Maagang bumangon si Alex at naghanda ng almusal para sa pamilya ng kanyang kapatid. Pagkatapos, inilagay niya ang kanyang mga importanteng dokumento sa bag at tahimik na umalis."Mula ngayon, hahatiin na natin ang mga gastusin, kahit na para sa mga gastusin sa bahay, pagkain, at mga bayarin, kailangan natin maghati! Nakatira ang kapatid mo sa bahay namin, at kailangan niyang magbayad ng kalahati. Anong silbi ng pagbibigay niya ng limang libong piso bawat buwan? Ano ang kaibahan noon sa libreng pagkain at libreng tirahan? Mahal ang mga gastusin ngayon."Ito ang narinig ni Alex na sinabi ng kanyang bayaw nang mag-away ang kanyang kapatid at bayaw kagabi.Kailangan niyang lumipat mula sa bahay ng kanyang kapatid.Pero para mapakalma ang kanyang kapatid, isa lang ang daan, magpakasal. Kilala niya ito. Hindi ito basta basta papayag na umalis nalang siya.Gusto niyang magpakasal sa lalong madaling panahon. Wala pa siyang boyfriend. Nagpasya siyang sumang-ayon sa kahilingan ni Lola Paula at
"Pumayag na ako kaya hindi na ako aatras."Nag-isip si Alex ng ilang araw bago gawin ang desisyon. At dahil nakapagdesisyon na siya, hindi na siya uurong.Narinig ni Morgan ang sinabi niya at hindi na siya pinilit pa. Kinuha niya ang kanyang ID at inilagay ito sa harap ng staff.Ginaya rin ito ni Alex.Mabilis na natapos ang proseso ng kanilang kasal, na tumagal nang wala pang sampung minuto.Nang matanggap ni Alex ang marriage certificate mula sa staff, kinuha ni Morgan ang isang bungkos ng susi na matagal na niyang inihanda mula sa bulsa ng kanyang pantalon, iniabot ito kay Alex, at sinabi, "Ang bahay na binili ko ay nasa High View Village. Narinig ko kay Lola na nagbukas ka ng bookstore sa tapat ng Manila Science High school. Hindi kalayuan ang bahay ko mula doon. Kung sasakay ka ng bus, aabutin lang ito ng mahigit ten minutes.""May lisensya ka ba? Kung meron, puwede kang bumili ng kotse. Matutulungan kitang bayaran ang down payment, at ikaw na ang magbayad ng buwanang hulog. Mas
"Opo Lola, gagawin ko po."Kaswal lang ang naging sagot ni Alex.Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya?Hindi naniniwala si Alex.Katulad na lang ng mga magulang ng bayaw ng kanyang kapatid.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang kapatid, sa puntong nagselos pa ang tunay nilang anak.Pagkatapos ng kasal, nagbago ang pakikitungo nila. Sa tuwing nagkakaroon ng alitan ang kanyang kapatid at ang bayaw niya, laging sinisisi ng biyenan ang kapatid niya sa pagiging masamang asawa.Ganito talaga—ang anak ng iba ay laging itinuturing na kamag-anak, at ang manugang ay laging taga-labas."May trabaho ka, kaya hindi na kita iistorbohin. Papupuntahin ko si Morgan para sunduin ka mamaya para sabay kayong maghapunan sa bahay.""Lola, hindi ko po puwedeng iwanan ang bookstore hanggang gabi. Hindi po kakayanin ng or
"Opo Lola, gagawin ko po."Kaswal lang ang naging sagot ni Alex.Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya?Hindi naniniwala si Alex.Katulad na lang ng mga magulang ng bayaw ng kanyang kapatid.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang kapatid, sa puntong nagselos pa ang tunay nilang anak.Pagkatapos ng kasal, nagbago ang pakikitungo nila. Sa tuwing nagkakaroon ng alitan ang kanyang kapatid at ang bayaw niya, laging sinisisi ng biyenan ang kapatid niya sa pagiging masamang asawa.Ganito talaga—ang anak ng iba ay laging itinuturing na kamag-anak, at ang manugang ay laging taga-labas."May trabaho ka, kaya hindi na kita iistorbohin. Papupuntahin ko si Morgan para sunduin ka mamaya para sabay kayong maghapunan sa bahay.""Lola, hindi ko po puwedeng iwanan ang bookstore hanggang gabi. Hindi po kakayanin ng or
