Chapter 1.1
ILANG taon din ang lumipas mula noong makilala ni Lyle si Ridge at matanto niya ang nararamdaman para sa binata. Hanggang ngayon, natutuwa pa rin siyang isipin na ito ang pinakaunang tumanggap sa buong pagkatao ni Lyle. Maliit na bagay para sa iba pero ang laki ng epekto noon sa kanya.
Ito ang naging dahilan kung bakit hindi siya sumuko sa kabila ng mga naranasan. Kung bakit hindi na siya nanghihina sa kabila ng mga insultong natatanggap mula sa mga taong tunay na makikitid ang utak.
Ito ang unang lalaking minahal ni Lyle ng buong-buo. Ang naging mundo, pag-asa, inspirasyon, at ang nagtulak sa kanya upang makamit kung sinuman siya ngayon.
Hindi niya masukat ang pagmamahal para sa binata. Ngunit kasabay ng paglago ng nararamdaman niya para rito ay ang katotohanang sumasampal sa kanya—hindi ito magiging kanya kailanman.
*
Humugot ng malalim na hininga si Lyle bago napahilamos ng mukha at napasabunot sa sariling buhok. Napapikit siya bago bumuntong hininga, dinadama ang pagkasiphayo sa mga kaganapan ngayon sa buhay niya.
Sa kasalukuyan, kailangan niya ng mga modelo para sa upcoming fashion event na gaganapin sa Manila. Isa ang brand niya sa mga naimbita na maglabas ng panibago nitong set of clothes para sa theme na naka-assign sa kanila.
Naihanda na rin naman niya ang lahat. It is just that… if he wants to raise the rate of his success, he has to contact one of the most well-known model in the Philippines, Ridge Gonzales. Ang problema, wala siyang lakas ng loob na kontakin ang manager ng binata!
“Naaalala ko pa lahat. Ang linaw pa sa isip ko, gusto kong lumubog,” bulong niya sa sarili bago tuluyang tinakpan ang mukha, “kung anu-anong ginawa ko noon. ‘Di ka ba marunong mahiya, Lyle?!”
Isa sa mga pinaka dahilan kung bakit pinanghihinaan siya ng loob na kontakin ang manager ni Ridge e dahil nahihiya rin siya sa binata. Paano ba naman kasi, ang dami niyang kalokohan noong huli silang magkita na dalawa. Sa Italy pa iyon pero at taon na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin talaga nabubura sa isip niya ang mga nangyari!
Napakagat siya sa pang-ibabang labi at nagpatuloy sa pagwawala sa isipan. Hanggang sa kalaunan, unti-unti na niyang inalis ang pagkakatakip ng mukha upang silipin ang nakakalat na mga papel sa lamesa niya.
Hala, iyong iba, nahulog na sa sahig. Nang mapagtanto niya kung nasaan siya ngayon, mabilis siyang napalingon sa paligid. Umaasang walang nanonood sa katangahan niya. Yumuko rin siya para dali-daling kunin ang mga nahulog na piraso ng papel.
How can he forget that he is inside a café? Wala siya sa teritoryo niya! Dapat nag-iingat siya. Itigil na rin niya dapat ang pag-arte dahil nagmumukha siyang tanga.
Kung bakit ba naman kasi ang cozy ng ambience rito, hindi niya tuloy maiwasang ilabas ang tunay na kulay.
Ah, nanisi pa siya.
Habang iginagala ang mga mata sa buong café, para siyang nabunutan ng tinik nang mapansing walang nanonood sa kanya. Ngunit nilulukob pa rin ng takot ang puso niya. Marahil dala ng kabang mag-e***l sa manager ni Ridge.
“What should I do, though?” Balik niya sa kanina pang iniisip. “Kung gusto ko ng maraming sale, kailangan ko ng magdadala ng brand ko. And all I could ever think of is Ridge.”
Liban doon, kahit labag man sa loob niya na aminin, iyong pang-finale-ng damit na dinesign niya, personal niya iyong ginawa para kay Ridge. Ito lang ang iniisip niya noong dinidisenyo niya iyon. Siya rin mismo ang nagtahi dahil gusto niyang si Ridge talaga ang magsuot.
