CHAPTER 1.3
NOONG nakarating na ito sa harapan ng counter, hindi siya kaagad pinansin ng may-ari ng café at mukhang hindi rin nito napansin ang presensya niya. Lalo na at kapansin-pansing nakatuon lamang ang mga mata nito sa binatang katabi ni Lyle.
“Utang ‘to, Zach! Nambuburaot ka na naman e,” natatawang anito sa katabi niyang binata, “ang lakas mong mangutang, ano! Parang wala kang sariling negosyo!”
Inabot ng katabi niya ang iniaabot nitong strawberry latte, sinimsim din bago ito nagsalita. “Grabe naman! Buraot? Nagbabayad naman ako sa end of shift Nakalimutan ko lang talaga wallet ko sa opisina ko. Gian, mapanghusga!”
“Laos na ‘yan. Hilig mo kayang mangutang dito.”
“Hoy, ‘di naman! Slight lang.” Nag-peace sign ang kausap nito. “Inaano ka ba? Mahalaga, nagbabayad ako!”
“‘Di ka naman nagbabayad, e. Binuburaot mo. Saka may restaurant ka naman pero nangungutang ka sa café ko?”
“Pre, ‘di mo gets! Mas masarap kumain ‘pag 'di ikaw may-ari noong resto!” Natatawa nitong ginaya iyong emoji na meme na ‘it really hurts’, iyong trending bago ito nagpaalam sa kaibigan. “O siya, diyan lang ako sa stall! Paupo, nakakangawit kang abangan.”
“Mangungutang ka nalang, nakuha mo pang magreklamo.” Inayos ng binata ang salamin bago malalim na bumuntong hininga. “Sige! May aasikasuhin pa ‘ko, e. ‘Wag kang magulo riyan, marami akong saging na ibabaril sa ‘yo kapag nanggulo ka!”
“Epal ako pero ‘di naman ako epal ‘pag work hours!”
Napapangiwing pinanood at nakinig si Lyle sa usapan ng dalawa. Ipinilig niya rin ang ulo para bumuntong hininga sa isipan. Hindi naman siya nagrereklamo na magtsismisan ang dalawang ito sa harap niya pero...
Nakakatawa ang usapan ng mga ito.
“Pasensya na po!” Paghingi nito ng paumanhin dahil yata sa pag-uusap nila ng kaibigan nito. “Hindi namin sinasadyang mag-usap ng matagal. Ano pong order niyo—”
Tila tinangay ng hangin ang sinasabi nito nang maipihit ang katawan paharap sa kanya at magtama ang mga mata nila. Doon lang rumehistro kay Lyle kung gaano ba kagwapo ang binatang kaharap niya at maging siya, nahigit ang hininga.
Ngayon niya talaga naintindihan kung bakit parang kumikinang ang background ng binata. Iyon e dahil para itong anghel na ibinaba lamang sandali ni Lord para ipahiram sa tao.
Saka, hindi sila magka-height. Hindi nga nalalayo ang height nito kay Kaleb, e.
At isang pahabol na tanong—medyo one million dollar question—hindi ba ito model? Masyadong itong gwapo! Katunayan, kung model scout lang siya, ito ang una niya na inayang maging modelo!
Mabilis lang naman siyang napaisip. Nabawi niya rin ang tindig at saka siya tumikhim para masuyong ngitian ang binata.
“Ayos lang.”
Tipid siyang tumango. Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi, hanggang sa mabilis niya ulit na pinasadahan ang menu bago sinabi ang order.
“Mocha affogato at coffee frappe for drinks, tapos smoked fish cakes at peri-peri chicken burger for food. Dine in pareho.”
Nang ibalik niya ang paningin sa binata, roon palang niya napagtantong para itong naestatwa nang magsalita siya. Mapupula rin ang mga pisngi nito na kanina, tila tinakasan ng kulay. Napansin niya rin ang bahagyang panguya nito sa pang-ibabang labi.
