Hindi na ikinagulat ni Kaye na sa isang jewerly shop sila nagpunta ni Nicolas. Pinamimili siya ng binata ng gusto niyang desinyo ng wedding ring pero pabulong na sumagot si Kaye.“Kahit ano na lang di naman mahalaga yan. Alam naman nating wedding for convience tayo kaya wala ring sense yan” sabi ni Kaye.Nakita ng dalaga ang pagkunot ng noo ni Nicolas at ang pagsulpot ng biglaang lungkot pero agad rin n Nawala. Nagturo ng ilang sample ring si Nicolas at pinapili pa rin si Kaye. Namili na lamang si Kaye dahil bigla siyang sinundot na naman ng konsesya ng makita niya ang lungkot sa mukha ni Nicolas.Pinili ni Kaye ang isang simple singsing silver and gold ang design ng kombinasyun. Agad naman iyong inorder ni Nicolas kaya sinukatan na sila ng daliri ni Kaye. Paglabas ng shop at bitbit ni Nicolas ang pares ng singsiing. Akala ni Kaye ay uuwi na sila ng binata bagamat nanghihinayang at gusto pang makasama ang binata ay wala naman na siyang magagawa kung yun lang ang pakay nila sa araw na
“Kaye..?” ulit na tawag ni Nicolas ng hindi pa sumagot ang dalaga. Ewan ni Kaye pero dahil sa tindi ng tibok ng puso niya. Sa grabeng kilig na nararamdaman niya ng sandaling iyon parang pati isip at dila niya aynaninigas.Kaya naman ng tawagin siya ni Nicolas ay nauna niyang nagawa ang tumango tango tango bago niya nabanggit ang "Yes". Pero unang tango pa lamang niya ay lumapad na ang ngiti ni Nicolas na tila nababad sa suka kanina. Agad nitong isinot sa daliri niya ang singsing at agad siyang niyakap. Nang marinig ni Nicolas ang sagot niyang Yes ay walang babalang hinalikan na siya nito.At Diosmiyo, sng halik ni Nicolas ay hindi na lamang dampi hindi na lamang saglit. Malalim , passionate at matagal siyang hinalikan ni Nicolas. Matagal na halos iliyad na nga siya nito. Palakpakan ng mga taong naroroon ang gumambala sa magic na namagitan sa kanila .Napayuko at napasobsob sa diddib ni Nicolas si Kaye ng marealizsed na pinanunuod nga pala sila ngmga tao. Niyakap naman siya ng mahigpit
"The Buencamino Serrano Nuptial"Abala sa buong mansion ng mga Buencamino. Nakagayak na ang ama ni Nicolas na masayang nakikipagpalitan ng kuro kuro sa isang tyuhin ni Nicolas sa pinsan na isa sa mga kinuhang sponsor ng kanyang ama.Pati ang dalawang kapatid na kasama sa entourage. Ang bestfriend ni Nioclas na si Kevin na naging kaklase sa college ang kanyang Best Man.Gabi pa lamang ay puno ng ng tao ang kanilang tahanan bumabaha na ng pagkain at ng alak. Ilan sa angkan ng mga Buencamino ay taga Tarlac kaya ang iba ay doon na sa guest room nagpalipas ng magdamag.Bihis na rin si Nicolas na guwapong guwapo sa kanyang suot na toxedo. Sa totoo lang hindi niya masyadong napag ukulan ng pansin ang detalye ng susuotin basta nakita niyang okay naman. Nang araw kasing iyon na dapat magsusukat siya at pipili ay natuon ang pansin niya sa kasama. Iyon kase ang unang pagkakataong kasama niya si Kaye na hindi siya tinatarayan at totoo naman namang lalo siyang nabighani dito kaya kay Kaye palagi an
