Share

CHAPTER 23

Author: SECRET_PYUNG
last update Last Updated: 2023-09-19 22:44:07

Hindi ako mapakali kaya lakad ako ng lakad dito sa loob ng kwarto, nag aalala ako kay Wena pati narin kay Xyrus. Feeling ko kasi may nangyari at yun ang aalamin ko.

Kahit labag sa utos sa akin ni Xyrus na lumabas ay mas pinili kong sundin ang gusto ko.

"Ms. Hevean hindi po kayo pwedeng umalis sa kwarto niyo... pakiusap po." Anang katulong.

"Gusto kong makita at maka usap si Wena manang, yun lang naman ang hinihiling ko." Mas binilisan ko pa ang paglalakad ngunit bakit parang mas mabilis ito kaysa sa akin?

"Please Ms. Hevean bumalik napo kayo sa kwarto niyo, ayaw po naming gumawa ng dahas sa inyo."

Napahinto ako sa sinabi nito, anong sabi niya? Dahas? Anong ibig niyang sabihin?

"Ano?" Tanong ko dito ngunit bigla itong tumahimik.

Inirapan ko nalang ito at patuloy parin sa pag lalakad papunta sa kwarto ni Wena, kanina ko pa siya hinahanap dito sa mansyon ngunit wala siya, tanging ang kwarto lang nito ang hindi ko pa napupuntahan.

Agad kong binuksan ang pinto at pumasok, nagulantang a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   CHAPTER 24

    [Hevean POV]Nagising ako dahil sa lamig ng hangin na dumaan sa balat ko. Madilim pa sa labas, madaling araw palang siguro. Napalinga-linga ako sa paligid ng kwarto at hindi mahagilap ng mata ko si Xyrus. Nasaan nanaman kaya yun?Bumangon ako at lumabas ng kwarto, kumuha na din muna ako ng balabal para hindi ako masyadong malamigan. Parang walang tao sa mansyon ngayon, nasaan kaya silang lahat? Sa pag kakatanda ko may mga gising kapag gabi at nag babantay dito ngunit bakit ngayon wala? nakapagtataka. "Hevean....."Napa hinto ako nang may tumawag sa akin. Mahina lang ito at parang bumubulong lamang, ngunit diko alam kung sino ang tumatawag sa akin.Nilibot ko ang paningin sa paligid ngunit wala talaga akong makitang tao. E sino yun?"Hevean....." Ayan nanaman ang boses. Sino ba kasing tumatawag sa akin? Si Xyrus ba? Pero bakit parang boses babae?"Hello?" Tanong ko sa madilim na paligid.Walang sumasagot, haysss... siguro guni-guni ko lang yun. Napa buntong hininga nalamang ako. Nagu

    Last Updated : 2023-09-19
  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   CHAPTER 25

    "Ang taong minamahal mo ngayon Hevean..."Napa hinto ako sa sunod na sinabi nito, anong ibig niyang sabihin? Parang huminto ang pag-hinga ko sa narinig ko."A-ano?" Tanong ko ulit ditoNgumisi ito at bigla akong tinalikuran, napa kagat labi ako at huminga ng malalim."Pwede bang ayusin mo naman ang sinasabi mo?! Hindi ko maintindihan, siyaka anong sinasabi mong minamahal ko ngayon?" Namumuo ang galit sa dibdib ko, hindi ko alam kung maniniwala bako dahil hindi ko naman siya kilala. Siyaka anong karapatan niyang sabihin sakin kung sino ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko, alam kong walang nakakita sa aksidenting iyon kundi ako lang."Alam ko ang iniisip mo babae, malalaman mo ang totoo kung ikaw mismo ang magtatanong sa kaniya." "Sino ba ang tinutukoy mo?" Pasigaw na tanong ko dito dahil nag lalakad ito palayo sa akin."Xyrus."Nagulat ako ng bigla nalamang itong mag laho na parang bula, nanindig ang balahibo ko sa nakita. Agad akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako

    Last Updated : 2023-09-19
  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   CHAPTER 26

    [Hevean POV]Agad akong umuwi sa bahay namin ni Zia at pumasok sa kwarto ko, humiga agad ako sa kama. Hindi ko alam kung saan nag punta si Zia dahil wala siya dito sa bahay.Unti-unti nanamang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina, agad nanamang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Kung hindi iyon nangyari siguro buhay pa ang mga magulang ko.'Sana kasama ko pa sila ngayon... hindi sana ako mag isa sa buhay... hindi sana ako nawalan ng mga magulang.'Paulit ulit na sinasambit ng utak ko."Hinding- hindi ko siya mapapatawad." Ang sakit isipin na ang taong mahal mo ang siyang dahilan kung bakit ka naulila.. kung bakit ka mag isa... kung bakit wala na ang mga taong mahal mo."Sana.. hindi ko n-nalang siya nakilala... sana hindi k-ko nalang siya minahal... sana... hindi nalang siya dumating sa buhay ko!!" Hinampas hampas ko ang unan at muli nanamang umiyak. Andami kong gustong hilingin pero alam kung hindi na maibabal

    Last Updated : 2023-09-19
  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   CHAPTER 27

    (Three Weeks Later)[Hevean POV]Nakakainis talaga, paano ko ba talaga malalaman kung sino ang ama ng dinadala ko? Hindi kaya sira talaga itong PT na nabili ko?"Wag mukong pinaglololoko Hevean ha! Nako paano ka mabubuntis kung wala ka ngang boyfriend aber?""Ilang beses ko bang sasabihin sayo Zia na wala nga akong naging boyfriend, siyaka kapag meron man sasabihin ko naman agad sayo e." Kanina pa kami nag tatalo sa lintik na Pregnancy Test na to. Lokang-loka nako kung bakit positive ang resulta."Need na siguro nating ipa tingin talaga sa doctor baka cancer or ano yang nasa tiyan mo! Baka mamaya alien pala laman niyan." Hinamapas ko ito ng mahina sa braso, nakaka takot naman mga pinag sasabi nito."Wag ka ngang mag biro ng ganiyan!""Hay nako ewan ko sayo Hevean!"Inirapan ko nalamang ito at hinimas himas ang maliit kong puson."Siyaka nga pala uuwi tayo sa probinsya bukas, mag impake kana. Damihan mo na ha, baka matagalan tayo bago maka uwi." Takang tiningnan ko ito, "Anong mer

    Last Updated : 2023-09-19
  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   CHAPTER 28

    Tahimik lamang kaming kumakain sa hapag kainan nang maalala ko ang malaking aso na nakita ko kanina. Nag dadalawang isip ako kung itatanong ko ba. Bahala na, na-cucurious ako e'. "Ahm.. Tito may itatanong po sana ako" pag uumpisa ko. Napatingin naman sa akin sila Tita at Tito habang si Zia ay patuloy paring kumakain. Ang takaw talaga ng babaeng to!"Ano ba iyon hija?" "Ahmm.... m-may nakita po kasi akong malaking aso kanina doon malapit sa gubat, ano pong aso iyon?" Takang tanong ko sa kanila ngunit bigla nalamang silang napatahimik at hindi nag salita. Pati si Zia ay napa hinto sa pag kain. Napakunot noo ako nang tumingin si Tita kay Tito na parang nag uusap sila sa isip. Seriously anong mali sa tinanong ko? "Hija anong kulay nang aso ang nakita mo?" tanong ni Tita Felia. Sa pag kakaalam ko kulay brown ang nakita ko."Brown po yata." Sagot ko. Para naman silang nabunutan ng tinik sa sagot ko. Nagtataka na talaga ako. Aso lang naman yung tinanong ko pero bakit parang napaka big de

    Last Updated : 2023-09-19
  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   CHAPTER 29