“What? Gusto ko ba talaga ng sale o gusto ko lang makita si Ridge na suot iyong damit na ‘yon?”
Nakaramdam siya ng hiya sa naisip.
“B-bahala na,” nauutal niyang pagkausap sa sarili bago tumikhim, “magse-send na ‘ko ng e-mail at aasang bakante pa si Ridge.”
Humigop siya ng malalim na hininga at inihanda ang sarili na kontakin ang manager ng binata. Halos maduling pa siya habang nagtitipa ng mensahe, mahilo dahil hindi siya nakukuntento sa ise-send lalo na at ayaw niyang magmukhang patay na patay sa modelo.
Ngunit sa awa ng Diyos, matapos ang matagal yatang panahon, nakuha niya ring mai-send ang e-mail request para kunin si Ridge bilang modelo niya.
Nakahinga siya ng maluwang nang para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Ngayon, ang hihintayin nalang niya ay ang magiging sagot ng manager ni Ridge. Natigilan sandali si Lyle hanggang sa maalalang doon pala nakasalalay ang pang-finale niya at ang makapag-accumulate ng mas maraming sales sa iba pang brand!
Gago joke lang na nawala kaba niya. Dumagdag pa pala lalo ang iniisip niya!
Nag-isang linya ang mga labi niya habang napapaisip. Hanggang sa, may mahagip siyang pamilyar na imahe mula sa gilid ng mga mata. Mabilis na napukaw noon ang atensyon niya kaya nilingon niya kung anuman iyon. Ngunit hindi niya inaasahan ang masasaksihan.
Napasinghap siya nang makita na dumaan si Ridge sa labas ng café. Hindi lang iyon, kasama nito ang kasintahang si Zamiel. Sabay silang naglalakad at mukhang nag-aasaran habang magkahawak ang mga kamay.
‘Ah, mukhang ang saya niya.’ Ito ang unang pumasok sa isip niya nang makita ang mga ngiti ng binatang pinakamamahal niya. Sumikip ang dibdib niya. Hindi ganoon ngumiti si Ridge sa ibang tao. Espesyal lagi ang trato nito sa kasintahan.
Marahan niyang sinapo ang dibdib at pinakiramdaman ang maliliit na kutsilyong sumasaksak sa puso niya. Hindi niya napansin ang unti-unting pagkuyom ng mga kamao habang sinusundan ng tingin ang papawalang imahe ni Ridge at ng boyfriend nito.
Oh, how jealous he is.
“Ang swerte talaga ni Zamiel,” bulong niya sa sarili na tinutukoy ang kasintahan ni Ridge, “ah. Sana ako na lang ‘yon.”
Kaso, imposible. Suntok sa buwan iyong pangarap niya at nakakaya na lamang niyang pukawin ang atensyon nito dahil related ang trabaho nilang dalawa. Pero, ano kayang pakiramdam na maging boyfriend ni Ridge? Ang sarap yata sa noon lalo na at matagal na niya itong mahal.
“Ba’t kaya ‘di ko napansin noon pa lang na magiging sila rin sa huli?”
Masyadong nagpakampante si Lyle noon na babae ang tipo ni Ridge. Iyon ang nakakapagpatigil sa kanya kaya wala siyang magawa bilang pagpapapansin dito noon. Tapos isang umaga, sumabog na lamang sa buong eskwelahan nila na nagdi-date ito at si Zamiel—naging tsismis iyon dahil si Ridge ang lakan ng batch nila, si Zamiel naman ang running for valedictorian.
Unti-unting nilukob ng kalungkutan si Lyle. Nagbaba siya ng tingin at inilapag ang mga kamay sa lamesa bago pinaglaruan ang mga daliri. Noong hindi na makuntento sa ginagawa, pinasadahan niya ng tingin ang mga design na nakalatag sa harap niya.
