Home / Romance / Captured / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: JanuaryR
last update Last Updated: 2024-01-05 15:15:54

EVE

Puting kisame agad ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mata ko. Tahimik ang paligid, tanging ingay lang na nanggagaling sa aircon ang bumabalot sa kwarto. Nilibot ang paningin ko sa paligid at napagtanto na hindi pamilyar ang lugar.

Malaki ang kwarto. Kulay puti rin ang ding ding at may nakasabit na iba’t ibang magagandang artworks. May malaking flat screen tv sa harap ko at may malaking built in aparador. May sofa rin sa gilid ay may study table, maraming librong nasa magandang lagayan ng shelves at may magandang carpet sa ibaba.

Ngayon ko lang din napagtanto na natutulog ako sa isang sobrang laking kama, sa tingin ko kasya ang limang tao dito.

Hindi ito ang inaasahan ko. Sa totoo lang, akala ko hindi na ako aabot ng umaga.

Kaagad nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy pagbaba ng kama. Napasadahan ko ang sarili ko sa salamin. Magulo ang buhok ko at mukhang masarap ang tulog, napansin ko rin na kung ano ang suot ko kagabi, ganon pa rin ang suot ko.

“Nasaan ako?” tanong ko sa sarili.

Kailangan ko makatakas dito.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa pinto, sinusubukan hindi gumawa ng kahit anong ingay.

Maingat kong hinawakan ang door knob at maingat itong pinihit. Nang itutulak ko na ito ay kusa itong bumakas dahilan para mapa atras ako. Mabilis kong kinuha ang isang unan at inihanda ang sarili sa pagbato nito sa kung sino man ang lalabas sa pinto.

Nang makita ang bulto ng tao, kaagad ko itong binato ang unan sa kaniya.

“Sino ka?” tanong ko at kumuha ulit ng unan.

Hindi ito tumama sa kaniya dahil mabilis siyang naka ilag.

He finally revealed himself, lumunok ako nang makita ang pamilyar na lalaki. Those deep black eyes and intimidating aura is here again.

Nakasuot na ito ngayong ng itim na t shirt that hugs his body and faded jeans. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa itim na tinta sa kaliwang braso niya. Maraming nakaukit doon, hindi ko maintindihan. Umakyat ang paningin ko sa mukha niya. Bagsak ang buhok niya, hindi katulad ng huli ko siyang makita.

“Anong ginawa mo sa ‘kin,” lakas loob kong tanong at inamba na babatuhin siya.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin habang nakasandal sa may pintuan, naka kibit balikat siya at hindi ko mabasa ang expression niya.

“May tinusok ka sa akin na kung ano ‘di ba.” I told him.

Natatakot ako pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makahanap ng sagot.

Iniamba ko ang unan nang makitang umayos siya ng tayo at nagsimulang maglakad papalapit sa ‘kin. Rinig na rinig mo ang medyo malakas na pagtunog ng sapatos niya sa sahig habang ginagawa ‘yon.

“To calm you down." sabi niya habang patuloy pa ring lumalapit.

Mababa at buo ang boses niya. Umatras ako at naramdaman ang kama sa likod ng tuhod ko, nawalan ako ng balanse at napaupo doon. Humigpit ang hawak ko sa unan nang inilapit niya ng kaunti ang mukha niya.

“Lumayo ka,” maotoridad kong sabi.

Pero parang wala siyang narinig at nanatili pa rin sa pwesto niya. Hindi man lang natinag ang ekspresyon ng mga mukha niya.

“Ang sabi ko lumayo ka, kung hindi sisigaw ako,” pagbabanta ko.

He tilted his head and chuckled.

He thinks this is funny huh.

Kaagad na dumaloy ang galit sa sistema ko nang maisip iyon. Naguguluhan ako. Sobrang daming tanong ang pumapasok sa isip ko ngunit nabalewala iyon dahil sa galit na nararamdaman ko.

Pero kaagad ding bumalik ang seryosong mukha niya. “Mag uusap tayo kapag kalmado ka na,” sabi niya.

And at some point it calms my raging head. I let out a quiet sigh.

Our eyes met. I almost lost in those deep black eyes kung hindi lang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Para akong nauhaw sa ginawa niya kaya nilabas ko ang dila ko at marahang binasa ang mga ito. Umawang ang labi niya at nakita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya dahil do’n.

