Home / Romance / Chasing Ephemerality / KABANATA II ESPERANZA

Share

KABANATA II ESPERANZA

Author: AZ
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

No exact date in 1780, Naglalakad si Marcelo sa gilid ng kalsada, binabagtas ang daan patungong Intramuros. Sa pagpasok niya ng tuluyan sa intramuros, pansin niya ang mga titig na iniuukol sa kaniya ng mga kababaihan. Datapwat hindi gaanong kilala ang kanilang pamilya sa alta sociedad sa kadahilanang ang kaniyang ama ay hamak na alalay lamang ngunit nang dahil sa mabuting paninilbihan ay naging kalihim ng isa sa mayaman at namamayagpag na negosyante. Ang kaniyang kakisigan at angking gandang lalaki ay minsang tinatanaw ng mga dalagang anak ng gobernador at konsehal ang iba nama’y anak ng mga heneral ng espanyol.

Araw ng linggo kung kaya ay maraming tao ang nagsimba at nagnais pumasyal at maglibot libot. Habang isang dalagang anak ng isa sa mga pinuno ng kastila ang nagbabalak tumakas sa kanyang mga bantay at alalay. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang noo na tila  ba’y nasasaktan siya’t nasisilawan sa araw. Nagkunwari itong hindi maganda ang kaniyang pakiramdam na nagdulot ng kalituhan sa kanyang mga muchacha't muchacho.

”Ahhh, naiinitan ako at nahihilo. Lumayo layo muna kayo pagkat hindi ako maka hinga ako ng maayos” habang tinatanggal niya ang hawak ng isa sa kanyang balikat. tinawag ng mga bantay nyang lalaki ang kanilang kalesa at habang nagkakagulo ang kanyang mga bantay at nababalisa ang kaniyang alalay ay dali dali siyang pumuslit palayo sa kanila. Matiim na kinuha ang mga ipit sa buhok at hinayaan itong nakalugay. Tagumpay siya, di magmaliw ang kasiyahan na nadarama sapagkat mararanasan niyang mamili at maglibot ng mag isa gaya ng iba. Pakanta kanta siyang humihele  habang tumitingin sa nagagandahang pulseras at palamuti ngunit may nakapagnakaw ng kaniyang tingin sa bilihan isang angkop na kulay ng bandana para sa kaniyang Ina, natitiyak niyang magugustuhan niya ito.

Habang abot kamay niya na ang bandana ay biglang may nagsalita.

”Magkano ho Mang Tiling’’ at napagtanto niyang nahahawakan narin pala ng Ginoo ang tela. Subalit hindi ito nagpatinag at magsasalita narin sana siya-

“Para po sa kaarawan ni Ina’’ nakangiting wika ng lalaki na nagpalabas ng maliit na biloy nito sa pisngi, lubos niya pa itong tinitigan at napagtanto ang angking kakisigan nito. Isang palaisipan at hindi niya matukoy kung bakit siya nag alay ng oras para pakatitigan ito.

 ”Hijaa, sabi ko’y tinatanong ko sana kung may napupusuan ka sa aking tinitinda?’’ bumalik siya sa kanyang ulirat at napansin ang makahulugang tinging ginugol ng matanda sa kanilang dalawa ng Ginoo, tukoy ang pagkabighani niya.

 ”O-opo”

“Kung gusto mo’y ihahanap kita ng tela sa loob” masiglang wika ng nagbebenta.

“Sana…po’’ matipid siyang ngumiti ng may pagaalinlangan sapagkat nakalakihan niya ng ibang tao ang nagbibigay galang sakanya pero sa kaibuturan ng puso batid niyang lahat ay dapat ginagalang.

“Kung ganun ay mag usap muna kayo dito nere” natatawang sambit ng matanda na nag iwan sa kanilang dalawa. Nasa isip niyang marahil hindi talaga siya napaghahalataan kaya nama’y pinanindigan niyang siya ang nauna’t taas noo siyang nagsalita.

“Bibilhin ko iyon kahit magkano pa” tumingin sa kanya ang binata ngunit nakatingin lamang siya ng diretso sa harap. Nasilayan ang ngiti sa labi ng ginoo.

“Parehas tayo ng nais mangyari binibini”

Halos magkasabay silang tumingin sa matanda nang lumabas ito sa pasilyo.

“Ay patawad binibini sapagkat kahulihulihan ng nais ninyong kulay na lamang pala ito, pero kung iyong nais marami pang kulay na pagpipilian” marahan siyang tumango at nagsalitang muli.

“Kaya kong bayaran kahit magkano, higit o doble pa” nagulat man ang matandang lalaki ay hindi ito sumang ayon.

