Share

Can I be Him?
Can I be Him?
Author: Raeliana

Prologue

Author: Raeliana
last update Last Updated: 2021-05-05 13:40:35

PROLOGUE

GRADE NINE lamang noon si Lyle nang una niyang maranasan ang laitin at pagkatuwaan dahil sa pagiging iba niya sa karamihan ng kalalakihan. Ito ang unang beses na pakiramdam niya, inabandona siya ng Diyos at biglang itinapon sa kung saan. Inilugmok sa kalungkutan at kailangang mamuhay sa bangungot.

“Bakla! Bakla! Bakla!” Ito ang madalas na gamiting panlait sa kanya ng mga kaklase niyang lalaki. Madalas siyang palibutan ng mga ito, itulak-tulak na para bang isa siyang laruan, walang pakialam kung nasasaktan ba siya o hindi.

Nakapinta sa itsura ng mga ito ang pagkadisgusto. Ang mga ngiting naglalaro sa labi nila, madilim at hindi kaaya-aya. Katunayan, matapos siyang hawakan e halos maghugas pa ng mga kamay kaya bumabawi sa lakas ng panunulak sa kanya. Sa kabila noon, mukhang aliw na aliw silang kastiguhin siya.

Kung magiging totoo lang siya sa sarili, aaminin niyang nakakarindi ang paulit-ulit na panlalait nila sa kanya. Kung pupwede lang, mas gugustuhin nalang ni Lyle na mabingi hanggang sa matapos ang pang-iinsulto ng mga ito ukol sa sekswalidad niya.

Lalo na at hindi niya masikmura kung gaano ka-mapanghusga ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kung gaano katindi straight syndrome ng mga kapwa niyang lalaki. Napaka-toxic pero hindi siya makapalag. Hindi niya kaya. Mag-isa lang siya.

“Nakakasuka ka! Da’t 'di ka na ipinanganak, ipinunas nalang sana sa kumot ninyo!”

“Bakla ka? Bakla ka?! Pwe, ang mga baklang tulad mo, kanser sa lipunan!”

“Wala kang kwenta! Nakakahiya ka, bakla!”

“News flash sa ‘yo, Lyle. Wala kang mararating sa buhay dahil bakla ka!”

Iilan lang ito sa mga naririnig niya mula sa mga bibig nila kanina pa. At hindi niya maiwasang magalit, hindi sa kanila kung hindi sa sarili niya.

Katulad naman siya ng mga ito. Hilig din ang pagba-basketball at iba pang sports. Pero bakit iyong makuha na magkagusto sa babae, hindi niya magawang pagsikapan na magustuhan? Bakit kahit na anong pilit niya, nagigising pa rin siya sa katotohanang kapwa niya ang nagugustuhan niya?

Sa kabila ng malalim niyang mga iniisip, natahimik ang buong paligid nang ipasa si Lyle sa isa pang kasama ng mga ito. Nang mag-angat siya ng tingin, namutla siya nang makita niya ang pinaka matalik niyang kaibigan na disgutadong nakatitig sa kanya.

“Magkasama pa naman tayo mula noong first year high school tayo,” panimula nito bago siya malakas na itinulak hanggang sa mapaupo siya sa semento, “pero pucha! Pakiramdam ko pinagnasaan mo lang ako!”

Doon nagsimulang masira ang mundo ni Lyle. Hindi lamang kung sinu-sino ang humusga sa kanya, maging ang taong pinagkatiwalaan niya ng husto; iniwan siya dahil sa sekswalidad niya.

Tunay ngang dapat, hindi muna siya naglabas ng kahit ano ukol sa pagiging iba niya. Nakakapangsisi. Nasira ang buhay niya. Lalo na nang malamang kung sino ang itinuring niyang pangalawang pamilya ang tatrayidor at iiwan sa kanya.

“Ang sabi nila, tanggap nila maging sinuman ako. Pero sa huli, naging laughing stock lang din ako.”

Gusto niyang matawa na lang sa buhay niya. Hindi na siya makapaglalaro pa ng basketball ng maayos nang relaxed dahil hindi na siya welcome pa sa team. Kahit na buksan ng coach nila ang pinto para sa talento niya, sigurado siyang iba na ang trato ng mga ka-team niya sa kanya ngayon.

