NIKITA
Isang linggo na ang nakalipas simula noong sinabi ko kay Hanz ang tungkol sa kalagayan ko. Nagalit man siya dahil sa kat*ngahan ko pero nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi siya nawala sa tabi ko. Hindi niya 'ko hinusgahan. Ako lang talaga nag-iisip na parang hinuhusgahan nang sabihin niya kung bakit ko naggawa 'yun kahit alam kong hindi pa kami kasal ng kung sino mang ama ng anak ko. Best friend ko nga siya. Ang swerte ko sa kaniya.
[Flashback]
"Hanz, buntis ako." Pagsabi ko ng totoo sa kaibigan ko habang nagpupunas ng luhang hindi magkamayaw ang pagpatak mula sa mga mata kong sagana sa lungkot.
Hindi siya nagsalita kaya kumalas muna ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Gulat na unti-unting napapalitan ng lungkot ang nakita ko sa mga mata niya. Dahan-dahan itong nangilid saka pumatak ang isa niyang luha. Ngunit agad niya rin itong pinunasan at hinarap ako.
"P-paano nangyari 'yun? May boyfriend ka? I mean.." Bumuga pa ito ng hangin na para bang hindi pa rin makapaniwala sa narinig mula sa bibig ko. "I mean, you did that with someone kahit hindi pa kayo kasal? P-paano? Pinilit ka ba? Minolestya or what? Tell me." May bahid ng lungkot na sabi niya sa 'kin habang nakahawak sa mga balikat ko.
Nanahimik nalang ako. Feeling ko ang dumi ko sa mga sinabi niya. Alam kong hindi niya ineexpect na ang isang conservative na babae ay gagawa ng ganoon kahit hindi pa kasal. Hindi niya akalain na ang isang babaeng hindi nga halos magkamayaw sa pagsuot ng palda sa school dati para hindi lang masilipan ay naging disgrasyada ngayon.
"S-sinong ama?" Tanong niya sa 'kin habang dumadaloy sa gwapong pagmumukha ng best friend ko ang kaniyang mga luha. I know he was hurt because of me. Alam kong alam niya na hindi ko 'to plinano dahil sa pag-iyak ko kanina.
"I-iniwan niya na 'ko." I said while remembering the day he broke up with me. That's the worst day of my life. I wish that was all a dream na gigising nalang ako na nandiyan pa rin si Kent.
"A-ano?" This time, tumingin na siya sakin na animo'y galit na't makakapatay ng tao. This is what I frightened the most. Alam kong magwawala 'to kapag sinabi ko sa kaniya 'yan.
"H-he doesn't love me, Hanz. He broke up with me before I even tell him that I'm having his baby." Umiiyak kong kwento sa kaniya.
"Shh-shh! That dumb-ass! H'wag kang umiyak, makakasama 'yan sa baby mo. Where is he? I want to see him and kick his ass off. Anong tingin niya sa 'yo, parausan na pagkatapos gamitin ay iiwan?" Galit nitong turan habang hinahaplos pa rin ang likuran ko. Parang manununtok na siya sa inis.
"A-ayokong sabihin sa kaniya dahil alam kong mahal niya ang babaeng 'yun at ayokong mapilitan siyang magpakasal sa akin nang dahil lang sa baby namin. Ayokong mamuhay ang anak ko sa isang pilit na pamilya at lahat ng pinapakita namin ay purong pagkukunwari lamang." Sabi ko pa.
"Just let him know. Besides, he's the father of your child. He has the right to know." Sabi sa akin ni Hanz.
Alam kong 'yan ang sasabihin niya sa 'kin. Ganyan din naman magiging katwiran ng ibang tao. Pero sadyang iba ang pananaw ko tungkol sa konsepto ng pagpapamilya.
"Pero kapag sinabi ko sa kaniya, mapipilitan siyang pakasalan ako and I don't want to get married without love. Gusto ko kapag nagpakasal man kami 'yun ay dahil sa mahal namin ang isa't isa hindi lang dahil sa may responsibilidad lang siya na kailangan gampanan kahit hindi niya naman talaga ginusto." Humihikbi pa ring katwiran ko sa kaniya.
