NIKITA
I look into my phone when I heard it beeped again. Napatigil ako sa pagbukas ng message nang mukha ni Kent ang bumungad sa lock screen ko. He's my lock screen. He's holding my hand while I was the one who took the photo. We're like a loving couple here, but if only I know it's just one-sided.
Masakit pa rin. Nasasaktan pa rin ako. Hindi ko alam kung tama ba na ilihim sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Pero baka kapag sinabi ko, magiging dahilan lang ito para 'di sila magkatuluyan o maikasal ni Lauren at ayokong pagsisihan niya na nakipagrelasyon siya sa 'kin dati. Alam ko naman na wala siyang pananagutan sa nangyari sa amin dahil wala siya sa katinuan noong ginawa namin iyun.
Napangiti nalang ako ng mapakla nang masagi sa isipan ko ang salitang kasal. Kaya ko kayang makita siyang matali sa iba samantalang ang anak niya ay naghahanap sa kaniya? Aabot din ba kaya ako sa punto na maaaring pagsisihan kong di ko sinabi sa kaniya ang tungkol dito? Makakaya ko kayang makita na ang anak nila ni Lauren ay buo ang pamilya at may tatay na tinatawag habang ang anak ko ay walang tatawaging ama?
Pinahid ko nalang ang luha sa mga mata ko saka ini-unlock ang screen. Nakita kong si Wizard na naman ang nagtext. Ang yaman sa load nitong kaibigan kong 'to. 'Di nalang mag-chat gamit internet.
['Witch, huwag kang aalis bukas sa bahay niyo ah. Pupunta ako diyan.']
'Yan lang ang sinabi niya kaya pinatay ko na rin ang cellphone ko at bumalik sa pagtalukbong ng kumot dahil naiiyak na naman ako.
'Baby, pagpasensyahan mo na si Mommy ah. Gusto niya lang umiyak muna pero promise, balang araw, magiging masaya rin si Mommy. Gagawin ni mommy ang lahat para sumaya ulit. Mahal na mahal kita baby ko.'
Sana nga maging masaya pa 'ko... na wala siya. Pero pipilitin kong sumaya para sa anak ko at sa sarili ko. Darating din ang araw, Kent na nakangiti akong haharap sa 'yo, 'yung walang halong kahit anong lungkot at pagsisisi. That's when I totally moved on from you.
Sa dinami-rami ng iniisip ko ay 'di ko nalang namalayan na unti-unti na pala akong hinihila ng antok hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan, may narinig akong katok sa pinto ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko ngunit para na naman akong nasilaw sa nakapangsising liwanag nang mukha ni Kent ang makita ko sa isang picture frame na nasa mesa ko. Walang sulok yata talaga ng bahay ko ang hindi nagpapaalala sa akin ni Kent.
Wala na kami. Wala ng magtetext sa 'kin tuwing umaga. Wala ng tatawag sakin 'pag natatanghali ako ng gising. Wala ng mangungulit sa 'king kumain. Wala ng magagalit 'pag 'di ako kumakain dahil busy. At wala ng magsasabi sa akin ng 'I love you' 'pag malungkot ako.
*Brizsk! Brizsk!*
Agad akong napalingon sa cellphone ko nang tumunog ito. Kinuha ko ito at tiningnan na kung sino ang nagtext nang makitang si Hanz lang pala... akala ko siya.
['Hoy gising na, baka ako na naman ang gigising sa 'yo diyan, Miss antukin?']
Yan lang ang sinabi niya kaya bumangon na ako para maligo dahil manggugulo na naman ang kaibigan kong sira ang tuktok ng bungo. Bigla-bigla lang pa naman 'yang manghihila kahit may laway pa ako sa mukha at hindi pa nakakapaghilamos.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuklay na ko't bumaba. Doon ay nakita ko si mama na naghahain. Malungkot ang mababasa ko sa mga mata ni mama at alam kong dahil 'yun sa 'kin. Bigla na naman akomg nakaramdam ng lungkot.
"Tara na kumain na tayo." Pagyayaya ni mama. Malamig ang tono ng boses niya niya ngayon kaya napapayuko na lamang akong pumunta sa puwesto ko kung saan ako kumakain. Alam kong sinusubukan lang akong intindihin ni mama kaya hinayaan niya muna ako sa kwarto buong araw kahapon.