“Pagkat binibini triple ang pagmamahal ng batang ito sa akin at ganun din naman ako sa kanilang pamilya. Bagkus ang aking binibenta ay upang makakita ng salapi subalit ang pagmamahal ay walang kabayaran”

Ngumiti siya.

“Naiintindihan ko” pinanood niya ang  palitan ng teston kapalit ng tela. Nawari niya sa sariling normal na bagay lamang ang kanilang ginagawa at halos lahat ng tao ay nasasaksihan ito subalit miminsan niya lamang ito nararanasan at kailangan pang sumuway sa magulang at magsinungaling sa mga kasamang alalay. Hindi patas na pagtrato ng lipunan dahil sa uri at antas ng kapangyarihan at salapi.

“Hayaan mo marikit na binibini eh sa bawat magagandang palamuti rito ay magrereserba ako para lamang sayo” akmang tatangihan ng binibini ang alok nito sapagkat batid niyang matatagalan pa o  ito na ang huling beses na magiging pasyal niya rito.

“Hindi na ho kailangan. Sa uulitin, maraming salamat” 

Naunang lumisan ng tienda ang Ginoo kaya naman ay mabilis niya itong hinabol.

“Ginoo, nakikiusap ako, ibigay mo na ang bandana”

Tumawa ang lalaki at kapagkuway itinaas ang dalawang kamay kasama ang bandana.

“Ipinaliwanag ko na binibini, hindi maari pagkat kailangan ko ang bandana” iniling nito ang kaniyang ulo. “kaarawan ng aking Ina at nakikita ko ang pagmamasid niya sa bandanang ito ng may pagnanais” dagdag pa nito.

Magbabayad naman siya sa lalaki sadyang kailangan niya ng permisong ipan dadahilan pagdating niya sa kanilang tahanan. Batid niyang magugustuhan ito ng kaniyang ina at gagawin niya itong panlambing para paliwanagan ng kanyang Mama ang Inaama.

“Heto, magbabayad ako Ginoo” pagaabot niya ng kaniyang perlas na panyeta.

“Aba’y likas na mas maganda at mataas ang antas  nito pag iyong pinambili tiyak mas nanaisin ito ng iyong Ina” pagpatuloy niya habang pilit itong iniaabot sa binata.

“Ipag paumanhin mo binibini, kailangan ko nang umalis atsaka hindi hilig ng aking Ina ang perlas at magagarang palamuti.”

“Hindi ko maintindihan, hindi mo ba nais-“

“Mas hindi ikakatuwa ng Inay kung tatanggapin ko ang inihahandog mo, mas nawawari kong hindi niya nanaisin ang tatlong patong na ibabayad mo. Hihiwalay na ako ng landas sa iyo pagkat hinahabol ang oras ko” Tumalikod ito subalit nagsalita sa mataas na tinig ang dalaga.

“Hinahabol ang oras mo? Hindi mo kasi ako naiintindihan. Isang pagkakamali ang ginawa ko at kailangan mo akong tulungan. Maawa ka Ginoo” hinawakan ng dalaga ang kamay niya bakas sa mga mata ng binibini ang pagsusumamo subalit nanatiling nakatalikod ang Ginoo.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na segundo. Humarap ang binata.

“Halika’t isasakay kita papunta sa tahanan ninyo” pag aakay ng binata sakaniya.  Mukhang naghahanda na sa pagligpit ang  nagtitinda, nagsisimula nang magkulay kahel ang malilim na araw simbolo na mag-aalas kuwatro y media na ng hapon at bago sumapit ang alas singko’y dapat nakapasok na siya sa kaniyang silid.

“Hindi ako ignorante kagaya ng isinasaisip mo binibini. Batid kong mamahalin ang iyong mga payneta” pagsagot nito sa tanong ng kaniyang isipan. Nais niyang sumabat para idepensa ang sarili subalit naisaisip niyang mas konti ang  nalalaman ng lalaki ay mas mabuti, hindi niya kailangang ipaliwanag ang sarili. Pumara ito ng kalesa sanhi para gumapang ang pangamba at pag aalinlangan sa kaniyang puso. Minabuti niyang gawing pangharang ang kaniyang pamaypay at gamiting pangsangga sa kaniyang mukha upang walang makakilala sa kanya ngunit piniligilan ito ng

binata.

 “Kung gagawin mo iyan, ay mas lalo kang makakatawag ng pansin. Magmumukha kang kahinahinala't sa gayon maisip pa nila na ..” may kaunting kirot siyang nadama sa sinambit ng ginoo. Hindi niya tahasang sinabi ngunit batid niya kung ang ibig sabihin.