Santo Cristo Parish Church.Time: 2:00 Pm Jan 22, 2020Nakatayo na si Nicolas sa dulo ng pasilyo sa ibaba ng altar. Halos puno na ang simbahan. Nasa harapa ang mga abay at sa kabilang row ang mga ninong at ninang. Maging ang alkalde ng kanilang bayan ay naroon.Maganda ang gayak ng simbahan halos palibot iyon ng bulakkal na pinili na sinadya ni Nicolas na puro puti. White roses ang paborito ni Kaye. Bagat maingay at mainit sa loob ng simbahan dah puno ng tao.Si Nicolas ay pinapawisan ng malagkit.Panay ang tanaw ni Nicolas sa saradong pintuan.Ipinanalangin na sana makarating ang babaeng noon pa niya mahal.Sa pagkakatitig niya sa mata ni Kaye ng huling pagkiktia nila matapos niya itong halikan ay wala naman siyang nabasang alinlangan dito. At yun ang kinakapitang pagasa ni Nicolas. Pero panay pa rin ang linga linga ni Nicolas sabay hindi mapakali ang kamay kung isusuksok ba sa bulsa o ilalagay sa likod.May isa pa kase siyang pinangangambahan, si Sheryl. Late na ng sampong minuto ang b
(Ang Vow ni Kaye) Nicolas, Saan man humantong ang lahat ng ito ipinagpapasalamat ko ngayon pa lang ang kaibaitan mo. Alam kong lahat ay ginawa mo at alam ko rin ang obligasytun ko. Mananatili rin akong tapat habang nabubuhay" hinto si Ksye at tumitig kay Nicolas. "Isuot mo rin ang singsing na ito bilang tanda ng akong pangako na aalagaan ka, irerespeto, pagsuko at walang hanggang katapatan.Sa ngalan ng ama ng anak at ng Ispirito santo” Sabi ni Kaye na tila may makahulugan ang ngiti kay Nicolas pero saglit lang at agad ding binawi. Ang titig na iyon ni Kaye ay naging paaisipan kay Nicolas hanggang sa matapos ang kasal. “Sa harap ng dios at ng lahat ng naririto kayo ay pinagbuklod ng ispirito santo. Ang sinumang pinagbuklod ng Dios at hindi maaaring paghiwalayin ng sinuman. Ngayon kayo ay magasawa na humayo kayo at magpakarami. Maari mo nang halikan ang iyong Bride” sabi ng pari na malapad ang ngiti. Dahan dahang itinaas ni Nicolas ang belo ni Kaye upang halikan ang dalaga. Sa p
Nasa malalim na pag iisip s Nicolas ng lumapit sa kanya ang kapatid na si Nigel."Kuya, mahamog na halika na pumasok na tayo sa loob. Doon mo na hintayin si Ate Kaye" sabi ni Nigel.Umiling iling si Nicolas saka tumungga ulit ng beer na kanina pa niya sinimulan."Kuya, tama na yan baka mamaya nag iisip lang yon si ate Kaye o kaya baka nenerbyos lang, alam mo naman minsan may sapak yun di ba alam mo naman minsan may kakaibang mga desisyon yon baka nandyan lang yun sa kabilang bayan o baka meron lang ka batchmate o kaklaseng pinuntahan tapos gustong gusto lang mag isip isip.Ang mahalaga nag aantay tayo at nag aantay ka pagbalik ni ate Kaye, masosolve din natin yan kuya kailangan mo lang tatagan ang loob mo" sabi ni Nigel pero nanatiling walang kibo lamang si Nicolas nakayuko pero patuloy ang pagtungga ng alak.Napapailing na lang si Nigel, naiintindihan niya ang nararamdaman ng kanyang kapatid lalo pa nga at napahiya ito sa maraming tao. Nag iisip din siya kung ano nga ba ang tumakbo sa
Tumawid ngacsi Kaye sa kalsada at tsaka kumatok doon sa malaking bahay na itinuro ng matanda bababe. Malalipas sng tatlong katok. Isang babaeng matangkad na naka curler pa ang buhok at naka make up ang sumalubong sa kanya. "Ano yun?" walang emosyon na sabi ng babae. "Ma'am may nakapagsabi po kasi sa akin ha may bakante raw po dito sa paupahan niyo" "Bakante? naku eh meron nga sana eh kaso hindi ko pa na ipapaayos at wala pa akong sapat na pera, pero aba eh kung magdedeposito ka ng good for five months eh pwede kong ipapaayos yan kung payag ka" sabi ng babae. Kumunot ang noo ni Kaye at biglang nakaisip ng suggestion naku wala po akong biglaang pang limang buwan kung okay po sa inyo na magde deposit po ako ng one month advance one month deposit tapos okay lang po sa akin kung ano man ang sira ng apartment, ang mahalaga po sa akin ay meron po akong matutuluyan dahil bagong salta lamang po ako sa Maynila" sabi ni Kaye. "One month advance? naku, sige o sige payag ako pero one month ad
