NIKITAIt's been two weeks since we last talked. Hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko. Bakit ginawa ko yun? Tama ba talaga yung ginawa ko? Alam kong magmumukha akong t*nga kung ipagpapatuloy ko ang pagkukunwari na parang ayos lang sa akin ang lahat, na ayos lang sa akin ang magiging bago naming tratuhan. Nagsisinungaling lamang ako sa sarili ko. Nililinlang ko lang ang isip ko sa paniniwalang kaya kong tanggapin ang lahat nang ganoon-ganoon lang, na katulad ni Kent ay maging masaya sa nangyari.Kahit tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung tama bang sinabi ko 'yun sa kaniya, may kung anong meron sa akin na nagsasabing iyun ang nararapat para sa sarili ko.Nanlumo ako pagtapos kong sabihin sa kaniya 'yon. Pag-uwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para ibuhos sa unan ang lahat ng sakit at sama ng loob na kinikimkim ko lang habang magkasama pa kami. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto niya sa 'kin. Until now, I haven't moved on yet, and honestly, I don't know if
NIKITA"Hon." Sambit niya nang makita ako. "Anong ginagawa mo rito?" Seryoso kong tanong sa kaniya. Hindi ko inakalang pupuntahan niya pa ako rito pagkatapos ng lahat ng nangyari."I want to explain.. everything." Dahan-dahan itong lumapit sa akin hanggang isang metro nalang ang layo namin.Ano pang sasabihin niya? Naalala ko lahat naman ay nasabi niya na bago pa man kami maghiwalay. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin niya.Kung meron man siyang sasabihin, what does it have to do with me? Matagal na rin naman kaming wala so ano pa ang pag-uusapan namin na may koneksyon sa akin?"It's been two years, Terrence and I already moved on. Nasabi mo na lahat bago ka pa nawala sa paningin ko, ano pa bang kulang?" I said. "Hindi pa lahat, Nikita. I still have something to tell you, the truth why I broke up with you." Pagmamatigas niya."Wala akong oras makinig sa 'yo ngayon, Terrence. Busy ako." Pagsisinungaling ko at akmang papasok na ng bahay nang hawakan niya ako sa braso. "Please, N
NIKITAToday's my check up kaya ngayon ay papunta kami sa OB-GYNE ko kasama si Hanz. Binigyan ako ni mama ng pera para sa pagpapacheck-up kaya ako ang magbabayad at hindi ang kaibigan ko. Nakakahiya na rin kasi na siya ang gumastos ng unang check up ko na parang siya ang ama at may obligasyon sa amin. "Paano mo sinabi kay tita?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho. "Noong nakipaghiwalay si Kent sa 'kin, pagkauwi ko saktong nasa bahay pala si mama kaya naabutan niya 'kong umiiyak doon sinabi ko na sa kaniya." I said. Sabado ngayon kaya wala kaming practice. Sa lunes ay distribution lang ng toga namin kaya tanghali pa 'ko pupunta sa school. Ang mahal nga ng graduation fee namin kaya hindi ko alam kung saan pa kumuha si mama ng pera pambayad sa check up ko ngayon. Mahal ang graduation fee namin dahil kasama na roon ang yearbook, stola, toga, graduation picture with frame, saka ang diploma namin. Busy si papa nitong nagdaang araw dahil nagpapaggawa kami ng maliit na grocery store s
