"Makakalabas na po kayo tay, konting tiis nalang," sambit niya habang hawak ang kamay ng ama. Katatapos lamang nitong kumain at kung pwede lang ay tabihan niya ito sa loob ng kulungan ay ginawa na niya. Sobra ang awa niya rito lalo at patanda na ito. Hindi dapat ito sa prisento kundi sa bahay nila at nagpapahinga."Kahit hindi na anak sa tulad nating mahirap ay sadyang mailap ang hustisya," sagot nito.Napalunok siya upang tanggalin ang bikig sa lalamunan na nagsisimula na namang mamuo. "Ano kaya 'tay kapag hindi kayo nakalabas ay samahan ko nalang kayo diyan sa loob," pagbibiro niya. Gusto niyang kahit papaano ay gumaan ang kalooban nito.Napatawa ito at labis labis na iyon kay Richell. "Ikaw talagang bata ka puro kalokohan ang palagi mong sinasabi.""Kasi 'tay di ko naman kayang wala ka sa tabi ko kaya sasamahan nalang kita."Umiling ito habang natatawa pa rin. "Matanda na ako Richell anak at kung ito ang kapalaran ko ay tatanggapin ko.
Inalis ni Richell ang tubig sa kanyang mukha gamit ang kamay bago muling sumisid sa ilalim. Itinaas niya ang kamay at lumangoy papalapit sa kaibigan na nakaupo lamang sa buhanginan. "Tara d'on tayo sa malalim." Aya niya rito pero inirapan lang siya nito na ikinatawa niya. Hindi marunong ang kaibigan at kahit turuan niya ito ay takot pa rin. Kaya siya lang ang madalas na sumisid sa dagat samantalang nasa buhanginan lang ito at naglalagay ng mga basang buhangin sa paa. "Bakit ba kasi ayaw mong turuan kita?" tanong niya.Umiling ito. "Ayoko nga dahil baka malunod ako, ikaw nalang tapos dito lang ako titingin sa'yo," ngumuso ito.Pabagsak siyang umupo sa tabi nito at hindi alintana ang buhangin na dumudumi sa kanyang pang-upo lalo't nakatwo piece silang pareho ng kaibigan. "Dito nalang din muna ako para di ka mabored," sagot niya. Gumaya siya sa paglalaro nito ng buhangin habang nakatanaw sa malawak na karagatan na parang walang katapusan.
HINDI niya napaghandaan ang muling pagbabalik nito. Halos umabot sa isang taon bago niya muli itong nakita at hindi niya iyon inaasahan. Nang lumipas ang ilang buwan mula ng huling araw nito dito ay nawala na rin sa kanya ang pag-asang babalik ito sa hacienda. Pero ngayong nandito na ito ay hindi niya alam ang ikikilos. Simula ng matulungan ng pamilya nito ang kanyang ama ay nagsilbi na siya sa malaking bahay at iba pang trabaho sa bukod ngunit ngayon lang ang araw na gusto niyang maglaho at hindi umapak sa lupain ng amo. "Are you fine here iho?" tanong ng ina nito. Naririnig niya ang usapan ng mga ito dahil siya ang naglalagay ng mga pinggan at kubyertos sa hapag. Nakilala niya ang mga kapatid at mga magulang nito at tulad ng kanyang tunay na amo ay mababait rin ang mga ito. Ngunit kahit mapagkumbaba ang mga ito ay hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng ilang."I'm fine mom," sagot ni Sais. Napapapikit si Richell kapag naririnig ang
"BAKIT ka naman umiiwas hindi mo ba alam na nakakahiya sa totoo mong amo? Imbes na sa malaking bahay ka maglinis nandito ka sa kwadra kasama ang mga kabayo." Lintaya sa kanya ng kaibigan na tumutulong sa kanya sa paghahakot ng mga dayami para sa kakainin ng mga kabayo.May kaya ito sa buhay hindi tulad niya na dukha. Pero kahit na angat ito sa kanya ay hindi ito maarte, tulad ngayon nagkusa itong tulungan siya sa kwadra kahit na hindi naman ito ang lugar para sa kaibigan. "Ayokong bumalik sa malaking bahay dahil baka mawalan na talaga ako ng respeto sa pinsan ng amo ko," asik niya sabay irap dito.Naikwento na rin niya dito na ang lalaking nakatalik niya ay si Sais at halos hapbalusin siya at itakwil nito dahil bakit hindi niya raw sinabi na gayong noong nakaraang linggo ay napag-usapan nila ito sa dagat.Ang alam lamang nito noon ay interesado siyang makachismis ulit tungkol kay cobra man kaya hinihintay niya ang pagbabalik nito. "Naku