"Ituloy na natin ang meeting." Walang pakialam na sinabi ni Morgan. Lumapit si Clark at mahinang nagtanong, "Kuya Morgan, narinig ko ang sinabi ni lola tungkol sa’yo. Totoo bang pinakasalan mo si Alex? Iyong babaeng malapit kay lola?" Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang mas nakababatang pinsan na si Clark, isa ring binata kagaya niya. Halos magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa. Tinitigan siya ni Morgan na para bang tinataga ng kutsilyo. Hinawakan ni Clark ang kanyang ilong, umupo nang tuwid, at hindi na muling nagtanong. Ngunit di niya maiwasang makaramdam ng simpatya at awa dahil alam niyang hindi bukal sa loob nito ang ginawang pagpapakasal ng pinsan. Bagaman ang mga anak ng pamilya Villamor ay hindi kailangang gumamit ng kasal para mapalakas ang kanilang estado, ang kasal ng kanyang nakatatandang pinsan ay tila hindi maganda. Dahil lamang gusto ni lola ang babaeng nagngangalang Alex, napilitan ang kanyang kuya na pakasalan ito. Tunay na kaawa-awa ang kanyang kuya.
Pagkasakay ni Morgan sa Rolls-Royce, mahina niyang iniutos, "Sinugurado niyo bang dala niyo iyong isa pang sasakyan? Iyong mumurahin."Ginagamit niya ito para linlangin ang asawa niya. Ano nga ba ang pangalan ng asawa niya?"Ano nga pala ang pangalan niya?"Tinatamad si Morgan na kunin ang marriage certificate. Sa katunayan, nang suriin ito ng kanyang lola, tila hindi pa ito naibalik sa kanya. Sa ngayon, wala siya ni kopya nito.Bodyguard "...... Ang apelyido Acosta, at ang pangalan niya ay Alex. Dalawampu’t limang taong gulang siya ngayong taon. Dapat ay hindi niyo po ito kinakalikutan."Magaling ang memorya ng kanilang amo, pero hindi niya alalahanin ang mga taong ayaw niyang alalahanin—lalo na kung mga babae. Kahit araw-araw niyang makita, malamang hindi pa rin niya matandaan ang kanilang mga pangalan o apelyido.Morgan "Hmm, tandaan mo na lang. Tapos ay ipaalala mo saakin."Inisip ng bodyguard na malamang sa susunod na pagkakataon, hindi pa rin maaalala ng kanilang amo ang pangala
Pinahahalagahan ni Morgan ang kanyang pangangatawan at hindi niya hinahayaang mapasobra siya sa pagkain at inumin."Napakahirap magbawas ng timbang."Ngumiti si Alex, "Kung sabagay, maganda nga ang pangangatawan mo." Mahina niyang bulong."Kung gano’n, babalik na muna ako sa kwarto para matulog?"Tumango si Morgan."Magandang gabi."Nagpaalam si Alex sa kanya at tumalikod na upang umalis."Sandali, Alex."Tinawag siya ni Morgan.Huminto si Alex, lumingon, at nagtanong: "May kailangan pa ba?"Tinitigan siya ni Morgan at sinabing: "Huwag ka nang lalabas nang pajama lang ang suot sa susunod."Doon lang napagtanto ni Alex na hindi siya nagsuot ng panloob sa ilalim ng kanyang pajama. Matulis ang mata ni Morgan at nakita niya ang dapat at hindi dapat makita.Mag-asawa sila, at nakita na niya iyon, pero paano kung ibang tao ang makakita?Ayaw niyang makita ng ibang lalaki ang katawan ng kanyang asawa.Namula si Alex, tumakbo pabalik sa kanyang kwarto, at isinara nang malakas ang pinto.Hindi