"Paanong hindi ginusto? Nikita, noong may mangyari sa inyo alam kong alam niya rin ang kahahantungan kapag hindi siya nag-ingat sa paggala--"
"No he doesn't know about that. Hindi niya alam na may nangyari sa amin. Lasing siya noon and hindi niya maalala ang lahat ng ginawa namin. Hindi ko na rin naman nabanggit pa sa kaniya iyun dahil nahihiya ako. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nabuntis at wala siyang kinalaman doon kaya aakuin ko ang bata. Kaya nakikiusap ako sa 'yo, Hanz, huwag mo na sana pang sabihin sa kaniya ang tungkol dito. Sapat na sa 'kin na nandiyan ka para damayan ako." Putol ko sa sasabihin niya sana. Umiling-iling nalang ito, hindi makapaniwala sa mga katagang lumalabas sa bibig ko. I know I'm being unreasonable for him.
"Kanina ba, habang nasa fourth floor tayo, kaya hindi ka sumunod sakin at basta mo nalang akong hinila dahil ba sa nakita mo siya?" Dahan-dahan naman akong tumango sa sinabi niya. "That man! I swear 'pag nagkita kami. Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sayo. Hindi ko na siya hahayaang makalapit pa sa 'yo at sa anak mo." Saad niya habang nakakuyom ang mga kamao. "Tara, iuuwi na kita. You need some rest. Sana pala 'di na kita pinaalis ng bahay. I'm sorry."
"No! Namiss din naman kita Panot! Salamat nga pala at nandito ka. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. Ang laki ng disappointment na binigay ko sa mga magulang 'ko." Sabi ko sabay pahid ng luha ko at mukhang tangang tumatawa.
"You're not a disappointment, tandaan mo 'yan. Napakabait mo kayang anak. Besides, hindi mo naman pinabayaan ang pag-aaral mo. Graduating ka na nga 'di ba? Kaya nga rin ako umuwi para makita kang naka-toga sa stage." Pag-aalo pa niya sa 'kin.
"Ang plastic mo ngayon, Panot. Parang bumait ka bigla. May sakit ka ba? Ano? Bagong buhay ka na ba?" Pagbibiro ko rito.
"Eh kung paanakin kita diyan nang wala sa oras, Witch?" Biro niya pa kaya tumawa nalang din kami hanggang hinatid niya na 'ko sa bahay.
[End of Flashback]
"Uy Witch na buntis, time for your check-up." Bungad sa akin ni Hanz pagkapasok niya ng kuwarto ko.
Nanonood ako sa cellphone ko ng Tom and Jerry dahil tinatamad pa 'kong bumangon. Ganyan siya, simula nong sinabi ko na sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Pinaayusan niya agad ako ng date for check up and since walang pasok ng saturday ay 'yun ang pinaggawa niyang schedule sa 'kin.
"'Di ka babangon diyan o ako na magpapaanak sa 'yo kahit fetus pa 'yan?" Banta niya.
As if kaya mo naman!
Dahil nasa mood ako---thanks to Tom and Jerry--- ay tumayo nalang ako para iwas away. Buntis na nga ko't lahat-lahat, inaaway pa rin ako ng Panot na Wizard na yan.
"Babangon ka rin pala. Bilisan mo but with care ah. Hintayin kita sa baba, Witch na buntis."
"Oo na, Panot na Wizard!" Asar ko rin sa kaniya pero inirapan niya lang ako sabay sara ng pinto.
Oh see? Nakakaduda talaga kung bakla siya 'di ba? Ang galing mang-irap eh. Ikutan ng eyeballs, 360 degrees!
Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin saka bumaba nang may pag-iingat dahil baka madulas ako sa hagdanan. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang kumakain ng cookies ko.
"Hoy Panot na Wizard! Who gave you the permission to eat my cookies?" Sigaw ko sa kaniya.
"At bwaket mway pwermisswion pwa?" Sabi niya habang ngumunguya ng cookies. Walang manners! "Napakaramot mo naman. Baka cookies laman ng tiyan mo ah, hindi bata."
"Akin na 'yan. Tara na! Malaking cookies 'to, 'no? May utak na cookies." Pagyayaya ko sabay hila sa kaniya kaya nilapag niya nalang ang cookies sa mesa.
