Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2023-01-06 09:10:07

"BAKIT ba kasi pumunta ka sa malaking bahay hindi ba may trabaho ka?" Sermon sa kanya ng kanyang ama. Naiiling ito habang nakatingin sa kanya na napapangiwi habang hinihilot ang kanyang paa at balakang.

"Sinamahan ko lang naman po si Manang Alma." Sagot niya at mariing napakapit sa mesa nilang yari sa kawayan upang pigilan ang malakas na pagtili.

"Tiisin mo lang iha." Sabi ni Aling Alma na siyang naghihilot sa kanya. Tumango siya bilang sagot.

"Ikaw talagang bata ka, saan ba ako nagkulang ng pagpapalaki sa'yo." Kunsimisyadong tugon ng kanyang ama.

"Hindi naman ako lumaki five nga lang height ko." Napangiwi siya ng akmang hahampasin siya nito ng hawak na maliit na tuwalya.

"Hindi ka nga lumaki pero 'yang bibig mo napakalaki. Kanino ka ba nagmana ha? 'Yong nanay mo noong nabubuhay pa hindi naman chismosa ni hindi nga lumalabas ng bahay tapos ikaw halos gawin mo ng bahay ang labas." Alam niyang iritang irita na ito sa kanya ngunit hindi niya magawang dibdibin ang mga sinasabi nito dahil maliban sa wala naman siyang dibdib alam niyang mahal na mahal siya nito.

"Kung hindi ako nagmana kay nanay at hindi rin sa inyo 'tay baka sa kumpare niyo." Ngising ngisi siya dahil sa pagsasalubong ng kilay ng kanyang ama. Pikon talaga ito kaya tuwang tuwa siyang biruin. "Lagot ka baka nagkabit si nanay, nasalisihan ka siguro noong nag-aararo ka sa bukid tapos si nanay inararo ng kumpare mo."

Masamang masama ang tingin nito at tuluyan siyang napahagalpak ng tawa dahil hindi na ito nakapagpigil na paluin siya ng hawak na good morning towel. "Napakadumi talaga niyang bunganga mong bata ka saan ka ba nagsususuot at nakakapagsalita ka ng ganyan."

Sinasalag niya ang bawat hampas nito habang patuloy sa pagtawa. "Joke lang 'tay sa'yo talaga ako nagmana dahil gwapo ka tapos ako maganda." Sa wakas ay tumigil ito samantalang siya ay halos makalimutan ang kirot ng katawan dahil sa kakatawa.

"Maganda ka nga pero malaki bunganga mo." Seryosong tugon nito.

Napahawak siya sa dibdib at napangiwi. "Ouch 'tay realtalk agad agad?" Kunwari ay nagdamdam siya ngunit ay totoo ay nagbibiro lamang siya. Alam niyang malaki ang bunganga niya at hindi na iyon bago dahil ang pagiging malaki n'on ay asset niya. Mas lalo siyang gumaganda dahil doon lalo kapag nakalipstick.

"Sinisubukan mo pasensya ko. Nakakahiya kay Sir Leo at nanggulo ka pa sa bahay niya."

"Sino po ba naman kasi ang hindi magugulantang kung may malaking cobra d'on sa bahay nila?"

"Paanong nagkaroon ng cobra doon kung napakalinis naman ng bahay nila at malayo sa kagubatan?" Hindi pa rin iton kumbinsedo. Napangisi na naman siya dahil muling sumagi sa kanyang isipan ang nakita niya. Kung kanina ay takot na takot siya ngayon ay hangang hanga na dahil sa laki niyon at totoo nga ang mga usap usapan.

Aabangan ko siya bukas na magjogging gusto kong makita ang mukha niya. Bulong niya sa kasulok sulokan ng kanyang isipan.

"Tay narinig niyo na ba 'yong kasabihan na hindi lahat ng ahas nasa gubat?"

Tumango tango ito. "Kunsabagay may punto ka."

"At narinig niyo na rin po ba 'yong kasabihan na hindi lahat ng nasa pagitan ng hita ng mga lalaki ay hotdog ang iba cobra." Nakagat niya ang mga labi upang pigilan ang pagbunghalit ng tawa dahil halatang napaisip ang kanyang ama.

Ilang sandali pa ay umiling ito. "Matanda na ako pero ngayon ko lang narinig ang kasabihan na 'yan."

