Home / Romance / Captured / Prologue

Share

Captured
Captured
Author: JanuaryR

Prologue

Author: JanuaryR
last update Huling Na-update: 2024-01-05 15:15:47

EVE

"Alam mo dapat talaga pinalaglag na kita dati palang, wala kang silbi dito Eve, wala!"

Umagang umaga boses kaagad ng nanay ko ang bumungad sa 'kin.

Hindi ako sumagot at tumayo nalang bago niligpit ang lumang banig na tinulugan ko.

Medyo nasanay na ako. Labing siyam na taon kong naririnig sa labi niya iyan kaya wala nang bago sa akin.

"Alam mo mag-asawa ka na lang ng mayaman para maiahon mo kami ng kapatid mo sa hirap."

Lumaki kaming walang tatay. Sinabi ni mama na namatay na daw ito at kada itatanong ko kung bakit, nagagalit siya.

Hindi ako sumagot at nagpunta na lang sa kusina upang ipagtimpla sila ng kape. Iyon ang unang trabaho ko ngayong araw.

"At dahil tinanghali ka ng gising, kunin mo sa kabilang kanto ang pinapalabhan na damit ni Aling Sabel,"

Napalingon ako sa kanilang dalawa nang sabihin niya iyon.

Si mama ay nakaupo sa monobloc habang naka-taas ang isang paa. Kulot ang maikli niyang buhok, payat ito dahil dalawang beses lang kami kung kumain sa isang araw. Pero kahit na ganon, makikita mo sa mukha niya ang pagiging sopistikada, may lahi kasi kaming espanyol.

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?"

Dumako naman ang tingin ko kay Ally na ngayon ay nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

Hindi kami magkamukha sa totoo lang. Manipis ang kilay niya at may bilugang mata, matangos ang ilong niya at may bow shaped lips. Morena rin siya, sila, hindi katulad kong maputi.

"Hindi ko po kayang buhatin ang tatlong batya mama," mahina kong sabi.

Tumalim ang tingin niya sa akin. Sakto namang ilalapag ko ang kape nila sa mesa, kaya kahit na nanginginig ang kamay ko, sinubukan ko itong hindi matapon. She gritted his teeth at umayos ng upo.

"Edi alamin mo kung paano" sarkastiko ang sagot niya.

Nag-iwas ako nang tingin nang makaramdaman ng hiya. Tumalikod na ako at bumalik na sa kusina.

"Patulong ka sa mga lalaki mo sa labas tutal malandi ka naman."

Hindi ako sumagot nang marinig ang hirit ni Ally, lumabas na lang ako para sundin ang inutos ni mama.

Walang trabaho si mama pero tumatanggap siya ng labahan na ako lang din naman ang naglalaba habang sila ay nagtitinda.

"Saan ka pupunta?" lumingon ako nang marinig ng pamilyar na boses.

Nakasuot siya ng itim na t-shirt at summer short, magulo ang buhok niya at mukhang kagigising lang.

Nginitian ko siya bago nagpatuloy sa paglalakad. "Maglalaba," maikling sagot ko.

"Samahan na kita," sabi niya habang sinasabayan ako maglakad.

"Math," I said softly and turned sideways to face him. "huwag na"

Nalukot ang mukha niya at ngumuso.

"Wala ka nang magagawa," mabilis na sabi niya at inakbayan.

Nagpakawala ako ng mahinang tawa at nagpatianod na lang sa lakad niya.

He has been my best friend for my whole life. I know him, hindi siya magpapatalo pagdating sa mga ganitong bagay.

I remember one time,noong nasa high school kami, sinabi ko sa kanya na huwag nang patulan ang mga babaeng nambubully sakin pero hindi siya nakinig at pinagtanggol pa rin ako.

Mabuti nalang at mabait si Aling Sabel at pinayagan kaming maglaba sa kanila. Hindi ko na inuwi para makatipid sa oras, ngunit kahit na ganon, kahit kasama ko na si Matt, inabot pa rin kami ng gabi.

“Gusto mong kumain sa labas?” tanong niya habang naglalakad kami pauwi.

Wala nang tao sa labas. Tanging ilaw na nanggagaling sa mga poste na nadadaanan namin ang nagsisilbing liwanag sa daan namin.

Umiling ako bilang pagsagot.

Kailangan ko kasing ibigay ang perang kinita ko kay mama. Hindi ako pwedeng gumastos. Madalas niya akong sinasamahang maglaba, pero ayaw naman niyang tanggapin kapag ang kalahati ng kinita namin.

