Tahimik lamang kaming kumakain sa hapag kainan nang maalala ko ang malaking aso na nakita ko kanina. Nag dadalawang isip ako kung itatanong ko ba. Bahala na, na-cucurious ako e'. "Ahm.. Tito may itatanong po sana ako" pag uumpisa ko. Napatingin naman sa akin sila Tita at Tito habang si Zia ay patuloy paring kumakain. Ang takaw talaga ng babaeng to!"Ano ba iyon hija?" "Ahmm.... m-may nakita po kasi akong malaking aso kanina doon malapit sa gubat, ano pong aso iyon?" Takang tanong ko sa kanila ngunit bigla nalamang silang napatahimik at hindi nag salita. Pati si Zia ay napa hinto sa pag kain. Napakunot noo ako nang tumingin si Tita kay Tito na parang nag uusap sila sa isip. Seriously anong mali sa tinanong ko? "Hija anong kulay nang aso ang nakita mo?" tanong ni Tita Felia. Sa pag kakaalam ko kulay brown ang nakita ko."Brown po yata." Sagot ko. Para naman silang nabunutan ng tinik sa sagot ko. Nagtataka na talaga ako. Aso lang naman yung tinanong ko pero bakit parang napaka big de
[Hevean POV]KINAUMAGAhan ay nag libot-libot kami ni Zia, nandito parin naman ang iilang relatives ni mama. Ang iba sa kanila ay hindi na rito naka tira, sabi ni tito mas daw ng mga ito sa syudad nalamang manirahan. "Napapagod nako, upo muna tayo dun Zia." anyaya ko sa kaniya sabay turo sa malaking puno. Busy itong kumakain ng aratilis, hindi ko gusto ang lasa nito kaya naman ibinigay ko nalamang sa kaniya lahat. Bigay iyon ng kapitbahay nang dumaan kami sa kanila kanina, maliliit na bilog at kulay pink at red ang mga ito."Hindi pa nga tayo masyadong nakakapag laka-lakad pagod kana agad." reklamo niya. "Sorry ha, kasalanan ko bang napapagod na ang mga paa ko?"Inirapan ko ito. Hindi ito umimik at patuloy parin sa pag kain ng aratilis."Ang takaw mo!" Singhal ko."Ansarap kaya. Anyways. . . may palabas daw mamaya sa bayan nuod tayo?" Bigla akong ma excite sa sinabi niya."Talaga?""Oo sabi ni Inang may pa singing contest daw." Niyugyug ko balikat niya at nag-tititili."Tara punta ta
"Sira ulo kaba? Anak ko ang pinag-uusapan natin dito Zia!" Galit na sigaw ko sa kaniya."Sorry, I'm just kidding you know? Siyaka ayaw kong ipalaglag 'yang soon to be my inaanak." Humiga ito sa kama at napatingin sa kisame."Wala talaga akong maalala kung sino ang ama ng dinadala ko. Ganun na ba ako ka gaga para kalimutan kung sino ang gumalaw sa akin?" Napaluha ako at umupo sa kama.Rinig ko ang pag buntong hininga ni Zia."May gusto akong sabihin sayo pero hindi pa ito ang tamang oras. Give me two days Ven at malalaman mo ang lahat." Napatingin ako sa kaniya, nasa kisame parin ang tingin nito aat parang malalim ang iniisip. Anong ibig niyang sabihin na malalaman ko ang lahat? Naguguluhan ako sa sinabi niya."Huh? Anong pinag-sasasabi mo?" Takang tanong ko sa kaniya ngunit tumayo ito at naglakad patungo sa pinto."Malalaman mo rin." Lumabas na ito ng kwarto at iniwan akong nalilito. Hindi kaya may tinatago siya sa akin? Pero imposible naman dahil palagi kaming magkasama. Lahat naman
[Hevean POV]"Magkano po?" Tanong ko sa babaeng nagbebenta ng bibingka."Sampung piso isa ining." Sagot naman nito."Dalawa sakin ha," Biglang sabat ni Zia.Inirapan ko nalamang siya at bumili ng limang pirasong bibingka, bibigyan ko rin si Gabo. Teka nasaan na pala yun?Inabot ko na ang bayad at hinanap ng paningin ko si Gabo.Nandito lang siya kanina, hindi kaya iniwan niya na kami? Imposible naman dahil hindi niya naman magagawang iwan kami ni Zia. "Nakita mo ba si Gabo?" Tanong ko kay Zia, busy itong kumakain ng fishball."Dwee kwoo allaahmm.. . ." Salita niya habang ngumunguya. Napaka takaw talaga! Ubos na yata pera namin kakabili ng pag kain. Hindi pa nag sisimula ang singing contest ubos na pera ko."Tara hanapin natin siya." Hinila ko kaagad si Zia at naglibot-libot, napaka raming tao. Hindi ko masyadong makita ang muka ng mga tao dahil medyo madilim ang lugar. "Tulungan mukong hanapin si Gabo, Zi!" Reklamo ko kay Zia na busy parin sa pagkain. Ano mang oras pwede nang pumut