Halos mautot na siya sa pagpipigil ng tawa at napatikhim nang tumingin sa kanya ang ama. "Siguro po nakaligtaan niyo lang."

"Siguro nga." Isinampay nito ang laging dala dalang good morning towel sa balikat bago muling bumaling sa kanya. "Sya sya, babalik na ako sa bukid at sasabihin ko kay Sir Leo na hindi ka muna makakapagtrabaho dahil sa lagay mo."

"Kaya ko naman kunting pilay lang 'to babalik rin po ako sa trabaho ko." Angal niya pero hindi ito nakinig.

"Bukas ka na bumalik sa pamimitas ng mga prutas at ako na ang magdadala ng mga kakanin sa mga trabahador."

"Pero--" akmang aapila na naman siya pero tumalikod na ito.

"Magpahinga ka na muna at kapag nakita kita sa labas 'yang bibig mo guguntingin ko 'yan para mas lalong lumaki." Alam niyang nagbibiro lang ito ngunit hindi halata dahil palaging seryoso. Walang ibang nakakagbiro sa kanyang ama kundi siya dahil seryoso itong tao.

Pagkaalis ng kanyang ama ay siya ring pagpapaalam ni Aling Alma. Napabuntong hininga na lamang siya at iika ikang nagtungo sa balkonahe ng kanilang maliit na bahay. Nakapangalumbaba siyang tumambay doon at napapangisi kapag naaalala ang nangyari sa malaking bahay ng kanilang amo.

"Ayos lang mapilay basta nakakita ng cobra." Napahagikhik siya dahil malinaw na malinaw sa kanyang alaala ang hitsura niyon.

Kung tutuosin ay hindi na naman bago iyon sa kanya dahil kahit laking probinsya ay hindi naman siya 'yong tipo ng babaeng kalahi ni Maria Clara. Hindi siya mahinhin at lalong hindi siya inosente. Nanonood siya ng mga malalaswang mga palabas kasama ang mga kapwa niya chismosa sa kanilang lugar.

Naninilip rin sila minsan sa mga binatang trabahador na pasok sa tipo nila. Napapailing na lamang siya kapag naaalala ang kanilang mga kalokohan.

"Richell, Richell." Napadako ang tingin niya sa labas at nakita niya ang papalapit na si Valerie. Tumatakbo ito at kitang kita niya ang malaking ngiti.

Alam ko na pakay nito. Natatawa siyang hinintay itong makalapit sa kanya. "Chismis na naman hanap mo?" Salubong niya, mabilis itong tumango at umupo sa kanyang tabi.

"Narinig ko 'yong nangyari sa'yo." At humagalpak ito ng tawa. "Kwento ka dali." Pinagpapalo pa nito ang braso niya.

"Panigurado kakagising mo lang ano?" Tinaasan niya ito ng kilay lalo at tumango. "Palagi ka talagang huli sa balita."

"Alam mo naman na matakaw ako sa tulog e." Napapakamot sa batok na tugon nito.

"Hindi ka matakaw sa tulog dahil  tulog ka na tinubuan ng katawan."

"Gaga alam ko na 'yan ang ikwento mo sa'kin ay 'yong hindi ko pa alam." Kung hindi niya lang ito kaibigan ay talagang hindi niya ito pagbibigyan dahil minsan nakakairita ang pagiging huli palagi nito sa balita.

Pareho ang likaw ng mga bituka nila at kasapi sa pederasyon ng mga chismosa sa kanilang lugar. Silang dalawa nalang ang dalaga sa grupo nilang mga chismosa at magkababata rin sila. Simula siguro ng ipanganak sila ay hindi na sila nagkahiwalay.

"Iyon nga sumasagap ako ng chismis at alam mo nalang sa atin kapag chismis kahit nasa dulo ng kweba ay susuungin." Panimula niya at wala pa man ay tumili na ito.

"Nakakita ka raw ng cobra? Gaano kalaki?" Nagniningning ang mga mata nito kaya pati siya ay nadadala sa excitement na magkwento.

"Cobra talaga, ang laki iyon na ata ang pinakamalaki na nakita ko." Sabay silang napatili ng malakas. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi dahil sa paulit ulit na paglalaro sa kanyang isipan ng imahe niyon.

"Sana isinama mo ako." Ungot nito.

"Gaga, paano kita maisasama kung tulog ka. Sarap mo rin sabunutan."

"Dapat ginising mo ako dahil alam mo naman na game na game ako sa ganyan." Hindi ito magkandamayaw sa paghampas sa kanya at sabay na siya sa ganito. "Gwapo ba?"