“Huwag ka nang tumanggi, alam kong wala ka pang kinakain ngayong araw maliban sa tinapay na binigay ni Aling Mari sa ‘tin”

Tama siya pero hindi ako sumagot. Ayokong kaawaan niya ako.

Nawala ang atensyon ko sa daan nang may pumaradang itim na van sa gilid namin. Dahil naglalakad kami sa gilid ng daan, lumingon ako at hinarap iyon, hinihintay na umalis upang makatawid kami.

Bumukas iyon at tatlong naka itim na bonet mask ang lumabas ng sasakyan.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang mabilis akong hinawakan ng isang lalaki sa braso. My mouth went hanging habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko siya makilala dahil mata lang ang nakikita sa mukha niya. I knew from that moment what was gonna happen.

I started to pull my weight when he started to drag me into their van. While I heard Matt on the other side, screaming.

“Sino kayo? Saan niyo siya dadalhin?” nagpapanic na tanong niya.

I saw him just standing there habang ang dalawang lalaki ay nasa harap niya at naka obserba lang sa kanya, not doing anything.

“Tulong!” I screamed as the guy continued to pull me into coming in their van.

Mabilis akong tumakbo palayo doon. Lumingon ako at nakita si Matt na tumatakbo rin habang nasa likod niya ang tatlong lalaki. Tears started to pool my eyes that caused my vision to blurred.

I trip on something na dahilan nang pagbagsak ko. Napadaing ako nang maramdaman ang sakit sa tuhod ko, dahil naka suot lang ako ng short, nagkasugat ang tuhod ko.

Nakita kong tumatakbo si Matt papunta sa akin,

“Okay ka lang?” he asked at lumuhod para pantayan ako.

He wrapped my hand on his shoulder and placed his hand on my waist to help me get up. He is breathing heavily and beads of his sweat are starting to fall on the ground.

We stop walking nang ang itim na van kanina ay pumarada sa harap namin. We looked at each other, we are both panting, naramdaman ko na rin ang nanghihina kong tuhod dahil sa pagtakbo at sugat na parang gusto na nitong bumigay.

He tilted his head as a sign of defeat. Lumunok ako. Ang mga naghahabol sa ‘min kanina ay nasa harapan na namin.

“When i say go, run as fast as you can, huwag kang lilingon, huwag kang papahuli” bulong niya sa akin.

My heart thundered, “ha? Anong gagawin mo?” pabalik kong tanong sa kanya.

Hinawakan ko siya nang mahigpit and prayed na sana mali ang iniisip ko.

“Go!” sigaw niya sa akin.

Nilayo ako ang sarili ko sa kanya at tumalikod as I saw him punch one of the guys.

I started to run but as soon as I heard his struggling voice and his scream because of pain my legs turned into jelly. Guilt started to eat me and I feel responsible for him. I turn around and run towards him. Tinakpan ko ang bibig ko nang makitang nakahiga siya sa kalsada habang ang tatlong lalaki ay nakapalibot sa kaniya at pinapaulanan siya ng suntok.

Nanlaki ang mata ko nang maglabas ng baril ang isang lalaki at itinutok ito sa kaniya kaya mabilis akong humarang doon.

“Huwag!” I shouted as I covered him with my body.

I raised my shaking hand as a sign of defeat and looked at the guys. I started to cry, lots of emotion is in my heart right now. Pain, terrified, confused, I have a lot of questions right now, and at some point, I am slowly accepting my end here.

Tinignan ko si Math na ngayon ay puro dugo na ang mukha at halos hindi an maidilat ang isang mata.

“Sorry,” I whispered to him as I started to help him to sit down.

Kahit nakatutok pa rin sa amin ang baril, naglakas loob pa rin akong magsalita. “Anong gusto niyo?” pagbalik tingin ko sa mga lalaki.

“Sumama ka sa ‘min,” he said in monotone.

Mababa ang boses nito at malaki, at malaki rin ang katawan nilang lahat, halatang halata mo na sanay sa mga ganitong trabaho.

Nagawi ang paningin namin sa direksyon kung saan kami nakarinig ng malakas na sigaw. Isang babae ang nakatayo malapit sa poste, nakatulala ito habang naka nakatingin sa amin.

Bumalik ang tingin ko sa harap nang maramamdaman ang paggalaw ni Matt at sa isang iglap, hawak na niya ang baril at nakatutok na ito sa mga lalaki.

Pag asa ang bumuhay sa loob nang makitang nag-taas ng kamay ang mga lalaki, tumayo kami. “Sino kayong mga tarantado kayo?” makikita mo ang pagtitimpi sa boses ni Matt.