Sumakay na kami sa kotse niya. Actually, tapos na siyang mag-aral. Ahead siya sakin ng isang taon kaya matagal-tagal kaming nagkita since doon siya nag-aral sa America. Nanatili pa siya ng isang taon pa doon para maasikasl ang kinakailangan niya pa para mailipat sa pangalan niya ang kompanya nila.
We're heading now to Dr. Sulania's Hospital. Private 'yan at siya raw ang magbabayad sa check-up. Siya rin ang nagbayad sa ospital. Aayaw pa ba ko? Eh kailangan ko rin mag-ipon para sa panganganak ko. Isa pa, pinilit ko siyang ako na ang magbabayad kaso nagalit siya dahil gagastos pa raw ako kahit alam ng wala pa 'kong trabaho at nagbigay rin siya ng kondisyon na kapag nakapagtrabaho na 'ko ay saka ko na siya babayaran sa lahat ng gastos. Bibigay niya raw sa 'kin ang mga resibo kung gusto ko. Mahilig magwaldas ng pera kani-kanino. Sugar-daddy ko 'yan!
Thank you Hanz at nandiyan ka lagi sa 'kin. Kung 'di lang talaga kita best friend baka magustuhan kitang Panot na Iyakin na Wizard na Bakla!
"Oh? Nabaliw ka na naman, Witch na buntis? Nakangiti ka nalang bigla diyan! Ang creepy ha." Sabi ni sa 'kin nang mahuli niya 'kong nakangiti sa kawalan.
"Thank you Hanz for always being here for me. Kung 'di lang talaga kita naging best friend baka nagkagusto na 'ko sa 'yo. I love you, Panot na Wizard!" Madamdamin kong sabi sa kaniya.
"Ok na sana eh, dama ko na sana ang paggiging knight and shining armor ko sa 'yo kung 'di mo lang dinugtungan ng 'Panot na Wizard'!" Singhal niya kaya napatawa nalang ako.
Ilang minuto lang din ay nasa Hospital na kami pero separated ang clinic sa hospital kaya 'di kami sa mismong hospital huminto.
"Oh Hanz." Bati nang doktor pagkapasok namin at lumingon kay Hanz saka bumaling sa 'kin. "You must be Nikita." Nakangiting tanong ng doktora sa 'kin kaya nginitian ko nalang siya sabay tango.
Pinahiga niya 'ko sa higaan at tinapat ang gamit pang-ultrasound sakin. Nakakakiliti nga eh. Hindi pa rin ako makapaniwala na dati ay napapanood ko lang 'to sa movie pero ngayon ay ako na mismo ang nakahiga sa kamang ito.
"You're one month pregnant. You know that right?" Tanong sa akin ng doctor sakin kaya tumango ako. "You're progesterone level is rising and its normal since you're pregnant. As of now, 'di mo pa talaga maaanigan ang baby kasi nga one month pa naman and we cannot tell yet his sex. Sa sixth month pa natin malalaman pagbalik mo rito." Sabi niya habang ginagalaw-galaw ang bagay na pang-ultrasound sa tiyan ko. "His heartbeat is normal, same as yours and normal naman ang ayos ni baby sa tummy mo, Mommy. Everything is normal."
Marami pa siyang sinabi bago niya tanggalin ang bagay na iyun sa tiyan ko.
"Now, Mommy, be careful lang sa kilos mo ah. Balik kayo dito next month or maybe two weeks from now for follow up. Eat healthy foods, huwag magpapakastress sa school ah since nag-aaral ka pa naman. Avoid eating fatty foods para 'di ka tumaba or lumaki. Exercise daily and drink lots of water. As of now, 'yan lang muna ang sasabihin ko sa 'yo dahil one month ka pa namang buntis. Maybe next next week or next month, marami na 'kong ihahabilin sa 'yo. Be careful always, Mommy." Nakangiting bilin sa akin ni Doktora. "And for you Hanz, alagaan mo 'to ah and be patient to her kasi madalas talaga ang mood swings ng mga buntis. Hayaan mo nalang siyang kurutin ka." Tumatawang sabi ni doktora kay Han kaya napahagikgik kami ng tawa.
"Aba! Bahala ka nga diyan, Witch na Buntis." Sabi nalang ni Hanz saka nang-irap. Ngumuso ako kaya napatawa naman silang dalawa.
