Share

CHAPTER 1

Author: Níght
last update Last Updated: 2021-08-27 07:38:56

CHAPTER 1

   

   Year 2003

   I walked slowly while staring at the back of a guy sitting in the modern gazebo while reading a newspaper, a gazebo surrounded with fresh and beautiful flowers, I grinned.

   'Ano na kaya itsura nito ni Kumag,' bulong ko sa sirili, dahan-dahan kong tinahak ang wooden bridge at bigla siyang ginulat.

   Napatalon siya ng marahan, ''Babe―'' nakangiting aniya ngunit bigla itong napalitan ng gulat ng makita ako, nanlaki ang mata niya at mabilis na tumayo at mahigpit akong inakap. Sinong babe?

   Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya marahan ko siyang tinulak. ''Hey! hey. Let me go.'' Hindi makahingang sambit ko dahil sa sobrang higpit ng yakap niya. ''You're ruining my cloth.'' At kunwaring nagpagpag, bumitiw siya sa pagkakayakap at ngumisi.

   ''You know I can buy you a new one.'' Pagmamayabang nito, yabang mo!

   Umirap ako. ''DON'T!'' mariin kong anas, ''Remember when you buy me a dress? Sobrang luwag sa'kin at ang panget ng kulay.'' Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

   Iminuwestra niya ang kamay sa upuan at umupo kami.

   ''Kailan ka pa dumating?'' He asked.

   ''Kanina lang, How was school?'' ani ko at sumimsim ng chocolate na kabibigay lang ni Ate Lida ngunit agad ko rin itong inilapag ng malasahang kape ito, isinara niya ang diyaryo at kinuha ang slice of cake pagkatapos ay tyaka sumagot.

   ''As usual it's all about business,'' parang nauumay na aniya, ''Halos lahat ata ng history ng business ay naituro na sa'kin.''

   I was about to talk when I saw icing on his cheek, I laughed.

   Nakakunot naman ang noo niyang tumingin sa'kin. "What?!"

   Umiling ako. "Alam mo, you're still the kid I met 18 years ago."

   Napatawa siya at tumingin sa'kin. ''Yeah, When you first came here to the Philippines.'' kumain ulit siya ng cake at nagsalita, ''I will never forget that.''

FLASHBACK

   "Baby, say hi to Tito Ian and Tita Gail when we get there, ok?" Kapag-kuwa'y ani Mom na tumingin sa'kin at hinaplos-haplos ang buhok ko.

   Tumango lang ako at nilaro-laro ang teddy bear na bigay nila sa'kin last week.

   Sa bawat madaanan namin ay namamangha kong sinusundan ng tingin ang bawat gusali. So this is the Philippines...

   Nakarating din kami pagkaraan ng ilang minutong byahe. Inalalayan ako ni Mommy bumaba habang bitbit ko ang aking teddy bear. Sinenyasan naman ni Mommy ang driver namin na ilabas na ang mga regalo niya na nasa trunk.

   Tumayo ako sa harap ng bahay at namamangha na namang inilibot ang paningin sa napakalaking bahay na nasa harap ko ngayon.

   "This is shush(huge)," bulol kong sambit. Pagkatapos ay inakay na ako ni Mom papasok, nakita ko na agad ang dalawang taong nakangiti na naghihintay sa'min papalapit at ang mga hlper nila na nasa gilid.

   "Hi, Dr. Roti! I missed you, amiga." Sosyalang bati ng babae kay Mommy at nagbeso sila. Bumati din ang lalaki na asawa nito. Agad namang kinuha ng limang maids ang napakaraming regalo.

   Nakatingin ako sa paligid at ino-obserbahan ang bawat gilid nang biglang may kumurot ng madiin sa aking pisngi. Aray.

   Napasimangot ako at tiningnan kung sino ito.

   "Hi baby Shy, I'm Tito Ian." Nakangiting bati sa'kin ni Tito Ian. "You look adorable." At kinurot ulit ang pisngi ko. Aray. Malakas ko ng hinampas ang pisngi ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit, para bang pati laman ay ang sakit. Nagtawanan sila ng makita na nakasimangot na ako.

   Nahihirapan kong inabot ang kamay ng mag-asawa at nagmano. "Hi tito and tita, I'm Shy."

