"Callie!"
Lumingon ako para tingnan kung sino 'yong tumawag sakin. Mula sa dulo ng hallway, nakita ko si Carlo–este Carla pala na tumatakbo papunta sakin.
May hawak siyang mga hard copy na nakalagay sa isang folder na tila para yata 'yon sa research report nila.Hinintay ko lang siya hanggang sa makarating siya sa harap ko."Uy kamusta? " tanong ko nang makalapit ito.
Isang malalim na buntong hininga ang binungad niya bago Ito nag salita. “Ito, sobrang stress. Ang dami kong tinatapos ngayong semester."
"Ako nga rin eh. Okay lang 'yan. Ganyan talaga ang buhay." sabi ko sabay tapik sakanya sa balikat.
"Sinabi mo pa. Nga pala, may klase ka pa ba bakla?" dagdag pa niya.
"Wala na bakla. Pero mamayang alas dos meron." sabi ko't napa tingin pa sa relo ko.
Napatingin sa paligid si Carla na tila may hinahanap kaya nag taka ko siyang tiningnan.
"Asan na pala sina Kaye at Sarah?" tanong niya.
"Nasa Cafeteria. Nag l-lunch."
"Ay, 'di man lang tayo hinintay?" sabi niya saka napa nguso.
"Pinauna ko na lang sila. Busog pa kasi ako." pagsisinungaling ko.
"Sure ka? Parang 'di ka naman nag meryenda kanina ah." nagtatakang tanong nito kaya nag isip ako ng pwedeng i dahilan sakanya.
"Ano ka ba. Ganito talaga kapag diet." sabi ko habang napapa hawak sa beywang ko.
"Naks! Ikaw talaga. Baka sa sobrang diet mo malamangan mo pagiging sexy ko ha." baklang-baklang sabi ni Carla. "Nga pala, kamusta 'yong kumpanya ninyo?" dagdag pa niya.
Napatigil ako ng kunti no'ng itinanong sakin ni Carla 'yon ngunit naka isip din naman agad ng maisasagot.
"Uhm... Ayos lang naman." sabi ko't nag isip ng ibang topic. "Nga pala, Alis na ako. May nakalimutan pa kasi akong kunin sa library."
"Okay. Bye bakla!" pa alam niya saka nag wave ito sakin gamit ang kaliwang kamay niya.
"Bye!" mahinang sambit ko't dahan dahang naglakad papalayo.
Matapos ang pitong taon, Ito na ako.
Tama, pitong taon na ang nakalipas simula no'ng mangyare ang isang aksidenteng naging dahilan ng pagka matay ng mga magulang ko.Isa na akong college student dito sa isang sikat na University. Pero scholarship lang ang dahilan kung papano ako naka pasok dito.
Na baon kami sa utang dahil nalugi ang kompanya namin simula no'ng
namatay sa aksidente ang pamilya ko.Kung kaya't heto ako ngayon, nagpapanggap bilang isang mayaman sa harap ng mga kaibigan ko at sa lahat ng mga tao.
Hindi ko naman talaga intensyon ang mag panggap. Pero dahil nga, isang anak mayaman ang pagkakakilala at akala nila sakin sa simula pa lang ay nadala ako sa tukso na magpanggap na lamang.
Kasi alam ko na kapag sinabi ko ang totoo, wala nang gustong makipag kaibigan pa sakin dahil sa hindi ako mayaman katulad nila.
Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ako napilitang magpanggap.
Natuto akong mamuhay mag isa at walang akong ni isang naging karamay simula no'ng mangyare ang aksidenteng 'yon. Hindi na rin ako pinatulog ng maayos sa Gabi simula no'n. Natuto akong magtrabaho para makapag aral at para na rin may pambayad sa apartment na tinutuluyan ko.
Lahat ng 'yon ay kinaya ko. Kasi wala namang ibang tutulong sakin kundi ang sarili ko lang.
Alas otso ng Gabi no'ng matapos ang last class ko. Diretcho agad ako sa isang Videoke bar kung saan ako nagta-trabaho bilang isang waitress.
Maliit na sahod lang ang natatanggap ko rito ngunit naging sapat na Ito upang mabayaran ang apartment na tinutuluyan ko at may pambili ng pagkain sa pang araw-araw.
Pagdating ko do'n, nag palit ako ng uniform ko sa trabaho at nagsimulang mag trabaho.
Nagpunta ako sa kabilang kuwarto dahil may umorder ng beer.
No'ng nasa harap na ako ng pinto ng kuwartong 'yon ay kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Nagsi tahimik silang lahat no'ng makita nila ako.
Pumasok ako tapos nilapag 'yong dalawang beer sa table.
"Excuse me, ito na po 'yong order niyo." saad ko.
Puro sila mga highschool students. Mga naka suot pa nga sila ng school uniform nila. At iisang school lang ang pinanggalingan nilang lahat. Di ko lang alam kung mga mag kaklase din ba sila o magkakabarkada lang. Di ko akalain na sa edad nilang 'yan ay nagagawa na nilang uminom. I'm sure walang alam ang parents nila sa ginagawa nila't nag aalala na sakanila 'yong mga 'yon.
Kawawa naman.
Napa pout na lamang ako no'ng tumalikod ako saka lumabas sa kuwartong 'yon at inasikaso na naman 'yong ibang costumers.
