CHAPTER 3.3
Lumipas ang mga oras magkakasama silang tatlo. Hindi na rin niya napansin ang pag-alis nina Lyle at ng kaibigan nito ngunit… sino ba siya para alamin pa ang bagay na wala namang halaga sa kanya?
Matapos nilang mag-bonding, nagpaalam na ang mga kaibigang aalis. Nag-aalala kasi si Zamiel nang magsabi si Ridge na inaantok na ito. Ayaw na ayaw pa naman ng binatang ganito si Ridge dahil halos kagagaling lang pala nito sa trabaho nang mag-ayang bisitahin siya.
“I told you. I freaking told you that we should’ve saved this visit for tomorrow but you lack common sense. Bwisit,” panenermon ni Zamiel.
Nakangiwi silang nakikinig ni Ridge dahil hindi na naman ito titigil na tumalak hanggang mamaya. Posibleng umabot pa nga kamo ng oras ang inis nito—sana na lamang e magaling manuyo si Ridge dahil paniguradong wantusawa itong makikinig sa bunganga ni Zamiel na takbo ng takbo.
Dinaig na nito ang nanay ni Ridge! Ngunit ngayong inoobserbahan niya ang dalawa,
CHAPTER 4.1Natigilan ang binata—who turns out to be the one and only, Ridge—mula sa pananalita nang mapansing magkasama pala sila ni Keegan.Moreover, he looked stunning in his jet black t-shirt. It complimented his raven hair and dark eyes. Mas nadepina rin ng suot nitong t-shirt ang makisig na katawan ni Ridge. At bagamat pawisan, pinupunasan nito ang mga kumakawalang butil ng pawis sa noo, mukha, at leeg gamit ang baong bimpo.Tumaas ang gilid ng mga labi ni binata noong makita nito ang hawak na kapirasong papel.Mahina itong humimig. “Ano ‘yan? Love letter ba ‘yan para kay Keegan, Lyle?”Napaatras siya noong mapansing naglalakad palapit si Ridge sa kanya upang silipin ang papel na hawak. Lalo lang lumawak ang mga ngisi nito nang mag-react si Keegan.“Sira ulo ka talaga! Love letter, nakasulat sa pipitsuging papel? Ikaw lang nakakatanggap ng gano’n!” Singhal nito sa binata at akmang hihilain sana ito palayo kay Lyle kung hindi lamang nakaiwas
CHAPTER 4.2NABIGLA si Lyle sa tanong ni Gian. Lalo na noong maging ang tono ng pananalita nito, kaswal at walang bahid ng kahit anong hiya. Marahil lahat, dala nang hindi siya nito makilala. Though, he also supposed that Gian was trying to recognize him he had been squinting his eyes since earlier. It may also be because Gian knows his voice. Ibahin na kaya niya ang tono para tumagal ang usapan nila.“O-oo, nag-eenjoy ako,” he stammered. Lyle was surprised when his tongue seemed to tie itself, but he immediately cleared his throat to gather his composure, “maganda ang ambiance ng café mo, nakakakalma.”Iginilid ni Lyle ang ulo upang makita ang kabuuan ng café. Gustung-gusto niya talaga na maaliwalas at maluwang ang lugar. Hindi rin naman sobrang magarbo ang disenyo, kulay kape ang mga dingding at may malalaking ceiling fan. Ngunit hindi iyon gumagawa ng malakas na ingay sapagkat mabagal ang takbo noon. Ang ventilation kasi, galing talaga sa mga aircon. Idinagdag l
