Ano 'yong ginawa ko?
Kinuha ko lang naman 'yong cellphone number ni Zaiden sa cellphone ni Prince.
Saktong pabalik na si Prince no'n at kakatapos ko lang i save 'yong cellphone number ni Zaiden sa cellphone ko.
Binalik ko 'yong cellphone ni Prince sakanya and without any words, nag punta ako sa labas para mag pa hangin.
Pero sana man lang hindi na halata ni Prince 'yong ginawa ko.
Pag labas ko,
Do'n ko nakita si Zaiden na naka tayo sa labas habang naka titig sa kalangitan.
Napa ngiti na lang ako bigla, knowing na nandito siya ngayon.
Sobrang dilim na ng paligid no’ng mga oras na 'yon dahil mag a-alas nuebe na ng Gabi.
Napa yakap ako sa aking sarili at nagsimulang manginig dahil sa lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan.Habang naglalakad ako patungo sa kinatatayuan niya, unti unti kong binabagalan ang bawat hakbang dahil sa nagdadalawang isip akong lapitan siya.
Napatingin siya sakin no'ng maramdaman niyang may taong papunta sa gawi niya kasabay na rin siguro ng tunog ng yapak ng suot kong heels.
Umayos siya ng tayo at ibinaling ang paningin sakin.
Isang maliit na ngiti ang binungad ko sakanya saka nag bitaw ng isang tanong.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Nag papahangin." sagot niya at muling ibinaling ang paningin sa kalangitan.
"I see." pa tango-tango kong sabi.
"Bakit 'di ka mag enjoy sa loob?"
"Uhm. Di naman kasi ako pumupunta sa mga ganitong lugar."
Nakita ko siyang tumawa ng kunti matapos kong sabihin 'yon. Di siya nakatingin sakin no'ng mga oras na 'yon. Pero ako 'yong panay ang lingon sakanya at pinag mamasdan ang bawat kilos at reaksyon niya.
Napapa ngiti na lamang ako sa tuwing lilingunin ko siya. Tapos makikita ko 'yong mala Anghel niyang mukha. Ewan ko ba, pero kinikilig ako.
Napalingon siya sakin no'ng mga oras na 'yon, akala ko itatanong niya sakin kung ba't ako lingon ng lingon sakanya.
"Umiinom ka ba?" muli niyang tanong.
"H-hindi." sabi ko saka umiling.
"Gusto mo i-try?"
"Ha?" gulat na sabi ko. Nakita kong tumawa ulit siya.
"Biro lang.” Naka ngisi nitong sabi. “Halata naman na hindi umiinom ang isang tulad mo." dagdag pa niya.
"Eh ikaw? Kelan ka natutong uminom?"
"No'ng highschool."
"Ah." mahinang sambit ko.
Hindi lang ako makapaniwala na sa edad niyang 'yon ay natuto na siyang uminom. Gaya ng mga customers sa videoke bar no'ng nakaraan. Mga highschool lang din sila. Pero marami na rin naman akong nasaksihang gano'n. Hindi lang sila o siya. Curious lang ako kung bakit sila nagkaka gano'n.
Siguro dahil gusto lang nilang maka limot sa mga problema na bumabagabag sakanila.Maya maya pa ay tumalikod siya.
Tipong pa balik siya sa loob pero 'di pa siya nagsisimulang maglakad."Di ka sasama?" tanong nito kaya naman nilingon ko siya.
"Sa'n?" nagtatakang tanong ko.
"Babalik sa loob."
Ngumiti ako saka tumango.
"Sige, tara."
Bumalik sa loob. Pero siya bumalik sa pag inom, samantalang ako bumalik kina Sarah.
Nakita kong nakatingin ang mga kaibigan ko sakin habang papalapit ako sakanila at mukhang alam ko na kung ano 'yong itatanong nila.
"Sa’n kayo galing?" malakas na sigaw ni Kaye.
Sumisigaw hindi dahil sa galit siya, sadyang malakas lang talaga 'yong tugtog. Tapos nakaka hilo pa 'yong disco lights.
"Ah, nag pa hangin sa labas." sagot ko.
"Seriously? With Zaiden?" hindi makapaniwalang tanong ni Sarah.
"Oo."
"Oh my gosh! Kelan pa kayo naging close bakla?" tanong naman ni Carla.
"Uhm. Kahapon?” sabi ko saka nag isip pa kung kelan nga ba kami naging close ni Zaiden. “ay mali, ngayon lang siguro?" dagdag ko pa.
"Nge? Bakit parang 'di ka sure?"
"Uhm. Hindi ko alam eh. Kasi nag usap kami no'ng nakaraan, pero kunting conversation lang 'yon."
May dumaang waiter na may dalang mga drinks at kumuha do'n si Carla bago nag bitaw ng salita.
"Kwentuhan mo kami bakla! Ano pinag usapan niyo?" tanong nito sabay laklak ng alak.
Tapos kwinento ko sakanila 'yong napag usapan namin ni Zaiden kanina.
Kinilig silang lahat at inabutan pa ako ng inuming alak. Grabe! Di ako makatanggi dahil sa mapilit silang tatlo.Chini-cheer nila akong tatlo na inumin ko 'yong alak. Wala naman akong choice kaya nilagok ko 'yon.
Nag punta kami sa gitna at sumayaw, inenjoy nalang namin ang gabing 'to dahil alam naming bukas at sa makalawa, babalik na naman sa normal ang lahat.