Madaling araw na ako umuuwi. Siguro mga tatlong oras lang 'yong tulog ko lagi tapos pagdating ko sa school lagi akong puyat.
Alas sais ng umaga nang umalis ako ng apartment at naglakad patungong University. Habang naglalakad ako sa hallway, nagulat ako no'ng magtilian bigla 'yong mga babae habang naka tingin sa entrance.
Napa lingon ako sa likuran ko para tingnan kung sino 'yon.
Napa nganga na lamang ako out of the blue no'ng makita ko kung gaano ka gwapo 'yong lalakeng nasa likod ko na siyang kinababaliwan ng mga babaeng nandito ngayon.
Mula sa dulo habang papalapit siya sa gawi ko kung saan ako nakatayo ngayon habang titig na titig sa lalakeng 'yon, ay pakiramdam ko sa bawat hakbang ng lalakeng 'yon ay parang nag s-slow motion katulad sa mga napapanood ko sa pelikula. Lumakas ang ihip ng hangin, tipong nag w-wave pati buhok ko at tila wala na akong nakikitang ibang tao sa paligid kundi siya lang.
Sa sobrang tulala ko that time, 'di ko namalayan na sobrang bilis niya't nasa harap ko na siya.
Napa kurap pa ako ng mga ilang beses habang nakatingin sakanya. And it takes a seconds bago ako pumagilid para makadaan ang lalakeng 'yon.Kahit yata lumagpas na siya sakin ay nakasunod parin ang mga tingin ko sakanya.
He's such a perfect Man! A tall, dark and handsome.
Ang pinapangarap ng mga kababaihan,
Grabe! Sobrang perfect niya.
Bakit ngayon ko lang siya nakita sa campus?
"Callie!!" Sigaw nina Sarah, Kaye at Carla habang patakbong papalapit sakin.
"Sino 'yon?" Tanong ko nang makalapit sila sakin.
"Si Zaiden. 'Yong pinaka gwapo sa Engineering Department!!"
"Correction, sa buong Campus bakla!" singit ni Kaye.
"Ay oo nga pala. Wala na palang mas pogi sakanya dito. Bakit mo pala natanong?—Don't tell me, may Crush ka do'n?"
"A-ano? H-hindi ah." pa iling iling kong sabi.
Muli akong napatingin sa lalakeng 'yon, nagulat na lamang ako no'ng lumingon siya sa gawi namin at nagtama ang paningin namin pareho.
Ako?
Seriously?!
Ilang segundo kaming nagkatitigan, kahit ako hindi ko maalis ang mga tingin sakanya oras na mapatingin ka sa mga mata niya. Para bang na h-hypnotize ka.
"Naku mga Bakla! Nakita niyo 'yon!" saad ni Carla sabay hampas ng pamaypay na hawak niya sakin.
Masyadong malakas 'yong pagka hampas pero 'di man lang ako napa aray. Ewan ko ba, pero masyado yatang naagaw ng attensyon ko 'yong Zaiden na 'yon kaya hindi ko man lang magawang makaramdam ng sakit.
"Nakatingin siya sayo bakla!" kilig na kilig na sabi ni Sarah at tinulak pa ako.
Muntik na akong matumba pero buti na lang nahawakan ako ni Kaye.
"Oo nga! Inggit kami do'n ah." sabi naman ni Kaye saka tunusok tusok ako sa tagiliran.
"Naku, Malay natin 'di talaga ako 'yon." pag tanggi ko.
"Bahala ka d'yan, pero kung ako sayo landiin mo na bago pa ma agaw ng iba."
"Anong landiin? Grabe ka naman. Landi talaga?" ani ko.
"Hay naku! Wag ka nang choosy. Kapag may opportunity, grab mo na bakla!"
Natawa ako sa mga sinabi nila. Pero parang meron sa loob loob ko na parang umaasa ako na sana tama 'yong sinasabi ng mga kaibigan ko na nakatingin talaga siya sakin gano'n din sa nakita ko. Ngunit ayoko naman mag assume sa harap ng mga kaibigan ko dahil ayokong mapahiya kung saka sakali.
"Ano ba kayo, tumigil nga kayo nakakahiya." ani ko.
"Hala! Namumula ka." sigaw ni Sarah at napa turo pa sa mukha ko.
Shet! Ano ba 'tong pinag sasasabi nila sakin? At talagang namumula pa ako?!
Kahit 'di ko kasi tingnan sa salamin ay alam ko namang kung namumula talaga ako o hindi. Pano ko nalalaman? Well, nararamdaman ko.
Napatingin na lamang ako sa ibang lugar at inisip 'yong kung papano ako magkakaroon ng chance na makausap 'yong Zaiden na 'yon.
Never akong naging fangirl ng mga kung ano anong boyband o girlband noon o kahit ano pa 'yan. Pero ngayon, feeling ko ito 'yong pakiramdam ng pagiging isang fangirl.
Hays. Parang gusto ko tuloy umasa na sana ako talaga 'yong tinitingnan ng lalakeng 'yon.