Nawala ang ngiti niya dahil isa iyon sa pinanghihinayangan niya na hindi niya nakita ang mukha nito. Umiling siya. "Hindi pero given naman na gwapo 'yon dahil pinsan ni Sir Leo at walang pangit sa lahi nila sir. Isa pa maugat ang mga hita kaya alam kong yummy 'yon." Nabalik ang ngisi niya dahil sa pagngiwi ng kanyang kaibigan. Alam ko na kung bakit.

"Pinsan niya? Biglang nawala excitement ko." Napahagalpak siya ng tawa dahil sa pagiging malungkot nito. "But well, sa'yo nalang 'yon tutal mahilig ka naman sa maugat."

"Mas masarap ang maugat dahil lalaking lalaki."

"Sus, di naman lahat ng maugat gan'on 'yong iba maugat dahil three times a day nagpapalad." Sabay silang natawa dahil sa sinabi nito. Sanay na sanay na sila sa kabaliwan ng bawat isa dahil hindi naman sila lumaking tago sa makamundong kaganapan.

"Basta hindi ako papayag na hindi ko makita ang mukha niya, pakiramdam ko talaga yummy siya at kapag gan'on luluhuran ko 'yon."

"Tanong mo muna kung walang sabit wag luluhod sa kargadang pagmamay-ari ng iba."

Napaisip siya sa sinabi nito. May girlfriend na kaya 'yon? Asawa? Sana naman wala pa. Napailing siya dahil sa mga naiisip.

"Ano naman ngayon kung may nagmamay-ari?" Nakangiwi siya dahil sa biglang paghila nito ng kanyang buhok muntikan pa siyang mahulog sa kinauupuan.

"Mahaharot tayo pero di tayo papayag na maging kabit." Madiing tugon nito.

"Ang OA, kabit agad luluhod lang?"

Umirap ito at humalukipkip. "Hindi naman papayag ang lalaki na luluhod ka pero di ka papasukin malamang wawasakin niyan si Vulva."

"E, bakit ikaw nawasak na naman si Vulva mo pero nasaan na 'yong lalaki di ba wala? Uso naman one night stand."

"Oo nga pero ako binigay ko si Vulva kasi mahal ko 'yong tao hindi dahil sa one night stand kaya ikaw kung ibibigay mo si Vulva mo dapat doon pa rin sa mahal mo. Mas masarap makipagsex sa taong mahal mo kaysa sa taong libog ka lang." Seryosong sambit nito. napatango siya dahil alam niyang tama ito. "Kaya ikaw kung may balak kang pagbigyan ng una mong halik at luhod dapat doon sa mahal mo."

"Oo na, oo na." Tanging naisagot niya. Nagpatuloy ang usapan nila tungkol sa kalokohan at noong nagpaalam ito ay inalalayan muna siya patungo sa kanyang silid.

Napagpasyahan niyang magpahinga na lamang dahil kumikirot na naman ang kanyang balakang at paa. Pagkalapat na pagkalapat ng katawan niya sa higaang papag ay agad siyang dinalaw ng antok.

NAGISING SIYA dahil sa malalakas na boses. Napatingin siya sa bintana ng silid pagkabangon at napabalikwas dahil madilim na. "Hala wala pa akong sinaing baka gutom na si tatay." Mabilis siya bumama sa papag at napangiwi dahil sa kirot ng paa. Ang kirot sa balakang ay kaya niyang tiisin ngunit mas masakit ang paa niya.

Ilang sandali siyang umupo at pinakiramdaman ang sarili bago tumayo. Nakahinga siya ng maluwag dahil nakaya niyaa ng kirot.

"Richell, Richell nasaan ka?" Kunot noo siyang naglakad patungo sa kanilang kusina. Nabungaran niya sa labas ay ang kanilang mga kapitbahay.

Mabilis niyang binuksan ang pintuang yari sa pinagtagpi tagping yero. Lumikha iyon ng ingay dahilan upang mapabaling ang mga tao sa kanya.

"Ano pong nangyayari, bakit po kayo nandito?"

Nagsilapitan ang mga ito sa kanya at hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan. "Mabuti at lumabas ka na kanina ka pa namin tinatawag." Humawak sa braso niya si Valerie habang naiiyak. "Ang tatay mo."