Ngunit hindi sumagot ang mga lalaki at tumingin lang sa isa’t isa.

Napasigaw ako nang iputok ni matt and baril sa balikat ng isang lalaki dahilan para mapaupo ito.

Blood started to flow into his shoulder. I look at Matt in horror. My hands started to tremble as I reached Matt’s hands.

“Math,” tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinapakinggan.

Tinutok niya ang baril sa isang lalaki at tinignan ito ng masama.

“Uulitin ko, sino kayo?” mas madiin ang pagkakasabi niya sa puntong iyon.

Nang hindi sila sumagot ay pinaputukan niya ito sa tuhod.

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko nang makakita ng pag-agos na dugo. Tinignan ko si matt, para bang nasa ibang katauhan siya, sa paraan ng paghawak niya ng baril, mukhang bihasang bihasa siya rito.

Sinunod naman niyang itututok iyon sa pangatlong lalaki. Ngunit kaagad nag iba iyon nang bumukas ang pintuan ng puting van at lumabas ang isang lalaki.

Parang may kung anong itim na aura ang pumapalibot sa kaniya at nahinto ako. Hindi siya naka suot ng bonet mask katulad nila. Sa halip, nakasuot ito ng suit, black suit.

Sa tingin ko nasa thirties na ito. Kapansin pansin ang kulay itim niyang mga mata, makapal din ang kilay niya at may matangos na ilong, at magandang hugis ng labi. His hair is perfectly gelled at mukhang kakagaling lang nito sa trabaho. Pinasadahan niya ako ng tingin bago ipinako ang kay matt.

Mabilis niyang kinuha ang baril sa bulsa niya at pinaputukan sya sa kamay dahilan para mabitawan niya ang baril.

Math screamed in pain and was visible in his face. I stepped forward para lapitan siya when a large hand encircled around my waist and pulled me.

“Bitawan mo ‘ko, bitawan mo ‘ko!” I said and screamed.

Sinubukan kong magpumiglas ngunit masyadong siyang malakas at parang hindi naman siya nasasaktan sa mga padyak ko.

Walang kahirap hirap niya akong pinasok sa van, kasabay ng pagpasok niya. Umusog ako sa pinakadulo ng upuan dahil sa takot.

Tumagos ang tingin ko sa likod niya at nakita ang bigong mukha ni Matt habang naka alis sa papaalis naming sasakyan.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya at lumunok. “Sino ka?” tanong ko sa kaniya at mahigpit na humawak sa sandalan ng upuan.

Pero hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin na para bang isa akong litrato at sinusuri niya ang bawat detalye.

Nang mapagtanto na wala akong mapapala sa kaniya, tumalikod ako at sinubukang buksan ang pinto ngunit ayaw mabuksan ito.

“Tulog, tulong!” malakas na sigaw ko kahit na alam kong imposibleng may makarinig sa akin.

Nang maramdaman ang paglapit niya mas binilisan ko ang paggalaw. Tears started to run down my cheek.

“Sorry,” napapaos niyang sabi.

Hindi ko ito pinansin, hanggang sa naramdaman ko ang konting sakit sa braso ko dahilan para mapahinto ako sa pagbubukas ng pinto.

My world started to spin around, I am started to get dizzy, naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko.

Tumingin ako sa itaas kasabay ng pagbagsak ko sa kung saan.

Kahit na nanlalabo na ang paningin ko, I still saw his soft gaze on me before I pass out.

Kaugnay na kabanata

  • Captured   Chapter 1

    Ethan I squinted my eyes as I watched her walk with that bastard. I clenched my jaw and tilted my head while trying to watch her closely. My eyes went to her long shiny hair down to her body. My lips parted when I noticed the curve on their right places.Goddamn. When the time is right I’m gonna put my hands all over that tiny little body and make her mine, her legs, her arms, her thighs, all of her. Madilim ang paligid, the only light that gives their way is the light bulb from the pole. And we are in the shadows, following them quietly. Hindi masyadong malayo sa kanila, just enough to see her clearly.Despite this heavily tinted window in my car, I can still see how those hips sway when she walks. The only thing that ruin the picture is her best friend beside her, that fucking bastard.She turn sideways, facing him, dahilan para masilayan ko ang mukha niya. Her eyes twinkled while talking, those brown doe eyes’ shining just like the stars. Her high pointed nose is very evident

