Share

Chapter 4

last update Huling Na-update: 2023-02-28 07:00:39

"HERE." Tinanggap niya ang puting sobre na iniabot ng kanyang amo. Nang dumating siya kanina ay agad niya itong kinausap at humingi ng tulong para sa ama. Wala siyang ibang malalapitan kundi ito. "I'm sorry, pinansyal na aspeto lamang ang maitutulong ko. Pareho ko silang trabahador at sa lupa ko nangyari ang lahat kaya responsibilidad kong tulungan kayo pero ayokong personal na sumama sa isa man sa inyo o sa pamilya ni Bitoy dahil ayokong isipin nila na may pinapanigan ako," sabi pa nito.

Tumango siya para sabihin dito na naiintindihan niya. "Ayos lang po 'yon sir malaking bagay na po ito sa'min."

"Gusto kong kumuha ka ng abogado na hahawak sa kaso ng tatay mo."

Napayuko siya dahil alam niyang malaking pera ang kakailanganin para doon, balak niyang dumulog nalang sa PAO at hingin ang serbisyo nito kahit na matagal uusad ang kaso.

Tila napabasa nito ang isip niya. "Ako ang bahala sa lahat ng gastos. Mas mapapadali kung kukuha ka ng private attorney dahil makakapagfocus sa kaso ng tatay mo. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari at kung sino ang inosente dahil wala ako doon sa pangyayari pero alam kong ang tama ang mananaig." Seryoso itong tumingin sa kanya bago may iniabot na panibagong papel.

"Anong po ito sir?" Tanong niya.

"Calling card ng attorney na mairerekomenda ko sa'yo. Ang pinsan ko sana ang kukunin kong abogado pero kung gagawin ko iyon ay parang may pinanigan na ako." Napasunod ang tingin niya nang tumayo ito at inayos ang manggas ng kamesa de chino na suot. "Don't worry he's very good in court and for sure he can win the case of your father."

Hawak ang sobre at calling card na galing dito ay magaan ang loob na umuwi siya upang linisin ang sarili at gawin ang mga dapat na gawin para sa kalayaan ng ama. Hindi siya nagkamali ng nilapitan dahil tunay ngang mabait ang amo.

Pagod siyang napaupo sa upuan nilang gawa sa kawayan at napatingin sa maliit nilang bahay na gawa sa pawid. Noon kapag umuuwi siya dito ay palagi siyang nakangiti at masaya dahil kahit na mahirap ay kasama naman niya ang kanyang ama. Pero ngayon ay naninibago siya sa katahimikan.

Napabuntong hiningang tumayo si Richell at kahit ramdam na naman niya ang kirot ng kanyang paa at ibang parte ng katawan ay hindi niya alintana. Naligo at nag-ayos siya ng sarili para magtungo sa bahay ng kaibigan pero hindi pa man siya natatapos sa pagsusuklay ay dinig na niya ang matinis nitong boses na papalapit sa kanilang bahay.

"Bruha ka pinag-alala mo ako ng sobra," sigaw nito. Patakbo itong lumapit sa kanya at niyugyog ang kanyang balikat.

Napangiti siya dahil alam niyang nag-aalala ito. "Papunta na sana ako sa inyo dahil hihiram sana ako ng cellphone mo para matawagan 'yong abogado na kukunin ko para kay tatay."

"Sakto, nandito dala ko dahil panay tawag ng tita ko may load rin 'yan kaya wala ka ng problema." Inabot nito sa kanya ang cellphone nito bago tumabi sa kanya ng upo. "Ano bang naisipan mo at pumunta ka sa gubat kagabi? Hindi ako nakatulog kakaisip sa'yo, nag-alala ako."

Napatawa siya. "Naniniwala akong nag-alala ka pero hindi ako naniniwalang hindi ka nakatulog. Gaga ka, alam kong matakaw ka sa tulugan kahit sa gitna ng patayan." Sabay silang malakas na napatawa dahil sa kanilang mga pinagsasabi.

Mahigpit siya nitong niyakap. "Basta ano man ang kailangan mo nandito lang ako kapag nagkulang ka sa panggastos ay ipapahiram ko sa'yo 'yong mga naipon ko." Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng malapad dahil sa sinabi nito. Salat man siya sa materyal na bagay ay mayaman naman siya sa pagmamahal ng ama't kaibigan.