   Pumasok na kami sa loob at namimilog ang labi ko ng makita kung gaano kaganda ang mansyong ito, ang laki ng chandelier sa gitna ng sala, malawak ang paligid at napupuno ito ng marble tiles sa sahig.

   Inanyayahan nila kaming umupo ng makarating sa living room. "What do you want, Roti?" tanong ni Tita Gail kay Mommy.

   "You know exactly what I want, Gail. Silly!"

   Ngumiti si Tita Gail at bumaling sa'kin na walang hiya-hiyang pasalampak na nakaupo sa couch nila. Itinaas ko ang maliit kong hintuturo.

   "Cho(Do) you have a Shosholeyt(Chocolate), tita?" Nakanguso kong tanong, natawa sila. Tumango sa'kin si Tita Gail at iniutos sa helper ang drinks.

   I was busy sipping my second glass of chocolate when I feel a sudden boredom, ilang minuto na kong nakaupo lang at hindi na mapalagay ang pwet ko dito.

   Tumayo ako at dahan-dahang naglakad, habang abala silang tatlo sa pagke-kwentuhan, pumanhik ako sa backyard nila tito habang bitbit pa din ang teddy bear ko, iginala ko ang mga mata at natutuwang naglakad patungo sa gazebo ngunit isang gate ang nakahagip ng aking atensyon na nasa dulo ng backyard, dahan-dahan akong lumapit dito at marahan itong binuksan dahil hindi naman naka-lock.

  Nakanguso akong lumabas kahit na mataas na mga puno lang ang nakikita ko. Nagtuloy ako sa paglalakad dahil hindi naman ako matatakutin.

   Hindi ko na namalayang malayo na pala ako sa bahay, bigla akong kinabahan at ilibot ko ang mga mata ko at hindi ko na maaninag ang bahay na nilabasan ko.

   Naiiyak akong tumungo sa aking tuhod dahil sa takot, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

   Malakas akong umiyak dahil kahit anong tingin ko ay hindi ko na talaga makita ang bahay, tumungo ako ulit at mahigpit na inakap ang teddy bear ko.

   Nang mag-angat ng ulo ay isang pigura ang dahan-dahang lumapit sa'kin. Doon lang nawala ang kaba ko ng makakita ng isang batang lalaki sa gaanong klaseng lugar.

   Madumi ang damit niya pati mukha. Madungis. At parang bao ang style ng buhok.

   Patakbo itong lumapit sa'kin at nangingiti habang pinupunasan ang tulo ng sipon. "Ahe," tawa niya, "Hi!" And he extended his arm towards me.

   Nag-crossed arms ako. "I don't wanna tash(touch) that," maarte kong tugon, tumaas ang kilay niya, nagtaka. Umirap ako ng hindi niya talaga nakuha kung bakit ayaw ko hawakan ang kamay niya. "You used it to wiped your lunny (runny) nose, duh."

  Umirap din siya at kunwaring ginaya ang mga sinabi ko sa mas maarteng paraan. I laughed

   "What's your name?" I asked, at nakapamaywang.

   Sininghot niya ang sipon. "Hi, my name is Pierce Isaiah Romero." Parang aso siyang ngumiti, "What about you?"

   "I am Shy Elizabeth Garcìa-Del Mundo," may pagmamalaking tugon ko at ngumiti rin.

   Nagtaka ako ng makita na para siyang matatawa. "Why?!"

   Umiling siya ngunit patuloy pa din sa pagpigil ng tawa habang tinatakpan-takpan ang bibig. Nainis ako ngunit ng maalala kung bakit ako nandito ay tinanong ko siya.

   "Do you know where's the way to Tito Ian's house?" I asked, hoping that he knows.

   Nabunutan ako ng tinik nang malaki ang ngiti na tumango siya. Sinabi niyang sundan ko lang siya. Halos liparin ko ang bahay ng makita si Mommy sa entrada ng gate na may nag-aalalang mukha.

   Umiyak ako ulit.

   "O my god, Shy!" Tili nito nang makita ako, mabilis ko siyang yinakap. "Where have you been?" hindi mapalagay na tanong niya, hinaplos-haplos ang mukha ko at iniikot ang katawan ko, tinitingnan kung may sugat ba ako.

   Pumasok kami sa loob at doon ko ikinwento ang nangyari at nagpasalamat ako sa batang nakilala ko na nag-iisang anak pala ni Tito at Tita Gail.

