Share

Chasing The Guy Who Saved Me
Chasing The Guy Who Saved Me
Author: iampurplelynxx

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2021-11-02 19:21:33

Gabi na nang makauwi ako dahil sa nangyaring group project. My dad can't pick me up in my school because of a reason that they have a business meeting to attend with my mom.

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko sa batok dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Natatakot ako dahil kaliwa't kanan na ang balitang may nararape sa school namin lalo na't gabi na. Tuloy ay nagsisisi ako na tinakasan ko pa si Hugo kanina.

Nilakasan ko na lang ang aking loob saka dumaan sa alam kong shortcut pauwi sa bahay. Balak ko pa sanang lumingon sa likuran ko kung hindi lang may biglang humila sa akin. Tuluyang umalpas ang luhang pinipigilan ko kanina. Sinubukan kong manlaban sa pamamagitan ng pag-apak sa mga paa niya pero hindi naging sapat iyon para makawala ako sa mga bisig niya.

Ito na nga ba ang katapusan ko? Hanggang dito na nga lang ba talaga ang buhay ko? piping tanong ko sa aking sarili.

"Bibitawan lang kita kung mangangako kang hindi ka sisigaw."

Mabilis akong napailing at muling sinubukang magpumiglas. Alam kong sa mga oras na ito ay wala akong laban sa kanya kung sakali mang gawan niya ako ng masama.

"Don't worry, Miss. Hindi ako masamang tao."

Maya-maya pa ay kumalma na ang naghuhurementado kong puso. Sa hindi malamang kadahilanan ay tila may bumubulong sa akin na ligtas ako sa taong ito. Hanggang sa unti-unti ay tinanggal na niya ang kamay niya sa bibig ko kaya bigla ay napaharap ako sa kanya.

Napanganga ako nang sumalubong sa akin ang kulay berde niyang mga mata. Pati na rin ang makapal at salubong niyang kilay. Hindi ko lubusang maaninag ang buo niyang mukha dahil natatakpan ng mask ang bibig niya. Idagdag pa na nakasuot siya ng kulay itim na hood.

"Dito ka lang. Huwag kang aalis."

Wala sa sariling napatango lang ako. Hanggang sa naupo ako sa puwesto kung saan niya ako iniwan at napadasal na lang nang makipagbuno siya sa kung sino. Sana lang at walang mangyaring masama sa kanya kung hindi ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay. Ipinikit ang aking mga mata at tuluyang umusal ng panalangin. Naimulat ko lang ang aking mga mata nang may kamay na nagtayo sa akin mula sa aking pagkakaupo.

Sumalubong sa aking paningin ang kulay berde niyang mga mata. Tila nagsusumigaw iyon ng pag-aalala. Hanggang sa hindi ko napigilan pa ang sarili ko na tuluyan siyang yakapin. Mukhang nabigla pa siya sa ginawa ko, ngunit maya-maya lang din ay naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap pabalik.

Hindi ko matukoy kung para saan at kanino ang takot na kanina ay nararamdaman ko. Kung para ba ito sa kaligtasan ko o sa kaligtasan ng taong ito?

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha. Ngunit tila natigil iyon at nakaramdam ako ng ginhawa nang maamoy ko ang kanyang pabango. Hindi iyon masakit sa ilong. Tama lang para kumalma ako.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang maramdam ang paghalik niya sa buhok ko.

"Ihahatid na kita sa inyo."

Sunod-sunod akong napatango saka sinundan siyang sumakay sa kanyang motor.  Sa buong biyahe ay nakayakap lang ako sa kanya. Kinailangan ko pang magsinungaling patungkol sa village na tinitirahan ko. Siguro dahil may parte sa akin na sinasabing hindi ko pa rin siya kilala.

"Dito na lang ako," pagbulong ko sa kanyang tenga.

Naging mabilis ang reflexes niyang kinabig ang manibela at hininto ang kanyang motor. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking tuhod ngunit nakayanan ko namang bumaba mula rito.

Nang matanggal ang suot na helmet ay agad ko iyong iniabot sa kanya.

"M-maraming salamat."

Sa muling pagkakataon ay nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ramdam ko ang simoy ng hangin, kasabay ng muling pagbilis ng tibok ng aking puso.

