Napa mulat ako mula sa pagka pikit at dahan dahang nilingon si Zaiden.
No'ng mga oras na 'yon, na ubusan na ako ng mga pwedeng i dahilan. Wala na akong ma isip na bagay para makapag deny.
Wala na. Alam na niya. Buking na ako.
Kilala na niya kung sino ‘yong Dweyne na ka text niya.Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Alam kong naghihintay siya ng sagot ko.
Di ko alam ang sasabihin sakanya. Ni ayaw ngang bumuka nitong mga bibig ko.Parang naka pause kaming tatlo no’ng mga oras na 'yon. Kahit itong lalakeng masungit gano’n din. Ni hindi na nga rin siya nag salita simula no’ng lumapit si Zaiden samin. Alam ko sa peripheral view ko na nakatingin lang siya sakin. Pinapanood ‘yong mga reaksyon ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Pero kung mag bibigay man ako ng sagot, 'yon ay masaya na may halong kaba.
Masaya dahil sa wakas ay kilala na niya ako. Alam na niya kung sino ako. At kinakabahan dahil baka ma turn off siya sakin kasi hindi naman ako kagandahan katulad ng mga natitipuhan niya at baka ‘di na niya ako kausapin at replyan sa text.
Pero kung sakaling mangyare man 'yon, wala na rin naman siguro akong magagawa kundi ang tanggapin na lang.
Muli niyang tinanong sakin ‘yong tanong niya kanina.
"Ikaw si Dweyne, tama?" pag uulit niya.
Dahan-dahan akong napatingin sa baba. Alam kong hinihintay pa rin niya ang sagot ko sa tanong niya ngunit meron sa loob ko na pumipigil saking umamin although alam ko namang buking na ako.
Hindi ko alam, ngunit 'yon ang nararamdaman ko ngayon. Subalit wala naman akong dahilan pa para mag sinungaling, dahil tingin ko nahuli na niya ako.
Inangat ko ang mga tingin ko at tiningnan siya mga mata saka humugot ng isang malalim na buntong hininga bago nag salita.
"Zaiden,—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sumingit 'yong masungit na lalake.
"Let's go." mahinang sambit nito.
Napatingin ako sa lalakeng masungit just to make sure kung ako ba 'yong kausap niya o baka may kausap siya sa telepono niya. Pero since wala naman siyang hawak na telepono at sakin siya nakatingin, confirmed na ako nga 'yon.
Kunot noo ko siyang tiningan. Tipong tinatanong kung ano 'yong pinagsasasabi niya.
"Ayaw mo?" dagdag pa niya.
Anong problema ng isang 'to? At kelan pa kami naging close? At anong let’s go? Sa’n kami pupunta?
"Wait..." pigil ni Zaiden saka hinawakan ako sa balikat para 'di ako umalis. "Are you Dweyne, right?" muli niyang tanong.
Wala naman akong choice kundi ang umamin.
Magsasalita na sana ako kaso lang bigla ulit sumingit ang isang 'to."Okay fine. Ma iwan ka dito kung ayaw mong sumama."sabi niya na halatang naiinis pa yata.
At ako naman 'tong shunga. Nag panic at napa ‘teka lang, hintayin mo'ko' sa isang 'yon. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko't sinabi ko 'yon. Nag pa alam ako kay Zaiden gamit ang isang maliit na ngiti at agad namang pumasok sa kotse ng isang 'yon.
My goodness gracious!
Bakit ulit ako sumama sa isang ‘to?
What if, drug dealer pala ang isang 'to?! O 'di kaya masamang tao?!Anong sumagi sa isip ko't sumama ako dito?!
Baliw ka na ba Callie?!
Without any words, nagsimula siyang mag maneho.
Tanging sa bintana lang ako nakatingin.
Bumitaw ako ng isang malamin na buntong hininga dahil sa kabang nararamdaman ko kanina. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa isang 'to.
Matagal na hindi kami nagka kibuan sa biyahe. Pero maya maya pa,
"Taga san ka?" tanong nito.
Napatingin ako sakanya. Deretcho lang ang tingin niya sa daan habang nag mamaneho. Tinaasan ko siya ng kilay no’ng mag tama ang mga mata namin sa salamin sa harap.
"Bakit ko naman sasabihin? Close ba tayo?” mataray na sagot ko.
Napatingin sakin ang lalakeng 'yon dahil sa sagot ko sa tanong niya.
"Sige nga, pano kita ihahatid sa Inyo kung ayaw mong sabihin 'yong address mo?!"
Napa pout na lang ako bigla.
Oo nga pala. Pero anong address pala sasabihin ko rito? Ayokong malaman ng lalakeng ‘to kung saan ako nakatira. At baka malaman pa niya ang tinatago kong sekreto.Napa kamot ako saka nag isip ng sasabihing address sakanya.Sinabi ko 'yong pinaka malapit na subdivision sa apartment na tinutuluyan ko.
Ayoko naman kasing may maka alam kung san ako tumutuloy. Mas mabuti na ring walang may maka alam na taga rito sa University.
No'ng maka rating kami sa sinabi kong address. Nag thank you lang ako tapos binuksan 'yong pinto ng kotse.
"Wait—" pigil niya.
Nilingon ko naman agad siya.