"Wag na, tumutulong naman si Sir Leo at sagot niya raw ang lahat ng gagastusin. Isa pa pera mo 'yon para sa pagsunod mo sa tita mo sa ibang bansa," sagot ni Richell.

"Kahit na, mapapalitan pa naman 'yon at mas kailangan mo ngayon ng pera kaya ipapagamit ko muna sa'yo."

"Wag na, may ibang paraan pa naman."

Matapos niyang ayusin ang sarili ay mabilis niyang tinawagan ang numero ng abogado. Samantalang ang kanyang kaibigan ay nasa kanyang tabi lamang. Ilang ulit iyong nagring bago tuluyang sagutin.

Sekretarya nito ang sumagot bago ikinonekta sa linya ng mismong abogado. Napatingin siya kay Valerie habang kinakausap ito. Nagpakilala siya at sinabi ang pakay.

"Yes, nasabi nga sa'kin ni Leo. You can come to my office so that we can talk about it personally," sabi nito. Nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang ito na ang sagot sa kanyang mga dasal.

"Sige ho, pupunta po agad ako ngayon diyan."

"My secretary will send you the address." Pagkatapos nang pag-uusap ay napapatili siyang yumakap sa kaibigan. "Pupuntahan ko ang abogado para personal na makausap."

"Sasamahan kita." Prisenta nito.

"Talaga?"

Tumango ito. "Oo, gamitin natin ang motor ko para hindi na tayo mamasahe papunta d'on." Matapos matanggap ang address ay agad silang pumunta sa nasabing opisina. Laking pasalamat niya dahil palaging nakaalalay sa kanya si Valerie.

"Nasa kabilang bayan lang ang firm na 'to." Imporma sa kanya ng kaibigan na mas alam ang pasikot sikot sa kanilang bayan kumpara sa kanya na sa loob ng hacienda lamang madalas gumala.

Halos kalahating oras lang ay narating nila ang mismong firm. Dalawang palapag na gusali lang iyon ngunit napaganda at elegante. Wala siyang kaalam alam sa mga desinyo ng mga gusali kung kaya't hindi niya matukoy kong ano iyon.

"Si Attorney Fabilon ho, ako ho si Richell Vinteres." Ngumiti sa kanila ang lalaking unang nakita nila pagkapasok sa building.

"Ako ang secretary niya at ako ang sumagot kanina sa tawag mo. He's waiting for you ma'am, this way please." Sumunod sila dito hanggang sa huling pinto ng pangalawang palapag. Nakaukit sa pinto ang pangalan ng abogado. Kumatok ng tatlong beses ang secretary nito bago humarap sa kanila. "Pumasok na ho kayo ma'am," sabi nito.

"Salamat." Ngumiti ito at yumuko bago umalis. Naiwan silang dalawa ng kaibigan na nagmamasid masid sa paligid. "Pasok na tayo?"

"Ikaw nalang dahil personal na bagay 'yan." Napangiti siya bago tuluyang pumasok sa office ng abogado. Bumungad sa kanya ang lalaking may katandaan na kumpara sa kanya. Tumayo ito pagkakita sa kanya.

"So, you're Ms. Richell Vinteres?" Umupo ito sa mesa at tumitig sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam ngunit hindi naging maganda ang dating sa kanya ng mga tingin nito. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan at sinalubong ang tingin nito. Sanay siya sa gan'ong klase ng titig kaya isang tingin palang alam niyang hindi maganda ang kahahantungan ng pag-uusap nila.

"Oho, ako ho ang pinakiusap sa inyo ni Sir Leo para po sa kaso ng tatay ko." Sa kabila ng pagkaasiwa sa mga tingin nito ay hindi siya natinag. Humalukipkip lamang ito habang ang mga mata ay sa kanya pa rin nakatuon, sa kanyang katawan. "Seld defense ho ang nangyari basi sa kwento ng mga nakakita, ipinagtanggol lang ho ng tatay ko ang sarili niya." Pagpapatuloy niya kahit tila hindi ito nakikinig. Tumikhim siya nang makitang sa dibdib niya na nagpipyesta ang bastos nitong tingin.