"My pleasure," tugon niya matapos tanggalin ang suot na helmet.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kabuuan ng kanyang mukha nang ibaba niya ang suot na mask. Huminga ako nang malalim saka may kinuha mula sa aking bulsa. Mula roon ay inilabas ko ang isang kapiraso ng kisses chocolate.

"Wala akong maibibigay na kapalit kung hindi ito lang."

Bago pa siya makahuma ay kinuha ko na ang kanyang kamay saka inilagay mula roon ang chocolate. Nagbabalak na sana akong talikuran siya nang may maalalang gawin. Muli ay humarap ako sa kanya, humakbang ng isang beses saka tumingkayad. Naipikit ko ang aking mga mata nang lumapat sa kanyang pisngi ang aking labi.

Narinig ko ang paghugot niya nang malalim na hininga. Doon ko naimulat ang aking mga mata saka tuluyang lumayo mula sa kanya. May ngiti sa labi na tuluyan ko na siyang tinalikuran.

"Hugoooo!!!" pagtawag ko sa assistant ni dad.

"Bakit po, Ma'am?"

Uminom muna ako sa tasa ng kapeng gawa sa akin ni Inday bago siya sagutin. "You know how to sketch, right?"

Kahit naguguluhan siya sa sinabi ko ay napatango-tango na lamang siya. "Good. Magagamit natin ang skills mo."

Hinayaan ko na muna si Hugo sa loob ng opisina ko habang bumaba na ako patungo sa dining area upang sumabay ng kumain kasama ang parents ko.

I gave them both a kiss on their cheeks bago ako maupo sa harapan ni mommy. Hanggang ngayon ay may pag-aalala pa rin sa mga mata nila nang mabalitaan kung anong nangyari sa akin kahapon. Nalaman ko kasing ang isa sa mga ni-reject kong nanliligaw sa akin noon ang siya pa lang bumubuntot-buntot sa akin kagabi.

Walanghiyang hudas na iyon, balak pa akong gawan ng masama.

Hindi na ako nakatiis pang magsalita dahil ramdam ko pa rin ang titig nila sa aking dalawa. "Mom and dad, you don't have to worry about me. Wala namang masamang nangyari sa akin. Heto nga at ligtas akong nakauwi, hindi ba? And I'm thankful because someone saved my life."

Hinawakan naman ni mommy ang magkabila kong kamay. "Namukhaan mo ba siya, hija? Para makapagpasalamat naman tayo sa kanya."

Malapad akong napangiti saka inilabas ang ipinagawa kong sketch kay Hugo. Magaling siya kasi nakuha niya ang buong detalye na sinabi ko sa kanya. At ngayon nga ay nasa opisina ko siya para hanapin kahit saang social media sites ang nasa sketch.

"Opo. Hihilingin ko nga sana sa inyo ni dad na personal ko siyang hahanapin kung saan siya nag-aaral. Balak ko sanang doon lumipat para mas makilala pa siya nang maigi."

Nagkatinginan silang dalawa. Kitang-kita ang palitan nila nang makahulugan na tingin.

"I'll take care of it, sweetie," ani dad.

Napangiti naman ako saka itinuloy na ang pagkain.

Wait for me, my handsome fallen angel.

Ngunit lumipas ang araw, linggo, hanggang sa naging taon pero ni bakas ng anino niya ay hindi namin natagpuan. Desperada na akong mahanap siya. At sa tuwing nabibigo kami ay siya na lang ang ginagawa kong inspirasyon sa pag-aaral.

Hanggang ngayon undecided pa rin ako kung saang university ako magti-take ng exam. Alam ko naman kasing related sa business ang gusto ni Grandpa na kunin kong course. Balak niya pa ngang sa harvard ako mag-aral, pero tumanggi ako.

"Ano nang balak mo, couz?"

Napalingon ako sa pinsan ko na ngayon ay tutok na tutok ang mata sa panunuod sa flat screen TV. Naririto kaming dalawa sa loob ng kuwarto ko.

Napailing na lang ako nang pasadahan ko ng tingin ang suot niya. Nagmumukha siyang bad girl na rock star dahil sa black outfit niya – pati boots ay kulay black din. Kahit anong pigil sa kanya at paalala sa kanya nila tita at tito na maging feminine ay hindi naman sila sinusunod ng pinsan ko.

"Hindi ko pa rin alam kung saang university ako papasok."

"Huwag mong sabihing patuloy mo pa ring hahanapin ang savior mo?"