"Hinatid kita hindi dahil pinapa tawad na kita sa ginawa mo, sadyang halata ka lang talaga kanina na nasa kalagitnaan ka na ng kapahamakan—"
Nagulat ako sa nabanggit niya kaya naman 'di ko na siya pinatapos at sumingit ako bigla.
"Wow! Ang galing mo naman maghula kuya. Well, para sabihin ko sayo, nagkakamali ka. Kaya kung pwede sana wag mo na ulit akong tulungan." mataray kong sabi.
Ngumisi lang siya. 'Yong ngising nakaka insulto at nakaka inis.
Pa dabog kong isinara ang pinto ng kotse niya dahil sa inis.Hinintay kong maka alis 'yong lalakeng 'yon bago ako nag lakad patungong apartment.
***
"Uy tingnan niyo! Kasali si Zaiden!" Baklang baklang sabi ni Carla habang naka turo sa mga naka dikit na poster kung saan naka paskil ang mukha ng mga candidate's para sa gaganaping beauty Pageant dito sa campus.
May mga Muse's and Escort's bawat department dito sa University.
At si Zaiden 'yong Escort ng department nila.
'Yong sa department namin naman ay si Sarah 'yong muse tapos 'yong escort niya ay 'yong second year na si Tyron.
Habang nakatingin ako sa mga iba pang candidate's, bigla na lang napa kunot ‘yong noo ko no'ng makita ko 'yong mukha ng lalakeng masungit na naka post din do’n sa mga pictures ng mga candidate’s.
Ano 'to?! Sasali din siya?!
Seriously?!
Tiningnan ko 'yong pangalan at sa kung anong department siya.
Wesley Clemente 'yong pangalan ng ungas na 'to. Psychology ang course niya at nasa third year college na siya.
Muli kong inilipat ang paningin sa picture niya.
Infairness! May itsura rin pala ang ungas na 'to. Sayang nga lang kasi masungit siya. Pero okay na rin. Nahahalata ko naman kasing may mabuting kalooban din siya. Kasi tinulungan niya ako kahapon.
Hays. Naalala ko na naman kung papano niya ako ihatid kahapon. Although na hindi naman kami okay sa isa’t Isa pero natutuwa ako.
"Uy! Ba't naka ngiti ka d'yan? Sinong tinitingnan mo?" nagtatakang tanong ni Kaye sakin.
Nagulat ako sa tanong niya. Di ko naman kasi talaga namalayan na naka ngiti na pala ako habang naka titig do'n sa litrato ng ungas na 'yon. Nalaman ko na lang na naka ngiti pala talaga ako no'ng tinanong niya sakin 'yon.
At talagang naka ngiti pa ako habang titig na titig sa picture ng ungas na 'to ha!
Yuck! Kadiri.
"Ano ka ba Kaye! Naka ngiti ako kasi ang gwapo no’ng Zaiden." pagsisinungaling ko.
Nakita ko namang nagtakang napatingin si Kaye sa mga posters na naka paskil.
"Naks! ‘di ka talaga marunong mag sinungaling bakla” singit ni Carla. “Ayon ‘yong mukha ni Zaiden oh. Ang layo layo sa tinitingnan mo." Dagdag pa ni Carla saka itinuro 'yong picture ni Zaiden.
Napa pout na lamang ako habang tinitingnan kung gaano ka layo ang agwat ng litrato ni Zaiden at ni Wesley A.K.A Mr. Sungit.
"Naku, mukhang lumilinaw mata natin d'yan ah, iba na 'yan bakla. Sino ba 'yan?" dagdag pa ni Carla.
Tapos binasa ni Carla ng malakas 'yong pangalan ni Wesley. Saktong nakita ko si Wesley na papunta sa gawi namin no'n kaya tinakpan ko 'yong bibig niya.
"Wag kang maingay." bulong ko.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Carla.
“Kasi nandito siya.” sagot ko.
Nakita kong kumunot ‘yong noo nilang dalawa. Tipong 'di nila ako na gets.
“Eh ano naman?” nagtatakang tanong ni Kaye sakin. “Di naman niya tayo kilala, masama bang banggitin ang pangalan ng isang tao?” dagdag pa niya.
"Eh kasi…” huminto ako sa pag sasalita kasi nahihiya ako sa 'di malamang dahilan.
“Eh kasi ano?” sabay nilang sabi.
“Siya 'yong lalakeng kinu-kwento ko sa inyo. 'Yong lalakeng sira ulo."
Gulat silang napatingin sakin.
"Seryoso?! Siya 'yan?" pa sigaw na sabi ni Kaye sabay turo kay Wesley.
"Uy! Wag mo ituro!” suway ko.
Binaba ni Kaye 'yong kamay niya at pareho naming tiningnan si Wesley habang papunta sa gawi namin na tila titingin din sa mga naka paskil na litrato ng nga candidates. Nakakahiya lang sa part na titig na titig kaming tatlo sakanya at nahuli niya kaming tatlo kaya nagtaka itong napatingin samin.
"Uy, wag kayong tumingin. Nakatingin siya satin." mahinang sambit ko.
Tapos nilipat namin 'yong paningin sa ibang lugar. Kunware 'di talaga siya 'yong tinitingnan namin.
No’ng tuluyan siyang makalapit sa mga naka paskil na posters, umalis na kaming tatlo at nag punta sa mga kanya kanya naming klase.