[Hevean POV]"Pano mo nalaman ang pangalan nun?" Takang tanong ko sa kaniya. Imbes na sagutin ako ay ngumiti lamang siya ng malapad at umiwas ng tingin."Hoi sagutin muko Zia." "Basta it's a secret nalang muna." Kinikilig na sabi niya. Bumuntong hininga ako at inirapan nalamang siya. Kainis naman ang babaeng to may pa sekret pa akala mo naman napaka laking sekreto ang lalaking yun.Nag tatakip parin ako ng ilong dahil sa baho na naamoy ko mula kay Zia, diko alam nararamdaman ko para akong nasusuka na hindi ko maintindihan. Dahil ba ito sa pag bubuntis ko? Nang maka rating kami ng bahay ay agad akong nag paalam kay Gaben at dali-daling pumasok ng banyo. Dumuwal ako maliit na lababo at agad kong nilinisan ang bibig. Hindi rin ako maka hinga ng maayos. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, ganito ba talaga pag buntis?Pumasok na ako ng kwarto ko at humiga sa kama. Tinatamad na akong magbihis, bukas nalang siguro. Gusto ko nang magpahinga at matulog.Pipikit na sana ako nang maramdaman ko an
"Nagbibiro lang kayo diba Tita?" Natatawang tanong ko. Ito na nga sitwasyon ko nakukuha niya pang mag biro.Seryoso parin ang muka niya pati ni Tito Lemuel, mukang hindi nga siya nag bibiro. Si Zia naman napatahimik lamang. Naniniwala sila sa mga ganun? Seryoso?"Gagawa ako gamot upang bumalik ang mga alaala mo hija. Maiwan muna kita."Tumingin ito kay Zia at tumango. Lumabas na sila ni Tito Lemuel at dalawa nalamang kami ni Zia ang naiwan. Naka upo ito paharap sa akin."Siguro ito na ang tamang oras para sabihin ko sa iyo ang lahat." Napa kunot noo ako sa expression ng muka niya. Ngayon lang siya naging mas seryoso, siyaka parang nag iba ata ang aura niya?"Ano bang ibig mong sabihin Zi? Nalilito nako.""Hindi tayo normal na tao Ven. Alam kong ayaw ni Tita Helen at Tito Vernardo na malaman mo ito ngunit. . . ." Tahimik lamang akong nakikinig sa kaniya, naguguluhan ako sa sinabi niyang hindi kami normal na tao at bakit ayaw ni mama at papa na malaman ko? ". . kailangan ka namin, ka
Kinagabihan ay nandito kami sa parang malawak na garden. May mga sulo sa bawat sulok kaya maliwanag ang buong lugar, lahat ata ng mga kapitbahay nila Tita nandito, nalaman kong mga mangkukulam at mga taong lobo pala silang lahat. Naiilang tuloy akong makipag usap sa kanila, nahihiya ako na natatakot. Baka isang maling salita ko e' parusahan o lapain nila ako."Oi ayos kalang?" Biglang sulpot ni Gabo."Ah. . . O-oo ayos lang." Tiningnan ko ang buong muka at pangangatawan niya, dimo talaga aakalaing isang taong lobo ang nasa harapan ko. Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa kaniya."Parang di ka yata maayos. Nabalitaan ko na nahimatay ka raw kagabi, kamusta na ang pakiramdam mo?""Ayos lang." Tipid na sagot ko. Alam niya din ba na buntis ako?"Yun lang ba nabalitaan mo?" Agad na tanong ko.Tumango siya at ngumiti, ginulo niya ang buhok ko at nagsalita."Alam kong alam mo na ang tungkol sa akin, sa tabas ba naman ng dila ni Ziang." Tumawa ito."Ah- oo alam ko na. A-ano ba sa feel
