Makalipas ang isang linggo na walang usad ang kaso ay tumambad sa aking lamesa ang isang pang murder case. “Ano to?” tanong ko kay Richard.
“Bagong kaso po ma’am. Inutusan po ako ni Police Colonel Santos na ibigay sa ating headquarters ang kaso na ito,” sabi niya sa akin.
Hindi ko naman masisisi si Colonel Santos dahil alam kong malaki ang tiwala niya sa namin na Special Crime Investigation. Pero hindi ko rin inaasahan na magkakaroon ulit agad nang panibagong murder case na kailangan maresulba.
Hinawakan ko ang papel na nakalapag sa aking lamesa at binasa ang nakapaloob dito. “Emilio Perez, apat na put anim na taong gulang, kasal, nakatira sa Sta. Lucia Del Monte Street, isang business man na may apat na anak,” pagbabasa ko. Napahawak ako sa aking sentido dahil biglang sumakit ang aking ulo.
Napatayo ako sa aking kinauupuan nang biglamg pumasok si Alexander sa pintuan nang hindi man lang kumakatok. “Sir Alex good morning.” Sumaludo ako sa kanyang bilang pagbigay galang.
“Hawak ko na ang autopsy result,” pabungad sa amin ni Alexander. “Siyam na bala, isa sa ulo at walo sa katawan. Buo ang katawan nang ma-recovered sa crime scene walang hiwa o kahit na ano. Tanging baril lang ang ginamit upang patayin ang biktima,” pagsasaad pa ni Alex sa amin dalawa ni Richard. Hindi pa kase nakakarating si Celyn masyado pa kaseng maaga.
“Anong resulta nang forensic examination?” tanong ko kay Alex sabay tiningnan ko rin ang papel na hawak niya.
“Same bullet diameter sized, same came length and the same gun ang ginamit,” sagot niya sa akin. Nakita ko ang mukha ni Alex na seryoso ang ginagawa niyang pag-iimbestiga sa kaso.
“When a gun is fired, and the bullet blasts down the barrel, it encounters ridges and grooves that cause it to spin, increasing the accuracy of the shot. Those ridges dig into the soft metal of the bullet, leaving striations kaya doon natin malalaman na pareho ang baril na ginamit sa dalawang biktima,” pagsasaad niya sa amin.
Napahanga ako sa kanyang eksplanasyon kahit alam ko naman din iyon. “Nine bullets?” bulong ko sa aking sarili.
“Why? What are you thinking Miss Enriquez?” tanong sa akin ni Alex sabay tiningnan ako nang direkta sa aking mga mata.
“I think it has a pattern. Pero hindi pa ako nakasi-siguro. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko. Naalala mo ba ang last week na murder case kay Robert Malinao? May ten bullets sa kanyang katawan including his head. Maaaring may sinusundan ang mga killer,” pagpapaliwanag ko kay Alex.
“Maaaring tama ka. Maari din na nagkataon lang ito o ito talaga ng gusto niyang iparating sa atin ang magbilang?” sabi ni Alex. Nakita kong napapaisip din siya sa krimen na nagaganap.
“Kung may pattern ito? Paano mo maipapaliwanag ang putol-putol na katawan ni Mister Robert Malinao? Bakit hindi niya ginawa sa pangalawang biktima niya?” pasingit na tanong ni Richard. Hindi ko din alam. Pero posible kayang may koneksyon ito sa unang krimen na nangyare.
“Kailangan na natin umalis, kailangan na natin pumunta sa pamilya nang mga biktima at humingi nang statement nila,” utos sa amin ni Alexander.
Pero inisip kong wala pa si Celyn. Alam ko ay palagi siyang sumasama sa mga lakad namin. Wala akong choice kundi ang sumama nalang kay Alexander dahil ito ang utos niya.
Bago ako umalis ay pinag-bilinan ko si Richard na dumito muna sa loob nang aking office hanggang sa makarating si Police Lieutenant Celyn. Kaming dalawa ni Alex ay sumakay sa kanyang kotse at pumunta sa bahay nang biktima.