Natapos ang klase ko alas sais ng gabi. Ang weird lang dahil sobrang dilim na ng paligid no'ng mga oras na 'yon kahit alas sais pa lang. Parang alas nuebe o alas diyes na ng gabi kung titingnan.
Habang naglalakad ako sa hallway para umuwi, naka tanggap ako ng text galing kay Zaiden.
Zaiden: Naka uwi kana ba?
Pigil ang kilig na nararamdaman ko habang pa ulit ulit kong binabasa ang text niyang ‘yon.
Tumigil ako sa paglalakad at nag reply do'n sa text niya.Callie: Actually, pa uwi pa lang. Ikaw?
Muli akong nag patuloy sa paglalakad nang maramdamang muling nag vibrate ang cellphone ko.
Zaiden: Sunduin kita, okay lang ba?
Kumabog na naman ng malakas ang puso ko at 'di ako mapakali. Baka kasi tutuhanin niyang sunduin talaga ako dito. Bakit ba kasi gustong gusto niyang sunduin ako? Napatingin ako sa ibang Lugar saka muling nag reply.
Callie: Di na. May susundo naman sakin.
Nanginginig pa 'yong mga kamay ko habang tina-type 'yon. Saktong nasa labas na ako ng campus no’ng matanggap ko 'yong reply niya.
Zaiden: Akala ko talaga ikaw na 'yong babaeng nakita ko no'ng nakaraan. Hindi pala.
Pa ulit ulit ko pang binasa 'yon. Hindi ko alam pero parang tumalon ang puso ko sa tuwa dahil sa hindi niya nalamang ako 'yon. Alam kong weird ako kasi dapat mag pakilala ako sakanya ng personal, pero parang natuwa pa ako dahil sa nag papanggap ako.
Hays.
Nag isip ako ng ma i-rereply sakanya. Okay na rin siguro 'tong sasabihin ko.
Callie: Ah. No’ng dumating kasi ‘yong sundo ko umalis agad kami kaya 'di na ako nakapag reply para mag pa alam. Sorry.
Matapos kong i-send ‘yon ay nag tungo akong seven eleven at bumili ng slurpee saka tumambay do'n saglit.
Umupo ako malapit sa glasswall kung saan matatanaw mo 'yong mga taong dumadaan sa labas at 'yong mga sasakyan at motor na dumadaan pati na rin 'yong mga stores na naka bukas na 'yong mga ilaw.
Bilang lang sa daliri ang mga tao sa loob ng seven eleven. 'Yong iba bumibili lang tapos lumalabas din ka agad. Siguro mga 'di lagpas sa lima 'yong nandito.
Ang tahimik ng paligid. Walang kahit ano mang background music o ingay.
Nag sip ako sa slurpee ko. Na nginig tuloy ako lalo sa lamig dahil sa 'di hamak na sobrang lamig ng slurpee sinabayan pa ng napaka lamig na aircon.
Maya maya pa ay tumunog 'yong wind chime.
May pumasok na lalake. Nakatalikod siya sakin kaya 'di ko na mukhaan.
Nag punta siya sa dulo at naghanap ng mabibili.Nag sip lang ulit ako sa slurpee ko at chineck 'yong cellphone ko. Walang reply si Zaiden, siguro may ginagawa 'yon. Baka projects? O baka lowbat. Ewan ko lang.
Nag bayad 'yong lalakeng kakapasok lang sa counter na mukhang big bite yata 'yong bibilhin.
'Yong isa sa mga naka tambay dito ay lumabas na kaya naman mabilis kong ininom ‘yong slurpee ko para maka alis na rin.
Tumayo ako para sana lumabas na nang muntik na kaming magka banggaan no'ng lalakeng bumili ng big bite at nagulat ako no'ng nahulog 'yong bigbite niya.
"Kuya, 'yong hotdog mo nahulog!" gulat na sigaw ko.
Saktong tahimik ang paligid kaya narinig 'yon ng mga taong nando'n at pati na rin ng cashier.
Nakakahiya! As in sobrang nakakahiya ng reaksyon ko dahil sa lakas ng boses ko.
At alam niyo 'yong pinaka worst?
'Yong lalakeng muntik ko nang mabangga ay si Wesley pala.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat no’ng malamang siya pala 'yon. Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko dahil sa hiya.
Narinig kong tumawa 'yong dalawang highschooler na naka upo sa dulo.
Muli, binigyan niya ako ng isang galit na tingin. Naka kunot ang noo niya at pakiramdam ko mag a-apoy siya sa galit. Siguro kung anime lang 'to, I’m sure nag a-apoy na 'yong background niya.
"Ah, sorry. Napalakas ba?" nahihiyang sambit ko't napatingin sa hatdog na nahulog sa sahig.
"Iligpit mo 'yan." kalmado nitong sabi.
"What?" kunot noo kong tanong habang nakatingin sa mismong mga mata nito.
"Bingi ka ba?! O nagbibingi-bingihan ka lang?!" naramdaman kong medyo may halong galit na sa boses nito ngunit ‘di pa rin ako nag patalo.
"Wait—inuutusan mo ba ako?" tanong ko at binigyan siya ng isang masamang tingin.
"Ano ba sa tingin mo?"
Napa ngiwi na lamang ako at muling nakipag labanan ng tingin sakanya.