"Tutulungan kita," sabi nito kasabay ng pasilay ng ngisi sa mga labi. Kahit na magandang balita iyon ay hindi niya nakuhang maging masaya dahil ramdam niyang may kapalit ito. "Tutulungan kita kung pagbibigyan mo ako. Iba pa rin kung may instant fee para ganahan akong ipanalo ang kaso mo."

"Anong ibig sabihin mo?" Agad na nawala ang paggalang niya rito.

"Alam kong alam mo, you are beautiful Ms. Vinteres and I want a night with you." Walang prenong sagot nito. Hindi manlang inisip ang magiging dating ng mga salita nito sa kanya.

Naikuyom niya ang mga kamao dahil sa mga sinabi nito. "Hahanap nalang ako ng ibang abogado marami pa naman sigurong iba, 'yong hindi bastos," may diing sagot niya. Tingin palang nito ay alam na niyang hayok ito sa laman. Isa rin ito sa sandamakmak na mga lalaking malilibog na nakilala niya.

"Walang ibang makakapanalo ng kaso mo kundi ako." Pagmamalaki nito habang humahakbang papalapit sa kanya. Sa sobrang paglapit nito sa kanya ay ramdam na niya ang hinila nito sa kanyang pisngi. "Hindi ka makakahanap ng abogadong ipapanalo ang kaso ng tatay mo. I have my ways and I can manipulate the judge's decision in my favor if I want to," sabi pa nito na hindi niya pinansin.

"Salamat nalang sa alok mo." Itinulak niya ito palayo sa kanya bago lumabas ng opisina nito.

"HINDi na ba talaga magbabago ang isip mo? Malay mo nagkataon lang na walang gustong tumanggap sa kaso ng tatay mo. Pwede pa naman tayong maghanap ng iba. Kung minalas man tayo ngayon may bukas pa naman." Kumbinse sa kanya ng kaibigan.

"Iba maglaro ang mayayamang tao Vale, nagagawa nilang pasunurin ang isang tao kapag gusto nila lalo pa sa katulad kong mahirap. Alam kong may kinalaman si Mr. Fabilon kung bakit di tayo makahanap ng abogado, walang tumatanggap ni isa." Ipinahid niya ang puling lipstick sa kanyang labi habang tinitignan ang sarili sa salamin. "Sabi niya nga kanina kaya niyang ipanalo ang kaso kung gusto niya."

"Malay mo joke niya lang 'yon."

Sunod niyang isinuot ang malalaking hikaw na nabili nya lamang noon sa bayan sampung peso bawat pares. "Seryoso siya at alam kung maduming paraan ang tinutukoy niya at hindi na ako magpapasanta kung kalayaan ni tatay ang kapalit mabuti o masamang paraan papatusin ko. Ayokong umabot tayo ng isang linggo kakahanap ng abogado tapos ang tatay nasa loob ng prisento humihimas ng rehas."

"Kaya pati si vulva ibibigay mo sa masamang tao? Di ba usapan natin ibibigay mo lang yan sa lalaking mahal na mahal mo," kontra nito.

Napasimangot siya dahil hindi na niya matutupad 'yon. "Sa tulad kong dukha kung maniniwala ako sa mahal mahal na 'yan baka pumuti na ang mga buhok ko tigang pa rin ako. Wala ng lalaking sasamba sa babae dahil sa purong pagmamahal. Sasambahin lang nila tayo kapag gusto nila tayong ikama at makasex. Si vulva ang habol hindi ang puso natin." Sabay na lamang silang natawa dahil sa pinag-uusapan nila.

Oo, mga bastos sila kung magsalita at mahilig sila sa panonood ng mga makamundong palabas pero hanggang doon lang iyon kaya ang gagawin niya ngayong gabi ay lagpas sa prinsipyo niya pero iyon lang ang meron siya para maisalba ang ama. Kung tama man ang sinabi ng kaibigan na maaaring may makuha pa silang abogado pero walang kasiguraduhan ang kanilang panalo. Gusto niya ' yong sigurado para sa kanyang ama lalo't narinig niyang hindi titigil ang pamilya ni Bitoy, ang pamilya ng namatayan hanggat hindi nabubulok sa bilangguan ang tatay niya.

"Sige na simulan na natin ang pag-inom para makarami." Matapos mag-ayos suot ang napaiksing bestidang kulay dilaw na halos kita na ang kanyang singit na pinarisan ng itim na heels ay kinuha niya ang bote ng alak sa maliit nilang mesa.