"Siya nga pala, papunta na raw si Hanz. Wag ka masyadong maggagagalaw at baka mapa'no ka pa." Malamig pa ring sabi ni mama sa 'kin kaya 'di nalang ako umimik. Ayoko ng dagdagan pa ang sama ng loob niya.
Nang marinig ko ang tunog ng doorbell ay tatayo na sana ako nang maunahan ako ni mama kaya nanatili nalang ako sa inuupuan ko.
"Witch! Where are you?" Rinig kong sigaw ni bestfriend ko. Nasa sala sila pero dumadagundong ang boses niya sa buong kabahayan. Walanghiya talaga eh. Laging feel at home.
"Hoy! Babaeng mangkukulam, I miss you." Bati sa 'kin ng maingay kong kaibigan na lalaki at hinalikan ako sa pisngi. Ganiyan talaga lagi pambungad niya sa 'kin.
Lalaki 'yan at parang bakla dahil sa kaingayan pero hindi 'yan bading. Habulin pa nga ng mga babae. Gwapo rin naman kasi 'tong kaibigan kong 'to. Choosy lang sa babae kaya hindi nakaka-girlfriend noon.
"Halika na, date na tayo." Saad nito saka basta nalang akong hinila pagkapunas ko ng bibig dahil tapos na rin akong kumain. Tumayo nalang ako at nagpatangay kung saan niya man gustong pumunta. Nagpaalam pa muna kami ni mama bago tuluyang lumabas at gaya nga ng sinabi niya, hinila niya ko papunta sa sasakyan niya.
"Teka, saan mo 'ko dadalhin?" Tanong ko sa kaniya.
"'Di ba sabi ko magde-date tayo? Namiss kitang mangkukulam ka eh." Nakangiting saad niya sa 'kin. "Ilan na naman ang nakulam mo Witch?"
H*yop na 'to! Hanggang ngayon ay 'yan pa rin ang tawag niya sa 'kin. Ang totoo kasi niyan ang una kong pagpapakilala sa kaniya ay isang mangkukulam kahit biro lang naman talaga 'yun.
[Flashback]
'Di pa talaga kami magkasundo niyang si Hanz. Bagong lipat lang sila sa neighborhood namin. Naging close ang mga magulang namin dahil magkalapit lang talaga ang dalawang bahay.
Isang araw ay nakita ko siyang umiiyak sa ilalim ng monkey bar at tinutukso ng iba pang bata kesyo panot daw. Natatawa nga rin ako sa kaloob-looban ko eh kasi panot nga talaga siya dati pero gwapo naman siya kahit panot.
Pagtapos no'n ay nilapitan ko siya, sinungitan pa nga niya ko eh. Akala niya siguro aawayin ko rin siya tulad no'ng ibang mga bata.
"Stay away from me! Ayoko sa inyo." Sabi niya sa 'kin ngunit mas lumapit pa 'ko sa kaniya at tinapik-tapik ang likod niya.
"Gusto mong kulamin ko sila?" Biro ko sa kaniya.
'Di ko alam kung bakit 'yun ang sinabi ko. 'Di naman ako mangkukulam.
"What?" Nagugulat niyang sabi.
"Joke lang. Sabi ni mama, bad daw ang umiyak." Pang-uuto ko sa munting bata na si Hanz.
"Really? Bad na ko?" Sabi niya pa, naniwala sa sinabi. Pero 'yun talaga laging sinasabi ni mama sa akin until I realize na sinasabi lang ni mama 'yun para tumigil ako sa kakaiyak kapag hindi ako nabilhan ng laruan.
"Oo kaya shh ka na. Don't cry na." Pagpapatagan ko sa kaniya sabay pahid ng mga luha niya. "Ano palang name mo?"
"I'm Hanz, and you?" Pagpapakilala niya pa. Ingleshero talaga 'yan si Hanz dati pa. Spokening dollar kumbaga.
"I'm Nikita."
"And you're a witch." Dugtong niya sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"No, I'm not." Sabi ko pa sabay tayo.