    [Hevean POV]KINAUMAGAhan ay nag libot-libot kami ni Zia, nandito parin naman ang iilang relatives ni mama. Ang iba sa kanila ay hindi na rito naka tira, sabi ni tito mas daw ng mga ito sa syudad nalamang manirahan. "Napapagod nako, upo muna tayo dun Zia." anyaya ko sa kaniya sabay turo sa malaking puno. Busy itong kumakain ng aratilis, hindi ko gusto ang lasa nito kaya naman ibinigay ko nalamang sa kaniya lahat. Bigay iyon ng kapitbahay nang dumaan kami sa kanila kanina, maliliit na bilog at kulay pink at red ang mga ito."Hindi pa nga tayo masyadong nakakapag laka-lakad pagod kana agad." reklamo niya. "Sorry ha, kasalanan ko bang napapagod na ang mga paa ko?"Inirapan ko ito. Hindi ito umimik at patuloy parin sa pag kain ng aratilis."Ang takaw mo!" Singhal ko."Ansarap kaya. Anyways. . . may palabas daw mamaya sa bayan nuod tayo?" Bigla akong ma excite sa sinabi niya."Talaga?""Oo sabi ni Inang may pa singing contest daw." Niyugyug ko balikat niya at nag-tititili."Tara punta ta

    Last Updated : 2023-09-19
  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   CHAPTER 30

    "Sira ulo kaba? Anak ko ang pinag-uusapan natin dito Zia!" Galit na sigaw ko sa kaniya."Sorry, I'm just kidding you know? Siyaka ayaw kong ipalaglag 'yang soon to be my inaanak." Humiga ito sa kama at napatingin sa kisame."Wala talaga akong maalala kung sino ang ama ng dinadala ko. Ganun na ba ako ka gaga para kalimutan kung sino ang gumalaw sa akin?" Napaluha ako at umupo sa kama.Rinig ko ang pag buntong hininga ni Zia."May gusto akong sabihin sayo pero hindi pa ito ang tamang oras. Give me two days Ven at malalaman mo ang lahat." Napatingin ako sa kaniya, nasa kisame parin ang tingin nito aat parang malalim ang iniisip. Anong ibig niyang sabihin na malalaman ko ang lahat? Naguguluhan ako sa sinabi niya."Huh? Anong pinag-sasasabi mo?" Takang tanong ko sa kaniya ngunit tumayo ito at naglakad patungo sa pinto."Malalaman mo rin." Lumabas na ito ng kwarto at iniwan akong nalilito. Hindi kaya may tinatago siya sa akin? Pero imposible naman dahil palagi kaming magkasama. Lahat naman

    Last Updated : 2023-09-19
  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   CHAPTER 31

    [Hevean POV]"Magkano po?" Tanong ko sa babaeng nagbebenta ng bibingka."Sampung piso isa ining." Sagot naman nito."Dalawa sakin ha," Biglang sabat ni Zia.Inirapan ko nalamang siya at bumili ng limang pirasong bibingka, bibigyan ko rin si Gabo. Teka nasaan na pala yun?Inabot ko na ang bayad at hinanap ng paningin ko si Gabo.Nandito lang siya kanina, hindi kaya iniwan niya na kami? Imposible naman dahil hindi niya naman magagawang iwan kami ni Zia. "Nakita mo ba si Gabo?" Tanong ko kay Zia, busy itong kumakain ng fishball."Dwee kwoo allaahmm.. . ." Salita niya habang ngumunguya. Napaka takaw talaga! Ubos na yata pera namin kakabili ng pag kain. Hindi pa nag sisimula ang singing contest ubos na pera ko."Tara hanapin natin siya." Hinila ko kaagad si Zia at naglibot-libot, napaka raming tao. Hindi ko masyadong makita ang muka ng mga tao dahil medyo madilim ang lugar. "Tulungan mukong hanapin si Gabo, Zi!" Reklamo ko kay Zia na busy parin sa pagkain. Ano mang oras pwede nang pumut

