CHAPTER 1.2
ILANG araw na ang lumipas mula nang mag-text si Lyle sa manager ni Ridge. Ang buong akala niya, pahiwatig iyong rejected pala ang e-mail niya at mayroon nang ibang nakakuha kay Ridge na magmodelo. Susuko na sana siya, nawawalan na ng pag-asang makikita si Ridge sa damit na idinisenyo niya…
Ngunit alam ng kalawakan kung paano siya pasisiyahin! Tipong hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala na pagbukas niya ng e-mail niya, bumungad sa kanya ang reply ng manager ni Ridge! Pakiramdam niya, para siyang nagising ngunit nananaginip pa rin. Para siyang lumulutang sa sayang hatid ng mensahe nito sa kanya.
Halos kararating niya lamang noon sa opisina at balak lamang na tignan ang iilang sale invitations. Matapos iyon, pupuntahan niya ang mga kasama para sa daily routine niyang mag-check ng progress sa mga ginagawa ng mga ito.
Then again, when he thought that this day would be just like the others, he noticed something!
Hindi nga niya iyon inaasahan dahil una sa lahat, ang tagal na rin mula noong nag-send siya ng text dito. Mag-iisang linggo na rin! Akala niya, wala na talagang pag-asa! Ii-stress-in na rin sana niya ang sarili sa paghahanap ng back-up model ngunit agad niyang naitapon ang ideya nang makita ang e-mail mula sa manager ni Ridge!
Wade Evangelista
Subject: Model RequestGood morning, this is Wade Evangelista, Ridge Gonzales’ manager. I am here to send you a great news! We want to let you know that Ridge is still good and vacant. Sa totoo lang, hinihintay niya na kontakin mo siya. Do you still want to have our boy to be a model of your brand?Sent: 8:32 amHabang paulit-ulit na binabasa ni Lyle ang e-mail, unti-unti ring sumisilay ang malawak na ngiti sa mga labi niya.
Hindi siya makapaniwala! Masaya siya dahil bakante pa rin si Ridge, syempre. Biruin ba naman niyang sa dami ng mga fashion brand na paniguradong gustong makuha bilang modelo ang binata, malalaman na lamang niya na siya ang hinihintay nito. Parang gusto niya tuloy na ilibre ang mga kasama sa trabaho!
Come to think of it, they have known each other since high school—hindi kaya ito ang advantage ni Lyle? Hindi nga lang sila madalas na magkita at magkausap noon dahil iba ang barkada nito, pero sa tuwing may pagkakataon, nakakaharap niya ito at nakakatawanan.
Malinaw din sa isipan niyang naikwento niya kay Ridge ang kagustuhang maging designer nang malamang nagmodelo ang binata. Ngunit nalulungkot din siya sa tuwing maaalala iyon dahil matapos ang pag-uusap na iyon, tumigil sa kolehiyo si Ridge upang palawigin ang pangalan sa industriya ng modelling.
But Lyle still deems that it was worth it since... he is a successful model now. Siya ang isa sa mga pinaka hanap ng mga designer ngayon—local o international. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi dapat gawing basehan ang diploma sa layo ng mararating ng isang tao.
Pero ang tanong ni Lyle, posible ba na isa sa mga dahilan ang pagkakaibigan nila upang piliin siya nito?
He was flustered by the idea.
Noong mahimasmasan naman at matigil na sa pag-aalala kung ano ang nangyari sa binata noong kolehiyo sila, doon siya humugot ng lakas ng loob para mag-reply kay Wade.
Lyle Villariza
Subject: Model RequestGood morning, sir Evangelista! Thank you for choosing our brand! Yes, I’m still up to take Ridge as one of my models. I’ll send you the line up to have him prepared.Bago niya isinend ang reply na iyan, mabilis niya pang kinalkal ang files upang hagilapin ang dokumentong naglalaman ng in-outline niyang line up. At sa totoo lang, ginawa niya iyon ng walang hinga-hinga! Ewan niya kung sobrang tuwa ba ito, kaba, o both!