Muli kong nilingon si Zaiden, kahit yata naka talikod siya sakin sobrang gwapo pa rin niya. Sadyang may mga tao talagang pinag pala.
Matapos ang gabing 'yon, bumalik na ulit sa normal ang lahat.
Focus na ulit sa pag aaral dahil malapit na ang End term exam.Pero ako, gano'n pa rin. Tuwing alas otso kailangan kong mag punta sa trabaho ko.
Di katulad ng iba na nagkakaroon sila ng kunting oras para makapag pahinga.Nakakapagod ngunit kailangan kong sumikap para umangat.
Alas tres ng madaling araw no'ng magising ako. Hindi na ako maka tulog pagkatapos.
Kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Zaiden.
Ano ba i te-text ko? Hi? Hello? o What's up?—nge? Di naman niya ako gano'n ka close para sabihin 'yon.
Kaya naman napag desisyonan kong mag send na lang ng qoutes sakanya.
Naghanap ako ng magandang qoutes tapos sinend 'yon sakanya.Kaso lang 'di ako nakatanggap ng reply.
Mga ilang araw ko siyang pinadalhan ng mga kung ano anong qoutes pero 'di talaga siya nag rereply. Baka naman 'di talaga siya nag rereply sa mga 'di nag papakilala sakanya?Kasi kahit ako gano'n din.
Pano kaya kung mag pa kilala ako?
Kaso lang, pano kung wala parin akong matatanggap na reply? Parang deadma lang, gano’n.
Napa nguso ako habang nag iisip ng pwedeng gawin.
Pero lahat ng mga sumasagi sa isip ko ay useless pa rin.No'ng sumunod na araw, nagkaroon kami ng time na makapag usap ng mga kaibigan ko. At si Zaiden 'yong topic namin. Naka upo kami sa bleachers no’n habang kumakain ng snacks.
Do'n ko nalaman na anak pala siya ng isa sa mga may shares dito sa University. Lalo tuloy akong nanlumo no'ng malaman ko 'yon. Feeling ko wala talagang pag asa ang isang mahirap na kagaya ko para sa mga taong katulad niya. And besides, marami na daw siyang mga naging GF dati na puro mayayaman. Tingin ko, pag nalaman niyang mahirap lang ako 'di ako magugustuhan no'n. At baka nga 'di na ako kausapin no'n sa simula pa lang.
Nasa Cafeteria kami ng mga kaibigan ko no'n habang kumakain ng lunch at bigla akong naka isip ng qoutes na pwedeng i send sakanya.
Last na talaga 'to. Kapag 'di ka pa nag reply, suko na ako.
Matapos kong i send 'yon ay sumubo ako ng kanin nang biglang nag vibrate 'yong cellphone ko na naka patong sa mesa.
Pag tingin ko,
Zaiden: Sino ka? Bakit lagi kang nag papadala ng qoutes?
Halos mapa talon ako sa tuwa no'ng mga oras na 'yon. Na lunok ko pa nga ng buo 'yong kanin nang hindi man lang nginuya.
Napa tanong pa sakin si Carla kung bakit daw gano’n 'yong naging reaksyon ko. Pero dahil ayokong sabihin sakanila 'to dahil gusto ko secret lang, 'di na ako nag kwento. Sinabi ko na lang na tita ko 'yong nag text sakin dahil umuwi na siya dito galing abroad.
Ibinaling ko na lamang ang paningin ko sa cellphone ko at pinigilan ang kilig na nararamdaman ko ngayon.
Callie: Hi! Pwede ba kitang maka textmate? Kung ayos lang naman.
Sinend ko 'yon at muling sumubo ng kanin.
Maya maya pa ay nag vibrate ulit 'yong cellphone ko.
Zaiden: Sure!
Kinagat ko 'yong kotsara dahil sa ang bilis niyang mag reply at the same time, dahil na rin sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Para akong sasabog ngunit kailangan kong pigilan 'to para 'di mahalata ng mga kaibigan ko.
Muli akong nag reply sakanya.
Callie: Anong ginagawa mo?
Wala pang dalawang minuto ay nag reply na ulit siya.
Zaiden: Nasa cafeteria, kumakain.
Bumilis ang kabog ng d****b ko no’ng nabasa ko 'yong reply niya.
Nasa cafeteria din siya?
Agad ko siyang hinanap sa cafeteria. Pinag pawisan na lang ako no'ng makita ko siyang tawa ng tawa habang kumakain kasama ng mga kabarkada niya at the same time nakatingin din siya sa cellphone niya.
Ang cute niya!
Naramdaman kong nag vibrate ulit ‘yong cellphone ko. Nakita kong may text ulit siya.
Zaiden: Pwedeng malaman kung sino ka?
Pag ba nagpakilala ako, mag rereply pa kaya sakin ang isang 'to?
What if hindi? What if ma turn off siya? Ano nang gagawin ko? Pero pag hindi naman ako mag pakilala baka deadmahin na ako ng isang 'to.
Hays.
Mag pakilala na sana ako kaso lang na ubusan na ako ng load no'ng time na 'yon kaya 'di na ako naka pag reply.
No'ng sumunod na araw, Nag text ulit ako sakanya.
Callie: Anong ginagawa mo?
Sinend ko 'yon habang naglalakad ako sa quadrangle.
