(Scene bago mapunta sila Zoey sa Pilipinas)"ANO?! Wag kang mag biro ng ganiyan hindi totoo yan!" Naiiyak na sabi ni Quinn sa telepono dahil sa kaniyang narinig na balita. "Just read my email," pagkasabi niyon ng taong kausap ni Quinn sa telepono ay ibinaba na niya ito kaya dali-daling kinuha ni Quinn ang kaniyang laptop at hinanap ang email nito. Ang hindi alam ng dalaga ay andoon si Zoey kanina pa at nakikinig sa usapan nila. Hindi sinasadya nang bata na makinig ngunit narinig niya ang pangalan ng kaniyang ina kaya nanatili siya doon. Pagkabukas niya nang email at agad na tumulo ang kaniyang mga luha. Isa itong news about kay Zekiel sa paghahanap sa isang babaeng nagngangalang Venice Sanchez. "Tita anong nangyari kay mommy?" Nagulat si Quinn dahil sa kaniyang narinig at napatingin sa kaniyang likod at nakita doon si Zoey kaya agad niyang sinarado ang kaniyang laptop at pinunasan ang kaniyang mga luha. "W-Wala maayos lang ang mommy mo," nauutal na sabi nito kay Zoey pero umilin
"A-Anong sinungaling Zoey?" takang tanong nito sa bata. "Niloko nila ako tita! Ang sabi ni mommy may trabaho siya pero andito siya kay daddy! At hindi niya manlang ako pinakilala, tapos akala ko ba naaksidente siya tita?!" "A-Akala ko din," naguguluhang sagot niya sa bata. "A-AT si kuya! Kaya pala ayaw niya akong ipakilala kay daddy kasi ayaw nila ako maging parte ng pamilya!" nagulat si Quinn dahil doon at hindi makapaniwalang nakatingin dito. "P-Paano mo nakilala si Zayne?" dahil sa tanong ni Quinn ay natigilan sandali si Zoey sa pagiyak. "You knew," "Huh?" "You knew tita! Alam mong nandito si mommy! Alam mong magkakasama sila! Alam mo may kambal ako!" hindi nakasagot si Quinn dahil sa sinabing iyon ni Zoey kaya muli itong napaiyak dahil doon. "M-Mga sinungaling kayo!" napatakip ng muka si Zoey dahil doon na ikinayuko ni Quinn at hinayaan nalamang ang bata na umiyak. Ngunit nagulat siya ng maya-maya ay narinig niya na nahihirapang huminga ang bata. "Zoey?" "T-Tit
"Mommy!" hahabulin sana ni Zayne ang babae ngunit pinigilan niya ang anak na ikinatingin ng mga ito sa kaniya. "Hayaan niyo na siya," nagulat ang mga ito sa sinabi ni Zekiel lalo na ng bumalik ito sa loob nang office niya. "Daddy ganon nalang yun?!" sigaw sa kaniya ni Zayne habang ang iba naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Hahayaan mo si mommy umalis?! Akala ko ba mahal mo siya?!" napapikit si Zekiel dahil sa sinasabi ng kaniyang anak at napahilot sa kaniyang sintido. "Oo naman, mahal ko siya. Mahal na mahal," sagot niya dito "Ayun naman pala eh! Edi sundan natin siya!" hindi na napigilan ni Zekiel ang sumigaw dahil sa sobrang pag-iisip niya. "Hindi mo ba narinig?! May anak siya Zayne! Hindi tayo ang pamilya niya kaya siya aalis!" natigilan ang bata dahil sa sinabi ng ama at tumulo ang luha nito sa mga mata. "Anong anak—" napahinto sa pagsasalita si Bea ng pigilan siya ni Hero at umiling ito sa kaniya. "Problema nila yan hindi saatin Bea," walang nagawa an
CLAIREAKO lang mag-isa ang nagbabantay ngayon sa anak kong si Zoey, it's been two days since ma-ospital ang anak ko. At dalawang araw na 'rin akong nananalangin na sana mayroon ng pusong compatible sa anak ko. Gabi-gabi akong pumupunta sa church dito umiiyak habang nagdarasal na sana dumating na ang mag-liligtas sa anak ko. Wala si Quinn dito dahil pinasundo ko sa kaniya sina nanay sa Paris, gusto ko personal na sabihin ni Quinn ang balita sa mga ito dahil ayoko silang mabigla. "Zoey? Pagaling ka ah? Hindi ko kaya na wala ka," naiiyak ko na sabi dito habang hawak ang kaniyang kamay. Palagi ko siyang kinakausap kasi alam kong naririnig niya ako. Wala akong ibang gustong mangyari kundi ang gumaling ang anak ko dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama dito. Nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito agad. "Hello Claire? Where are you, susunduin na kita," natigilan ako nang marinig ko ang boses ni kuya Clark naalala ko na sinabi k