Ang iilan dito, idina-draft niya para sa susunod na release ng brand nila. Si Ridge rin ang inspirasyon halos para sa mga damit na ito. Ganoon lang naman siya ka-smiten. Lahat na lang ng ginagawa niya, inaalay niya kay Ridge.
Bumuntong hininga siya at inisa-isa na inayos ang mga sketches nang mayroong lumapit na waitress sa kanya.
“Here’s your order, sir.”
Natigilan si Lyle sa pag-aayos ng mga gamit nang biglang may coffee latte sa harapan niya. He cannot remember ordering? Ang alam din niya, aabalahin niya lang ang sarili sa pagre-relax dahil sa nalalapit na event—kind of kidding about the ‘relax’ part since he will be stressed waiting for Ridge’s manager’s response, but still!
‘Must’ve been from someone I know?’ Pero wala siyang maalala na mayroon siyang kakilala na pumunta rin ngayon sa café na ito.
Looking around, he cannot see anyone he knew around the café. Sabi na nga ba, e! Modus ba ito?! Lalo na, ito pa talagang paborito niyang ino-order ang ibinibigay sa kanya! Noong makumpirma na ang pagsususpetya, tumikhim si Lyle at kaagad na pinukaw ang atensyon ng waitress na naghatid sa kanya ng coffee latte.
“Sandali lang ho,” pigil niya rito. Nang lumingon ito, mabilis niyang iminuwestra ang coffee latte, “‘di pa kasi ako nag-oorder. ‘Di ba kayo nagkamali ng hatid sa ‘kin nito?”
Natigilan ang waitress at napangiti nang mapansin ang pagkalito na nakapinta sa mga mata niya. Ipinilig nito ang ulo bago mahinang natawa, ngunit tinakpan nito ang kalahati ng mukha gamit ang tray na hawak.
‘Don’t tell me that she likes me? I'm not even interested in women!’ Sigaw niya sa isipan, kinakabahan at napapaisip kung paano niya ito ire-reject kung sakali.
“It’s in the house po!” Kalauna’y sagot nito bago ito iminuwestrang ayos lang na inumin niya ang pa-freebie na inabot nito, “ipinapabigay po talaga ‘yan sa inyo ni sir Gian dahil po regular customer kayo.”
Bahagyang kumalma si Lyle nang marinig ang sagot nito. Ngunit muling nakuryoso noong mabanggit na ibinigay ito sa kanya dahil regular customer siya. Ang special naman pala niya rito sa café, e. Bagamat lugmok siya nang makita si Ridge at ang boyfriend nito, kahit paano’y umayos ang pakiramdam niya dahil sa libre.
“Ganito ba talaga rito ‘pag regular customer na?” Dahil medyo gustong malaman ni Lyle kung kailan may ganitong palibre ang café. “Curious lang naman ako.”
Humagikhik ang waitress at mayroong itinuro sa kung saan. “Kung may tanong po kayo, nasa counter po ang boss namin.”
‘Ha, ni-refer na ‘ko sa boss e pwede namang siya ang sumagot?’ Nahiya tuloy si Lyle at imbes na itulak ang pag-uusisa, bumaling siya sa itinuturo nito. ‘It’s really weird that they are giving out free coffee lattes since I've never seen someone 'round here receive one?’
Mabilis na hinanap ng mga mata niya ang mga naroon sa counter, at ang pinaka unang pumukaw sa pansin niya ay ang isang binata na pasimpleng nakatanaw sa kinaroroonan niya.
Dahil nasa malayo, mukhang kasingtangkad niya lang ang binata. Medyo blond ang buhok nito at maputi. Para itong kumikinang? Ina-assume niya lang naman iyon. Masyadong malayo ang kinaroroonan ng boss ng waitress pero iyon kasi ang nakikita niya.
That man is shining!
When their eyes met, Lyle was surprised when he saw that man flinch and act as if he was a lost puppy, trying to find a place to hide. He looked around and seemed as if he was in a hurry that before Lyle could ask about him, the male abruptly opened a door from his side and entered there—never to be seen again.
Napapantastikuhang napatitig si Lyle sa kawalan nang para siyang nakapanood ng comic skit. Gusto niyang matawa na ewan.
