HANZ
Hindi ako umuwi ng bahay. Dumiretso ako sa bar kung nasaan ang iba ko pang mga kaibigan. Gusto kong uminom at makapag-isip para sa sarili ko.
"Oy pareng Hanz, buti pumunta ka!" Pasigaw na bati sa akin ni Ley dahil masyadong malakas ang tugtog dito sa bar. Hindi kami nagkakarinigan.
"Oo nga. 'Kala ko mag-wa-one on one kami dito ni Ley." Saad naman ni Fred at hinila pa ako para makaupo sa bakanteng upuan sa gitna nila.
"Kung 'di sinabi sa 'kin ni Hansel na nandito na kayo sa Pilipinas ay hindi rin sana namin malalaman na nandito na kayo." Pagdadrama ni Ley.
Hindi kasi ako nakapagsabi sa kanila na nandito na 'ko sa Pilipinas dahil pagkababa ko palang ng eroplano ay dumiretso agad ako sa bahay para ihatid lang ang mga maletang dala ko saka ako nagpunta sa bahay nila Nikita. Sa sobrang excited kong makita ang mangkukulam na babaeng 'yun ay siya ang una kong pinuntahan at unang nakaalam sa pagdating ko.
Akala ko siya amg masosorpresa sa pagdating ko bigla, ako pala ang susorpresahin niya sa binalita niya.
Hindi nalang ako umimik sa dami ng mga sinabi nila. Kaya ang ingay sa club e, sabay-sabay silang nag-uusap sinasabayan ang tugtog ng DJ.
"Buti nalang may malasakit sa 'min 'yung kapatid mo kaya siya nagsabi sa amin na nakarating ka na sa kaharian ng Pilipinas." Dagdag pa ni Ley. Hindi na magkamayaw ang bibig kakaingay, parang 'di lalaki.
"Last week pa 'ko nandito. Nauna lang ako sa kanila ng kaunti."
"And you didn't even bother to tell us? Aba pre, nagkakalimutan na ata tayo dito?" Humalukipkip pa ito na parang babaeng nagtatampo sa boyfriend niya dahil hindi binilhan ng milktea. Masyadong madrama sa buhay.
Pero kahit ganiyan ang mga kaibigan ko, ay totoong na-miss ko rin sila. Mayroon akong bagong barkada sa States pero sila Ley ang pinakauna kong barkada dito sa Pilipinas. Si Ley ay nagtatrabaho as manager daw sa isang kilalang kumpanya habang si Fred ay mataas din ang posisyon sa kumpanyang pinapasukan. Ganoon din ang iba ko pang mga barkada. Lahat sila ay tapos ng pag-aaral at nagtatrabaho raw sa iba't ibang kumpanya.
"Okay, sorry. Nakalimutan ko lang talaga kayong sabihan. Dumiretso kasi ako sa bahay nila Nikita." Pagpapaliwanag ko.
"Nikita?" Tanong ni Fred.
"'Yung bestfriend ko."
Hindi na siguro nila si Nikita dahil hindi naman kasi nila madalas nakikita 'yun. Sa tamad ba naman no'n bumaba at pumunta ng canteen para kumain ay ako nalang ang nagdadala sa kaniya ng makakain para meron siyang mahuhugot habang nagkaklase sila. Hindi kasi siya gutumin. Iba ang oras ng tiyan niya sa oras ng tiyan namin. Ang agahan niya ay alas nuwebe ng umaga, alas tres niya ay meryenda namin pero tanghalian sa kaniya, at ang hapunan niya naman ay alas nuwebe ng gabi.
"'Yung hinahatiran mo ng pagkain dati?" Tanong ni Fred.
Binigyan ko nalang ito ng isang tango at kumuha ng baso na walang laman saka nilagyan ng alak na inirder nila. Malakas ang boses namin na nag-uusap dahil hindi nga kami nagkakarinigan sa lakas ng tugtog at ingay sa loob ng club.
"Best friend lang daw." May kahulugan nitong sabi at nagtinginan pa sila ni Ley. "Akala namin jinowa mo na 'yan. Daig mo pa boyfriend kung maghatid ng pagkain sa kaniya dati eh."
"Hanggang ngayon ba pre 'di ka pa rin sinasagot ni Nikita?"
Ito si Ley napakachismoso talaga.
"Paano ako sasagutin hindi naman ako nanliligaw?" Sumimsim ako sa baso kong may alak. "Best friend lang niya 'ko."
"Awts, best friend moments." Nang-aasar na sambit ni Fred at uminom sa baso niya.
"Bahala kayo kung anong gusto niyong isipin." Nasabi ko nalang.