Mga ilang minuto siguro bago siya nag reply.Zaiden: Nasa library. Nag babasa nag libro.
Gusto ko sanang pumunta sa library para makita siya kaso lang, sa tuwing nasa paligid ko siya pakiramdam ko nawawalan ako ng confidentiality sa sarili.
Pero wala naman sigurong masama kung sumilip lang diba?
So ayon, nag punta akong library. Walang tao do'n. Di ko alam kung andon pa ba siya sa sulok ng mga bookshelf o wala na. Di na rin ako pumasok pa sa loob kasi baka umalis na siya. Bumalik ako pero nagulat ako no'ng pag talikod ko, nando'n siya sa likuran ko at muntik ko pa siyang mabangga.
Napatigil ako at tiningnan siya sa mata.
"H-hi!" nauutal kong sabi.
Di niya ako binati pa balik. Sa isip ko, baka may idea na siya na ako 'yong ka text niya.
Pinag pawisan ako bigla. Seryoso lang siyang nakatingin sakin na tila may gustong itanong sakin na hindi ko magawang sagutin. Kinakabahan ako.
“Uhm… b-bakit?” tanong ko.
Nakita ko siyang umiling saka nag labas ng isang maliit na ngiti.
"Bakit 'di ka pa pumapasok?" tanong niya.
"Ah, naalala ko kasi may nakalimutan pala ako sa cafeteria. Babalikan ko lang sana." pagsisinungaling ko. Ngumiti ako sakanya saka muling nag salita. “Alis na ako.”
“Okay.” mahinang sambit nito saka ngumiti sakin.
Grabe! Ang gwapo niya sa mga ngiti niyang ‘yon!Pero bago pa man ako matunaw sa mga ngiti niyang 'yon ay tumalikod na ako at umalis.Nag punta ako sa cafeteria kahit na wala naman talaga akong dapat balikan o ano. Tumambay ako do'n saglit bago umalis.
Nag start na 'yong next class ko.Habang nag le-lecture ang prof namin, naramdaman kong nag v-vibrate 'yong cellphone ko.Pagtingin ko,
Nakita kong nag text siya sakin.
Nilagay ko ‘yong cellphone ko sa ilalim ng table ko para 'di ako mahuling nag ce-cellphone sa klase.
Zaiden: Busy ka ba?
Napangiti na naman ako out of the blue.
Callie: Hindi naman masyado. Bakit?
Tinago ko 'yong cellphone ko sa bulsa ko matapos kong mag reply pero dahil mabilis siyang mag reply ay nilagay ko na lang 'yon sa lap ko para madali kong makuha kapag nag reply siya.
Zaiden: Wala lang. Gusto lang kitang kausap. Anong ginagawa mo?
Napatingin ako sa harap kung nasaan 'yong prof ko. Busy pa rin siya sa pag susulat sa bored no’n kaya naka pag reply agad ako.
Callie: Nakikinig ng lecture. Ikaw, anong ginagawa mo?
Zaiden: Naka upo sa bleachers. Actually, pa uwi na ako.
Nag t-type pa lang ako ng I rereply ko no’ng nag text ulit siya.
Zaiden: Ano pala pangalan mo?
Napa isip na naman ako kung mag papakilala na ba ako sakanya o hindi?
Muli na naman kasi akong binabagabag ng mga salitang BAKA MA TURN OFF SIYA AT HINDI NA NIYA AKO KAKAUSAPIN ONCE NA NAG PAKILALA AKO SAKANYA.Pero wala namang mali sakin hindi ba? Hindi naman ako kriminal o mamamatay tao o kung ano pa 'yan.
Kaya naman,
Go Callie! mag pakilala ka na!Or else, baka ito na 'yong katapusan ng convo ninyo.Pero pano kung magpakilala ako tapos hindi na siya mag reply kasi mataas 'yong expectations niya sakin?—ugh! Anong expectations ba 'tong pinagsasasabi ko?
Hay naku! Bahala na.
Callie: I'm Dweyne.
Sinungaling na kung sinungaling pero wala namang masama sa name na binigay ko. Kasi Nickname ko naman 'yon.
Ang bilis niyang mag reply. Tipong Kaka send ko pa lang nag t-type na siya.
Zaiden: Ikaw si Dweyne?
Alam kong ‘di ko naririnig boses niya sa reply niya pero sounds like parang kilala niya ako or something?
Callie: Oo, bakit?
Zaiden: Wala lang. Sa'n ka nakatira? At pano mo nakuha number ko?
Nag panic ako sa tanong na 'yon ngunit naka isip rin agad ng maisasagot.
Callie: Ah. Sa kaibigan ko lang.
May tinuro ‘yong professor ko, kinabahan ako kasi parang sakin naka point 'yong pointed finger niya at akala ko ako 'yong sasagot sa tanong niya. ‘Yong nasa likuran ko pala 'yon.
Huminga ako ng malalim saka muling ibinaling ang paningin sa cellphone ko. Saktong may reply na si Zaiden no’n.
Zaiden: Sinong kaibigan?
Ayokong sabihing si Prince 'yon dahil baka tanungin lang niya si Prince lalo na't wala siyang alam sa ginawa ko.
Callie: Basta. Di ko na sasabihin kasi mahabang kwento. Pero wag ka sanang magalit ha.