"Oh siya, ingatan mo ang sarili mo, Mommy. Huwag pupunta-punta sa maraming tao para iwas sakit." Huling bilin ni doktora kaya nagpaalam na kami sa kaniya.
"Ang tahimik mo naman ata, Panot na Wizard?" Sabi ko kasi pansin ko kanina, isang beses lang siya nagsalita.
"Wala." Maikling sagot niya. Ayoko siyang kulitin kung ano ang problema dahil kusa namang nagsasabi 'yang kaibigan ko. Maybe he want to keep it to himself. Saka nalang kapag hindi na siya mukhang pagod. Tahimik nalang kaming dalawa hanggang makauwi ng bahay. "Oh, sundin mo ang payo ng doktor ah, Witch na Buntis. Huwag matigas ang ulo. Aalis na muna ako, may gagawin lang." Sabi niya sa 'kin nang mababa niya na 'ko sa tapat ng bahay namin.
Ano nangyari sa Panot na Wizard na 'yun? Bukas ko nalang siguro siya tatanungin o kukulitin kasi mukhang pagod nga talaga siya at humanap lang ng oras para samahan ako.
NIKITANagising ako na parang may humahaplos sa ulo ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay ang mukha ni mama ang bumungad sa akin. "Nagising ba kita?" Tanong nito sa akin. Dahan-dahan akong bumangon para magpantay kami ni mama. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Hinawakan nito ang kamay ko at bahagyang pinisil."Kamusta pakiramdam mo, anak?" Tanong nito."Ayos lang po, ma." Sagot ko. Hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko basta 'yun nalang ang napili kong isagot. Hindi rin kasi ako sigurado sa nararamdaman ko. "I'm sorry kung nagalit ako sa 'yo noong isang araw. Nagulat lang ako sa sinabi mo kaya ganoon kaagad ang reaksyon 'ko. Honestly, I wasn't expecting that from you. Now I feel bad when I realized that I haven't even ask you yet about your decision. Napangunahan ako ng galit. Inuna ko ang magalit kaysa makinig sa 'yo. Don't worry, I haven't told your father about this. Gusto ko ikaw mismo ang magpaliwanag sa ama mo para mas maintindihan ka niya." Pakikipag-usap ng nanay
HANZ Hindi ako umuwi ng bahay. Dumiretso ako sa bar kung nasaan ang iba ko pang mga kaibigan. Gusto kong uminom at makapag-isip para sa sarili ko. "Oy pareng Hanz, buti pumunta ka!" Pasigaw na bati sa akin ni Ley dahil masyadong malakas ang tugtog dito sa bar. Hindi kami nagkakarinigan. "Oo nga. 'Kala ko mag-wa-one on one kami dito ni Ley." Saad naman ni Fred at hinila pa ako para makaupo sa bakanteng upuan sa gitna nila. "Kung 'di sinabi sa 'kin ni Hansel na nandito na kayo sa Pilipinas ay hindi rin sana namin malalaman na nandito na kayo." Pagdadrama ni Ley. Hindi kasi ako nakapagsabi sa kanila na nandito na 'ko sa Pilipinas dahil pagkababa ko palang ng eroplano ay dumiretso agad ako sa bahay para ihatid lang ang mga maletang dala ko saka ako nagpunta sa bahay nila Nikita. Sa sobrang excited kong makita ang mangkukulam na babaeng 'yun ay siya ang una kong pinuntahan at unang nakaalam sa pagdating ko. Akala ko siya amg masosorpresa sa pagdating ko bigla, ako pala ang susorpr
NIKITA"Naubos ko nalang 'tong cookies ko hindi pa rin nagpaparamdam sa 'kin 'yung Panot na 'yun." Sambit ko sabay dukot sa lalagyanan ko ng cookies. Gusto ko rin sana ng matcha milktea kaso wala na 'kong pera.Saan na kasi 'yung isang 'yun? Hanggang ngayon wala pa ring paramdam. Tumingin ulit ako sa pinto at sa cellphone ko, ni tawag o text ay wala man lang. Sabi na nga ba't may problema ang Panot na Wizard na Iyakin na Baklang 'yun.Pangatlong araw na kasi simula noong huling nagkita kami. Chinachat ko nga, hindi naman nagrereply. Noong hinatid niya kasi ako, parang iba ang mood niya. Parang malalim ang iniisip, parang may problema. Tapos sinusubukan ko siyang kausapin sa text at sa chat, hindi man lang nagrereply. Nag-aalala tuloy ako.Nang tumunog ang doorbell ay bigla akong napahinto sa pagnguya. Napatingin agad ako sa pinto namin at dali-daling tumayo para tingnan kung sino 'yung nag-doorbell, baka si Panot na 'yun."Witch na Buntis!" Sigaw niya agad pagkapasok sabay yakap sa '