"May wine naman kasi sa bahay bakit bumili ka pa ng emperador na 'to napakalakas ng tama nito," napapangiwing sagot ng kaibigan.

"Hindi ako malalasing sa wine kaya ito ang kailangan ko. gusto ko pagdating ko d'on halos mawalan na ako ng malay sa sobrang kalasingan para hindi ko na makilala ang pagmumukha ng hayop na 'yon. Para masikmura kong makipagsex sa kanya." Napangiwi rin siya nang inumin ang kalahating baso ng mumurahing alak na 'yon at ramdam niya ang anghang at init na gumuhit sa kanyang lalamunan. Napailing iling siya ng mabilis dahil pakiramdam niya ay nabingi siya sa sobrang tapang ng lasa.

Mabilis namang inabot sa kanya ni Valerie ang pulutan nilang chichirya. Pareho silang mahilig uminom kaya't alam niyang dadamayan siya ng kaibigan. Minsan nga ay inuumaga na sila kakainom kaya madalas silang pagkamalang mga pariwarang babae dahil dooon. Mga judgemental lang talaga ang mga tao sa kanila, madaming chismosa at pakialamero.

"Tagay," sigaw nila. Ganito ang inumang pandukha sa kanilang lugar, purong emperador light jumbo na pinarisan ng tagpipisong chipi. Masaya na sila sa ganito kahit na hindi branded ang alak importante ay nalasing.

Kaugnay na kabanata

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 5

    Rated SPG(For adults only)HALOS hindi na makita ng maayos ni Richell ang daan papunta sa hotel room na ibinigay sa kanya ng abogado. Kumukulo ang kanyang sikmura sa sobrang kalasingan at tila masusuka siya sa bawat hakbang niya. Ito ang gusto niya dahil siguradong pati mukha ng abogadong iyon ay hindi na niya maaaninag dahil sa sobrang hilo."Tok. Tok. Tok," sabi niya. Idinikit niya ang kanyang mukha sa pinti upang ipahinga ang ulo. "Richell Vinteres for extra service." Napahagikhik siya dahil sa mga sinabi. Napapasunok pa siya sa sobrang kalasingan.Ilang beses siyang kumatok  ngunit walang nagbubukas hanggang sa isanda niya ang buong katawan doon. "I'm delivering my vulva," sigaw niya. Napatili siya sa biglaang pagbukas ng pinto at pagbagsak niya sa sahig. Panaungol si Richell habang hawak ang dibdib na unang umama sa sahig. Imbes na masaktan ay tumawa lang siya ng tumawa. "Sabik na sabik na pumasok?" Pagkausap niya sa sarili habang nakat

    Huling Na-update : 2023-03-01
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 6

    LABAG MAN sa kagustuhan ay tinatagan niya ang loob upang sikmurain ang mga naganap kagabi, noong una ay nagdadalawang isip siya ngunit noong naglaon ay talagang nagustuhan niya. Hindi sekreto sa kaalaman niya kung paano magtalik at madalas man sila sa kalokohan ay hindi naman niya pingarap na ibigay ang sarili sa lalaking hindi niya mahal pero ngayon ay wala na ang pinakaiingatan niya.Inisip na lamang niya na para iyon sa ama para kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Isa ito sa realidad ng buhay mahirap dahil sa araw araw na lumilipas kalimitan ay kumakapit sa patalim upang makasurvive. Sinapo niya ang noo dahil sa hang over at nanginginig pa ang kanyang kamay habang hawak ang kumot na siyang tanging balot sa kanya katawan. Nakatingin siya sa lalaking nakatalik. Naikuyom niya ang kamao dahik gusto niyang magwala at magsisigaw pero hindi iyon ang tamang gawin niya sa sitwasyon niya ngayon. Kailangan niyang mag-isip.Kaya mo 'to Rich, virginity

    Huling Na-update : 2023-03-02
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 7