Hindi na rin siya makakain sa canteen katulad ng dati dahil sa tuwing nakikita siya ng dati niyang barkada, pinagkakatuwaan siya ng mga ito. Mas lalong hindi na siya makapag-focus sa pag-aaral dahil panay pa rin ang panggugulo nila.

Ang mas masakit, walang sumusuway o pumupuna sa ginagawa nila. Sa halip sinasabayan pa ng iba, lalo na ng mga guro niya ang pang-iinsulto sa kanya noong kumpirmahin niyang totoo ang sinasabi nila.

“Kegwapo mo pa namang bata, ketalino mo rin tapos ganyan ka? Sayang ka, Villariza,” gatong ng guro nila sa biology. Madalas, pinagti-trip-an pa siya at ginagamit na halimbawa sa hindi nakakat’wang kalokohan.

Tama bang gawing basehan ang sekswalidad sa antas ng katalinuhan at dami ng matututunan niya? Hindi. Sadyang mapanghusga lang silang lahat. Pilit na nililimitahan ang kakayahan niya.

At pagod na siyang harapin sila araw-araw.

“Ang hirap humanap ng makakainan,” bulong niya sa sarili habang naglalakad palibot sa eskwelahan.

Dahil hindi na siya pwedeng kumain sa canteen, naging nomad si Lyle t’wing lunch break. Pumupunta sa kung saan tahimik upang maiwasan ang gulo.

Natigilan siya sa paglalakad sa kalagitnaan ng tumitirik na sinag ng araw nang makita ang gate ng math garden na bukas. Alam niya, ayos lang kumain doon basta hindi magkakalat. Madalang ding may napapadpad doon dahil ang canteen, classrooms, at covered court ang pinakamabentang spot tuwing lunch break.

“Doon nalang,” aniya saka tumungo sa hardin.

Nang makalapit si Lyle sa math garden, tinignan niya ang buong kapaligiran. Noong makumpirmang coast is clear, mabilis siyang humakbang papasok. Ngunit ang inaakala niyang hagdan, biglang nagsalita!

“Ow, ow! Masakit! Dapat mo ba talaga akong apakan, Zamiel?”

Binilisan niya ang paghakbang papasok sa hardin nang makarinig ng isang hindi pamilyar na boses. At oo! Hinakbangan talaga niya iyong estranghero dahil sayang ang effort niya kung babalik pa siya sa labas, ano!

Nagsisimula nang mataranta si Lyle, iniisip na dahil masyado siyang okupado sa pag-iisip tungkol sa mga nantitrip sa kanya, hindi na niya nabigyang pansin pa ang daraanan. Pero bakit ba kasi sa lahat ng lugar sa buong eskwelahan, pinili nitong mag-disguise na step sa math garden?!

“Sorry, ‘di ko sinasadya!” Natataranta niyang sabi.

‘Bakit ba kasi rito ka humiga?!’ Gusto niyang idagdag iyan kaso hindi na niya nasabi pa. Naunahan siya ng pagkatarantang baka nakasakit siya. Kung mababalian pa ng likod itong naapakan niya, sagot pa niya!

Mukhang maling desisyon tuloy na dito kumain dahil hindi pa man siya nakakapagsimula, minalas na agad siya.

Sa kabila ng pagkataranta niya, nanatiling nakahiga ang misteryosong lalaki sa semento kahit na ang init. Lihim na siyang napapadasal, sana ayos lang ito!

“Ayos ka lang ba? Sorry, ‘di ko talaga napansin na may tao pala rito!” Aniya.

Imbes na pansinin siya, inabot ng binata ang likuran at hinagod iyon bago bumangon. Mukhang nasaktan nga! Sa bigat ba naman niya, e. Kung magagalit ito, ayos lang dahil kasalanan din niya!

“Ayos lang.” Nilingon siya ng binata bago at ngumuso. “I’m sorry. May tinataguan kasi ako.”

Imbes na sagutin ito, tila tumigil ang mundo ni Lyle nang magtama ang mga mata nila. Nahigit ang hininga niya at naramdaman ang pusong maghumerantado sa dibdib. Hindi maintindihan ni Lyle kung ano ba ang lohikal na eksplanasyon sa atraksyong nararamdaman niya, pero nandiyan na.

“Are you okay?” Tanong nito nang mapansing natulala siya. Ikinaway nito ang kamay sa harapan niya, pero wala pa rin siyang kibo.

Ano nga bang dahilan kung bakit ni isa, wala siyang maiproseso sa mga nangyayari? Kung bakit wala siyang makapa na sabihin at nananatili siya na tulala rito?