Napano siya?
“Um, ayos ka lang ba?” Because Lyle is certain that something is going on.
*
GIAN’s mind... is in chaos. Katatapos lang nila na mag-usap ni Zachariel at hindi niya maitatanggi ang aliw sa kalokohang pinagsasasabi nila. At mula roon, inasahan niyang mabilis at maayos ang magiging takbo ng araw niya sa trabaho.
Simpleng pag-assist at guide lang sa mga kasama sa trabaho—pero nagkamali siya.
Lalo na noong mapagtanto niya na ang customer na aasikasuhin niya ay iyong binatang matagal-tagal na rin niyang minamatyagan!
Do not get him wrong. Gian is into women and he does not like Lyle romantically. Sadyang may kung ano lang talagang nakakabighani rito at gusto niyang mapalapit sa binata — syempre, bilang kaibigan!
Kaso, mahiyain siya. At kung mababa ang self-esteem niya, paano pa kaya ang socialization skills niya? Para siyang ang kaibigang si Zamiel, nabobobo pagdating sa new interactions! Samantalang, hindi naman siya nakaharap sa gabundok na mga libro ng sampung taon!
Ito ang dahilan kung bakit naestatwa siya sa harapan ni Lyle.
‘Ano ba kasing gagawin ko? Kukunin ko lang naman 'yong order niya, ba’t para akong mahihimatay?!’ Hindi rin nakatulong sa kanya na dama niya ang mga mata ni Zachariel na nakatuon sa kanya. Pakiramdam niya, sinasaksak siya ng mga ito.
Noong rumehistro kay Gian ang pag-aalala na sumasalamin mula sa mga mata ni Lyle, roon siya mabilis na nahimasmasan. Pero hindi pa rin siya nakakabawi kung kaya para siyang tangang inabot ang ballpen at maliit na memo kung saan nila isinusulat ang order ng mga customer.
“A-ano kasing order mo?” Sinapak niya ang sarili sa loob ng isipan nang mag-utal utal siya. “Pasensya na, ‘di ko kasi narinig e.”
Hindi kaagad na nakasagot si Lyle nang magdahilan siya. Hindi niya rin alam kung anong itsura nito pero dama pa rin niya ang titig ng binata sa kanya. Bumibilis tuloy lalo ang pagtibok ng puso niya dahil sa kaba.
At bakit parang hirap na hirap siya na magsulat?! Nanginginig ang mga kamay niya at nagpapawis! Parang dudulas iyong hawak niyang ballpen mula sa mga kamay niya. E hindi naman siya sobrang pasmado!
“Peri-peri chicken burger.” Halos mahilo si Gian habang isinusulat iyong naaalala niyang order na sinabi ni Lyle. “Mocha affogato?’
Mula sa mga gilid ng mata niya, nakita niyang marahang tumango si Lyle sa kabila ng pagtitig nito sa kanya.
‘Ah, ‘wag mo ‘kong titigan ng ganyan! Lalo akong nahihiya at kinakabahan!’ Katunayan, paunti-unti rin niyang nararamdaman ang panginginig ng mga tuhod! Pakiramdam niya anumang oras, lulubog na siya rito sa kinatatayuan!
"Smoked fish cakes din saka coffee frappe," pag-uulit ni Lyle sa order.
Mabilis namang isinulat ni Gian iyon sa memo, pero marahil dala ng sobrang kaba; dumulas iyong hawak niyang ballpen sa notebook at nag-drawing siya ng mahabang linya!
Natigilan ulit siya at naestatwa mula sa kinakatayuan.
Hanggang sa... narinig niya ang malakas na pagtawa ni Zachariel mula sa kinauupuan nitong stall hindi kalayuan sa kanya.
“Ano 'yan, Gian?! Ano ba ‘yan, bakit ang clumsy mo bigla?!”