"A-Anong nangyari sa tatay?" Napatingin siya sa lahat na nagsiiwas ng tingin sa kanya kaya mas lalo siyang kinabahan. "Anong nangyari sa tatay?" Ihiniwalay niya ang kaibigan sa pagkakayakap sa kanya at mahigpit itong hinawakan sa balikat. "Sa-Sabihin mo, anong nangyari sa tatay?" Dahil sa luha nito ay hindi niya mapigilan ang maiyak din.

"Na-Nakapatay siya ng trabahador." Utal nitong tugon na halos ikapanghina niya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat nito.

"Nagkainuman kanina sa kwadra ng mga kabayo at nagkainitan sila ni Bitoy." Sabat ng isa sa mga kaibigan ng kanyang ama.

"Sino po ang nagsimula?" Nahihirapan siyang ibuka ang kanyang bibig dahil sa panghihina. Alam niyang seryoso ang ama at hindi ito nabibiro ngunit kilala niyang hindi ito nananakit ng kapwa.

"Si Bitoy ngunit napatay niya ito dahil ipinagtanggol niya ang sarili niya."

"Tumakbo siya sa kagubatan at pinaghahanap na ng mga pulis ngayon, humingi ng tulong kay Sir Leo ang pamilya ni Bitoy para dakpin ang tatay mo."

Nanginginig siyang bumitaw sa kaibigan at naglakad pabalik ng kanilang bahay. Hindi niya pinansin ang mga taong naiwan niya sa labas. Nagmamadali siyang naghanda ng makakain sa kabila ng takot at pag-aalala para sa kanyang ama.

Isinarado niya ang lahat ng mga bintana at mga pinto mayroon ang kanilang bahay. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa bawat pagdampi nito sa mga damit ng ama. Kumuha siya ng bag at isinilid doon ang ilang piraso ng mga damit nito.

"Tay, sana ayos ka lang." Bulong niya sa sarili.

Pinunasan niya ang mga luha at ilang ulit na huminga upang payapain ang sarili. Matatag ako.

Nagsilid siya ng mga pagkain sa bag bago lisanin ang kanilang bahay.

Related chapters

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 3

    MADILIM ANG paligid at mga ingay ng kulisap ang tanging naririnig ngunit hindi iyon pinansin ni Richell dahil mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang hanapin ang ama sa gubat. Alam niyang gutom na ito at natatakot rin dahil ni minsan ay hindi ito nanakit ng kapwa. Tinalasan niya ang pagmamasid sa paligid habang dala ang flashlight at bag na may pagkain at damit ng kanyang ama. Nakapatay man ito upang ipagtanggol ang sarili o kung ano pa man ay ito pa rin ang kakampihan niya dahil ama niya ito. "Tay?" Tawag niya dito dahil sa mga kaluskos na naririnig niya sa paligid. Nagpalingon lingon siya ngunit wala siyang makitang ibang tao. Sanay siya sa gubat at hindi siya takot sa mga hayop na naninirahan doon dahil kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Walang ibang gubat ang kanilang lugar kundi ito kaya't alam niyang dito nagtago ang kanyang ama."Tay sumagot po kayo ako po ito si Richell." Mas lalo niyang nilakasan ang kanyang boses ngunit wala pa rin. Nagpatuloy siya sa paghakbang kahit al

    Last Updated : 2023-02-27
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 4

    "HERE." Tinanggap niya ang puting sobre na iniabot ng kanyang amo. Nang dumating siya kanina ay agad niya itong kinausap at humingi ng tulong para sa ama. Wala siyang ibang malalapitan kundi ito. "I'm sorry, pinansyal na aspeto lamang ang maitutulong ko. Pareho ko silang trabahador at sa lupa ko nangyari ang lahat kaya responsibilidad kong tulungan kayo pero ayokong personal na sumama sa isa man sa inyo o sa pamilya ni Bitoy dahil ayokong isipin nila na may pinapanigan ako," sabi pa nito. Tumango siya para sabihin dito na naiintindihan niya. "Ayos lang po 'yon sir malaking bagay na po ito sa'min.""Gusto kong kumuha ka ng abogado na hahawak sa kaso ng tatay mo." Napayuko siya dahil alam niyang malaking pera ang kakailanganin para doon, balak niyang dumulog nalang sa PAO at hingin ang serbisyo nito kahit na matagal uusad ang kaso. Tila napabasa nito ang isip niya. "Ako ang bahala sa lahat ng gastos. Mas mapapadali kung kukuha ka ng private attor