It may be because of his silky raven hair that glimmers beautifully when the sun touches its strands. Those captivating brown irides, tan skin tone, tall nose, thin lips, sharp jaw, or maybe his body which is slightly bigger and refined than his. Maybe it is how their uniform suited him too well, who knows?

He was all about that. Ngunit ang totoo, hindi ang pisikal nitong anyo ang dahilan kung bakit ganito ang reaksyon ni Lyle sa binatang kaharap. Naroon iyon sa isip niyang mukhang prinedikta na malaki ang magiging papel nito sa buhay niya.

*

“Eh, so you’re eating here alone because your ex friends kept on bullying you? That’s very rude of them,” komento ni Ridge habang kumakain at nakikinig sa kwento niya, “there’s nothing wrong with being gay. It doesn’t make you less of a human nor it disables you from achieving things.”

Lyle does not know why he told Ridge what was happening with his life but he felt the urge to do so after they got along earlier. Maybe because he does not have friends anymore or because he feels comfortable with Ridge—whichever reason it might be, he already stopped caring.

“Hanep naman ‘yong mga teacher natin at mga dati mong kaibigan,” dagdag nito at tumusok ng siomai na baon niya.

Namamangha niya itong pinagmasdan. Hindi dahil gusto niya ang sinabi nito kung hindi dahil nakuhang umisa pa sa ulam niya. Binigyan niya, e. Nagugutom na raw kasi ito at dahil uhaw din sa tao si Lyle, hinayaan niya itong samahan at saluhan siya sa pagkain.

“Mabuti na lang ‘di mo na sila kaibigan.” Bumuntong hininga ito bago humikab. “‘Di mo kailangan ng mga kabarkadang huhusgahan ka.”

“Totoo ‘yan. Mabuti pala, ganyan ka?” Pag-uusisa niya.

“Dahil ‘di naman lahat e nanghuhusga sa mga katulad mo,” paliwanag nito.

Bakit ngayon niya lang nakilala si Ridge? Iba ito sa mga dating kaibigan. Mas malawak ang isip nito at bukas sa mga posibilidad na nasa harap niya. Most importantly, he makes Lyle feel safe and accepted.

“Oh, and my brother is gay too and he disses everyone who discriminates him. He introduced me to lgbtq. So, yeah. I want you to know that I accept you, even if I’m nobody,” dagdag nito.

At first, he was just amazed of how Ridge accepted his brother’s sexuality. He was just also mesmerized that he cheered him up. Then again, he cannot help it but to get emotional. Lyle’s chest felt tight upon hearing what Ridge told him just now.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at dama niya ang panunubig ng mga mata. Kahit estranghero lamang si Ridge, natutuwa siyang mayroong tumanggap sa kanya. Nakakatawa. Kung sino talaga iyong hindi mo lubusang kilala, sila pa iyong mas kaya kang pakinggan at pasiyahin, ano?

“O, ‘wag kang iiyak, pahingi na lang ng siomai,” anito sa kalagitnaan ng pagmo-moment niya.

Hindi naiwasan ni Lyle ang mapahalakhak bago niya itinulak ang baunan sa binata. Pinunasan niya rin ang luhang pumuslit mula sa mata niya.

“Ayan, kumuha ka pa. Bumait ako lalo, pinasaya mo kasi ako,” aniya.

“Naks. Sana kunin ka na ni Lord, Lyle.”

Napamaang siya sa hirit nito. “Hoy, ‘wag namang gano’n! Masaya pa lang ako, tapos gusto mo na ‘kong mamatay?”

“Ay.” Mahinang humalakhak si Ridge at umiling. “Joke lang. ‘Di ka mabiro, syempre ‘di ka pa pwedeng kunin ni Lord.”

Nang ngisian siya ni Ridge, lumawak din ang pagkakangiti niya. Hindi na talaga kumalma noon ang puso niya. Ngunit ngayon, naninikip na rin hindi dahil sa kalungkutan kung hindi dala ng saya.

“So, it’s not too late for me, right?”

Nag-angat ng mga kilay si Ridge. “For what? If you’re talking about afternoon classes, it’s still thirty minutes away.”

“No, not that.” Natawa at napailing na lamang siya. “I’m talking about recouping myself.”

“Huh, what made you think that it’s already too late?”