"Yes you are." Nakangiting sabi niya. Ewan ko ba kung nakangiti ba talaga siya o nagpipigil lang ng tawa.
"Aish, sige na nga. Pero secret lang yun ahh." Pang-uuto ko sa kaniya.
[End of Flashback]
Simula no'n, naging close na kami at hinayaan ko nalang siyang tawagin akong 'witch' kahit walang katotohanan.
"Wala ng nang-aaway sa 'kin doon. Sinasabi ko sa kanilang 'I have a witch friend' kaya 'di na nila ako inaaway." Mapang-asar niyang sabi kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Saan ba talaga tayo magde-date?" Tanong ko sa kaniya para malihis ang usapan namin.
"Edi sa mall. Kain muna tayo, 'di pa ko kumakain eh." Saad nito sa 'kin habang nasa kalsada pa rin ang tingin.
"Oh, magrereklamo ka? Sinabi ko bang puntahan mo ko sa bahay nang 'di pa kumakain?" Masungit kong saad sa kaniya.
"Hindi pero gusto kong kumain kasama ka. Yie, uutot na yan sa kilig." Nakakadiring pang-aasar niya pa ulit.
Kagigil 'tong bunganga ng h*yop na 'to. Walang filter!
"Heh! Walang kikiligin sayo panot." Asar ko pabalik sa kaniya kaya sinamaan niya rin ako ng tingin. Napatawa nalang ako kaya tumawa nalang din siya. Sakto naman at nakarating na rin kami sa mall. Hininto at pinuwesto niya na ang sasakyan at sabay na kaming bumaba.
Inakbayan niya 'ko saka naglakad papasok ng mall. Dinala niya ko sa isang seafoods restaurant. Nasa pinto palang kami ay amoy na amoy ko na ang mga pagkain. Napatingin ako sa menu at... ulala! Perfect! I'm craving for lobster and shrimp tapos lato tapos ang dami pa. Nagutom na naman tuloy ako kahit kakakain ko lang sa bahay kanina.
At dahil naglalaway na 'ko sa mga nakikita kong pagkain ay ako na mismo ang humila kay Hanz papaloob. Umupo kami at binigyan naman kami agad ng babae ng menu. Pumili ako ng anim na putahe lang muna.
"Sa pagkakaalam ko kumain ka naman bago tayo umalis ah. Tinalo mo pa 'kong gutom sa dami ng inorder mo." Sabi nito sa akin na nakakunot ang noo. 'Di nalang ako umimik dahil hinihintay ko talaga ang in-order ko. Wala namang pakealam sa presyo 'yan. Ganiyan 'yan siya dati pa. Umoorder nga ng tig-ilang libong piso na pagkain kahit ang liit ng servings 'yan.
After how many years, naserve na rin. Natatakam na 'ko kaya sinunggaban ko na agad ang lobster tapos ang hipon. Pinagsabay ko talaga sa bunganga ko. Tiningnan lang ako ni Hanz saka umiling-iling.
"Ikaw magbabayad niyan ah. Mamumulubi ako sayo. Akala ko witch kalang, baboy ka na rin pala." Pang-aasar pa niya niya kaya napatigil ako sa pagkain. Tiningnan niya ko nang nagtataka. Nawalan ako ng gana dahil sa sinabi niya. Nagtataka ako nitong tiningnan. "Bakit 'di ka na kumakain?"
"Ayoko na. Sabi mo baboy ako 'di ba? Nakakainis naman!" Inis kong sabi kaya napamaang siya sa 'kin. "Wala na 'kong gana. Ubusin mo na 'yan at uuwi na tayo."
"Huh? Eh, ikaw naman 'd-di na mabiro." Sabi niya nalang at tumawa nang tumawa. Baliw po siya mga kapatid! Pagpasensyahan. "Kumain ka na diyan at marami pa tayong pupuntahan. Mag-aarcade pa tayo." Pangungumbinsi niya pa kaya nagliwanag na ulit ang mga mata ko. Alam niya talagang paborito kong maglaro sa arcade.
"Talaga?" Sabi ko.
"Pshh, wag na pala. Sabi mo uuwi na tayo diba kasi wala ka ng g---"
"Joke lang 'yun. Ito naman, uubusin ko na nga oh." Pagbabawi ko sa sinabi ko saka nagmadaling isubo ulit ang laman ng kung anong shell na 'yun, yung parang kabibeng puti.