Dalawang taon ang lumipas“Good morning, Sir, Welcome back po. Kamusta po ang flight nyo?” Tanong ng secretary ng pumasok si Nicolas sa kanyang bagong opisina.“Exhausted and tired, Kamusta kayo dito? Hindi ba pinasakit ni Nigel ang mga ulo nyo” Sabi ni Nicolas.“Hindi naman Sir, mas sakit ng ulo namin ang asawa niya”sabi nito saka sinalubong ang Boss at inayos ang gamit sa hara ng lamesa.“D*mn it, hanggang ngayon ba naman away bati pa rin sila ni Sofie" sabi ni Nicolas.“Hay naku sir, napakasuwerte ng babaeng iyon sa kapatid nyo iwan ko nga ba kung annog nakita ni Sir Nigel doon samantalang marami namang magaganda at karapat dapat dyan sa tabi tabi” sabi nito. Napailing na lamang si Nicolas pero saglit lang.“Sige sir, ito po ang schedule nyo today, inayos naman po ni Sir Nigel ang lahat bago sila umalis ni Ma'am Sofie”“Okay Lena, leave it there. I will take a nap ayoko maistorbo. Make sure na walang gagambala sa akin” Bilin ni Nicolas.Paglabas ng kanyang secretary ay inikot ni Ni
"Papa..!papa!! Sigaw ni Nicolas mula pa lamang sa Veranda. "Papa!Papa!.."patuloy na sigaw ni Nicolas ng makapasok na sa kabahayan.Nadatnan ni Nicolas ang ama na hirap na huminga at kalong ito ni Nigel, samantalang hindi naman magkamayaw ang ama ni Kaye kakapaypay dito.Namumutla na ang ama at tika hindi na makahinga. Umiyak na si Nigel habang kinukumbinsi ang ama na magpadala na sa hospital pero panay ang iling ng kanyang ama. "Papa!!" Malakas na sigaw ni Nicolas damadagondong ito kaya napalingo ang lahat ng naroon. "Anong nangyari?!?" Tanong agad ni Nicolas na agad lumapit sa ama at kay Nigel. "Kanina kuya nahihilo siya at parang nanghihina.Tapos bigla na lang tumirik ang mata kaya tinawagan na kita kahit kabilin bilinan mong wag kang kokontakin.Tapos saglit lang naman ang pagtirik at ganyang na hapos namumutla na at hindi makahigna" Sabi ni Nigel. "Eh bakit hindi mo agad itinakbo sa hospital ha Nigel kahit ayaw niya. matigas ang ulo niyang noon pa dapat binuhat mo na" Sabi ni
Pagod man sa buong maghapon si Kaye dahil sa gawain at mga bagay na ginagawa na hindi naman na niya gawain pero mas pinipilit niyang gawin para malibang. Hanggat maaai ay ayaw niyang umuwi ng mansion dahil ayaw niyang nakikita si Nigel na tisoy version ni Nicolas. Palangiti si Nigel palibhasa may easy go lucky na awra pero kapag seryoso ito ay parang kakambal ni Nicolas at kapag nakikita ito ni Kaye lalo lamang bumibigat ang paki ramdam niya.Matuling lumipas ang dalawang buwan at hindi iyon namalayan ni Kaye dahil sa pagiging abala. Nitong huling linggo kase ay nadadals siyang mahapo at mahilo dahil na rin sa puyat, at pagkawalang ganang kumain. Madalas kakaiwas niyang umuwi ay hind na siyang nakakapag hapunan at nitong mga huling araw ay sunod sunod siyang nagigising ng alanganin dahil sa napapanaginipan niya si Nicolas. Miss na miss na inya ito kaya siguro ganun.Lingid kay Kaye, masid pala siya ni Don Alfonso mula pa noon at nagpapalitan pala ng kuro kuro ang magbalae. “Mukhang