   Inaya ako ng anak nila Tito Ian na kumain kami ng cake kaya pumunta kami sa kanilang kusina at hinainan kami ng yaya ni Pierce ng cake.

   Nahalata ko agad ang pagkagusto nito sa cake at kung gaano ito kakalat kumain. Pareho kaming natawa ng makita ang isa't-isa na puno ng cake ang mukha.

END OF FLASHBACK

   "Do you know why I laughed at you that time?" His voice gets me back to my reverie, napangiti ako.

   ''Why?''

   ''Ang daming chocolate ng ngipin mo,'' tatawa-tawa niyang tugon. I wry.

   Bigla kaming tumahimik, parehong may malalim na iniisip. Isang minuto ang lumipas bago niya binasag ang katahimikan.

   ''Ngayong tapos na ang internship mo,'' Nag-aalangan pa siya sa sasabihin, hindi siya makatingin sa'kin. ''Anong plano mo ngayon?''

   Ngumiwi ako. ''I'll apply abroad,'' I simply said, ''Meron na ding hospital ang nag-aabang sa'kin and to tell you, I tried talking to Dad but he won't agree na dito ko na i-master ang pagiging doctor.''

   Naramdaman ko ang pagkalungkot niya kaya nagbiro ako. ''Why will you miss me?''

   He frowned. ''What do you think?! You spent eighteen years studying abroad...'' tumaas ang tono ng pananalita niya, ngunit dahan-dahan din itong humina, ''and now you're going to spend another decade abroad.'' He looked devastated within, but my decision is final.

   Lumapit na lang ako sa kan'ya at hinaplos-haplos ang balikat niya. ''That's why I'm going to stay here for one year.'' Nakangiti ko siyang tiningnan biglang umaliwalas ang mukha niya.

''For real?!'' hindi makapaniwalang aniya at hinalikan ang kamay ko na nasa balikat niya.

   Tumango ako. ''I need to rest my brain, duh.'' Hinampas ko siya at bumalik na sa upuan. ''And you're going to tour me to your future office.''

   Lumawak ang ngiti niya, mas malawak pa sa MOA.

Related chapters

  • Change of Horizon   CHAPTER 2

    CHAPTER 2 Kararating ko lang sa bahay dahil gabi na rin ako nakauwi mula sa bahay nila Isaiah, doon na rin kasi ako naghapunan kasama sila Tita Gail, at ngayon pa lang ako makakapagpahinga, inilapag ko lang kasi sa harap ng bahay ko ang mga maleta ko kanina pagkatapos ay dumerecho na kila Tita. ''Jet lag is real,'' bulong ko nang makapasok, inilagay ko lang sa sala ang mga maleta at pumanhik na sa kwarto upang matulog. Kinabukasan maaga akong nagising nang marinig na may kumakatok sa pinto ko. ''Yaya Meli?'' Naaantok ko pang tugon, tamad akong tumayo upang buksan ito at laking gulat ko ng makita si Pierce sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng black polo shirt na naka-unbotton ang itaas na bahagi at fitted na gray trousers pagkatapos ay white shoes. Gwapo. ''Anong ginagawa mo dito?'' takan

    Last Updated : 2021-08-27
  • Change of Horizon   CHAPTER 3

    CHAPTER 3 Pauwi na kami't lahat-lahat ngunit naiwan pa din sa utak ko ang ginawa niya kanina. Bakit parang may tinatago siya sa bestfriend niya? Hmp! Ipinarada na ni Pierce ang sasakyan sa harap ng bahay at inalalayan ako palabas. Nasa harap na kaming pareho ng gate at hindi alam kung anong sasabihin sa isa't-isa. Siya ang unang nagsalita, ''Uhm, I'll see you tomorrow?'' aniya at hinalikan ako sa pisngi. Biglang nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. Tumango ako at nangiti. ''Bilhan mo ako ice cream.'' He nodded but I heard his whisper. ''Ang daming pera 'di makabili?'' Sumingkit bigla ang mata ako, tumawa siya at nagpaalam na, binuksan ko na ang gate pagkatapos ay dumerecho papasok, nang makarating sa loob ay hinubad ko agad ang stillettos na maghapon kong suot, nilagay ko ito sa maliit na shoe rack at d