Pagkatapos no'n, 'di na siya nag reply. Panay naman ang tingin ko sa cellphone ko. Nahuli pa nga ako ng prof ko't na warningan pa ako. Buti na lang hindi na confiscate 'yong cellphone ko.
Pagkatapos ng tatlong oras na klase, nagsi alisan na 'yong mga ka blockmates ko. Naiwan naman akong mag Isa do'n sa classroom dahil inaayos ko pa 'yong mga gamit ko. Saktong nag vibrate bigla 'yong cellphone ko. Agad kong kinuha 'yon at abot hanggang tenga na naman ang mga ngiti sa aking mga labi no’ng makitang siya 'yong nag text.
Zaiden: Sorry, na lowbat kasi ako.
Napa kagat labi pa ako habang nag t-type ng i-rereply sakanya.
Callie: Ayos lang.
Nilagay ko 'yong ballpen ko sa bag ko saka sinara 'yon.
Zaiden: Asan ka?
Callie: Pa uwi na.
Sinuot ko 'yong bag ko at tumayo na.
Zaiden: San ka ba nag aaral?
Callie: Same University.
Inayos ko 'yong upuan ko saka muling binasa 'yong reply niya.
Zaiden: Ah, anong year?
Callie: first.
Nag mamadaling lumabas ako ng classroom at saktong may lalakeng naglalakad sa hallway no'n at sa kasamaang palad...
Nabangga ko siya.
"S-sorry."
Napatingin ako sa mukha niya.
Magka salubong ang mga kilay niya't naka kunot ang noo habang nakatingin sakin.Hindi ko mawari kung galit ba siya o ano.
"Sorry ulit, kuya—"
"Bulag ka ba? O nag bubulagbulagan?" mahina ngunit matigas niyang sabi.
Bulag talaga?! Diba pwedeng hindi ko lang talaga siya napansin?
Napatingin ako sakanya mula ulo hanggang paa.
Base sa itsura niya, para siyang siga o isang bully. Naka suot siya ng denim jacket at black shirt na inner tapos black fitted jeans.Matangkad siya, siguro mga hanggang balikat lang niya ako. Tapos payat. At ang angas ng dating niya.Nakaka agaw pansin lang 'yong mga mata niya. Makakapal kasi 'yong pilik Mata at kilay kaya attractive tingnan.Nga lang, medyo nakakatakot siya. Pakiramdam ko kasi masama siyang tao.
"Sorry ulit, Kuya." pag uulit ko.
Tiningnan niya ako ng masama kaya naman napa yuko ako.
Grabe naman ang isang 'to. Nakakatakot. Ano kaya problema nito, para 'yon lang eh. Di naman siguro masakit 'yong nabangga ko siya. Sa liit kong 'to? Seriously?!
Umalis siya sa harap ko't tumakbo naman ako pa labas ng campus.
Siguro mga bandang alas siyete na ng Gabi no'n.
Habang naglalakad ako patungong waiting shed sa labas ng University, nakatanggap ulit ako ng reply galing kay Zaiden.
Zaiden: And'yan ka pa ba?
Callie: Oo. Pero pa uwi na rin ako.
Zaiden: Wag kang aalis d'yan.
Callie: ha? Bakit?
Siguro mga dalawang minuto na't 'di pa rin siya nag reply kaya inulit ko 'yong tanong ko.
Callie: Bakit po?
Another two minutes na hindi ulit siya nag reply kaya nag message ulit ako.
Callie: hello? And'yan kapa ba?
Nagulat na lang ako no'ng tumawag siya bigla at aksidente kong na sagot 'yon.
“Hello?” sambit ko.
"Asan ka?"
"Nasa..." Napatingin ako sa paligid habang nag iisip ng isasagot. "Nasa labas ng University."
"Wag kang aalis d'yan."
"Bakit?"
"I'll pick you up."
"Ano?!—wag na."
"Bakit?"
Namawis ako habang nag isip ng ma isasagot.
"Ah kasi... May sundo ako. Pa rating na rin 'yong driver namin."
"Malapit na ako."
Bumilis ang kabog ng d****b ko't 'di mapakali no'ng mga oras na 'yon.
Naku! Pano na 'to?! Buking ako kapag nakita niya at nalaman kung sino ako.
"Ano ka ba, wag na. May sundo talaga ako. Promise. At isa pa, magagalit parents ko kapag nag pahatid ako sa iba."
Nanginginig na mga tuhod ko no’ng mga oras na 'yon. Pakiramdam ko kasi malapit na talaga siya.
"Wala pa naman 'yong driver mo. Samahan na lang kita d'yan habang nag hihintay.”
Saktong may pumaradang kotse sa harap ko no'ng mga oras na 'yon.
"Andito na pala siya—i mean, 'yong sundo ko." pag sinungaling ko.
Medyo lumapit ako ng kunti do’n sa kotse at itinapat ang cellphone ko do’n sa harap mismo ng kotse para marinig niya 'yong tunog nito. At para na rin maniwala siya.
Nag pa alam ako kay Zaiden pagkatapos.
Alam kong may sasabihin pa sakin si Zaiden pero binaba ko na agad no'ng bumukas 'yong pinto ng kotse.
At sa kasamaang palad, ito na naman siya.
Pinag pawisan ako no'ng mga oras na 'yon at tila 'di alam ang gagawin.
Nakita niya kaya 'yong ginawa ko?