Halos hindi na ito makahinga sa katatawa at pinaghahahampas na rin ang lamesa. Ni hindi na rin nito pansin ang pagpukaw nito ng atensyon ng mga customer nila — pero siya, pansing pansin niya!
‘Gusto kong magtago!’
“Kung umasta ka, parang teenage crush mo ‘yang kaharap mo, a!” Dugtong pa nito sa kabila ng hindi nito matigil na pagtawa. “Aliw, pre!”
Marahan niyang nilingon ang binata at kabadong natatawa. Ngunit sa kaloob-looban niya, gusto nalang din niyang magtago at lamunin ng lupa!
‘May punto si Zach! Bakit ba 'ko ganito umasta?! Daig ko pa si Zamiel na halos magtae ‘pag malapit si Ridge sa kanya, e!’ Pagsang-ayon niya sa isipan.
Dahil sa pagtawa ni Zachariel, ang bilis niya ring nakabawi ng tindig. Nawala iyong kaba niya kahit na papaano pero hindi ibig sabihin non, hindi siya nilulukob ng hiya dahil nakikinig pala si Lyle sa kanila.
“A-anyway! Nailista ko na!” Medyo messed up dahil sa pagdulas ng ballpen last minute pero nairaos naman niya.
Sa kabila ng pagtawa ni Zachariel, inulit pa rin ni Gian kung ano ang order ni Lyle. In-adjust niya ang suot na salamin at umaktong mas seryoso kaysa sa kung paano niya ito unang hinarap.
“Peri-peri chicken burger, mocha affogato, smoked fish cakes, coffee frappe.”
Mabilis na ibinalik ni Lyle ang mga mata sa kanya at muli na naman itong ngumiti. Halos mapahawak tuloy si Gian sa dibdib dahil hindi siya magsisinungaling, ang ganda ng mga ngiti ng binata!
“Oo, ‘yon na nga.” Ipinilig nito ang ulo samantalang si Gian, tumango lang kahit sa loob-loob niya, gusto niyang mag-celebrate na nairaos niya ang pagkuha ng order nito!
Naghahanda na siyang talikuran ito para at ibigay ang order nito sa mga kasama. Tapos, magtatago siya para hindi na siya nito makita pero... kailangan pa niyang sabihin ang animo'y spiel niya.
“Ready na ‘to within fifteen to twenty minutes, pakihintay nalang sa table niyo.” Tapos iniabot nito ang maliit na number standee kay Lyle.
Nang maibigay iyon, doon na sana siya tatakbo saka sisigawan si Zachariel na sumunod nalang sa office niya kung trip nito nang bigla ulit magsalita si Lyle.
“Oo nga pala!” Pukaw nito sa atensyon niya, dahilan para mapapiksi siya at alanganing ibalik ang mga mata rito.
Halos matunaw siya nang mamula ang mga pisngi ni Lyle. Kaunti lang at hindi singhalata ng kanya pero naroon. Hinawakan din nito ang batok bago ikinunot ang noo, ngunit sa kabila noon, may naglalaro pa rin na mga ngiti sa labi nito.
“Maraming salamat nga pala sa coffee latte noong minsan,” sa wakas, nasabi rin nito.
At doon tuluyang nag-malfunction si Gian. Lalo na noong maramdaman niya ang mapanudyong titig sa kanya ni Zachariel.
“Y-you’re welcome!” Nabigla siya nang hindi niya sinasadyang isigaw ang sagot niya.
Pero upang itago ang hiya e mabilis niyang inimporma ang mga kasama ukol sa order ni Lyle. Saka... nagtago tulad ng plano niya.
“La, ano ‘yon?!” Namamangha niya na sabi sa sarili nang maisara ang pinto tungo sa locker room ng mga trabahador niya, “a-ako ba talaga ‘yong kanina?! Ba’t ako nahiya ng gano’n?!”
Sinapo niya ang dibdib at pinapakiramdaman ang mabilis na pagpintig ng puso.