"Why are you acting weird?" Out of the blue na sabi ni Hanz kaya napatigil ako sa pagkain. Naghihinala na siya. Masyado ba 'kong halata sa mga kinikilos ko?
Sasabihin ko ba? Alam ko naman kung bakit ako nagkakaganto 'di ba? Sabihin ko na kaya? Kaibigan ko naman siya at alam kong hindi niya 'ko huhusgahan agad. Baka nga matuwa pa 'to at magkakaroon na siya ng inaanak.
NIKITA "Huh?" Maang-maangan kong turan sa kaibigan ko. Kailangan kong pigilang manginig hangga't maaari dahil alam nito ang bawat ikot ng bituka ko. Nahahalata niya agad ako na may tinatago. "What? I know you're hiding something. Come on, tell me. Parang hindi kaibigan." Seryosong ani niya kaya mas lalo akong natakot. Bakit kasi ngayon niya pa naisipang magtanong kung kailan kumakain kami? Baka mawalan ako ng gana kumain nito. "A-ano ba yun?" "Ano nga ba yun? May tinatago ka ba?" Balik tanong niya sakin. "A-aba malay ko sayo. Kung anu-ano nalang naiisip mo diyan eh." Pinipigilan ko ang sarili kong h'wag mabulol dahil mas lalo lang 'tong mangungulit kakatanong sa akin hangga't 'di ko sinasabi. Daig pa nito ang NBI kung magtanong. Masyadong mapanghinala. "Sige na nga 'di na kita kukulutin. Tutal mukhang nawawalan na rin naman ng saysay pagiging magkaibigan natin sa 'yo." Saad niya. Alam niya talaga kung paano ako konsensyahin. "Wait..." Sambit ko sabay hawak sa tiyan ko. "Nang
NIKITA Isang linggo na ang nakalipas simula noong sinabi ko kay Hanz ang tungkol sa kalagayan ko. Nagalit man siya dahil sa kat*ngahan ko pero nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi siya nawala sa tabi ko. Hindi niya 'ko hinusgahan. Ako lang talaga nag-iisip na parang hinuhusgahan nang sabihin niya kung bakit ko naggawa 'yun kahit alam kong hindi pa kami kasal ng kung sino mang ama ng anak ko. Best friend ko nga siya. Ang swerte ko sa kaniya. [Flashback] "Hanz, buntis ako." Pagsabi ko ng totoo sa kaibigan ko habang nagpupunas ng luhang hindi magkamayaw ang pagpatak mula sa mga mata kong sagana sa lungkot. Hindi siya nagsalita kaya kumalas muna ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Gulat na unti-unting napapalitan ng lungkot ang nakita ko sa mga mata niya. Dahan-dahan itong nangilid saka pumatak ang isa niyang luha. Ngunit agad niya rin itong pinunasan at hinarap ako. "P-paano nangyari 'yun? May boyfriend ka? I mean.." Bumuga pa ito ng hangin na para bang hindi pa rin makapaniwa
NIKITANagising ako na parang may humahaplos sa ulo ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay ang mukha ni mama ang bumungad sa akin. "Nagising ba kita?" Tanong nito sa akin. Dahan-dahan akong bumangon para magpantay kami ni mama. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Hinawakan nito ang kamay ko at bahagyang pinisil."Kamusta pakiramdam mo, anak?" Tanong nito."Ayos lang po, ma." Sagot ko. Hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko basta 'yun nalang ang napili kong isagot. Hindi rin kasi ako sigurado sa nararamdaman ko. "I'm sorry kung nagalit ako sa 'yo noong isang araw. Nagulat lang ako sa sinabi mo kaya ganoon kaagad ang reaksyon 'ko. Honestly, I wasn't expecting that from you. Now I feel bad when I realized that I haven't even ask you yet about your decision. Napangunahan ako ng galit. Inuna ko ang magalit kaysa makinig sa 'yo. Don't worry, I haven't told your father about this. Gusto ko ikaw mismo ang magpaliwanag sa ama mo para mas maintindihan ka niya." Pakikipag-usap ng nanay
