakad pa kami ni boyfie." Napapalakpak naman sa tuwa ang tenga ko. Isa itong magandang balita. Ang bait mo naman ata ngayon sa akin papa G! "Don't wo

    Last Updated : 2021-11-29
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 7

    Excited akong pumasok kinabukasan dahil nakita ko sa schedule ni Josh na magkaklase kami sa first period. Ngunit naglaho rin ang sayang nararamdaman ko nang bumungad sa akin ang hindi okupadong pwesto niya."Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya pumapasok. Hindi kaya may sakit pa rin siya? Ganoon ba talaga kalala ang naging halikan namin noong Friday? Ano siya, Matteo Do lang ang peg? Bawal mahaluan ng laway ng iba, genern?" nakasimangot kong bulong sa aking sarili."Wala nanaman si Josh? Kaya pala nakabusangot ka," si Jam na tumabi sa akin habang ako ay nakatingin pa rin sa pwesto dapat ni Josh.Ibinaling ko sa kanya ang tingin saka ko siya kinurot sa kanyang tagiliran nang pagtawanan niya ako. "Hindi ka nakakatulong."Natahimik lang kaming dalawa nang dumating na ang prof naming mala-balyena ang katawan. Kaagad kaming naupo ni Jam sa proper seat namin which is magkatabi lang kami. Bigla ay nagkatinginan kaming dalaw

    Last Updated : 2021-11-29
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 8

    "Bakit bigla kang natahimik?"Nagkibit-balikat ako saka na tumayo. Pati siya ay hinila ko na rin patayo. "Saan ang kuwarto mo?"Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka nagpatiuna sa paglalakad. Habang ako ay nakasunod lang sa likuran niya. Hanggang sa huminto siya sa kulay pink na pinto. Bigla ay napakunot-noo ako.Hindi kaya may kapatid siyang babae at kuwarto niya itong pinuntahan namin? Kung gano'n man, agad kong kukunin ang loob ng kapatid niyang babae para siya ang maging tulay sa pagmamahalan namin ng honeybunch ko. Napahagikgik ako sa naisip.Binuksan niya ang pinto at nang akmang papasok ako ay bigla siyang pumihit paharap sa akin saka niya iniharang ang kanyang kamay sa hamba ng pintuan."Umuwi ka na.""Ayoko. I'll stay here with you. Aalagaan kita para sigurado akong makakapasok ka na."Bumallik nanaman ang pagkakakunot ng

    Last Updated : 2021-11-29
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 9

    Nakangiti ako habang naglalakad papuntang room nila Josh – dala ang naiisip kong plano para makuha ang number niya.Alam ko naman kasi sa sarili na hindi niya ibibigay iyon dahil masyado talaga siyang sweet pagdating sa akin. Ayoko rin namang basta-bastang kunin iyon sa kanya. I want to make an effort because he deserves it. So that if we will become a couple in the future, he will remember that I try to make an effort for him.Ang nasa isip siguro ng iba ay masyado akong assuming at advance mag-isip ngunit sadyang malakas lang talaga ang fighting spirit ko.Pasimple akong sumilip sa room nila at mabuti na lang ay wala pa silang prof. Basta na lang ako pumasok na mukhang kinagulat ng lahat. Ang kaninang maingay na paligid ay biglang tumahimik. Marahil nagulat silang may bumisitang anghel na tulad ko sa room nila. But of course they should'nt be surprise if I'm visiting their room because my future architect is in their section.&nb

    Last Updated : 2021-11-30
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 10

    It's already 10pm when I checked my phone. Ngunit hindi ko pa rin magawang makatulog. Titig na titig pa rin ako sa number ni Josh. I'm contemplating if I'll message him or not. Bigla ay napaisip ako."Paano kaya kung loadan ko na lang siya?" tanong ko sa sarili saka napangiti. "Yeah right! Iyon na lang."Saglit ko lang sinilip kung mahimbing na talaga ang tulog ni bebs. Mabuti na lang likod niya ang nakaharap sa akin at mukhang malalim na talaga ang paghinga niya. Para makasiguro ay sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya kung saan may kiliti siya. Ngunit ni hindi man lang siya gumalaw kahit bahagya.When I make sure that I wouldn't wake up Jam, I turned my gaze back to my cellphone then dial * 143#. I followed the instructions on how to share my load through gcash kay crush. When I received a confimation text then without thinking twice, I immediately hit the send 'YES.'Napangiti ako saka ibinaba na ang

    Last Updated : 2021-11-30
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 11