“Pupulutin mo 'yan o ipapa kain ko sayo?” dagdag pa niya.
Wala na akong choice kundi sumunod sa utos ng isang 'to. Baka tutuhanin pa niya 'yong sinabi niyang kakainin ko 'tong hotdog na nahulog sa sahig.
So ayon, pinulot ko 'yong hatdog tapos tinapon sa basurahan.
Sayang.
No’ng maka labas ako ng seven eleven nag para ako ng bus na masasakyan.
As usual, diretcho na naman sa trabaho tapos madaling araw na uuwi.Kinaumagahan, nagulat na lang ako sa bumungad na balita na ako 'yong ipapalit kay Sarah bilang muse ng department namin dahil sinugod siya sa hospital kagabi.
Halos lumuwa ang mata ko no'ng sinabi sakin 'yon.Hindi ako makapaniwala!
"Omg! Ikaw na bakla! Ang ganda Ganda mo na!" Natutuwang sabi ni Carla habang niyuyogyog ako sa magkabilang balikat.
"Ano ka ba Carla, kumpara kay Sarah siyempre mas maganda siya." ani ko.
"Naku! Eh bakit 'di mo na lang kasi aminin na maganda ka din.”
“Medyo lang.” sagot ko sabay tawa.
Nagtawanan kami pero nawala rin 'yon no'ng makita ko si Wesley. Naglalakad siya sa quadrangle pero na sakin ang mga tingin niya. Halatang galit siya sa mga tingin niyang ‘yon at mukhang hinahamon pa ako ng suntukan.
Since ako lang naman 'yong naka kita Kay Wesley at hindi sina Carla at Kaye, nag panggap na lamang ako na hindi ko siya nakita.
"Bakla, alis muna kami. Oras na para sa susunod naming klase. See you later!" pa alam nina Carla at Kaye sakin.
"Bye!" walang ganang sambit ko.
Saktong pag alis nina Kaye at Carla no'ng maka lapit sakin si Wesly.
Katulad kanina, gano’n parin ang mga tingin niya. Pakiramdam ko, nag a-apoy na 'yong paligid sa mga tingin niyang 'yon.
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
Muli na naman siyang napa ngiwi at nag bitaw ng salita.
"Sasali ka?” tanong nito ngunit ‘di ko siya sinagot . “Galingan mo na lang, kahit na alam naman ng lahat na matatalo ka." Bulong niya.
Di ko siya pinansin. Tumalikod ako at nag simulang mag lakad palayo.
Ano kaya problema ng lalakeng 'yon at ako lagi ang nakikita at pinag iinitan ng ulo?!
No’ng makarating ako sa department ko ay napa ngiti na lamang ako no'ng nakasalubong ko si Zaiden sa corridor.
Pero ewan ko lang kung tama rin 'yong nakikita ko?Naka ngiti rin siya habang nakatingin sakin?
Seriously? Bakit naman kaya? Eh wala naman akong sinabi o nabanggit sakanya na ako at si Dweyne ay iisa.
Hay naku! Ano ka ba Callie, malay mo kaya lang naka ngiti 'yong tao dahil good mood o baka naman naka perfect sa test diba?
Wag ka ngang assuming d'yan, porket naka ngiti lang eh feeling mo na agad ikaw 'yong dahilan ng mga ngiting 'yon.
Tinext ko siya no'ng uwian habang naka sakay ako sa bus. Nag hi lang naman ako sakanya. Pero halos mapa talon ako no’ng nag reply siya.
Zaiden: Pwedeng malaman kung sa anong department ka?
Sinabi ko sakanya kung anong department ako. Pero bukod do'n hindi na ako nag bigay pa ng ibang info. tungkol sakin.
Kinagabihan, diretcho na naman ako sa trabaho ko.
Medyo overload ako ngayon dahil Ang daming costumers.
Nabasag ko pa 'yong bote ng beer no'ng nag mamadali akong linisin ang mga 'yon.Pinatawag tuloy ako ng manager at pinagalitan. Para bote ng beer lang eh.
Pinagsabihan ako ng manager sa labas. Di ko daw ginagawa ang maayos 'yong trabaho ko. Warning na daw 'to at pag na ulit pa, matatanggal na ako sa trabaho.
Grabe 'yong kaba ko do'n. San ako pupulutin kapag nawalan ako ng trabaho?
Sermon ng sermon sakin 'yong manager samantalang ako naman nakatingin lang sa ibang lugar.
Mula sa dulo, may nakita akong pamilyar na mukha ng lalake. May kausap siyang matandang lalake no'n na isa rin sa mga nag t-trabaho dito habang papalapit sa gawi namin.
Tinalasan ko ng mabuti ang mga mata ko para kilalanin kong sino ang pamilyar na lalakeng ‘yon at nagulat ako no'ng mapag tanto kong kilala ko ang lalakeng 'yon.
Wala sa sariling tumakbo ako sa kalagitnaan ng pag sesermon sakin ng manager ko at nagtungo sa loob.
Wala na akong mapuntahan no'ng mga oras na 'yon at basta basta na lang akong nagtago sa loob ng isang bakanteng Kuwarto.
Naku! Ano kaya ang ginagawa dito ng lalakeng 'yon?! At sa dinami dami ng Videoke bar bakit dito pa?! Ugh! Sana man lang hindi niya ako makita dito.