"Sige. Hindi ko sasabihin."

Pigil ko ang tawa ko nang bumaling siya sa akin at masama na ang tingin. Hanggang sa sabay naming naibaling ang aming tingin sa kapapasok lang na lalaki sa kuwarto ko – si Hugo na ngayon ay may ngisi na sa labi.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya nang makitang masyado nang halata ang eyebags niya sa ilalim ng kanyang mga mata. Siya kasi itong palagi kong kinukulit patungkol sa tagapagligtas ko.

"I have a good news..."

Pati ako ay nahawa na rin sa kanyang ngiti. Madali siyang nagtungo sa kama ko kaya sinundan ko na rin siya. Habang pinatay naman na ng pinsan ko ang flat screen TV. Ramdam ko ang paglundag ng aking puso nang pindutin niya ang isang CCTV footage kung saan nakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

Hindi ko lubusang makita ang buong mukha niya kagaya noong araw na iniligtas niya ako ngunit dahil sa hood na suot niya kaya ko siya nakilala. Pati na rin ang pamilyar na pagtibok ng puso ko ay tila kinukumpirma na siya na nga talaga ang nasa CCTV footage.

"According to the investigator that we hired, he took the exam at that university."

"Are you sure with that information, Hugo?"

"Y – "

Bago niya pa matapos ang balak sabihin ay napatakbo na ako palabas. Mabilis akong tumakbo papuntang opisina ni dad.

"Hija, mag-ingat ka at baka ikaw ay madapa," rinig ko pang sabi ni Manang Inday. "Susmaryosep na batang ito."

Kamuntikan pang matapon ang kapeng iniinom ni daddy dahil sa biglaan kong pagpasok.

"What happened, hija?"

"We already found him, Dad."

Kulang na lang ay maging puso na ang mga mata ko dahil sa sobrang excitement. Halos malaglag naman ang panga ni daddy dahil sa sinabi ko. Dahan-dahan niyang ibinaba ang iniinumang tasa kasabay noon ang pagpasok ni mommy.

"Hinahanap mo pa rin pala siya, hija?"

"Oo naman, dad. Utang ko pa rin ang pangalawa kong buhay sa kanya kaya talagang hindi ako titigil sa paghahanap ko sa kanya."

Napatango naman si daddy na tila nauunawan ang aking sinabi. Kapagkuwan ay sumilay na ang ngiti sa kanyang labi. Lumapit naman sa gawi ko si mommy saka hinaplos ang mahaba kong buhok. "Anong plano mo, hija?"

"Mag-aaral po ako sa university na papasukan niya," determinado kong pahayag.

Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang natakasan ko na sila Hugo. Napangiti pa ako nang mapuntahan muli ang lugar kung saan niya ako iniligtas.

Patuloy lamang akong naglakad hanggang sa hindi ko na namalayang dinala na ako ng aking paa sa isang waiting area para sa mga bus. Kahit hindi ko matukoy ang dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay naupo pa rin ako sa isa sa mga upuang gawa sa kahoy.

Hanggang sa lumipas ang isang oras buhat nang ako ay maupo rito. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Mukhang napag-alala ko na si Hugo. Tiyak ngayon ay ginigisa na siya ni daddy. I was about to stand when suddenly, a bus stopped in front of me. My heart seems like it stops beating. I feel like as if I could see nothing but him.

Sa pangatlong pagkakataon ay nakatitigan kong muli ang kulay berde niyang mga mata. Ramdam kong nanginig bigla ang aking labi nang pasadahan ko ang buo niyang mukha. Tulad noong una naming pagkikita, nakasuot ulit siya ng isang mask at hood. Halos umabot na rin ang kanyang bangs sa dalawang magagandang pares ng kanyang mga mata.

Hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko habang unti-unti nang umaandar ang bus. Napako lang ang tingin ko sa mga mata niya hanggang sa naglaho na siya nang tuluyan sa paningin ko. Naiwan ako kasama ang malakas na pagpintig ng puso ko.