Natural siyang relaxed na tao pero pagdating sa mga usapang umiikot tungkol kay Ridge, nag-iiba ang ihip ng hangin.
Matapos i-proofread at i-check kung tamang file ba ang nai-send niya sa manager nito—pati na rin i-check kung na-send ba at hindi na-save lamang sa drafts ang tugon niya; nakahinga ng maluwang si Lyle at isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair niya.
“Hinihintay daw niya ‘ko,” ulit niya dahil hindi pa rin makapaniwala, “Ang saya, pakiramdam ko magiging maganda itong araw ko.”
Gustong makuryoso ni Lyle kung ano ang naging reaksyon ni Ridge nang marinig na kasali siya sa event. Kung sumilay ba ang aliw sa mukha nito at kumurba ang ngisi sa mga labi nang malamang gusto niya itong kuning modelo niya.
‘Pero bago ako mag-imagine rito, kailangan ko muna pa lang dumaan sa café,’ pag-ungos niya sa sarili. Bahagya siyang napangiwi nang biglang maalala kung ano ang huling nangyari sa kanya roon.
That free coffee latte and the owner of the café sure was weird—but, he was entertaining. After a couple of days thinking, Lyle almost thought that that guy must have have something from him based on how he hid from him last time. Then again, a free drink for regular customers is a valid reason so that they can hand out something to him. Plus, it was the waitress who gave him the coffee so it sounds even more persuading. So, only the universe can tell. Nonetheless, he did promise himself to get back to him!
Hindi nga lang niya alam kung paano? I mean, does he only have to thank him? Nothing else?
“Or I should probably go introduce to him and ask properly about the free coffee?" Patanong niyang tanong sa sarili bago ipinikit ang mga mata at nagmuni-muni, “pero nabanggit naman na para sa mga regular niya ‘yon kaya ba’t ko pa ulit itatanong? ‘Di naman ako sirang plaka.”
Gugugulin niya sana ang oras na mag-isip ng action plan mamaya sa café. Makakalimutan niya rin sana ang agenda niya ngayong araw, mabuti nalang, sinundo siya ng isa sa mga kasama sa opisina niya!
Ipinagpatuloy ni Lyle ang orihinal na plinanong gawin para sa araw na ito. Tinignan ang bawat damit at ipinapaayos kapag mali ang pagkakatahi o hindi nasundan ang instruksyon niya. Lyle is especially particular with needle work. Hangga’t maaaari, gusto niyang perpekto at malinis iyon. Bukod sa needle work, tinitignan niya rin ang tela. You can never be too sure if there are possible anomalies in the cloths.
“Nakakapagod.” Bumuntong hininga si Lyle saka minasahe ang balikat habang naglalakad tungo sa café na kanina pa balak na puntahan.
Nakaka-stress, nakakagutom—ganito niya gusto pang sundan ang mga sinasabi kanina. Ang dami talaga niyang ginawa, mabuti na lang at tinawag siya ng kasama at kahit paano’y on time pa rin nasimulan ang trabaho. Iyon nga lang, hindi pa rin tapos kaya pagbalik niya sa Primivère mamaya, babalikan niya ang mga iyon.
Natigilan si Lyle noong kumulo pa ang tiyan niya. Hindi lang siya, narinig din iyon ng kasama niya na mag-lunch ngayon kaya naman nahihiya rin siyang tumawa.
“Narinig mo ‘yon, ‘no? Wala kang sasabihin sa iba,” pabirong utos niya saka mahinang tumawa bago sinapo ang tiyan, “nagugutom na ‘ko, Kal. Ang daming gawa sa trabaho, ‘di ko inasahan.”
“Napansin ko rin nga na mas masipag ka ngayong araw, sir. Mayroon bang magandang nangyari?”
Napahimig si Lyle bago nagsimulang maglakad ulit. Sumunod naman kaagad sa kanya si Kaleb. Masyadong tirik ang araw para tumambay sa kalsada. Nasusunog ang balat nila.
Hindi nagtagal, nangingiti niya itong nilingon at saka siya marahang tumango.