    Last Updated : 2023-02-28
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 5

    Rated SPG(For adults only)HALOS hindi na makita ng maayos ni Richell ang daan papunta sa hotel room na ibinigay sa kanya ng abogado. Kumukulo ang kanyang sikmura sa sobrang kalasingan at tila masusuka siya sa bawat hakbang niya. Ito ang gusto niya dahil siguradong pati mukha ng abogadong iyon ay hindi na niya maaaninag dahil sa sobrang hilo."Tok. Tok. Tok," sabi niya. Idinikit niya ang kanyang mukha sa pinti upang ipahinga ang ulo. "Richell Vinteres for extra service." Napahagikhik siya dahil sa mga sinabi. Napapasunok pa siya sa sobrang kalasingan.Ilang beses siyang kumatok  ngunit walang nagbubukas hanggang sa isanda niya ang buong katawan doon. "I'm delivering my vulva," sigaw niya. Napatili siya sa biglaang pagbukas ng pinto at pagbagsak niya sa sahig. Panaungol si Richell habang hawak ang dibdib na unang umama sa sahig. Imbes na masaktan ay tumawa lang siya ng tumawa. "Sabik na sabik na pumasok?" Pagkausap niya sa sarili habang nakat

    Last Updated : 2023-03-01
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 6

    LABAG MAN sa kagustuhan ay tinatagan niya ang loob upang sikmurain ang mga naganap kagabi, noong una ay nagdadalawang isip siya ngunit noong naglaon ay talagang nagustuhan niya. Hindi sekreto sa kaalaman niya kung paano magtalik at madalas man sila sa kalokohan ay hindi naman niya pingarap na ibigay ang sarili sa lalaking hindi niya mahal pero ngayon ay wala na ang pinakaiingatan niya.Inisip na lamang niya na para iyon sa ama para kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Isa ito sa realidad ng buhay mahirap dahil sa araw araw na lumilipas kalimitan ay kumakapit sa patalim upang makasurvive. Sinapo niya ang noo dahil sa hang over at nanginginig pa ang kanyang kamay habang hawak ang kumot na siyang tanging balot sa kanya katawan. Nakatingin siya sa lalaking nakatalik. Naikuyom niya ang kamao dahik gusto niyang magwala at magsisigaw pero hindi iyon ang tamang gawin niya sa sitwasyon niya ngayon. Kailangan niyang mag-isip.Kaya mo 'to Rich, virginity

    Last Updated : 2023-03-02
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 7

    "Makakalabas na po kayo tay, konting tiis nalang," sambit niya habang hawak ang kamay ng ama. Katatapos lamang nitong kumain at kung pwede lang ay tabihan niya ito sa loob ng kulungan ay ginawa na niya. Sobra ang awa niya rito lalo at patanda na ito. Hindi dapat ito sa prisento kundi sa bahay nila at nagpapahinga."Kahit hindi na anak sa tulad nating mahirap ay sadyang mailap ang hustisya," sagot nito.Napalunok siya upang tanggalin ang bikig sa lalamunan na nagsisimula na namang mamuo. "Ano kaya 'tay kapag hindi kayo nakalabas ay samahan ko nalang kayo diyan sa loob," pagbibiro niya. Gusto niyang kahit papaano ay gumaan ang kalooban nito.Napatawa ito at labis labis na iyon kay Richell. "Ikaw talagang bata ka puro kalokohan ang palagi mong sinasabi.""Kasi 'tay di ko naman kayang wala ka sa tabi ko kaya sasamahan nalang kita."Umiling ito habang natatawa pa rin. "Matanda na ako Richell anak at kung ito ang kapalaran ko ay tatanggapin ko.

    Last Updated : 2023-03-03
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 8

    Inalis ni Richell ang tubig sa kanyang mukha gamit ang kamay bago muling sumisid sa ilalim. Itinaas niya ang kamay at lumangoy papalapit sa kaibigan na nakaupo lamang sa buhanginan. "Tara d'on tayo sa malalim." Aya niya rito pero inirapan lang siya nito na ikinatawa niya. Hindi marunong ang kaibigan at kahit turuan niya ito ay takot pa rin. Kaya siya lang ang madalas na sumisid sa dagat samantalang nasa buhanginan lang ito at naglalagay ng mga basang buhangin sa paa. "Bakit ba kasi ayaw mong turuan kita?" tanong niya.Umiling ito. "Ayoko nga dahil baka malunod ako, ikaw nalang tapos dito lang ako titingin sa'yo," ngumuso ito.Pabagsak siyang umupo sa tabi nito at hindi alintana ang buhangin na dumudumi sa kanyang pang-upo lalo't nakatwo piece silang pareho ng kaibigan. "Dito nalang din muna ako para di ka mabored," sagot niya. Gumaya siya sa paglalaro nito ng buhangin habang nakatanaw sa malawak na karagatan na parang walang katapusan.