At dahil nga parang gusto kong paniwalain ang sarili ko na type ako ng lalakeng 'yon, pag uwi at pag uwi ko ng apartment ay agad ko namang kinuha ang cellphone ko at sinearch 'yong lalakeng 'yon sa f*. Kaso lang, 'di ko mahanap 'yong F******k account niya since 'di ko pa naman alam 'yong full name niya. Zaiden lang 'yong sinearch ko tapos kung ano-ano pa 'yong mga lumalabas. Binato ko 'yong cellphone ko sa malambot kong higaan saka tumayo ako at kumuha ng baso at nilagyan ng tubig saka uminom.
Nag daydreaming ako buong magdamag since wala akong work ngayon dahil day off ko.
***
Nagulat na lang ako no'ng malaman kong ka org. ko na pala 'tong si Zaiden.
May org. na daw siya dati pero lumipat siya at akalain niyo 'yon, ka org. ko na siya ngayon.
Pinag lalapit kaya kami ng tadhana?
O baka naman coincidence lang 'to?At dahil do'n, may mga bagay na akong nalalaman tungkol sa kanya.
Alam ko na rin 'yong buong pangalan niya, Zaiden Villanueva 'yan ang buong pangalan niya.
Sinubukan kong mag friend request sakanya sa F* kaso 'di pa niya ina-accept 'yon.Ewan ko ba, baka 'di lang niya napansin 'yong Friend Request ko o baka naman talagang ayaw lang niya akong I accept.Nalaman ko din na marami na daw siyang naging Girlfriend dati, at usap usapan na may pagka play boy daw itong si Zaiden. Pero parang ‘di naman halata? O baka ako lang 'di nakaka halata.Pero sa ngayon, single daw siya. 'Yan ‘yong sabi niya sa mga nagtatanong sakanya na mga ka org. namin.
Well, tingin ko naman magaganda lang hanap ng isang ‘to.Compared sakin, wala akong panama sa mga babaeng natitipuhan nitong lalakeng ‘to. At isang napaka impossible kapag mapansin niya ang isang babaeng katulad ko.Dumating 'yong mga iba pa naming ka org. at nagsimula naming pag usapan 'yong planong gagawin namin this week. Isang party sa isang Bar.Simple lang naman 'yon, gusto lang nila ng peace of mind at mag enjoy. Nakaka sawa na rin kasi 'yong puro aral na lang. Dapat walang kill joy at lahat kasama.Habang nag uusap usap ang mga org. ko, malaya kong napag masdang maigi si Zaiden. Pero sa tuwing mapapa tingin siya sa gawi ko ay umiiwas agad ako at nagkukunwaring may ka text para 'di niya mahuling naka tingin ako sakanya.
Natapos 'yong pinag usapan naming plano at nagsi alisan na 'yong mga ka org. ko. Naiwan kaming dalawa ni Zaiden do'n.
Nag pa iwan ako kasi nililigpit ko pa 'yong gamit ko at may isang oras pa ako para sa susunod kong klase. Siya naman parang wala namang ginagawa kundi ang mag laro ng video games sa phone niya."Callie!" tawag ni Sarah sakin.Lumapit siya samin at na lipat ang tingin kay Zaiden.
"Uy, nandito ka pala. Hi!" bati niya kay Zaiden."Hello." malamig na sambit nito kay Sarah.
Halatang kinilig si Sarah no'ng binati siya pabalik ni Zaiden.
Grabe! Tingin ko, magkakaroon ako ng maraming karibal dito.
Char lang. Alam ko namang wala akong panama sa mga babae dito. Lalo na kay Sarah, sobrang ganda niya at nanggaling siya sa isang mayamang pamilya. Hindi katulad ko na mag isa lang sa buhay at nag papanggap pang mayaman."Uhm... Itatanong ko lang sana kung busy ka ngayon?"
"Oo." malamig na sambit nito habang busy parin sa kaka pindot sa cellphone niya.
Napa pout si Sarah at sumimangot ng kunti.
"Ah... Okay."
Umalis si Zaiden at naiwan naman kami ni Sarah.
"Ang cold naman ng lalakeng 'yon."
"Gano'n talaga. Baka busy lang talaga 'yong tao."
"Siguro."
Kinuha ni Sarah 'yong bag niya tapos umalis din agad pagkatapos.
No'ng umalis si Sarah, nakita kong bumalik si Zaiden at umupo sa tabi ko.Wait... Pano ulit huminga?
Ugh! Ang awkward. Di ko alam Kung papano siya kausapin kahit na gustong gusto nang bumuka ng bibig ko. Di ko nga lang alam kung papano ko simulan.
Napatingin ako sakanya, at nahuli na naman niya akong nakatitig sakanya.
"Bakit?" nagtatakang tanong nito.
"Ah... Wala naman, akala ko ba busy ka?"
"Ah," nahihiya nitong sabi at napa kamot pa sa ulo niya. "Nakalimutan kong 'di pala ako busy."
Ano daw?
"Ang weird mo." sabi ko sabay tawa.
Ang awkward no'n kasi ako lang 'yong tumawa tapos nagtaka siyang napa tingin sakin kung bakit ako tumawa kaya natahimik agad ako.
"Ah sorry." nahihiya kong sabi saka tumayo para mag CR. "CR lang ako."
Umalis ako't nag puntang CR. Nag hilamos ako ng maraming beses bago ulit bumalik do'n kaso pag balik ko wala na siya do'n.
Pagkatapos no'n, wala nang exciting na nangyare sa araw ko.Dumating ang araw kung kelan gaganapin 'yong pinag planohan ng org. namin.