Sana naman wala. Please... Ayokong mapa galitan ulit ng isang 'to!"Anong ginagawa mo?" kunot noo niyang tanong sakin no’ng tuluyan siyang makalabas sa kotse niya.
"Ha?? Ano ulit 'yon kuya?" pag kukunware ko.
"I saw what you did. At talagang ginamit mo pa ang kotse ko sa kalokohan mo."
Hays. Kung minalas ka nga naman. Pero dahil may kasalanan naman talaga ako dahil ginamit ko 'yong kotse niya do'n sa kalokohan ko, ibababa ko muna 'yong pride ko.
"Sorry ulit kuya ha. Hindi na po ma uulit.” Nakita ko siyang napa ngiwi sa sinabi ko kaya nakaramdam ako ng inis. “And will you please mind your own business na lang?" dagdag ko pa.
Muli niya akong pinakitaan ng masamang tingin. Tipong nag a-apoy ang paligid dahil sa nga tingin niyang ‘yon.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sa'ting dalawa, sino ba sa tingin mo ang na ngingialam? Look, dinamay mo pa 'tong kotse ko d'yan sa kalokohan mo." Galit na sabi niya.
"Excuse me lang ha, nag sorry na nga 'yong tao diba?! Ganyan ba talaga ka tigas 'yang puso mo't pinag iinitan mo'ko?! Bakit 'di mo na lang ako patawarin at hayaan?" sigaw ko.
Napatingin ako sa kabilang kalye. Nakita ko kasi si Zaiden do'n na kakababa lang ng kotse.
Nag panic ako't 'di ko alam ang gagawin.
Tumalikod ako at yumuko.
Biglang nag tahimik ang paligid. Tipong maririnig mo pati 'yong ihip ng hangin at ang tunog ng mga dahong nagsisiliparan sa daan.
Wala ring mga kotse o motor na dumadaan kaya sobrang tahimik talaga.Pati itong lalakeng 'to 'di na rin nagsalita no'ng mga oras na'yon.
Alam kong nakatingin lang siya sakin at nagtataka kong bakit ako tumalikod bigla.Pero ang mas mahalaga sakin ngayon ay ang hindi ako makita ni Zaiden.
Napa pikit na lamang ako no'ng makarinig ako ng footsteps na tumawid sa daan at parang pa lakas ng pa lakas 'yong yapak na 'yon. Ibig sabihin, papunta siya sa gawi namin ng lalakeng 'to.
Kumabog ng mabilis ang d****b ko't pinag pawisan ako no'ng tinawag niya ako sa pangalan ko.
"Ikaw si. . .Dweyne?"
Napa mulat ako mula sa pagka pikit at dahan dahang nilingon si Zaiden. No'ng mga oras na 'yon, na ubusan na ako ng mga pwedeng i dahilan. Wala na akong ma isip na bagay para makapag deny. Wala na. Alam na niya. Buking na ako.Kilala na niya kung sino ‘yong Dweyne na ka text niya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Alam kong naghihintay siya ng sagot ko.Di ko alam ang sasabihin sakanya. Ni ayaw ngang bumuka nitong mga bibig ko. Parang naka pause kaming tatlo no’ng mga oras na 'yon. Kahit itong lalakeng masungit gano’n din. Ni hindi na nga rin siya nag salita simula no’ng lumapit si Zaiden samin. Alam ko sa peripheral view ko na nakatingin lang siya sakin. Pinapanood ‘yong mga reaksyon ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Pero kung mag bibigay man ako ng sagot, 'yon ay masaya na may halong kaba. Masaya dahil sa wakas ay kilala na niya ako. Alam na niya kung sino ako. At kinakabahan dahil baka ma turn off si
Itinaas nito ang kaliwang kamay niya at bahagyang itinuro ako no'ng mapagtantong ako nga ang kaharap niya ngayon at naglabas siya ng isang nakakatakot na ngiti. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya at ibinaba na ang kamay nito na nakaturo sakin at muling ipinatong sa kabilang balikat ko. Agad naman akong napa iwas ng tingin at pilit sinasabi sa utak ko na sana panaginip lang 'to at hindi talaga kami nagkita ngayon dito. "Woi!" tawag niya ngunit 'di ko siya pinansin. Tanging sa Videoke lang ako nakatingin at pinagmamasdan ang kung ano mang lumalabas dito. Batid kong nakatingin siya sakin at hinihintay ang sagot ko sa tanong niyang 'yon ngunit nagpapanggap lamang ako na hindi ko 'yon narinig. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sakin sa magkabilang balikat ko at muling inulit ang tanong niya kanina. "Anong ginagawa mo dito?" pag uulit nito. Kagat
Nasa library ako no'n no'ng mapagtanto kong wala 'yong cellphone ko sa bulsa ko.Napakamot ako sa ulo ko at pilit na inalala kung saan ko inilapag 'yon kanina. Para akong mababaliw. Pag hindi naisuli sakin 'yon, paniguradong 'di na ako makakabili pa ng panibagong cellphone lalo na't mamaya pa lang ako magsisimula sa bago kong trabaho sa isang convenience store. Hindi ko kakayanin pag nawala 'yon dahil hindi ko memorize 'yong cellphone number ni Zaiden. At isa pa, nando'n na lahat ng convo namin. Mahalaga sakin 'yon kaya hindi ko kayang mawala 'yon. "May problema ka ba, Callie?" tanong sakin ni Kaye saka kinuha sakin 'yong isang makapal na libro na hawak ko. "Kasi 'yong cellphone ko, nawala ko. Hindi ko alam kung saan ko naiwan kanina." "Gano'n ba. Malabo nang isuli pa 'yon ng naka kita. Mas okay kung bumili ka na lang ng bago. Unless kung may mahalagang laman 'yong cellphone mo." Kung may pera lang ako hindi ako mag pa-panic ng tudo