NIKITA "Tara na, Witch na Buntis." Pag-yayaya sa 'kin ni Hanz pagbukas ni mama sa kaniya ng pinto. Gawain niya na 'yan araw-araw. Dadaanan niya 'ko sa bahay para ihatid papunta sa school ko. Kahit pinagsasabihan ko siya na nagsasayang lang siya ng gasolina ay ayaw pa rin tumigil. Baka raw kasi mapa'no pa 'ko habang nasa daan. "Ang aga mo masyado." Sabi ko rito sabay subo ng hotdog. Walanghiya naman itong kumuha ng hotdog at umupo pa sa tabi ko. "Puwede ka mamaya?" Nagtataka ko siyang nilingon. "Bakit?" "Sunduin kita. May pupuntahan tayo." Sabi niya at kumindat pa. After kong kumain ay nagmadali na rin ako dahil marami pa akong ipapasa and after nito, clearance nalang at ilang buwan nalang, graduate na kami. Lumabas na rin kami ni Hanz at sabay ng pumasok sa kotse niya. Pagpasok namin ay tahimik lang siya habang nagmamaneho. Hindi rin naman ako makadaldalan sa kaniya kasi may binabasa akong reviewer. Topakin din talaga 'yan. Biglang mananahimik pero maya't maya ay susumpungin
NIKITANagtataka 'kong nilibot ang paningin ko sa lugar na pinagdalhan sa 'kin ni Hanz. Nakasindi ang mga kandila na nakalagay sa gilid ng nilalakaran naming pathway na may nakakalat na white rose petals. Medyo nagdidilim na rin kaya tanging ilaw nalang sa mga kandila na 'to ang pinakanagbibigay ng liwanag."Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hawak niya 'ko sa braso. Lumingon ito sa 'kin habang naglalakad nang patalikod. "Eh kasi naman, Witch na Bunstis stress ka this past few days so I get you a surprise."May nakita akong upuan sa gitna at isang gitara. Binitiwan ni Hanz ang braso ko at kinuha ang gitara para makaupo siya. He started strumming on the guitar as he open his mouth. I'm not familiar with the song that he's singing but the lyrics is so meaningful. "~If you wanna go out, we can go out, You can hide away just for one night, But if you wanna cry, just let it out, I'm by your side now~" He's singing as if he is talking to me through his eyes. Unti-unting nabuo ang ngiti
KENTPagtapos kong ihatid si Nikita sa bahay nila ay nagpunta naman ako sa bahay nila Lauren para sunduin siya. May family dinner kami ngayon at kailangang nandodoon kami.'Kaya sana, layuan mo na 'ko simula ngayon. Nagmomove-on pa ko eh at 'di ako makakamove-on hangga't nandidito ka sa paligid ko. I don't think I can be friends with you. I'm sorry.'Nagpaulit-ulit ang mga katagang 'yun sa isip ko habang nagmamaneho ako. Right, I've become so insensitive to Nikita. Akala ko ay 'yun na ang pinakamagandang paraan para mabawasan man lang ng kaunti ang guilt na nararamdaman ko sa pag-iwan sa kaniya. I felt a sudden pang in my chest when she said that. She wants me out of her life and that's what bothers me now. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng karapatan para makaramdam at mag-alala gayong ako naman ang unang nang-iwan. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Noong bumalik si Lauren, sinabi niyang gusto niyang makipagbalikan sa akin at mahal niya pa raw ako. Sinubukan ko siyang iwasan dahi