Walang sabing inilabas ni Morgan ang kaniyang wallet para iabot ang isang card sa kaniya.Itinulak niya pabalik kay Morgan ang bank card at ang papel na may nakasulat na password, at hindi man lang niya ito tinignan."Sir Morgan, ang tahanang ito ay hindi lang sa iyo. Ako rin ay nakatira dito. Ikaw ang bumili ng bahay, pero kung titira ako rito, makakatipid ako sa upa. Ang mga gastusin sa bahay na ito ay hindi na puwedeng ikaw lang ang sumagot. Ako na ang magbabayad sa mga kailangan bilhin sa bahay.""Maliban na lang kung bibili ka ng gamit o muwebles na nagkakahalaga ng higit sa limang libong piso, dapat nating pag-usapan iyon, at magbigay ka kung ano ang kaya mo."Hindi mababa ang kanyang kita, kaya niyang sagutin ang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya. Maliban na lang kung kailangan ng malaking halaga, hindi na niya kailangang umasa sa pera ni Morgan.Hindi naman sa hindi niya kayang tanggapin ang pera mula sa kanya, pero ang kanyang pag-uugali ang nagpapasama ng loob ni Alex, n
Ang bunsong anak ni Karen ay humabol kay Jack habang umiiyak, "Gusto ko ng eroplano na nasa kamay ni Jack!"Agad na itinago ni Jack ang kanyang laruan sa harapan niya at tumingin nang kinakabahan sa kanyang pinsan, sabay sigaw "Mama, buhatin mo ako! Mama, buhatin mo ako!"Binuhat ni Bea ang kanyang anak."Bea, pakisabi kay Jack na ibigay ang eroplano kay Lance para paglaruan. Bisita natin si Lance, kaya dapat siyang pagbigyan ni Jack."Lumapit si Karen, pinunasan ang luha ng kanyang anak, at tumayo upang kunin ang eroplano ni Jack. Ayaw itong bitiwan ni Jack, kaya tinangka niyang agawin ito nang sapilitan. Ngunit nang mapansin niya si Alex at ang kanyang asawa, at nakita niyang may dala pang maraming supot si Morgan, agad niyang binawi ang kamay niya.Ngumiti siya at binati si Alex, "Alex, ang tagal nating hindi nagkita! Ito ba ang asawa mo? Ang gwapo niya at mukhang kagalang-galang."Bukod sa pagiging gwapo, mas maayos din ang kanyang tindig at ugali kumpara sa kanyang kapatid na man
"Ang mga pinsan mo ang nagmaneho ng mga sasakyan para dalhin kami rito. At saka, huwag mong kalimutang bayaran ang mga pinsan mo para sa gas at toll fees. Malaki ang nagastos namin sa biyahe na ito.""Ang ibig mong sabihin, ikaw at ang grupo ng mga 'masunuring' anak at apo ni Lola ay sobrang naghihirap na ba nitong mga nakaraang taon?""Alex, anong kalokohan ang sinasabi mo? Kayong magkapatid ay nakapagpatatag na sa lungsod at namumuhay nang maginhawa, kaya naman sinasabi mong naghihirap kami, ganoon ba? Pasensya ka na at mukhang nabigo kitang biguin—maayos ang lagay namin. Lahat sila ay matagumpay sa kani-kanilang larangan. Ang pangalawang pinsan mo nga ay kumikita ng isang milyon kada taon..."Bago pa matapos ang kayabangan ng Lolo, ibinaba na ni Alex ang tawag.Alam niyang hindi marunong magtago ng sikreto ang kanyang lolo. Sa tuwing may isang anak o apo na bahagyang nagtatagumpay, ipinagmamalaki niya ito sa lahat ng tao, parang gusto niyang ipakita kung gaano kagaling ang kanyang