Related chapters

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 2

    Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng High East University kung saan ako mag-aaral."Hindi na rin pala masama na lumipat ako rito sa school ng savior ko. Mukhang maayos naman dito at maganda," hindi ko naiwasang masambit."Bakit kasi pati ako dinamay mo sa balak mong ito?" pagrereklamo ni Jam. Nagdadabog pa siya na animo ay bata habang umaagapay sa paglalakad ko.I just rolled my eyes. "Huwag kang maarte, bebs. Baka gusto mong isumbong ko kay tito ang kaliwa't kanan mong pakikipag-relasyon?"Napanguso naman siya saka kumapit sa braso ko. "Sige at i-blackmail mo pa akong bruha ka."Binusog muna naming dalawa ang aming mga mata sa pagtingin sa kagandahan ng High East habang pinapanuod ang mga istudyanteng nadadaanan namin. Kada may makikitang gwapong lalaki si bebs ay otomatikong pipihit ang leeg niya at susundan ito ng tingin."10 over 10. Grabe, bebs. Hindi na rin pal

    Last Updated : 2021-11-02
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 3

    Matapos ang short quiz ay nagmamadaling umalis si Josh. Bago ko pa man siya matawag ay nakalabas na siya ng room na siyang ikinasimangot ko na lang.Maya-maya lang ay nag-vibrate ang phone ko. Nang kunin ko iyon ay nakatanggap ako ng text mula kay Jam.Bebs: Nasa cafeteria na ako.Hindi na ako nag-abala pang magpadala ng mensahe pabalik sa kanya. Matapos kong maipagtanong sa isa kong kaklase kung saan ang direksyon papuntang cafeteria ay dumiretso na kaagad ako roon.Nakabusangot ang mukha ni Jam nang datnan ko siya sa cafeteria, ilang layo lang mula sa table nila Josh. Hindi pa man umiinit ang pwet ko sa upuan ay nagsimula na siyang magtatalak."Nakakainis na chizwis na iyon. Biruin mo ba naman, bebs? Natawag pa kaming palaman loveteam. I started hating my name."Mababakas ang inis sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Pati dibdib ay nagtataas-baba na rin. Pero kahit

    Last Updated : 2021-11-02
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 4

    Pakiramdam ko ay na-drain ang utak ko sa araw na ito. Kung sine-swerte nga naman, matapos naming gumawa ng financial statements kanina ay math naman ang next class namin.I really don't hate math kasi alam kong parte na iyan ng everyday lives natin. Ngunit sadyang nakakadugo lang talaga ng utak. Kaya nang hinila ako ni Jam papuntang comfort room ay nagpatianod na lang ako. Tila ako isang papel na hila-hila niya ngayon."Bebs, mag-clubbing tayo ngayon."Tila naman nagising ang diwa ko sa sinabi ni Jam. Abala na siya ngayon sa pagreretouch sa mukha niya."What? Nagtitipid tayo, Jam. Kailangan pa nga nating maghanap ng part-time job para matustusan ang mga pangangailangan natin. Ano ka ba!"Medyo tumaas ang tono ng boses ko na siyang ikinairap niya."Bigay naman ni tito itong perang gagastusin natin. Promise, this will be the last time," katwiran niya pa.Mas

    Last Updated : 2021-11-27
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 5

    Sobrang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko kinabukasan. Parang pinupukpok ang ulo ko. Mukhang nasobrahan yata ako ng inom kagabi.Sapo-sapo ang aking noo nang maupo ako sa kama. Gano'n na lang ang pagngiti ko nang maalala kung anong nangyari kagabi. Mula sa aking noo ay bumaba ang kamay ko sa aking labi nang maalala ang halikang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Josh. Naghatid iyon ng bolta-boltaheng kiliti sa aking tiyan, sabayan pa nang biglang pag-iinit ng aking pisngi. Kinuha ko ang isang unan saka doon nagtitili. Tila nawala bigla ang sakit ng ulo ko dahil sa alaala kagabi.Na-realize ko na ipinaparamdam sa akin ni Josh na tila wala lang ako sa kanya. Ngunit dahil sa nangyari kagabi ay tila nagkaroon muli ako ng pag-asa.Nagambala ng tunog na nagmumula sa cellphone ko ang malalim kong iniisip. When I checked who texted me, I received messages from my dad and mom asking me how am I. Nakangiti akong nagtipa ng men

    Last Updated : 2021-11-28
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 6

