author-banner
Hannah
Hannah
Author

Novels by Hannah

Chain the Truth

Chain the Truth

Ang SCI ay isang ahensyang humahawak sa mga murder case. Nabuo ang grupo nang Special Crime Investigation na kung saan ay pinangungunahan ni Police Captain Luna Rose Enriquez. Hindi inaasahan nang kapitan na ang unang kasong hahawakan nila ay isang series crime na kung saan sunod-sunod ang pagpapatay nang mga krimal sa mga biktima nito. Noong una ay inakala nang kapitan na isang simpleng tao lang ang mga kriminal. Hanggang sa napagtanto niya na hindi sila katulad nang mga ordinaryong mamamayan. Walo na tauhan ang naatasang lutasin ang karumal-dumal na kasong ito at sila ay sina Police Captain Luna Rose Enriquez na isang investigator, Police Major Alexander Dawson na profiler, Police Major Austin Gray na isang police-lawyer. Kasama na rin si Police Lieutenant Celyn Cruz, Police Corporal Symae Floresca ay mga magaling na computer technician, Patrolman Nicky Romana na isang police-nurse, Patrolman Richard Samili na isang masuring police officer at sa Forensic and Medico-Legal Expert na si Lucy Cooper. Matalino at malupit na mga kriminal ang kailangan nilang hanapin at hulihin. Habang tumatagal ang pag-iimbestiga ay mas lalo pang nagiging agresibo ang mga kriminal. Hanggang sa dumating ang kinakatakot na mangyare ni Police Captain Luna Rose Enriquez…
Read
Chapter: 46 Police Major Alexander Dawson
“Nakasulat sa noo nang batang lalake ang salitang ‘JUSTICE’,” sabi sa akin ni Luna. Anong hustisya ang hinahanap niya? Eh dapat ang magkaroon nang hustisya ay ang pamilya nang mga batang ito. “Oh God…” sabi ni Nicky habang hawak-hawak ang kanyang laptop. “Bakit anong mayroon?” tanong sa kanya ni Austin. Iniharap ni Nicky ang kanyang laptop sa amin at inilagay ang laptop sa lamesa. Nakita namin ang dalawang batang lalake na nakalive sa isang website. Nakatali silang dalawa sa armchair at nakapiring. “Hindi ko matrace ang location kung nasaan nanggagaling ang signal. Mukhang matindi ang ginamit niyang website breaker at hinacked ito,” sabi naman ni Nicky. “Shit! Anak ito si Sir Collins at ang kaibigan niya, kailangan natin ang Cybercrime group ipaabot sa kanila ang balita!” utos ko kay Symae. Tumingin ako sa may upper right side at nakalagay na nakalive ang video na ito at napapanood nang mga tao. “Ngayon? Pwede ko na ba makuha ang atensyon ninyo?” sabi nang lalake na hindi kita a
Last Updated: 2021-11-05
Chapter: 45 Police Major Alexander Dawson
“Major? May nakita akong mga pasa sa binti nang biktima mukhang minaltrato pa itong batang lalake na ito bago tinuluyang patayin,” sabi sa akin ni Lucy. “Teka teka, namatay ba ang batang lalake sa pagpalo nang mga bagay-bagay sa kanya bago tinuluyang hiwain ang kanyang katawan pati tanggalin ang laman at loob nito?” pagliliwanag ko sa kanya. “That’s right. Nagkaroon nang internal bleeding ang bata, isa pa. Kung titingnan mo ang ulo nang bata na ito, mukhang hinampas din ito nang malakas, nahimatay itong bata, nawalan nang malay at pinagpatuloy pa rin ang paghahampas nang kriminal hanggang sa tuluyan na itong mawalan nang buhay at inumpisahan na hiwain ang kanyang dibdib hanggang tiyan,” sabi sa akin ni Lucy. “Kahit an
Last Updated: 2021-11-05
Chapter: 44 Police Major Alexander Dawson