“Oo nga?! Ba’t ganito ako mag-react e ‘di naman na ‘ko high school!” Mas lalo namang hindi niya crush si Lyle!
Lunod na lunod siya sa kaiisip nang biglang may mag-trespass sa locker room nila na hindi imbitadong bisita. Nakalimutan niya kasing sabihan ito na sumunod nalang sa kanya kung trip nito, pero nagkusang loob na rin yata—alam na wala naman nang magagawa si Gian kung sakaling puntahan siya nito.
“Gian!” Malakas at aliw na tawag sa kanya ni Zachariel. Hinanap din siya ng mga mata nito ngunit nang makita siya, mabilis nitong tinakpan ang bibig at tuluyang napahagalpak ng tawa, “anong drama ‘yong kanina?! Nag-shoot ba tayo ng sitcom nang ‘di ko alam?”
Ano na namang pinagsasasabi nito? Anong sitcom? Mukha ba siyang nagpapatawa kanina? Hindi, ano! Ah, pakiramdam din tuloy niya, kakalat itong pangyayaring ito sa barkada nila—hot topic pa kamo ng ilang araw.
CHAPTER 2.1MULA noong mangyari ang wirdong engkwentro niya sa café, hindi makalimutan ni Lyle kung gaano siya naaliw kay Gian. He got his name after his friend, who was apparently watching Gian stutter and act clumsy, mentioned his name. Hindi na niya nakalimutan ang pangalan nito mula noon.However, despite Gian delivering him happiness, he is not really the highlight of Lyle’s day today.Ilang linggo na rin ang lumipas. Araw na ng hinihintay nilang fashion event. Pakiramdam niya, para siyang nananaginip ng gising. Animo’y hindi makatotohanan ang mga nangyayari sa kanya. Tila inaasar lang ng tadhana pero sa tuwing kumukurap siya, matatanto niyang totoo ang lahat.“Okay ka lang ba, Lyle?”Napapitlag siya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nanindig ang mga balahibo niya at hindi niya maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya nang rumehistro sa kanya ang nagma-may ari ng boses na kumausap sa kanya.Dahan-dahan siyang lumingon up
CHAPTER 2.2NATIGILAN si Lyle at mabilis na nag-angat ng tingin kay Ridge. Hindi inaasahan ang tanong na maririnig mula sa mga labi nito. Iyon nga lang ay hindi ito nakatingin sa , marahil dala ng hiya. Sa halip, abala itong tapusing isuot ang susunod na damit na irarampa.Meanwhile, Lyle was at a loss of words. Anong sasabihin niya? Anong gustong marinig ni Ridge mula sa kanya? Hindi naman itatanggi ni Lyle na hindi lamang si Ridge ang lalaki sa buhay niya. Pero sa lahat ng ex niya, kahit hindi naging sila ng binata, ito talaga ang hinahanap hanap ng puso niya.“I mean, in an actual relationship, by the way,” dagdag ni Ridge na ikinagulo lalo ng isip niya.“Ah, eh...” Hindi niya alam kung ano ba ang tamang sabihin, wala naman siyang maitatanggi? “oo naman. Ba’t mo naitanong?”“Talaga? Anong pakiramdam?”Pinagpag ni Ridge ang suot bago nito ipinilig ang ulo paharap sa kanya. Nagtama ang m
KABANATA 3.1NANG mag-aya siyang mag-order ulit, halos hindi maipinta ang naging itsura ni Keegan. Hindi niya tuloy naiwasan ang bahagyang matawa sapagkat ang asim nitong tignan. Animo’y mauubusan na ng pera sa isa pang dessert na bibilhin.“Itsura mo naman. ‘Kala ko ba, gusto mo pa ng isa pang macha cake?”Hindi napigilan ni Lyle na matawa nang umingos ang kaibigan. Lalong lumakas ang tawa niya noong tumalim ang mga tinging ibinabato sa kanya ni Keegan. Aliw na aliw siya, paano ba naman kasi e parang pangarap ni Keegan na ipatalsik siya.“Gusto ko nga pero mukha ba ‘kong singyaman mo, Villariza? Awit naman sa ‘yo!” Singhal nito ngunit kinukuha pa rin naman ang wallet mula sa sariling bulsa, “hoy, ‘di ba may lunch set? Magkano ‘yon? Nakakatakam tignan.”Halos hindi na makahinga si Lyle kakatawa nang magtanong pa ito tungkol sa lunch set. “Tignan mo ‘tong isang ‘to. Nagagalit kang inaaya kitang mag-order pero nagtatanong ka tungkol sa lunch set? ‘Yong to