    Last Updated : 2021-08-27
  • Change of Horizon   CHAPTER 4

    CHAPTER 4 I lay down on the bed after taking a bath and checked my phone, hoping someone's message or missed call, but it's empty. It's been a week since we last met or talk. The supposed to be a one-week get-away from everything instantly disappeared. I sigh. Tinititigan ko na lang ang pangalan niya na nasa contact ko, I tried to call him after that day but he didn't pick up, and his reason is they began the internship. Kung sino pa may kasalanan siya pa galit. Awit. Pabagsak kong hinagis sa gilid ang phone ko habang parehong nakakunot ang noo, nagtuyo na lang ako ng buhok. Is it my fault? No. He shouted at me, what does he expect me to react? Smile? Tsk. Tinawagan ko na lang si Mommy at ilang ring lang ay sinagot na niya ito. ''Hello, Shy?'' marahang sambit niya. Napangiti ako ng marinig ang boses niya. ''What are you doing?'' ''We just finished our meeting about the va

    Last Updated : 2021-11-01
  • Change of Horizon   CHAPTER 5

    CHAPTER 5 ''Nakilala mo ba 'yong babae kanina?'' Tanong ko kay Lorenzo nang nasa parking lot na kami't naglalakad. Umakto siyang nag-iisip. ''Queen daw po.'' Bigla akong napahinto sa paglakad at tumingin sa kaniya. ''Ano?'' ''Queen daw po pangalan niya,'' ani Lorenzo. Ipinagsalawang-bahala ko na lang ito at inakay na si Lorenzo sa sasakyan. Kahit gaano kadaldal si Lorenzo ay hindi ko makuhang makisabay sa kaniya, ni hindi ko kayang makipagkwentuhan at hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. May bumabagabag sa isip ko pero kahit anong waglit ko dito ay hindi ito mawalawala, sinusubukan kong ibaling ang atensyon kay Lorenzo ngunit hindi ko magawa, tatawa ako ng pilit at kunwari naiintindihan ang sinasabi niya ngunit kahit isa'y walang pumapasok sa isip ko. I immediately parked the car as soon as we arrived. Pumasok kami sa loob dala ang napakadaming mga bags na naglalaman n

    Last Updated : 2021-11-02
  • Change of Horizon   CHAPTER 6

    CHAPTER 6 Hanggang sa makauwi sa bahay ay labis pa rin ang pagtataka ko sa nalamang mayroon siyang naging girlfriend, hindi naman iyon imposible pero alam kong hindi pa 'yon posible lalo na't nag-aaral siya. But he had. I shrugged. Nang sabihin niya 'yon, nasaktan ako, dahil parang natapakan ang ego ko bilang bestfriend niya, tsk. I'm his bestfriend pero hindi ko alam, yawa. Naantok akong naglakad papasok ng bahay nang makarating, humikab ako bago buksan ang pinto at agad na bumungad sa'kin si Yaya na hindi pala makatulog. Ngumiti siya at lumapit ng makita ako. ''Sana r'on ka na lang natulog kila Isaiah, Chiklit, para hindi ka na nagmaneho,'' aniya, umiling ako at ngumiti. ''Busy 'yon sa internship niya, Ya e,'' sambit ko, ''Ilang months na lang kasi siya na ang hahawak ng kompanya nila.'' Tumango-tango si Yaya Meli habang inaakay ako papuntang sala. I can't remember how long she hav

    Last Updated : 2021-11-03
  • Change of Horizon   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 Tuliro ang utak ko habang nagmamaneho ng walang direksyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi man lang ako nakapagpalit ng damit, tanging jacket at short lang ang suot ko. Namalayan ko na lang ang sarili ko na huminto sa isang park at ipinasok ko sa bulsa ng jacket ang dalawa kong kamay at naupo sa wooden bench sa may tabi, dinama ko ang haplos ng hangin at pumikit. Bigla na lamang tumulo ang luha ko sa hindi ko malamang dahilan. Sa gitna ng maraming tao ay umiyak ako. But I don't care. My heart is aching right now, and I don't know the fuck why. I felt not belong, I felt like I'm an outcast. Iniyak ko lang ito ng iniyak hanggang sa makaramdam na may nagpunas ng luha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ang napakagwapong lalaki na nakatayo sa harap ko. His brown eyes met my almond gray eyes, and I can see the longing in them. Huminto ang nagwawala kong loob ng ma