“May, may may, Pare, amigo” at marahang tinapik ng kutsero ang balikat ng ginoo.

“Ah wala kang kailangan ikabahala binibini, siya’y matalik kong kaibigan, si Alberto” ang kaniyang salita ay naging dahilan upang maging panatag ang aking kalooban. Halos malapit na sa kanilang tahanan ng hilingin ng dalagang dito na siya ibaba. Sandali siyang tinitigan ang binata upang ipawari at mabilis namang nabatid nito ang kaniyang kahulugan. Hindi batid ng dalaga kung paano ngunit umaasa siya at naniniwala siyang mapagkakatiwalaan ang dalawang magkaibigan. Isang makahulugang ngiti ang iginawad ni Alberto at ganun din siya rito.

 “Salamat” Ngunit bago tuluyang makalabas ng kalesa ay sinampay ng binata sa braso ng dilag ang bandana.

 “Marcelo” Pag bigkas ng binata sa kanyang pangalan, muli siyang napatitig sa mga mata ng Ginoo. Tila ang mga ito’y kulay dilim, kasing itim ng uling. Ang siyang pagka itim ng kaniyang mga mata ay siya namang aliwalas ng kaniyang budhi. Ang mga mata nitong kay itim ng dilim na tila ba nagniningning.

“Lubos akong nagpapasalamat Ginoong Marcelo” at inabot ang kanang kamay upang kamayan ito.

“Hanggang sa uulitin Magandang Binibinining…..” kapagkuway sandaling napunta ang mga kamay ng dalaga sa batok nito at mabilis na may ipinagsikop ito sa palad ni Marcelo.

"Esperanza”

Huling salitang narinig ni Marcelo mula sakaniya bago ito lumisan ng karwahe. Binuksan niya ang kanyang palad at nakita ang kwintas na animoy bato, hugis bilog na medyo pahaba kulay asul at siya’y sandaling napatitig sa kaniyang harapan kung saan maaaninag ang karagatan, kulay asul kagaya ng kagandahan ng kalangitan. Sandali niyang tinitigan ang burdadong puting panyo na pinagsidlan ng kwintas na ngayo’y nasa palad niya.

“Binibining Esperanza” mahinang usal ni Marcelo. Ilang sandali pa ay bumaling sa matalik na kaibigan senyales para lumarga na.

Related chapters

  • Chasing Ephemerality   CHAPTER III INNA

    The moment I finished writing the draft on my pad, may naramdaman akong malamig na kamay na pumatong sa balikad ko, I can feel the tingling sensation lalo na ang pagtayo ng balahibo ko. Stuck between sisigaw ba o tatakbo o matatakot- “I love the story, but I think you should give justice to Orpheus. Come on he’s the man, he deserves better than that!” Ahhhhh blue eyes? Si blue eyes ba to? Pinapakiramdaman ko, kilala ko kasi ang boses but it sounded like blue eyes’ sweeter and humbler version. Nilingon ko ang boses ng nagsalita at tumingala ako sa mukha niya, di ko masyadong maaninag but I take a deep breath thinking he wasn’t the Blue-eyed. I smiled as I shone my phone’s light in front of his face to make sure who the voice is coming from- “Remember me? You shouldn’t be here at this hour lady. Time to go library is closing now” He's wearing a cap so I cannot see the upper half of his face but he quickly moves away from the light like it's blindi

  • Chasing Ephemerality   KABANATA IV ESPERANZA

    Nakagayak ng ternong kulay pula na may mga pulu-puting guhit si Esperanza palabas ng kaniyang silid pagkat nasa hinuha niyang panahon na upang pumuntang hapag kainan sapagkat oras na ng tanghalian, nang kaniyang madinig ang tila ba kaluskus ng mga papel na animoy hinampas sa matibay na bagay. Napahinto siya ng saglit at muling maingat na naglakad upang hindi matunog ang ingay na nagagawa ng kaniyang bakya sa tuwing umaapak ito sa kahoy na sahig. Kaniyang napagtanto na hindi na naman maganda ang naging takbo ng kakaganap sa transaksiyon ng kaniyang Inaama. Marahil ay iritable ito ngayon at mainit ang ulo kaya naman kaniyang napag isip isip na ang bisitahin ito at yakagin para kumain ng masarap na sabaw na inihahanda sa tanghalian ay makakatulong na mapabuti ang pakiramdam nito. Kumatok siya “Papa?”Wala siyang narinig na tugon kaya naman napagpasiyahan niyang imbitahan na lamang ang sarili. Ngunit bago pa niya magawang ipihit ang seradura ng kahoy na pinto