Nang makarating na kami doon ay mabuti nalang at pumayag ang asawa ni Mister Perez na magbigay nang impormasyong nalalalaman niya.
Inilabas ko ang aking notebook at ballpen para isulat nag lahat nang kanyang sasabihin. “Kayo po ba ang asawa ni Mister Perez?” mahinahong tanong ko sa kanya.
“Oo ija,” sagot niya sa akin at doon nag simulang tanungin ni Alexander si Lily Perez.
“May nalalaman po ba kayong naging kaalitan nang inyong asawa?” paunang tanong niya sa ginang.
“Wala akong maalalang naging kaalitan niya. Wala rin siyang nababanggit sa akin patungkol sa kanyang trabaho o kahit na sino mang naging kaaway niya sa trabaho,” sagot sa amin ni Lily Malinao.
Agad kong isinulat lahat nang lumalabas na salita sa kanyang bibig na maaari namin magamit.
“Kayo po bang mag asawa ay nagkaroon ng away o alitan bago nangyare ang krimen?” pangalawang tanong ni Alexander sa kanya.
“Oo, mahigit isang linggo kaming nag-aaway dahil may babae siya,” hindi namin inaasahan na sagot ni Lily. Nagkatinginan kami ni Alex at posibleng magkaroon kami nang panibagong lead dahil sa narinig namin.
“Maaari ba ba namin malaman kung sino ang babae ang iyong tinutukoy?” tanong ko sa kanya.
“Lea Yuki. Isang haponesa. Siya ang secretary nang aking asawa sa kanyang opisina, Itinago nila ang kanilang relasyon sa akin nang mahigit dalawang buwan. Nang mahuli ko sila ay tumigil naman sila sa kanilang ugnayan. Pero hindi ako nakakasiguro dito. Ang huling pag-uusap namin nang aking asawa ay nagpaalam siya sa akin na may bibilhin lang daw siya sa labas pero ang hinala ko ay nakipagkita siya sa kanyang babae,” sabi ni Misis Perez sa amin. Sa sinabi niya ay may malaking posibilidad na ang kabet nang asawa ni Misis Perez ang pumatay.
“Isang tanong nalang po. Anong sa tingin niyo ang naging motibo sa pagsagawa nang krimen?” tanong sa kanya ni Alex. Napakunot ang noo nang babae sa tanong ni Alexander. Napatayo ang babae at inutusan kami na lumabas na sa kanyang bahay.
“Bakit mo itatanong sa akin kung ano ang naging motibo sa krimen? Pinaghihinalaan niyo ba ako na ako ang pumatay sa aking asawa? Sa tingin niyo ba ay magagawa ko ang karumal-dumal na krimen na ito?!” Pasigaw sa amin ni Misis Perez.
“Mga walang kwenta! Magsilayas na kayo at huwag nang babalik dito!” Isang malakas na pagsara nag pintuan ang narinig namin. Hindi ko napigilan ang aking sarili na tanungin si Alexander kung bakit niya iyon tinanong kay Misis Perez.