Alas otso ng Gabi na no'n, saktong may work ako.
Di ako pwedeng umabsent or else matatanggal ako sa trabaho.Nasa work ako no'ng tumawag sakin ang mga kaibigan ko.
"Hello, asan ka na?"
Rinig ko 'yong background music sa kabilang linya kaya alam kong nasa Bar na sila.
"Ah sorry, 'di ako makaka punta."
"What?! Hello, 'di pwede kill joy remember?"
"Alam ko, pero may emergency lang kasi talaga—"
"Wait, asan ka ba? Bakit may naririnig kaming back ground music? Teka, nasa Videoke Bar kaba?"
Nag panic ako no’ng tinanong nila sakin ‘yon kaya nag isip agad ako ng pwedeng mairarason.
"Ha? H-hindi, 'yong pinsan ko lang 'yon. Kumakanta kasi siya."
"Hay naku, mag ready ka na. Sunduin ka namin sa bahay niyo—"
"Hindi!" mabilis at halatang kabado kong sabi. "Ah, ano kasi... May emergency talaga sa bahay."
"Seriously?! Di ka talaga pupunta?"
"Oo. Sorry, enjoy na lang kayo."
"Nandito kaya si Zaiden."
Parang lumiwanag ang paligid no'ng marinig ko ang pangalan niya.
"Talaga?"
"Yeah! Kaya mag bihis ka na d'yan at pumunta dito, okay?"
"Teka lang—hello? hello?"
Napatingin na lamang ako sa cellphone ko no'ng binabaan nila ako.
Pano ba 'to? Pupunta ba ako o hindi?
Ugh! Ang hirap naman mag decide.
Hello Callie?! Mag isip ka nga, una may work ka. At importante 'yon dahil pag no work, no pay! Pangalawa magagalit sayo 'yong boss mo kapag umalis ka ng walang pa alam.
Kaya lang, nando'n si Zaiden. Pag 'di ako naka punta, i will miss the half of my life. Hay grabe! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko?! Nasisiraan na yata ako ng bait.
Wala sa sariling tumakbo ako at nag pa alam sa boss ko. Nag hanap ako ng pwedeng i dahilan para payagan niya ako. Sinabi kong sinugod 'yong Lola ko sa hospital kahit na wala naman talaga akong Lola at buti na lang naniwala 'yong boss ko't pinayagan akong umalis.
Umuwi ako tapos nag bihis.
Nag punta ako sa sinabi nilang Bar.Suot ko 'yong Mini dress na kulay Pula na binili ko lang sa mamurahing dress shop no'ng nakaraan. Siguro mga nasa 70 pesos lang siya.Pagdating ko do'n, nasa entrance pa lang ako rinig na rinig ko na agad 'yong mga ingay nila at background music.
Pumasok ako sa loob, nakita ko 'yong mga ka org. ko na nagsasayawan tapos 'yong iba may mga dalang inumin.
Ang gagara pa ng mga suot nila.
Di katulad ko na sobrang cheap lang at nabibili lang sa mumurahing tindahan ng mga damit.Nakakasama ko nga ang mga mayayamang katulad nila, ngunit 'di ko ramdam kong ano ang pakiramdam ng maging isang mayaman.
Pakiramdam ko, 'di talaga ako bagay dito.
Hinanap ko sina Sarah at mula sa dulo, nakita ko si Zaiden kasama 'yong bar tender na nag mi-mix ng inuming alak.
Di ko alam na umiinom pala siya.
Ewan ko ba, pero kasi kung ibang tao 'yong makikita kong umiinom nandidiri at na tu-turn off ako. Pero no'ng makita ko siya, napa ngiti at kinilig na lang ako bigla.
Lalapitan ko sana siya kaso lumapit sakin si Kaye.
"Buti naman naka punta ka."
Naka suot siya ng black mini dress at high heels. Tapos may mga alahas pa. Ang ganda niya.
"Ah oo."
"Kamusta 'yong emergency? Anong emergency ba 'yon?"
"Ah. Ayos na 'yon, wag mo nang intindihin."
"Okay."
Napatingin kami sa harap no'ng umakyat si Sarah sa stage.
"Anong gagawin niya?"
"Mag aalay ng kanta."
"Really? Para kanino?"
"Para kay Zaiden."
Ngumiti ako kay Kaye, kunware ayos lang ako. Di naman sa nag seselos ako, Pero kasi sa tuwing may mga babaeng lumalapit o mag aalay ng mga kung ano para kay Zaiden, pakiramdam ko wala talagang pag asa ang isang katulad ko para sa isang katulad ni Zaiden.
Muli kong ibinaling ang mga tingin kay Sarah.
Naka suot siya ng kulay pulang dress at may hawak na microphone. Kahit malayo siya samin, makikita mo 'yong hikaw at relo niya na nakakasilaw dahil sa kulay nitong ginto.
Nag salita siya at napatingin na lamang ako kay Zaiden no'ng ibinanggit niya ang pangalan nito.
Kita ko sa mukha ni Zaiden ang pagka gulat kasabay ng pag lagok niya ng alak na kaka bigay lang sakanya ng bar tender.
Nagsimulang kumanta si Sarah.