Nagpunta nga 'ko rito para makalimot saglit tapos 'yan pala ang pag-uusapan namin? Kaumay!
"Kanina pa ba kayo nag-iinuman? Lintik, ubos na pala 'to oh." Saad ko at tinaas pa ang walang laman na Black Label.
"T*nga! Tira lang 'yan dati nila Ley. Dinala niya lang kasi sayang daw." Sabi ni Fred habang nakatingin sa cellphone, busy kakatipa.
"Umorder pa kayo." Utos ko dahil gusto ko pang uminom.
"Dahil diyan, ikaw ang magbabayad ng inumin natin ngayon." Tuwang-tuwa pa si Ley. Kuripot talaga.
"Hoy--"
"O? May kasalanan ka sa 'min."
Ang kukuripot maglabas ng pera. Akala ko pa naman KKB 'to. Napagastos na nga ko sa check-up ni Witch, mapapagastos pa 'ko rito.
"Miss, can you get us a bottle of Cuervo." Kausap ko sa waiter nang dumaan ito sa gilid namin dahilan para magsipaglingunan silang dalawa.
"Oh? Lakas mo naman?" Nagtatakang tanong ni Ley.
"Teka lang dre. Bakit hard? May balak ka bang maglasing?" Si Fred naman.
Hindi ko sila pinansin pero hindi pa rin nila tinatanggal ang tingin sa akin, naghihintay na sagutin ko. Napailing-iling nalang si Ley pero si Fred seryoso pa ring nakatingin sa 'kin.
"Kakarating mo lang may problema ka na agad?" Tanong sa 'kin ni Fred. Umayos pa ito ng upo at tinungkod ang mga siko sa mesa. Mataas kasi 'tong upuan namin.
"Chics ba pre? Ayan oh, marami. Hanapan kita?" Nginuso pa ni Ley ang labi niya para ituro ang mga babaeng nagsasayaw sa gitna.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Sakto ring dumating 'yung mga inorder ko. Naglagay na 'ko sa baso ko at tinungga saka kumuha ng chaser dahil masyadong malakas ang hagod no'n sa lalamunan ko.
"Wooh! That was--- hoy, dahan-dahan sa hard baka malusaw atay mo niyan!" Pagpipigil sa 'kin ni Ley at bahagya pang hinawakan ang bote nang magsalin ulit ako sa baso ko.
"Hanz, 'di ka sanay uminom niyan." Sabi ni Fred.
Tumawa nalang ako. "T*nga ganito iniinom namin sa States. Mas matapang pa nga rito iniinom namin eh."
"Ano bang nangyayari sa 'yo Hanz? Akala namin maggo-good time lang tayo like usap-usap about how you live your life sa America. 'Kala pa naman namin magkukuwento ka kung may girlfriend ka na ro'n." Parang bading na sabi ni Ley. Parang 'di lalaki ang tono ng boses eh.
"Hanggang ngayon ba naman Ley, bading ka pa rin?" Pinigilan ko pa ang tawa ko. Nakakatawa kasi ang mukha ni Ley na parang babaeng nangsesermon.
"Daming pasakalye, Hanz. Talk!" Naiinip ng turan ni Fred. Seryoso pa ako nitong tinitingnan. Nagsalin na rin ito sa baso niya at ng chaser.
Kinuha ko muna ang baso ko at sumisim doon. Napapikit pa ang isa kong mata sa paghagod ng alak sa lalamunan ko. Hindi kasi talaga ako sanay uminom. Umiinom man ako sa States kasama ang mga tropa ko, kaunti lang ang iniinom ko at pahinay-hinay lang.
"Wala. Home sick lang." Pagsisinungaling ko. Napaikot nalang ang mga mata nila at umiling nalang. Wala pa kasi ako sa mood magkuwento. I'm still sobber to talk. Gusto ko 'yung lasing na 'ko.
"You're still not a good liar." Uminom nalang sa Fred sa baso niya.
"Oh, Cuervo?"
Napalingon kami sa kararating lang na si Ritch. Hanggang ngayon late pa rin siya. Noong nag-aaral palang kami ay lagi siyang nahuhuli dumating, hanggang ngayon pa rin pala.
"Lintik ka, Ritch naglalasing na 'tong kaibigan mo late ka pa rin." Pag-akbay ni Ley kay Ritch. Umupo naman 'to sa tabi ni Ley at kumuha ng baso saka nagsalin ng alak.
"Uy, bro. Nakauwi ka na pala. Kamusta buhay dollar?" Bati nito sa 'kin at uminom ng alak.