    Last Updated : 2023-10-04

Latest chapter

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [Epilogue / Special Chapter]

    [ Hevean POV ] ( 7 years later ) Hindi ko aakalain na ganito ang magiging wakas ng lahat. Siguro tama ang naging desisyon ko noon. Dahil kung hindi, wala sana akong gwapong mag ama. Pitong taon na si Herus at parang labing tatlong taon na ang laki nito. Sabi ni Xyrus, normal lang daw iyon sa pagiging bampira. Maging ako ay naging bampira narin. Noong umpisa ay parang naninibago pako ngunit habang patagal ng patagal ay mas natututunan ‘kong mamuhay ng ganito. Dahil sa lason ng itim na rosas ay namatay ako, akala ko ng panahon na iyon ay yun na ang magiging katapusan ko–pero nagising nalamang ako na iba na ang pakiramdam ko. Napara bang ipinanganak akong muli ngunit sa ibang katauhan. Ang pagiging puting mangkukulam ko ay tuluyan nang nawala ngunit nasa dugo parin iyon ng anak ko. Ngumiti ako ng lumapit sa akin si Wena at umupo sa tabi ko, inalalayan ko pa itong umupo. Amo'y na amoy ko ang amo'y ni Gabo sa kanya. Paano ba naman, dikit ng dikit sa kanya si Gabo. Hindi ko nga akalain n

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [ CHAPTER 48 ]

    [ Xyrus POV ]Anong ibig sabihin nito? Bakit may kamuka si ina? Sino siya? At anong sinasabi niya? Andami kong tanong sa isip. Naguguluhan ako. Ngumisi ito habang matalim na naka tingin sa akin.“Wag kang mag alala, hindi ko na pahahabain ang paghihirap mo munting prinsipe.” Pag tapos niyang sabihin iyon ay siyang pag bungad ni Hevean mula sa kaniyang likuran. Anong ginagawa niya dito? At nasaan ang anak namin?“You B*tch!!! I will kill you!! Don't you ever dare to touch her!” Galit na sigaw ko. Ngunit mas ikina ngisi niya ito.“Awww nakakatakot. HAHAHA bago mo yata ako patayin e mauuna ka muna. Shshshshshs” May isinambit itong hindi ko maintindihan.Biglang sumigaw si Hevean sa sakit at nawalan ng malay. Lalapitan ko na sana ito ng biglang atakihin nya ako, anong nangyayari? Bakit niya ako inaatake?“Baby it's me,” tawag ko ngunit parang ibang tao na ito.“Hindi ka niya maririnig. Hindi na siya ang Hevean na inaakala mo. Isa na siyang taga sunod ko. Patayin mo siya!” Utos nito. Mul

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [ CHAPTER 47 ]

    [ Wena POV ]Sinapak ko ang isang itim na lobong gusto akong kagatin. Habang patagal ng patagal ay paunti naman kami ng paunti. Ang ibang mga kasama namin ay tuluyan ng natalo sa laban. Gumamit din ako ng mahika upang mapatay ang iilang mga kalaban. Malapit nako sa pinakang gitna. Ililigtas ko ang mahal na Reyna. Nakita ko naman si Gabo na nakikipag laban sa di kalayuan. Tumakbong lumapit ito sa ‘kin at inalalayan akong maka lapit sa Reyna.“Mahal na Reyna,” tawag ko at inangat ang ulo nito. Wala siyang Malay. Mukang nakuha na ng Hari ang kaniyang kapangyarihan.Binaklas ko ang kadena at lupid na naka tali sa kaniya. Binuhat ko ito, hindi ko alam kung saan ako pupunta at dadaan. Maraming kalaban ang nasa paligid.Si Prinsipe Xyrus ay nakikipag laban ngayon sa Hari at mamasasabi kong napaka lakas nilang pareho. Napaka lakas ng hangin sa buong paligid at nag kalat ang apoy at mga patay na katawan ng mga lobo at mangkukulam.Napatingin sa akin ang Hari. Nakita niyang bitbit ko ang Reyna.