"Bakit ba pilit pinag tatagpo ang landas namin ng lalakeng 'yon?" Kabadong tanong ko sa sarili ko. Dalawang minuto akong nag stay do'n habang inaantog-antog 'yong ulo ko do'n sa likod ng pinto. Maya maya pa ay sumilip ulit ako pero sinara ko ulit 'yong pinto ko no'ng makitang andon pa rin siya nakatayo habang nakasandal sa labas ng pinto ng isang unit na kaharap lang ng unit ko. May suot siyang headphone habang naka tutok sa cellphone niya. Sinara ko ang pinto ang muling sumandal do'n. "Ano kaya ang ginagawa niya rito?Hindi naman siguro siya nandito dahil sakin?" tanong ko sa sarili ko at napa iling bigla, "huh! Definitely not!" Pero pano kung ako talaga ang sadya niya rito?Pano kung nasundan niya ako no'ng hinatid niya ako pa uwi dati? Sinabi ko 'yong ibang address pero pano kung sinundan niya ako no'ng mga oras na 'yon? Impossible! Sinigurado kong umalis na siya no'n bago ako naglakad patungong apartment kaya impo
Naka upo ako sa bench sa may tabi ng puno habang papahangin. Well, lunch break namin ngayon pero 'di na ako nag lunch dahil tinitipid ko lang 'yong pera ko. Ala una pa naman 'yong klase ko kaya nag hanap muna ako ng lugar kung saan pwede akong mag muni-muni. At heto ako ngayon, naka upo sa bench habang naka pikit ang mga mata at pinapakiramdaman ang paligid. Naalala ko na naman 'yong nangyare no'ng isang gabi.Curious ako kung may nag tulak nga ba sakin? At kung tama ako, sino naman 'yon?Ang alam ng lahat, nahilo lang ako kaya ako nahulog. Pero hindi eh, naramdaman ko talaga na may tumulak sakin. Minulat ko ang mga mata ko at napatitig sa kalawakan.Ang ganda ng kulay ng langit. Kulay asul lang at walang masyadong clouds napaka kalmado tingnan. Hindi rin mainit sakto lang at isa pa may naka harang na malaking puno sa bandang inuupuan ko kaya lalong napaka kumportable sa pakiramdam. Napatingin ako sa field, may mga naglalakad, 'yong iba naka
Naka upo kami ngayon sa isang coffee shop. Hindi pa rin tumitila ang ulan, gano'n parin katulad kanina. Iniwan muna namin 'yong payong niya sa labas para patuyuin. Napatingin ako sa kabilang table, nakita kong caffe latte 'yong iniinom ng isang babae. Napa buntong hininga na lang ako saka napa sabi sa isip na 'sana 'yan na lang ang pinabili ko sakanya.'Well, kasalanan ko naman, tahimik lang ako kanina no'ng itinanong niya sakin kung anong kape ba gusto kong inumin. Kaya heto, Caffe latte 'yong binili sakin. Well, I should be thankful kasi bilang sa daliri pa lang ako naka inom ng mga ganitong mamahaling kape. Napatingin ako kay Wesley at napa iwas din agad no'ng tumama ang paningin namin pareho.Ayan na naman siya, nakatingin na naman sakin. Kanina pa siya nakatitig lang pero hindi kami nagkikibuan. Naiilang tuloy ako. At naabutan pa niya akong nagkaganon kanina. Para akong bata na umiyak dahil na dapa at nagka sugat. Kinuha k
Pinikit ko ang mga mata ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.Kung totoong mangyare man 'to, ito ang magiging unang halik ko. Matagal. Matagal akong naka pikit habang hinihintay ang gagawin niya.At talagang hinintay ko pa?! Ang kapal! Minulat ko ang mga mata ko at basta basta ko na lang siyang sinuntok siya tiyan no'ng makita kong naka ngiti siya habang tinititigan akong naka pikit. "Baliw!" sigaw ko kasabay ng pag suntok ko sa tiyan niya. Napahawak siya do'n at mukhang napa aray pa dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Gusto kong magalit at mapikon dahil sa ginawa niya ngunit kinabahan ako no'ng napa upo ito habang napapahawak siya tiyan niya't napa aray dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Agad ko naman siyang nilapitan dahil nag alala ako na baka napalakas nga 'yong pag suntok ko sakanya. Hinawakan ko siya sa balikat at lumuhod sa harap niya, "okay ka lang?" nag aalalang tanong ko ngunit patul