    Huling Na-update : 2024-01-05
  • Captured   Chapter 2

    EVEPuting kisame agad ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mata ko. Tahimik ang paligid, tanging ingay lang na nanggagaling sa aircon ang bumabalot sa kwarto. Nilibot ang paningin ko sa paligid at napagtanto na hindi pamilyar ang lugar. Malaki ang kwarto. Kulay puti rin ang ding ding at may nakasabit na iba’t ibang magagandang artworks. May malaking flat screen tv sa harap ko at may malaking built in aparador. May sofa rin sa gilid ay may study table, maraming librong nasa magandang lagayan ng shelves at may magandang carpet sa ibaba.Ngayon ko lang din napagtanto na natutulog ako sa isang sobrang laking kama, sa tingin ko kasya ang limang tao dito.Hindi ito ang inaasahan ko. Sa totoo lang, akala ko hindi na ako aabot ng umaga. Kaagad nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy pagbaba ng kama. Napasadahan ko ang sarili ko sa salamin. Magulo ang buhok ko at mukhang masarap ang tulog, napansin ko rin na kung ano ang suot ko kagabi, ganon pa rin ang suot ko.“Nasaan ako?” tanong ko sa sari

    Huling Na-update : 2024-01-05

Pinakabagong kabanata

  • Captured   Chapter 2

    EVEPuting kisame agad ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mata ko. Tahimik ang paligid, tanging ingay lang na nanggagaling sa aircon ang bumabalot sa kwarto. Nilibot ang paningin ko sa paligid at napagtanto na hindi pamilyar ang lugar. Malaki ang kwarto. Kulay puti rin ang ding ding at may nakasabit na iba’t ibang magagandang artworks. May malaking flat screen tv sa harap ko at may malaking built in aparador. May sofa rin sa gilid ay may study table, maraming librong nasa magandang lagayan ng shelves at may magandang carpet sa ibaba.Ngayon ko lang din napagtanto na natutulog ako sa isang sobrang laking kama, sa tingin ko kasya ang limang tao dito.Hindi ito ang inaasahan ko. Sa totoo lang, akala ko hindi na ako aabot ng umaga. Kaagad nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy pagbaba ng kama. Napasadahan ko ang sarili ko sa salamin. Magulo ang buhok ko at mukhang masarap ang tulog, napansin ko rin na kung ano ang suot ko kagabi, ganon pa rin ang suot ko.“Nasaan ako?” tanong ko sa sari

  • Captured   Chapter 1

    Ethan I squinted my eyes as I watched her walk with that bastard. I clenched my jaw and tilted my head while trying to watch her closely. My eyes went to her long shiny hair down to her body. My lips parted when I noticed the curve on their right places.Goddamn. When the time is right I’m gonna put my hands all over that tiny little body and make her mine, her legs, her arms, her thighs, all of her. Madilim ang paligid, the only light that gives their way is the light bulb from the pole. And we are in the shadows, following them quietly. Hindi masyadong malayo sa kanila, just enough to see her clearly.Despite this heavily tinted window in my car, I can still see how those hips sway when she walks. The only thing that ruin the picture is her best friend beside her, that fucking bastard.She turn sideways, facing him, dahilan para masilayan ko ang mukha niya. Her eyes twinkled while talking, those brown doe eyes’ shining just like the stars. Her high pointed nose is very evident

  • Captured   Prologue

    EVE"Alam mo dapat talaga pinalaglag na kita dati palang, wala kang silbi dito Eve, wala!" Umagang umaga boses kaagad ng nanay ko ang bumungad sa 'kin. Hindi ako sumagot at tumayo nalang bago niligpit ang lumang banig na tinulugan ko.Medyo nasanay na ako. Labing siyam na taon kong naririnig sa labi niya iyan kaya wala nang bago sa akin. "Alam mo mag-asawa ka na lang ng mayaman para maiahon mo kami ng kapatid mo sa hirap."Lumaki kaming walang tatay. Sinabi ni mama na namatay na daw ito at kada itatanong ko kung bakit, nagagalit siya.Hindi ako sumagot at nagpunta na lang sa kusina upang ipagtimpla sila ng kape. Iyon ang unang trabaho ko ngayong araw."At dahil tinanghali ka ng gising, kunin mo sa kabilang kanto ang pinapalabhan na damit ni Aling Sabel,"Napalingon ako sa kanilang dalawa nang sabihin niya iyon.Si mama ay nakaupo sa monobloc habang naka-taas ang isang paa. Kulot ang maikli niyang buhok, payat ito dahil dalawang beses lang kami kung kumain sa isang araw. Pero kahit

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status