“Sino ‘yon?” Wala sa sarili niyang tanong.
“Iyon po ang boss namin!” Masigla namang sabi ng waitress.
Napapitlag siya nang mapagtantong nasa tapat niya pa rin pala ang waitress. Hindi pa pala umalis! Mabilis niya rin itong nilingon bago nagpabalik-balik dito at sa coffee latte ang paningin niya.
“A-ah, eh.” Nag-iwas siya ng tingin bago inabot ang coffee latte na nasa lamesa na naman niya. “Pakisabi, maraming salamat sa libre.”
It is probably because he was too amused of the free drink or of the owner of this café, but he took with his body moving on its own, his mouth speaking the words he never thought he would say.
“Makakarating po!” With that, the waitress left Lyle dumbfounded and confused.
Noong masigurong wala na ito sa paningin niya, wala sa sarili niyang tinignan ang coffee latte na hawak-hawak.
“Bakit ko nga kinuha ‘to?” Wala sa diwa niyang tanong, “dahil libre?”
Gusto niyang matawa sa sarili. Bahala na, sinabi rin naman sa kanyang libre kaya bakit pa siya mag-aabala na ibalik? Isa pa, dahil sa biglaang palibre ng café, nawala sa isipan niya ang imahe ni Ridge at ng boyfriend nito na nagde-date.
It must be a coincidence but… he appreciated that chance to temporarily forget something that only hurts him.
“Abusado ba ako o mabait lang talaga ‘yong nagbigay nito?” Napapikit siya at napangiwi. Binatukan niya rin ang sarili sa isipan. “I should make a mental note to thank that man one day.”
He even acted so cute today, Lyle wanted to see it again.
CHAPTER 1.2ILANG araw na ang lumipas mula nang mag-text si Lyle sa manager ni Ridge. Ang buong akala niya, pahiwatig iyong rejected pala ang e-mail niya at mayroon nang ibang nakakuha kay Ridge na magmodelo. Susuko na sana siya, nawawalan na ng pag-asang makikita si Ridge sa damit na idinisenyo niya…Ngunit alam ng kalawakan kung paano siya pasisiyahin! Tipong hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala na pagbukas niya ng e-mail niya, bumungad sa kanya ang reply ng manager ni Ridge! Pakiramdam niya, para siyang nagising ngunit nananaginip pa rin. Para siyang lumulutang sa sayang hatid ng mensahe nito sa kanya.Halos kararating niya lamang noon sa opisina at balak lamang na tignan ang iilang sale invitations. Matapos iyon, pupuntahan niya ang mga kasama para sa daily routine niyang mag-check ng progress sa mga ginagawa ng mga ito.Then again, when he thought that this day would be just like the others, he noticed something!Hindi nga niya iyon inaasahan d
CHAPTER 1.3NOONG nakarating na ito sa harapan ng counter, hindi siya kaagad pinansin ng may-ari ng café at mukhang hindi rin nito napansin ang presensya niya. Lalo na at kapansin-pansing nakatuon lamang ang mga mata nito sa binatang katabi ni Lyle.“Utang ‘to, Zach! Nambuburaot ka na naman e,” natatawang anito sa katabi niyang binata, “ang lakas mong mangutang, ano! Parang wala kang sariling negosyo!”Inabot ng katabi niya ang iniaabot nitong strawberry latte, sinimsim din bago ito nagsalita. “Grabe naman! Buraot? Nagbabayad naman ako sa end of shift Nakalimutan ko lang talaga wallet ko sa opisina ko. Gian, mapanghusga!”“Laos na ‘yan. Hilig mo kayang mangutang dito.”“Hoy, ‘di naman! Slight lang.” Nag-peace sign ang kausap nito. “Inaano ka ba? Mahalaga, nagbabayad ako!”“‘Di ka naman nagbabayad, e. Binuburaot mo. Saka may restaurant ka naman pero nangungutang ka sa café ko?”“Pre, ‘di mo gets! Mas masarap kumain ‘pag 'di ikaw may-ari noong