CHAPTER 3.2Kung hindi ba naman magulo ang set up nila. Magkakakrus ang mga magkakausap at bilang malalakas ang boses nila, dama ni Lyle na nakakaistorbo na sila ng ibang customer. Nevertheless, he cannot help it but to watch Gian chuckle nervously and scoot away from him. Gusto niya sanang sabihing ayos lang na mapalapit ang distansya nila ngunit mukhang hindi ito kumportable sa kanya.After he gave him coffee latte, though? No, kidding.Mukhang si Zamiel lang yata ang napagod sa set-up nila sapagkat napahilamos ito ng mukha, napailing, at saka marahas na bumuntong hininga.“Can’t we go yet? We’ve been standing here like idiots and Ridge, you’re disturbing customers,” tuluy-tuloy nitong sabi at saka sila tinapunan ng matalim na tingin.“Oh?” Pinasadahan ni Ridge ng tingin si Keegan at Lyle. “Upung-upo na yata ‘yong mahal na prinsipe, sa susunod na lang ulit. See you both, Corgi, Lyle.”Noong magpaalam si Ridge, sumunod si Gian ngunit tanging pagt
CHAPTER 3.3Lumipas ang mga oras magkakasama silang tatlo. Hindi na rin niya napansin ang pag-alis nina Lyle at ng kaibigan nito ngunit… sino ba siya para alamin pa ang bagay na wala namang halaga sa kanya?Matapos nilang mag-bonding, nagpaalam na ang mga kaibigang aalis. Nag-aalala kasi si Zamiel nang magsabi si Ridge na inaantok na ito. Ayaw na ayaw pa naman ng binatang ganito si Ridge dahil halos kagagaling lang pala nito sa trabaho nang mag-ayang bisitahin siya.“I told you. I freaking told you that we should’ve saved this visit for tomorrow but you lack common sense. Bwisit,” panenermon ni Zamiel.Nakangiwi silang nakikinig ni Ridge dahil hindi na naman ito titigil na tumalak hanggang mamaya. Posibleng umabot pa nga kamo ng oras ang inis nito—sana na lamang e magaling manuyo si Ridge dahil paniguradong wantusawa itong makikinig sa bunganga ni Zamiel na takbo ng takbo.Dinaig na nito ang nanay ni Ridge! Ngunit ngayong inoobserbahan niya ang dalawa,
CHAPTER 4.1Natigilan ang binata—who turns out to be the one and only, Ridge—mula sa pananalita nang mapansing magkasama pala sila ni Keegan.Moreover, he looked stunning in his jet black t-shirt. It complimented his raven hair and dark eyes. Mas nadepina rin ng suot nitong t-shirt ang makisig na katawan ni Ridge. At bagamat pawisan, pinupunasan nito ang mga kumakawalang butil ng pawis sa noo, mukha, at leeg gamit ang baong bimpo.Tumaas ang gilid ng mga labi ni binata noong makita nito ang hawak na kapirasong papel.Mahina itong humimig. “Ano ‘yan? Love letter ba ‘yan para kay Keegan, Lyle?”Napaatras siya noong mapansing naglalakad palapit si Ridge sa kanya upang silipin ang papel na hawak. Lalo lang lumawak ang mga ngisi nito nang mag-react si Keegan.“Sira ulo ka talaga! Love letter, nakasulat sa pipitsuging papel? Ikaw lang nakakatanggap ng gano’n!” Singhal nito sa binata at akmang hihilain sana ito palayo kay Lyle kung hindi lamang nakaiwas