“Kaninang umaga, naka-receive ako ng e-mail galing sa manager ni Ridge. Gusto niya raw mag-model para sa Primivère.” Nahihiya siyang tumawa at napahawak sa sariling batok. “Ilang araw ko nang sinend iyong inquiry ko, e. Kanina lang sila nag-reply, ‘kala ko nga may nakakuha na sa kanya.”
Dahil tuwid ang tingin ni Lyle at nakatuon lamang sa tinatahak nilang daan, hindi niya nabigyang pansin ang pagkunot ng noo ni Kaleb. Inirerehistro pa nito sa isipan ang sinabi niya, ngunit nang mapagtanto ang magandang balita, awtomatikong sumilay sa mga labi nito ang tuwa para kay Lyle.
“Talaga ba? Congrats kung gano’n, sir! Balita ko, mahirap na kunin si Ridge dahil isa sa mga pinaka kilalang modelo ngayon. Mahaba ang pila para sa kanya pero ikaw ang pinili! Paniguradong marami lalong magkakainteres sa brand natin."
Ah, hindi niya alam. Nahiya siya lalo sa sinasabi ni Kaleb. “Baka medyo privileged lang ako. Kasi kakilala ko si Ridge mula no’ng high school ako.”
“Magkakilala rin kayo mula high school?” Bakas ang pagkamangha sa boses ng kasama. “Mas maganda kung gano’n. Isipin mo na lang sir, ang laking advantage sa ‘tin no’n kahit nagsisimula pa lang ang Primivère.”
May punto naman si Kaleb. Hindi nito sinabi na ang yabang niya dahil mayroon siyang koneksyon kay Ridge Gonzales. Sa halip, naintindihan agad nito ang oportunidad at kung bakit kaagad din iyong sinunggaban ni Lyle.
Only that, Lyle’s real agenda behind contacting Ridge’s manager is because he wants to see the male wearing the clothes he spent his blood, sweat, tears, and time on.
“Ah, oo.” Pasimpleng lumunok si Lyle para ibaon sandali ang konsensyang nagmumulto sa likod ng isipan niya. “Malaking oportunidad nga ‘to para mas makilala ang Primivère.”
“Lalo na’t si Ridge nga ‘yon.” Nag-inat ang binata bago humikab. “Idagdag mo pa na ang gaganda ng mga design na ginagawa mo, sir. Tapos ‘yong ‘di kapanawa-nawa na itsura ni Ridge Gonzales? Siguradong aakyat ang sales natin!”
Sa kalagitnaan ng pag-uusap tungkol sa event at sa mga posibleng malalaking oportunidad, hindi nila napansing nasa harap na pala sila ng café na madalas niyang pinupuntahan. Real talk kasing ito ang pinaka malapit na kainan mula sa building nila bukod sa mga karinderya. Walking distance lamang at hindi kamahalan ang pagkain. Sa kabila ng murang presyo, hindi isinasakripisyo ang kalidad ng mga produkto rito.
“Nakaisip ka na ba ng o-order-in mo, Kaleb?” Pag-uusisa niya, “ako na lang ang mag-oorder, ikaw na ang maghanap ng upuan.”
Kumunot ang noo ni Kaleb. “Sir, parang mali yata? Nakakahiya namang ikaw ang mag-oorder.”
“Ngayon ka pa ba mahihiya sa ‘kin?” Natawa siya at tinapik ang balikat nito. Medyo awkward dahil mas matangkad ito kaysa sa kanya pero kung umasta siya ay parang siya ang mas matangkad. “Ayos lang. Sabihin mo nalang sa ‘kin kung ano gusto mo. Dapat nga, kayong lahat ang bibilhan ko ng pagkain pero ayaw paistorbo ng mga kasama natin sa trabaho. Bilhan na lang natin ng take out.”
Noong una, nag-aalangan pa si Kaleb sa sinabi niya. Ngunit noong mapagtantong nanlilibre si Lyle dahil nakuha nito si Ridge bilang isa sa mga modelo, isinuko rin nito ang argumento at sinabi ang order.