Wala siyang naging reaksyon sa ginawa kong pag yakap ng mahigpit sakanya. Para nga siyang nanigas no'ng mga oras na 'yon na hindi man lang magawang gumalaw. Hindi ko nga alam kung nagagawa pa ba niyang huminga habang yakap yakap ko siya ng sobrang higpit. Naka pikit lang ako dahil sa takot at isa lang ang napansin ko no'ng mga oras na 'yon... Ang pabango niya. Ang bango ng pabango niya. Hindi ko alam kung anong pangalan ng pabango na 'yon pero pamilyar 'yong amoy no'n sakin. Para bang naamoy ko na 'yon dati pero hindi ko alam kung saan. Biglang bumukas 'yong mga ilaw at napa bitaw na lamang ako sa pag yakap ko sakanya.Do'n ko lang din napansin na nakakahiya at nakakailang pala 'yong ginawa ko. Napakamot ako sa ulo ko at tila hindi alam ang gagawin.Napatingin ako sakanya pero umiwas agad siya ng tingin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoong nakikita kong namumula ang mukha nito. Hindi pa ako nakakita ng lalakeng nag b-b
Nag decide akong puntahan siya sa ospital. Ayokong gawin 'to pero kahit gano'n ka laki 'yong nagawa niyang kasalanan sakin, siya naman ang naging dahilan kung bakit naging masaya ako simula no'ng makilala ko siya.Tama, naging masaya lang ang buhay ko matapos ang aksidente na 'yon simula no'ng makilala ko siya. Inaamin ko no'ng una na naiinis ako sa pagmumukha niya noon, pero no'ng naging magkasundo kami naisip ko na ang saya saya pala na magkaroon ka ng totoong kaibigan.Totoong kaibigan lang ang nararamdaman ko sakanya sa simula, pero hindi ko akalain na mas higit pa pala do'n ang mararamdaman ko sakanya.Umaga pa lang no'ng umalis ako para puntahan siya.No'ng makarating ako sa ospital ayhinanap ko 'yong kuwarto niya kaya naman nagtanong ako sa registrar kung saan 'yong kuwarto ni Wesley Clemente.Pinuntahan ko 'yon no'ng malaman ko at no'ng nasa harap na ako ng pinto ng kuwarto niya ay hindi pa man ako tuluyang naka pasok ay bigla ito
Hindi ko napigilan ang sarili ko't napa hagulgol na lang ako sa pag iyak nang malaman ko 'yon.Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya. Kasi nakakatakot. Nakakatakot na malaman ang katotohanan na siya ang naging dahilan kung bakit nangyare ang aksidenteng 'yon.Pero kung sakaling totoo man 'yon, mas pipiliin ko pa ring wag na lang marinig o malaman pa 'to kahit kelan. Kasi hindi ko 'yon matatanggap kahit kailan.Pero ano pa bang magagawa ko? Ito na 'to eh, sinasabi na niya sa mismong harap ko na siya ang puno't dulo ng aksidenteng nangyare noon.Papano naging siya at puno't dulo ng aksidenteng 'yon? Papano nangyare 'yon?Pinunasan ko ang mga luha ko at inangat ang ulo ko para tingnan siya."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." sabi ko.Pilit kong itinayo ang sarili ko kahit wala akong lakas at muli siyang hinarap."Wesley, alam kong sinasabi mo lang 'to dahil—"Napatigil ako nang bigla siyang mag
So ayon na nga, naging kami ni Wesley matapos ang araw na 'yon.Sa totoo lang, sobrang saya ko dahil gusto rin niya ako. Sinabi niya sakin na gusto niya ako.At siyempre masaya naman para sakin 'yong mga kaibigan ko dahil successful daw 'yong lahat ng efforts na ginawa ko.Na bilib sila sakin dahil napa amin ko rin siya sa wakas.Lumabas ako sa unit ko at umakyat kami sa rooftop tapos nakinig ng music ng naka earphone.Hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko habang nakikinig ng kanta kasama siya.Tinext ko na rin sina Zaiden at Kevin. Sinabi ko sakanila na kami na ni Wesley.At siyempre, itong si Wesley parang timang. Ang sabi niya wag ko daw sabihin kay Kevin na kami na dahil baka mag wala 'yon do'n sa resort ngayon.Ito namang si Wesley kitang nananahimik 'yong eh.Pero siyempre alam ko naman na biro lang niya 'yon.No'ng sumunod na araw, nag punta kaming bookstore. Nag pa sama ako sakanya dahil bumili
Habang pinagmamasdan kong umiikot sa gitna ng lamesa yong bote ay hinihiling ko na sana pag tumigil 'yon ay sakanya mismo tumutok.Ayoko nang patagalin pa 'to. Gusto ko na agad malaman kung gusto nga ba niya ako o hindi.Pero no'ng tumutok 'yon sakin ay na badtrip agad ako.Bakit sakin pa? Bakit hindi na lang sakanya?! Ang daya!"Okay, ako magtatanong." sabik na sabik na sabi ni Carla.Hinanda ko naman ang sarili ko para sagutin 'yong kung ano man 'yong itatanong sakin ni Carla. Actually, hindi na kasi namin napag usapan pa 'yong kung ano 'yong itatanong namin sa isa't isa kung sakaling kami 'yong taya."Sabihin mo samin kung bakit mo gusto si Wesley."Kita ko ang gulat sa mukha ni Wesley no'ng sinabi 'yon ni Carla gano'n din kay Russell. Ni hindi nga siya makapaniwala na gusto ko 'yong kaibigan niya.Ngumiti ako kasi ang ganda ng tanong niya. Saktong sakto dahil kaharap ko siya ngayon.Tinitigan si Wes