Matapos iparada ni Alex ang bagong kotse at sumakay sa sasakyan ni Morgan, lumambot ang tono ni Morgan at tinanong siya "Ito ang unang beses kong kakain sa bahay ng kapatid mo. Dapat akong bumili ng puwede kong dalhin. Ano ang gusto ng kapatid at bayaw mo?"Ikinabit ni Alex ang kanyang seat belt. "Bumili ka ng laruan para kay Jack. Ang bayaw ko ay naninigarilyo, kaya bilhan mo siya ng dalawang pakete ng sigarilyo at ilang prutas."Tumango si Morgan.Umalis ang sasakyan mula sa High View Village, at muli niyang tinanong ang kanyang asawa "Saan tayo bibili?""May mall malapit dito. Pwede nating iparada ang sasakyan doon at mamili para makuha ang mga kailangan natin. Sir Morgan, bago pa ako lumipat, hindi ka ba nakatira doon? Napansin kong hindi ka pamilyar sa paligid."Tahimik si Morgan sandali bago sinabi "Matagal ko nang binili ang bahay na ito, pero pina-ventilate ko muna kaya hindi ako nakatira doon noon. Sa halip, kasama ko ang mga magulang ko. Pagkatapos nating maikasal, hindi mag
"Kapag dumating ang oras ng diborsyo, aalis ako sa parehong paraan ng pagpasok ko.""Nang bumili kami ng kotse kanina, sinabi ko rin sa kanya nang malinaw na ibabalik ko ang pera sa kanya. Mukhang hindi siya natuwa at iniwan akong mag-isa. Kung hindi siya masaya, edi hindi. Mas mabuting linawin ang lahat ngayon kaysa magkaroon ng malaking gulo sa hinaharap."Matagal siyang natahimik bago tinapik ang noo ng kaibigan gamit ang daliri at sinabing, "Alex, anong tumatakbo sa isip mo? Sinabi rin ni Sir Morgan na maghihiwalay lang kayo kung hindi kayo magkakagustuhan sa loob ng anim na buwan. Hindi mo man lang ba susubukan?""Masyado siyang seryoso sa buhay, at sa tingin ko hindi siya masalita. Ang ganitong klase ng lalaki ay talagang malambot ang puso. Kung makuha mo ang loob niya, sigurado akong magiging masaya ang buhay mo sa hinaharap. Sa tingin mo ba masaya ang diborsyo? Nasabi mo rin ba sa kanya ang tungkol sa plano mo pagkatapos ng diborsyo?"Hindi sumagot si Alex.Alam na ni Carol an
"Hindi mo ba sinabi na paunang bayad lang ang ibibigay mo?"Mahinang tanong ni Alex sa kanya."Hindi naman mahal ang napili mong sasakyan, kaya kung kayang bayaran nang buo, mas mabuting bayaran na lang nang buo."Sabi ni Alex, "Ire-remit ko sa'yo ang kalahati ng pera mamaya."Tiningnan siya ni Morgan. "Hindi na kailangan."Napakurap si Alex."Hindi na kailangan"—ibig sabihin, binigyan lang siya nito ng kotse?Bagaman hindi ganoon kamahal ang pinili niyang sasakyan, nagkakahalaga pa rin ito ng daan-daang libong piso. Kahit pa mag-asawa sila, bago pa lang silang kasal at halos hindi pa lubos na magkakilala. Ang pinaka-mahalaga, may pinirmahan silang kasunduan na maghihiwalay sila pagkalipas ng kalahating taon.Bigla na lang siyang binigyan ng kotse na ganoong halaga? Hindi niya matatanggap nang basta-basta ang isang regalong wala siyang pinaghirapan, kaya bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya napigilan ang sarili at hinila si Morgan palabas ng dealership, saka nagtanong sa laba
Nang bagong kasal pa lang sila, puno ng matatamis na salita ang asawa niya. Nang kumbinsihin siyang magbitiw sa trabaho, sinabi nitong andiyan siya, at kahit bumagsak pa ang langit, hinding hindi siya nito iiwan. Sinabi rin nitong kaya niyang suportahan siya at hayaang manatili sa bahay bilang pinakamaganda niyang asawa.Maaga pa lang ay ipinagbuntis na siya, kaya napilitan siyang mag-resign dahil sa pagbubuntis.Sa pag-aalaga ng bata, nagbago ang hugis ng katawan niya. Para magkaroon ng gatas na maipapakain sa anak, kumain siya nang marami, kaya lalo siyang lumaki at tumaba.At dahil doon, nag-umpisa siyang pandirihan ng asawa niya.Tiningnan ni Bea ang anak niyang nasa stroller. Parang naramdaman ni Jack ang nararamdaman ng ina. Lumingon siya rito at tinawag ito sa malambing na boses ng isang sanggol."Mommy."Mahinang tumugon si Bea, hinaplos ang ulo ng anak, at malambing na sinabi, "Ang bait-bait naman ni Jack.""Mommy, Tita.""Gusto mo bang makita si Tita? Tatawagin ni Mommy si T