‘Mocha affogato at smoked fish cakes para kay Kaleb.’ Ilang beses niyang ni-recite sa isipan ang order ng binata upang hindi ito malimutan. ‘Samantalang ako, ano naman kayang o-order-in ko?’
Sa kabila ng mabagal niyang paglakad tungo sa counter at pag-ii-scan ng menu na nakapaskil sa parang awang na kisame ng café, hindi pa rin siya nakakapamili ng makakain.
Mayroon din siyang nakasabay noon sa linya na hindi niya pinansin. Paano ba naman kasi, noong tumabi siya rito, agad na napukol ang mga mata nito sa kanya. At ngayon, tila ba binubutasan nito ang gilid ng ulo sa mga patitig titig nito.
“I guess I’ll go for Peri-peri chicken burgers and...” bulong niya saka mabilis na inilipat ang mga mata sa menung naglalaman ng beverages. “...coffee frappe?”
Para maiba. Puro siya coffee latte, e. Also, Lyle knows that this is not the ideal lunch but he feels like rewarding myself, too. Or like, celebrating because he got Ridge in his party and he feels like he is in heaven.
Nahigit siya mula sa pag-iisip nang mahagip ng tingin ang isang pamilyar na pigura. Kaagad na hinanap ng mga mata niya kung sino iyon hanggang sa makita niyang iyong may-ari ng café na biglang nagtago sa kanya noong minsan!
Palapit ito sa counter ngunit ang atensyon, nasa mga kausap sa kitchen.
Natulala sandali si Lyle habang pinagmamasdan ito. Kung noong nasa malayo ito ay para itong nagliliwanag, lalo pa ngayong mas malapit na siya! At oo nga pala, balak niyang magpasalamat dito tungkol sa coffee latte noong isang araw!
CHAPTER 1.3NOONG nakarating na ito sa harapan ng counter, hindi siya kaagad pinansin ng may-ari ng café at mukhang hindi rin nito napansin ang presensya niya. Lalo na at kapansin-pansing nakatuon lamang ang mga mata nito sa binatang katabi ni Lyle.“Utang ‘to, Zach! Nambuburaot ka na naman e,” natatawang anito sa katabi niyang binata, “ang lakas mong mangutang, ano! Parang wala kang sariling negosyo!”Inabot ng katabi niya ang iniaabot nitong strawberry latte, sinimsim din bago ito nagsalita. “Grabe naman! Buraot? Nagbabayad naman ako sa end of shift Nakalimutan ko lang talaga wallet ko sa opisina ko. Gian, mapanghusga!”“Laos na ‘yan. Hilig mo kayang mangutang dito.”“Hoy, ‘di naman! Slight lang.” Nag-peace sign ang kausap nito. “Inaano ka ba? Mahalaga, nagbabayad ako!”“‘Di ka naman nagbabayad, e. Binuburaot mo. Saka may restaurant ka naman pero nangungutang ka sa café ko?”“Pre, ‘di mo gets! Mas masarap kumain ‘pag 'di ikaw may-ari noong
CHAPTER 2.1MULA noong mangyari ang wirdong engkwentro niya sa café, hindi makalimutan ni Lyle kung gaano siya naaliw kay Gian. He got his name after his friend, who was apparently watching Gian stutter and act clumsy, mentioned his name. Hindi na niya nakalimutan ang pangalan nito mula noon.However, despite Gian delivering him happiness, he is not really the highlight of Lyle’s day today.Ilang linggo na rin ang lumipas. Araw na ng hinihintay nilang fashion event. Pakiramdam niya, para siyang nananaginip ng gising. Animo’y hindi makatotohanan ang mga nangyayari sa kanya. Tila inaasar lang ng tadhana pero sa tuwing kumukurap siya, matatanto niyang totoo ang lahat.“Okay ka lang ba, Lyle?”Napapitlag siya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nanindig ang mga balahibo niya at hindi niya maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya nang rumehistro sa kanya ang nagma-may ari ng boses na kumausap sa kanya.Dahan-dahan siyang lumingon up