    Last Updated : 2021-11-04
  • Change of Horizon   CHAPTER 8

    CHAPTER 8TRIGGER WARNING: MOLESTEDIsang linggo na ang nakalipas no'ng huli kong makita si Tina, naging busy na rin kasi silang pareho sa wedding nila at si Pierce, pumupunta pa rin naman siya sa bahay pero saglit na lang dahil masyadong nagiging mahirap sa kanila ang internship, kahit pa sabihin nating business partner 'yon ng daddy niya ay hindi pa rin maiiwasang maging mahigpit ito dahil usapang business ang involve at hindi lang maliit na negosyo ang patatakbuhin niya sa future kun'di isang conglomerate company.Habang naglalakad sa bgc hindi ko pa rin makalimutan ang mga naging usapan namin, hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko dahil magulo si Tina kausap.FLASHBACK''Kumusta na pala kayo ni Pierce?'' ani Tina at iniabot sa'kin ang dalang apple juice.Umiwas ako ng tingin, ''Ayos lang kami.''Tumaas ang isang kilay nito na tila ino-obserbahan ang kilos ko.

    Last Updated : 2021-11-05
  • Change of Horizon   CHAPTER 9

    CHAPTER 9Naririnig ko ang bigat ng paghinga ni Pierce habang naglalakad kami, para kasing sa Batanes pa nakapark sasakyan niya. Mabilis ang lakad naming dalawa habang hawak-hawak niya ang wrist ko.''Ano ba! dalawang oras pa ba tayong maglalakad?!'' singhal ko ngunit hindi niya na lang ako pinansin at nagbuntong-hininga.Nang nasa sasakyan na kami, walang naglakas loob sa'ming dalawa na magsalita. Nahihiya ako. Tahimik lang na nag-drive si Pierce papunta sa bahay ko at hindi man lang nakuhang lumingon sa'kin, nasa daan lang ang kaniyang paningin.Namilog ang bibig ko ng maalala na meron nga pala akong bitbit na mga shopping bags. Shit! Naiwan ko pa 'yong mga pinamili ko! Kay Lorenzo pa naman sana 'yon. Palihim na lang akong ngumuso habang nakatingin sa labas. Hindi ko na rin naman kasi gugustuhing bumalik do'n no! 20K lang naman nagastos ko kaya ok lang. Bibili na lang ako ng bagong mga damit at sapatos para kay L

    Last Updated : 2021-11-06

Latest chapter

  • Change of Horizon   EPILOGUE

    EPILOGUE Nakahiga ako sa kwarto nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang nakangiti kong kambal. ''Mom!'' sabay nilang anas, dali-dali akong umayos at mahigpit silang niyakap. ''How was school?'' I asked, mabilis nilang pinakita sa'kin ang napakaraming stars na nakalagay sa kamay nila, agad ko silang pinuri at hinalikan. Pareho talaga silang masipag at katulad ng Daddy nila. Matagal na kaming mag-asawa pero hindi pa rin siya nagbabago, kung ano siya no'ng mga panahong 'yun ay ayon pa rin siya hanggang ngayon, sweet, caring at mahal ako. Hindi madali lahat lalo na no'ng nagsisimula pa lang kami sa buhay mag-asawa, nag-aaway kami, nawawalan din ng oras dahil pareho kaming doctor, at parehong maraming dapat asikasuhin. Tumigil na ko sa pagta-trabaho simula nang mabuntis ako sa kambal naming anak. It doesn't hurt me because I enjoy being with them, taking care and seeing them grow as time passes by. Akala no'ng una hindi namin maabutan 'tong taon na ito dahil hindi nama

  • Change of Horizon   CHAPTER 34

    CHAPTER 34 Present year. Kauuwi ko lang at hindi ako magkandatuwa rito dahil lagi na lang niya pinaparamdam sa'king espesyal ako kahit ilang taon na kami ay araw-araw pa rin niya kong pinakikilig at nililigawan. Hindi na siya nagbago. Pumunta muna ako sa kwarto ko para maligo. Napapangiti pa ko habang nasa cr dahil sa kaniya, hindi pa rin nawawala 'yung spark at 'yung thought na araw araw ko pa rin siyang gusto, araw araw ko pa rin siyang mahal at hindi 'yun nagbabago. Alam kong hindi madali para sa'ming pareho pero lagi talaga kong nagpapasalamat kay Kino dahil hanggang ngayon ay kasama ko siya at mahal niya ko, mahal namin ang isa't-isa. Pagtapos ko ay bumaba ako para kumain dala 'yung letter na binigay sa'kin Pat kanina. Ganito naman lagi ang ginagawa ko, kakain habang tinititigan 'yung mga regalo niya para sa'kin. Umupo na ko at binuksan 'yung papel. Can you still remember when were happy? Panimula nito, wala pa man ay natutuwa na agad ako. Can you still remember how we foug