CHAPTER 4.2NABIGLA si Lyle sa tanong ni Gian. Lalo na noong maging ang tono ng pananalita nito, kaswal at walang bahid ng kahit anong hiya. Marahil lahat, dala nang hindi siya nito makilala. Though, he also supposed that Gian was trying to recognize him he had been squinting his eyes since earlier. It may also be because Gian knows his voice. Ibahin na kaya niya ang tono para tumagal ang usapan nila.“O-oo, nag-eenjoy ako,” he stammered. Lyle was surprised when his tongue seemed to tie itself, but he immediately cleared his throat to gather his composure, “maganda ang ambiance ng café mo, nakakakalma.”Iginilid ni Lyle ang ulo upang makita ang kabuuan ng café. Gustung-gusto niya talaga na maaliwalas at maluwang ang lugar. Hindi rin naman sobrang magarbo ang disenyo, kulay kape ang mga dingding at may malalaking ceiling fan. Ngunit hindi iyon gumagawa ng malakas na ingay sapagkat mabagal ang takbo noon. Ang ventilation kasi, galing talaga sa mga aircon. Idinagdag l
CHAPTER 5.1NASA kalagitnaan na noon ng pagbabayad ng salamin si Gian nang marinig na bumukas ang pinto kung saan naglalagi si Dr. Gaviola. Suot nito ang tipikal na puting lab coat. Sa pang-ilalim, nakaasul itong long sleeves, itim na pantalon, at loafers. Naglalakad ito patungo kay Leon ngunit kaagad na napansin ng isa ang presensya nito bagamat hindi narinig ang pagbukas ng pinto sa opisina nito. Ang iniaakto ng binata, animo'y naramdaman talaga nito si Dr Gaviola na palapit.“Ano ba 'yan, ang ingay mo Leon, dinig na dinig kita hanggang sa loob ng opisina ko,” puna ng doktor sa kaibigan niya bago nginisian ang binata.Naibaling ni Gian ang mga mata sa kinaroroonan ng mga ito habang nagbabayad. Inaalam kung ano ang mga nangyayari sapagkat naguluhan siya. Hindi niya mapigilan, e. Ang akala niya, ayaw niya lang dito sa loob ng klinika dahil sa atmospera pero mukhang… magkakilala pala sila.Sumagitsit si Leon. Animo’y pusa na ayaw m
EPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.
CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag
CHAPTER 29.2 OH God, what have they done? Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila! Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian. "Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse. Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila! Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m
CHAPTER 29.1 NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately. Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya. Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety. And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It st
CHAPTER 28.2 "YOU know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?" Ridge asked. Nanlalaki ang mga matang tumigil siya sa paghinga. Bagamat sandali lang, pakiramdam niya pa rin e nakalimutan niya kung paano bumawi. He also has a lot to say, but no words escaped his mouth after the sudden slap of reality he received. "I- I know…" mahinang aniya. Tumango si Ridge. "Then why tell me this? Kanina ko pa iniisip kung bakit, pero 'di ko pa rin malaman kung ano bang gusto mong makamtan sa ginagawa mo ngayon." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Closure lang, Ridge. Closure talaga ang gusto ko kaya kita inaya ngayon." Nang sabihin niya ang totoong pakay, si Ridge naman ang nawindang at nagulat. Ipinilig nito ang ulo ngunit kalaunan ay naghalumbaba. Isinasabalewala ang pamahiin at nais nalang na makinig sa dahilan niya. They never dated, yes, but Lyle thinks that his younger self deserved to have this closure to en