“Bakit mo naisipang itanong sa kanyang motibo nang krimen?” tanong ko kay Alex. “Nagkaroon sila nang alitan nang kanyang asawa at sinabi niya pa na may babae ang kanyang mister. Posibleng paghihiganti, galit o puot ang nararamdaman niya nang malaman niya ito. Posible din na siya ang pumatay sa kanyang asawa. Sinusubukan ko lang siyang hulihin siya. Pero natunugan niya ako,” sagot niya sa akin. “Sabagay may punto ka rin, kaso lang sa iyong tanong ay hindi na tayo makakabalik sa bahay niya,” ani ko sa kanya. “Wala siyang magagawa, oras na malaman natin ang totoo, siya man o hindi ang pumatay ay magkikita pa rin tayo sa korte para ihain ang kaso na kinakasangkot nang suspek ngayon,” sagot sa akin ni Alexander. Muli kaming bumalik sa kanyang kotse at pumunta sa address na binigay sa amin ni Misis Perez bago niya kami palayasin sa kanyang bahay. Kumatok kami sa kanyang pinto nang nasabing babae ni Mister Perez at pinagbuksan kami nang isang singkit
Gabi na ako nang nakauwi sa aking bahay binuksan ko ang telebisyon at pinapanood ang mga kapulisan na kinu-kolekta ang mga bala na naiwan sa krimen.“Ang tatanga niyo naman!” Sigaw ko sa kanila habang umiinom nang alak sa loob nang aking kwarto. Inilipat ko nang ibang channel ang telebisyon at napanood ko rin ang mga pamilyang nagpo-protesta sa mga kapulisan sa kadahilanang hindi pa umuusad ang kaso.“Mga inutil! Dapat lang sa kanila ang mamatay. Hindi binubuhay ang mga taong kagaya nila.” Nagpakawala ako nang isang malakas na halakhak habang pinaglalaruan ko ang baril sa aking kamay.“Hanggang kailan kaya nila malalaman ang totoo? Hanggang kailangan pa kaya sila iikot sa krimen na ginawa ko?” bulong ko sa aking sarili. Dalawang tao na ang napabagsak ko. Ilan pa kaya ang kulang? Hindi na ako makapag-hintay na ubusin silang lahat.Kinabukasan ay nag-jogging ako papuntang sementeryo at hinanap ang dalawang puntod nila Rob
Isang buwan na walang usad ang kaso. Napapa-isip nalang ako kung paano mare-resulba ang krimen na ito. Naisip ko rin kung kailan kaya muling aatake ang killer sa kanyang mga target. Hating gabi na at hindi pa rin ako mapakali sa kai-isip kung ano ba talaga ang motibo sa sa krimen.Tumayo ako sa aking pagka-higa dahil gusto kong uminom nang gatas. Nag-lakad ako papuntang kusina at nag-timpla.Huminga ako nang malalim at inilapag ang isang bagong gatas sa aking lamesa. Tumungo ako sa loob nang aking kwarto at kinuha ang aking laptop saka bumalik sa may kusina. Binuksan ko ang aking laptop at muling tiningnan ang iba’t-ibang kuha nang litrato sa crime scene. Hindi pa rin maalis sa isip ko na baka isa itong series murder.Una, sampung bala at pangalawa ay siyam na bala ang nakuha sa loob nang crime scene at ang dalawang ito ay may tama sa kanilang ulo.Napa-hinga ako nang malalim
Pinanood namin ang video. Nakita ko ang isang tao na pabalik-balik sa abandonadong gusali sa lugar na kung saan pinatay si Mister Robert sa mga oras na bandang ala dyes hanggang alas dyes trenta. “Ito lang ang nahagip nang cctv at wala na?” tanong ko kay Celyn. “Wala na akong makita. Sinubukan ko pang mga hanap pero ito lang ang na-recovered ko. Mukhang sinadyang burahin nang mga may- ari nang cctv ang mga record nila para hindi sila masangkot sa kahit ano mang pangyayare,” sagot sa akin ni Celyn. “Kailangan natin matunton at malaman kung sino man ang tao na iyon,” sabi ko sa kanila. “Ako na pong gagawa Captain Enriquez,” pagbu-boluntaryo naman ni Richard. Ngayon ko lang napapansin si Richard na mag-mula nang sumama din siya sa aming team. Masipag siya at mapag-matiyag kaya pala inilagay siya sa amin ni Colonel Santos.