HANZ Hindi ako umuwi ng bahay. Dumiretso ako sa bar kung nasaan ang iba ko pang mga kaibigan. Gusto kong uminom at makapag-isip para sa sarili ko. "Oy pareng Hanz, buti pumunta ka!" Pasigaw na bati sa akin ni Ley dahil masyadong malakas ang tugtog dito sa bar. Hindi kami nagkakarinigan. "Oo nga. 'Kala ko mag-wa-one on one kami dito ni Ley." Saad naman ni Fred at hinila pa ako para makaupo sa bakanteng upuan sa gitna nila. "Kung 'di sinabi sa 'kin ni Hansel na nandito na kayo sa Pilipinas ay hindi rin sana namin malalaman na nandito na kayo." Pagdadrama ni Ley. Hindi kasi ako nakapagsabi sa kanila na nandito na 'ko sa Pilipinas dahil pagkababa ko palang ng eroplano ay dumiretso agad ako sa bahay para ihatid lang ang mga maletang dala ko saka ako nagpunta sa bahay nila Nikita. Sa sobrang excited kong makita ang mangkukulam na babaeng 'yun ay siya ang una kong pinuntahan at unang nakaalam sa pagdating ko. Akala ko siya amg masosorpresa sa pagdating ko bigla, ako pala ang susorpr
NIKITA"Naubos ko nalang 'tong cookies ko hindi pa rin nagpaparamdam sa 'kin 'yung Panot na 'yun." Sambit ko sabay dukot sa lalagyanan ko ng cookies. Gusto ko rin sana ng matcha milktea kaso wala na 'kong pera.Saan na kasi 'yung isang 'yun? Hanggang ngayon wala pa ring paramdam. Tumingin ulit ako sa pinto at sa cellphone ko, ni tawag o text ay wala man lang. Sabi na nga ba't may problema ang Panot na Wizard na Iyakin na Baklang 'yun.Pangatlong araw na kasi simula noong huling nagkita kami. Chinachat ko nga, hindi naman nagrereply. Noong hinatid niya kasi ako, parang iba ang mood niya. Parang malalim ang iniisip, parang may problema. Tapos sinusubukan ko siyang kausapin sa text at sa chat, hindi man lang nagrereply. Nag-aalala tuloy ako.Nang tumunog ang doorbell ay bigla akong napahinto sa pagnguya. Napatingin agad ako sa pinto namin at dali-daling tumayo para tingnan kung sino 'yung nag-doorbell, baka si Panot na 'yun."Witch na Buntis!" Sigaw niya agad pagkapasok sabay yakap sa '
NIKITA "Tara na, Witch na Buntis." Pag-yayaya sa 'kin ni Hanz pagbukas ni mama sa kaniya ng pinto. Gawain niya na 'yan araw-araw. Dadaanan niya 'ko sa bahay para ihatid papunta sa school ko. Kahit pinagsasabihan ko siya na nagsasayang lang siya ng gasolina ay ayaw pa rin tumigil. Baka raw kasi mapa'no pa 'ko habang nasa daan. "Ang aga mo masyado." Sabi ko rito sabay subo ng hotdog. Walanghiya naman itong kumuha ng hotdog at umupo pa sa tabi ko. "Puwede ka mamaya?" Nagtataka ko siyang nilingon. "Bakit?" "Sunduin kita. May pupuntahan tayo." Sabi niya at kumindat pa. After kong kumain ay nagmadali na rin ako dahil marami pa akong ipapasa and after nito, clearance nalang at ilang buwan nalang, graduate na kami. Lumabas na rin kami ni Hanz at sabay ng pumasok sa kotse niya. Pagpasok namin ay tahimik lang siya habang nagmamaneho. Hindi rin naman ako makadaldalan sa kaniya kasi may binabasa akong reviewer. Topakin din talaga 'yan. Biglang mananahimik pero maya't maya ay susumpungin
NIKITANagtataka 'kong nilibot ang paningin ko sa lugar na pinagdalhan sa 'kin ni Hanz. Nakasindi ang mga kandila na nakalagay sa gilid ng nilalakaran naming pathway na may nakakalat na white rose petals. Medyo nagdidilim na rin kaya tanging ilaw nalang sa mga kandila na 'to ang pinakanagbibigay ng liwanag."Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hawak niya 'ko sa braso. Lumingon ito sa 'kin habang naglalakad nang patalikod. "Eh kasi naman, Witch na Bunstis stress ka this past few days so I get you a surprise."May nakita akong upuan sa gitna at isang gitara. Binitiwan ni Hanz ang braso ko at kinuha ang gitara para makaupo siya. He started strumming on the guitar as he open his mouth. I'm not familiar with the song that he's singing but the lyrics is so meaningful. "~If you wanna go out, we can go out, You can hide away just for one night, But if you wanna cry, just let it out, I'm by your side now~" He's singing as if he is talking to me through his eyes. Unti-unting nabuo ang ngiti