  • Change of Horizon   CHAPTER 33

    CHAPTER 33Nasa airport na ako nang makita ko si Liam na papalapit sa'kin. Hinintay ko siyang magsalita.''I'm sorry.''Tumingin ako sa kaniya, hinahanap 'yung sincerity sa buong pagkatao niya. Hanggang ngayon masakit pa rin lahat lalo na ang ginawa niya kay Tina at hindi ko alam kung kaya ko pa siyang makita bilang isang kaibigan na matagal kong nakasama.''Hanggang ngayon naaawa ako kay Tina, kasi nawalan na nga siya ng anak niloko pa siya ng mapapangasawa niya sana."Napayuko si Liam pero wala akong maramdaman ni katiting na awa. Wala pang isang taong patay si Tina kaya hindi ko alam kong kaya ko siyang patawarin ngayon.Magsasalita na sana ako nang biglang tumawag si Dad. ''Get lost, please,'' sambit ko kay Liam bago sinagot ang tawag.Nag-usap lang kami about sa papasukan kong hospital para sa residency ko at mga kailangang gawin. Ayoko kasi sa hospital ni Dad mag-trabaho dahil alam kong may favoritism na masasabi 'yung makakasama kong mga doctor kung papaburan ako lagi.Sa toto

  • Change of Horizon   CHAPTER 32

    CHAPTER 32 Nagising ako sa ingay na nagmumula sa tv. I opened my eyes halfway and immeadiately smile after I saw his broad shoulder. ''I can see lust already.'' He said, hindi ko namalayang nakalingon na pala siya sa'kin kanina pa. Sino ba namang hindi mai-inlove sa kaniya, like, dzuh. Ngunit umirap ako at nagkunwaring walang epekto ang pagngiti niya sa'kin. Maangas dapat tayo. Tumayo ako at nagbihis ng damit bago bumaba sa kusina. ''Want do you want for lunch except me?'' I flirt. Parehas kaming napatawa dahil sa sariling kapilyuhan. But every moment we laugh and smile hindi pa rin nawawala ang anxiety bawat oras, I mean sino bang walang anxiety? And after what happened hindi ka pa ba magkakaroon ng gano'n? Bumaba rin ako agad pagkatapos niyang sumagot, kahit naman at hindi niya sabihin ay alam ko ng adobo ang ulam niya. Naglilihi ata ang putek, no'ng isang araw pa kami nagu-ulam ng adobo at nauumay na ko. Naabutan ko si Ate Nora na naghuhugas ng pinggan habang si Yaya Meli nama

  • Change of Horizon   CHAPTER 31

    CHAPTER 31Ilang oras na kong nasa kwarto at walang kain kanina pa. Hapon na rin ngunit wala pa kong gana simula kahapon nang ilibing si Tina. Hindi ko na naman namalayan ang luhang pumatak sa mukha ko nang maalala ang mukha niya ngunit pinunasan ko ito. Alam kong masaya ka na Tina... Even if you're hurting me while your happy.Sinagot ko agad ang tawag ni Dad. ''How are you?'' bungad niya agad sa'kin.''I'm ok.'' I casually said as if I really am. Narinig kong bumuntong-hininga siya sa kabilang linya, that's when my tears started to fall again. Ang sakit na ng mata ko at pagod na pagod na ko but this liquid thing couldn't stop. We just talked for at least two minutes then he hung up. Sunod-sunod naman na missed call ang nakita ko mula kay Sily, Zara... and Pierce. Natulog na lang ulit ako kagaya ng ginawa ko for the past 2 hours.Losing your bestfriend in the most painful way is heartbreaking. I could imagine her as mom already, playing,

