Nagising ako ng nakaramdam ako ng lamig, kinapa-kapa ko ang katabi ko pero wala siya roon. Napa bangon ako at agad siyang hinanap sa buong kwarto ngunit wala talaga siya. Saan siya nag punta?Itinakip ko ang kumot sa katawan ko at tumayo mula sa kama. Sumasakit ang buong katawan ko lalo na ang pagkababae ko, hindi ko mabilang kung ilang beses akong inangkin ni Xyrus kagabi. Napangiti ako ng maalala ang pinag saluhan namin kagabi, napaka wild niya talaga, parang wala siyang kapaguran.Kumuha ako ng malaking t-shirt at panty sa closet at agad itong isinuot. Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Xyrus. Nasaan kaya siya? Hindi kaya umuwi na siya? Bakit hindi niya man lang ako ginising?Pumunta ako ng kusina at kumuha ng tubig sa ref, bumuntong hininga ako at ibinalik ang tubig sa ref. Mukang umuwi na nga siya talaga. Bumalik ako sa kwarto at agad na humiga sa kama."Bakit gising kapa?" "AYYY KABAYO!!" Agad akong napa balikwas ng bangon. Nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Agad kong
(Third person POV)Hindi mapakali si Xyrus habang hawak ang kamay ng kaniyang kasintahan. Dalawang araw na itong hindi nagigising at napag alaman niyang natinik ito ng itim na rosas, isa itong maka mandag na bulaklak na nasa mundo lang ng mga itim na mangkukulam makikita. "Nakuha ko na sa kaniyang katawan ang lason mahal na prinsipe. Medyo na nahirapan ako dahil parang may pumipigil sa akin na gamutin siya. Sino ba ang taong ito?" tanong ng puting mangkukulam. Tiim bagang na pinagmamasdan ni Xyrus ang dalaga. Alam niyang may kinalaman ang kaniyang ama sa nangyari kay Hevean."Siya ang magiging Ina ng mga anak ko Aviah. Malalaman mo ba kung kailan siya magigising?" Nagulat ang puting mangkukulam at agad na napangiti. Alam nito na seryoso ang sinasabi ni Xyrus. Sa ilang daang taon na pagsisilbi niya bilang isang manggagamot ng mga pure blooded vampire ay ngayon niya lang nakita ang prinsipe na interesado sa isang tao."Hindi ko masasabi kung magigising siya kaagad, hintayin muna nati
[Hevean POV]Agad akong napabangon at habol ang hininga habang patuloy sa pag tulo ang mga luha ko. Humikbi ako at napa takip ng muka, paano niya nagawa sa akin iyon?"Hushhhh now baby.... I'm here." Napa pitlag ako sa boses na nasa gilid ko at ramdam kong niyakap ako nito ngunit agad ko siyang tinulak at lumayo. "Lumayo ka sakin! Wag na wag mukong hahawakan!" sigaw ko sa kaniya, patuloy parin sa pag agos ang mga luha ko. Hindi ko masyadong makita ang muka niya dahil sa luha na bumubuo sa mga mata ko. Pero alam kong si Xyrus ang nasa tabi ko.Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata at doon ko lang nakita ang muka niya na may bakas ng pag ka gulat. Mas lalong lumalim ang galit na nararamdaman ko ng makita ko ang muka niya."M-may problema ba? May masakit ba sayo? Tell me..." Malungkot na tanong nito. Napakagat ako sa ibang labi upang pigilan ang pag iyak. Panaghinip lang ba lahat ng iyon? Napatingin ako sa paligid at ang kwartong ito, hindi na maliwanag bagkos ay madilim. Sinubukan nit
(Third Person POV)Nag siliparan ang mga tauhan ng Hari ng sumigaw ito dahil sa galit. Napa kuyom ito ng kamao dahil sa galit at inis na nararamdaman."Bakit hindi parin namatay ang taong iyon?!" Sigaw nito sa mga itim na mangkukulam."Ginawa na namin ang lahat para gumawa ng matinding lason ngunit nagawa parin siyang gamutin mahal na Hari." Anang itim na mangkukulam."Ginawa ang lahat? Sigurado ka?" Tiningnan nito ng mariin ang may katandaang mangkukulam. Bigla itong dumaing dahil sa sakit at di kalaunan ay nag ka bali-bali ang katawan nito at naging abo.Napatingin sila sa Hari na ngayo'y pulang pula ang mga mata, natakot ang mga itim na mangkukulam pati narin ang mga tauhan ng Hari. Makapang-yarihan ito at walang makakatalo sa kaniya kundi ang sariling anak lamang at walang iba kundi ang nag iisang prinsipe ng pure blooded vampire."Gawin niyo ang lahat upang mapatay ang taong iyon! Ayokong ako pa mismo ang papatay sa taong mahal niya. Nag kakaintindihan ba tayo?!" Napatango na lam