KENTPagtapos kong ihatid si Nikita sa bahay nila ay nagpunta naman ako sa bahay nila Lauren para sunduin siya. May family dinner kami ngayon at kailangang nandodoon kami.'Kaya sana, layuan mo na 'ko simula ngayon. Nagmomove-on pa ko eh at 'di ako makakamove-on hangga't nandidito ka sa paligid ko. I don't think I can be friends with you. I'm sorry.'Nagpaulit-ulit ang mga katagang 'yun sa isip ko habang nagmamaneho ako. Right, I've become so insensitive to Nikita. Akala ko ay 'yun na ang pinakamagandang paraan para mabawasan man lang ng kaunti ang guilt na nararamdaman ko sa pag-iwan sa kaniya. I felt a sudden pang in my chest when she said that. She wants me out of her life and that's what bothers me now. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng karapatan para makaramdam at mag-alala gayong ako naman ang unang nang-iwan. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Noong bumalik si Lauren, sinabi niyang gusto niyang makipagbalikan sa akin at mahal niya pa raw ako. Sinubukan ko siyang iwasan dahi
NIKITA"Ang dami mo talagang dalang prutas. Hindi naman ito mauubos ni mama." Sabi ko kay Kent habang nilalabas niya ang isang basket ng prutas at isang maliit na basket ng mga bulaklak, pink and purple flowers arranged in an elegant way. Hindi na ito sumagot pa at sinarado na ang compartment. I offered him help but he refused to. Kaya niya na raw. I look at him while he's carrying the baskets. Handa na 'ko. Handa na 'kong ipakilala siya kay mama bilang ama ng anak ko. He doesn't seems tense pero kagabi pa siya tanong nang tanong kung okay lang daw ba na ipakilala ko na siya. Alam kong gusto na niyang makilala siya ni mama, ako lang 'yung ayaw. Kinakabahan ako na baka busisihin na naman ni mama mga desisyon ko noon. Naglakad na kami papasok ng ospital, papunta sa room ni papa. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago tuluyang pumasok. Bumungad sa amin ang mama ko na kasalukuyang pinupunasan si papa ng basang bimpo. Dumako ang paningin niya sa lalaking kasama ko. "Good morning po,
NIKITA"Okay, that's enough. The food is ready so let's eat." Pagtatawag ko sa anak ko na tutok na tutok sa telebisyon kasama ni Kent. They're watching Insidious. Mag-ama nga talaga silang tunay, mahilig manood ng horror movie. Prente silang nakaupo sa sofa at walang alisan ng tingin sa pinapanood, ni hindi nga sila kumakain ng popcorn na binigay ko sa kanila. Nakalagay lang 'yun tuloy sa gitna nila. "Kent, dito ka na rin kumain. Marami naman akong nilutong ulam." Saka lang inalis ni Kent ang paningin niya sa TV. "Mommy's calling us, let's eat first." Sabi ni Kent sa anak namin saka kinuha ang remote para i-pause."Levi, go wash your hands." Utos ko sa anak ko saka kumuha ng mga plato at kubyertos. "What's that stinky smell, Mom?" Nalukot ang ilong ni Levi nang maamoy ang bagoong na niluto ko. "It's called bagoong. Levi, anak you can't say that in public." Saad ko sa anak ko. Baka kasi ma-misinterpret siya ng mga taong makakarinig sa kaniya. Akalain palang yayamanin 'tong anak k