Oo nagulat siya no'ng sinabi ko 'yon sakanya. Pero nawala din kaagad ang 'yong gulat na 'yon sa mukha niya na tila parang wala lang sakanya na umamin ako ng feelings.Kinuha niya 'yong gulp niya saka niya 'yon mabilis na ininom tapos tinuro niya 'yong pagkain ko."Tapusin mo na 'yang pagkain mo." sabi niya. "Hintayin na lang kita sa labas." tumayo siya at umalis kaya naman tumayo na rin ako para sundan siya.No'ng makalabas na ako do'n sa seven eleven ay mabilis akong tumakbo para maabutan siya at hinila ko 'yong wrist niya."Sandali lang." sabi ko at napa tigil naman siya no'ng hilahin ko siya pabalik. Dahan dahan siyang humarap sakin, napatitig siya sa mga mata ko pero umiwas din kaagad ng tingin. "Sagutin mo muna ako, gusto mo rin ba ako?"Hindi siya sumagot sa tanong ko. Ni hindi nga siya makatitig sakin ng maayos. Para bang nag iisip siya ng paraan kung papano niya maiwasan 'tong tanong ko kaya naman inulit ko 'yon. Tinanong ko ulit siya
Umakyat ako sa rooftop dahil nakakaramdam ako ng sobrang init kahit na sobrang lamig naman ngayong gabi. Hindi naman ako uminom do'n sa club pero bakit ganito? Bakit namamawis ako ngayon?At hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong mga sinabi niya sa lalake kanina.Totoo kaya 'yon na gusto niya ako hanggang ngayon?Kasi kung oo, masaya ako dahil pareho na kami ng nararamdaman.Hindi na unfair 'yon para sakin.Sana pala no'ng hinatid niya ako pa uwi kanina ay tinanong ko siya kung totoo 'yong sinabi niya.Kaso lang, hindi na niya ako kinausap no'n kaya hindi ko na nagawang mag tanong.Bumukas 'yong pinto ng rooftop. Magtatago pa sana ako kasi akala ko siya 'yon pero no'ng makita kong si Kevin lang 'yon ay napa buntong hininga ako.Nagulat si Kevin no'ng makita ako rito kaya naman napatanong siya."Bakit gising ka pa, anong oras na kaya.
Aaminin ko na ba sakanya na gusto ko siya? Na totoong siya ang dahilan kung bakit kami nag break ni Zaiden?Chance mo na 'to para magtapat ng nararamdaman mo sakanya, Callie.Wag ka ng mag pa ligoy ligoy pa dahil ito na ang tamang pagkakataon.Hindi mo ba naisip na ang romantic ng ganitong klaseng eksena? Para kang nasa drama. I'm sure maging successful itong confession mo sa taong gusto mo na nasa harap mo na ngayon.Seryoso akong napatitig sa mga mata niya. Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga and i smiled at him."Ang totoo niyan... Tama— ay!"Biglang bumukas 'yong elevator at dahil sa gulat ay naitulak ko si Wesley papalayo sakin.Napatingin ako sa mga taong bumukas ng elevator at nandon si Kevin kasama nila.Lumapit siya samin at halatang nakita nila 'yong kung papano ko itulak si Wesley.Naks! I'm sure iba inisip nila.Badtrip naman. Bakit ba kasi ang malas malas ko?"Bakit hindi man lan
Hanggang sa pag uwi ko hindi pa rin maalis sa isip ko si Kaye.Gusto kong sabihin sakanya na tinu-two time siya ni Prince kaso lang hindi pa ako sigurado at hindi ko pa alam ang buong kuwento.Pero kung totoo man talaga 'yon, naawa ako sa kaibigan ko.Gusto kong kausapin si Prince at tanungin sakanya kung bakit niya ginawa 'yon kay Kaye. Mabait na tao si Kaye at kahit kailan wala siyang naka away na kahit sino. 'Yon ang pagkakakilala ko sakanya.Hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang sakanya at nagawang mang two time nitong si Prince. Ano kaya ang sumapi sa isang 'yon?Sinabi pa niya sakin no'ng nakaraan na nag cheat daw sakanya si Kaye kaya sila nag break. Baliw talaga ang lalakeng 'yon.Buti na lang napigilan ko 'yong bibig ko kanina at hindi ko siya binalikan sa loob para tanungin ng harap harapan.Gusto kong tulungan at mapalayo si Kaye sa taong 'yon.Muli akong lumabas sa unit ko at tinawagan si Kaye kaso lang hindi siya ma c
Halos madurog ang puso ko nang marinig ko 'yon sakanya mismo.Ang sakit... Ang sakit sakit na marinig na hindi ako ang gusto niyang makita rito.The way kung papano niya sabihin ang salitang 'yon ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko.Kung hindi ako, sino? Sino at para kanino ang text message na 'yon?!Para na akong maiiyak sa harap niya ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. Ayokong mapahiya sa harap niya ngayon. At ayoko rin na makahalata siya tungkol sa nararamdaman ko para sakanya.I look at him in the eye and i smiled.Pinilit kong ngumiti kahit ang sakit sakit na."Gano'n ba," sabi ko.Nahiya ako sa sarili ko dahil sa inasta ko. Nag assume ako na para sakin talaga 'yon. Sinabi ko pa naman kay Kevin ang tungkol sa text. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sakanya na hindi pala para sakin 'yon at na wrong send lang si Wesley."Sorry, Hindi ko na check matapos kong i-send. Hindi ko tuloy na bawi