“Kasama kita Venice, Claire o kung sino ka man! You have all the chances to tell me about the truth but you didn't!” napapikit ako dahil sa sinabi niya at tinanggap ang lahat ng masasakit na salitang manggagaling sa kaniya kasi kasalanan ko naman talaga. "I trusted you Venice..." napatingin ako sa kaniya dahil doon at nakita ko na unti-unti na siyang kumakalma habang ako ay iyak pa 'rin ng iyak. "I trusted you and give you all my love, my trust and everything! Ipinagtatanggol kita sa kanilang lahat pero bakit ganon?!" "S-Sa tingin mo ginusto ko to?" mahina kong sabi sapat na upang marinig niya. "Oo ginusto mo Venice! Hindi ba obvious?! Ginawa mo akong tang*!" “Satingin mo ba ginusto ko 'to?!” hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman at nasagot siya. Napatigil siya habang nakatingin saakin. “Oo ibinigay ko sayo ang anak kong si Zayne at oo tinago ko si Zoey pero sa tingin mo ginusto ko yun?! Sa tingin mo ginusto kong mahiwalay sa anak ko?! Sa tingin mo ginusto kong marata
Napatingin ako kay kuya at nagkatitigan kaming dalawa. Pareho ang kulay ng mga mata namin parang kay papa. Gray na gray ito at mas maganda itong tignan sa liwanag. Ngunit maya-maya ay nagulat ako ng umiyak si kuya Clark. "Kuya anong nangyari?!" nag-aalala kong sabi sa kaniya na ikinailing lang nito saakin. "Ngayon ko nalang ulit nakita ang mata mo Claire. Hindi ko maiwasang maiyak dahil nararamdaman ko na talaga na babalik ka na saamin," hindi ako nakasagot dahil sa sinabi ni kuya. Hindi ko rin alam kung uuwi pa ba ako sa palasyo. Pero sabagay magulo na ang mundo ko dito at sigurado ako na aayaw na saakin si Zekiel. Lumapit saakin si kuya at naupo siya sa hinihigaan ni Zoey paharap saakin at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa dalawang mga mata niya. "Ang tagal kong inantay ang pag-kakataon na ito Claire, ang tagal kong hinintay ang oras para magpakita sayo. Alam mo bang gustong-gusto kitang puntahan nang mamatay si mama, gustong-gusto kitang lapitan at patahanin pero
HINDI makapaniwala ang magasawang Anderson na nakatingin sa kanilang kaibigan na si Claire. "That is true, I'm the princess of Spain. Bata pa ako ng malayo kami kila papa kasi inilayo ako ni mama. Nawalan din ako nang ala-ala kaya hindi ko alam ang tungkol sa kanila sa buong buhay ko. Nitong nawala ako naalala ko na ang nakaraan ko, kung sino talaga ako at sa tulong yun ni kuya Timothy," "Kuya Timothy?" kunong noong tanong ni Bea sa kaniya. "Kababata namin ni kuya," napatango ito dahil sa naging sagot ng dalaga. "I-Ibig sabihin si tita, a-ang mama mo ay ang Reyna?" nauutal na tanong ni Bea na ikinatango naman ni Claire. "Oh My God! May kasama akong maharlika sa buong buhay ko! Sabi ko na may something jan sa mata mo eh yun pala princessa ka my god Claire!" Natawa si Claire at Clark dahil sa sinabi ni Bea na hindi pa 'rin makamove on. "Sandali, kung princessa ka edi pwede pala talaga kayo ni Kiel," natigilan si Claire at nawala ang ngiti sa labi dahil sa sinabi ni Dylan. Habang s
(Scene bago magkita si Clark at Claire sa ospital)Mabilis ang hakbang ni Clark papasok ng makarating siya sa hospital na sinasabi ni Claire. Ngunit napahinto siya ng mayroon siya makasalubong na kilalang-kilala niya. "Zekiel," napakunot ang noo niya dahil doon lalo na at umiiyak ito. Agad na naproseso sa isip niya ang nangyari. Kung galing ito sa loob ay malamang na nanggaling ito sa kapatid at nalaman na niya ang katotohanan. Tumakbo siya papunta dito at iniharap niya sa kaniya si Zekiel at agad na sinuntok ito sa muka na ikinagulat ni Zekiel. "What the h!ll?!" gulat na bigkas ni Zekiel ng bumagsak siya sa sahig at nagdugo ang gilid ng kaniyang labi. "What's the matter with you?! Bat bigla bigla kang nananapak?!" galit na sabi ni Zekiel at pinunansan ang kaniyang mga luha. "You deserve it," plain na sabi ni Clark na ikinagalit lalo ni Zekiel kaya tumayo ito at hinarap ang lalaki. "Anong gusto mo away?! Sino ka para sapakin ako ng ganon?!" galit na sabi nito ngunit si Clark ay h