NIKITADahil nagyaya si Terrence na bisitahin ko raw ang resort na pinapaggawa nila ay pumayag na ako. Wala rin kasi akong maggawa sa bahay kung kaya't naisipan kong isama si Mara. Magkakilala na si Mara at Terrence kaya pumayag na rin ang kaibigan ko. Nabanggit din kasi ni Terrence na pwede kaming maligo sa dagat kung gusto namin kaya nagdala na rin ng damit pangligo si Mara.Bumalik ng America si Hanz para asikasuhin ang monthly report niya sa mga investors nila tungkol sa pinapaggawa nilang hotel dito sa Pilipinas kaya wala siya rito ngayon. Pero sabi niya ay uuwi rin siya mamaya bago ang graduation ko para makita niya raw akong sinasabitan ng medalya. Biniro ko nga na bigyan ako ng foreigner pag-uwi, sinagot lang ako na sarili niya nalang daw ang ireregalo niya sa 'kin. "Girl, baka maging third wheel lang ako sa love team niyo kaya naisipan kong isama ang kapatid ko, okay lang ba kay Terrence?" Tanong niya sa akin habang nag-aayos na ko ng gamit dahi katatapos lang ng practice na
NIKITAThe time has finally come. Today's my graduation day so all my love ones including Hanz are here. Nandirito rin si Terrence para panoorin daw akong kunin ang award ko as Cum Laude. "My gift for you. Congratulations!" Pahayag ni Terrence at inabot sa akin ang maliit na box. "Thank you!" Saad ko rito. Mamaya ko nalang ito bubuksan para walang spoiler. "Sa 'kin, Witch 'di ka man lang ba magpapasalamat?" Pagbibida ni Hanz."Nakakahiya kang abnoy ka!" Nanggigigil kong sabi sa best friend ko at inirapan pa siya. Nakakahiya talaga 'to.Nagpaggawa kasi siya ng tarpaulin na may nakasulat na 'Congratulations for a job well done' tapos may nakalagay na pangalan ko at sa baba ay Bachelor of Science in Business Administration Cum Laude. "Anong nakakahiya diyan? Proud pa nga kami sa 'yo eh." Sabi niya at mas binuklat pa ang tarpaulin kaya nagtawanan nalang sila mama. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao. Mukhanh hindi CEO kung umasta talaga.Adik!Kinakabahan ako na naeexcite. Sa wakas
NIKITAKasalukuyan akong nag-aayos ngayon para sa graduation ball namin. Ang call time ay alas nuwebe ng gabi kaya susunduin ako ni Hanz dito ng eight-forty. Si Hanz ang napili kong escort dahil siya naman ang best friend ko so he deserve that place. Magtatampo lang 'yun kapag hindi siya ang pinili ko. Isa pa ay pag-uusapan lang kami kung si Terrence ang kinuha kong escort. Kilala pa man din siya ng ilan sa batch namin dahil doon din siya nag-aral bago siya lumipad sa ibang bansa. I'm wearing a mid length sequined short sleeve champagne dress that I bought online long time ago. Wala na kasi akong maisip na susuoting formal dress. Ayoko rin magsuot ng long gown dahil wala naman ako no'n. Nakapagsuot lang ako ng long gown noon sa Prom namin at paniguradong hindi na kasya sa 'kin 'yun. Mabuti na lamang at nagpabudol pala ako noon sa mid-year sale kaya may masusuot ako ngayon, kung 'di ay baka nga mag-panty at bra nalang ako.Kidding aside, I'm also wearing a pair of beige block heels na
THIRD PERSONUmakyat sa stage ang President at ang coordinator upang pormal na simulan ang programa. Kasabay nito ang Dean ng College of Business Administration. "Good evening Graduates. I already had my speech earlier during our graduation ceremony kaya di na ko magsasalita pa ng ganoon kahaba sa inyo ngayon." Ngumiti pa ito sa lahat. "Tonight is our Graduation Ball. Marahil ito na ang huli nating pagkikita at sa reunion na ang sunod, kung magkakaroon ng pagkakataon. Tatawagan ko kayong lahat kapag may plano na. I'm sure a lot of us are already professionals and baka nga CEO na ang iba sa kani-kanilang mga sariling kumpanya o 'di kaya ay manager kapag dumating ang araw na iyun, we don't know what's ahead of us yet. But one thing's for sure mas malaking problema at stresses ang kahaharapin natin sa pagtapak natin sa totoong mundo kaya magpakasaya na tayong lahat." Ang lahat ay prenteng nakikinig sa pahayag ng nagsasalita sa harap. Ang iba ay nagpupunas pa ng luha sa kanilang mga mat