Sinara ko ng maayos 'yong pinto just to make sure na walang sino mang makaka pasok.
Nag punta ako malapit sa table at nagkukunwaring nagliligpit ng mga b****a o kung ano man 'yong nandidito.
Sunod sunod na tumutulo 'yong pawis mula sa mukha ko. Nanginginig ang mga tuhod ko't halos mapa upo na ako dahil sa kaba.
I'm sure 'di madadala sa pakiusap 'yon oras na malaman niya ang sekreto ko.
Napatigil na lamang ako sa ginagawa ko no'ng marinig ko ang tunog ng pag bukas ng pinto kasabay ng yapak ng paang papasok sa kuwarto kung nasaan ako ngayon.
May pumasok na tao. Hindi ko alam kung sino dahil naka talikod ako sakanya.
"Miss, pakikuha mo nga ako ng dalawang beer." Utos nito.
Taena! Sa tono ng boses niya, alam kong siya 'yon.
No! Please, not now.
Tumango lang ako habang naka talikod pa rin sakanya.
Pinakiramdaman ko muna siya saglit. Naramdaman kong umupo siya sa upuan. Di ko nga lang alam kung nakatingin siya sakin o wala.
Dahan dahan akong naglakad pa labas habang tinatakpan ang mukha gamit ang kamay ko.
"Ah Miss..."
Napatigil ako saglit.
"Yes Sir?" tanong ko habang iniiba 'yong boses para 'di niya mahalata.
"Paki kuha mo na rin ako ng sigarilyo."
"Yes Sir."
Lalabas na sana ako nang magsalita ulit siya.
"Will you please clean this before you go?" utos niya do’n sa mga kalat kanina ng mga customers.
"Ah sir, balikan ko na lang po 'yan—" 'di ko natapos 'yong sasabihin ko dahil sumingit siya.
"Wait..." Naramdaman kong tumayo siya mula sa pagkaka upo at dahan dahang lumapit sakin.
Napa lunok ako ng maraming beses habang pinapakiramdaman siya.
"You look familiar." dagdag pa niya.
No'ng mga oras na 'yon ay nasa likod ko na siya't tila pupunta sa harap ko para makita ang mukha ko.
Pero sa bawat hakbang niya papunta sa harap ko ay tumatalikod ako.
Nagulat na lang ako no'ng hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap sakanya.
Naka ngisi siyang naka titig sakin kasabay ng pag bitaw niya ng salita.
"I knew it!"
Itinaas nito ang kaliwang kamay niya at bahagyang itinuro ako no'ng mapagtantong ako nga ang kaharap niya ngayon at naglabas siya ng isang nakakatakot na ngiti. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya at ibinaba na ang kamay nito na nakaturo sakin at muling ipinatong sa kabilang balikat ko. Agad naman akong napa iwas ng tingin at pilit sinasabi sa utak ko na sana panaginip lang 'to at hindi talaga kami nagkita ngayon dito. "Woi!" tawag niya ngunit 'di ko siya pinansin. Tanging sa Videoke lang ako nakatingin at pinagmamasdan ang kung ano mang lumalabas dito. Batid kong nakatingin siya sakin at hinihintay ang sagot ko sa tanong niyang 'yon ngunit nagpapanggap lamang ako na hindi ko 'yon narinig. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sakin sa magkabilang balikat ko at muling inulit ang tanong niya kanina. "Anong ginagawa mo dito?" pag uulit nito. Kagat
Nasa library ako no'n no'ng mapagtanto kong wala 'yong cellphone ko sa bulsa ko.Napakamot ako sa ulo ko at pilit na inalala kung saan ko inilapag 'yon kanina. Para akong mababaliw. Pag hindi naisuli sakin 'yon, paniguradong 'di na ako makakabili pa ng panibagong cellphone lalo na't mamaya pa lang ako magsisimula sa bago kong trabaho sa isang convenience store. Hindi ko kakayanin pag nawala 'yon dahil hindi ko memorize 'yong cellphone number ni Zaiden. At isa pa, nando'n na lahat ng convo namin. Mahalaga sakin 'yon kaya hindi ko kayang mawala 'yon. "May problema ka ba, Callie?" tanong sakin ni Kaye saka kinuha sakin 'yong isang makapal na libro na hawak ko. "Kasi 'yong cellphone ko, nawala ko. Hindi ko alam kung saan ko naiwan kanina." "Gano'n ba. Malabo nang isuli pa 'yon ng naka kita. Mas okay kung bumili ka na lang ng bago. Unless kung may mahalagang laman 'yong cellphone mo." Kung may pera lang ako hindi ako mag pa-panic ng tudo
"Bakit ba pilit pinag tatagpo ang landas namin ng lalakeng 'yon?" Kabadong tanong ko sa sarili ko. Dalawang minuto akong nag stay do'n habang inaantog-antog 'yong ulo ko do'n sa likod ng pinto. Maya maya pa ay sumilip ulit ako pero sinara ko ulit 'yong pinto ko no'ng makitang andon pa rin siya nakatayo habang nakasandal sa labas ng pinto ng isang unit na kaharap lang ng unit ko. May suot siyang headphone habang naka tutok sa cellphone niya. Sinara ko ang pinto ang muling sumandal do'n. "Ano kaya ang ginagawa niya rito?Hindi naman siguro siya nandito dahil sakin?" tanong ko sa sarili ko at napa iling bigla, "huh! Definitely not!" Pero pano kung ako talaga ang sadya niya rito?Pano kung nasundan niya ako no'ng hinatid niya ako pa uwi dati? Sinabi ko 'yong ibang address pero pano kung sinundan niya ako no'ng mga oras na 'yon? Impossible! Sinigurado kong umalis na siya no'n bago ako naglakad patungong apartment kaya impo