CHAPTER 2.2NATIGILAN si Lyle at mabilis na nag-angat ng tingin kay Ridge. Hindi inaasahan ang tanong na maririnig mula sa mga labi nito. Iyon nga lang ay hindi ito nakatingin sa , marahil dala ng hiya. Sa halip, abala itong tapusing isuot ang susunod na damit na irarampa.Meanwhile, Lyle was at a loss of words. Anong sasabihin niya? Anong gustong marinig ni Ridge mula sa kanya? Hindi naman itatanggi ni Lyle na hindi lamang si Ridge ang lalaki sa buhay niya. Pero sa lahat ng ex niya, kahit hindi naging sila ng binata, ito talaga ang hinahanap hanap ng puso niya.“I mean, in an actual relationship, by the way,” dagdag ni Ridge na ikinagulo lalo ng isip niya.“Ah, eh...” Hindi niya alam kung ano ba ang tamang sabihin, wala naman siyang maitatanggi? “oo naman. Ba’t mo naitanong?”“Talaga? Anong pakiramdam?”Pinagpag ni Ridge ang suot bago nito ipinilig ang ulo paharap sa kanya. Nagtama ang m
KABANATA 3.1NANG mag-aya siyang mag-order ulit, halos hindi maipinta ang naging itsura ni Keegan. Hindi niya tuloy naiwasan ang bahagyang matawa sapagkat ang asim nitong tignan. Animo’y mauubusan na ng pera sa isa pang dessert na bibilhin.“Itsura mo naman. ‘Kala ko ba, gusto mo pa ng isa pang macha cake?”Hindi napigilan ni Lyle na matawa nang umingos ang kaibigan. Lalong lumakas ang tawa niya noong tumalim ang mga tinging ibinabato sa kanya ni Keegan. Aliw na aliw siya, paano ba naman kasi e parang pangarap ni Keegan na ipatalsik siya.“Gusto ko nga pero mukha ba ‘kong singyaman mo, Villariza? Awit naman sa ‘yo!” Singhal nito ngunit kinukuha pa rin naman ang wallet mula sa sariling bulsa, “hoy, ‘di ba may lunch set? Magkano ‘yon? Nakakatakam tignan.”Halos hindi na makahinga si Lyle kakatawa nang magtanong pa ito tungkol sa lunch set. “Tignan mo ‘tong isang ‘to. Nagagalit kang inaaya kitang mag-order pero nagtatanong ka tungkol sa lunch set? ‘Yong to
CHAPTER 3.2Kung hindi ba naman magulo ang set up nila. Magkakakrus ang mga magkakausap at bilang malalakas ang boses nila, dama ni Lyle na nakakaistorbo na sila ng ibang customer. Nevertheless, he cannot help it but to watch Gian chuckle nervously and scoot away from him. Gusto niya sanang sabihing ayos lang na mapalapit ang distansya nila ngunit mukhang hindi ito kumportable sa kanya.After he gave him coffee latte, though? No, kidding.Mukhang si Zamiel lang yata ang napagod sa set-up nila sapagkat napahilamos ito ng mukha, napailing, at saka marahas na bumuntong hininga.“Can’t we go yet? We’ve been standing here like idiots and Ridge, you’re disturbing customers,” tuluy-tuloy nitong sabi at saka sila tinapunan ng matalim na tingin.“Oh?” Pinasadahan ni Ridge ng tingin si Keegan at Lyle. “Upung-upo na yata ‘yong mahal na prinsipe, sa susunod na lang ulit. See you both, Corgi, Lyle.”Noong magpaalam si Ridge, sumunod si Gian ngunit tanging pagt