THIRD PERSONTila ay tumigil ang oras sa dalawang kanina'y nagsasayawan. Si Hanz ay naghihintay na may lumabas sa bibig ng dalaga habang ang isa ay nangangapa pa ng sasabihin. Hindi alam ng dalaga kung ano ba ang dapat niyang maramdaman pero iisa lang ang gusto niya, iyun ay huwag saktan ang kaibigan. Naghahanap siya sa isip niya ng salitang dapat bigkasin na hindi magdudulot ng sakit sa puso ng binata. Nanatiling nakapako ang tingin ng binaya sa dalaga na tila ba'y nangungusap. She knows he's waiting for her to say something. But she's lost of words. She don't know what to say. Gustong magsalita ng dalaga pero walang lumalabas sa bibig niya. Pakiramdam niya'y ninakawan siya ng boses sa mga oras na iyun."'Di ko hinihiling na mahalin mo 'ko kagaya ng pagmamahal ko sa 'yo pero gusto ko lang iparamdam sa 'yo na nandito pa rin ako kahit iwan ka nilang lahat. Ayos lang sa 'kin kahit hindi mo 'ko mahalin kagaya ng pagtingin ko sa 'yo pero sana, hayaan mo akong ipakita at iparamdam sa 'yon
NIKITA"Ang dami mo talagang dalang prutas. Hindi naman ito mauubos ni mama." Sabi ko kay Kent habang nilalabas niya ang isang basket ng prutas at isang maliit na basket ng mga bulaklak, pink and purple flowers arranged in an elegant way. Hindi na ito sumagot pa at sinarado na ang compartment. I offered him help but he refused to. Kaya niya na raw. I look at him while he's carrying the baskets. Handa na 'ko. Handa na 'kong ipakilala siya kay mama bilang ama ng anak ko. He doesn't seems tense pero kagabi pa siya tanong nang tanong kung okay lang daw ba na ipakilala ko na siya. Alam kong gusto na niyang makilala siya ni mama, ako lang 'yung ayaw. Kinakabahan ako na baka busisihin na naman ni mama mga desisyon ko noon. Naglakad na kami papasok ng ospital, papunta sa room ni papa. Kumatok muna ako nang tatlong beses bago tuluyang pumasok. Bumungad sa amin ang mama ko na kasalukuyang pinupunasan si papa ng basang bimpo. Dumako ang paningin niya sa lalaking kasama ko. "Good morning po,
NIKITA"Okay, that's enough. The food is ready so let's eat." Pagtatawag ko sa anak ko na tutok na tutok sa telebisyon kasama ni Kent. They're watching Insidious. Mag-ama nga talaga silang tunay, mahilig manood ng horror movie. Prente silang nakaupo sa sofa at walang alisan ng tingin sa pinapanood, ni hindi nga sila kumakain ng popcorn na binigay ko sa kanila. Nakalagay lang 'yun tuloy sa gitna nila. "Kent, dito ka na rin kumain. Marami naman akong nilutong ulam." Saka lang inalis ni Kent ang paningin niya sa TV. "Mommy's calling us, let's eat first." Sabi ni Kent sa anak namin saka kinuha ang remote para i-pause."Levi, go wash your hands." Utos ko sa anak ko saka kumuha ng mga plato at kubyertos. "What's that stinky smell, Mom?" Nalukot ang ilong ni Levi nang maamoy ang bagoong na niluto ko. "It's called bagoong. Levi, anak you can't say that in public." Saad ko sa anak ko. Baka kasi ma-misinterpret siya ng mga taong makakarinig sa kaniya. Akalain palang yayamanin 'tong anak k