Maya maya pa ay tumayo si Zaiden at pumunta sa labas. Hindi ko alam kung mag papahangin o susuka?Lumapit sakin 'yong isa sa mga kaibigan niyang si Prince.
Di kami gano'n ka close ni Prince pero since Ex girlfriend niya 'yong kaibigan kong si Kaye, nagkaka usap din kami minsan. At nitong mga nakaraan ko lang din nalaman na close pala silang dalawa."Nakita mo ba si Kaye?" tanong ni Prince.
"Ah. Kasama ko siya kanina lang, umalis siya para mag CR."
"Ah, pwede mo bang hawakan muna 'to." tapos pinahawak niya sakin 'yong cellphone niya. "Hahanapin ko lang si Kaye."
"Okay."
Saktong umalis si Prince no'ng naramdaman kong nag v-vibrate 'yong cellphone niya.
Nakita kong may tumatawag at laking gulat ko no'ng makita kong si Zaiden 'yong tumatawag.
Nagdadalawang isip akong sagutin 'yon. Kasi una sa lahat, wala akong karapatang sagutin 'yong tawag nang hindi sakin. Pangalawa, 'di ko alam kung ano sasabihin ko like, Hi? Hello? Uhm hi Zaiden, wala dito si Prince. Umalis siya para hanapin 'yong ex niya. At pangatlo, nahihiya ako!
Pero dahil naka ilang tawag na siya, wala sa sariling na sagot ko 'yong tawag.
Papatayin ko pa sana kaso lang baka may emergency tapos kailangan niya ng tulong or something.
"Hello?"
"Sino ka?"
"Si Callie 'to–hello?–hello? And'yan ka pa ba?"
Napatingin ako sa screen ng cellphone, binaba na niya 'yong tawag. Siguro 'di talaga niya ako marinig dahil sa background music.
Maya't maya pa ay nakatanggap ako ng text.
Zaiden: Di kita marinig.
Napangiti na lang ako no'ng nabasa ko 'yon. Pakiramdam ko kasi, magka text lang kami.
Niyakap ko pa 'yong cellphone ni Prince no'ng mga oras na 'yon.
Halos mapa talon talon ako sa tuwa at napapa kagat ng labi dahil sa pinag halong saya at kilig na nararamdaman ko ngayon.
Pagkatapos kong maramdaman lahat ng 'yon ay bigla akong nagkaroon ng bright idea.
Ano 'yong ginawa ko? Kinuha ko lang naman 'yong cellphone number ni Zaiden sa cellphone ni Prince. Saktong pabalik na si Prince no'n at kakatapos ko lang i save 'yong cellphone number ni Zaiden sa cellphone ko. Binalik ko 'yong cellphone ni Prince sakanya and without any words, nag punta ako sa labas para mag pa hangin. Pero sana man lang hindi na halata ni Prince 'yong ginawa ko. Pag labas ko, Do'n ko nakita si Zaiden na naka tayo sa labas habang naka titig sa kalangitan. Napa ngiti na lang ako bigla, knowing na nandito siya ngayon. Sobrang dilim na ng paligid no’ng mga oras na 'yon dahil mag a-alas nuebe na ng Gabi.Napa yakap ako sa aking sarili at nagsimulang manginig dahil sa lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan. Habang naglalakad ako patungo sa kinatatayuan niya, unti unti kong binabagalan ang bawat hakbang dahil sa nagdadalawang isip akong lapitan siya. Napatingin siya s
Napa mulat ako mula sa pagka pikit at dahan dahang nilingon si Zaiden. No'ng mga oras na 'yon, na ubusan na ako ng mga pwedeng i dahilan. Wala na akong ma isip na bagay para makapag deny. Wala na. Alam na niya. Buking na ako.Kilala na niya kung sino ‘yong Dweyne na ka text niya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Alam kong naghihintay siya ng sagot ko.Di ko alam ang sasabihin sakanya. Ni ayaw ngang bumuka nitong mga bibig ko. Parang naka pause kaming tatlo no’ng mga oras na 'yon. Kahit itong lalakeng masungit gano’n din. Ni hindi na nga rin siya nag salita simula no’ng lumapit si Zaiden samin. Alam ko sa peripheral view ko na nakatingin lang siya sakin. Pinapanood ‘yong mga reaksyon ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Pero kung mag bibigay man ako ng sagot, 'yon ay masaya na may halong kaba. Masaya dahil sa wakas ay kilala na niya ako. Alam na niya kung sino ako. At kinakabahan dahil baka ma turn off si
Itinaas nito ang kaliwang kamay niya at bahagyang itinuro ako no'ng mapagtantong ako nga ang kaharap niya ngayon at naglabas siya ng isang nakakatakot na ngiti. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya at ibinaba na ang kamay nito na nakaturo sakin at muling ipinatong sa kabilang balikat ko. Agad naman akong napa iwas ng tingin at pilit sinasabi sa utak ko na sana panaginip lang 'to at hindi talaga kami nagkita ngayon dito. "Woi!" tawag niya ngunit 'di ko siya pinansin. Tanging sa Videoke lang ako nakatingin at pinagmamasdan ang kung ano mang lumalabas dito. Batid kong nakatingin siya sakin at hinihintay ang sagot ko sa tanong niyang 'yon ngunit nagpapanggap lamang ako na hindi ko 'yon narinig. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sakin sa magkabilang balikat ko at muling inulit ang tanong niya kanina. "Anong ginagawa mo dito?" pag uulit nito. Kagat