Ngayon ko lang napansin na nakasuot pa pala 'to ng business attire. Siguro galing sa trabaho at dumiretso lang dito.
"Wala, problemado agad kauuwi lang." Si Fred na ang sumagot.
"Uy, kung babae 'yan laking problema nga niyan." Pagbibiro pa niya.
"Shut up. I'm not in the mood right now." Seryosong sabi ko at uminom nalang ulit. Hindi ko na mabilang kung nakailang baso na 'ko basta tuloy-tuloy lang ang pag-inom ko.
"G*go bad mood. Nangyari?" Tanong pa ni Ritch.
"H'yaan niyo na. Malaki na 'yan, magkukuwento 'yan kung gugustuhin niya." Pagsusuko ni Fred. Sa amin talaga siya ang parang tatay kasi mas seryoso siyang tao kaysa sa 'min.
Hindi na rin sila nagtanong pa at nag-ikot na para maghanap ng makakausap na babae. Maya-maya lang din pagbalik nila ay may mga kasama na silang babae. Ang nabingwit pa ni Ley ay nag-aaral pa, Criminology ang kinukuha.
"G*go bro baka kapag naging kayo niyan tapos maglandi ka pa ng ibang babae baka barilin niyan kaligayahan mo." Pagbibiro pa ni Ritch dito. Ang g*go talaga ng bunganga ni Ritch.
Hindi ko nalang sila pinansin at uminom nalang ulit. Medyo nahihilo na rin ako sa ilang baso kong nainom. Pangatlong alak na nga namin 'to. Si Ritch umorder pa ng The Bar Pink.
Habang busy sa pakikipaglandian sila Ritch at Ley ay may biglang lumapit sa aking babae. Mukha talagang party girl sa suot nito.
"Hi." Pakikipagkilala nito sa akin may hawak pang alak sa isang kamay.
"I'm taken." Pagsisinungaling ko para layuan ako. Tumawa pa ito sa pagkapahiya bago umalis sa harap ko.
"G*go?" Bulalas ni Ritch. "Taken ka na?"
"Shut up." Pagpapatigil ko sa kaniya.
"Hoy Pre! Tinataboy mo naman 'yung chics!" Sabi pa ni Ley sa 'kin.
"Ano ba talagang nangyari sa 'yo, Blake?" Seryosong tanong sa 'kin ni Fred. Alam kong seryosong-seryoso na siya dahil tinawag niya na 'ko sa second name ko.
"Hayaan niyo nalang muna kasi ako." Sabi ko pa at tumungga pa ng panibago.
"Aba tingnan mo nga oh? Nakatatlo ka ng HARD DRINK. Alam kong nahihilo ka na dahil 'yung mata mo nakatingin lang sa baba."
Nag-angat ako ng tingin kay Fred saka ngumisi. Nahihilo na rin ako at nararamdaman ko na rin ang pagsakit ng ulo ko. Hindi naman kasi talaga ako lasinggerong tao.
"Alam niyo, hindi pa 'ko lasing." I know I'm not a good liar. I know that I'm already drunk.
"Bakit bigla kang naglasing? May problema ka." Tanong sa 'kin ni Fred na siya na rin naman ang sumagot.
"Malaking problema."
Maganda na rin sigurong maipalabas ko 'tong nararamdaman ko. Gusto ko ring marinig ang sasabihin nila.
"Let's talk about it." Biglang sumeryoso ang tono ng boses ni Ley. Pati ang kasama niyang babae nakikinig na rin sa amin.
"Pwede bang ako nalang ang ama?" Sabi ko at para namang nawala ang espiritu ng alak sa pangangatawan ko.
"Anong ama? Nakabuntis ka dre?" Gulat na tanong ni Ley. Bumalik na ulit pagiging abnormal niya.
"Wala." Sabi ko nalang dahil feeling ko anytime, magbe-break down ako.
"Come on! You already started it. H'wag kang bading." Naaasar na sabi ni Ley na kinatawa ko dahil kung magsalita parang hindi rin bading eh.
"Kung magsalita, 'kala mo hindi rin bading!" Pang-aasar ko.
"G*go, nililihis mo usapan eh!" Nauubusan ng pasensya na singit ni Ritch. Chismoso talaga noon pa.
"Nilalayo mo lang ang usapan dre eh!" Singit naman ni Fred.
Napatahimik nalang ako. Dinilat ko pa ang mga mata ko para mas makita ng maayos ang baso kong may alak. Nahihilo na rin kasi ako sa dami ng ininom ko.
"Nasasaktan ako." Panimula ko. Tahimik rin silang nakinig sa 'kin.