Kinuha ko ang pagkakataon na ‘yon upang itaas ang unan at ipalo iyon sa kaniya kasabay nang pagtuhod ko sa pagkalalaki niya. He growl in pain kasabay ng pagbagak niya sa sahig.

Kinuha ko ang pagkakataon na ‘yon para lumabas ng kwarto.

Napahinto ako sa pagtakbo when I saw two men at the front door kaya inikot ko ang mata ko para maghanap ng ibang pag lalabasan. Nakita ko ang bukas na bintana hindi kalayuan sa akin kaya walang pag aalinlangan akong umakyat doon at tumalon pababa.

Narinig ko ang usapan ng mga lalaki pero hindi ko ito maintindihan.

Nakasubsob ako ng tuluyang makababa, medyo mataas ang bintana. Hindi alintana ang sakit na natamo, nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Nahinto ako nang makita ang dagat sa harap. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. My mouth went hanging when I realized I am in the middle of nowhere, dagat ang nasa harapan ko ngayon at walang senyales ng lupa, wala akong tsinelas at naglalakad ngayon sa buhangin. Walang ding kahit isang bahay at tao.

We’re on an island!

Nang makita ang mga paparating na mga lalaki, mabilis akong tumalikod at nagsimulang tumakbo ulit. I am breathing heavily nang maramdaman ang tubig sa paa ko. Lumingon ako at nakitang malapit na sila sa akin. Walang pag aalinlangan akong lumusong sa dagat, sinasalubong ang mga malalakas na alon.

Umubo ako ng maka-inom ng tubig. Tumalon ako and tried to paddle my hand.

I don’t know how to swim. But I am desperate to get out of here. Kinaway ko ang kamay ko at pinadyak ang mga paa. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero wala na akong pakialam, ang nasa isip ko lang ay kailangan kong maka alis sa lugar na ‘to.

A huge wave slams me dahilan para mawala ako sa position. Nang sinubukan kong tumayo ng maayos, lumubog ako.

Running out air, mabilis kong kinaway ang kamay ko para tumataas at kumuha ng hangin. I gasp sharply nang makarating sa taas kasabay nang mabilis na pag-lubog ko ulit sa tubig.

Sinubukan ko ulit ikaway ang mga kamay ko ngunit hindi na ako umaangat.

I can’t breathe. Pakiramdaman ko mamamatay na ‘ko.

I felt a sigh of relief when an arm encircled on my waist and pulled me above. Kaagad akong kumuha ng hangin nang maiangat niya ako sa tubig.

Binitawan niya ako nang makarating kami sa lupa. Group of men are waiting there, may dalang mga tuwalya.

“What the fuck are you thinking.” galit niyang sabi sa ‘kin.

I quickly throw up not minding what he said, puro tubig ang lumabas sa bibig ko pero pakiramdam ko buong lamang loob ko ang nilalabas ko.

Nagsimulang mag init ang sulok ng mga mata ko. How I hate this feeling. Mariin kong pinikit ang mga mata at hinayaang tumulo ang mga luha without making any sound.

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, marahang hinahagod ‘yon.

I let out a sob as I wiped my tears using the back of my hand and wiped my nose too.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap ng tuwalya sa akin, dahil lamig na lamig na rin ako, inayos ko ang pagkakasuot no’n kahit labag sa loob ko nang hindi siya nililingon.

Nang inangat ko ang paningin ko, nakita kong wala na ang mga lalaki kanina at kaming dalawa na lang ang nandito.

Hinarap ko siya at nakita ang nag aalala niyang mukha. “Are you okay?” he asked softly.

Water is dripping on his hair down to his face. Wala siyang damit pero may tuwalya na nakapulupot sa katawan niya. Nakaluhod siya, pinapantayan ang taas ko, habang ako naman ay nakasalampak sa lupa, both hands on the hot sand. Habang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko.

Tumango ako at hinabol ang hininga ko. Ngayon ko lang nararamdaman ang pagod sa pag-kaway at pag padyak kanina.

Nanghihina ako.

Umihip ang malakas na hangin at naramdaman ang lamig sa katawan ko. Kinagat ko ang labi ko at lumunok.

We are both panting. Nang walang magsalita sa amin pagkatapos ng ilang minuto, I decided to break the silence.

“Are you going to kill me?” I asked him, softly.