Sising sisi talaga siya sa pagpadalos dalos na ugali niya.Noon pa napakarami na niyang sinasayang na panahon."Kung hindi siya lumayo noon. Kung imbes na tumayo sa kama ay sumiksik na lang siya kay Nicolas at ipinaubaya sa tadhana ang bukas mas maayos siguro. Mas masaya siguro. Pero hindi siya mawawalanng pagasa. Kung galit nga sa kanya ang asawa ay pagdudusahan niya iyon.Maghihntay siya sa Mansion at gagampanan ang obligasyun habang hinihintay na uuwi si Nicolas. Paglabas ni Kaye silid ay napalingon siya sa kanyang kaliwa.Tila kase may kausap si Don Alfonso.Kinabahan si Kaye at umakyat sa ulo ang tuwa. Para siyang biglang lumutang sa alapaap. Humakbang palapit ng silid ng beyanan si Kaye.Papalapit na siya sa pintuan ng marinig niya ang malakas ng tawa ni Don Alfonso sa pagitan ng pagkukuwento at ang malakas din na tawa ng lalaking kausap nito at hindi siya makapaniwala... "Nicolas....!?"Lumuha na lamang si Kaye ng marinig ang boses ng lalaki sa loob.Hindi niya malaman kung kakat
"P-atawad po Don Alfonso hindi na po mauulit at babawi na po ako pangako yan magiging pinaka karapat dapat po akong asawa ni Nicolas.Gagawin ko po ang lahat Patawad po ulit sa pagkakstaon at pangunawa.Maraming salamat po Don Alfonso" Sabi ni Kaye na yukong yuko at maga na ang mata at nguso kaka hagolhol ng iyak. Hindi na niya alam ang tamang sasabihin sa sobrang tuwa."Wala ka namang kasalanan iha nagsabi ka lang ng totoong bigat ng kalooban mo.Hayaan mong tulungan ka naming maghilom.Mas mabilis ang paghilom kung magkatuwang sana kayong parehas na sugatan""Pagibig ang pinakamabisang gamot iha dahil pagibig din ang pinakamalalang sakit""Ayusin mo na ang sarili mo at gutom na ako.Doon tayo mag almusal sa Villa ng ama mo sigurado sarat na ang ilong noon sa gutom. Huwag kang magalala pinainit ko na at ipinahatid ko na doon ang hipon na niluto mo at doon ko na kakainin" Sabi ng Don."Salamat po.. salamat po Don Alfonso""Isa pang Don Alfonso ang marinig ko sa bibig mo, ipakukulong ko ang
Lumuha si Kaye sa lahat ng katotohanan namalas ng sandaling iyon.Sa kagipitan ay naisanla niya ang kaisa isang alaala ng ina. At sa kabugsuan ng kanyang damdamin at pagiging makasarili heto ngayon tulad ng nagawa niya sa ama ay nakalimutan na rin niya pati ang pangakong babalikan ang kuwintas ng ina."Unang una iha patawarin mo ako, totoong ako ang nagpasara ng palaisdaan, pumakyaw ng hipon at nagsabi sa resto na itago ang frozen prawns para hindi ka makahanap, iyon ay para mahirapan ka para malaman at marealized mo na mahirap ibalik ang mga bagay na mawawala" Sabi ng Don habang nakatitig sa kuwintas niya."Gusto kung maintindihan mo na kapag nawalan ng bisa ang kasal ay mahirap ng ibalik ito pati na ang paghilumin ang mga pusong masasktan dahil sa mga padalos dalos na desisyun mo.Gusto ko sanang sabihin sayo na wala akong balak gawin ang request mo pero sinadya kong umoo at hamunin ka para matauhan ka"dagdag ng matanda."Gawa ko rin ang lahat ng nasa silid mo.Ang batang nakausap mo s
"Mag ama nga sila..." Bulong ni Don Alfonso sa sarili habang titig na titig sa magandang manungang na medyo pumayat ata at tila maputla kesa ng nakaraan."M-may kinalaman po ba kayo kung bakit hindi ako makabili sa palengke, kaya po ba parang nakapagtatakang biglang mabilis na naubos ang mga hipon sa palengke gayung maaga pa naman kanina?" kung tutuusin ay hinala na iyon ni Kaye dahil nakakagualt na parang napakamalas naman niya at kung pagbabasihan ang kapanyarihan at koneksiyon ng mga ito ay posible nga.Lalong umiyak sa Kaye sa naisip niyang marahil nga ganun kamuhi sa kanya ang beyanan kaya ginamit pa nito ang kapangyarihan para lamang hindi siya makakuha ng hipon. Pinipigilan ba siya nitong magawa ang kondisyun nito para tuluyan ng mapawalang bisa ang pagiging asawa niya sa anak nitong si Nicolas.Kung sabagay may karapatan naman itong magalit dahil sa hiniling niya ang nakakahiyang bagay na iyon. Hindi siya karapatdapat sa anak nito sa totoo lang.Masyado siyang naging makasarili