NIKITAIt's been two weeks since we last talked. Hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko. Bakit ginawa ko yun? Tama ba talaga yung ginawa ko? Alam kong magmumukha akong t*nga kung ipagpapatuloy ko ang pagkukunwari na parang ayos lang sa akin ang lahat, na ayos lang sa akin ang magiging bago naming tratuhan. Nagsisinungaling lamang ako sa sarili ko. Nililinlang ko lang ang isip ko sa paniniwalang kaya kong tanggapin ang lahat nang ganoon-ganoon lang, na katulad ni Kent ay maging masaya sa nangyari.Kahit tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung tama bang sinabi ko 'yun sa kaniya, may kung anong meron sa akin na nagsasabing iyun ang nararapat para sa sarili ko.Nanlumo ako pagtapos kong sabihin sa kaniya 'yon. Pag-uwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para ibuhos sa unan ang lahat ng sakit at sama ng loob na kinikimkim ko lang habang magkasama pa kami. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto niya sa 'kin. Until now, I haven't moved on yet, and honestly, I don't know if
NIKITA"Hon." Sambit niya nang makita ako. "Anong ginagawa mo rito?" Seryoso kong tanong sa kaniya. Hindi ko inakalang pupuntahan niya pa ako rito pagkatapos ng lahat ng nangyari."I want to explain.. everything." Dahan-dahan itong lumapit sa akin hanggang isang metro nalang ang layo namin.Ano pang sasabihin niya? Naalala ko lahat naman ay nasabi niya na bago pa man kami maghiwalay. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin niya.Kung meron man siyang sasabihin, what does it have to do with me? Matagal na rin naman kaming wala so ano pa ang pag-uusapan namin na may koneksyon sa akin?"It's been two years, Terrence and I already moved on. Nasabi mo na lahat bago ka pa nawala sa paningin ko, ano pa bang kulang?" I said. "Hindi pa lahat, Nikita. I still have something to tell you, the truth why I broke up with you." Pagmamatigas niya."Wala akong oras makinig sa 'yo ngayon, Terrence. Busy ako." Pagsisinungaling ko at akmang papasok na ng bahay nang hawakan niya ako sa braso. "Please, N
NIKITA"Ang dami mo talagang dalang prutas. Hindi naman ito mauubos ni mama." Sabi ko kay Kent habang nilalabas niya ang isang basket ng prutas at isang maliit na basket ng mga bulaklak, pink and purple flowers arranged in an elegant way. Hindi na ito sumagot pa at sinarado na ang compartment. I offered him help but he refused to. Kaya niya na raw. I look at him while he's carrying the baskets. Handa na 'ko. Handa na 'kong ipakilala siya kay mama bilang ama ng anak ko. He doesn't seems tense pero kagabi pa siya tanong nang tanong kung okay lang daw ba na ipakilala ko na siya. Alam kong gusto na niyang makilala siya ni mama, ako lang 'yung ayaw. Kinakabahan ako na baka busisihin na naman ni mama mga desisyon ko noon. Naglakad na kami papasok ng ospital, papunta sa room ni papa. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago tuluyang pumasok. Bumungad sa amin ang mama ko na kasalukuyang pinupunasan si papa ng basang bimpo. Dumako ang paningin niya sa lalaking kasama ko. "Good morning po,
NIKITA"Okay, that's enough. The food is ready so let's eat." Pagtatawag ko sa anak ko na tutok na tutok sa telebisyon kasama ni Kent. They're watching Insidious. Mag-ama nga talaga silang tunay, mahilig manood ng horror movie. Prente silang nakaupo sa sofa at walang alisan ng tingin sa pinapanood, ni hindi nga sila kumakain ng popcorn na binigay ko sa kanila. Nakalagay lang 'yun tuloy sa gitna nila. "Kent, dito ka na rin kumain. Marami naman akong nilutong ulam." Saka lang inalis ni Kent ang paningin niya sa TV. "Mommy's calling us, let's eat first." Sabi ni Kent sa anak namin saka kinuha ang remote para i-pause."Levi, go wash your hands." Utos ko sa anak ko saka kumuha ng mga plato at kubyertos. "What's that stinky smell, Mom?" Nalukot ang ilong ni Levi nang maamoy ang bagoong na niluto ko. "It's called bagoong. Levi, anak you can't say that in public." Saad ko sa anak ko. Baka kasi ma-misinterpret siya ng mga taong makakarinig sa kaniya. Akalain palang yayamanin 'tong anak k