Hindi ko alam kung bakit naitanong ko ‘yon. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari.

His gaze softened. “No,” matigas niyang sabi, “I will never do that.”

My heart thundered.

He will not hurt me.

Lumapit siya sa akin, blocking the sunlight from hurting my eyes. Ang mga kamay niya ay nasa gilid na ng bewang ko.

“Then why did you bring me here?” I asked him.

I looked up to him and met his eyes. Wala itong ekspresyon. .

“You’re shaking.” Imbes na sagutin ang tanong ko, tinanggal niya ang tuwalya sa katawan niya.

My eyes darted at the black tint on his arms, pero bago ko pa iyon maanalyze, lumapit siya sa akin at pinalupot iyon sa katawan ko.

Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko nang gawin niya iyon. Mas lalong nagwala ang puso ko. Isang pulgada lang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Halos maduling ako habang nakatingin sa mga mata niya.

“You’re lips is tempting me,” nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. “So please shut that pretty mouth.” maotoridad niyang sabi.

Tinakpan ko ang labi ko at nag iwas ng tingin.

“Just like what I said, mag uusap tayo kapag kalamado ka na. Pumasok na tayo sa loob baka magkasakit ka,”

I don’t trust him at all. Hindi ko siya kilala, plus he shoot Matt, he kidnapped me.

Tumingin ako sa dagat at naisip na lumangoy ulit tutal kaming dalawa na lang naman.

“And don’t you ever think going back to those water again.” may pagbabanta sa boses niya.

Nakatingala ako ngayon sa kaniya dahil sa pagtayo niya. Mukha siyang bulto ng greek god dahil sa build ng katawan niya.

He has a firm body, flat stomach at halata na nag-ggym. He also has tan skin, kumikinang iyon sa araw dahil basa ang katawan niya.

“Gusto mo ba buhatin pa kita papasok ng bahay?” bored niyang tanong.

Tumayo ako at naunang maglakad papasok ng bahay nang walang sinasabi at hindi siya nililingon.

Narinig ko ang mga yapak niya sa likod ko hanggang tuluyan kaming makapasok sa loob.

“Naku magkakasakit ka niyan.”

Isang babaeng nasa singkwenta ang lumapit sa akin. Payat ito at nakatali ang medyo kulot na buhok.

Nagulat ako nang makita siya. Mukhang hindi siya bihag dito katulad ng inaasahan ko. He looks okay. Hindi katulad ng mga nakikita ko na kapag nakikidnapped ay may mga sugat at miserable.

Kumuha pa siya ng isang tuwalya at pinunasan ang buhok ko.

Dumako ang paningin ko sa lalaking ngayon ay papasok sa kwartong katabi ng sa akin. May tuwalya na rin na nakapatong sa balikat niya covering his tattoos.

“Pinagluto kita ng almusal,” she said softly.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya nang magsalita siya.

I smiled at her. “Salamat po.”

My eyes darted at the closed door that the man entered.

Maybe he is not bad at all.

Related chapters

  • Captured   Prologue

    EVE"Alam mo dapat talaga pinalaglag na kita dati palang, wala kang silbi dito Eve, wala!" Umagang umaga boses kaagad ng nanay ko ang bumungad sa 'kin. Hindi ako sumagot at tumayo nalang bago niligpit ang lumang banig na tinulugan ko.Medyo nasanay na ako. Labing siyam na taon kong naririnig sa labi niya iyan kaya wala nang bago sa akin. "Alam mo mag-asawa ka na lang ng mayaman para maiahon mo kami ng kapatid mo sa hirap."Lumaki kaming walang tatay. Sinabi ni mama na namatay na daw ito at kada itatanong ko kung bakit, nagagalit siya.Hindi ako sumagot at nagpunta na lang sa kusina upang ipagtimpla sila ng kape. Iyon ang unang trabaho ko ngayong araw."At dahil tinanghali ka ng gising, kunin mo sa kabilang kanto ang pinapalabhan na damit ni Aling Sabel,"Napalingon ako sa kanilang dalawa nang sabihin niya iyon.Si mama ay nakaupo sa monobloc habang naka-taas ang isang paa. Kulot ang maikli niyang buhok, payat ito dahil dalawang beses lang kami kung kumain sa isang araw. Pero kahit