Matapos nitong sumagot, napagtanto ni Lyle na tama ito. Ngunit kasabay noon, umahon ito mula sa pagkakaupo at nagsimulang mag-inat. Samantalang siya, namamangha lamang na pinanood ang binata.

“Thank you… for listening to me,” he trailed off.

Naguguluhan siyang pinagmasdan ni Ridge. “What are you saying? Ako nga dapat ang magpasalamat dahil pinakain mo ‘ko kahit ‘di tayo magkakilala. I call it quits.”

It is a shame that his smile could not grow any wider. Gusto pa sana niyang ipakita kay Ridge ang tuwang nadarama matapos siyang pasiyahin nito, e. Kaso, may limit din ang katawan ng tao.

Nagtaka siya noong mapansing naglalakad na paalis ang binata.

“Saan ka pupunta?” Tanong niya.

Ngumiti ito at may itinuro. “Nariyan na sundo ko. Salamat sa pagkain, ang sarap ng baon mo. Sa uulitin.”

Dahan-dahan niyang sinundan ng tingin ang itinuturo nito at nakita ang isang lalaki na naglalakad tungo sa direksyon nilang dalawa. Mas matangkad kay Ridge at nakasuot ng kapareho nilang uniporme. Nakabusangot at ang paningin, kay Ridge lamang nakapukol.

“Basta iyong sinabi ko Lyle.” Agaw nito sa atensyon niya, dahilan para mapamaang siya. “You’re too cute to get sad after losing some pricks. Hayaan mo na sila. You deserve better. Bye!”

Matapos magpaalam, lakad takbo itong umalis mula sa harapan niya para lapitan ang kaibigan. Sa kabila ng distansyang naghihiwalay sa kanila, nanatili ang mga mata ni Lyle sa pigura ng binata. Doon sa malayo, pinagmamasdan ito. Nilulunod ang sarili sa pag-asang magkukrus pang muli ang mga landas nila.

Nakakamangha. Lalo na at sa maiksing panahong nakasama niya si Ridge, natutunan ni Lyle ang magmahal.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kkk
wala poba tong part 2
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Can I be Him?   Chapter 1.1

    Chapter 1.1ILANG taon din ang lumipas mula noong makilala ni Lyle si Ridge at matanto niya ang nararamdaman para sa binata. Hanggang ngayon, natutuwa pa rin siyang isipin na ito ang pinakaunang tumanggap sa buong pagkatao ni Lyle. Maliit na bagay para sa iba pero ang laki ng epekto noon sa kanya.Ito ang naging dahilan kung bakit hindi siya sumuko sa kabila ng mga naranasan. Kung bakit hindi na siya nanghihina sa kabila ng mga insultong natatanggap mula sa mga taong tunay na makikitid ang utak.Ito ang unang lalaking minahal ni Lyle ng buong-buo. Ang naging mundo, pag-asa, inspirasyon, at ang nagtulak sa kanya upang makamit kung sinuman siya ngayon.Hindi niya masukat ang pagmamahal para sa binata. Ngunit kasabay ng paglago ng nararamdaman niya para rito ay ang katotohanang sumasampal sa kanya—hindi ito magiging kanya kailanman.*Humugot ng malalim na hininga si Lyle bago napahilamos ng mukha at napasabunot sa sariling buhok. Napapikit siya bago

    Last Updated : 2021-05-05
  • Can I be Him?   Chapter 1.2

    CHAPTER 1.2ILANG araw na ang lumipas mula nang mag-text si Lyle sa manager ni Ridge. Ang buong akala niya, pahiwatig iyong rejected pala ang e-mail niya at mayroon nang ibang nakakuha kay Ridge na magmodelo. Susuko na sana siya, nawawalan na ng pag-asang makikita si Ridge sa damit na idinisenyo niya…Ngunit alam ng kalawakan kung paano siya pasisiyahin! Tipong hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala na pagbukas niya ng e-mail niya, bumungad sa kanya ang reply ng manager ni Ridge! Pakiramdam niya, para siyang nagising ngunit nananaginip pa rin. Para siyang lumulutang sa sayang hatid ng mensahe nito sa kanya.Halos kararating niya lamang noon sa opisina at balak lamang na tignan ang iilang sale invitations. Matapos iyon, pupuntahan niya ang mga kasama para sa daily routine niyang mag-check ng progress sa mga ginagawa ng mga ito.Then again, when he thought that this day would be just like the others, he noticed something!Hindi nga niya iyon inaasahan d