Hindi ako mapakali kaya lakad ako ng lakad dito sa loob ng kwarto, nag aalala ako kay Wena pati narin kay Xyrus. Feeling ko kasi may nangyari at yun ang aalamin ko.Kahit labag sa utos sa akin ni Xyrus na lumabas ay mas pinili kong sundin ang gusto ko. "Ms. Hevean hindi po kayo pwedeng umalis sa kwarto niyo... pakiusap po." Anang katulong."Gusto kong makita at maka usap si Wena manang, yun lang naman ang hinihiling ko." Mas binilisan ko pa ang paglalakad ngunit bakit parang mas mabilis ito kaysa sa akin? "Please Ms. Hevean bumalik napo kayo sa kwarto niyo, ayaw po naming gumawa ng dahas sa inyo." Napahinto ako sa sinabi nito, anong sabi niya? Dahas? Anong ibig niyang sabihin?"Ano?" Tanong ko dito ngunit bigla itong tumahimik.Inirapan ko nalang ito at patuloy parin sa pag lalakad papunta sa kwarto ni Wena, kanina ko pa siya hinahanap dito sa mansyon ngunit wala siya, tanging ang kwarto lang nito ang hindi ko pa napupuntahan.Agad kong binuksan ang pinto at pumasok, nagulantang a
[Hevean POV]Nagising ako dahil sa lamig ng hangin na dumaan sa balat ko. Madilim pa sa labas, madaling araw palang siguro. Napalinga-linga ako sa paligid ng kwarto at hindi mahagilap ng mata ko si Xyrus. Nasaan nanaman kaya yun?Bumangon ako at lumabas ng kwarto, kumuha na din muna ako ng balabal para hindi ako masyadong malamigan. Parang walang tao sa mansyon ngayon, nasaan kaya silang lahat? Sa pag kakatanda ko may mga gising kapag gabi at nag babantay dito ngunit bakit ngayon wala? nakapagtataka. "Hevean....."Napa hinto ako nang may tumawag sa akin. Mahina lang ito at parang bumubulong lamang, ngunit diko alam kung sino ang tumatawag sa akin.Nilibot ko ang paningin sa paligid ngunit wala talaga akong makitang tao. E sino yun?"Hevean....." Ayan nanaman ang boses. Sino ba kasing tumatawag sa akin? Si Xyrus ba? Pero bakit parang boses babae?"Hello?" Tanong ko sa madilim na paligid.Walang sumasagot, haysss... siguro guni-guni ko lang yun. Napa buntong hininga nalamang ako. Nagu
"Ang taong minamahal mo ngayon Hevean..."Napa hinto ako sa sunod na sinabi nito, anong ibig niyang sabihin? Parang huminto ang pag-hinga ko sa narinig ko."A-ano?" Tanong ko ulit ditoNgumisi ito at bigla akong tinalikuran, napa kagat labi ako at huminga ng malalim."Pwede bang ayusin mo naman ang sinasabi mo?! Hindi ko maintindihan, siyaka anong sinasabi mong minamahal ko ngayon?" Namumuo ang galit sa dibdib ko, hindi ko alam kung maniniwala bako dahil hindi ko naman siya kilala. Siyaka anong karapatan niyang sabihin sakin kung sino ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko, alam kong walang nakakita sa aksidenting iyon kundi ako lang."Alam ko ang iniisip mo babae, malalaman mo ang totoo kung ikaw mismo ang magtatanong sa kaniya." "Sino ba ang tinutukoy mo?" Pasigaw na tanong ko dito dahil nag lalakad ito palayo sa akin."Xyrus."Nagulat ako ng bigla nalamang itong mag laho na parang bula, nanindig ang balahibo ko sa nakita. Agad akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako
[Hevean POV]Agad akong umuwi sa bahay namin ni Zia at pumasok sa kwarto ko, humiga agad ako sa kama. Hindi ko alam kung saan nag punta si Zia dahil wala siya dito sa bahay.Unti-unti nanamang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina, agad nanamang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Kung hindi iyon nangyari siguro buhay pa ang mga magulang ko.'Sana kasama ko pa sila ngayon... hindi sana ako mag isa sa buhay... hindi sana ako nawalan ng mga magulang.'Paulit ulit na sinasambit ng utak ko."Hinding- hindi ko siya mapapatawad." Ang sakit isipin na ang taong mahal mo ang siyang dahilan kung bakit ka naulila.. kung bakit ka mag isa... kung bakit wala na ang mga taong mahal mo."Sana.. hindi ko n-nalang siya nakilala... sana hindi k-ko nalang siya minahal... sana... hindi nalang siya dumating sa buhay ko!!" Hinampas hampas ko ang unan at muli nanamang umiyak. Andami kong gustong hilingin pero alam kung hindi na maibabal
[ Hevean POV ] ( 7 years later ) Hindi ko aakalain na ganito ang magiging wakas ng lahat. Siguro tama ang naging desisyon ko noon. Dahil kung hindi, wala sana akong gwapong mag ama. Pitong taon na si Herus at parang labing tatlong taon na ang laki nito. Sabi ni Xyrus, normal lang daw iyon sa pagiging bampira. Maging ako ay naging bampira narin. Noong umpisa ay parang naninibago pako ngunit habang patagal ng patagal ay mas natututunan ‘kong mamuhay ng ganito. Dahil sa lason ng itim na rosas ay namatay ako, akala ko ng panahon na iyon ay yun na ang magiging katapusan ko–pero nagising nalamang ako na iba na ang pakiramdam ko. Napara bang ipinanganak akong muli ngunit sa ibang katauhan. Ang pagiging puting mangkukulam ko ay tuluyan nang nawala ngunit nasa dugo parin iyon ng anak ko. Ngumiti ako ng lumapit sa akin si Wena at umupo sa tabi ko, inalalayan ko pa itong umupo. Amo'y na amoy ko ang amo'y ni Gabo sa kanya. Paano ba naman, dikit ng dikit sa kanya si Gabo. Hindi ko nga akalain n
[ Xyrus POV ]Anong ibig sabihin nito? Bakit may kamuka si ina? Sino siya? At anong sinasabi niya? Andami kong tanong sa isip. Naguguluhan ako. Ngumisi ito habang matalim na naka tingin sa akin.“Wag kang mag alala, hindi ko na pahahabain ang paghihirap mo munting prinsipe.” Pag tapos niyang sabihin iyon ay siyang pag bungad ni Hevean mula sa kaniyang likuran. Anong ginagawa niya dito? At nasaan ang anak namin?“You B*tch!!! I will kill you!! Don't you ever dare to touch her!” Galit na sigaw ko. Ngunit mas ikina ngisi niya ito.“Awww nakakatakot. HAHAHA bago mo yata ako patayin e mauuna ka muna. Shshshshshs” May isinambit itong hindi ko maintindihan.Biglang sumigaw si Hevean sa sakit at nawalan ng malay. Lalapitan ko na sana ito ng biglang atakihin nya ako, anong nangyayari? Bakit niya ako inaatake?“Baby it's me,” tawag ko ngunit parang ibang tao na ito.“Hindi ka niya maririnig. Hindi na siya ang Hevean na inaakala mo. Isa na siyang taga sunod ko. Patayin mo siya!” Utos nito. Mul
[ Wena POV ]Sinapak ko ang isang itim na lobong gusto akong kagatin. Habang patagal ng patagal ay paunti naman kami ng paunti. Ang ibang mga kasama namin ay tuluyan ng natalo sa laban. Gumamit din ako ng mahika upang mapatay ang iilang mga kalaban. Malapit nako sa pinakang gitna. Ililigtas ko ang mahal na Reyna. Nakita ko naman si Gabo na nakikipag laban sa di kalayuan. Tumakbong lumapit ito sa ‘kin at inalalayan akong maka lapit sa Reyna.“Mahal na Reyna,” tawag ko at inangat ang ulo nito. Wala siyang Malay. Mukang nakuha na ng Hari ang kaniyang kapangyarihan.Binaklas ko ang kadena at lupid na naka tali sa kaniya. Binuhat ko ito, hindi ko alam kung saan ako pupunta at dadaan. Maraming kalaban ang nasa paligid.Si Prinsipe Xyrus ay nakikipag laban ngayon sa Hari at mamasasabi kong napaka lakas nilang pareho. Napaka lakas ng hangin sa buong paligid at nag kalat ang apoy at mga patay na katawan ng mga lobo at mangkukulam.Napatingin sa akin ang Hari. Nakita niyang bitbit ko ang Reyna.