Tulala lamang siya habang nakatingin sa paghampas ng alon sa buhanginan. Ang pagdampi ng hangin sa kanyang balat ay nagbibigay ginhawa sa kanya kahit papaano. Sumasakit na ang ulo kakaisip kung saan siya kukuha ng pambili ng gamot ng kanyang ama at pagkain nila. Dahil sa kalandian niya ay ayaw na niyang bumalik sa malaking bahay at ilang araw na rin siyang tumigil sa pagtanggap ng pera sa kanyang amo.Gusto niyang totoong bayaran ang mga naitulong ng mga ito kahit buong buhay siyang magtrabaho sa bukid wag lang niyang makasama sa iisang bubong si Sais. Kahit naman sa bukid ka magtrabaho dahil talagang maharot ka. Pati kwadra nga pinatos niyo. Okray niya sa sarili.Napapahilamos nalang siya ng mukha kapag naaalala ang naging pagtatalik nila sa kwadra. Muntik na silang maabutan sa akto ng kanyang kaibigan pero kahit hindi nito nakita ang totoo nilang ginawa alam niya agad ang iniisip nito.Nasabon siya nito pero lagi naman siyang ini
ABALA SI RICHELL sa pagpapagatas ng mga baka sa hasyenda. Maraming mga trabahador ang abala rin sa paligid habang siya ay focus na focus sa ginagawa. Kailangan niyang matapos agad sa trabaho dahil mamamasyal sila ng ama. Upang kahit papa'no ay makalabas ito."Mayaman ka na ba ngayon?"Kumunot ang noo niya sa kaibigan na abala naman sa pagkain ng mga saging na bagong pitas. "Anong mayaman? Gaga ka ba, bakit naman ako yayaman?"Nagkibit balikat ito. "Kung hindi ka mayaman bakit may bodyguard ka?"Napatingin siya sa parte ng hasyenda kung saan ang inginuso nito. Nakita niya si Sais na nakasakay sa kabayo at naglilibot libot kasabay ang kanyang amo. Ilang araw na ring ramdam niya palaging may nakamasid sa kanya ngunit hindi niya lang pinagtutuonan ng atensyon. "Paano ko naman naging bodyguard 'yan?"Napangiwi siya nang tumama sa kanyang mukha ang pinagbalatan ng saging na ibinato nito. "Ako wag mong pinaglololoko dahil alam kong ma
HE has been dealing with it for many months now and he can't help but to shout in so much pain. It's hurtful as fuck. Six is lying in his bed in the middle of a dark room. Malayo sa payapang pagtulog ang bawat pagpaling ng kanyang ulo. He's murmuring with heavy breath. Sweat all over his body. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kobre kama tulad ng diin ng kanyang pagpikit. Walang katao katao sa paligid dahil sa tahimik at napakalalim na gabi."Hi-Hindi ko na kaya," he whispered. "Pa-Pakawalan niyo na ako."Ang kanina'y mga halinghing lamang ay unti unting nagiging sigaw. He's in pain. Sa bawat pagsigaw niya ay dama ang kanyang paghihirap. He's having a nightmare. A bad dream that always knock to ruin his peace of mind. HINDI niya alam kung bakit sa isang iglap ay napunta siya sa ganitong sitwasyon na hindi na nanaising mabuhay pa. Nagpapapalag siya habang nakahiga sa strecher ng isang laboratory habang may mga doctor
"HINDI pa ba tayo uuwi?" Naiiritang tanong sa kanya ng kaibigan na nasa buhanginan na naman habang siya ay panay ang sisid sa tubig dagat."Mamaya na, pagabe na at maganda ang night swimming," sagot niya."Maganda ang night swimming kung marunong akong lumangoy, ginagawa mo lang akong audience palagi e."Tumawa siya habang inaayos ang mahabang buhok na basang basa na. Sandali siyang natigilan at napatingin sa papalubog na araw. Tumatama ang nakakahalina nitong sikat sa kanyang balat at dahil hapon na ay malamig na ang hangin. Kulay kahel na ang kalangitan na mas lalong nagpaganda sa paligid. Muli siyang sumisid sa tubig at lumangoy patungo sa malalim na parte. Gustong gusto niya ang palangoy, naaadik siya sa kulay asul na dagat at sa paghampas ng mga alon."Uuwi na ako," dinig niyang sigaw ng kaibigan. "May kasama ka na naman e," hindi niya pinansin ang sinabi nito at patuloy lamang sa paglangoy.Para siyang batang naglalaro sa