    Last Updated : 2021-05-05
  • Can I be Him?   Chapter 1.3

    CHAPTER 1.3NOONG nakarating na ito sa harapan ng counter, hindi siya kaagad pinansin ng may-ari ng café at mukhang hindi rin nito napansin ang presensya niya. Lalo na at kapansin-pansing nakatuon lamang ang mga mata nito sa binatang katabi ni Lyle.“Utang ‘to, Zach! Nambuburaot ka na naman e,” natatawang anito sa katabi niyang binata, “ang lakas mong mangutang, ano! Parang wala kang sariling negosyo!”Inabot ng katabi niya ang iniaabot nitong strawberry latte, sinimsim din bago ito nagsalita. “Grabe naman! Buraot? Nagbabayad naman ako sa end of shift Nakalimutan ko lang talaga wallet ko sa opisina ko. Gian, mapanghusga!”“Laos na ‘yan. Hilig mo kayang mangutang dito.”“Hoy, ‘di naman! Slight lang.” Nag-peace sign ang kausap nito. “Inaano ka ba? Mahalaga, nagbabayad ako!”“‘Di ka naman nagbabayad, e. Binuburaot mo. Saka may restaurant ka naman pero nangungutang ka sa café ko?”“Pre, ‘di mo gets! Mas masarap kumain ‘pag 'di ikaw may-ari noong

    Last Updated : 2021-05-05
  • Can I be Him?   Chapter 2.1

    CHAPTER 2.1MULA noong mangyari ang wirdong engkwentro niya sa café, hindi makalimutan ni Lyle kung gaano siya naaliw kay Gian. He got his name after his friend, who was apparently watching Gian stutter and act clumsy, mentioned his name. Hindi na niya nakalimutan ang pangalan nito mula noon.However, despite Gian delivering him happiness, he is not really the highlight of Lyle’s day today.Ilang linggo na rin ang lumipas. Araw na ng hinihintay nilang fashion event. Pakiramdam niya, para siyang nananaginip ng gising. Animo’y hindi makatotohanan ang mga nangyayari sa kanya. Tila inaasar lang ng tadhana pero sa tuwing kumukurap siya, matatanto niyang totoo ang lahat.“Okay ka lang ba, Lyle?”Napapitlag siya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nanindig ang mga balahibo niya at hindi niya maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya nang rumehistro sa kanya ang nagma-may ari ng boses na kumausap sa kanya.Dahan-dahan siyang lumingon up

    Last Updated : 2021-05-06
  • Can I be Him?   Chapter 2.2

    CHAPTER 2.2NATIGILAN si Lyle at mabilis na nag-angat ng tingin kay Ridge. Hindi inaasahan ang tanong na maririnig mula sa mga labi nito. Iyon nga lang ay hindi ito nakatingin sa , marahil dala ng hiya. Sa halip, abala itong tapusing isuot ang susunod na damit na irarampa.Meanwhile, Lyle was at a loss of words. Anong sasabihin niya? Anong gustong marinig ni Ridge mula sa kanya? Hindi naman itatanggi ni Lyle na hindi lamang si Ridge ang lalaki sa buhay niya. Pero sa lahat ng ex niya, kahit hindi naging sila ng binata, ito talaga ang hinahanap hanap ng puso niya.“I mean, in an actual relationship, by the way,” dagdag ni Ridge na ikinagulo lalo ng isip niya.“Ah, eh...” Hindi niya alam kung ano ba ang tamang sabihin, wala naman siyang maitatanggi? “oo naman. Ba’t mo naitanong?”“Talaga? Anong pakiramdam?”Pinagpag ni Ridge ang suot bago nito ipinilig ang ulo paharap sa kanya. Nagtama ang m