  • Chasing Ephemerality   CHAPTER V INNA

    I’m sitting on a bench right now, I'm pretty much aware that these benches around me are located near the canteen kaya maraming estudyante ang palakad lakad na makikita mo sa paligid. Maingay sila palibhasa gutom and I'm sure they’re thankful to get out of a hell of a classroom. May ibang umupo sa katabing benches para dun kumain. Halata naman na nagkakasayahan talaga sila. Pansamantala kong kinuha ang pagtutok ng aking mata sa binabasa ko para luminga linga sa paligid. Hindi na talaga ako maka concentrate dahil sa ingay ng paligid, may nag aasaran, may naghihiyawan sa pagtawag ng mga nakikita nilang kakilala, may naghihimutok sa pagreklamo because her prof is ‘too much’ at bago pa sila magkantahan dito I opened my earphone’s box and put it on. I continued where I stopped reading and twenty minutes later, I can already see the students slowly leaving the benches through my peripheral vision. I figured the next class will be starting habang kalmado lang akong naka upo dun.

  • Chasing Ephemerality   CHAPTER I INNA

    Nanginginig ang aking mga kamay habang tinutipi ko ang sulat pabalik sa kahon. Lumang luma na ito at halatang pinatagal na ng panahon. Medyo confusing ang tula but I was so moved by it, how tragic could it be. Isang kwento ng pag ibig? Para siyang istorya. Siguro kung iba nakabasa neto hindi nila maiintindihan, sabagay sumakit nga ulo ko. Nakakabilis ng pintig ng puso parang libro. Tatayo na sana ako galing sa pagkakaupo’ng Indian sit ng may maramdaman akong malamig sensasyon na dumampi sa aking balat, ang lamig ng hangin. Biglang bumukas ang pinto, mabilis akong lumingon ngunit biglang umikot ang paligid. Lumakas ang hangin at parang may nabuong buhawi. Hindi ako makatayo. Pinaikutan ako nito at di naglaon ay nakulong ako sa loob ng sa tingin ko’y buhawi, hindi ko maintindihan, parang hinihila ako pababa at nililipad rin ako pataas. Iniikot ako ng hangin and I can’t scream for help, no words are able to come out of my mouth. I can’t breathe, the air around me is intoxicatin

Latest chapter

  • Chasing Ephemerality   KABANATA II ESPERANZA

    No exact date in 1780, Naglalakad si Marcelo sa gilid ng kalsada, binabagtas ang daan patungong Intramuros. Sa pagpasok niya ng tuluyan sa intramuros, pansin niya ang mga titig na iniuukol sa kaniya ng mga kababaihan. Datapwat hindi gaanong kilala ang kanilang pamilya sa alta sociedad sa kadahilanang ang kaniyang ama ay hamak na alalay lamang ngunit nang dahil sa mabuting paninilbihan ay naging kalihim ng isa sa mayaman at namamayagpag na negosyante. Ang kaniyang kakisigan at angking gandang lalaki ay minsang tinatanaw ng mga dalagang anak ng gobernador at konsehal ang iba nama’y anak ng mga heneral ng espanyol. Araw ng linggo kung kaya ay maraming tao ang nagsimba at nagnais pumasyal at maglibot libot. Habang isang dalagang anak ng isa sa mga pinuno ng kastila ang nagbabalak tumakas sa kanyang mga bantay at alalay. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang noo na tila ba’y nasasaktan siya’t nasisilawan sa araw. Nagkunwari itong hindi maganda ang kaniyang pakir

  • Chasing Ephemerality   CHAPTER I INNA

    Nanginginig ang aking mga kamay habang tinutipi ko ang sulat pabalik sa kahon. Lumang luma na ito at halatang pinatagal na ng panahon. Medyo confusing ang tula but I was so moved by it, how tragic could it be. Isang kwento ng pag ibig? Para siyang istorya. Siguro kung iba nakabasa neto hindi nila maiintindihan, sabagay sumakit nga ulo ko. Nakakabilis ng pintig ng puso parang libro. Tatayo na sana ako galing sa pagkakaupo’ng Indian sit ng may maramdaman akong malamig sensasyon na dumampi sa aking balat, ang lamig ng hangin. Biglang bumukas ang pinto, mabilis akong lumingon ngunit biglang umikot ang paligid. Lumakas ang hangin at parang may nabuong buhawi. Hindi ako makatayo. Pinaikutan ako nito at di naglaon ay nakulong ako sa loob ng sa tingin ko’y buhawi, hindi ko maintindihan, parang hinihila ako pababa at nililipad rin ako pataas. Iniikot ako ng hangin and I can’t scream for help, no words are able to come out of my mouth. I can’t breathe, the air around me is intoxicatin

DMCA.com Protection Status