[Xyrus POV]It's been 3 days but I still thinking about her. Okay lang kaya siya? Sometimes I feel like she's in danger but I can't go and leave, it's too early to go back. I trust Wena at alam kong walang mangyayaring masama kay Hevean kapag naroon siya.Agad kong sintuntok ng pag ka lakas ang malaking bato. Nag ka roon lamang ito ng crack pero hindi ito nadurog. Napa iling ako at napa kuyom muli ng kamao. Hindi pa ako gaanong kalakas, kailangan ko pang isanay ng kapangyarihan at sarili ko. I want to be more powerful to defeat my father and to protect her.I miss her so badly, her beautiful face, her voice, soft and delicious lips, her warm and d*mn sexy body. Arghhh!! I can't focus right now because of her. I really love her, but it's fucking hurt to see her hated me. I know it's my fault but I didn't mean to kill her parents just like that. Kung pwede ko lang talaga maibalik ang oras para isalba ang mga magulang niya. How I wish I can hug and kiss her right now."I miss you so mu
[ Hevean POV ] ( 7 years later ) Hindi ko aakalain na ganito ang magiging wakas ng lahat. Siguro tama ang naging desisyon ko noon. Dahil kung hindi, wala sana akong gwapong mag ama. Pitong taon na si Herus at parang labing tatlong taon na ang laki nito. Sabi ni Xyrus, normal lang daw iyon sa pagiging bampira. Maging ako ay naging bampira narin. Noong umpisa ay parang naninibago pako ngunit habang patagal ng patagal ay mas natututunan ‘kong mamuhay ng ganito. Dahil sa lason ng itim na rosas ay namatay ako, akala ko ng panahon na iyon ay yun na ang magiging katapusan ko–pero nagising nalamang ako na iba na ang pakiramdam ko. Napara bang ipinanganak akong muli ngunit sa ibang katauhan. Ang pagiging puting mangkukulam ko ay tuluyan nang nawala ngunit nasa dugo parin iyon ng anak ko. Ngumiti ako ng lumapit sa akin si Wena at umupo sa tabi ko, inalalayan ko pa itong umupo. Amo'y na amoy ko ang amo'y ni Gabo sa kanya. Paano ba naman, dikit ng dikit sa kanya si Gabo. Hindi ko nga akalain n
[ Xyrus POV ]Anong ibig sabihin nito? Bakit may kamuka si ina? Sino siya? At anong sinasabi niya? Andami kong tanong sa isip. Naguguluhan ako. Ngumisi ito habang matalim na naka tingin sa akin.“Wag kang mag alala, hindi ko na pahahabain ang paghihirap mo munting prinsipe.” Pag tapos niyang sabihin iyon ay siyang pag bungad ni Hevean mula sa kaniyang likuran. Anong ginagawa niya dito? At nasaan ang anak namin?“You B*tch!!! I will kill you!! Don't you ever dare to touch her!” Galit na sigaw ko. Ngunit mas ikina ngisi niya ito.“Awww nakakatakot. HAHAHA bago mo yata ako patayin e mauuna ka muna. Shshshshshs” May isinambit itong hindi ko maintindihan.Biglang sumigaw si Hevean sa sakit at nawalan ng malay. Lalapitan ko na sana ito ng biglang atakihin nya ako, anong nangyayari? Bakit niya ako inaatake?“Baby it's me,” tawag ko ngunit parang ibang tao na ito.“Hindi ka niya maririnig. Hindi na siya ang Hevean na inaakala mo. Isa na siyang taga sunod ko. Patayin mo siya!” Utos nito. Mul
[ Wena POV ]Sinapak ko ang isang itim na lobong gusto akong kagatin. Habang patagal ng patagal ay paunti naman kami ng paunti. Ang ibang mga kasama namin ay tuluyan ng natalo sa laban. Gumamit din ako ng mahika upang mapatay ang iilang mga kalaban. Malapit nako sa pinakang gitna. Ililigtas ko ang mahal na Reyna. Nakita ko naman si Gabo na nakikipag laban sa di kalayuan. Tumakbong lumapit ito sa ‘kin at inalalayan akong maka lapit sa Reyna.“Mahal na Reyna,” tawag ko at inangat ang ulo nito. Wala siyang Malay. Mukang nakuha na ng Hari ang kaniyang kapangyarihan.Binaklas ko ang kadena at lupid na naka tali sa kaniya. Binuhat ko ito, hindi ko alam kung saan ako pupunta at dadaan. Maraming kalaban ang nasa paligid.Si Prinsipe Xyrus ay nakikipag laban ngayon sa Hari at mamasasabi kong napaka lakas nilang pareho. Napaka lakas ng hangin sa buong paligid at nag kalat ang apoy at mga patay na katawan ng mga lobo at mangkukulam.Napatingin sa akin ang Hari. Nakita niyang bitbit ko ang Reyna.