    Last Updated : 2021-05-06
  • Can I be Him?   Chapter 3.1

    KABANATA 3.1NANG mag-aya siyang mag-order ulit, halos hindi maipinta ang naging itsura ni Keegan. Hindi niya tuloy naiwasan ang bahagyang matawa sapagkat ang asim nitong tignan. Animo’y mauubusan na ng pera sa isa pang dessert na bibilhin.“Itsura mo naman. ‘Kala ko ba, gusto mo pa ng isa pang macha cake?”Hindi napigilan ni Lyle na matawa nang umingos ang kaibigan. Lalong lumakas ang tawa niya noong tumalim ang mga tinging ibinabato sa kanya ni Keegan. Aliw na aliw siya, paano ba naman kasi e parang pangarap ni Keegan na ipatalsik siya.“Gusto ko nga pero mukha ba ‘kong singyaman mo, Villariza? Awit naman sa ‘yo!” Singhal nito ngunit kinukuha pa rin naman ang wallet mula sa sariling bulsa, “hoy, ‘di ba may lunch set? Magkano ‘yon? Nakakatakam tignan.”Halos hindi na makahinga si Lyle kakatawa nang magtanong pa ito tungkol sa lunch set. “Tignan mo ‘tong isang ‘to. Nagagalit kang inaaya kitang mag-order pero nagtatanong ka tungkol sa lunch set? ‘Yong to

    Last Updated : 2021-05-07
  • Can I be Him?   Chapter 3.2

    CHAPTER 3.2Kung hindi ba naman magulo ang set up nila. Magkakakrus ang mga magkakausap at bilang malalakas ang boses nila, dama ni Lyle na nakakaistorbo na sila ng ibang customer. Nevertheless, he cannot help it but to watch Gian chuckle nervously and scoot away from him. Gusto niya sanang sabihing ayos lang na mapalapit ang distansya nila ngunit mukhang hindi ito kumportable sa kanya.After he gave him coffee latte, though? No, kidding.Mukhang si Zamiel lang yata ang napagod sa set-up nila sapagkat napahilamos ito ng mukha, napailing, at saka marahas na bumuntong hininga.“Can’t we go yet? We’ve been standing here like idiots and Ridge, you’re disturbing customers,” tuluy-tuloy nitong sabi at saka sila tinapunan ng matalim na tingin.“Oh?” Pinasadahan ni Ridge ng tingin si Keegan at Lyle. “Upung-upo na yata ‘yong mahal na prinsipe, sa susunod na lang ulit. See you both, Corgi, Lyle.”Noong magpaalam si Ridge, sumunod si Gian ngunit tanging pagt

    Last Updated : 2021-05-07
  • Can I be Him?   Chapter 3.3

    CHAPTER 3.3Lumipas ang mga oras magkakasama silang tatlo. Hindi na rin niya napansin ang pag-alis nina Lyle at ng kaibigan nito ngunit… sino ba siya para alamin pa ang bagay na wala namang halaga sa kanya?Matapos nilang mag-bonding, nagpaalam na ang mga kaibigang aalis. Nag-aalala kasi si Zamiel nang magsabi si Ridge na inaantok na ito. Ayaw na ayaw pa naman ng binatang ganito si Ridge dahil halos kagagaling lang pala nito sa trabaho nang mag-ayang bisitahin siya.“I told you. I freaking told you that we should’ve saved this visit for tomorrow but you lack common sense. Bwisit,” panenermon ni Zamiel.Nakangiwi silang nakikinig ni Ridge dahil hindi na naman ito titigil na tumalak hanggang mamaya. Posibleng umabot pa nga kamo ng oras ang inis nito—sana na lamang e magaling manuyo si Ridge dahil paniguradong wantusawa itong makikinig sa bunganga ni Zamiel na takbo ng takbo.Dinaig na nito ang nanay ni Ridge! Ngunit ngayong inoobserbahan niya ang dalawa,

    Last Updated : 2021-05-28

Latest chapter

  • Can I be Him?   Epilogue

    EPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.

  • Can I be Him?   Chapter 30

    CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag

  • Can I be Him?   Chapter 29.2

    CHAPTER 29.2 OH God, what have they done? Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila! Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian. "Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse. Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila! Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m

  • Can I be Him?   Chapter 29.1

    CHAPTER 29.1 NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately. Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya. Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety. And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It st

  • Can I be Him?   Chapter 28.2

    CHAPTER 28.2 "YOU know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?" Ridge asked. Nanlalaki ang mga matang tumigil siya sa paghinga. Bagamat sandali lang, pakiramdam niya pa rin e nakalimutan niya kung paano bumawi. He also has a lot to say, but no words escaped his mouth after the sudden slap of reality he received. "I- I know…" mahinang aniya. Tumango si Ridge. "Then why tell me this? Kanina ko pa iniisip kung bakit, pero 'di ko pa rin malaman kung ano bang gusto mong makamtan sa ginagawa mo ngayon." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Closure lang, Ridge. Closure talaga ang gusto ko kaya kita inaya ngayon." Nang sabihin niya ang totoong pakay, si Ridge naman ang nawindang at nagulat. Ipinilig nito ang ulo ngunit kalaunan ay naghalumbaba. Isinasabalewala ang pamahiin at nais nalang na makinig sa dahilan niya. They never dated, yes, but Lyle thinks that his younger self deserved to have this closure to en