Naka upo ako sa bench sa may tabi ng puno habang papahangin. Well, lunch break namin ngayon pero 'di na ako nag lunch dahil tinitipid ko lang 'yong pera ko. Ala una pa naman 'yong klase ko kaya nag hanap muna ako ng lugar kung saan pwede akong mag muni-muni. At heto ako ngayon, naka upo sa bench habang naka pikit ang mga mata at pinapakiramdaman ang paligid. Naalala ko na naman 'yong nangyare no'ng isang gabi.Curious ako kung may nag tulak nga ba sakin? At kung tama ako, sino naman 'yon?Ang alam ng lahat, nahilo lang ako kaya ako nahulog. Pero hindi eh, naramdaman ko talaga na may tumulak sakin. Minulat ko ang mga mata ko at napatitig sa kalawakan.Ang ganda ng kulay ng langit. Kulay asul lang at walang masyadong clouds napaka kalmado tingnan. Hindi rin mainit sakto lang at isa pa may naka harang na malaking puno sa bandang inuupuan ko kaya lalong napaka kumportable sa pakiramdam. Napatingin ako sa field, may mga naglalakad, 'yong iba naka
Naka upo kami ngayon sa isang coffee shop. Hindi pa rin tumitila ang ulan, gano'n parin katulad kanina. Iniwan muna namin 'yong payong niya sa labas para patuyuin. Napatingin ako sa kabilang table, nakita kong caffe latte 'yong iniinom ng isang babae. Napa buntong hininga na lang ako saka napa sabi sa isip na 'sana 'yan na lang ang pinabili ko sakanya.'Well, kasalanan ko naman, tahimik lang ako kanina no'ng itinanong niya sakin kung anong kape ba gusto kong inumin. Kaya heto, Caffe latte 'yong binili sakin. Well, I should be thankful kasi bilang sa daliri pa lang ako naka inom ng mga ganitong mamahaling kape. Napatingin ako kay Wesley at napa iwas din agad no'ng tumama ang paningin namin pareho.Ayan na naman siya, nakatingin na naman sakin. Kanina pa siya nakatitig lang pero hindi kami nagkikibuan. Naiilang tuloy ako. At naabutan pa niya akong nagkaganon kanina. Para akong bata na umiyak dahil na dapa at nagka sugat. Kinuha k
Pinikit ko ang mga mata ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.Kung totoong mangyare man 'to, ito ang magiging unang halik ko. Matagal. Matagal akong naka pikit habang hinihintay ang gagawin niya.At talagang hinintay ko pa?! Ang kapal! Minulat ko ang mga mata ko at basta basta ko na lang siyang sinuntok siya tiyan no'ng makita kong naka ngiti siya habang tinititigan akong naka pikit. "Baliw!" sigaw ko kasabay ng pag suntok ko sa tiyan niya. Napahawak siya do'n at mukhang napa aray pa dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Gusto kong magalit at mapikon dahil sa ginawa niya ngunit kinabahan ako no'ng napa upo ito habang napapahawak siya tiyan niya't napa aray dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Agad ko naman siyang nilapitan dahil nag alala ako na baka napalakas nga 'yong pag suntok ko sakanya. Hinawakan ko siya sa balikat at lumuhod sa harap niya, "okay ka lang?" nag aalalang tanong ko ngunit patul
Wala siyang naging reaksyon sa ginawa kong pag yakap ng mahigpit sakanya. Para nga siyang nanigas no'ng mga oras na 'yon na hindi man lang magawang gumalaw. Hindi ko nga alam kung nagagawa pa ba niyang huminga habang yakap yakap ko siya ng sobrang higpit. Naka pikit lang ako dahil sa takot at isa lang ang napansin ko no'ng mga oras na 'yon... Ang pabango niya. Ang bango ng pabango niya. Hindi ko alam kung anong pangalan ng pabango na 'yon pero pamilyar 'yong amoy no'n sakin. Para bang naamoy ko na 'yon dati pero hindi ko alam kung saan. Biglang bumukas 'yong mga ilaw at napa bitaw na lamang ako sa pag yakap ko sakanya.Do'n ko lang din napansin na nakakahiya at nakakailang pala 'yong ginawa ko. Napakamot ako sa ulo ko at tila hindi alam ang gagawin.Napatingin ako sakanya pero umiwas agad siya ng tingin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoong nakikita kong namumula ang mukha nito. Hindi pa ako nakakita ng lalakeng nag b-b