Nasa library ako no'n no'ng mapagtanto kong wala 'yong cellphone ko sa bulsa ko.Napakamot ako sa ulo ko at pilit na inalala kung saan ko inilapag 'yon kanina. Para akong mababaliw. Pag hindi naisuli sakin 'yon, paniguradong 'di na ako makakabili pa ng panibagong cellphone lalo na't mamaya pa lang ako magsisimula sa bago kong trabaho sa isang convenience store. Hindi ko kakayanin pag nawala 'yon dahil hindi ko memorize 'yong cellphone number ni Zaiden. At isa pa, nando'n na lahat ng convo namin. Mahalaga sakin 'yon kaya hindi ko kayang mawala 'yon. "May problema ka ba, Callie?" tanong sakin ni Kaye saka kinuha sakin 'yong isang makapal na libro na hawak ko. "Kasi 'yong cellphone ko, nawala ko. Hindi ko alam kung saan ko naiwan kanina." "Gano'n ba. Malabo nang isuli pa 'yon ng naka kita. Mas okay kung bumili ka na lang ng bago. Unless kung may mahalagang laman 'yong cellphone mo." Kung may pera lang ako hindi ako mag pa-panic ng tudo
"Bakit ba pilit pinag tatagpo ang landas namin ng lalakeng 'yon?" Kabadong tanong ko sa sarili ko. Dalawang minuto akong nag stay do'n habang inaantog-antog 'yong ulo ko do'n sa likod ng pinto. Maya maya pa ay sumilip ulit ako pero sinara ko ulit 'yong pinto ko no'ng makitang andon pa rin siya nakatayo habang nakasandal sa labas ng pinto ng isang unit na kaharap lang ng unit ko. May suot siyang headphone habang naka tutok sa cellphone niya. Sinara ko ang pinto ang muling sumandal do'n. "Ano kaya ang ginagawa niya rito?Hindi naman siguro siya nandito dahil sakin?" tanong ko sa sarili ko at napa iling bigla, "huh! Definitely not!" Pero pano kung ako talaga ang sadya niya rito?Pano kung nasundan niya ako no'ng hinatid niya ako pa uwi dati? Sinabi ko 'yong ibang address pero pano kung sinundan niya ako no'ng mga oras na 'yon? Impossible! Sinigurado kong umalis na siya no'n bago ako naglakad patungong apartment kaya impo
Naka upo ako sa bench sa may tabi ng puno habang papahangin. Well, lunch break namin ngayon pero 'di na ako nag lunch dahil tinitipid ko lang 'yong pera ko. Ala una pa naman 'yong klase ko kaya nag hanap muna ako ng lugar kung saan pwede akong mag muni-muni. At heto ako ngayon, naka upo sa bench habang naka pikit ang mga mata at pinapakiramdaman ang paligid. Naalala ko na naman 'yong nangyare no'ng isang gabi.Curious ako kung may nag tulak nga ba sakin? At kung tama ako, sino naman 'yon?Ang alam ng lahat, nahilo lang ako kaya ako nahulog. Pero hindi eh, naramdaman ko talaga na may tumulak sakin. Minulat ko ang mga mata ko at napatitig sa kalawakan.Ang ganda ng kulay ng langit. Kulay asul lang at walang masyadong clouds napaka kalmado tingnan. Hindi rin mainit sakto lang at isa pa may naka harang na malaking puno sa bandang inuupuan ko kaya lalong napaka kumportable sa pakiramdam. Napatingin ako sa field, may mga naglalakad, 'yong iba naka
Naka upo kami ngayon sa isang coffee shop. Hindi pa rin tumitila ang ulan, gano'n parin katulad kanina. Iniwan muna namin 'yong payong niya sa labas para patuyuin. Napatingin ako sa kabilang table, nakita kong caffe latte 'yong iniinom ng isang babae. Napa buntong hininga na lang ako saka napa sabi sa isip na 'sana 'yan na lang ang pinabili ko sakanya.'Well, kasalanan ko naman, tahimik lang ako kanina no'ng itinanong niya sakin kung anong kape ba gusto kong inumin. Kaya heto, Caffe latte 'yong binili sakin. Well, I should be thankful kasi bilang sa daliri pa lang ako naka inom ng mga ganitong mamahaling kape. Napatingin ako kay Wesley at napa iwas din agad no'ng tumama ang paningin namin pareho.Ayan na naman siya, nakatingin na naman sakin. Kanina pa siya nakatitig lang pero hindi kami nagkikibuan. Naiilang tuloy ako. At naabutan pa niya akong nagkaganon kanina. Para akong bata na umiyak dahil na dapa at nagka sugat. Kinuha k
Pinikit ko ang mga mata ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.Kung totoong mangyare man 'to, ito ang magiging unang halik ko. Matagal. Matagal akong naka pikit habang hinihintay ang gagawin niya.At talagang hinintay ko pa?! Ang kapal! Minulat ko ang mga mata ko at basta basta ko na lang siyang sinuntok siya tiyan no'ng makita kong naka ngiti siya habang tinititigan akong naka pikit. "Baliw!" sigaw ko kasabay ng pag suntok ko sa tiyan niya. Napahawak siya do'n at mukhang napa aray pa dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Gusto kong magalit at mapikon dahil sa ginawa niya ngunit kinabahan ako no'ng napa upo ito habang napapahawak siya tiyan niya't napa aray dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Agad ko naman siyang nilapitan dahil nag alala ako na baka napalakas nga 'yong pag suntok ko sakanya. Hinawakan ko siya sa balikat at lumuhod sa harap niya, "okay ka lang?" nag aalalang tanong ko ngunit patul