"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, ang makauwi dito tapos 'yun lang maaabutan ko." Sabi ko at napangiti ng mapait. Tumungga pa ko ng isa bago magsalita ulit.
Wala mang kami pero pakiramdam ko ay committed na 'ko sa kaniya. Hindi pa rin naaalis ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit anong entertain ko at aliw ko sa sarili sa mga Amerikang babae, hindi pa rin mawala-wala ang nararamdaman ko sa kaniya.
"G*go rin yung lalaking 'yun eh. He doesn't deserve her." I said.
"Sabi na nga ba't babae 'yan eh." Saad ni Ley.
"Ayoko na." Sabi ko at nilayo sa 'kin ang baso kong hawak kanina. I have to control myself dahil magmamaneho pa 'ko.
"I get it." Sabi nalang bigla ni Fred na animo'y naiintindihan niya na ang takbo ng pangyayari. "That girl is pregnant. Isn't she?"
"Sa lalaking iniwan din naman siya." Dagdag ni Ritch.
"And nalilito ka kung aakuin mo ba ang bata." Singit din ni Ley kaya tumango nalang ako. Magagaling naman pala sila kumuha ng sitwasyon.
"She didn't tell him about it." Pag-aamin ko.
"Eh, 'yun naman pala eh. Dapat sinabi niya para--"
"Ayaw niya dahil ayaw niyang mapilitan ang lalaki na magpakasal sa kaniya na hindi siya mahal. Ayaw niyang mamuhay ang anak niya sa pilit na pamilya dahil unang-una palang daw, 'di siya minahal ng g*gong 'yun." Sabi ko habang pinipigilan ang pagyakap sa akin ng galit.
"Kahit na, that guy has the right to know." Sabi ni Fred.
Alam niyo yung feeling na parang ang sama kong tao dahil masaya akong hindi sinabi ni Nikita sa lalaking 'yun ang tungkol sa pagdadalang tao niya? Yung feeling na, masaya ako dahil ayaw sa kaniya ng lalaking 'yun?
Sh*t! Nagmumukha akong obsess kay Nikita.
"I love her. Simula sa araw na niligtas niya ko. Simula sa araw na binago niya ang buhay ko. Minahal ko na siya noon pa" Wala sa sariling sambit ko at sumimsim ulit sa alak ko.
Mahal ko si Nikita noon pa. Kaya nga 'ko bumalik para umamin na sa matagal kong nararamdaman para sa kaniya tapos ganito pala ang madadatnan ko?
"Mayaman ka naman kaya alam naming hindi issue sa 'yo ang pera sa ganiyan. Kayang-kaya mong bumuhay ng bata. But make sure ay mahal ka no'ng babae, pre. Mahal ka ba?" Tanong ni Fred at napapakamot pa sa tungki ng ilong niya.
"Hindi." Maikling sagot ko.
"Edi ligawan mo, problema ba 'yun?" Saad ni Ritch.
"Ngayon na malungkot ang babae dre, unti-unti mong kunin ang loob. Kailangan niya ng karamay ngayon." Parang baklang sabi ni Ley.
No. I don't want to take advantage of what she is feeling now. I just want to be there for her. That's how I love her.
NIKITA"Naubos ko nalang 'tong cookies ko hindi pa rin nagpaparamdam sa 'kin 'yung Panot na 'yun." Sambit ko sabay dukot sa lalagyanan ko ng cookies. Gusto ko rin sana ng matcha milktea kaso wala na 'kong pera.Saan na kasi 'yung isang 'yun? Hanggang ngayon wala pa ring paramdam. Tumingin ulit ako sa pinto at sa cellphone ko, ni tawag o text ay wala man lang. Sabi na nga ba't may problema ang Panot na Wizard na Iyakin na Baklang 'yun.Pangatlong araw na kasi simula noong huling nagkita kami. Chinachat ko nga, hindi naman nagrereply. Noong hinatid niya kasi ako, parang iba ang mood niya. Parang malalim ang iniisip, parang may problema. Tapos sinusubukan ko siyang kausapin sa text at sa chat, hindi man lang nagrereply. Nag-aalala tuloy ako.Nang tumunog ang doorbell ay bigla akong napahinto sa pagnguya. Napatingin agad ako sa pinto namin at dali-daling tumayo para tingnan kung sino 'yung nag-doorbell, baka si Panot na 'yun."Witch na Buntis!" Sigaw niya agad pagkapasok sabay yakap sa '