"ARE YOU HAPPY?" Sixth asked while looking at her beautiful wife smiling from ear to ear, dancing with the wild wind of Essaouira seaside. Ngayon ang pangalawang araw ng honeymoon nila dito sa Morocco, ang favorite destination ng kanyang asawa. "Yes, masayang masaya," nakangiting sagot nito. Lumingon ito sa kanya, napangiti siya dahil pumikit ito sa pagtama ng sikat ng araw sa mga mata nito. The most beautiful woman in the world, he whispered. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay. Hindi pa rin nawawala ang malakas na pagtibok ng kanyang puso sa tuwing hinahawakan niya ang kahit anong parte ng katawan nito. From her hair to the tip of her nails. She's everything for him. "Be careful. Baka masugatan ang paa mo," paalala niya dahil mas lalo itong lumapit sa mabatong parte."Ayos lang naman masugatan e." Napakamot na lamang siya sa batok nang bumitaw ito at parang batang inilubog ang mga kamay sa tubig. Tumayo siya sa likod n
MALAKI ANG mga ngiti sa labi ng bagong mag-asawa. Katatapos lamang ng kanilang kasal at ngayon ay patakbo silang lumalabas sa simbahan habang magkahawak ang mga kamay. They are happily married witnessed by God, friends and family. Walang mapagsiglan ang saya sa kanilang mga puso dahil sa lahat ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa kanilang pag-iibigan ngayon ay walang humpay na saya naman ang kanilang tinatamasa. Natatawang ihinagis ni Richell ang hawak na bulaklak habang buhat buhat siya ng asawa. Sa likod naman nila ay ang kanilang pamilya at mga kaibigan na may mga ngiti rin sa labi. "Akin 'yan," dinig niyang tili ni Vale at talagang halos makipagpatayan makuha lamang ang bouquet. "Ipaubaya niyo na sa'kin mag-iisang taon na akong tigang," hinablot nito ang bulaklak na napunta sa iba. Napahalakhak sila at napailing sa pagiging eskandalosa nito. "Honeymoon is coming," sigaw ni Sais kaya nagtawanan ang lahat. Nakakapit siya sa batok nito
KINAUMAGAHAN ay maagang gumayak si Richell. Suot ang bestidang puti ay lumabas siya sa kanilang silid ni Sais. Pansamantala silang nakatira sa malaking bahay ni Leo. "Are you ready?" Nakangiting tanong sa kanya ni Sais. Napangiti rin siya pagkakita sa gwapo nitong mukha suot ang white Armani polo shirt nito na pinarisan ng demin jeans at itim na sapatos. Tumango siya at hinaplos ang urn na dala. "Ready na.""That's good to hear," lumapit ito sa kanya at inayos ang kanyang buhok. "You're so beautiful, little kitten.""And you're so handsome," balik niya. Humalik ito sa kanyang noo bago siya inakay palabas. Balak sana nitong gamitin ang sasakyan nito ngunit mas pinili ni Richell na maglakad na lamang dahil gusto niyang namnamin ang sikat ng araw sa umaga."Wala pa ring nagbabago, maganda pa rin ang buhay probinsy," huminga siya ng malalim habang ipinapalibot ang tingin sa paligid, purong mga berde ang kanyang nakikita at nakakagaan iyon s
MALAKI ANG PAGKAKANGITI ni Richell nang lumapag ang helicopter na kanilang sinasakyan sa malawak na hacienda ng dating amo na si Leo. Ngayon ang pagbalik nila dito isang linggo magtapos sabihin ni Sais na pupunta sila sa dagat.Sobrang nangungulila na siya sa hangin sa bukid, ang purong mga berdeng kahoy na halos bumabalot sa buong lugar, ang walang traffic na lugar at tahimik. Simpleng pamumuhay ang namimiss niya dahil sobrang magara ang naging buhay niya sa syudad.Unanh bumaba si Sais at napakunot ang noo niya nang idipa nito ang mga braso. "I will carry you.""Wag na," tanggi niya at akmang bababa na ngunit bigla siyang binuhat nito."Kakargahin kita dahil baka maputikan ang paa mo."Tinaasan niya ito ng kilay pero hindi maalis ang masayang ngiti."Ano ka ba sa putik ako pinanganak kaya sanay ako kahit lumangoy pa ako sa palayan wala lang sa'kin 'yon."Ang noo naman nito ang kumunot. "Bakit sa putik ka ipinangan
MATAPOS MAGSIPILYO at maghilamos upang linisin ang mukha ay nadatnan ni Sais si Richell na hawak hawak ang mahabang buhok. Paulit ulit itong inaamoy ng dalaga at napapasimangot."What's the problem, little kitten?" Kahit papaano ay masaya siya sa unti unti nitong pagbalik sa dati, siguro'y nakakatulong ang palaging pakikipaglaro nito sa kanyang anak at pagkausap nito kay Syete. Madalas pa rin itong tulala ngunit hindi na umiiyak at nagwawala, nagsasalita na rin ito kapag kinakausap niya o sumasagot ng tango. "Mabaho," sagot nito habang inaamoy pa rin ang buhok. Natatawa siyang lumapit dito at hinaplos ang buhok nito. "Kailan ko huling naligo?""Kahapon pero naglaro kami ni Zam at may inilagay siya sa buhok ko."Tumango siya bago inamoy ang buhok nito. "The smell is fine. Hindi naman mabaho e." Mas lalo itong sumimangot. Kinurot niya ang ulong nito dahil sa panggigigil. "Come here, we will take a bath.""Dalawa ta