    "Makakalabas na po kayo tay, konting tiis nalang," sambit niya habang hawak ang kamay ng ama. Katatapos lamang nitong kumain at kung pwede lang ay tabihan niya ito sa loob ng kulungan ay ginawa na niya. Sobra ang awa niya rito lalo at patanda na ito. Hindi dapat ito sa prisento kundi sa bahay nila at nagpapahinga."Kahit hindi na anak sa tulad nating mahirap ay sadyang mailap ang hustisya," sagot nito.Napalunok siya upang tanggalin ang bikig sa lalamunan na nagsisimula na namang mamuo. "Ano kaya 'tay kapag hindi kayo nakalabas ay samahan ko nalang kayo diyan sa loob," pagbibiro niya. Gusto niyang kahit papaano ay gumaan ang kalooban nito.Napatawa ito at labis labis na iyon kay Richell. "Ikaw talagang bata ka puro kalokohan ang palagi mong sinasabi.""Kasi 'tay di ko naman kayang wala ka sa tabi ko kaya sasamahan nalang kita."Umiling ito habang natatawa pa rin. "Matanda na ako Richell anak at kung ito ang kapalaran ko ay tatanggapin ko.

    Huling Na-update : 2023-03-03
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 8

    Inalis ni Richell ang tubig sa kanyang mukha gamit ang kamay bago muling sumisid sa ilalim. Itinaas niya ang kamay at lumangoy papalapit sa kaibigan na nakaupo lamang sa buhanginan. "Tara d'on tayo sa malalim." Aya niya rito pero inirapan lang siya nito na ikinatawa niya. Hindi marunong ang kaibigan at kahit turuan niya ito ay takot pa rin. Kaya siya lang ang madalas na sumisid sa dagat samantalang nasa buhanginan lang ito at naglalagay ng mga basang buhangin sa paa. "Bakit ba kasi ayaw mong turuan kita?" tanong niya.Umiling ito. "Ayoko nga dahil baka malunod ako, ikaw nalang tapos dito lang ako titingin sa'yo," ngumuso ito.Pabagsak siyang umupo sa tabi nito at hindi alintana ang buhangin na dumudumi sa kanyang pang-upo lalo't nakatwo piece silang pareho ng kaibigan. "Dito nalang din muna ako para di ka mabored," sagot niya. Gumaya siya sa paglalaro nito ng buhangin habang nakatanaw sa malawak na karagatan na parang walang katapusan.

    Huling Na-update : 2023-03-04
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 9

    HINDI niya napaghandaan ang muling pagbabalik nito. Halos umabot sa isang taon bago niya muli itong nakita at hindi niya iyon inaasahan. Nang lumipas ang ilang buwan mula ng huling araw nito dito ay nawala na rin sa kanya ang pag-asang babalik ito sa hacienda. Pero ngayong nandito na ito ay hindi niya alam ang ikikilos. Simula ng matulungan ng pamilya nito ang kanyang ama ay nagsilbi na siya sa malaking bahay at iba pang trabaho sa bukod ngunit ngayon lang ang araw na gusto niyang maglaho at hindi umapak sa lupain ng amo. "Are you fine here iho?" tanong ng ina nito. Naririnig niya ang usapan ng mga ito dahil siya ang naglalagay ng mga pinggan at kubyertos sa hapag. Nakilala niya ang mga kapatid at mga magulang nito at tulad ng kanyang tunay na amo ay mababait rin ang mga ito. Ngunit kahit mapagkumbaba ang mga ito ay hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng ilang."I'm fine mom," sagot ni Sais. Napapapikit si Richell kapag naririnig ang

    Huling Na-update : 2023-03-05
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 10

    "BAKIT ka naman umiiwas hindi mo ba alam na nakakahiya sa totoo mong amo? Imbes na sa malaking bahay ka maglinis nandito ka sa kwadra kasama ang mga kabayo." Lintaya sa kanya ng kaibigan na tumutulong sa kanya sa paghahakot ng mga dayami para sa kakainin ng mga kabayo.May kaya ito sa buhay hindi tulad niya na dukha. Pero kahit na angat ito sa kanya ay hindi ito maarte, tulad ngayon nagkusa itong tulungan siya sa kwadra kahit na hindi naman ito ang lugar para sa kaibigan. "Ayokong bumalik sa malaking bahay dahil baka mawalan na talaga ako ng respeto sa pinsan ng amo ko," asik niya sabay irap dito.Naikwento na rin niya dito na ang lalaking nakatalik niya ay si Sais at halos hapbalusin siya at itakwil nito dahil bakit hindi niya raw sinabi na gayong noong nakaraang linggo ay napag-usapan nila ito sa dagat.Ang alam lamang nito noon ay interesado siyang makachismis ulit tungkol kay cobra man kaya hinihintay niya ang pagbabalik nito. "Naku