NIKITA "Tara na, Witch na Buntis." Pag-yayaya sa 'kin ni Hanz pagbukas ni mama sa kaniya ng pinto. Gawain niya na 'yan araw-araw. Dadaanan niya 'ko sa bahay para ihatid papunta sa school ko. Kahit pinagsasabihan ko siya na nagsasayang lang siya ng gasolina ay ayaw pa rin tumigil. Baka raw kasi mapa'no pa 'ko habang nasa daan. "Ang aga mo masyado." Sabi ko rito sabay subo ng hotdog. Walanghiya naman itong kumuha ng hotdog at umupo pa sa tabi ko. "Puwede ka mamaya?" Nagtataka ko siyang nilingon. "Bakit?" "Sunduin kita. May pupuntahan tayo." Sabi niya at kumindat pa. After kong kumain ay nagmadali na rin ako dahil marami pa akong ipapasa and after nito, clearance nalang at ilang buwan nalang, graduate na kami. Lumabas na rin kami ni Hanz at sabay ng pumasok sa kotse niya. Pagpasok namin ay tahimik lang siya habang nagmamaneho. Hindi rin naman ako makadaldalan sa kaniya kasi may binabasa akong reviewer. Topakin din talaga 'yan. Biglang mananahimik pero maya't maya ay susumpungin
NIKITANagtataka 'kong nilibot ang paningin ko sa lugar na pinagdalhan sa 'kin ni Hanz. Nakasindi ang mga kandila na nakalagay sa gilid ng nilalakaran naming pathway na may nakakalat na white rose petals. Medyo nagdidilim na rin kaya tanging ilaw nalang sa mga kandila na 'to ang pinakanagbibigay ng liwanag."Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang hawak niya 'ko sa braso. Lumingon ito sa 'kin habang naglalakad nang patalikod. "Eh kasi naman, Witch na Bunstis stress ka this past few days so I get you a surprise."May nakita akong upuan sa gitna at isang gitara. Binitiwan ni Hanz ang braso ko at kinuha ang gitara para makaupo siya. He started strumming on the guitar as he open his mouth. I'm not familiar with the song that he's singing but the lyrics is so meaningful. "~If you wanna go out, we can go out, You can hide away just for one night, But if you wanna cry, just let it out, I'm by your side now~" He's singing as if he is talking to me through his eyes. Unti-unting nabuo ang ngiti
KENTPagtapos kong ihatid si Nikita sa bahay nila ay nagpunta naman ako sa bahay nila Lauren para sunduin siya. May family dinner kami ngayon at kailangang nandodoon kami.'Kaya sana, layuan mo na 'ko simula ngayon. Nagmomove-on pa ko eh at 'di ako makakamove-on hangga't nandidito ka sa paligid ko. I don't think I can be friends with you. I'm sorry.'Nagpaulit-ulit ang mga katagang 'yun sa isip ko habang nagmamaneho ako. Right, I've become so insensitive to Nikita. Akala ko ay 'yun na ang pinakamagandang paraan para mabawasan man lang ng kaunti ang guilt na nararamdaman ko sa pag-iwan sa kaniya. I felt a sudden pang in my chest when she said that. She wants me out of her life and that's what bothers me now. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng karapatan para makaramdam at mag-alala gayong ako naman ang unang nang-iwan. Nalilito ako sa nararamdaman ko. Noong bumalik si Lauren, sinabi niyang gusto niyang makipagbalikan sa akin at mahal niya pa raw ako. Sinubukan ko siyang iwasan dahi
NIKITAIt's been two weeks since we last talked. Hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko. Bakit ginawa ko yun? Tama ba talaga yung ginawa ko? Alam kong magmumukha akong t*nga kung ipagpapatuloy ko ang pagkukunwari na parang ayos lang sa akin ang lahat, na ayos lang sa akin ang magiging bago naming tratuhan. Nagsisinungaling lamang ako sa sarili ko. Nililinlang ko lang ang isip ko sa paniniwalang kaya kong tanggapin ang lahat nang ganoon-ganoon lang, na katulad ni Kent ay maging masaya sa nangyari.Kahit tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung tama bang sinabi ko 'yun sa kaniya, may kung anong meron sa akin na nagsasabing iyun ang nararapat para sa sarili ko.Nanlumo ako pagtapos kong sabihin sa kaniya 'yon. Pag-uwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para ibuhos sa unan ang lahat ng sakit at sama ng loob na kinikimkim ko lang habang magkasama pa kami. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto niya sa 'kin. Until now, I haven't moved on yet, and honestly, I don't know if