    Last Updated : 2023-03-04
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 9

    HINDI niya napaghandaan ang muling pagbabalik nito. Halos umabot sa isang taon bago niya muli itong nakita at hindi niya iyon inaasahan. Nang lumipas ang ilang buwan mula ng huling araw nito dito ay nawala na rin sa kanya ang pag-asang babalik ito sa hacienda. Pero ngayong nandito na ito ay hindi niya alam ang ikikilos. Simula ng matulungan ng pamilya nito ang kanyang ama ay nagsilbi na siya sa malaking bahay at iba pang trabaho sa bukod ngunit ngayon lang ang araw na gusto niyang maglaho at hindi umapak sa lupain ng amo. "Are you fine here iho?" tanong ng ina nito. Naririnig niya ang usapan ng mga ito dahil siya ang naglalagay ng mga pinggan at kubyertos sa hapag. Nakilala niya ang mga kapatid at mga magulang nito at tulad ng kanyang tunay na amo ay mababait rin ang mga ito. Ngunit kahit mapagkumbaba ang mga ito ay hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng ilang."I'm fine mom," sagot ni Sais. Napapapikit si Richell kapag naririnig ang

    Last Updated : 2023-03-05
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 10

    "BAKIT ka naman umiiwas hindi mo ba alam na nakakahiya sa totoo mong amo? Imbes na sa malaking bahay ka maglinis nandito ka sa kwadra kasama ang mga kabayo." Lintaya sa kanya ng kaibigan na tumutulong sa kanya sa paghahakot ng mga dayami para sa kakainin ng mga kabayo.May kaya ito sa buhay hindi tulad niya na dukha. Pero kahit na angat ito sa kanya ay hindi ito maarte, tulad ngayon nagkusa itong tulungan siya sa kwadra kahit na hindi naman ito ang lugar para sa kaibigan. "Ayokong bumalik sa malaking bahay dahil baka mawalan na talaga ako ng respeto sa pinsan ng amo ko," asik niya sabay irap dito.Naikwento na rin niya dito na ang lalaking nakatalik niya ay si Sais at halos hapbalusin siya at itakwil nito dahil bakit hindi niya raw sinabi na gayong noong nakaraang linggo ay napag-usapan nila ito sa dagat.Ang alam lamang nito noon ay interesado siyang makachismis ulit tungkol kay cobra man kaya hinihintay niya ang pagbabalik nito. "Naku

    Last Updated : 2023-03-06

Latest chapter

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Special Chapter

    "ARE YOU HAPPY?" Sixth asked while looking at her beautiful wife smiling from ear to ear, dancing with the wild wind of Essaouira seaside. Ngayon ang pangalawang araw ng honeymoon nila dito sa Morocco, ang favorite destination ng kanyang asawa. "Yes, masayang masaya," nakangiting sagot nito. Lumingon ito sa kanya, napangiti siya dahil pumikit ito sa pagtama ng sikat ng araw sa mga mata nito. The most beautiful woman in the world, he whispered. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay. Hindi pa rin nawawala ang malakas na pagtibok ng kanyang puso sa tuwing hinahawakan niya ang kahit anong parte ng katawan nito. From her hair to the tip of her nails. She's everything for him. "Be careful. Baka masugatan ang paa mo," paalala niya dahil mas lalo itong lumapit sa mabatong parte."Ayos lang naman masugatan e." Napakamot na lamang siya sa batok nang bumitaw ito at parang batang inilubog ang mga kamay sa tubig. Tumayo siya sa likod n