CHAPTER 2.1MULA noong mangyari ang wirdong engkwentro niya sa café, hindi makalimutan ni Lyle kung gaano siya naaliw kay Gian. He got his name after his friend, who was apparently watching Gian stutter and act clumsy, mentioned his name. Hindi na niya nakalimutan ang pangalan nito mula noon.However, despite Gian delivering him happiness, he is not really the highlight of Lyle’s day today.Ilang linggo na rin ang lumipas. Araw na ng hinihintay nilang fashion event. Pakiramdam niya, para siyang nananaginip ng gising. Animo’y hindi makatotohanan ang mga nangyayari sa kanya. Tila inaasar lang ng tadhana pero sa tuwing kumukurap siya, matatanto niyang totoo ang lahat.“Okay ka lang ba, Lyle?”Napapitlag siya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nanindig ang mga balahibo niya at hindi niya maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya nang rumehistro sa kanya ang nagma-may ari ng boses na kumausap sa kanya.Dahan-dahan siyang lumingon up
CHAPTER 2.2NATIGILAN si Lyle at mabilis na nag-angat ng tingin kay Ridge. Hindi inaasahan ang tanong na maririnig mula sa mga labi nito. Iyon nga lang ay hindi ito nakatingin sa , marahil dala ng hiya. Sa halip, abala itong tapusing isuot ang susunod na damit na irarampa.Meanwhile, Lyle was at a loss of words. Anong sasabihin niya? Anong gustong marinig ni Ridge mula sa kanya? Hindi naman itatanggi ni Lyle na hindi lamang si Ridge ang lalaki sa buhay niya. Pero sa lahat ng ex niya, kahit hindi naging sila ng binata, ito talaga ang hinahanap hanap ng puso niya.“I mean, in an actual relationship, by the way,” dagdag ni Ridge na ikinagulo lalo ng isip niya.“Ah, eh...” Hindi niya alam kung ano ba ang tamang sabihin, wala naman siyang maitatanggi? “oo naman. Ba’t mo naitanong?”“Talaga? Anong pakiramdam?”Pinagpag ni Ridge ang suot bago nito ipinilig ang ulo paharap sa kanya. Nagtama ang m
KABANATA 3.1NANG mag-aya siyang mag-order ulit, halos hindi maipinta ang naging itsura ni Keegan. Hindi niya tuloy naiwasan ang bahagyang matawa sapagkat ang asim nitong tignan. Animo’y mauubusan na ng pera sa isa pang dessert na bibilhin.“Itsura mo naman. ‘Kala ko ba, gusto mo pa ng isa pang macha cake?”Hindi napigilan ni Lyle na matawa nang umingos ang kaibigan. Lalong lumakas ang tawa niya noong tumalim ang mga tinging ibinabato sa kanya ni Keegan. Aliw na aliw siya, paano ba naman kasi e parang pangarap ni Keegan na ipatalsik siya.“Gusto ko nga pero mukha ba ‘kong singyaman mo, Villariza? Awit naman sa ‘yo!” Singhal nito ngunit kinukuha pa rin naman ang wallet mula sa sariling bulsa, “hoy, ‘di ba may lunch set? Magkano ‘yon? Nakakatakam tignan.”Halos hindi na makahinga si Lyle kakatawa nang magtanong pa ito tungkol sa lunch set. “Tignan mo ‘tong isang ‘to. Nagagalit kang inaaya kitang mag-order pero nagtatanong ka tungkol sa lunch set? ‘Yong to