NIKITA"Hon." Sambit niya nang makita ako. "Anong ginagawa mo rito?" Seryoso kong tanong sa kaniya. Hindi ko inakalang pupuntahan niya pa ako rito pagkatapos ng lahat ng nangyari."I want to explain.. everything." Dahan-dahan itong lumapit sa akin hanggang isang metro nalang ang layo namin.Ano pang sasabihin niya? Naalala ko lahat naman ay nasabi niya na bago pa man kami maghiwalay. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin niya.Kung meron man siyang sasabihin, what does it have to do with me? Matagal na rin naman kaming wala so ano pa ang pag-uusapan namin na may koneksyon sa akin?"It's been two years, Terrence and I already moved on. Nasabi mo na lahat bago ka pa nawala sa paningin ko, ano pa bang kulang?" I said. "Hindi pa lahat, Nikita. I still have something to tell you, the truth why I broke up with you." Pagmamatigas niya."Wala akong oras makinig sa 'yo ngayon, Terrence. Busy ako." Pagsisinungaling ko at akmang papasok na ng bahay nang hawakan niya ako sa braso. "Please, N
NIKITAToday's my check up kaya ngayon ay papunta kami sa OB-GYNE ko kasama si Hanz. Binigyan ako ni mama ng pera para sa pagpapacheck-up kaya ako ang magbabayad at hindi ang kaibigan ko. Nakakahiya na rin kasi na siya ang gumastos ng unang check up ko na parang siya ang ama at may obligasyon sa amin. "Paano mo sinabi kay tita?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho. "Noong nakipaghiwalay si Kent sa 'kin, pagkauwi ko saktong nasa bahay pala si mama kaya naabutan niya 'kong umiiyak doon sinabi ko na sa kaniya." I said. Sabado ngayon kaya wala kaming practice. Sa lunes ay distribution lang ng toga namin kaya tanghali pa 'ko pupunta sa school. Ang mahal nga ng graduation fee namin kaya hindi ko alam kung saan pa kumuha si mama ng pera pambayad sa check up ko ngayon. Mahal ang graduation fee namin dahil kasama na roon ang yearbook, stola, toga, graduation picture with frame, saka ang diploma namin. Busy si papa nitong nagdaang araw dahil nagpapaggawa kami ng maliit na grocery store s
NIKITADahil nagyaya si Terrence na bisitahin ko raw ang resort na pinapaggawa nila ay pumayag na ako. Wala rin kasi akong maggawa sa bahay kung kaya't naisipan kong isama si Mara. Magkakilala na si Mara at Terrence kaya pumayag na rin ang kaibigan ko. Nabanggit din kasi ni Terrence na pwede kaming maligo sa dagat kung gusto namin kaya nagdala na rin ng damit pangligo si Mara.Bumalik ng America si Hanz para asikasuhin ang monthly report niya sa mga investors nila tungkol sa pinapaggawa nilang hotel dito sa Pilipinas kaya wala siya rito ngayon. Pero sabi niya ay uuwi rin siya mamaya bago ang graduation ko para makita niya raw akong sinasabitan ng medalya. Biniro ko nga na bigyan ako ng foreigner pag-uwi, sinagot lang ako na sarili niya nalang daw ang ireregalo niya sa 'kin. "Girl, baka maging third wheel lang ako sa love team niyo kaya naisipan kong isama ang kapatid ko, okay lang ba kay Terrence?" Tanong niya sa akin habang nag-aayos na ko ng gamit dahi katatapos lang ng practice na
NIKITA"Ang dami mo talagang dalang prutas. Hindi naman ito mauubos ni mama." Sabi ko kay Kent habang nilalabas niya ang isang basket ng prutas at isang maliit na basket ng mga bulaklak, pink and purple flowers arranged in an elegant way. Hindi na ito sumagot pa at sinarado na ang compartment. I offered him help but he refused to. Kaya niya na raw. I look at him while he's carrying the baskets. Handa na 'ko. Handa na 'kong ipakilala siya kay mama bilang ama ng anak ko. He doesn't seems tense pero kagabi pa siya tanong nang tanong kung okay lang daw ba na ipakilala ko na siya. Alam kong gusto na niyang makilala siya ni mama, ako lang 'yung ayaw. Kinakabahan ako na baka busisihin na naman ni mama mga desisyon ko noon. Naglakad na kami papasok ng ospital, papunta sa room ni papa. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago tuluyang pumasok. Bumungad sa amin ang mama ko na kasalukuyang pinupunasan si papa ng basang bimpo. Dumako ang paningin niya sa lalaking kasama ko. "Good morning po,