NIKITA"Sunduin ka nalang namin mamaya sa store." Bilin ni Kent sa akin habang nag-aayos ako ng polo ni Levi. Hindi nalang ako umalma dahil gusto ko rin namang kasabay umuwi ang anak ko. Naisip kasi ni Kent na ipasyal si Levi bilang bonding na rin nilang dalawa. Pasasamahin pa nga sana ako kaso mas pinili kong magtrabaho nalang. Ang dami ko rin kasing aasikasuhin sa office mamaya. "You behave, okay? Always listen to your dad." Bilin ko pa sa anak ko kahit alam kong alam niya na ang dapat niyang gawin. "Yes, mommy." Bumaling ako kay Kent na nakatingin lang sa akin habang inaayusan ko ang anak niya. "Kent, mahilig 'tong umalis-alis sa mall kaya bantayan mo talaga 'to. Nawawala nalang bigla kapag nakakakita ng bookstore or arcade." Saad ko naman sa lalaki. "Don't worry, basang-basa ko na rin ugali niya kasi ganoon ako noong bata pa 'ko." Sabi nito saka tumawa nang mahina. 'Edi wow?' Hindi na ako umimik pa hanggang sa makalabas kami. Humalik muna sa pisngi ko si Levi at nagpaalam
NIKITA"You're the guy that I met in the bookstore." My son revealed. Hindi na ako nagulat sa sinabi nito dahil alam ko namang si Kent talaga iyun base sa kinuwento nito sa 'kin. Pero bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ng lalaki. "You knew him, mom?" Baling sa akin ng anak ko. Mas lalong lumaki ang mga mata ni Kent nang tawagin ako ni Levi ng 'mom'. Mukhang nabubuo na sa isipan nito kung magka-ano-ano kami nong bata. "Ahm, Kent, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Tanong ko kay Kent, hindi pinansin ang sinabi ng anak ko. "Ah.. Sige." Tumayo ito at umupo sa sofa. Nilingon ko muna si Levi saka tumalikod para ibigay muna siya kay ate Marites na kasalukuyan ngayong naghihintay sa lobby. Nagpaalam muna ako saglit sa lalaki. Sinadya kong bitbitin sa loob si Levi para maipakita siya kay Kent pero ibibigay ko muna ang bata kay ate Marites para makapag-usap kami ng maayos ni Kent. Alam kong magiging emosyunal ako sa sasabihin ko kaya minabuti ko ng huwag muna isama si Levi sa
KENTNapahawak ako sa sintido ko matapos kong pirmahan ang natitirang papel na nakapatong sa desk ko. Feeling ko magkakastiff neck ako sa walang tigil na trabaho. Pinindot ko ang linya na nakakonekta sa secretary ko para papasukin siya. "What's on my schedule now?"Agad naman itong tumingin sa memo niyang hawak. "Ngayong araw po, wala na pong naka-appoint sa inyo. Bukas palang po, may meeting po kayo with Coldron Enterprises about sa FTR Project." My secretary said. Nag-unat muna ako dahil sa wakas pwede akong magpahinga muna. Matapos kong lunurin ang sarili ko sa trabaho para lang maalis sa isip ko ang pag-uusap namin ni Nikita noong isang araw, parang nagbackfire kaagad sa akin ang pagod. Sa ngayon gusto ko nalang muna magpahinga. "Is that so? I think I need a day off." Sabi ko at tumayo sa aking inuupuan. "Just call me when I'm needed here." "Yes, Sir." Sabi lang ng secretary. Yumuko muna ito sa akin saka naunang lumabas ng pinto. Niligpit ko muna ang mga gamit ko saka ko nila
NIKITA["H'yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Dapat talaga noong nasa America ka palang niretohan na kita ng mga foreigner."] Pagbibiro pa ni Mara sa kabilang linya. ["Oh eh anong say mo naman no'n? Um-oo ka ba?"]Kinuwento ko kasi sa kaniya naging pag-uusap namin ni Kent. Nasa ibang bansa siya ngayon kasama ang asawang si Terrence na sa hinaba-haba ng prosesyon ay nagkatuluyan pa rin. "Hindi ko sinagot--"["Ay jusmeyo, mare. Ibig sabihin mahal mo pa rin 'yung tao?"] Sabi nito na may kasama pang pagtampal ng noo. "I mean hindi ko siya sinagot sa tanong niya dahil hindi naman ako sigurado kung talaga bang hindi ko na siya mahal. Isa pa, iniisip ko si Levi. Paano nalang si Levi?" Tanggi ko. ["Alam mo, dahil hindi mo siya dineretso, pinaasa mo lang din 'yung tao. I mean, ang tinatanong sa 'yo ay kung mahal mo pa ba siya. Hindi niya tinatanong kung may anak kayong dalawa kaya huwag mo ng gawing alibi pa si Levi ko para hindi agad masagot 'yung tanong niya sa 'yo. Akala ko ba nakapagmove