NIKITA"Sunduin ka nalang namin mamaya sa store." Bilin ni Kent sa akin habang nag-aayos ako ng polo ni Levi. Hindi nalang ako umalma dahil gusto ko rin namang kasabay umuwi ang anak ko. Naisip kasi ni Kent na ipasyal si Levi bilang bonding na rin nilang dalawa. Pasasamahin pa nga sana ako kaso mas pinili kong magtrabaho nalang. Ang dami ko rin kasing aasikasuhin sa office mamaya. "You behave, okay? Always listen to your dad." Bilin ko pa sa anak ko kahit alam kong alam niya na ang dapat niyang gawin. "Yes, mommy." Bumaling ako kay Kent na nakatingin lang sa akin habang inaayusan ko ang anak niya. "Kent, mahilig 'tong umalis-alis sa mall kaya bantayan mo talaga 'to. Nawawala nalang bigla kapag nakakakita ng bookstore or arcade." Saad ko naman sa lalaki. "Don't worry, basang-basa ko na rin ugali niya kasi ganoon ako noong bata pa 'ko." Sabi nito saka tumawa nang mahina. 'Edi wow?' Hindi na ako umimik pa hanggang sa makalabas kami. Humalik muna sa pisngi ko si Levi at nagpaalam
NIKITA"You're the guy that I met in the bookstore." My son revealed. Hindi na ako nagulat sa sinabi nito dahil alam ko namang si Kent talaga iyun base sa kinuwento nito sa 'kin. Pero bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ng lalaki. "You knew him, mom?" Baling sa akin ng anak ko. Mas lalong lumaki ang mga mata ni Kent nang tawagin ako ni Levi ng 'mom'. Mukhang nabubuo na sa isipan nito kung magka-ano-ano kami nong bata. "Ahm, Kent, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Tanong ko kay Kent, hindi pinansin ang sinabi ng anak ko. "Ah.. Sige." Tumayo ito at umupo sa sofa. Nilingon ko muna si Levi saka tumalikod para ibigay muna siya kay ate Marites na kasalukuyan ngayong naghihintay sa lobby. Nagpaalam muna ako saglit sa lalaki. Sinadya kong bitbitin sa loob si Levi para maipakita siya kay Kent pero ibibigay ko muna ang bata kay ate Marites para makapag-usap kami ng maayos ni Kent. Alam kong magiging emosyunal ako sa sasabihin ko kaya minabuti ko ng huwag muna isama si Levi sa
KENTNapahawak ako sa sintido ko matapos kong pirmahan ang natitirang papel na nakapatong sa desk ko. Feeling ko magkakastiff neck ako sa walang tigil na trabaho. Pinindot ko ang linya na nakakonekta sa secretary ko para papasukin siya. "What's on my schedule now?"Agad naman itong tumingin sa memo niyang hawak. "Ngayong araw po, wala na pong naka-appoint sa inyo. Bukas palang po, may meeting po kayo with Coldron Enterprises about sa FTR Project." My secretary said. Nag-unat muna ako dahil sa wakas pwede akong magpahinga muna. Matapos kong lunurin ang sarili ko sa trabaho para lang maalis sa isip ko ang pag-uusap namin ni Nikita noong isang araw, parang nagbackfire kaagad sa akin ang pagod. Sa ngayon gusto ko nalang muna magpahinga. "Is that so? I think I need a day off." Sabi ko at tumayo sa aking inuupuan. "Just call me when I'm needed here." "Yes, Sir." Sabi lang ng secretary. Yumuko muna ito sa akin saka naunang lumabas ng pinto. Niligpit ko muna ang mga gamit ko saka ko nila