    Mabuti na lang at abala ang mga istudyante sa loob ng kani-kanilang classroom kaya walang nakatambay ni isa man sa corridor. Kung hindi ay mapag-uusapan akong nababaliw na dahil sa pagkausap ko sa aking sarili. Napabuntong-hininga na lang ako at wala sa sariling bumalik sa room namin. Nagulat pa ako nang maabutang naroon pa rin si Khryzia – ang presidente ng klase namin. Ngunit mukhang paalis naman na siya. "Uy pres, saan punta mo?" Bigla akong napaisip. Medyo obvious ata ang sagot sa tanong ko. Natural pauwi na siya dahil uwian na. Ang gaga mo talaga, Euphrasia Lexus! "Tamang-tama ang tanong mo, Lex. Pwede bang pakihatid itong handouts sa bahay nila Josh? Nagmamadali kasi ako at may lakad pa kami ni boyfie." Napapalakpak naman sa tuwa ang tenga ko. Isa itong magandang balita. Ang bait mo naman ata ngayon sa akin papa G! "Don't wo

    Last Updated : 2021-11-29
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 7

    Excited akong pumasok kinabukasan dahil nakita ko sa schedule ni Josh na magkaklase kami sa first period. Ngunit naglaho rin ang sayang nararamdaman ko nang bumungad sa akin ang hindi okupadong pwesto niya."Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya pumapasok. Hindi kaya may sakit pa rin siya? Ganoon ba talaga kalala ang naging halikan namin noong Friday? Ano siya, Matteo Do lang ang peg? Bawal mahaluan ng laway ng iba, genern?" nakasimangot kong bulong sa aking sarili."Wala nanaman si Josh? Kaya pala nakabusangot ka," si Jam na tumabi sa akin habang ako ay nakatingin pa rin sa pwesto dapat ni Josh.Ibinaling ko sa kanya ang tingin saka ko siya kinurot sa kanyang tagiliran nang pagtawanan niya ako. "Hindi ka nakakatulong."Natahimik lang kaming dalawa nang dumating na ang prof naming mala-balyena ang katawan. Kaagad kaming naupo ni Jam sa proper seat namin which is magkatabi lang kami. Bigla ay nagkatinginan kaming dalaw

    Last Updated : 2021-11-29
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 8

    "Bakit bigla kang natahimik?"Nagkibit-balikat ako saka na tumayo. Pati siya ay hinila ko na rin patayo. "Saan ang kuwarto mo?"Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka nagpatiuna sa paglalakad. Habang ako ay nakasunod lang sa likuran niya. Hanggang sa huminto siya sa kulay pink na pinto. Bigla ay napakunot-noo ako.Hindi kaya may kapatid siyang babae at kuwarto niya itong pinuntahan namin? Kung gano'n man, agad kong kukunin ang loob ng kapatid niyang babae para siya ang maging tulay sa pagmamahalan namin ng honeybunch ko. Napahagikgik ako sa naisip.Binuksan niya ang pinto at nang akmang papasok ako ay bigla siyang pumihit paharap sa akin saka niya iniharang ang kanyang kamay sa hamba ng pintuan."Umuwi ka na.""Ayoko. I'll stay here with you. Aalagaan kita para sigurado akong makakapasok ka na."Bumallik nanaman ang pagkakakunot ng

    Last Updated : 2021-11-29
  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 9

    Nakangiti ako habang naglalakad papuntang room nila Josh – dala ang naiisip kong plano para makuha ang number niya.Alam ko naman kasi sa sarili na hindi niya ibibigay iyon dahil masyado talaga siyang sweet pagdating sa akin. Ayoko rin namang basta-bastang kunin iyon sa kanya. I want to make an effort because he deserves it. So that if we will become a couple in the future, he will remember that I try to make an effort for him.Ang nasa isip siguro ng iba ay masyado akong assuming at advance mag-isip ngunit sadyang malakas lang talaga ang fighting spirit ko.Pasimple akong sumilip sa room nila at mabuti na lang ay wala pa silang prof. Basta na lang ako pumasok na mukhang kinagulat ng lahat. Ang kaninang maingay na paligid ay biglang tumahimik. Marahil nagulat silang may bumisitang anghel na tulad ko sa room nila. But of course they should'nt be surprise if I'm visiting their room because my future architect is in their section.&nb

    Last Updated : 2021-11-30

Latest chapter

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 60 (FINALE)