"AKALA NIYO papalagpasin ko lahat ng mga ginawa niyo. Devils don't deserve my conscience, assholes," napangisi siya at sandaling lumayo sa mga ito para tignan ang takot na mga mukha ng dalawa samantalang si Fabilon ay halos hindi na makadilat ang mga mata.Lumapit siya sa mesang ipinasok ng mga kapatid kung saan nakapatong ang iba't ibang bahay na maaari niyang gamiting pagpapahirap dito. Pinulot niya ang alcohol at itinaktak sa kanyang kamay. "Sa sobrang gigil ko sa inyong mga putangina kayo nadumihan ang kamay ko," aniya. Matapos linisin ang kamay ay nagsuot siya ng gloves upang hindi na muling mamantsahan ng dugo ang mga kamay."Nanggigigil talaga ako sa mga ungas na 'to," umalis si Gale sa pagkakasandal sa dingding at naiiling na lumapit sa tatlo. "Pasampal nga ako sa mga ito.""Go on," sagot ni Sais.Hinawakan ni Gale ang baba ni Fabilon at naiiling na tinalikuran ito. Ginawa niya iyong bwelo dahil sa muling pagharap ay malakas na sampal
KAHIT NA SUMISIKLAB sa galit ang kanyang kalooban dahil sa mga nalaman ay nakangiti siyang humarap kay Richell. Tapos na ang agahan nila at nasa sala na ito kalaro ang kanyang anak. "Little kitten," pagtawag niya at mas lalong napangiti dahil lumingon ito. Minsanan lang kung lumingon ito sa bawat pagtawag niya at labis ang sayang dulot niyon para sa kanya. "Are you okay?" tanong niya nang makalapit dito."She's playing with me dad," angal ng kanyang anak."Sorry darling, I just want to kiss your mom," at hinalikan niya ang noo ng kasintahan. Nakatitig lamang ito sa kanyang mukha at natigilan siya dahil sa paghaplos nito sa kanyang kamay na may benda. Napansin iyon ng mga magulang kanina ngunit ng sumagot siyang wala lamang iyon ay hindi na nag-usisa ang mga ito."Hindi masakit," sabi niya dahil nakikita niyang hinahaplos pa rin nito ang kanyang sugat. "Wag kang mag-alala dahil ayos lang ako," mahigpit niya itong niyakap mula sa likod ha
NANATILING GISING si Sais kahit na maghahating gabi na dahil sa pagbabantay sa dalaga. Ayaw niyang matulog kahit na pagod na pagod na ang kanyang buong sistema. Upang masiguro na ligtas ito ay isinasakripisyo niya pati ang pagpapahinga. He can't rest thinking that he might lose her in any moment. He leaned at the wall while watching her sleep. He can't think of anything as if his mind is blank and lost. Kinakain ng katahimikan ang malalim na gabi kaya't pati ang pag-iisip niya ay naaapektuhan. Gustong gusto niyang malibang upang alisin ang mga negatibong ideya ngunit hindi siya pwedeng umalis. Hinahayaan na lamang niya ang pagkukusa ng mga luha sa pag-agos mula sa kanyang mga mata. Wala rin namang patutunguhan kung pipigilan niya iyon dahil hindi paampat."Ta-Tay, tay?" Mabilis siyang bumangon nang marinig ang paos na boses ng dalaga na tinatawag ang ama nito. "Li-Little kitten," dahil sa pinaghalong pagod at puyat ay bahagyang gumewa
"KAPAG may gusto kang kainin sabihin mo lang okay? We will buy anything you want," wala siyang natanggap na sagot muli sa dalaga dahil tulala na naman ito. Kagigising lamang nila at dahil siguro sa pagod ay tanghali nang nagising si Richell. Ipinaghain niya ito ng almusal at tumabi upang subuan ito. Kung hindi niya gagawin iyon ay siguradong hindi ito kakain."Say, aaaah," ibinuka niya ang bibig upang gayahin nito. Napangiti siya dahil sinunod iyon ng dalaga. "Very good my little kitten." Patuloy niya itong inalalayan sa pagkain. Kahit papaano ay nagiging panatag ang loob niya kapag kumakain ito kahit na hindi maayos ang dinaramdam.Dahil sa nangyari kagabe ay mas lalo niyang dinagdagan ang security guards sa bahay nila at pati mga katulong upang marami ang titingin sa dalaga. Hindi naman siya humihiwalay at kaya niya itong bantayan ngunit gusto niyang makasiguro. Ayaw na niyang maulit na halos mabiliw siya kakahanap dito."Good morning