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [ CHAPTER 46 ]

    [ Xyrus POV ]Mahinahong linusob namin ang kaliwang parte ng palasyo, kaunti nalang ang natitira sa kaninang maraming kawal, ang iba sa kanila ay mga mangkukulam, half blood vampires at mga black wolves.Nag-anyong lobo ang mga kasama namin at ang mga ibang mangkukulam ay ginagabayan kami upang hindi lubusang mapuruhan sa laban.Hinila ko ang katawan ng dalawang bampira at itinapon sa nagsisiliparang mga itim na mangkukulam, naka sakay sila sa mga walis at gumagamit ng mahika upang tamaan kami mula sa itaas. Buti na lamang ay narito sila Zia upang bigyan kami ng proteksyon. Ramdam ko ang takot ng ibang mga bampira, alam nilang mas malakas ako kaysa sa kanila. Walang kapangyarihan ang mga half blood kaysa sa aming mga pure blooded vampires.Ang iba sa kanila ay ginawa lamang bampira upang maging kaanib ng Vamos Clan, pati mga inosenteng tao ay dinadamay nila at ginagawang bampira.Lumipad ako sa ere at sinipa ang isang mangkukulam pababa, lumading ito sa dalawang bampira, nadurog at n

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [CHAPTER 45]

    [Xyrus POV]Hinaplos ko ang malambot at madulas nitong buhok. Mahimbing itong natutulog kasama ng aming anak. Napangiti ako at hinayaan silang matulog. Ilang linggo lang ako sa portal pero parang ilang daang taon ang naka lipas kapag hindi ko siya nakikita. Sa ilang linggo na i‘yon ay maraming nangyari.Bumuntong hininga ako at lumabas ng silid. Nakita ko si Wena na humahangos patungo sa kinaroroonan ko.“Mahal na prinsipe, ang iyong ina.” Sambit nito.“Anong balita?”“Papatayin na siya ng iyong ama, narinig ko mula sa mga kawal na bukas ng gabi nila ito gaganapin, sa likod ng palasyo kasama ng ibang mga mangkukulam. Gustong makuha ng hari ang lahat ng mga kapangyarihan nila.” Kinuyom ko ang dalawang palad ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa ng aking ama. Hindi na siya ang Hari na nakilala ko noon, Isa na siyang sakim!“Anong plano mo?” Malamig na boses ng isang lalaki. Madilim itong naka titig sa akin. Sa pagkakaalam ko, siya ang kaibigan ni Hevean at Zia, at siya ang pinuno ng hukbo

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [CHAPTER 44]

    [ Hevean POV ]Nang magising ako ay agad kong nakita ang anak ko na tahimik na natutulog sa dibdib ko. Ngumiti ako at mangiyak-ngiyak nang haplusin ko ang malambot na buhok nito. Buhay ang anak ko. Humagolgol ako ng iyak kaya nagising ito, mas lalo akong natuwa ng marinig ko ang pag hikbi nito. Pinilit kong tumayo at kinarga ito. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at gulat na gulat na naka tingin si Zia, nakita ko ang pag tulog ng luha nito at agad niya akong nilapitan at niyakap.“Sa w-wakas gising k-kana. . . a-akala ko mawawala kana, wag mo na ulit g-gagawin yun.” Umiiyak na sabi nito. Napangiti ako at niyakap ito pabalik ngunit muling umiyak ang anak ko.“Akala ko din Zi, mabuti at iniligtas mo ko at ang anak ko.” Saad ko.Kumunot ang noo nito at tiningnan ako na parang nagtataka. Pinahiran niya ang mga luha at umiling.“Hindi ako ang nag ligtas sayo. Mabuti nalamang at naka rating siya kagaad para mailigtas kayo ni Herus.” Parang hindi nag sisink in sa utak ko ang sinabi niya. Si

