“Nicolas….! “ gulat na sabi ni Kaye ng ang binata ang mabungaran. Alas Diyes pa ang usapan niya ayun sa pagkakatanda niya kaya gulalt tlaga siya na kumakatok na ito ng ganun kaaga.Sinipat pa ulit ni kaye ang relo dahil baka namalikmata siya pero totoong lagpas pa lang ng alas Siyete ng umaga.“Good Mor......Kaye..!!!" nagulat naman si Nicolas sa Kaye na bumungad sa kanya at sa gulat at pagkataranta ay bigla niyang nayakap ang dalaga. Masasampal siya nito pero nakahanda siya kesa naman pagpiyestahan ng iba ang dapat ay para sa kanya lamang. Ipinagpasalamat ni Nicolas na ganu'n lang ang naging reaction niya at mabilis ang naging reflex niya at hindi siya natulala at tumitig pa doon mismo sa bahaging ikinagulat niya. Dahil kung nagkataon ay lalabas ang dragon sa umagang iyon.“Nicolas ano ba? Sandali lang bitawan mo ako” sabi ni Kaye.“I'm sorry but I can”t, makikita ng driver ko ang kaseksihan mo” bulong ni Nicolas.“What ? hoy! Nicolas ano ba?” sita ni Kaye sa binatang yakap pa rin siy
Hindi na ikinagulat ni Kaye na sa isang jewerly shop sila nagpunta ni Nicolas. Pinamimili siya ng binata ng gusto niyang desinyo ng wedding ring pero pabulong na sumagot si Kaye.“Kahit ano na lang di naman mahalaga yan. Alam naman nating wedding for convience tayo kaya wala ring sense yan” sabi ni Kaye.Nakita ng dalaga ang pagkunot ng noo ni Nicolas at ang pagsulpot ng biglaang lungkot pero agad rin n Nawala. Nagturo ng ilang sample ring si Nicolas at pinapili pa rin si Kaye. Namili na lamang si Kaye dahil bigla siyang sinundot na naman ng konsesya ng makita niya ang lungkot sa mukha ni Nicolas.Pinili ni Kaye ang isang simple singsing silver and gold ang design ng kombinasyun. Agad naman iyong inorder ni Nicolas kaya sinukatan na sila ng daliri ni Kaye. Paglabas ng shop at bitbit ni Nicolas ang pares ng singsiing. Akala ni Kaye ay uuwi na sila ng binata bagamat nanghihinayang at gusto pang makasama ang binata ay wala naman na siyang magagawa kung yun lang ang pakay nila sa araw na
“Kaye..?” ulit na tawag ni Nicolas ng hindi pa sumagot ang dalaga. Ewan ni Kaye pero dahil sa tindi ng tibok ng puso niya. Sa grabeng kilig na nararamdaman niya ng sandaling iyon parang pati isip at dila niya aynaninigas.Kaya naman ng tawagin siya ni Nicolas ay nauna niyang nagawa ang tumango tango tango bago niya nabanggit ang "Yes". Pero unang tango pa lamang niya ay lumapad na ang ngiti ni Nicolas na tila nababad sa suka kanina. Agad nitong isinot sa daliri niya ang singsing at agad siyang niyakap. Nang marinig ni Nicolas ang sagot niyang Yes ay walang babalang hinalikan na siya nito.At Diosmiyo, sng halik ni Nicolas ay hindi na lamang dampi hindi na lamang saglit. Malalim , passionate at matagal siyang hinalikan ni Nicolas. Matagal na halos iliyad na nga siya nito. Palakpakan ng mga taong naroroon ang gumambala sa magic na namagitan sa kanila .Napayuko at napasobsob sa diddib ni Nicolas si Kaye ng marealizsed na pinanunuod nga pala sila ngmga tao. Niyakap naman siya ng mahigpit
"The Buencamino Serrano Nuptial"Abala sa buong mansion ng mga Buencamino. Nakagayak na ang ama ni Nicolas na masayang nakikipagpalitan ng kuro kuro sa isang tyuhin ni Nicolas sa pinsan na isa sa mga kinuhang sponsor ng kanyang ama.Pati ang dalawang kapatid na kasama sa entourage. Ang bestfriend ni Nioclas na si Kevin na naging kaklase sa college ang kanyang Best Man.Gabi pa lamang ay puno ng ng tao ang kanilang tahanan bumabaha na ng pagkain at ng alak. Ilan sa angkan ng mga Buencamino ay taga Tarlac kaya ang iba ay doon na sa guest room nagpalipas ng magdamag.Bihis na rin si Nicolas na guwapong guwapo sa kanyang suot na toxedo. Sa totoo lang hindi niya masyadong napag ukulan ng pansin ang detalye ng susuotin basta nakita niyang okay naman. Nang araw kasing iyon na dapat magsusukat siya at pipili ay natuon ang pansin niya sa kasama. Iyon kase ang unang pagkakataong kasama niya si Kaye na hindi siya tinatarayan at totoo naman namang lalo siyang nabighani dito kaya kay Kaye palagi an