    Huling Na-update : 2023-03-06
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 11

    Tulala lamang siya habang nakatingin sa paghampas ng alon sa buhanginan. Ang pagdampi ng hangin sa kanyang balat ay nagbibigay ginhawa sa kanya kahit papaano. Sumasakit na ang ulo kakaisip kung saan siya kukuha ng pambili ng gamot ng kanyang ama at pagkain nila. Dahil sa kalandian niya ay ayaw na niyang bumalik sa malaking bahay at ilang araw na rin siyang tumigil sa pagtanggap ng pera sa kanyang amo.Gusto niyang totoong bayaran ang mga naitulong ng mga ito kahit buong buhay siyang magtrabaho sa bukid wag lang niyang makasama sa iisang bubong si Sais. Kahit naman sa bukid ka magtrabaho dahil talagang maharot ka. Pati kwadra nga pinatos niyo. Okray niya sa sarili.Napapahilamos nalang siya ng mukha kapag naaalala ang naging pagtatalik nila sa kwadra. Muntik na silang maabutan sa akto ng kanyang kaibigan pero kahit hindi nito nakita ang totoo nilang ginawa alam niya agad ang iniisip nito.Nasabon siya nito pero lagi naman siyang ini

    Huling Na-update : 2023-03-07
  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 12

    ABALA SI RICHELL sa pagpapagatas ng mga baka sa hasyenda. Maraming mga trabahador ang abala rin sa paligid habang siya ay focus na focus sa ginagawa. Kailangan niyang matapos agad sa trabaho dahil mamamasyal sila ng ama. Upang kahit papa'no ay makalabas ito."Mayaman ka na ba ngayon?"Kumunot ang noo niya sa kaibigan na abala naman sa pagkain ng mga saging na bagong pitas. "Anong mayaman? Gaga ka ba, bakit naman ako yayaman?"Nagkibit balikat ito. "Kung hindi ka mayaman bakit may bodyguard ka?"Napatingin siya sa parte ng hasyenda kung saan ang inginuso nito. Nakita niya si Sais na nakasakay sa kabayo at naglilibot libot kasabay ang kanyang amo. Ilang araw na ring ramdam niya palaging may nakamasid sa kanya ngunit hindi niya lang pinagtutuonan ng atensyon. "Paano ko naman naging bodyguard 'yan?"Napangiwi siya nang tumama sa kanyang mukha ang pinagbalatan ng saging na ibinato nito. "Ako wag mong pinaglololoko dahil alam kong ma

    Huling Na-update : 2023-03-08

Pinakabagong kabanata

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Special Chapter

    "ARE YOU HAPPY?" Sixth asked while looking at her beautiful wife smiling from ear to ear, dancing with the wild wind of Essaouira seaside. Ngayon ang pangalawang araw ng honeymoon nila dito sa Morocco, ang favorite destination ng kanyang asawa. "Yes, masayang masaya," nakangiting sagot nito. Lumingon ito sa kanya, napangiti siya dahil pumikit ito sa pagtama ng sikat ng araw sa mga mata nito. The most beautiful woman in the world, he whispered. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay. Hindi pa rin nawawala ang malakas na pagtibok ng kanyang puso sa tuwing hinahawakan niya ang kahit anong parte ng katawan nito. From her hair to the tip of her nails. She's everything for him. "Be careful. Baka masugatan ang paa mo," paalala niya dahil mas lalo itong lumapit sa mabatong parte."Ayos lang naman masugatan e." Napakamot na lamang siya sa batok nang bumitaw ito at parang batang inilubog ang mga kamay sa tubig. Tumayo siya sa likod n

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Epilogue

    MALAKI ANG mga ngiti sa labi ng bagong mag-asawa. Katatapos lamang ng kanilang kasal at ngayon ay patakbo silang lumalabas sa simbahan habang magkahawak ang mga kamay. They are happily married witnessed by God, friends and family. Walang mapagsiglan ang saya sa kanilang mga puso dahil sa lahat ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa kanilang pag-iibigan ngayon ay walang humpay na saya naman ang kanilang tinatamasa. Natatawang ihinagis ni Richell ang hawak na bulaklak habang buhat buhat siya ng asawa. Sa likod naman nila ay ang kanilang pamilya at mga kaibigan na may mga ngiti rin sa labi. "Akin 'yan," dinig niyang tili ni Vale at talagang halos makipagpatayan makuha lamang ang bouquet. "Ipaubaya niyo na sa'kin mag-iisang taon na akong tigang," hinablot nito ang bulaklak na napunta sa iba. Napahalakhak sila at napailing sa pagiging eskandalosa nito. "Honeymoon is coming," sigaw ni Sais kaya nagtawanan ang lahat. Nakakapit siya sa batok nito