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [ CHAPTER 43]

    [Xyrus POV]Two weeks had passed and she's still in coma. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya hanggang ngayon hindi pa ito nagigising. Ang anak namin ay parang isang taong gulang na. Mabilis lumaki ang anak ko kaysa sa normal na bampira, maybe because he's half vampire, haft human. Ramdam ko ang napaka lakas na pwersa na nag mumula sa anak ko kapag kinakarga ko ito. Nalaman ko din kay Zia na isang puting mangkukulam si Hevean, kaya pala ganun ang amo'y ng dugo nito simula no’ng una ko siyang makita sa aksidente na nangyari noon. Hindi na maalis ang bango ng dugo nito at palagi iyo'ng nanunuot sa ilong ko, now I wonder why I'm addicted to her, she's one of the kind. I caressed her beautiful face, I miss her so much, her smile, laugh and her sweet and kissable lips. Two weeks in portal it's like a torture to me. I can't live without her, parang nanghihina ako kapag hindi ko siya nakikita.“Baby, I miss you. Please wake up.” I kiss her forehead. I'm still hoping na sana magising na

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [ CHAPTER 42 ]

    [Xyrus POV]Nang maka rating ako sa gubat ay biglang sumulpot ang babaeng pinaka ayoko sa lahat, ang anak ng leader ng vamos clan. Maimtim itong naka titig sa akin na animo’y gusto nitong kitilin ang buhay ko. Ngumisi ito at pulang pula ang mga mata. Para akong hinahamon nito sa isang laban.“Ito ba ang gusto mong mangyari? Sa isang hamak na tao!?” Tumawa ito na parang baliw. “Hindi ako papayag na sa kaniya ka mapunta!! Mamatay muna siya bago ka niya makuha sakin Xyrus!” Sigaw nito. Agad nito akong sinugod, kahit ni isang atake nito ay hindi man lang ako tinatamaan, mas mabilis akong gumalaw kaysa sa kaniya. Kaya lahat ng atake nito ay naiilagan ko.“Mas gugustohin ko pang magmahal ng isang hamak na tao, kaysa mag mahal ng isang katulad mo! At sinong nagsabi na hindi ka muna naging tao bago ka naging bampira? Kung tutu-o’sin hindi dapat kayo mabuhay, dapat kayong patayin upang wala nang mga sakim na bampira katulad mo at mga kalahi mo!” Sinipa ko ito at tumilapon ito sa puno. Natumb

  • Carrying the VAMPIRE'S BABY   [CHAPTER 41]

    [Xyrus POV]Nang maka labas ako ng portal ay agad akong sinalubong ni Wena. “Mahal na prinsipe. Mabuti't narito na kayo. Kailangan kayo ngayon ni Ms. Hevean.”Kumunot ang noo ko.“Anong nangyari?” Agad na tanong ko. “Pag pasok ko ng palasyo ay narinig kong sinugod ng vamos clan at ng iyong ama ang kuta ng mga puting mangkukulam at natitirang mga lobo, a-at doon nagtatago ngayon si Ms. Hevean. Marahil ay dahil sa akin kaya nahanap kung saan siya nag tatago, patawad mahal na prinsipe, kasalanan ko." Lumuhod ito at yumuko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nag madaling umalis. Hinanap ko kaagad ang amo'y niya. Amo'y na amo'y ko ang dugo niya kahit napakalayo ng kinaroroonan nito. Mukang may nangyari nga sa kaniya. Galit at lungkot ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako na baka may nangyari na nga sa kaniya at nagagalit ako dahil sa sarili kong ama at lahi. Papatayin nila ang taong mahal ko.“Sh*t!! Please. . . wag mukong iiwan Hevean.” pag mamakaawa ko. Agad ko'ng ginamit ng kapangya

DMCA.com Protection Status