  • Can I be Him?   Chapter 28.1

    CHAPTER 28.1JUST as what Ridge promised him, he really made time for Lyle. Hindi niya iyon inaasahan dahil alam niyang abala si Ridge. Pero ang ayon sa binata, wala itong gagawin ngayon. Tinatamad din daw siyang bisitahin si Zamiel sa trabaho at nagsabi naman daw siya na importante ang pag-uusapan nila.He nearly choked at the "important conversation" term. Hindi naman talaga importante para kay Ridge na marinig ang gusto niyang sabihin. Kung tutuusin, pupwede nitong ipagsakibit balikat ang maririnig mula sa kanya. Natutuwa lang siya na bininyayahan siya nito ng kakarampot na oras at atensyon."So… what are we gonna talk about?" Tanong ni Ridge habang tinitignan ang menu ng korean restaurant na kinaroroonan nila.Nahirapang lumunok si Lyle nang maramdaman ang pagbara ng laway sa lalamunan niya. But in the long run, he still managed to choke out some words to reply."I&hell

  • Can I be Him?   Chapter 27.3

    CHAPTER 27.3 "ANG bilis ng meet and greet the parents stage niyo? 'Di naman kayo saka 'di ba? Si Ridge ang pinili mo," Keegan commented while sipping from his can of coke. Naniningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan, pero hindi ito pinatulan. Sa halip, ibinalik nalang ang mga mata sa nilalakaran. Lunes noon ng hapon nang mag-aya si Keegan na mag-SM daw sila sa San Fernando. Change of scenery dahil lumang-luma na ang SMC sa kanila. Paulit-ulit nalang ang nakikita nila at wala namang bagong stores na mabibisita. Pumayag din si Lyle dahil wala siyang ginagawa. Well, he is supposed to spend the afternoon with Gian but Keegan texted him to hang out. Hindi naman niya matanggihan ang kaibigan dahil matagal-tagal na rin mula noong huli silang magkausap at magkita. And alright, maybe this really a better thing because he and Gian did spend the rest of the day yesterday in his room.

  • Can I be Him?   Chapter 27.2

    CHAPTER 27.2 GIAN hates it here. In this place, in this luxurious restaurant rented by his batch mates with people he does not want to interact with. Gusto na niyang umuwi at maglaro ng video games. If not, he would rather spend the whole day talking to Lyle over the phone or surprising him with a visit - which, he is not sure if he can do since it may appear that he was intruding Lyle's privacy and day off. Nagsisisi siyang pumunta siya rito samantalang mas maraming paraan para sayangin ang araw. Pwede naman siyang magpaka-productive kaysa sa... "Uy Gian, balita namin, single ka pa rin?" Puna ng isa sa mga kaklase niya noong mapansin ang pananahimik niya. If he is not mistaken, his name is Kenneth? Nabitin mula sa pagsimsim ng tequila si Gian noong marinig ang pagpuna ito. Tapos, alanganin siyang tumawa. Ayaw niyang i-entertain ang tanong nitong si Kenneth. Ayaw niya kasing marinig kung anong susunod

  • Can I be Him?   Chapter 27.1

    CHAPTER 27.1 "COME to think of it, bukas na 'yong reunion ng batch niyo noong senior high," ani Lyle habang nilalaro ang toy poodle ni Gian. Kinakarga niya gamit ang dalawang paa iyong aso tapos pasasayawin sa mga hita niya. Pinasadahan niya rin ng mabilis na tingin ang kaibigan at natagpuang nakamasid ang binata sa kanila ni Whitney. Nang mahimasmasan, awtomatikong tumuwid sa pagkakaupo ni Gian. Matapos kasi nitong bumalik mula sa kusina, ang ina nito ang nag-take over para magluto. Hindi rin naman binawi ng binata lahat ng album na naglalaman ng baby photos niya kaya tinapos niya iyong tignan. But he is embarrassed for sure. He was amused of how Gian almost hid himself behind the couch while he busied himself looking over his photos. And to save some face for his friend, he decided to finish scouring through his baby photos quickly. Kaya nga sa ngayon, nilalaro na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status