Aaminin ni Nicolas na naiintindihan niya si Kaye pero hindi maiwasan ng puso niya ang magdamdam sa asawa. Pakiramdam niya kase sarili lamang ni Kaye ang iniisip nito.Ang sariling sugat, ang sariling guilt Paano siya? may guilt din naman siya dahil hindi niya sinabi ang mga nangyari kay Kaye.Sa takot niyang magbago ang isip ni Kaye noon balak niyang sabihin sana pagkasal na sila"Siya rin naman ay nilalamon ng guilt dahil hindi niya nahanap si Kaye aa loob ng dalawang taon at hindi naging sapat ang pagpapakita niya ng pagmamahal dito noon kaya nag doubt ito sa kanya. Napabayaan niyang naghirap ang asawa sa loob ng dalawang taon.Yyn mabigat din sa konsensya yun. Pero mas lamang ang pagmamahal at pagkamiss ni Nicolas sa asawa at tulad ng payo niya kay Nigel mas dapat lamang ang pagmamahal sa lahat ng bagay"At tulad ni Kaye habang inuunawa niya ang asawa ay paghihilumin din niya ang sarili sa lahat ng sakit at takot na meron siya. Gustuhin man niyang sumugod sa mansion at daanin na lang
"Hoy, Ano iha convincing ba acting ko? tingin mo nakahalata ba ang anak ko?" tanogn ni mang Felix sa batang maid na inilaan sa kanya ng mga Buencamino na palaging bibisita sa kanya para maghatid ng pagkain at umalalay sa kanya."Pwede na rin medyo kulang lang sa luha" sabi ng lalaking biglang lumabas ng kabilang silid."Don Alfonso nariyan po kayo?kanina pa po?" gulat na tanong ng katulong. Hindi niya alam na nakabalik pala ang Don agad."Pero bakit hindi ito nagpakita kay senyorita Kaye? " Naguguluhang tanong ni Lovely pero hindi naisatinig."Oo, bumalik ako kanina lang bago ka maghatid ng hapunan" Sabi ng Don."Ipagtimpla mo muna kami ng kape at may laro pa kaming tatapusin" Sabi ng Don."P-pero sir..kase si Senyorita po ay hinihintay kayo sa mansion kase yung ano po kase.." Nauutal na sabi ng katulong."Ako ng bahala doon.Wag kang magsasalita. Sige linisin mo ung kalat ni Tandang Fidel at baka matuluyang atakihin yan" sabi ng Don."Aatake na talaga ako balae, atat na akong ma che
Hindi naman nakaidlip ng matagal si Kaye, pagdilat niya ay muling napabalikwas ito at agad na bumaba para alamin kung nakauwi na ang biyenan. Nasa dulo na ng baitang si Kaye ng masulyapan niya ang lamesa sa dinning area at kitang kita niyang naroon pa rin ang ulam na hipon at hindi pa nagagalaw. Isa lamang ang kahulugan niyon, hindi pa nakakauwi ang kanyang biyenan.Tumingala si Kaye sa mga silid sa itaas sat sarado naman ang silid ng matanda. Hindi malaman ni Kaye kung naroon na ba ang matanda at sinadyang inabin ang luto niya at ipahiwatig sa kanya na hinid nito tinatanggap ang suhol niya. "Pero iyon ang kondisyun niya? bakit niya iisnabin?" bulong ni Kaye.Humugot na lamang ng malalim na hingina si Kaye at muling naging positibo. Itinanim sa isip na maaaring wala pa ang matanda.At hindi pa naman natatapos ang araw ngayon na taning niya. Bagamat napapansin ni Kaye na tila may kakaiba ngayun dahil halos madilim na sa labas ay wala pa ang matanda.Pagbaba ni kaye sa sala ay wala siy