CHAPTER 3.3Lumipas ang mga oras magkakasama silang tatlo. Hindi na rin niya napansin ang pag-alis nina Lyle at ng kaibigan nito ngunit… sino ba siya para alamin pa ang bagay na wala namang halaga sa kanya?Matapos nilang mag-bonding, nagpaalam na ang mga kaibigang aalis. Nag-aalala kasi si Zamiel nang magsabi si Ridge na inaantok na ito. Ayaw na ayaw pa naman ng binatang ganito si Ridge dahil halos kagagaling lang pala nito sa trabaho nang mag-ayang bisitahin siya.“I told you. I freaking told you that we should’ve saved this visit for tomorrow but you lack common sense. Bwisit,” panenermon ni Zamiel.Nakangiwi silang nakikinig ni Ridge dahil hindi na naman ito titigil na tumalak hanggang mamaya. Posibleng umabot pa nga kamo ng oras ang inis nito—sana na lamang e magaling manuyo si Ridge dahil paniguradong wantusawa itong makikinig sa bunganga ni Zamiel na takbo ng takbo.Dinaig na nito ang nanay ni Ridge! Ngunit ngayong inoobserbahan niya ang dalawa,
CHAPTER 4.1Natigilan ang binata—who turns out to be the one and only, Ridge—mula sa pananalita nang mapansing magkasama pala sila ni Keegan.Moreover, he looked stunning in his jet black t-shirt. It complimented his raven hair and dark eyes. Mas nadepina rin ng suot nitong t-shirt ang makisig na katawan ni Ridge. At bagamat pawisan, pinupunasan nito ang mga kumakawalang butil ng pawis sa noo, mukha, at leeg gamit ang baong bimpo.Tumaas ang gilid ng mga labi ni binata noong makita nito ang hawak na kapirasong papel.Mahina itong humimig. “Ano ‘yan? Love letter ba ‘yan para kay Keegan, Lyle?”Napaatras siya noong mapansing naglalakad palapit si Ridge sa kanya upang silipin ang papel na hawak. Lalo lang lumawak ang mga ngisi nito nang mag-react si Keegan.“Sira ulo ka talaga! Love letter, nakasulat sa pipitsuging papel? Ikaw lang nakakatanggap ng gano’n!” Singhal nito sa binata at akmang hihilain sana ito palayo kay Lyle kung hindi lamang nakaiwas
CHAPTER 4.2NABIGLA si Lyle sa tanong ni Gian. Lalo na noong maging ang tono ng pananalita nito, kaswal at walang bahid ng kahit anong hiya. Marahil lahat, dala nang hindi siya nito makilala. Though, he also supposed that Gian was trying to recognize him he had been squinting his eyes since earlier. It may also be because Gian knows his voice. Ibahin na kaya niya ang tono para tumagal ang usapan nila.“O-oo, nag-eenjoy ako,” he stammered. Lyle was surprised when his tongue seemed to tie itself, but he immediately cleared his throat to gather his composure, “maganda ang ambiance ng café mo, nakakakalma.”Iginilid ni Lyle ang ulo upang makita ang kabuuan ng café. Gustung-gusto niya talaga na maaliwalas at maluwang ang lugar. Hindi rin naman sobrang magarbo ang disenyo, kulay kape ang mga dingding at may malalaking ceiling fan. Ngunit hindi iyon gumagawa ng malakas na ingay sapagkat mabagal ang takbo noon. Ang ventilation kasi, galing talaga sa mga aircon. Idinagdag l
EPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.
CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag
CHAPTER 29.2 OH God, what have they done? Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila! Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian. "Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse. Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila! Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m
CHAPTER 29.1 NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately. Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya. Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety. And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It st
CHAPTER 28.2 "YOU know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?" Ridge asked. Nanlalaki ang mga matang tumigil siya sa paghinga. Bagamat sandali lang, pakiramdam niya pa rin e nakalimutan niya kung paano bumawi. He also has a lot to say, but no words escaped his mouth after the sudden slap of reality he received. "I- I know…" mahinang aniya. Tumango si Ridge. "Then why tell me this? Kanina ko pa iniisip kung bakit, pero 'di ko pa rin malaman kung ano bang gusto mong makamtan sa ginagawa mo ngayon." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Closure lang, Ridge. Closure talaga ang gusto ko kaya kita inaya ngayon." Nang sabihin niya ang totoong pakay, si Ridge naman ang nawindang at nagulat. Ipinilig nito ang ulo ngunit kalaunan ay naghalumbaba. Isinasabalewala ang pamahiin at nais nalang na makinig sa dahilan niya. They never dated, yes, but Lyle thinks that his younger self deserved to have this closure to en
CHAPTER 28.1JUST as what Ridge promised him, he really made time for Lyle. Hindi niya iyon inaasahan dahil alam niyang abala si Ridge. Pero ang ayon sa binata, wala itong gagawin ngayon. Tinatamad din daw siyang bisitahin si Zamiel sa trabaho at nagsabi naman daw siya na importante ang pag-uusapan nila.He nearly choked at the "important conversation" term. Hindi naman talaga importante para kay Ridge na marinig ang gusto niyang sabihin. Kung tutuusin, pupwede nitong ipagsakibit balikat ang maririnig mula sa kanya. Natutuwa lang siya na bininyayahan siya nito ng kakarampot na oras at atensyon."So… what are we gonna talk about?" Tanong ni Ridge habang tinitignan ang menu ng korean restaurant na kinaroroonan nila.Nahirapang lumunok si Lyle nang maramdaman ang pagbara ng laway sa lalamunan niya. But in the long run, he still managed to choke out some words to reply."I&hell
CHAPTER 27.3 "ANG bilis ng meet and greet the parents stage niyo? 'Di naman kayo saka 'di ba? Si Ridge ang pinili mo," Keegan commented while sipping from his can of coke. Naniningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan, pero hindi ito pinatulan. Sa halip, ibinalik nalang ang mga mata sa nilalakaran. Lunes noon ng hapon nang mag-aya si Keegan na mag-SM daw sila sa San Fernando. Change of scenery dahil lumang-luma na ang SMC sa kanila. Paulit-ulit nalang ang nakikita nila at wala namang bagong stores na mabibisita. Pumayag din si Lyle dahil wala siyang ginagawa. Well, he is supposed to spend the afternoon with Gian but Keegan texted him to hang out. Hindi naman niya matanggihan ang kaibigan dahil matagal-tagal na rin mula noong huli silang magkausap at magkita. And alright, maybe this really a better thing because he and Gian did spend the rest of the day yesterday in his room.
CHAPTER 27.2 GIAN hates it here. In this place, in this luxurious restaurant rented by his batch mates with people he does not want to interact with. Gusto na niyang umuwi at maglaro ng video games. If not, he would rather spend the whole day talking to Lyle over the phone or surprising him with a visit - which, he is not sure if he can do since it may appear that he was intruding Lyle's privacy and day off. Nagsisisi siyang pumunta siya rito samantalang mas maraming paraan para sayangin ang araw. Pwede naman siyang magpaka-productive kaysa sa... "Uy Gian, balita namin, single ka pa rin?" Puna ng isa sa mga kaklase niya noong mapansin ang pananahimik niya. If he is not mistaken, his name is Kenneth? Nabitin mula sa pagsimsim ng tequila si Gian noong marinig ang pagpuna ito. Tapos, alanganin siyang tumawa. Ayaw niyang i-entertain ang tanong nitong si Kenneth. Ayaw niya kasing marinig kung anong susunod
CHAPTER 27.1 "COME to think of it, bukas na 'yong reunion ng batch niyo noong senior high," ani Lyle habang nilalaro ang toy poodle ni Gian. Kinakarga niya gamit ang dalawang paa iyong aso tapos pasasayawin sa mga hita niya. Pinasadahan niya rin ng mabilis na tingin ang kaibigan at natagpuang nakamasid ang binata sa kanila ni Whitney. Nang mahimasmasan, awtomatikong tumuwid sa pagkakaupo ni Gian. Matapos kasi nitong bumalik mula sa kusina, ang ina nito ang nag-take over para magluto. Hindi rin naman binawi ng binata lahat ng album na naglalaman ng baby photos niya kaya tinapos niya iyong tignan. But he is embarrassed for sure. He was amused of how Gian almost hid himself behind the couch while he busied himself looking over his photos. And to save some face for his friend, he decided to finish scouring through his baby photos quickly. Kaya nga sa ngayon, nilalaro na