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Epilogue

    MALAKI ANG mga ngiti sa labi ng bagong mag-asawa. Katatapos lamang ng kanilang kasal at ngayon ay patakbo silang lumalabas sa simbahan habang magkahawak ang mga kamay. They are happily married witnessed by God, friends and family. Walang mapagsiglan ang saya sa kanilang mga puso dahil sa lahat ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa kanilang pag-iibigan ngayon ay walang humpay na saya naman ang kanilang tinatamasa. Natatawang ihinagis ni Richell ang hawak na bulaklak habang buhat buhat siya ng asawa. Sa likod naman nila ay ang kanilang pamilya at mga kaibigan na may mga ngiti rin sa labi. "Akin 'yan," dinig niyang tili ni Vale at talagang halos makipagpatayan makuha lamang ang bouquet. "Ipaubaya niyo na sa'kin mag-iisang taon na akong tigang," hinablot nito ang bulaklak na napunta sa iba. Napahalakhak sila at napailing sa pagiging eskandalosa nito. "Honeymoon is coming," sigaw ni Sais kaya nagtawanan ang lahat. Nakakapit siya sa batok nito

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 28

    KINAUMAGAHAN ay maagang gumayak si Richell. Suot ang bestidang puti ay lumabas siya sa kanilang silid ni Sais. Pansamantala silang nakatira sa malaking bahay ni Leo. "Are you ready?" Nakangiting tanong sa kanya ni Sais. Napangiti rin siya pagkakita sa gwapo nitong mukha suot ang white Armani polo shirt nito na pinarisan ng demin jeans at itim na sapatos. Tumango siya at hinaplos ang urn na dala. "Ready na.""That's good to hear," lumapit ito sa kanya at inayos ang kanyang buhok. "You're so beautiful, little kitten.""And you're so handsome," balik niya. Humalik ito sa kanyang noo bago siya inakay palabas. Balak sana nitong gamitin ang sasakyan nito ngunit mas pinili ni Richell na maglakad na lamang dahil gusto niyang namnamin ang sikat ng araw sa umaga."Wala pa ring nagbabago, maganda pa rin ang buhay probinsy," huminga siya ng malalim habang ipinapalibot ang tingin sa paligid, purong mga berde ang kanyang nakikita at nakakagaan iyon s

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 27

    MALAKI ANG PAGKAKANGITI ni Richell nang lumapag ang helicopter na kanilang sinasakyan sa malawak na hacienda ng dating amo na si Leo. Ngayon ang pagbalik nila dito isang linggo magtapos sabihin ni Sais na pupunta sila sa dagat.Sobrang nangungulila na siya sa hangin sa bukid, ang purong mga berdeng kahoy na halos bumabalot sa buong lugar, ang walang traffic na lugar at tahimik. Simpleng pamumuhay ang namimiss niya dahil sobrang magara ang naging buhay niya sa syudad.Unanh bumaba si Sais at napakunot ang noo niya nang idipa nito ang mga braso. "I will carry you.""Wag na," tanggi niya at akmang bababa na ngunit bigla siyang binuhat nito."Kakargahin kita dahil baka maputikan ang paa mo."Tinaasan niya ito ng kilay pero hindi maalis ang masayang ngiti."Ano ka ba sa putik ako pinanganak kaya sanay ako kahit lumangoy pa ako sa palayan wala lang sa'kin 'yon."Ang noo naman nito ang kumunot. "Bakit sa putik ka ipinangan

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 26

    MATAPOS MAGSIPILYO at maghilamos upang linisin ang mukha ay nadatnan ni Sais si Richell na hawak hawak ang mahabang buhok. Paulit ulit itong inaamoy ng dalaga at napapasimangot."What's the problem, little kitten?" Kahit papaano ay masaya siya sa unti unti nitong pagbalik sa dati, siguro'y nakakatulong ang palaging pakikipaglaro nito sa kanyang anak at pagkausap nito kay Syete. Madalas pa rin itong tulala ngunit hindi na umiiyak at nagwawala, nagsasalita na rin ito kapag kinakausap niya o sumasagot ng tango. "Mabaho," sagot nito habang inaamoy pa rin ang buhok. Natatawa siyang lumapit dito at hinaplos ang buhok nito. "Kailan ko huling naligo?""Kahapon pero naglaro kami ni Zam at may inilagay siya sa buhok ko."Tumango siya bago inamoy ang buhok nito. "The smell is fine. Hindi naman mabaho e." Mas lalo itong sumimangot. Kinurot niya ang ulong nito dahil sa panggigigil. "Come here, we will take a bath.""Dalawa ta