NIKITA"Okay, that's enough. The food is ready so let's eat." Pagtatawag ko sa anak ko na tutok na tutok sa telebisyon kasama ni Kent. They're watching Insidious. Mag-ama nga talaga silang tunay, mahilig manood ng horror movie. Prente silang nakaupo sa sofa at walang alisan ng tingin sa pinapanood, ni hindi nga sila kumakain ng popcorn na binigay ko sa kanila. Nakalagay lang 'yun tuloy sa gitna nila. "Kent, dito ka na rin kumain. Marami naman akong nilutong ulam." Saka lang inalis ni Kent ang paningin niya sa TV. "Mommy's calling us, let's eat first." Sabi ni Kent sa anak namin saka kinuha ang remote para i-pause."Levi, go wash your hands." Utos ko sa anak ko saka kumuha ng mga plato at kubyertos. "What's that stinky smell, Mom?" Nalukot ang ilong ni Levi nang maamoy ang bagoong na niluto ko. "It's called bagoong. Levi, anak you can't say that in public." Saad ko sa anak ko. Baka kasi ma-misinterpret siya ng mga taong makakarinig sa kaniya. Akalain palang yayamanin 'tong anak k
NIKITA"Sunduin ka nalang namin mamaya sa store." Bilin ni Kent sa akin habang nag-aayos ako ng polo ni Levi. Hindi nalang ako umalma dahil gusto ko rin namang kasabay umuwi ang anak ko. Naisip kasi ni Kent na ipasyal si Levi bilang bonding na rin nilang dalawa. Pasasamahin pa nga sana ako kaso mas pinili kong magtrabaho nalang. Ang dami ko rin kasing aasikasuhin sa office mamaya. "You behave, okay? Always listen to your dad." Bilin ko pa sa anak ko kahit alam kong alam niya na ang dapat niyang gawin. "Yes, mommy." Bumaling ako kay Kent na nakatingin lang sa akin habang inaayusan ko ang anak niya. "Kent, mahilig 'tong umalis-alis sa mall kaya bantayan mo talaga 'to. Nawawala nalang bigla kapag nakakakita ng bookstore or arcade." Saad ko naman sa lalaki. "Don't worry, basang-basa ko na rin ugali niya kasi ganoon ako noong bata pa 'ko." Sabi nito saka tumawa nang mahina. 'Edi wow?' Hindi na ako umimik pa hanggang sa makalabas kami. Humalik muna sa pisngi ko si Levi at nagpaalam
NIKITA"You're the guy that I met in the bookstore." My son revealed. Hindi na ako nagulat sa sinabi nito dahil alam ko namang si Kent talaga iyun base sa kinuwento nito sa 'kin. Pero bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ng lalaki. "You knew him, mom?" Baling sa akin ng anak ko. Mas lalong lumaki ang mga mata ni Kent nang tawagin ako ni Levi ng 'mom'. Mukhang nabubuo na sa isipan nito kung magka-ano-ano kami nong bata. "Ahm, Kent, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Tanong ko kay Kent, hindi pinansin ang sinabi ng anak ko. "Ah.. Sige." Tumayo ito at umupo sa sofa. Nilingon ko muna si Levi saka tumalikod para ibigay muna siya kay ate Marites na kasalukuyan ngayong naghihintay sa lobby. Nagpaalam muna ako saglit sa lalaki. Sinadya kong bitbitin sa loob si Levi para maipakita siya kay Kent pero ibibigay ko muna ang bata kay ate Marites para makapag-usap kami ng maayos ni Kent. Alam kong magiging emosyunal ako sa sasabihin ko kaya minabuti ko ng huwag muna isama si Levi sa
KENTNapahawak ako sa sintido ko matapos kong pirmahan ang natitirang papel na nakapatong sa desk ko. Feeling ko magkakastiff neck ako sa walang tigil na trabaho. Pinindot ko ang linya na nakakonekta sa secretary ko para papasukin siya. "What's on my schedule now?"Agad naman itong tumingin sa memo niyang hawak. "Ngayong araw po, wala na pong naka-appoint sa inyo. Bukas palang po, may meeting po kayo with Coldron Enterprises about sa FTR Project." My secretary said. Nag-unat muna ako dahil sa wakas pwede akong magpahinga muna. Matapos kong lunurin ang sarili ko sa trabaho para lang maalis sa isip ko ang pag-uusap namin ni Nikita noong isang araw, parang nagbackfire kaagad sa akin ang pagod. Sa ngayon gusto ko nalang muna magpahinga. "Is that so? I think I need a day off." Sabi ko at tumayo sa aking inuupuan. "Just call me when I'm needed here." "Yes, Sir." Sabi lang ng secretary. Yumuko muna ito sa akin saka naunang lumabas ng pinto. Niligpit ko muna ang mga gamit ko saka ko nila