[ Xyrus POV ]Mahinahong linusob namin ang kaliwang parte ng palasyo, kaunti nalang ang natitira sa kaninang maraming kawal, ang iba sa kanila ay mga mangkukulam, half blood vampires at mga black wolves.Nag-anyong lobo ang mga kasama namin at ang mga ibang mangkukulam ay ginagabayan kami upang hindi lubusang mapuruhan sa laban.Hinila ko ang katawan ng dalawang bampira at itinapon sa nagsisiliparang mga itim na mangkukulam, naka sakay sila sa mga walis at gumagamit ng mahika upang tamaan kami mula sa itaas. Buti na lamang ay narito sila Zia upang bigyan kami ng proteksyon. Ramdam ko ang takot ng ibang mga bampira, alam nilang mas malakas ako kaysa sa kanila. Walang kapangyarihan ang mga half blood kaysa sa aming mga pure blooded vampires.Ang iba sa kanila ay ginawa lamang bampira upang maging kaanib ng Vamos Clan, pati mga inosenteng tao ay dinadamay nila at ginagawang bampira.Lumipad ako sa ere at sinipa ang isang mangkukulam pababa, lumading ito sa dalawang bampira, nadurog at n
[Xyrus POV]Hinaplos ko ang malambot at madulas nitong buhok. Mahimbing itong natutulog kasama ng aming anak. Napangiti ako at hinayaan silang matulog. Ilang linggo lang ako sa portal pero parang ilang daang taon ang naka lipas kapag hindi ko siya nakikita. Sa ilang linggo na i‘yon ay maraming nangyari.Bumuntong hininga ako at lumabas ng silid. Nakita ko si Wena na humahangos patungo sa kinaroroonan ko.“Mahal na prinsipe, ang iyong ina.” Sambit nito.“Anong balita?”“Papatayin na siya ng iyong ama, narinig ko mula sa mga kawal na bukas ng gabi nila ito gaganapin, sa likod ng palasyo kasama ng ibang mga mangkukulam. Gustong makuha ng hari ang lahat ng mga kapangyarihan nila.” Kinuyom ko ang dalawang palad ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa ng aking ama. Hindi na siya ang Hari na nakilala ko noon, Isa na siyang sakim!“Anong plano mo?” Malamig na boses ng isang lalaki. Madilim itong naka titig sa akin. Sa pagkakaalam ko, siya ang kaibigan ni Hevean at Zia, at siya ang pinuno ng hukbo
[ Hevean POV ]Nang magising ako ay agad kong nakita ang anak ko na tahimik na natutulog sa dibdib ko. Ngumiti ako at mangiyak-ngiyak nang haplusin ko ang malambot na buhok nito. Buhay ang anak ko. Humagolgol ako ng iyak kaya nagising ito, mas lalo akong natuwa ng marinig ko ang pag hikbi nito. Pinilit kong tumayo at kinarga ito. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at gulat na gulat na naka tingin si Zia, nakita ko ang pag tulog ng luha nito at agad niya akong nilapitan at niyakap.“Sa w-wakas gising k-kana. . . a-akala ko mawawala kana, wag mo na ulit g-gagawin yun.” Umiiyak na sabi nito. Napangiti ako at niyakap ito pabalik ngunit muling umiyak ang anak ko.“Akala ko din Zi, mabuti at iniligtas mo ko at ang anak ko.” Saad ko.Kumunot ang noo nito at tiningnan ako na parang nagtataka. Pinahiran niya ang mga luha at umiling.“Hindi ako ang nag ligtas sayo. Mabuti nalamang at naka rating siya kagaad para mailigtas kayo ni Herus.” Parang hindi nag sisink in sa utak ko ang sinabi niya. Si