Nag decide akong puntahan siya sa ospital. Ayokong gawin 'to pero kahit gano'n ka laki 'yong nagawa niyang kasalanan sakin, siya naman ang naging dahilan kung bakit naging masaya ako simula no'ng makilala ko siya.Tama, naging masaya lang ang buhay ko matapos ang aksidente na 'yon simula no'ng makilala ko siya. Inaamin ko no'ng una na naiinis ako sa pagmumukha niya noon, pero no'ng naging magkasundo kami naisip ko na ang saya saya pala na magkaroon ka ng totoong kaibigan.Totoong kaibigan lang ang nararamdaman ko sakanya sa simula, pero hindi ko akalain na mas higit pa pala do'n ang mararamdaman ko sakanya.Umaga pa lang no'ng umalis ako para puntahan siya.No'ng makarating ako sa ospital ayhinanap ko 'yong kuwarto niya kaya naman nagtanong ako sa registrar kung saan 'yong kuwarto ni Wesley Clemente.Pinuntahan ko 'yon no'ng malaman ko at no'ng nasa harap na ako ng pinto ng kuwarto niya ay hindi pa man ako tuluyang naka pasok ay bigla ito
Hindi ko napigilan ang sarili ko't napa hagulgol na lang ako sa pag iyak nang malaman ko 'yon.Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya. Kasi nakakatakot. Nakakatakot na malaman ang katotohanan na siya ang naging dahilan kung bakit nangyare ang aksidenteng 'yon.Pero kung sakaling totoo man 'yon, mas pipiliin ko pa ring wag na lang marinig o malaman pa 'to kahit kelan. Kasi hindi ko 'yon matatanggap kahit kailan.Pero ano pa bang magagawa ko? Ito na 'to eh, sinasabi na niya sa mismong harap ko na siya ang puno't dulo ng aksidenteng nangyare noon.Papano naging siya at puno't dulo ng aksidenteng 'yon? Papano nangyare 'yon?Pinunasan ko ang mga luha ko at inangat ang ulo ko para tingnan siya."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." sabi ko.Pilit kong itinayo ang sarili ko kahit wala akong lakas at muli siyang hinarap."Wesley, alam kong sinasabi mo lang 'to dahil—"Napatigil ako nang bigla siyang mag
So ayon na nga, naging kami ni Wesley matapos ang araw na 'yon.Sa totoo lang, sobrang saya ko dahil gusto rin niya ako. Sinabi niya sakin na gusto niya ako.At siyempre masaya naman para sakin 'yong mga kaibigan ko dahil successful daw 'yong lahat ng efforts na ginawa ko.Na bilib sila sakin dahil napa amin ko rin siya sa wakas.Lumabas ako sa unit ko at umakyat kami sa rooftop tapos nakinig ng music ng naka earphone.Hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko habang nakikinig ng kanta kasama siya.Tinext ko na rin sina Zaiden at Kevin. Sinabi ko sakanila na kami na ni Wesley.At siyempre, itong si Wesley parang timang. Ang sabi niya wag ko daw sabihin kay Kevin na kami na dahil baka mag wala 'yon do'n sa resort ngayon.Ito namang si Wesley kitang nananahimik 'yong eh.Pero siyempre alam ko naman na biro lang niya 'yon.No'ng sumunod na araw, nag punta kaming bookstore. Nag pa sama ako sakanya dahil bumili
Habang pinagmamasdan kong umiikot sa gitna ng lamesa yong bote ay hinihiling ko na sana pag tumigil 'yon ay sakanya mismo tumutok.Ayoko nang patagalin pa 'to. Gusto ko na agad malaman kung gusto nga ba niya ako o hindi.Pero no'ng tumutok 'yon sakin ay na badtrip agad ako.Bakit sakin pa? Bakit hindi na lang sakanya?! Ang daya!"Okay, ako magtatanong." sabik na sabik na sabi ni Carla.Hinanda ko naman ang sarili ko para sagutin 'yong kung ano man 'yong itatanong sakin ni Carla. Actually, hindi na kasi namin napag usapan pa 'yong kung ano 'yong itatanong namin sa isa't isa kung sakaling kami 'yong taya."Sabihin mo samin kung bakit mo gusto si Wesley."Kita ko ang gulat sa mukha ni Wesley no'ng sinabi 'yon ni Carla gano'n din kay Russell. Ni hindi nga siya makapaniwala na gusto ko 'yong kaibigan niya.Ngumiti ako kasi ang ganda ng tanong niya. Saktong sakto dahil kaharap ko siya ngayon.Tinitigan si Wes