CHAPTER 5.1NASA kalagitnaan na noon ng pagbabayad ng salamin si Gian nang marinig na bumukas ang pinto kung saan naglalagi si Dr. Gaviola. Suot nito ang tipikal na puting lab coat. Sa pang-ilalim, nakaasul itong long sleeves, itim na pantalon, at loafers. Naglalakad ito patungo kay Leon ngunit kaagad na napansin ng isa ang presensya nito bagamat hindi narinig ang pagbukas ng pinto sa opisina nito. Ang iniaakto ng binata, animo'y naramdaman talaga nito si Dr Gaviola na palapit.“Ano ba 'yan, ang ingay mo Leon, dinig na dinig kita hanggang sa loob ng opisina ko,” puna ng doktor sa kaibigan niya bago nginisian ang binata.Naibaling ni Gian ang mga mata sa kinaroroonan ng mga ito habang nagbabayad. Inaalam kung ano ang mga nangyayari sapagkat naguluhan siya. Hindi niya mapigilan, e. Ang akala niya, ayaw niya lang dito sa loob ng klinika dahil sa atmospera pero mukhang… magkakilala pala sila.Sumagitsit si Leon. Animo’y pusa na ayaw m
CHAPTER 5.2“Gano’n ba. Edi…” Tumigil sandali si Lyle sa pananalita at napahawak sa sariling batok. Tila ba minamasahe iyon. “…um, may kasama ka ba, Gian?”Namutla siya at nag-isang linya ang mga labi. Hindi malaman ang sasabihin, pakiramdam ni Gian ay bigla siyang napipi.“H-ha? W-wala.”Ipinukol ni Gian ang buong atensyon kay Lyle at kinuha iyong oportunidad upang mas obserbahan ng malapitan ang binata.Maputi ito ngunit hindi naman kasing puti niya. Palagay niya, mas malapit ang kulay nito si Zachariel. Matangkad din ito, ngunit hindi naman lalampas sa tungki ng ilong ni Gian, iyon ang ipinagpalagay niya. Matangos ang ilong at may kakapalan ang mga labi. Ngunit hindi pangit sa binata ang ganoong mga labi! Namamangha nga siya dahil nadedepina nito kung gaano iyon kapula—meh. Masarap halikan, oo.Natigilan siya sa pag-iisip at napakurap-kurap. Ano ba iyon?! Biglang lumitaw lang s
KABANATA 5.3DAMANG-dama ni Gian ang bilis ng bawat pintig ng puso niya noong manatili lamang ang mga mata ni Lyle sa kanya. Ilang beses siyang napalunok, dumating na sa puntong hindi kinaya ang intensidad ng pagkakatitig nito kung kaya naman nag-iwas na ng tingin. Paano ba naman kasi, animo’y may hinahanap din si Lyle sa sariling mga mata niya. Umawang ang labi nito nang marinig ang tanong niya, tanda na hindi nito inasahan ang katanungang lumabas mula sa bibig niya. Kahit naman siya, hindi rin inaasahang ganoon ang itatanong ngunit dala ng kuryosidad sa panay nitong pag-aangat ng bangko para kay Ridge, hindi niya napigilan ang sariling bibig.Kasama talaga ito sa tanga moments niya.Kinabahan si Gian nang tuluyan nang mamutawi ang katahimikan sa pagitan nila ni Lyle. Tila ba nilamon na sila ng nakabibinging kawalan. Ilang beses siyang napalunok at inilibot ang mga mata huwag lang magtama ang paningin nila ng binata. Napapaisip na rin siya kung ano ba ang magan