Day off ko ngayon at na-gising ako sa isang tawag galing kay Lucy. Sinabi niya sa akin na may nadiskubre pa daw siyang pwedeng mag-bigay nang lead sa killer. Nang dumating sa aking condo ang papel na nagla-laman ng blood type nang magka-ibang tao ay doon ko na kinuha ang aking cellphone para tawagan si Luna. Mas mabuting malaman niya ito dahil kailangan niya rin nang ideya. Ayokong pakawalan ang kaso na ito at pursigido akong masara ang kaso. Nang makarating na dito so Luna ay sinabi ko sa kanya ang aking nalalaman at sinabi ko rin sa kanya na kailangan namin pumunta sa bahay ni Misis Elena Malinao. Andito na kami sa kanilang bahay at naka-harap na namin ang isang may edad na babae. “Andito kami para i-hatid sa inyo ang isang magandang balita. Nagkaroon na kami nang panibagong lead sa pagkamatay nang iyong asawa na si Mister Robert Malinao,” pagsasaad sa kanya ni Luna. “Maramin
“Salamat sa impormasyon Richard umupo ka muna dyan sa iyong silya at tulungan si Ma’am Celyn kung ano man ang ipaga-gawa niya sa iyo,” sagot ni Luna sa kanya. Nag-padala pa pala si Colonel nang isa pang kasamahan namin. Napatayo kaming lahat nang dumating ang isang lalake na kasing tangkad ko.“Hi! I am Austin Gray. Pinadala ako ni Colonel Santos para tumulong sa pag-usad nang kaso, nakita ko na rin ang background nang dalawang biktima at nakakuha na rin ako nang copies sa lahat ng mga dokumento nila,” sabi niya sa amin. Inabot ko ang aking palad para makipag-kamay sa kanya.“I’m Alexander Dawson, Alex nalang,” pagpaki-kilala ko sa kanya at ganun din ang mga kasamahan ko sa loob. Lima na kaming lahat para mag-tulong-tulong upang umusad lang ang kaso. Umaasa kaming lahat na any
Babae ang naging biktima nang krimen na nangyare sa motel. Andito na ako ngayon sa aking condo kasama si Celyn at pinag-iisipan nang mabuti ang case na ito.Ang babae ay isang dalaga at nasa labing walong taon ang kanyang edad. May walong bala na tumama sa kanyang katawan.“Konektado ba ito sa case nila Mister Perez at Malinao? Ano sa tingin mo Celyn?” tanong ko sa kanya habang hinahanap niya pa rin ang access sa cctv sa motel. “Sa tingin ko ay hindi,” maikling sagot niya sa akin.“Siguro nga,” sagot ko sa kanya at napakibit-balikat ako. Nag-ring ulit ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Alexander sa screen.Sinagot ko ito agad. Sinabi niya sa akin ang nalalaman niya at nagpasya siya pupunta daw siya ngayong gabi sa aking condo.Hindi na ako nagdalawang-isip pa na patuluyin siya dito dahil kailangan namin mag-usap, lalong lalo n
“May itatanong lang ako sa iyo,” tanong ni Celyn sa suspek. Lumapit siya sa lalake at hinawakan ang panga nito.“Hoy gago! Tumingin ka sa akin,” paulit ni Celyn sa kanya. “Anong koneksyon mo sa murder case ni Mister Malinao at Mister Perez?” tanong ni Celyn sa kanya sa suspek.“Wala akong koneksyon talaga sa kanila. Pinatay ko siya nang naayon sa aking desisyon. Ang walong bala ay para sa walong lalakeng pinag-palit niya sa akin nang walong beses,” sagot niya sa akin.Napaiyak ang lalake sa aming harapan. Halatang mahal niya ang babae, pero hindi solusyon ang pagpatay o kumitil nang buhay para lang sa tunay na pag-ibig. Matapos ang dalawang araw ay tuluyan nang nakulong si Antonio Gonzales sa kasong murder at rape. “Nakita ko ang news ngayon, tinitira tayo nang me