Santo Cristo Parish Church.Time: 2:00 Pm Jan 22, 2020Nakatayo na si Nicolas sa dulo ng pasilyo sa ibaba ng altar. Halos puno na ang simbahan. Nasa harapa ang mga abay at sa kabilang row ang mga ninong at ninang. Maging ang alkalde ng kanilang bayan ay naroon.Maganda ang gayak ng simbahan halos palibot iyon ng bulakkal na pinili na sinadya ni Nicolas na puro puti. White roses ang paborito ni Kaye. Bagat maingay at mainit sa loob ng simbahan dah puno ng tao.Si Nicolas ay pinapawisan ng malagkit.Panay ang tanaw ni Nicolas sa saradong pintuan.Ipinanalangin na sana makarating ang babaeng noon pa niya mahal.Sa pagkakatitig niya sa mata ni Kaye ng huling pagkiktia nila matapos niya itong halikan ay wala naman siyang nabasang alinlangan dito. At yun ang kinakapitang pagasa ni Nicolas. Pero panay pa rin ang linga linga ni Nicolas sabay hindi mapakali ang kamay kung isusuksok ba sa bulsa o ilalagay sa likod.May isa pa kase siyang pinangangambahan, si Sheryl. Late na ng sampong minuto ang b
(Ang Vow ni Kaye) Nicolas, Saan man humantong ang lahat ng ito ipinagpapasalamat ko ngayon pa lang ang kaibaitan mo. Alam kong lahat ay ginawa mo at alam ko rin ang obligasytun ko. Mananatili rin akong tapat habang nabubuhay" hinto si Ksye at tumitig kay Nicolas. "Isuot mo rin ang singsing na ito bilang tanda ng akong pangako na aalagaan ka, irerespeto, pagsuko at walang hanggang katapatan.Sa ngalan ng ama ng anak at ng Ispirito santo” Sabi ni Kaye na tila may makahulugan ang ngiti kay Nicolas pero saglit lang at agad ding binawi. Ang titig na iyon ni Kaye ay naging paaisipan kay Nicolas hanggang sa matapos ang kasal. “Sa harap ng dios at ng lahat ng naririto kayo ay pinagbuklod ng ispirito santo. Ang sinumang pinagbuklod ng Dios at hindi maaaring paghiwalayin ng sinuman. Ngayon kayo ay magasawa na humayo kayo at magpakarami. Maari mo nang halikan ang iyong Bride” sabi ng pari na malapad ang ngiti. Dahan dahang itinaas ni Nicolas ang belo ni Kaye upang halikan ang dalaga. Sa p
Nasa malalim na pag iisip s Nicolas ng lumapit sa kanya ang kapatid na si Nigel."Kuya, mahamog na halika na pumasok na tayo sa loob. Doon mo na hintayin si Ate Kaye" sabi ni Nigel.Umiling iling si Nicolas saka tumungga ulit ng beer na kanina pa niya sinimulan."Kuya, tama na yan baka mamaya nag iisip lang yon si ate Kaye o kaya baka nenerbyos lang, alam mo naman minsan may sapak yun di ba alam mo naman minsan may kakaibang mga desisyon yon baka nandyan lang yun sa kabilang bayan o baka meron lang ka batchmate o kaklaseng pinuntahan tapos gustong gusto lang mag isip isip.Ang mahalaga nag aantay tayo at nag aantay ka pagbalik ni ate Kaye, masosolve din natin yan kuya kailangan mo lang tatagan ang loob mo" sabi ni Nigel pero nanatiling walang kibo lamang si Nicolas nakayuko pero patuloy ang pagtungga ng alak.Napapailing na lang si Nigel, naiintindihan niya ang nararamdaman ng kanyang kapatid lalo pa nga at napahiya ito sa maraming tao. Nag iisip din siya kung ano nga ba ang tumakbo sa
Tumawid ngacsi Kaye sa kalsada at tsaka kumatok doon sa malaking bahay na itinuro ng matanda bababe. Malalipas sng tatlong katok. Isang babaeng matangkad na naka curler pa ang buhok at naka make up ang sumalubong sa kanya. "Ano yun?" walang emosyon na sabi ng babae. "Ma'am may nakapagsabi po kasi sa akin ha may bakante raw po dito sa paupahan niyo" "Bakante? naku eh meron nga sana eh kaso hindi ko pa na ipapaayos at wala pa akong sapat na pera, pero aba eh kung magdedeposito ka ng good for five months eh pwede kong ipapaayos yan kung payag ka" sabi ng babae. Kumunot ang noo ni Kaye at biglang nakaisip ng suggestion naku wala po akong biglaang pang limang buwan kung okay po sa inyo na magde deposit po ako ng one month advance one month deposit tapos okay lang po sa akin kung ano man ang sira ng apartment, ang mahalaga po sa akin ay meron po akong matutuluyan dahil bagong salta lamang po ako sa Maynila" sabi ni Kaye. "One month advance? naku, sige o sige payag ako pero one month ad