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 28

    KINAUMAGAHAN ay maagang gumayak si Richell. Suot ang bestidang puti ay lumabas siya sa kanilang silid ni Sais. Pansamantala silang nakatira sa malaking bahay ni Leo. "Are you ready?" Nakangiting tanong sa kanya ni Sais. Napangiti rin siya pagkakita sa gwapo nitong mukha suot ang white Armani polo shirt nito na pinarisan ng demin jeans at itim na sapatos. Tumango siya at hinaplos ang urn na dala. "Ready na.""That's good to hear," lumapit ito sa kanya at inayos ang kanyang buhok. "You're so beautiful, little kitten.""And you're so handsome," balik niya. Humalik ito sa kanyang noo bago siya inakay palabas. Balak sana nitong gamitin ang sasakyan nito ngunit mas pinili ni Richell na maglakad na lamang dahil gusto niyang namnamin ang sikat ng araw sa umaga."Wala pa ring nagbabago, maganda pa rin ang buhay probinsy," huminga siya ng malalim habang ipinapalibot ang tingin sa paligid, purong mga berde ang kanyang nakikita at nakakagaan iyon s

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 27

    MALAKI ANG PAGKAKANGITI ni Richell nang lumapag ang helicopter na kanilang sinasakyan sa malawak na hacienda ng dating amo na si Leo. Ngayon ang pagbalik nila dito isang linggo magtapos sabihin ni Sais na pupunta sila sa dagat.Sobrang nangungulila na siya sa hangin sa bukid, ang purong mga berdeng kahoy na halos bumabalot sa buong lugar, ang walang traffic na lugar at tahimik. Simpleng pamumuhay ang namimiss niya dahil sobrang magara ang naging buhay niya sa syudad.Unanh bumaba si Sais at napakunot ang noo niya nang idipa nito ang mga braso. "I will carry you.""Wag na," tanggi niya at akmang bababa na ngunit bigla siyang binuhat nito."Kakargahin kita dahil baka maputikan ang paa mo."Tinaasan niya ito ng kilay pero hindi maalis ang masayang ngiti."Ano ka ba sa putik ako pinanganak kaya sanay ako kahit lumangoy pa ako sa palayan wala lang sa'kin 'yon."Ang noo naman nito ang kumunot. "Bakit sa putik ka ipinangan

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 26

    MATAPOS MAGSIPILYO at maghilamos upang linisin ang mukha ay nadatnan ni Sais si Richell na hawak hawak ang mahabang buhok. Paulit ulit itong inaamoy ng dalaga at napapasimangot."What's the problem, little kitten?" Kahit papaano ay masaya siya sa unti unti nitong pagbalik sa dati, siguro'y nakakatulong ang palaging pakikipaglaro nito sa kanyang anak at pagkausap nito kay Syete. Madalas pa rin itong tulala ngunit hindi na umiiyak at nagwawala, nagsasalita na rin ito kapag kinakausap niya o sumasagot ng tango. "Mabaho," sagot nito habang inaamoy pa rin ang buhok. Natatawa siyang lumapit dito at hinaplos ang buhok nito. "Kailan ko huling naligo?""Kahapon pero naglaro kami ni Zam at may inilagay siya sa buhok ko."Tumango siya bago inamoy ang buhok nito. "The smell is fine. Hindi naman mabaho e." Mas lalo itong sumimangot. Kinurot niya ang ulong nito dahil sa panggigigil. "Come here, we will take a bath.""Dalawa ta