NIKITA "Sigurado ka ate na Kent ang pangalan no'ng nakita ni Levi si mall?" Paninigurado ko pa. "Oo, ayun ang sabi. Bakit?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni ate Marites. Sana hindi iyun ang Kent na kilala kong mahilig din magbasa ng ganitong klaseng libro. "Wala naman po." Patay-malisya kong turan saka tumalikod para sundan ang anak kong busy na sa pagtingin nong mga libro sa kwarto. Unang araw palang ninenerbyos na 'ko. Hindi talaga malabong hindi magtagpo ang landas ng dalawa. Pero kung hindi ko man talaga ito maitatago nang habang panahon, sana bigyan lang muna ako nito ng kaunting panahon para ihanda ang sarili. "Levi." Tawag ko rito saka lumapit. "Mommy, there's this guy that gave me this. He told me that I reminded him of himself when he was younger. He also likes reading." Tuwang-tuwa nitong kwento. "Yes I heard from ate Marites. But next time, anak, don't accept anything from strangers, okay?" "Okay, but I can keep this right?" Tanong pa
NIKITA"How's your sleep, son?" Tanong ko sa anak ko.Gaya ng palagi naming ginagawa, tinatawagan ko ang anak ko pagkauwing-pagkauwi. Ang gabi kasi rito ay umaga sa kanila kaya sa gabi ko lang din siya nakakausap, minsan nakabusangot pa. Palagi niyang tinatanong kung kailan ako uuwi o kung uuwi pa raw ba ako? Miss na miss na nga talaga ako ng anak ko. Dahil malapit na rin naman ang summer break nila ay nakiusap ito sa akin na kung pwede ay magbakasyon siya rito sa Pilipinas. Sakto rin at graduation ng anak ni ate Marites sa susunod na buwan kaya kailangan niyang dumalo. Mukha ngang matatagalan pa 'ko rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si papa. "Where's your tito Hanz?" Tanong ko rito. [He's upstairs. Mommy, when are you coming home?] Papikit-pikit pa nitong tanong. Nakita ko rin si ate Marites na naglalagay ng pagkain sa plato niya. Mukhang nasa taas pa nga si Hanz. [Ay naku, Nikita. Hindi yata 'yun nakatulog kagabi. Nag-away sila no'ng 'gerlpren' niya.] Pakik
NIKITA Tanghali na nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa bansang Pilipinas. Karamihan sa mga kasama kong bumaba ay mga Pilipino, sa pakiwari ko. Bumungad kaagad sa balat ko ang init na nagmumula sa araw. Napakurap ako para ayusin ang false eyelashes ko. "Your passport, Ma'am?" Tanong sa akin ng nasa immigration kaya kaagad ko ring inabot dito ang passport ko. It's still the same airport kung saan ako umalis papunta ng America. Agad kong tinawagan si mama nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nag-alok ito na sunduin ako kaso tinanggihan ko. Tinanong ko nalang kung saang ospital naka-confine si papa para doon na lamang ako dumiretso. Pagtapos ng mahabang prosesyon sa loob ng airport ay tuluyan na nga akong nakalabas. Pumara ako ng taxi saka sumakay. Kaunting gamit lang ang dala ko dahil hindi rin naman ako magtatagal. Babalikan ko rin agad ang anak ko sa America. Isang oras mahigit ang tinagal ko sa biyahe dahil sa sobrang traffic. Mas lumala pa yata ang traffic sa Pinas