Hindi yata kayang magsabi ng magagandang salita ni Morgan.Mas mabuting magpakumbaba siya gamit ang mga konkretong aksyon.“Bakit, nagkamali ka ba ng akala sa asawa mo? Ano bang naging maling akala mo tungkol sa kanya? Na umabot pa at naisipan mong magbigay ng regalo para humingi ng tawad,” ani Samuel, na biglang umusbong ang pagka-usisero.“Wala kang pakialam. Bumalik ka na sa trabaho. Makipag-usap ka kay Assistant Director tungkol sa kooperasyon ngayong gabi. Wala akong oras mamaya.”Kailangan kong samahan ang asawa ko sa bahay ng tiyahin ko para maghapunan.“Bakit wala ka na namang oras? Ano na naman ang gagawin mo?”“Dapat mong malaman, ang lalaking may pamilya ay hindi puwedeng ibuhos lahat ng oras sa kumpanya. Madali siyang lokohin.”Hindi siya makapagsalita. Tumagal pa ng ilang segundo bago niya naunawaan na iniwasan ng boss niya ang lakad para lang samahan ang asawa nito.Ang mag-asawa ba talaga ay sobrang espesyal?Siya, si Samuel, ay pwede ring magpakasal. Sa hinaharap, hind
"Ang lola ko, hindi tumitigil sa pangungulit na pakasalan ko raw si Alex. Sinabi ko na sa'yo 'yun.""E hindi ba pinakasalan mo na siya? Kinukulit ka ba ulit ni Lola na magpakasal naman sa iba?"Biro ni Samuel habang nagsasalita.Nagdilim ang mukha ni Morgan, "Isa lang ang kaya kong pakasalan. Walang pangalawang babae para sa mga lalaki sa pamilya namin maliban sa kanilang asawa.""Interesado ka ba sa asawa mo kaya gusto mong paimbestigahan ang nakaraan niya?""Hindi ko masasabing interesado ako. Iniisip ko lang na dahil mag-asawa kami, kailangang malaman ko ang ilang bagay tungkol sa kanya. Tulungan mo lang akong alamin ang background ng pamilya niya."Ibinahagi ni Alex ang ilang bagay tungkol sa pamilya nila, pero hindi lahat. Naisip niyang humingi ng tulong kay Samuel para alamin ang iba pa, para magkaroon siya ng ideya at matulungan si Alex kapag nagkaroon ito ng problema.Sa hinaharap, huwag na sanang maging padalos-dalos sa mga bagay, huwag magkamaling maghusga at manisi ng basta
"Hindi ba kayo pinagtanggol ng mga lolo at lola ninyo?"Sa pangkalahatan, mahal ng mga lolo’t lola ang kanilang mga apo.Mapait na sinabi ni Alex, "Mahirap ang buhay ng nanay ko. Inampon siya at ilang beses ipinasa-pasa bago tuluyang inampon ng lolo’t lola ko. Hindi siya tunay na anak. Kaya’t imposibleng asahan na ibibigay nila ang lahat para sa amin. Pakiramdam nila, pinalaki na nila ang nanay ko, pero bago nila natamasa ang biyaya mula sa kanya, namatay na siya. Malaki raw ang kanilang kawalan.""Kumuha rin sila ng pera mula sa kompensasyon. Ang natira na lang sa amin ng ate ko ay isang daang libo nalang mahigit. Sino ba ang mag-aalala para sa amin? Sino ang susuporta sa amin? Lahat sila, iniisip lang ang sarili nilang interes. Takot na takot silang mawalan. Kung hindi dahil sa konsensya ng mga opisyal ng baryo na tumangging pumayag, baka wala ni isang kusing na nakuha kami ng ate ko."Habang inaalala ang nakaraan, tumingin si Alex sa bintana. Dalawang linya ng luha ang pumatak mula