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 25

    "AKALA NIYO papalagpasin ko lahat ng mga ginawa niyo. Devils don't deserve my conscience, assholes," napangisi siya at sandaling lumayo sa mga ito para tignan ang takot na mga mukha ng dalawa samantalang si Fabilon ay halos hindi na makadilat ang mga mata.Lumapit siya sa mesang ipinasok ng mga kapatid kung saan nakapatong ang iba't ibang bahay na maaari niyang gamiting pagpapahirap dito. Pinulot niya ang alcohol at itinaktak sa kanyang kamay. "Sa sobrang gigil ko sa inyong mga putangina kayo nadumihan ang kamay ko," aniya. Matapos linisin ang kamay ay nagsuot siya ng gloves upang hindi na muling mamantsahan ng dugo ang mga kamay."Nanggigigil talaga ako sa mga ungas na 'to," umalis si Gale sa pagkakasandal sa dingding at naiiling na lumapit sa tatlo. "Pasampal nga ako sa mga ito.""Go on," sagot ni Sais.Hinawakan ni Gale ang baba ni Fabilon at naiiling na tinalikuran ito. Ginawa niya iyong bwelo dahil sa muling pagharap ay malakas na sampal

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 24

    KAHIT NA SUMISIKLAB sa galit ang kanyang kalooban dahil sa mga nalaman ay nakangiti siyang humarap kay Richell. Tapos na ang agahan nila at nasa sala na ito kalaro ang kanyang anak. "Little kitten," pagtawag niya at mas lalong napangiti dahil lumingon ito. Minsanan lang kung lumingon ito sa bawat pagtawag niya at labis ang sayang dulot niyon para sa kanya. "Are you okay?" tanong niya nang makalapit dito."She's playing with me dad," angal ng kanyang anak."Sorry darling, I just want to kiss your mom," at hinalikan niya ang noo ng kasintahan. Nakatitig lamang ito sa kanyang mukha at natigilan siya dahil sa paghaplos nito sa kanyang kamay na may benda. Napansin iyon ng mga magulang kanina ngunit ng sumagot siyang wala lamang iyon ay hindi na nag-usisa ang mga ito."Hindi masakit," sabi niya dahil nakikita niyang hinahaplos pa rin nito ang kanyang sugat. "Wag kang mag-alala dahil ayos lang ako," mahigpit niya itong niyakap mula sa likod ha

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 23

    NANATILING GISING si Sais kahit na maghahating gabi na dahil sa pagbabantay sa dalaga. Ayaw niyang matulog kahit na pagod na pagod na ang kanyang buong sistema. Upang masiguro na ligtas ito ay isinasakripisyo niya pati ang pagpapahinga. He can't rest thinking that he might lose her in any moment. He leaned at the wall while watching her sleep. He can't think of anything as if his mind is blank and lost. Kinakain ng katahimikan ang malalim na gabi kaya't pati ang pag-iisip niya ay naaapektuhan. Gustong gusto niyang malibang upang alisin ang mga negatibong ideya ngunit hindi siya pwedeng umalis. Hinahayaan na lamang niya ang pagkukusa ng mga luha sa pag-agos mula sa kanyang mga mata. Wala rin namang patutunguhan kung pipigilan niya iyon dahil hindi paampat."Ta-Tay, tay?" Mabilis siyang bumangon nang marinig ang paos na boses ng dalaga na tinatawag ang ama nito. "Li-Little kitten," dahil sa pinaghalong pagod at puyat ay bahagyang gumewa

  • Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion    Chapter 22

    "KAPAG may gusto kang kainin sabihin mo lang okay? We will buy anything you want," wala siyang natanggap na sagot muli sa dalaga dahil tulala na naman ito. Kagigising lamang nila at dahil siguro sa pagod ay tanghali nang nagising si Richell. Ipinaghain niya ito ng almusal at tumabi upang subuan ito. Kung hindi niya gagawin iyon ay siguradong hindi ito kakain."Say, aaaah," ibinuka niya ang bibig upang gayahin nito. Napangiti siya dahil sinunod iyon ng dalaga. "Very good my little kitten." Patuloy niya itong inalalayan sa pagkain. Kahit papaano ay nagiging panatag ang loob niya kapag kumakain ito kahit na hindi maayos ang dinaramdam.Dahil sa nangyari kagabe ay mas lalo niyang dinagdagan ang security guards sa bahay nila at pati mga katulong upang marami ang titingin sa dalaga. Hindi naman siya humihiwalay at kaya niya itong bantayan ngunit gusto niyang makasiguro. Ayaw na niyang maulit na halos mabiliw siya kakahanap dito."Good morning

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status