    Last Updated : 2024-01-05
  • Captured   Chapter 1

    Ethan I squinted my eyes as I watched her walk with that bastard. I clenched my jaw and tilted my head while trying to watch her closely. My eyes went to her long shiny hair down to her body. My lips parted when I noticed the curve on their right places.Goddamn. When the time is right I’m gonna put my hands all over that tiny little body and make her mine, her legs, her arms, her thighs, all of her. Madilim ang paligid, the only light that gives their way is the light bulb from the pole. And we are in the shadows, following them quietly. Hindi masyadong malayo sa kanila, just enough to see her clearly.Despite this heavily tinted window in my car, I can still see how those hips sway when she walks. The only thing that ruin the picture is her best friend beside her, that fucking bastard.She turn sideways, facing him, dahilan para masilayan ko ang mukha niya. Her eyes twinkled while talking, those brown doe eyes’ shining just like the stars. Her high pointed nose is very evident

    Last Updated : 2024-01-05

Latest chapter

  • Captured   Chapter 2

    EVEPuting kisame agad ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mata ko. Tahimik ang paligid, tanging ingay lang na nanggagaling sa aircon ang bumabalot sa kwarto. Nilibot ang paningin ko sa paligid at napagtanto na hindi pamilyar ang lugar. Malaki ang kwarto. Kulay puti rin ang ding ding at may nakasabit na iba’t ibang magagandang artworks. May malaking flat screen tv sa harap ko at may malaking built in aparador. May sofa rin sa gilid ay may study table, maraming librong nasa magandang lagayan ng shelves at may magandang carpet sa ibaba.Ngayon ko lang din napagtanto na natutulog ako sa isang sobrang laking kama, sa tingin ko kasya ang limang tao dito.Hindi ito ang inaasahan ko. Sa totoo lang, akala ko hindi na ako aabot ng umaga. Kaagad nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy pagbaba ng kama. Napasadahan ko ang sarili ko sa salamin. Magulo ang buhok ko at mukhang masarap ang tulog, napansin ko rin na kung ano ang suot ko kagabi, ganon pa rin ang suot ko.“Nasaan ako?” tanong ko sa sari

  • Captured   Chapter 1

    Ethan I squinted my eyes as I watched her walk with that bastard. I clenched my jaw and tilted my head while trying to watch her closely. My eyes went to her long shiny hair down to her body. My lips parted when I noticed the curve on their right places.Goddamn. When the time is right I’m gonna put my hands all over that tiny little body and make her mine, her legs, her arms, her thighs, all of her. Madilim ang paligid, the only light that gives their way is the light bulb from the pole. And we are in the shadows, following them quietly. Hindi masyadong malayo sa kanila, just enough to see her clearly.Despite this heavily tinted window in my car, I can still see how those hips sway when she walks. The only thing that ruin the picture is her best friend beside her, that fucking bastard.She turn sideways, facing him, dahilan para masilayan ko ang mukha niya. Her eyes twinkled while talking, those brown doe eyes’ shining just like the stars. Her high pointed nose is very evident

  • Captured   Prologue

    EVE"Alam mo dapat talaga pinalaglag na kita dati palang, wala kang silbi dito Eve, wala!" Umagang umaga boses kaagad ng nanay ko ang bumungad sa 'kin. Hindi ako sumagot at tumayo nalang bago niligpit ang lumang banig na tinulugan ko.Medyo nasanay na ako. Labing siyam na taon kong naririnig sa labi niya iyan kaya wala nang bago sa akin. "Alam mo mag-asawa ka na lang ng mayaman para maiahon mo kami ng kapatid mo sa hirap."Lumaki kaming walang tatay. Sinabi ni mama na namatay na daw ito at kada itatanong ko kung bakit, nagagalit siya.Hindi ako sumagot at nagpunta na lang sa kusina upang ipagtimpla sila ng kape. Iyon ang unang trabaho ko ngayong araw."At dahil tinanghali ka ng gising, kunin mo sa kabilang kanto ang pinapalabhan na damit ni Aling Sabel,"Napalingon ako sa kanilang dalawa nang sabihin niya iyon.Si mama ay nakaupo sa monobloc habang naka-taas ang isang paa. Kulot ang maikli niyang buhok, payat ito dahil dalawang beses lang kami kung kumain sa isang araw. Pero kahit

DMCA.com Protection Status