[ Xyrus POV ]Mahinahong linusob namin ang kaliwang parte ng palasyo, kaunti nalang ang natitira sa kaninang maraming kawal, ang iba sa kanila ay mga mangkukulam, half blood vampires at mga black wolves.Nag-anyong lobo ang mga kasama namin at ang mga ibang mangkukulam ay ginagabayan kami upang hindi lubusang mapuruhan sa laban.Hinila ko ang katawan ng dalawang bampira at itinapon sa nagsisiliparang mga itim na mangkukulam, naka sakay sila sa mga walis at gumagamit ng mahika upang tamaan kami mula sa itaas. Buti na lamang ay narito sila Zia upang bigyan kami ng proteksyon. Ramdam ko ang takot ng ibang mga bampira, alam nilang mas malakas ako kaysa sa kanila. Walang kapangyarihan ang mga half blood kaysa sa aming mga pure blooded vampires.Ang iba sa kanila ay ginawa lamang bampira upang maging kaanib ng Vamos Clan, pati mga inosenteng tao ay dinadamay nila at ginagawang bampira.Lumipad ako sa ere at sinipa ang isang mangkukulam pababa, lumading ito sa dalawang bampira, nadurog at n
[Xyrus POV]Hinaplos ko ang malambot at madulas nitong buhok. Mahimbing itong natutulog kasama ng aming anak. Napangiti ako at hinayaan silang matulog. Ilang linggo lang ako sa portal pero parang ilang daang taon ang naka lipas kapag hindi ko siya nakikita. Sa ilang linggo na i‘yon ay maraming nangyari.Bumuntong hininga ako at lumabas ng silid. Nakita ko si Wena na humahangos patungo sa kinaroroonan ko.“Mahal na prinsipe, ang iyong ina.” Sambit nito.“Anong balita?”“Papatayin na siya ng iyong ama, narinig ko mula sa mga kawal na bukas ng gabi nila ito gaganapin, sa likod ng palasyo kasama ng ibang mga mangkukulam. Gustong makuha ng hari ang lahat ng mga kapangyarihan nila.” Kinuyom ko ang dalawang palad ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa ng aking ama. Hindi na siya ang Hari na nakilala ko noon, Isa na siyang sakim!“Anong plano mo?” Malamig na boses ng isang lalaki. Madilim itong naka titig sa akin. Sa pagkakaalam ko, siya ang kaibigan ni Hevean at Zia, at siya ang pinuno ng hukbo
[ Hevean POV ]Nang magising ako ay agad kong nakita ang anak ko na tahimik na natutulog sa dibdib ko. Ngumiti ako at mangiyak-ngiyak nang haplusin ko ang malambot na buhok nito. Buhay ang anak ko. Humagolgol ako ng iyak kaya nagising ito, mas lalo akong natuwa ng marinig ko ang pag hikbi nito. Pinilit kong tumayo at kinarga ito. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at gulat na gulat na naka tingin si Zia, nakita ko ang pag tulog ng luha nito at agad niya akong nilapitan at niyakap.“Sa w-wakas gising k-kana. . . a-akala ko mawawala kana, wag mo na ulit g-gagawin yun.” Umiiyak na sabi nito. Napangiti ako at niyakap ito pabalik ngunit muling umiyak ang anak ko.“Akala ko din Zi, mabuti at iniligtas mo ko at ang anak ko.” Saad ko.Kumunot ang noo nito at tiningnan ako na parang nagtataka. Pinahiran niya ang mga luha at umiling.“Hindi ako ang nag ligtas sayo. Mabuti nalamang at naka rating siya kagaad para mailigtas kayo ni Herus.” Parang hindi nag sisink in sa utak ko ang sinabi niya. Si