CHAPTER 3.2Kung hindi ba naman magulo ang set up nila. Magkakakrus ang mga magkakausap at bilang malalakas ang boses nila, dama ni Lyle na nakakaistorbo na sila ng ibang customer. Nevertheless, he cannot help it but to watch Gian chuckle nervously and scoot away from him. Gusto niya sanang sabihing ayos lang na mapalapit ang distansya nila ngunit mukhang hindi ito kumportable sa kanya.After he gave him coffee latte, though? No, kidding.Mukhang si Zamiel lang yata ang napagod sa set-up nila sapagkat napahilamos ito ng mukha, napailing, at saka marahas na bumuntong hininga.“Can’t we go yet? We’ve been standing here like idiots and Ridge, you’re disturbing customers,” tuluy-tuloy nitong sabi at saka sila tinapunan ng matalim na tingin.“Oh?” Pinasadahan ni Ridge ng tingin si Keegan at Lyle. “Upung-upo na yata ‘yong mahal na prinsipe, sa susunod na lang ulit. See you both, Corgi, Lyle.”Noong magpaalam si Ridge, sumunod si Gian ngunit tanging pagt
CHAPTER 3.3Lumipas ang mga oras magkakasama silang tatlo. Hindi na rin niya napansin ang pag-alis nina Lyle at ng kaibigan nito ngunit… sino ba siya para alamin pa ang bagay na wala namang halaga sa kanya?Matapos nilang mag-bonding, nagpaalam na ang mga kaibigang aalis. Nag-aalala kasi si Zamiel nang magsabi si Ridge na inaantok na ito. Ayaw na ayaw pa naman ng binatang ganito si Ridge dahil halos kagagaling lang pala nito sa trabaho nang mag-ayang bisitahin siya.“I told you. I freaking told you that we should’ve saved this visit for tomorrow but you lack common sense. Bwisit,” panenermon ni Zamiel.Nakangiwi silang nakikinig ni Ridge dahil hindi na naman ito titigil na tumalak hanggang mamaya. Posibleng umabot pa nga kamo ng oras ang inis nito—sana na lamang e magaling manuyo si Ridge dahil paniguradong wantusawa itong makikinig sa bunganga ni Zamiel na takbo ng takbo.Dinaig na nito ang nanay ni Ridge! Ngunit ngayong inoobserbahan niya ang dalawa,
CHAPTER 4.1Natigilan ang binata—who turns out to be the one and only, Ridge—mula sa pananalita nang mapansing magkasama pala sila ni Keegan.Moreover, he looked stunning in his jet black t-shirt. It complimented his raven hair and dark eyes. Mas nadepina rin ng suot nitong t-shirt ang makisig na katawan ni Ridge. At bagamat pawisan, pinupunasan nito ang mga kumakawalang butil ng pawis sa noo, mukha, at leeg gamit ang baong bimpo.Tumaas ang gilid ng mga labi ni binata noong makita nito ang hawak na kapirasong papel.Mahina itong humimig. “Ano ‘yan? Love letter ba ‘yan para kay Keegan, Lyle?”Napaatras siya noong mapansing naglalakad palapit si Ridge sa kanya upang silipin ang papel na hawak. Lalo lang lumawak ang mga ngisi nito nang mag-react si Keegan.“Sira ulo ka talaga! Love letter, nakasulat sa pipitsuging papel? Ikaw lang nakakatanggap ng gano’n!” Singhal nito sa binata at akmang hihilain sana ito palayo kay Lyle kung hindi lamang nakaiwas
EPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.
CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag
CHAPTER 29.2 OH God, what have they done? Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila! Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian. "Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse. Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila! Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m
CHAPTER 29.1 NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately. Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya. Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety. And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It st
CHAPTER 28.2 "YOU know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?" Ridge asked. Nanlalaki ang mga matang tumigil siya sa paghinga. Bagamat sandali lang, pakiramdam niya pa rin e nakalimutan niya kung paano bumawi. He also has a lot to say, but no words escaped his mouth after the sudden slap of reality he received. "I- I know…" mahinang aniya. Tumango si Ridge. "Then why tell me this? Kanina ko pa iniisip kung bakit, pero 'di ko pa rin malaman kung ano bang gusto mong makamtan sa ginagawa mo ngayon." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Closure lang, Ridge. Closure talaga ang gusto ko kaya kita inaya ngayon." Nang sabihin niya ang totoong pakay, si Ridge naman ang nawindang at nagulat. Ipinilig nito ang ulo ngunit kalaunan ay naghalumbaba. Isinasabalewala ang pamahiin at nais nalang na makinig sa dahilan niya. They never dated, yes, but Lyle thinks that his younger self deserved to have this closure to en
CHAPTER 28.1JUST as what Ridge promised him, he really made time for Lyle. Hindi niya iyon inaasahan dahil alam niyang abala si Ridge. Pero ang ayon sa binata, wala itong gagawin ngayon. Tinatamad din daw siyang bisitahin si Zamiel sa trabaho at nagsabi naman daw siya na importante ang pag-uusapan nila.He nearly choked at the "important conversation" term. Hindi naman talaga importante para kay Ridge na marinig ang gusto niyang sabihin. Kung tutuusin, pupwede nitong ipagsakibit balikat ang maririnig mula sa kanya. Natutuwa lang siya na bininyayahan siya nito ng kakarampot na oras at atensyon."So… what are we gonna talk about?" Tanong ni Ridge habang tinitignan ang menu ng korean restaurant na kinaroroonan nila.Nahirapang lumunok si Lyle nang maramdaman ang pagbara ng laway sa lalamunan niya. But in the long run, he still managed to choke out some words to reply."I&hell
CHAPTER 27.3 "ANG bilis ng meet and greet the parents stage niyo? 'Di naman kayo saka 'di ba? Si Ridge ang pinili mo," Keegan commented while sipping from his can of coke. Naniningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan, pero hindi ito pinatulan. Sa halip, ibinalik nalang ang mga mata sa nilalakaran. Lunes noon ng hapon nang mag-aya si Keegan na mag-SM daw sila sa San Fernando. Change of scenery dahil lumang-luma na ang SMC sa kanila. Paulit-ulit nalang ang nakikita nila at wala namang bagong stores na mabibisita. Pumayag din si Lyle dahil wala siyang ginagawa. Well, he is supposed to spend the afternoon with Gian but Keegan texted him to hang out. Hindi naman niya matanggihan ang kaibigan dahil matagal-tagal na rin mula noong huli silang magkausap at magkita. And alright, maybe this really a better thing because he and Gian did spend the rest of the day yesterday in his room.
CHAPTER 27.2 GIAN hates it here. In this place, in this luxurious restaurant rented by his batch mates with people he does not want to interact with. Gusto na niyang umuwi at maglaro ng video games. If not, he would rather spend the whole day talking to Lyle over the phone or surprising him with a visit - which, he is not sure if he can do since it may appear that he was intruding Lyle's privacy and day off. Nagsisisi siyang pumunta siya rito samantalang mas maraming paraan para sayangin ang araw. Pwede naman siyang magpaka-productive kaysa sa... "Uy Gian, balita namin, single ka pa rin?" Puna ng isa sa mga kaklase niya noong mapansin ang pananahimik niya. If he is not mistaken, his name is Kenneth? Nabitin mula sa pagsimsim ng tequila si Gian noong marinig ang pagpuna ito. Tapos, alanganin siyang tumawa. Ayaw niyang i-entertain ang tanong nitong si Kenneth. Ayaw niya kasing marinig kung anong susunod
CHAPTER 27.1 "COME to think of it, bukas na 'yong reunion ng batch niyo noong senior high," ani Lyle habang nilalaro ang toy poodle ni Gian. Kinakarga niya gamit ang dalawang paa iyong aso tapos pasasayawin sa mga hita niya. Pinasadahan niya rin ng mabilis na tingin ang kaibigan at natagpuang nakamasid ang binata sa kanila ni Whitney. Nang mahimasmasan, awtomatikong tumuwid sa pagkakaupo ni Gian. Matapos kasi nitong bumalik mula sa kusina, ang ina nito ang nag-take over para magluto. Hindi rin naman binawi ng binata lahat ng album na naglalaman ng baby photos niya kaya tinapos niya iyong tignan. But he is embarrassed for sure. He was amused of how Gian almost hid himself behind the couch while he busied himself looking over his photos. And to save some face for his friend, he decided to finish scouring through his baby photos quickly. Kaya nga sa ngayon, nilalaro na