    JOSH SIDE STORYBakas ang inis sa mukha ko dahil sa ipinapagawa ni Kuya Lay."Sige na. Iaabot mo lang naman 'to kay Rosie."Si Rosie ang girlfriend ni Kuya Lay. Sa isang private school nag-aaral ang babae. Kumbaga, their relationship is between public and private school.Nag-away kasi ang dalawa kaya ako ang gustong maging tulay ng mokong na 'to. Kagaguhan ba naman kasi niya. Nalaman kasi ni Rosie na may iba siyang kasama kahapon. Kahapon pala dapat ang monthsary nila. Kaya tuloy ngayon ay ayaw makita ni Rosie maski ni anino niya.Sa huli ay wala rin naman na akong nagawa. Sakay ng sarili kong motor ay pinuntahan ko ang school ni Rosie. Maya-maya pa iyon lalabas kaya naghintay pa ako ng ilang oras. Para hindi mabagot ay inabala ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games na kinaaadikan ng mga kaklase ko.Maya-maya lang ay tila may magnet na humihila sa mga mata ko

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 59

    Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo rito sa harapan ng Singapore Flyer. Matapos kasi nang naging usapan namin ni Dwight ay lumibot ako at napadpad sa Marina Bay. Dahil nga malapit lang ang Singapore Flyer mula ro'n ay dumiretso na rin ako papunta rito.Nahawakan ko na lang ang aking leeg dahil magkaka-stiff neck yata ako, matanaw lang ang tuktok neto. Nang magsawa sa pagtingin ay binaba ko na ang mata ko at nabaling iyon sa lalaking ilang layo lang ang pagitan mula sa akin. Kinailangan ko pang paliitan ang mga mata ko para makumpirma kung siya nga ba ang nakikita ko.Ramdam ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang maglakad papalapit sa akin. Tumama sa mukha niya ang ilaw na nagmumula sa Singapore Flyer kaya natutop ko na lang ang aking bibig nang makumpira kong siya na nga ito. Hindi ako nanaginip lang, totoo ko na talaga siyang nakikita.Huminto siya ilang layo lang ang hakbang mula sa akin. May hawak-hawak siyang cardboard.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 58

    Hindi ko naman napigilang mapangiti. "Dwight," pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Lumapit naman siya sa pwesto ko. Ngunit tumigil din ng ilang layo na lang ang pagitan namin para bigyang distansya ang isa't isa. Saka siya may kinuha sa bulsa ng kanyang trench coat. Nang ilabas niya iyon ay doon ko lang nakumpira na gloves pala iyon. Hindi siya nagdalawang-isip na kusa na iyong isuot sa mga kamay ko. "Thank you," aniko matapos niyang maisuot sa akin ang gloves. "Can I talk to you while we are sipping a coffee?" aniya at itinuro pa ang coffee shop na malapit lang mula sa pwesto namin. "Sure," pagtanggap ko sa imbitasyon niya. "Ladies first." Napailing-iling na lang ako nang paunahin niya ako sa paglalakad. Kaagad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng staff doon saka kami binating dalawa ni Dwight. Nakaupo na kami ngayon sa loob netong coffee shop, malapit sa glass wall. Isa kasi ito sa mga spot na paborito ko dahil gustong

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 57

    Matapos kong magbihis ay inabala ko naman ang aking sarili sa paglagay ng make-up sa mukha ko. Pinili ko ang kulay pulang lipstick ko na ibinigay pa sa akin ni Cecil, ang kasamahan ko sa trabaho.Nang makuntento sa aking hitsura ay ang buhok ko naman ang pinasadahan ko ng suklay. Pinag-iisipin ko pa kung anong magiging ayos ng aking buhok, pero sa huli ay hinayaan ko na lamang na nakalugay iyon.Matapos kong makapag-ayos ay sandali akong dumapa sa aking kama saka binuksan ang aking laptop. Hinanap ko sa mga files ang ginawa kong resignation letter kanina. Nang mahanap ay mabilis ko iyong sinend sa gmail ni Mrs. Samaniego. Napagbigay alam ko na kasi sa kanya ang pagbabalak kong mag-resign sa trabaho. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya na bitawan ako, but she respected my decision.I was about to shut down my laptop when suddenly my phone vibrated. Nang tingnan ko iyon ay naka-receive ako ng tawag mula kay Jam. Kahapon niya

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 56

    Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya, dahil iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay baka bigla akong magising sa isang magandang panaginip na ito. Mas lalo lang pinag-igting ng titig niya ang kagustuhan kong manatili sa ganitong posisyon. Na iyong tipong hindi namin maalis ang mata sa isa't isa. Na ngayon ay nasa iisang lugar na ulit kami. Ramdam ko ang init na hatid ng bawat tinging ibinibigay niya. Ginigising no'n ang bawat himaymay ng aking katawan. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya ay binawi ko ang tingin ko sa kanya saka ako naglakad papalapit. Ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa pagitan naming dalawa. "For the last time, I want to see you." Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang sa wakas ay marinig ko na ang boses niya. I miss him so bad. Kahit na nandito na siya sa harapan ko ay pakiramdam ko ay nangungulila pa rin ako sa kanya.