[Xyrus POV]Two weeks had passed and she's still in coma. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya hanggang ngayon hindi pa ito nagigising. Ang anak namin ay parang isang taong gulang na. Mabilis lumaki ang anak ko kaysa sa normal na bampira, maybe because he's half vampire, haft human. Ramdam ko ang napaka lakas na pwersa na nag mumula sa anak ko kapag kinakarga ko ito. Nalaman ko din kay Zia na isang puting mangkukulam si Hevean, kaya pala ganun ang amo'y ng dugo nito simula no’ng una ko siyang makita sa aksidente na nangyari noon. Hindi na maalis ang bango ng dugo nito at palagi iyo'ng nanunuot sa ilong ko, now I wonder why I'm addicted to her, she's one of the kind. I caressed her beautiful face, I miss her so much, her smile, laugh and her sweet and kissable lips. Two weeks in portal it's like a torture to me. I can't live without her, parang nanghihina ako kapag hindi ko siya nakikita.“Baby, I miss you. Please wake up.” I kiss her forehead. I'm still hoping na sana magising na
[Xyrus POV]Nang maka rating ako sa gubat ay biglang sumulpot ang babaeng pinaka ayoko sa lahat, ang anak ng leader ng vamos clan. Maimtim itong naka titig sa akin na animo’y gusto nitong kitilin ang buhay ko. Ngumisi ito at pulang pula ang mga mata. Para akong hinahamon nito sa isang laban.“Ito ba ang gusto mong mangyari? Sa isang hamak na tao!?” Tumawa ito na parang baliw. “Hindi ako papayag na sa kaniya ka mapunta!! Mamatay muna siya bago ka niya makuha sakin Xyrus!” Sigaw nito. Agad nito akong sinugod, kahit ni isang atake nito ay hindi man lang ako tinatamaan, mas mabilis akong gumalaw kaysa sa kaniya. Kaya lahat ng atake nito ay naiilagan ko.“Mas gugustohin ko pang magmahal ng isang hamak na tao, kaysa mag mahal ng isang katulad mo! At sinong nagsabi na hindi ka muna naging tao bago ka naging bampira? Kung tutu-o’sin hindi dapat kayo mabuhay, dapat kayong patayin upang wala nang mga sakim na bampira katulad mo at mga kalahi mo!” Sinipa ko ito at tumilapon ito sa puno. Natumb
[Xyrus POV]Nang maka labas ako ng portal ay agad akong sinalubong ni Wena. “Mahal na prinsipe. Mabuti't narito na kayo. Kailangan kayo ngayon ni Ms. Hevean.”Kumunot ang noo ko.“Anong nangyari?” Agad na tanong ko. “Pag pasok ko ng palasyo ay narinig kong sinugod ng vamos clan at ng iyong ama ang kuta ng mga puting mangkukulam at natitirang mga lobo, a-at doon nagtatago ngayon si Ms. Hevean. Marahil ay dahil sa akin kaya nahanap kung saan siya nag tatago, patawad mahal na prinsipe, kasalanan ko." Lumuhod ito at yumuko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nag madaling umalis. Hinanap ko kaagad ang amo'y niya. Amo'y na amo'y ko ang dugo niya kahit napakalayo ng kinaroroonan nito. Mukang may nangyari nga sa kaniya. Galit at lungkot ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako na baka may nangyari na nga sa kaniya at nagagalit ako dahil sa sarili kong ama at lahi. Papatayin nila ang taong mahal ko.“Sh*t!! Please. . . wag mukong iiwan Hevean.” pag mamakaawa ko. Agad ko'ng ginamit ng kapangya