NIKITA"Sunduin ka nalang namin mamaya sa store." Bilin ni Kent sa akin habang nag-aayos ako ng polo ni Levi. Hindi nalang ako umalma dahil gusto ko rin namang kasabay umuwi ang anak ko. Naisip kasi ni Kent na ipasyal si Levi bilang bonding na rin nilang dalawa. Pasasamahin pa nga sana ako kaso mas pinili kong magtrabaho nalang. Ang dami ko rin kasing aasikasuhin sa office mamaya. "You behave, okay? Always listen to your dad." Bilin ko pa sa anak ko kahit alam kong alam niya na ang dapat niyang gawin. "Yes, mommy." Bumaling ako kay Kent na nakatingin lang sa akin habang inaayusan ko ang anak niya. "Kent, mahilig 'tong umalis-alis sa mall kaya bantayan mo talaga 'to. Nawawala nalang bigla kapag nakakakita ng bookstore or arcade." Saad ko naman sa lalaki. "Don't worry, basang-basa ko na rin ugali niya kasi ganoon ako noong bata pa 'ko." Sabi nito saka tumawa nang mahina. 'Edi wow?' Hindi na ako umimik pa hanggang sa makalabas kami. Humalik muna sa pisngi ko si Levi at nagpaalam
NIKITA"You're the guy that I met in the bookstore." My son revealed. Hindi na ako nagulat sa sinabi nito dahil alam ko namang si Kent talaga iyun base sa kinuwento nito sa 'kin. Pero bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ng lalaki. "You knew him, mom?" Baling sa akin ng anak ko. Mas lalong lumaki ang mga mata ni Kent nang tawagin ako ni Levi ng 'mom'. Mukhang nabubuo na sa isipan nito kung magka-ano-ano kami nong bata. "Ahm, Kent, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Tanong ko kay Kent, hindi pinansin ang sinabi ng anak ko. "Ah.. Sige." Tumayo ito at umupo sa sofa. Nilingon ko muna si Levi saka tumalikod para ibigay muna siya kay ate Marites na kasalukuyan ngayong naghihintay sa lobby. Nagpaalam muna ako saglit sa lalaki. Sinadya kong bitbitin sa loob si Levi para maipakita siya kay Kent pero ibibigay ko muna ang bata kay ate Marites para makapag-usap kami ng maayos ni Kent. Alam kong magiging emosyunal ako sa sasabihin ko kaya minabuti ko ng huwag muna isama si Levi sa
KENTNapahawak ako sa sintido ko matapos kong pirmahan ang natitirang papel na nakapatong sa desk ko. Feeling ko magkakastiff neck ako sa walang tigil na trabaho. Pinindot ko ang linya na nakakonekta sa secretary ko para papasukin siya. "What's on my schedule now?"Agad naman itong tumingin sa memo niyang hawak. "Ngayong araw po, wala na pong naka-appoint sa inyo. Bukas palang po, may meeting po kayo with Coldron Enterprises about sa FTR Project." My secretary said. Nag-unat muna ako dahil sa wakas pwede akong magpahinga muna. Matapos kong lunurin ang sarili ko sa trabaho para lang maalis sa isip ko ang pag-uusap namin ni Nikita noong isang araw, parang nagbackfire kaagad sa akin ang pagod. Sa ngayon gusto ko nalang muna magpahinga. "Is that so? I think I need a day off." Sabi ko at tumayo sa aking inuupuan. "Just call me when I'm needed here." "Yes, Sir." Sabi lang ng secretary. Yumuko muna ito sa akin saka naunang lumabas ng pinto. Niligpit ko muna ang mga gamit ko saka ko nila
NIKITA["H'yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Dapat talaga noong nasa America ka palang niretohan na kita ng mga foreigner."] Pagbibiro pa ni Mara sa kabilang linya. ["Oh eh anong say mo naman no'n? Um-oo ka ba?"]Kinuwento ko kasi sa kaniya naging pag-uusap namin ni Kent. Nasa ibang bansa siya ngayon kasama ang asawang si Terrence na sa hinaba-haba ng prosesyon ay nagkatuluyan pa rin. "Hindi ko sinagot--"["Ay jusmeyo, mare. Ibig sabihin mahal mo pa rin 'yung tao?"] Sabi nito na may kasama pang pagtampal ng noo. "I mean hindi ko siya sinagot sa tanong niya dahil hindi naman ako sigurado kung talaga bang hindi ko na siya mahal. Isa pa, iniisip ko si Levi. Paano nalang si Levi?" Tanggi ko. ["Alam mo, dahil hindi mo siya dineretso, pinaasa mo lang din 'yung tao. I mean, ang tinatanong sa 'yo ay kung mahal mo pa ba siya. Hindi niya tinatanong kung may anak kayong dalawa kaya huwag mo ng gawing alibi pa si Levi ko para hindi agad masagot 'yung tanong niya sa 'yo. Akala ko ba nakapagmove