2 hours later. Habang naglalakad ako patungo sa unit ko ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa pinaghalong saya at kilig na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang umamin din siya na may gusto siya sakin. Grabe! Hanggang ngayon tandang tanda ko pa ang mga sinabi niya kanina. Tanda ko pa kung papano niya banggitin ang salitang 'GUSTO DIN KITA' hindi talaga ako makapaniwalang sinabi niya 'yon kanina. Akala ko kanina nag ha-hallucinate lang ako, hindi pala. Totoong umamin siya sakin at pareho kami ng nararamdaman. Hindi ako makapaniwalang mangyayare 'to. Buong buhay ko, akala ko hindi ko na mararamdaman ang ganitong klase ng saya. Sabi na nga ba, Impossible things can be possible. Lahat ng bagay ay may kabaliktaran. There's no permanent things in this world. Kaya ang isang impossible ay pwede rin maging possible. No'ng nasa harap na ako ng unit ko ay biglang bumukas 'yong pinto ng unit ni Wesley at
Nag decide akong puntahan siya sa ospital. Ayokong gawin 'to pero kahit gano'n ka laki 'yong nagawa niyang kasalanan sakin, siya naman ang naging dahilan kung bakit naging masaya ako simula no'ng makilala ko siya.Tama, naging masaya lang ang buhay ko matapos ang aksidente na 'yon simula no'ng makilala ko siya. Inaamin ko no'ng una na naiinis ako sa pagmumukha niya noon, pero no'ng naging magkasundo kami naisip ko na ang saya saya pala na magkaroon ka ng totoong kaibigan.Totoong kaibigan lang ang nararamdaman ko sakanya sa simula, pero hindi ko akalain na mas higit pa pala do'n ang mararamdaman ko sakanya.Umaga pa lang no'ng umalis ako para puntahan siya.No'ng makarating ako sa ospital ayhinanap ko 'yong kuwarto niya kaya naman nagtanong ako sa registrar kung saan 'yong kuwarto ni Wesley Clemente.Pinuntahan ko 'yon no'ng malaman ko at no'ng nasa harap na ako ng pinto ng kuwarto niya ay hindi pa man ako tuluyang naka pasok ay bigla ito
Hindi ko napigilan ang sarili ko't napa hagulgol na lang ako sa pag iyak nang malaman ko 'yon.Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya. Kasi nakakatakot. Nakakatakot na malaman ang katotohanan na siya ang naging dahilan kung bakit nangyare ang aksidenteng 'yon.Pero kung sakaling totoo man 'yon, mas pipiliin ko pa ring wag na lang marinig o malaman pa 'to kahit kelan. Kasi hindi ko 'yon matatanggap kahit kailan.Pero ano pa bang magagawa ko? Ito na 'to eh, sinasabi na niya sa mismong harap ko na siya ang puno't dulo ng aksidenteng nangyare noon.Papano naging siya at puno't dulo ng aksidenteng 'yon? Papano nangyare 'yon?Pinunasan ko ang mga luha ko at inangat ang ulo ko para tingnan siya."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." sabi ko.Pilit kong itinayo ang sarili ko kahit wala akong lakas at muli siyang hinarap."Wesley, alam kong sinasabi mo lang 'to dahil—"Napatigil ako nang bigla siyang mag
So ayon na nga, naging kami ni Wesley matapos ang araw na 'yon.Sa totoo lang, sobrang saya ko dahil gusto rin niya ako. Sinabi niya sakin na gusto niya ako.At siyempre masaya naman para sakin 'yong mga kaibigan ko dahil successful daw 'yong lahat ng efforts na ginawa ko.Na bilib sila sakin dahil napa amin ko rin siya sa wakas.Lumabas ako sa unit ko at umakyat kami sa rooftop tapos nakinig ng music ng naka earphone.Hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko habang nakikinig ng kanta kasama siya.Tinext ko na rin sina Zaiden at Kevin. Sinabi ko sakanila na kami na ni Wesley.At siyempre, itong si Wesley parang timang. Ang sabi niya wag ko daw sabihin kay Kevin na kami na dahil baka mag wala 'yon do'n sa resort ngayon.Ito namang si Wesley kitang nananahimik 'yong eh.Pero siyempre alam ko naman na biro lang niya 'yon.No'ng sumunod na araw, nag punta kaming bookstore. Nag pa sama ako sakanya dahil bumili
Habang pinagmamasdan kong umiikot sa gitna ng lamesa yong bote ay hinihiling ko na sana pag tumigil 'yon ay sakanya mismo tumutok.Ayoko nang patagalin pa 'to. Gusto ko na agad malaman kung gusto nga ba niya ako o hindi.Pero no'ng tumutok 'yon sakin ay na badtrip agad ako.Bakit sakin pa? Bakit hindi na lang sakanya?! Ang daya!"Okay, ako magtatanong." sabik na sabik na sabi ni Carla.Hinanda ko naman ang sarili ko para sagutin 'yong kung ano man 'yong itatanong sakin ni Carla. Actually, hindi na kasi namin napag usapan pa 'yong kung ano 'yong itatanong namin sa isa't isa kung sakaling kami 'yong taya."Sabihin mo samin kung bakit mo gusto si Wesley."Kita ko ang gulat sa mukha ni Wesley no'ng sinabi 'yon ni Carla gano'n din kay Russell. Ni hindi nga siya makapaniwala na gusto ko 'yong kaibigan niya.Ngumiti ako kasi ang ganda ng tanong niya. Saktong sakto dahil kaharap ko siya ngayon.Tinitigan si Wes