NIKITA["H'yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Dapat talaga noong nasa America ka palang niretohan na kita ng mga foreigner."] Pagbibiro pa ni Mara sa kabilang linya. ["Oh eh anong say mo naman no'n? Um-oo ka ba?"]Kinuwento ko kasi sa kaniya naging pag-uusap namin ni Kent. Nasa ibang bansa siya ngayon kasama ang asawang si Terrence na sa hinaba-haba ng prosesyon ay nagkatuluyan pa rin. "Hindi ko sinagot--"["Ay jusmeyo, mare. Ibig sabihin mahal mo pa rin 'yung tao?"] Sabi nito na may kasama pang pagtampal ng noo. "I mean hindi ko siya sinagot sa tanong niya dahil hindi naman ako sigurado kung talaga bang hindi ko na siya mahal. Isa pa, iniisip ko si Levi. Paano nalang si Levi?" Tanggi ko. ["Alam mo, dahil hindi mo siya dineretso, pinaasa mo lang din 'yung tao. I mean, ang tinatanong sa 'yo ay kung mahal mo pa ba siya. Hindi niya tinatanong kung may anak kayong dalawa kaya huwag mo ng gawing alibi pa si Levi ko para hindi agad masagot 'yung tanong niya sa 'yo. Akala ko ba nakapagmove
NIKITA "Sigurado ka ate na Kent ang pangalan no'ng nakita ni Levi si mall?" Paninigurado ko pa. "Oo, ayun ang sabi. Bakit?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni ate Marites. Sana hindi iyun ang Kent na kilala kong mahilig din magbasa ng ganitong klaseng libro. "Wala naman po." Patay-malisya kong turan saka tumalikod para sundan ang anak kong busy na sa pagtingin nong mga libro sa kwarto. Unang araw palang ninenerbyos na 'ko. Hindi talaga malabong hindi magtagpo ang landas ng dalawa. Pero kung hindi ko man talaga ito maitatago nang habang panahon, sana bigyan lang muna ako nito ng kaunting panahon para ihanda ang sarili. "Levi." Tawag ko rito saka lumapit. "Mommy, there's this guy that gave me this. He told me that I reminded him of himself when he was younger. He also likes reading." Tuwang-tuwa nitong kwento. "Yes I heard from ate Marites. But next time, anak, don't accept anything from strangers, okay?" "Okay, but I can keep this right?" Tanong pa
NIKITA"How's your sleep, son?" Tanong ko sa anak ko.Gaya ng palagi naming ginagawa, tinatawagan ko ang anak ko pagkauwing-pagkauwi. Ang gabi kasi rito ay umaga sa kanila kaya sa gabi ko lang din siya nakakausap, minsan nakabusangot pa. Palagi niyang tinatanong kung kailan ako uuwi o kung uuwi pa raw ba ako? Miss na miss na nga talaga ako ng anak ko. Dahil malapit na rin naman ang summer break nila ay nakiusap ito sa akin na kung pwede ay magbakasyon siya rito sa Pilipinas. Sakto rin at graduation ng anak ni ate Marites sa susunod na buwan kaya kailangan niyang dumalo. Mukha ngang matatagalan pa 'ko rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si papa. "Where's your tito Hanz?" Tanong ko rito. [He's upstairs. Mommy, when are you coming home?] Papikit-pikit pa nitong tanong. Nakita ko rin si ate Marites na naglalagay ng pagkain sa plato niya. Mukhang nasa taas pa nga si Hanz. [Ay naku, Nikita. Hindi yata 'yun nakatulog kagabi. Nag-away sila no'ng 'gerlpren' niya.] Pakik
NIKITA Tanghali na nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa bansang Pilipinas. Karamihan sa mga kasama kong bumaba ay mga Pilipino, sa pakiwari ko. Bumungad kaagad sa balat ko ang init na nagmumula sa araw. Napakurap ako para ayusin ang false eyelashes ko. "Your passport, Ma'am?" Tanong sa akin ng nasa immigration kaya kaagad ko ring inabot dito ang passport ko. It's still the same airport kung saan ako umalis papunta ng America. Agad kong tinawagan si mama nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nag-alok ito na sunduin ako kaso tinanggihan ko. Tinanong ko nalang kung saang ospital naka-confine si papa para doon na lamang ako dumiretso. Pagtapos ng mahabang prosesyon sa loob ng airport ay tuluyan na nga akong nakalabas. Pumara ako ng taxi saka sumakay. Kaunting gamit lang ang dala ko dahil hindi rin naman ako magtatagal. Babalikan ko rin agad ang anak ko sa America. Isang oras mahigit ang tinagal ko sa biyahe dahil sa sobrang traffic. Mas lumala pa yata ang traffic sa Pinas