Kinabukasan ay isang bangkay ang natagpuan sa harap nang paaralan nang San Ramon Academy at ang estudyante ay kinilala sa pangalan na Shawn Pamoy na ang isa sag a dinukot.Agad na kaming remesponde sa eskwelahan. Nakita namin na wala na rin laman at loob ang estudyante, kasabay namin na dumating ang Pamilyang Pamoy para kumpirmahin na kung anak ba nila ang nakahilata sa sahig na walang buhay.Nang makalapit ang nagpakilalang ina nang bata ay nag wala na ito dahil anak niya nga ang batang nakahiga.“Ang anak ko! Ang anak ko! Renz ang anak natin!” sigaw nang ginang. Halos hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit nang kanyang anak. Nakatunog din ako, posible kaya ang pumatay sa anak ni Sir Luisito ay siya rin ang dumukot sa iba at pumatay sa kawawang bata itong? Ito ang katanungan na kailangan namin masagot.Nagulat kami nang biglang sumulpot si Colonel Collins sa amin at tiningnan ang bangkay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aa
Last Updated: 2021-11-05
Chapter: 43 Police Major Alexander Dawson
Pagpasok namin sa loob nang aming opisina ay agad kaming nagulantang sa balita na nakarating sa amin.Nakita namin si Colonel Collins na nasa loob na nang aming opisina para ireport sa amin ang insidente na nangyare sa kanyang anak dahil daw dinukot daw ito mismo sa kanilang eskwelahan.Humingi nang tulong sa amin si Colonel, hindi niya naman kailangan na humingi nang tulong dahil tungkulin namin ang gawin ang aming obligayson. “Hindi lang ang anak ko ang dinukot, dalawa daw sila nang kaibigan niya, ito ang sabi nang ga nakakita, hindi na daw nakapalag ang dalawang binata dahil tinutukan sila nang baril at pwersahang pinapasok sa loob nang kotse,” sabi sa akin ni Colonel. “Huwag niyong hayaang mawala ang aking anak,” dagdag niya sa amin. Pagkatapos niyang sabihin sa amin lahat ay napatulala lang kami
Last Updated: 2021-11-05
Chapter: 42 Police Captain Luna Rose Enriquez - Dawson
Kinabukasan ay napaaga ang aking gising dahil nakapagpahinga ako anng maayos. Habang si Alex at si Baby Daniel naman ay payapa pa rin na natutulog.Tinulungan ko nalang din na maghanda nang umagahan si Aling Bina pagkatapos namin magluto ay maaga-aga pa para kumain ang umagahan.Umupo muna kaming dalawa sa sofa at binuksan ang telebisyon. Muling lumitaw sa medya ang kaso na hinahawakan namin ngayon patungkol sa anak ni Police Lieuetenant Colonel Brandon Luisito sa anak niyang si Grace Luisito.Nakita ko rin na marami ang nagrarally sa harap nang headquarters. Hinihingi nila ang hustisya.Muli akong bumalik sa aming kwarto para tingnan ang files ni Grace, pagakatapos ay inilagay ko na ito sa bag para maidala sa headquarters. Sabay na kaming kumain ni Alex at pumunta sa headquarters, nang makarating na kami doon
Last Updated: 2021-11-05
Chapter: 41 Police Captain Luna Rose Enriquez - Dawson
“Captain may bagong pasok na kaso,” sabi sa akin ni Symae dala-dala ang isang folder, inaabot niya ito sa akin at agad ko nalang tiningnan kung ano ang mga nakapaloob dito.Napataas ang aking kilay. Hindi naman ito bagong kaso, noong nakaraang dalawang buwan pa pala ito. Ito ang kaso na kung saan namatay ang anak ni Police Lieutenant Colonel Brandon Luisito.Ang sabi sa report ay ayon daw sa nakakita sa bangkay ay wala na daw itong laman at loob, maaaring kinain daw ito nang aswang dahil nasa liblib daw ito na lugar kung saan nakita ang bangkay. Alam ko naman ang mga paniniwala nang mga tao doon. Kung aswang nga talaga ang kumain sa laman at loob nang anak ni Lietenant Colonel Luisito?Paano nila maipapaliwanag ang bakas nang tali sa dalawang kamay at paa nang dalaga. “Hindi naman ito bagong kaso Sy
Last Updated: 2021-11-05
DMCA.com Protection Status