Oo nagulat siya no'ng sinabi ko 'yon sakanya. Pero nawala din kaagad ang 'yong gulat na 'yon sa mukha niya na tila parang wala lang sakanya na umamin ako ng feelings.Kinuha niya 'yong gulp niya saka niya 'yon mabilis na ininom tapos tinuro niya 'yong pagkain ko."Tapusin mo na 'yang pagkain mo." sabi niya. "Hintayin na lang kita sa labas." tumayo siya at umalis kaya naman tumayo na rin ako para sundan siya.No'ng makalabas na ako do'n sa seven eleven ay mabilis akong tumakbo para maabutan siya at hinila ko 'yong wrist niya."Sandali lang." sabi ko at napa tigil naman siya no'ng hilahin ko siya pabalik. Dahan dahan siyang humarap sakin, napatitig siya sa mga mata ko pero umiwas din kaagad ng tingin. "Sagutin mo muna ako, gusto mo rin ba ako?"Hindi siya sumagot sa tanong ko. Ni hindi nga siya makatitig sakin ng maayos. Para bang nag iisip siya ng paraan kung papano niya maiwasan 'tong tanong ko kaya naman inulit ko 'yon. Tinanong ko ulit siya
Umakyat ako sa rooftop dahil nakakaramdam ako ng sobrang init kahit na sobrang lamig naman ngayong gabi. Hindi naman ako uminom do'n sa club pero bakit ganito? Bakit namamawis ako ngayon?At hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong mga sinabi niya sa lalake kanina.Totoo kaya 'yon na gusto niya ako hanggang ngayon?Kasi kung oo, masaya ako dahil pareho na kami ng nararamdaman.Hindi na unfair 'yon para sakin.Sana pala no'ng hinatid niya ako pa uwi kanina ay tinanong ko siya kung totoo 'yong sinabi niya.Kaso lang, hindi na niya ako kinausap no'n kaya hindi ko na nagawang mag tanong.Bumukas 'yong pinto ng rooftop. Magtatago pa sana ako kasi akala ko siya 'yon pero no'ng makita kong si Kevin lang 'yon ay napa buntong hininga ako.Nagulat si Kevin no'ng makita ako rito kaya naman napatanong siya."Bakit gising ka pa, anong oras na kaya.
Aaminin ko na ba sakanya na gusto ko siya? Na totoong siya ang dahilan kung bakit kami nag break ni Zaiden?Chance mo na 'to para magtapat ng nararamdaman mo sakanya, Callie.Wag ka ng mag pa ligoy ligoy pa dahil ito na ang tamang pagkakataon.Hindi mo ba naisip na ang romantic ng ganitong klaseng eksena? Para kang nasa drama. I'm sure maging successful itong confession mo sa taong gusto mo na nasa harap mo na ngayon.Seryoso akong napatitig sa mga mata niya. Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga and i smiled at him."Ang totoo niyan... Tama— ay!"Biglang bumukas 'yong elevator at dahil sa gulat ay naitulak ko si Wesley papalayo sakin.Napatingin ako sa mga taong bumukas ng elevator at nandon si Kevin kasama nila.Lumapit siya samin at halatang nakita nila 'yong kung papano ko itulak si Wesley.Naks! I'm sure iba inisip nila.Badtrip naman. Bakit ba kasi ang malas malas ko?"Bakit hindi man lan
Hanggang sa pag uwi ko hindi pa rin maalis sa isip ko si Kaye.Gusto kong sabihin sakanya na tinu-two time siya ni Prince kaso lang hindi pa ako sigurado at hindi ko pa alam ang buong kuwento.Pero kung totoo man talaga 'yon, naawa ako sa kaibigan ko.Gusto kong kausapin si Prince at tanungin sakanya kung bakit niya ginawa 'yon kay Kaye. Mabait na tao si Kaye at kahit kailan wala siyang naka away na kahit sino. 'Yon ang pagkakakilala ko sakanya.Hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang sakanya at nagawang mang two time nitong si Prince. Ano kaya ang sumapi sa isang 'yon?Sinabi pa niya sakin no'ng nakaraan na nag cheat daw sakanya si Kaye kaya sila nag break. Baliw talaga ang lalakeng 'yon.Buti na lang napigilan ko 'yong bibig ko kanina at hindi ko siya binalikan sa loob para tanungin ng harap harapan.Gusto kong tulungan at mapalayo si Kaye sa taong 'yon.Muli akong lumabas sa unit ko at tinawagan si Kaye kaso lang hindi siya ma c
Halos madurog ang puso ko nang marinig ko 'yon sakanya mismo.Ang sakit... Ang sakit sakit na marinig na hindi ako ang gusto niyang makita rito.The way kung papano niya sabihin ang salitang 'yon ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko.Kung hindi ako, sino? Sino at para kanino ang text message na 'yon?!Para na akong maiiyak sa harap niya ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. Ayokong mapahiya sa harap niya ngayon. At ayoko rin na makahalata siya tungkol sa nararamdaman ko para sakanya.I look at him in the eye and i smiled.Pinilit kong ngumiti kahit ang sakit sakit na."Gano'n ba," sabi ko.Nahiya ako sa sarili ko dahil sa inasta ko. Nag assume ako na para sakin talaga 'yon. Sinabi ko pa naman kay Kevin ang tungkol sa text. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sakanya na hindi pala para sakin 'yon at na wrong send lang si Wesley."Sorry, Hindi ko na check matapos kong i-send. Hindi ko tuloy na bawi