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 55

    I was busy putting make-up and fixing my hair when someone knocked at the door. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko ipihit ang katawan ko paharap sa pinto, saktong pagpasok ni Jam. Malapad akong ngumiti sa kanya saka tumayo at niyakap siya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko. "Everything is going to be fine, bebs. Remember that I am always here for you." Kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin saka sinilip ang mga mata ko. "Oh. Bawal umiyak. Baka masira ang make-up mo." Napailing-iling na lang naman ako sa sinabi niya. "You look good," komento niya saka pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Suot ko ngayon ang biniling white dress ni Sean para sa akin.Maya-maya lang ay sabay na kaming lumabas ni bebs sa dressing room at bumaba sa ikalawang palapag ng hacienda. Kitang-kita ko ngayon ang pagiging abala ng mga maids dahil na rin sa dami ng bisita sa araw na ito. Abala sila sa dam

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 54

    I'm busy looking on the couple outside. I can see their smiling faces. It feels like they are both excited for their wedding preparations. While I'm here, the last day of my pretending. I suddenly raised my hand and look at my engagement ring.Alam kong napagkasunduan na namin ito kahapon ni Sean na tanggalin. Ngunit sa huling pagkakataon ay pareho namin iyong isinuot para sa plano kong gagawin mamaya. "Miss Calderon." Kaagad akong napalingon sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan sa akin. Sa tantiya ko ay siya ang babaeng wedding organizer na binabanggit sa akin ni Sean. "Do you want to consult about your wedding plans?" Kaagad akong napatayo saka nginitian siya at tumango. "I'm Cindy," pagpapakilala niya. I reached for her hand, then we both gave each other a handshake. "Let's talk about your wedding plans there. Come and I'll gu

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 53

    Natulala naman siya sa mga sinabi ko. Ngunit bigla ay napaisip ako.. mahal pa nga kaya ako ni Josh gayong sinikreto ko mula sa kanya ang aking pagkatao? "By looking at you it seems that you are not really sure about his feelings for you. Hija, Sean is always there for you. He is your childhood friend, right? Even he does not tell us, I know that he is hurting. It pains him knowing that you love someone else, hija. Sean is a good guy. You two are suited for each other." Umiling-iling lang naman ako saka sumandal sa balikat niya. "Hindi ko kontrolado ang puso ko, dad. Hindi ko kayang diktahan ito sa kung sino ang dapat kong mahalin." Napangiti ako nang maalala ang childhood memories namin ni Sean. Ngunit nang maalala ko ang mga panahon na nakasama ko si Josh ay mas lalo akong napangiti at alam kong mas masaya ako sa mga panahon na nakasama ko siya. "At sa sitwasyon namin ni Sean, he is just my friend. Pl

  • Chasing The Guy Who Saved Me   CHAPTER 52

    Nagising ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Hindi ko nga alam kung mahimbing na nga ba iyon. Baka nga ilang oras lang akong nakatulog dahil ramdam ko ang bigat ng aking ulo.Ilang araw na nga ba akong ganito?"Young lady, pinapasabi po ng inyong Lolo na kung ayaw niyo raw pong lumabas ng inyong silid ay mas mainam na kumain kayo kahit kaunti lang."Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay mas pinili kong maupo saka sumandal sa headboard ng kama."Then tell him that I don't want to. Pakisabi na rin sa kanya na mas mainam na rin kamong mamatay ako kaysa sundin kung anong gusto niya," naghihinagpis kong sagot."B-but ma'am–""Just go! Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong ikaw mismo ang mapagbuntungan ko ng galit."Nayakap ko na lang aking tuhod nang marinig ang yabag niyang papaalis na. Napabuntong-h

DMCA.com Protection Status