NIKITA "Sigurado ka ate na Kent ang pangalan no'ng nakita ni Levi si mall?" Paninigurado ko pa. "Oo, ayun ang sabi. Bakit?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni ate Marites. Sana hindi iyun ang Kent na kilala kong mahilig din magbasa ng ganitong klaseng libro. "Wala naman po." Patay-malisya kong turan saka tumalikod para sundan ang anak kong busy na sa pagtingin nong mga libro sa kwarto. Unang araw palang ninenerbyos na 'ko. Hindi talaga malabong hindi magtagpo ang landas ng dalawa. Pero kung hindi ko man talaga ito maitatago nang habang panahon, sana bigyan lang muna ako nito ng kaunting panahon para ihanda ang sarili. "Levi." Tawag ko rito saka lumapit. "Mommy, there's this guy that gave me this. He told me that I reminded him of himself when he was younger. He also likes reading." Tuwang-tuwa nitong kwento. "Yes I heard from ate Marites. But next time, anak, don't accept anything from strangers, okay?" "Okay, but I can keep this right?" Tanong pa
NIKITA"How's your sleep, son?" Tanong ko sa anak ko.Gaya ng palagi naming ginagawa, tinatawagan ko ang anak ko pagkauwing-pagkauwi. Ang gabi kasi rito ay umaga sa kanila kaya sa gabi ko lang din siya nakakausap, minsan nakabusangot pa. Palagi niyang tinatanong kung kailan ako uuwi o kung uuwi pa raw ba ako? Miss na miss na nga talaga ako ng anak ko. Dahil malapit na rin naman ang summer break nila ay nakiusap ito sa akin na kung pwede ay magbakasyon siya rito sa Pilipinas. Sakto rin at graduation ng anak ni ate Marites sa susunod na buwan kaya kailangan niyang dumalo. Mukha ngang matatagalan pa 'ko rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si papa. "Where's your tito Hanz?" Tanong ko rito. [He's upstairs. Mommy, when are you coming home?] Papikit-pikit pa nitong tanong. Nakita ko rin si ate Marites na naglalagay ng pagkain sa plato niya. Mukhang nasa taas pa nga si Hanz. [Ay naku, Nikita. Hindi yata 'yun nakatulog kagabi. Nag-away sila no'ng 'gerlpren' niya.] Pakik
NIKITA Tanghali na nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa bansang Pilipinas. Karamihan sa mga kasama kong bumaba ay mga Pilipino, sa pakiwari ko. Bumungad kaagad sa balat ko ang init na nagmumula sa araw. Napakurap ako para ayusin ang false eyelashes ko. "Your passport, Ma'am?" Tanong sa akin ng nasa immigration kaya kaagad ko ring inabot dito ang passport ko. It's still the same airport kung saan ako umalis papunta ng America. Agad kong tinawagan si mama nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nag-alok ito na sunduin ako kaso tinanggihan ko. Tinanong ko nalang kung saang ospital naka-confine si papa para doon na lamang ako dumiretso. Pagtapos ng mahabang prosesyon sa loob ng airport ay tuluyan na nga akong nakalabas. Pumara ako ng taxi saka sumakay. Kaunting gamit lang ang dala ko dahil hindi rin naman ako magtatagal. Babalikan ko rin agad ang anak ko sa America. Isang oras mahigit ang tinagal ko sa biyahe dahil sa sobrang traffic. Mas lumala pa yata ang traffic sa Pinas