“Nakasulat sa noo nang batang lalake ang salitang ‘JUSTICE’,” sabi sa akin ni Luna. Anong hustisya ang hinahanap niya? Eh dapat ang magkaroon nang hustisya ay ang pamilya nang mga batang ito. “Oh God…” sabi ni Nicky habang hawak-hawak ang kanyang laptop. “Bakit anong mayroon?” tanong sa kanya ni Austin. Iniharap ni Nicky ang kanyang laptop sa amin at inilagay ang laptop sa lamesa. Nakita namin ang dalawang batang lalake na nakalive sa isang website. Nakatali silang dalawa sa armchair at nakapiring. “Hindi ko matrace ang location kung nasaan nanggagaling ang signal. Mukhang matindi ang ginamit niyang website breaker at hinacked ito,” sabi naman ni Nicky. “Shit! Anak ito si Sir Collins at ang kaibigan niya, kailangan natin ang Cybercrime group ipaabot sa kanila ang balita!” utos ko kay Symae. Tumingin ako sa may upper right side at nakalagay na nakalive ang video na ito at napapanood nang mga tao. “Ngayon? Pwede ko na ba makuha ang atensyon ninyo?” sabi nang lalake na hindi kita a
“Major? May nakita akong mga pasa sa binti nang biktima mukhang minaltrato pa itong batang lalake na ito bago tinuluyang patayin,” sabi sa akin ni Lucy. “Teka teka, namatay ba ang batang lalake sa pagpalo nang mga bagay-bagay sa kanya bago tinuluyang hiwain ang kanyang katawan pati tanggalin ang laman at loob nito?” pagliliwanag ko sa kanya. “That’s right. Nagkaroon nang internal bleeding ang bata, isa pa. Kung titingnan mo ang ulo nang bata na ito, mukhang hinampas din ito nang malakas, nahimatay itong bata, nawalan nang malay at pinagpatuloy pa rin ang paghahampas nang kriminal hanggang sa tuluyan na itong mawalan nang buhay at inumpisahan na hiwain ang kanyang dibdib hanggang tiyan,” sabi sa akin ni Lucy. “Kahit an
Kinabukasan ay isang bangkay ang natagpuan sa harap nang paaralan nang San Ramon Academy at ang estudyante ay kinilala sa pangalan na Shawn Pamoy na ang isa sag a dinukot.Agad na kaming remesponde sa eskwelahan. Nakita namin na wala na rin laman at loob ang estudyante, kasabay namin na dumating ang Pamilyang Pamoy para kumpirmahin na kung anak ba nila ang nakahilata sa sahig na walang buhay.Nang makalapit ang nagpakilalang ina nang bata ay nag wala na ito dahil anak niya nga ang batang nakahiga.“Ang anak ko! Ang anak ko! Renz ang anak natin!” sigaw nang ginang. Halos hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit nang kanyang anak. Nakatunog din ako, posible kaya ang pumatay sa anak ni Sir Luisito ay siya rin ang dumukot sa iba at pumatay sa kawawang bata itong? Ito ang katanungan na kailangan namin masagot.Nagulat kami nang biglang sumulpot si Colonel Collins sa amin at tiningnan ang bangkay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aa
Pagpasok namin sa loob nang aming opisina ay agad kaming nagulantang sa balita na nakarating sa amin.Nakita namin si Colonel Collins na nasa loob na nang aming opisina para ireport sa amin ang insidente na nangyare sa kanyang anak dahil daw dinukot daw ito mismo sa kanilang eskwelahan.Humingi nang tulong sa amin si Colonel, hindi niya naman kailangan na humingi nang tulong dahil tungkulin namin ang gawin ang aming obligayson. “Hindi lang ang anak ko ang dinukot, dalawa daw sila nang kaibigan niya, ito ang sabi nang ga nakakita, hindi na daw nakapalag ang dalawang binata dahil tinutukan sila nang baril at pwersahang pinapasok sa loob nang kotse,” sabi sa akin ni Colonel. “Huwag niyong hayaang mawala ang aking anak,” dagdag niya sa amin. Pagkatapos niyang sabihin sa amin lahat ay napatulala lang kami
Kinabukasan ay napaaga ang aking gising dahil nakapagpahinga ako anng maayos. Habang si Alex at si Baby Daniel naman ay payapa pa rin na natutulog.Tinulungan ko nalang din na maghanda nang umagahan si Aling Bina pagkatapos namin magluto ay maaga-aga pa para kumain ang umagahan.Umupo muna kaming dalawa sa sofa at binuksan ang telebisyon. Muling lumitaw sa medya ang kaso na hinahawakan namin ngayon patungkol sa anak ni Police Lieuetenant Colonel Brandon Luisito sa anak niyang si Grace Luisito.Nakita ko rin na marami ang nagrarally sa harap nang headquarters. Hinihingi nila ang hustisya.Muli akong bumalik sa aming kwarto para tingnan ang files ni Grace, pagakatapos ay inilagay ko na ito sa bag para maidala sa headquarters. Sabay na kaming kumain ni Alex at pumunta sa headquarters, nang makarating na kami doon