Oo nagulat siya no'ng sinabi ko 'yon sakanya. Pero nawala din kaagad ang 'yong gulat na 'yon sa mukha niya na tila parang wala lang sakanya na umamin ako ng feelings.Kinuha niya 'yong gulp niya saka niya 'yon mabilis na ininom tapos tinuro niya 'yong pagkain ko."Tapusin mo na 'yang pagkain mo." sabi niya. "Hintayin na lang kita sa labas." tumayo siya at umalis kaya naman tumayo na rin ako para sundan siya.No'ng makalabas na ako do'n sa seven eleven ay mabilis akong tumakbo para maabutan siya at hinila ko 'yong wrist niya."Sandali lang." sabi ko at napa tigil naman siya no'ng hilahin ko siya pabalik. Dahan dahan siyang humarap sakin, napatitig siya sa mga mata ko pero umiwas din kaagad ng tingin. "Sagutin mo muna ako, gusto mo rin ba ako?"Hindi siya sumagot sa tanong ko. Ni hindi nga siya makatitig sakin ng maayos. Para bang nag iisip siya ng paraan kung papano niya maiwasan 'tong tanong ko kaya naman inulit ko 'yon. Tinanong ko ulit siya
Umakyat ako sa rooftop dahil nakakaramdam ako ng sobrang init kahit na sobrang lamig naman ngayong gabi. Hindi naman ako uminom do'n sa club pero bakit ganito? Bakit namamawis ako ngayon?At hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong mga sinabi niya sa lalake kanina.Totoo kaya 'yon na gusto niya ako hanggang ngayon?Kasi kung oo, masaya ako dahil pareho na kami ng nararamdaman.Hindi na unfair 'yon para sakin.Sana pala no'ng hinatid niya ako pa uwi kanina ay tinanong ko siya kung totoo 'yong sinabi niya.Kaso lang, hindi na niya ako kinausap no'n kaya hindi ko na nagawang mag tanong.Bumukas 'yong pinto ng rooftop. Magtatago pa sana ako kasi akala ko siya 'yon pero no'ng makita kong si Kevin lang 'yon ay napa buntong hininga ako.Nagulat si Kevin no'ng makita ako rito kaya naman napatanong siya."Bakit gising ka pa, anong oras na kaya.
Aaminin ko na ba sakanya na gusto ko siya? Na totoong siya ang dahilan kung bakit kami nag break ni Zaiden?Chance mo na 'to para magtapat ng nararamdaman mo sakanya, Callie.Wag ka ng mag pa ligoy ligoy pa dahil ito na ang tamang pagkakataon.Hindi mo ba naisip na ang romantic ng ganitong klaseng eksena? Para kang nasa drama. I'm sure maging successful itong confession mo sa taong gusto mo na nasa harap mo na ngayon.Seryoso akong napatitig sa mga mata niya. Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga and i smiled at him."Ang totoo niyan... Tama— ay!"Biglang bumukas 'yong elevator at dahil sa gulat ay naitulak ko si Wesley papalayo sakin.Napatingin ako sa mga taong bumukas ng elevator at nandon si Kevin kasama nila.Lumapit siya samin at halatang nakita nila 'yong kung papano ko itulak si Wesley.Naks! I'm sure iba inisip nila.Badtrip naman. Bakit ba kasi ang malas malas ko?"Bakit hindi man lan
Hanggang sa pag uwi ko hindi pa rin maalis sa isip ko si Kaye.Gusto kong sabihin sakanya na tinu-two time siya ni Prince kaso lang hindi pa ako sigurado at hindi ko pa alam ang buong kuwento.Pero kung totoo man talaga 'yon, naawa ako sa kaibigan ko.Gusto kong kausapin si Prince at tanungin sakanya kung bakit niya ginawa 'yon kay Kaye. Mabait na tao si Kaye at kahit kailan wala siyang naka away na kahit sino. 'Yon ang pagkakakilala ko sakanya.Hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang sakanya at nagawang mang two time nitong si Prince. Ano kaya ang sumapi sa isang 'yon?Sinabi pa niya sakin no'ng nakaraan na nag cheat daw sakanya si Kaye kaya sila nag break. Baliw talaga ang lalakeng 'yon.Buti na lang napigilan ko 'yong bibig ko kanina at hindi ko siya binalikan sa loob para tanungin ng harap harapan.Gusto kong tulungan at mapalayo si Kaye sa taong 'yon.Muli akong lumabas sa unit ko at tinawagan si Kaye kaso lang hindi siya ma c
Halos madurog ang puso ko nang marinig ko 'yon sakanya mismo.Ang sakit... Ang sakit sakit na marinig na hindi ako ang gusto niyang makita rito.The way kung papano niya sabihin ang salitang 'yon ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko.Kung hindi ako, sino? Sino at para kanino ang text message na 'yon?!Para na akong maiiyak sa harap niya ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. Ayokong mapahiya sa harap niya ngayon. At ayoko rin na makahalata siya tungkol sa nararamdaman ko para sakanya.I look at him in the eye and i smiled.Pinilit kong ngumiti kahit ang sakit sakit na."Gano'n ba," sabi ko.Nahiya ako sa sarili ko dahil sa inasta ko. Nag assume ako na para sakin talaga 'yon. Sinabi ko pa naman kay Kevin ang tungkol sa text. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sakanya na hindi pala para sakin 'yon at na wrong send lang si Wesley."Sorry, Hindi ko na check matapos kong i-send. Hindi ko tuloy na bawi