    Nagmamadali na akong matapos ang resume na tinitipa ko sa laptop dahil kanina pa ako napi-pressure kay Jam. Ngayon kasi namin balak maghanap ng part time job tutal naman at half day kami. Kanina pa natapos ang klase. Mas nauna nga lang siya sa akin na umuwi kaya tapos na ang resume niya."Aalis na talaga ako."Pinaikot ko naman ang dalawa kong mata. Wala na akong oras para makipag-asaran pa sa kanya. Kanina pa ako nahihirapan magtipa sa laptop na ito at hindi ako sanay. Wala naman kasi kaming dinalang mamahaling bagay bukod sa phone namin. Iniwan namin lahat ng mga luho namin sa dating bahay. Kaya heto, second hand lang na laptop ang gamit ko na ibinigay sa amin ni Kuya Al. Hindi naman na raw niya kasi ginagamit kaya ibinigay niya na lang sa amin.Naiunat ko na lang ang braso ko nang sa wakas ay natapos ko na rin. I reread my resume then when I feel contented, tinanggal ko na ang OTJ ko sa laptop. Ipapa-print ko na lang ito kay Kuya A

    Last Updated : 2021-11-30
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 12

    Halos malalaglag naman ang mga panga nila dahil sa sinabi ko."Oh mga panga niyo, pakipulot," pagdugtong ko pa saka sila pinagtaasan ng kilay."A-ate, pasensiya na. Akala po kasi namin single pa si kuya," sabi ni chinita girl na may maikling buhok sa kanilang apat."Kaya maraming namamatay sa maling akala eh. Kahit single or taken man ang isang tao ay hindi niyo sila pwedeng kunan ng litrato lalo na kung wala namang permiso na galing sa kanila. Makakasuhan kayo."Pilit kong inisip kung anong republic act iyon pero hindi ko talaga maalala. Hindi pa nakakatulong na naghihintay sila sa sasabihin ko. Sabi na nga ba at maganda lang ako at hindi matalino, e."Ah basta. Bawal siyang kuhanan ng litrato."Mabilis naman silang nagsipagtanguan sa sinabi ko. Good girls!"Sige na at burahin niyo na ang mga pictures ng boyfriend ko riyan sa cellphone n

    Last Updated : 2021-12-01

Latest chapter

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 60 (FINALE)

    JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 59

    Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 58

    Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 57

    Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 56

    Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 55

    I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 54

    I'm busy looking on the couple outside. I can see their smiling faces. It feels like they are both excited for their wedding preparations. While I'm here, the last day of my pretending. I suddenly raised my hand and look at my engagement ring.Alam kong napagkasunduan na namin ito kahapon ni Sean na tanggalin. Ngunit sa huling pagkakataon ay pareho namin iyong isinuot para sa plano kong gagawin mamaya. "Miss Calderon." Kaagad akong napalingon sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan sa akin. Sa tantiya ko ay siya ang babaeng wedding organizer na binabanggit sa akin ni Sean. "Do you want to consult about your wedding plans?" Kaagad akong napatayo saka nginitian siya at tumango. "I'm Cindy," pagpapakilala niya. I reached for her hand, then we both gave each other a handshake. "Let's talk about your wedding plans there. Come and I'll gu

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 53

    Natulala naman siya sa mga sinabi ko. Ngunit bigla ay napaisip ako.. mahal pa nga kaya ako ni Josh gayong sinikreto ko mula sa kanya ang aking pagkatao? "By looking at you it seems that you are not really sure about his feelings for you. Hija, Sean is always there for you. He is your childhood friend, right? Even he does not tell us, I know that he is hurting. It pains him knowing that you love someone else, hija. Sean is a good guy. You two are suited for each other." Umiling-iling lang naman ako saka sumandal sa balikat niya. "Hindi ko kontrolado ang puso ko, dad. Hindi ko kayang diktahan ito sa kung sino ang dapat kong mahalin." Napangiti ako nang maalala ang childhood memories namin ni Sean. Ngunit nang maalala ko ang mga panahon na nakasama ko si Josh ay mas lalo akong napangiti at alam kong mas masaya ako sa mga panahon na nakasama ko siya. "At sa sitwasyon namin ni Sean, he is just my friend. Pl

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 52

    Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko nga alam kung mahimbing na nga ba iyon. Baka nga ilang oras lang akong nakatulog dahil ramdam ko ang bigat ng aking ulo.Ilang araw na nga ba akong ganito?"Young lady, pinapasabi po ng inyong Lolo na kung ayaw niyo raw pong lumabas ng inyong silid ay mas mainam na kumain kayo kahit kaunti lang."Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay mas pinili kong maupo saka sumandal sa headboard ng kama."Then tell him that I don't want to. Pakisabi na rin sa kanya na mas mainam na rin kamong mamatay ako kaysa sundin kung anong gusto niya," naghihinagpis kong sagot."B-but ma'am–""Just go! Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong ikaw mismo ang mapagbuntungan ko ng galit."Nayakap ko na lang aking tuhod nang marinig ang yabag niyang papaalis na. Napabuntong-h

DMCA.com Protection Status