“Captain may bagong pasok na kaso,” sabi sa akin ni Symae dala-dala ang isang folder, inaabot niya ito sa akin at agad ko nalang tiningnan kung ano ang mga nakapaloob dito.Napataas ang aking kilay. Hindi naman ito bagong kaso, noong nakaraang dalawang buwan pa pala ito. Ito ang kaso na kung saan namatay ang anak ni Police Lieutenant Colonel Brandon Luisito.Ang sabi sa report ay ayon daw sa nakakita sa bangkay ay wala na daw itong laman at loob, maaaring kinain daw ito nang aswang dahil nasa liblib daw ito na lugar kung saan nakita ang bangkay. Alam ko naman ang mga paniniwala nang mga tao doon. Kung aswang nga talaga ang kumain sa laman at loob nang anak ni Lietenant Colonel Luisito?Paano nila maipapaliwanag ang bakas nang tali sa dalawang kamay at paa nang dalaga. “Hindi naman ito bagong kaso Sy
Makalipas ng siyam na buwan. “ALEX!” sigaw ko sa aking asawa. Mukhang handa nang lumabas ni baby at excited na siyang makita ang mundo. “Andiyan na honey!” nataranta si Alex at inalalayan niya akong bumaba sa second floor nan gaming nabiling bahay. Habang bumababa nang hagdan ay nagsalita pa si Alex at kinausap ang baby namin. “Baby wait lang ha. Huwag muna ngayon, sa hospital nalang. Kapit ka muna kay mommy mo. Huwag mo siyang pahirapan,” utos niya sa anak namin. “Oh my gosh honey… nagawa mo pang utusan si baby. Hindi na talaga siya makapag-antay,” sagot ko sa kanya.Nakababa na kami sa hagdanan at dahan-dahan na kaming naglakad papapasok sa aming kotse. 
Lumipas ang tatlong araw ay wala pa rin report na nakakita kay Celyn. Nag-aalala na ako para sa kanya dahil iniisip ko na baka may mangyareng masama sa kanya o baka naman makapanakit siya nang inosenteng tao.Ilang oras na akong nakaupo sa aking harapan nang computer nang mag biglang tumawag sa amin at sinabi na may nakakita daw sa babaeng ibinalita sa telebisyon.Agad kong sinulat ang address na binigay nila at lahat kami ay pumunta sa lokasyon kung nasaan si Celyn.Nagulat kami na ang address na binigay sa amin ay ang address nang dating pumuporma kay Celyn.Kumatok kami sa pinto at bumungad sa amin ang isang matipunong lalake. Mukhang kakagising lang ata.“Yes Captain Luna?” tanong niya sa akin habang pakipit-pikit pa ang talukap nang kanyang mga mata.“Major Garcia. May nakapagsabi sa amin na andito daw si Celyn sa iyong bahay,” sabi sa kanya ni Alex.“Alam ko naman na hindi ko siya matatago habang bu
Habang naglalakad palayo sa kanila ay nakita ko si Alex na nakasimangot. Mukhang excited talaga siyang sumakay doon. Pero hindi ko talaga kaya. Niyakap ko nalang siya nang mahigpit at hinalikan sa labi.Natapos namin ang pananatili namin sa resort, masasabi kong maganda ang resort, magandang tanawin nang paglubog ng araw.Umalis kami sa resort at nagpunta sa The St. Regis Maldives Vommuli Resort - Maldives ang Fishing Resorts sa Maldives.Narinig ko rin na ang Maldives ay kilala sa kanilang likas na kapaligiran kabilang ang asul na dagat, puting mga beach, at malinis na hangin.Ang klima ng Maldives ay mainam para sa mga bisita na makisali sa mga palakasan sa tubig tulad ng paglangoy, pangingisda, scuba diving, snorkeling, water-skiing, windurfing at marami pang iba.Nais kong ilista ang mga bantog na mayroon ang Maldives at subukan ito lahat kaso hindi namin kakayanin dahil may trabaho pa aming naghihintay sa headquarters pagbalik namin.Na