CHAPTER 6.1Napatalon si Gian noong may bumusina sa likuran niya. Halos mapakapit pa siya kay Zachariel kung hindi lang siya tinawanan nito at pabirong itinulak. Nang lumingon siya, nabigla siya nang makita si Lyle na naka-motor. Kung kanina, iba na ang awra nito dahil sa suot na mga damit. Ngayon, lalo pang nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid ng binata! Mas malakas ang dating at maangas...Ngumiti ang mga mata nito sa kanya sa kabila ng suot na helmet, awtomatiko rin siyang napangiti. Iyon lang, at nilagpasan na sila ni Lyle para tumungo na sa labasan ng SM.“Nyay! ‘Kala ko ba walang date na nangyari, ba’t may pagano’n na?!” Mapang-asar na sigaw ni Zachariel noong wala na si Lyle sa mga paningin niya. “Kayong dalawa, a! May pangiti-ngitian na!”Nilingon niya ang kaibigan at saka niya ito siniko sa tiyan. Napahalakhak naman ang isa at napahawak din sa parteng tinamaan niya kahit hindi nasasaktan.“Gian, a. Ano na, kinuha mo rin ba numero no’n? Te
CHAPTER 6.2“Hoy! Tungkol sa’n ‘yong tsismis?” Iyon kaagad ang ibinungad ni Leon pagkatapak na pagkatapak sa loob ng bahay ng mga Chastain.Nabato tuloy ito ni Zamiel ng throw pillow dahil abala pa rin sila ni Ridge na manood ng chic flick. Na siyang halos tulugan na naman ni Ridge kung hindi lang nabubuhay ang diwa nito sa salitang tsismis.“Basta, tsismis! Ka-eexcited niyo naman. Baka lamunin ng kaba si Gian, umiyak pa siya!”Sabi na nga ba, e! “Wala nga lang ‘yong kanina, Zach! Ang kulit ng butsi mo!”Gusto na lamang niyang lamunin ng lupa o hindi naman kaya tumakbo pauwi. Lalo na nang sabay-sabay ang lingon nina Zamiel, Ridge, at Leon sa kanila. Lalo siyang pinangilabutan noong mahina pang tumawa si Ridge, animo’y alam na kung tungkol saan ang tsaa.*MABILIS na lumipas ang katapusan ng linggo at natutuwang inabangan ni Lyle ang Lunes. Hindi niya lubusang maintindihan ang nararamdaman ngunit masaya siyang nakapag-usap sila ni Gian
CHAPTER 7.1NAGPATULOY pa sa pag-uusap si Lyle at Gian tungkol sa mga damit na minsan niya nang na-exhibit sa event noon sa Manila. Marami pa silang napag-usapan ngunit mas natuon ang pansin nilang dalawa roon sa damit na idinisenyo niya para kay Ridge. Hindi maiiwasan, doon din kasi ibinuhos ni Lyle ang oras at atensyon. Gustung-gusto niyang i-flex iyon pero hindi niya lamang ginagawa, ngunit ngayon, ewan ba niya pero may kung ano kay Gian na nagtutulak sa kanya para hayaan ang sarili na magmalaki. Marahil dahil comforting ang aura na ine-emit ni Gian? Tipong parang kahit na anong sabihin niya, hindi siya kailanman huhusgahan ng binata.Ngunit bukod sa damit na pinag-uusapan nila, hindi lingid sa kaalaman ni Lyle kung paanong napukaw ng sketchbook niya ang atensyon ni Gian. Paano ba naman kasi ay nanatili ang mga mata ng binata roon. Ilang beses itong lumunok at nagpabalik-balik ang mga mata sa kanya at sa kagamitan, mukhang napapaisip kung paano ba nito itatanong kun
EPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.
CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag
CHAPTER 29.2 OH God, what have they done? Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila! Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian. "Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse. Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila! Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m
CHAPTER 29.1 NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately. Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya. Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety. And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It st
CHAPTER 28.2 "YOU know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?" Ridge asked. Nanlalaki ang mga matang tumigil siya sa paghinga. Bagamat sandali lang, pakiramdam niya pa rin e nakalimutan niya kung paano bumawi. He also has a lot to say, but no words escaped his mouth after the sudden slap of reality he received. "I- I know…" mahinang aniya. Tumango si Ridge. "Then why tell me this? Kanina ko pa iniisip kung bakit, pero 'di ko pa rin malaman kung ano bang gusto mong makamtan sa ginagawa mo ngayon." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Closure lang, Ridge. Closure talaga ang gusto ko kaya kita inaya ngayon." Nang sabihin niya ang totoong pakay, si Ridge naman ang nawindang at nagulat. Ipinilig nito ang ulo ngunit kalaunan ay naghalumbaba. Isinasabalewala ang pamahiin at nais nalang na makinig sa dahilan niya. They never dated, yes, but Lyle thinks that his younger self deserved to have this closure to en
CHAPTER 28.1JUST as what Ridge promised him, he really made time for Lyle. Hindi niya iyon inaasahan dahil alam niyang abala si Ridge. Pero ang ayon sa binata, wala itong gagawin ngayon. Tinatamad din daw siyang bisitahin si Zamiel sa trabaho at nagsabi naman daw siya na importante ang pag-uusapan nila.He nearly choked at the "important conversation" term. Hindi naman talaga importante para kay Ridge na marinig ang gusto niyang sabihin. Kung tutuusin, pupwede nitong ipagsakibit balikat ang maririnig mula sa kanya. Natutuwa lang siya na bininyayahan siya nito ng kakarampot na oras at atensyon."So… what are we gonna talk about?" Tanong ni Ridge habang tinitignan ang menu ng korean restaurant na kinaroroonan nila.Nahirapang lumunok si Lyle nang maramdaman ang pagbara ng laway sa lalamunan niya. But in the long run, he still managed to choke out some words to reply."I&hell
CHAPTER 27.3 "ANG bilis ng meet and greet the parents stage niyo? 'Di naman kayo saka 'di ba? Si Ridge ang pinili mo," Keegan commented while sipping from his can of coke. Naniningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan, pero hindi ito pinatulan. Sa halip, ibinalik nalang ang mga mata sa nilalakaran. Lunes noon ng hapon nang mag-aya si Keegan na mag-SM daw sila sa San Fernando. Change of scenery dahil lumang-luma na ang SMC sa kanila. Paulit-ulit nalang ang nakikita nila at wala namang bagong stores na mabibisita. Pumayag din si Lyle dahil wala siyang ginagawa. Well, he is supposed to spend the afternoon with Gian but Keegan texted him to hang out. Hindi naman niya matanggihan ang kaibigan dahil matagal-tagal na rin mula noong huli silang magkausap at magkita. And alright, maybe this really a better thing because he and Gian did spend the rest of the day yesterday in his room.
CHAPTER 27.2 GIAN hates it here. In this place, in this luxurious restaurant rented by his batch mates with people he does not want to interact with. Gusto na niyang umuwi at maglaro ng video games. If not, he would rather spend the whole day talking to Lyle over the phone or surprising him with a visit - which, he is not sure if he can do since it may appear that he was intruding Lyle's privacy and day off. Nagsisisi siyang pumunta siya rito samantalang mas maraming paraan para sayangin ang araw. Pwede naman siyang magpaka-productive kaysa sa... "Uy Gian, balita namin, single ka pa rin?" Puna ng isa sa mga kaklase niya noong mapansin ang pananahimik niya. If he is not mistaken, his name is Kenneth? Nabitin mula sa pagsimsim ng tequila si Gian noong marinig ang pagpuna ito. Tapos, alanganin siyang tumawa. Ayaw niyang i-entertain ang tanong nitong si Kenneth. Ayaw niya kasing marinig kung anong susunod
CHAPTER 27.1 "COME to think of it, bukas na 'yong reunion ng batch niyo noong senior high," ani Lyle habang nilalaro ang toy poodle ni Gian. Kinakarga niya gamit ang dalawang paa iyong aso tapos pasasayawin sa mga hita niya. Pinasadahan niya rin ng mabilis na tingin ang kaibigan at natagpuang nakamasid ang binata sa kanila ni Whitney. Nang mahimasmasan, awtomatikong tumuwid sa pagkakaupo ni Gian. Matapos kasi nitong bumalik mula sa kusina, ang ina nito ang nag-take over para magluto. Hindi rin naman binawi ng binata lahat ng album na naglalaman ng baby photos niya kaya tinapos niya iyong tignan. But he is embarrassed for sure. He was amused of how Gian almost hid himself behind the couch while he busied himself looking over his photos. And to save some face for his friend, he decided to finish scouring through his baby photos quickly. Kaya nga sa ngayon, nilalaro na