CHAPTER 28.1JUST as what Ridge promised him, he really made time for Lyle. Hindi niya iyon inaasahan dahil alam niyang abala si Ridge. Pero ang ayon sa binata, wala itong gagawin ngayon. Tinatamad din daw siyang bisitahin si Zamiel sa trabaho at nagsabi naman daw siya na importante ang pag-uusapan nila.He nearly choked at the "important conversation" term. Hindi naman talaga importante para kay Ridge na marinig ang gusto niyang sabihin. Kung tutuusin, pupwede nitong ipagsakibit balikat ang maririnig mula sa kanya. Natutuwa lang siya na bininyayahan siya nito ng kakarampot na oras at atensyon."So… what are we gonna talk about?" Tanong ni Ridge habang tinitignan ang menu ng korean restaurant na kinaroroonan nila.Nahirapang lumunok si Lyle nang maramdaman ang pagbara ng laway sa lalamunan niya. But in the long run, he still managed to choke out some words to reply."I&hell
CHAPTER 27.3 "ANG bilis ng meet and greet the parents stage niyo? 'Di naman kayo saka 'di ba? Si Ridge ang pinili mo," Keegan commented while sipping from his can of coke. Naniningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan, pero hindi ito pinatulan. Sa halip, ibinalik nalang ang mga mata sa nilalakaran. Lunes noon ng hapon nang mag-aya si Keegan na mag-SM daw sila sa San Fernando. Change of scenery dahil lumang-luma na ang SMC sa kanila. Paulit-ulit nalang ang nakikita nila at wala namang bagong stores na mabibisita. Pumayag din si Lyle dahil wala siyang ginagawa. Well, he is supposed to spend the afternoon with Gian but Keegan texted him to hang out. Hindi naman niya matanggihan ang kaibigan dahil matagal-tagal na rin mula noong huli silang magkausap at magkita. And alright, maybe this really a better thing because he and Gian did spend the rest of the day yesterday in his room.
CHAPTER 27.2 GIAN hates it here. In this place, in this luxurious restaurant rented by his batch mates with people he does not want to interact with. Gusto na niyang umuwi at maglaro ng video games. If not, he would rather spend the whole day talking to Lyle over the phone or surprising him with a visit - which, he is not sure if he can do since it may appear that he was intruding Lyle's privacy and day off. Nagsisisi siyang pumunta siya rito samantalang mas maraming paraan para sayangin ang araw. Pwede naman siyang magpaka-productive kaysa sa... "Uy Gian, balita namin, single ka pa rin?" Puna ng isa sa mga kaklase niya noong mapansin ang pananahimik niya. If he is not mistaken, his name is Kenneth? Nabitin mula sa pagsimsim ng tequila si Gian noong marinig ang pagpuna ito. Tapos, alanganin siyang tumawa. Ayaw niyang i-entertain ang tanong nitong si Kenneth. Ayaw niya kasing marinig kung anong susunod
CHAPTER 27.1 "COME to think of it, bukas na 'yong reunion ng batch niyo noong senior high," ani Lyle habang nilalaro ang toy poodle ni Gian. Kinakarga niya gamit ang dalawang paa iyong aso tapos pasasayawin sa mga hita niya. Pinasadahan niya rin ng mabilis na tingin ang kaibigan at natagpuang nakamasid ang binata sa kanila ni Whitney. Nang mahimasmasan, awtomatikong tumuwid sa pagkakaupo ni Gian. Matapos kasi nitong bumalik mula sa kusina, ang ina nito ang nag-take over para magluto. Hindi rin naman binawi ng binata lahat ng album na naglalaman ng baby photos niya kaya tinapos niya iyong tignan. But he is embarrassed for sure. He was amused of how Gian almost hid himself behind the couch while he busied himself looking over his photos. And to save some face for his friend, he decided to finish scouring through his baby photos quickly. Kaya nga sa ngayon, nilalaro na