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 25

    "AKALA NIYO papalagpasin ko lahat ng mga ginawa niyo. Devils don't deserve my conscience, assholes," napangisi siya at sandaling lumayo sa mga ito para tignan ang takot na mga mukha ng dalawa samantalang si Fabilon ay halos hindi na makadilat ang mga mata.Lumapit siya sa mesang ipinasok ng mga kapatid kung saan nakapatong ang iba't ibang bahay na maaari niyang gamiting pagpapahirap dito. Pinulot niya ang alcohol at itinaktak sa kanyang kamay. "Sa sobrang gigil ko sa inyong mga putangina kayo nadumihan ang kamay ko," aniya. Matapos linisin ang kamay ay nagsuot siya ng gloves upang hindi na muling mamantsahan ng dugo ang mga kamay."Nanggigigil talaga ako sa mga ungas na 'to," umalis si Gale sa pagkakasandal sa dingding at naiiling na lumapit sa tatlo. "Pasampal nga ako sa mga ito.""Go on," sagot ni Sais.Hinawakan ni Gale ang baba ni Fabilon at naiiling na tinalikuran ito. Ginawa niya iyong bwelo dahil sa muling pagharap ay malakas na sampal

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 24

    KAHIT NA SUMISIKLAB sa galit ang kanyang kalooban dahil sa mga nalaman ay nakangiti siyang humarap kay Richell. Tapos na ang agahan nila at nasa sala na ito kalaro ang kanyang anak. "Little kitten," pagtawag niya at mas lalong napangiti dahil lumingon ito. Minsanan lang kung lumingon ito sa bawat pagtawag niya at labis ang sayang dulot niyon para sa kanya. "Are you okay?" tanong niya nang makalapit dito."She's playing with me dad," angal ng kanyang anak."Sorry darling, I just want to kiss your mom," at hinalikan niya ang noo ng kasintahan. Nakatitig lamang ito sa kanyang mukha at natigilan siya dahil sa paghaplos nito sa kanyang kamay na may benda. Napansin iyon ng mga magulang kanina ngunit ng sumagot siyang wala lamang iyon ay hindi na nag-usisa ang mga ito."Hindi masakit," sabi niya dahil nakikita niyang hinahaplos pa rin nito ang kanyang sugat. "Wag kang mag-alala dahil ayos lang ako," mahigpit niya itong niyakap mula sa likod ha

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 23

    NANATILING GISING si Sais kahit na maghahating gabi na dahil sa pagbabantay sa dalaga. Ayaw niyang matulog kahit na pagod na pagod na ang kanyang buong sistema. Upang masiguro na ligtas ito ay isinasakripisyo niya pati ang pagpapahinga. He can't rest thinking that he might lose her in any moment. He leaned at the wall while watching her sleep. He can't think of anything as if his mind is blank and lost. Kinakain ng katahimikan ang malalim na gabi kaya't pati ang pag-iisip niya ay naaapektuhan. Gustong gusto niyang malibang upang alisin ang mga negatibong ideya ngunit hindi siya pwedeng umalis. Hinahayaan na lamang niya ang pagkukusa ng mga luha sa pag-agos mula sa kanyang mga mata. Wala rin namang patutunguhan kung pipigilan niya iyon dahil hindi paampat."Ta-Tay, tay?" Mabilis siyang bumangon nang marinig ang paos na boses ng dalaga na tinatawag ang ama nito. "Li-Little kitten," dahil sa pinaghalong pagod at puyat ay bahagyang gumewa

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 22

    "KAPAG may gusto kang kainin sabihin mo lang okay? We will buy anything you want," wala siyang natanggap na sagot muli sa dalaga dahil tulala na naman ito. Kagigising lamang nila at dahil siguro sa pagod ay tanghali nang nagising si Richell. Ipinaghain niya ito ng almusal at tumabi upang subuan ito. Kung hindi niya gagawin iyon ay siguradong hindi ito kakain."Say, aaaah," ibinuka niya ang bibig upang gayahin nito. Napangiti siya dahil sinunod iyon ng dalaga. "Very good my little kitten." Patuloy niya itong inalalayan sa pagkain. Kahit papaano ay nagiging panatag ang loob niya kapag kumakain ito kahit na hindi maayos ang dinaramdam.Dahil sa nangyari kagabe ay mas lalo niyang dinagdagan ang security guards sa bahay nila at pati mga katulong upang marami ang titingin sa dalaga. Hindi naman siya humihiwalay at kaya niya itong bantayan ngunit gusto niyang makasiguro. Ayaw na niyang maulit na halos mabiliw siya kakahanap dito."Good morning

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status