  • Change of Horizon   CHAPTER 30

    CHAPTER 30 ''I don't love her, Shy. It's just that ayoko siyang iwan dahil may sakit siya.'' Maya-maya'y ani Pierce habang nakaupo sa tabi ng kama. Ako naman ay nag-iimpake na ng mga damit na dadalhin ko para sa hospital dahil nakatulog ako kahapon at umaga na nagising. Tinanggal ko ang yosing nakalagay sa bibig ko at binuhusan ito ng maliit na butil ng tubig bago itinapon sa basurahan. ''You know what, I don't fucking care anymore.'' Sambit ko tyaka aalis na sana ng kwarto ng hilahin niya ang braso ko. ''Plea―,'' aniya ngunit biglang nag-ring ang phone ko. I answered it at nanginginig na boses ni Sily ang bumungad sa'kin. ''Shy...'' aniya, hindi alam ang sasabihin. Bigla akong kinabahan ngunit mas naiinis ako ngayon. ''What?!'' I shouted. Ilang segundo munang tumahimik ang linya bago ulit ito magsalita. ''Shy, she's dead!'' sigaw ni Sily sa kabilang linya na nagpahina sa buong kataw

  • Change of Horizon   CHAPTER 29

    CHAPTER 29 Warning: Matured content read at your own risk. ''Ahhhh...'' anas ko kasabay ng mabibigat na paghinga, ''deeper!'' I said as he thrust in and out.Ramdam na ramdam ko ang p*********i niya sa loob ko. Matigas ito, mataba at galit na galit. Binilisan niya lalo ang pagbayo dahilan upang maramdaman ko lalo ang naguumigting nitong p*********i. Napapaliyad ako sa t'wing inidiniin niya 'yon. Humina ang paggalaw niya ngunit nando'n pa rin ang diin, ngayon ay sumiksik siya sa leeg ko kaya pareho kaming magkadikit ang dibdib. ''Mmmm, you're so tight.'' Bulong niya pagkatapos ay dinilaan ang tainga ko. Mas lalo ko pa siyang niyakap at idiniin sa sa'kin. Maya-maya pa, dahan-dahan itong kumilos pababa dahilan upang mapabaling ako kaliwa't kanan dahil sa init na nararamdaman. Napasinghap ako ng hininga ng maramdaman ang dila nito sa hiyas ko. ''Ahhhh.'' Hindi ko mapigilang hindi umungol. It fel

  • Change of Horizon   Announcement

    Hi everyone! Sorry if matatagalan pa ang pagu-update natin. HUHUH! Tambak ako ng tasks. Abangan niyo na lang ang istroya nila HAHAHAHAHA! Malapit na... If you have questions about sa ating story pwedeng dito niyo sabihin, gusto kong sagutin lahat ng questions dahil baka hindi na nakakatuwa 'yong flow para sa inyo dahil unclear. Kung may hinanakit lang naman kayo sa kung sino sa kanila dito na ilabas, HAAHAHAH! Mababait naman sila Shy so no prob. Kwentuhan lang muna tayo rito habang hindi ako makaka-ud. Kindly give every chapter ur thoughts naman para alam ko mga gusto at trip niyo. Hano ba hayo! Hang hayong hahiya ha'kin! HAAHAHAHAH!

  • Change of Horizon   CHAPTER 28

    CHAPTER 28 ''Shit! I thought it's only been 2 days,'' hindi makapaniwalang tugon ko sa kanila. ''Tanga! Anong two days? Ilang buwan ka kayang nakahimlay jan,'' singhal ni Tina sa'kin na sinundan naman ng masaamng tingin nila Zara at Sily na umakto pang sasapakin ako. Napangiti ako sa isipin na sobrang nag-alala sila sa'kin. Hindi ko naman din sila masisi, masyado akong maganda para mamamatay ng maaga. Ang akala ko talaga ay ilang araw lang ako rito sa hospital kaya nga't akala ko ay naiistorbo ang tulog ko maya-maya. Ngayong araw ako madi-discharge dahil ayon kila Mom and Dad ok na ang condisyon ko matapos akong magising no'ng nakaraang araw. Awit nga, binuka ba naman ng doctor mata ko tas tinutukan pa ko ng flashlight, it's good din naman dahil ngayon alam ko na ang pakiramdam ng magiging future patients ko. Sumenyas na si Mom na aalis na kami kaya dali-dali akong inalalayan ni Sily. Habang hawak naman nila Mommy ang mga gami

DMCA.com Protection Status