NIKITA["H'yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Dapat talaga noong nasa America ka palang niretohan na kita ng mga foreigner."] Pagbibiro pa ni Mara sa kabilang linya. ["Oh eh anong say mo naman no'n? Um-oo ka ba?"]Kinuwento ko kasi sa kaniya naging pag-uusap namin ni Kent. Nasa ibang bansa siya ngayon kasama ang asawang si Terrence na sa hinaba-haba ng prosesyon ay nagkatuluyan pa rin. "Hindi ko sinagot--"["Ay jusmeyo, mare. Ibig sabihin mahal mo pa rin 'yung tao?"] Sabi nito na may kasama pang pagtampal ng noo. "I mean hindi ko siya sinagot sa tanong niya dahil hindi naman ako sigurado kung talaga bang hindi ko na siya mahal. Isa pa, iniisip ko si Levi. Paano nalang si Levi?" Tanggi ko. ["Alam mo, dahil hindi mo siya dineretso, pinaasa mo lang din 'yung tao. I mean, ang tinatanong sa 'yo ay kung mahal mo pa ba siya. Hindi niya tinatanong kung may anak kayong dalawa kaya huwag mo ng gawing alibi pa si Levi ko para hindi agad masagot 'yung tanong niya sa 'yo. Akala ko ba nakapagmove
NIKITA "Sigurado ka ate na Kent ang pangalan no'ng nakita ni Levi si mall?" Paninigurado ko pa. "Oo, ayun ang sabi. Bakit?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni ate Marites. Sana hindi iyun ang Kent na kilala kong mahilig din magbasa ng ganitong klaseng libro. "Wala naman po." Patay-malisya kong turan saka tumalikod para sundan ang anak kong busy na sa pagtingin nong mga libro sa kwarto. Unang araw palang ninenerbyos na 'ko. Hindi talaga malabong hindi magtagpo ang landas ng dalawa. Pero kung hindi ko man talaga ito maitatago nang habang panahon, sana bigyan lang muna ako nito ng kaunting panahon para ihanda ang sarili. "Levi." Tawag ko rito saka lumapit. "Mommy, there's this guy that gave me this. He told me that I reminded him of himself when he was younger. He also likes reading." Tuwang-tuwa nitong kwento. "Yes I heard from ate Marites. But next time, anak, don't accept anything from strangers, okay?" "Okay, but I can keep this right?" Tanong pa
NIKITA"How's your sleep, son?" Tanong ko sa anak ko.Gaya ng palagi naming ginagawa, tinatawagan ko ang anak ko pagkauwing-pagkauwi. Ang gabi kasi rito ay umaga sa kanila kaya sa gabi ko lang din siya nakakausap, minsan nakabusangot pa. Palagi niyang tinatanong kung kailan ako uuwi o kung uuwi pa raw ba ako? Miss na miss na nga talaga ako ng anak ko. Dahil malapit na rin naman ang summer break nila ay nakiusap ito sa akin na kung pwede ay magbakasyon siya rito sa Pilipinas. Sakto rin at graduation ng anak ni ate Marites sa susunod na buwan kaya kailangan niyang dumalo. Mukha ngang matatagalan pa 'ko rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si papa. "Where's your tito Hanz?" Tanong ko rito. [He's upstairs. Mommy, when are you coming home?] Papikit-pikit pa nitong tanong. Nakita ko rin si ate Marites na naglalagay ng pagkain sa plato niya. Mukhang nasa taas pa nga si Hanz. [Ay naku, Nikita. Hindi yata 'yun nakatulog kagabi. Nag-away sila no'ng 'gerlpren' niya.] Pakik
NIKITA Tanghali na nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa bansang Pilipinas. Karamihan sa mga kasama kong bumaba ay mga Pilipino, sa pakiwari ko. Bumungad kaagad sa balat ko ang init na nagmumula sa araw. Napakurap ako para ayusin ang false eyelashes ko. "Your passport, Ma'am?" Tanong sa akin ng nasa immigration kaya kaagad ko ring inabot dito ang passport ko. It's still the same airport kung saan ako umalis papunta ng America. Agad kong tinawagan si mama nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nag-alok ito na sunduin ako kaso tinanggihan ko. Tinanong ko nalang kung saang ospital naka-confine si papa para doon na lamang ako dumiretso. Pagtapos ng mahabang prosesyon sa loob ng airport ay tuluyan na nga akong nakalabas. Pumara ako ng taxi saka sumakay. Kaunting gamit lang ang dala ko dahil hindi rin naman ako magtatagal. Babalikan ko rin agad ang anak ko sa America. Isang oras mahigit ang tinagal ko sa biyahe dahil sa sobrang traffic. Mas lumala pa yata ang traffic sa Pinas