[Xyrus POV]Two weeks had passed and she's still in coma. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya hanggang ngayon hindi pa ito nagigising. Ang anak namin ay parang isang taong gulang na. Mabilis lumaki ang anak ko kaysa sa normal na bampira, maybe because he's half vampire, haft human. Ramdam ko ang napaka lakas na pwersa na nag mumula sa anak ko kapag kinakarga ko ito. Nalaman ko din kay Zia na isang puting mangkukulam si Hevean, kaya pala ganun ang amo'y ng dugo nito simula no’ng una ko siyang makita sa aksidente na nangyari noon. Hindi na maalis ang bango ng dugo nito at palagi iyo'ng nanunuot sa ilong ko, now I wonder why I'm addicted to her, she's one of the kind. I caressed her beautiful face, I miss her so much, her smile, laugh and her sweet and kissable lips. Two weeks in portal it's like a torture to me. I can't live without her, parang nanghihina ako kapag hindi ko siya nakikita.“Baby, I miss you. Please wake up.” I kiss her forehead. I'm still hoping na sana magising na
[Xyrus POV]Nang maka rating ako sa gubat ay biglang sumulpot ang babaeng pinaka ayoko sa lahat, ang anak ng leader ng vamos clan. Maimtim itong naka titig sa akin na animo’y gusto nitong kitilin ang buhay ko. Ngumisi ito at pulang pula ang mga mata. Para akong hinahamon nito sa isang laban.“Ito ba ang gusto mong mangyari? Sa isang hamak na tao!?” Tumawa ito na parang baliw. “Hindi ako papayag na sa kaniya ka mapunta!! Mamatay muna siya bago ka niya makuha sakin Xyrus!” Sigaw nito. Agad nito akong sinugod, kahit ni isang atake nito ay hindi man lang ako tinatamaan, mas mabilis akong gumalaw kaysa sa kaniya. Kaya lahat ng atake nito ay naiilagan ko.“Mas gugustohin ko pang magmahal ng isang hamak na tao, kaysa mag mahal ng isang katulad mo! At sinong nagsabi na hindi ka muna naging tao bago ka naging bampira? Kung tutu-o’sin hindi dapat kayo mabuhay, dapat kayong patayin upang wala nang mga sakim na bampira katulad mo at mga kalahi mo!” Sinipa ko ito at tumilapon ito sa puno. Natumb
[Xyrus POV]Nang maka labas ako ng portal ay agad akong sinalubong ni Wena. “Mahal na prinsipe. Mabuti't narito na kayo. Kailangan kayo ngayon ni Ms. Hevean.”Kumunot ang noo ko.“Anong nangyari?” Agad na tanong ko. “Pag pasok ko ng palasyo ay narinig kong sinugod ng vamos clan at ng iyong ama ang kuta ng mga puting mangkukulam at natitirang mga lobo, a-at doon nagtatago ngayon si Ms. Hevean. Marahil ay dahil sa akin kaya nahanap kung saan siya nag tatago, patawad mahal na prinsipe, kasalanan ko." Lumuhod ito at yumuko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nag madaling umalis. Hinanap ko kaagad ang amo'y niya. Amo'y na amo'y ko ang dugo niya kahit napakalayo ng kinaroroonan nito. Mukang may nangyari nga sa kaniya. Galit at lungkot ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako na baka may nangyari na nga sa kaniya at nagagalit ako dahil sa sarili kong ama at lahi. Papatayin nila ang taong mahal ko.“Sh*t!! Please. . . wag mukong iiwan Hevean.” pag mamakaawa ko. Agad ko'ng ginamit ng kapangya